/0/23280/coverbig.jpg?v=517a046f958d6d7fea63c5c7265ac80b)
(This chapter is divided into two)
3:56 pm
Saturday
San Crus Hospital
"Saan floor po 'yong Room #103?" tanong ko sa nurse. Naka-suot siya ng earphones habang nagta-type sa cellphone. Siguro di' niya ako marinig.
"Ma'am?" Nilakasan ko ng tanong.
Napasimangot siya ng tignan ako. Padabog ni'''yang tinanggal ang earphones at humarap sa 'kin.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya. Aba-aba! Ang sungit. GanIto na pala mga nurse ngayon.
"May appointment po ako sa room #103."
Tinignan ako niya ako at may hinagilap sa kan'''yang drawer. Nilibot ko na lang ang aking paningin habang hinihintay siya.
Trick #1: Avoid eye contact.
Alam ko na may-pagka mahiyain ako. I just can't stand people! Lalo na't mag-isa lang aking pumunta sa hospital. Ang lagi ko kasing kasama si Kyle at Namy 'yong close friends ko. 'O kaya minsan naman si kuya.
Nawala ako sa aking iniisip nang nagsalita ang nars.
"Appointment details?" She asked habang naka-kunot ang noo. Rinig na rinig ko ang pag-nguya niya ng bubble gum sa bibig. Mautal-utal na lang akong sumagot.
"K-kay Dr. Rose Javier po N-Neurologist," I answered politely. Oh' 'yan sana naman wag ka na magsungit ms. ha.
"Pangalan mo?" tanong niya.
"Krystella Ramirez ho ma'am."
Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. Nginitian ko na lang siya. Mag-ooverthink nanaman ako. Is there something on me?
Binalik niya ang kan'''yang titig sa mesa at may sinulat sa papel, pinunit niya ito at inabot sa 'kin. Kinuha ko ito at nagpasalamat.
"Thank you nurse,"sabi ko. She just nodded at bumalik na sa pagce-cellphone niya.
Tumalikod ako at naglakad papunta sa hagdanan. Umakyat ako pataas habang hawak-hawak ang aking cellphone. Binuksan ko ulit ang email ko at tinignan ang aking schedule.
Email (1)
From: San Crus Hospital
To: Ms. Ramirez,
Topic: #7 Consultation
Details:
Schedule: September 25, Saturday 5 pm.
Doctor assigned: Dr. Rose Javier (Neurologist)
Room: #103 Floor 5
According dito, 5th floor daw ang room #103. Ok! Apat pang floor. Ano ba'yan! Wala manlang elevator dito nakakapagod naman. Madali pa naman akong mapagod.
Patuloy akong umakyat at sa wakas! Naabot ko na rin ang fifth floor.Beads of sweat was rolling down my face. Naglakad ako ng diretso at tila wala kang maririnig na ingay dito.
Ano 'to? Haunted hospital?
Pag tingin ko sa ka nan ay may bathroom at sa gilid naman receptions area. Pero isang nurse lang ang nandito.
Nagpatuloy ako at nginitian ang nars. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang naglalakad. Dapat pala sinama ko na lang si Kyle. Atleast di pa nakakatakot.
#100
#101
#102
Bago pa man ako lumiko sa kaliwa, may na rinig akong nagsasalita kaya sumandal ako sa pader at pinakinggan sila.
"What do you need?" tanong nito sa kausap.
"Saan ka nanaman pupunta?" sagot ng babae. Girlfriend niya? Hindi eh parang medyo may edad na.
"Why do you need to know mom?"
Ahh, nanay niya pala.
Teka, bat ba ako nakikinig dito? Nagmumukha na tuloy akong Marites. A.K.A. chismosa.
"Nak naman, stop going around everywhere without telling me. I'm worried sick about you-"
"Ma, I'm 20."
"Wala akong pake kahit 105 ka na! Nanay mo ako at makikinig ka sa 'kin!" saway ng nanay.
Bago pa man sila mag-away lumayo na ako sa sinasandalan ko at naglakad papunta sa kanila. Nagulat ako ng makitang naka-suot ng lab coat ang nanay niya. Humarap siya at lumapit sa 'kin.
"Ay yes! Are you ms. Ramirez?" tanong ng doctor sa 'kin. Siya pala 'yong doctor ko!
"Yes po.. ako po," sagot ko.
"Ah, pasensya na ha! Wait here I'll just prepare something in my office. Tawagin kita mamaya ha?" aniya. Napabilis siya ng salita habang kamot-kamot ang batok.
"Opo," magalang na sagot ko.
Oo, alam ko. Magalang. Nung 6 years old kasi ako, snabera ako. Kaya pinagalitan ako ng tita ko. Every time na may ginawa akong mali, she gives me a punishment. It's probably papaluin niya ako or di ako papalabasin ng kwarto ko. She just makes me study inside my room. That's why may pag-over achiever ako. Kasi kung hindi, then parang wala akong kwenta.
Pero minsan kahit naman na-achieve ko na lahat laging hindi parin ako sapat.
Tumalikod ang aking doktor at pumasok sa kan'''yang office. Nang sumarado ang pinto napatingin ako sa lapag at naglakad papunta sa mga upuan. Umupo ako at napabuntong-hininga.
Binuksan ko ang aking cellphone at nag-kunyaring busy ako. Duh! Baka isipin ba ng anak niya interesado ako sa kanya kung kausapin ko siya.
Trick #2: Kunyare may ginagawa.
Effective 'to lalo na kapag may kasama akong lalaki.
Di ko inaalis ang lingat ko sa screen pero feeling ko nakatayo parin 'yong anak niya sa gilid.
Ano ka'''yang ginagawa niya?
I felt a weird atmosphere around us kaya nilingat ko ang aking tingin sa harap.
Patay!
Curiosity killed the cat.
Nakasandal siya sa pader malapit sa pintuan habang nakatitig sa 'kin. He has his arms crossed while staring. It was only a second pero alam ko he was smirking at me!
Nakakahiya!
Namula ang aking mukha at bumalik na sa pagkunyare sa phone ko. I can still remember his smirking face. Sometimes having photographic memory is a curse!
From what I remember,
He was wearing a pair of jeans and black hoodie. He had a messy hair look, and pale skin. Pero, kailangan ko pang i-angat ang aking ulo para makita ang mukha niya. Ang tangkad kasi eh!
Tall, dark, and mysterious.
Exactly my type. Pero! there's no way I will fall in love sa mukhang masungit 'no!
Pero gwapo.
Pero hindi!
Baka pangit ugali!
Pero pwede naman enemies to lovers di'ba?
I heard him sigh at naglakad papunta sa 'kin. Bumilis ang tibok ng pusa ko ng na rinig ko ang tunog ng mga hakbang niya.
He sat beside me and crossed his legs. Patuloy lang akong nakatingin sa cellphone ko kahit wala naman akong ginawa dito.
Na rinig ko si'''yang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. He was looking at me until now.
Mas lalong namula ang aking mukha kaya lumingon ako sa kabila. Lumingon din siya sa harap niya at pinatong niya ang pisngi niya sa kan'''yang kamay.
"Hey," tawag niya. Sumagot ako while avoiding eye contact.
"Mhmm?" sagot ko. Ano 'to? Parang scene sa mga nababasa kong romance novels!
Pero cliché.
Feeling ko may mangyayaring masama.
At hindi nga talaga ako nagkamali...
"You're phone's upside down," sambit niya.
......
Awkward silence.
Tanga-tanga kasi. 'yan! Napahiya na tuloy ako. Binaba ko na lang 'yong phone ko at tumawa. Just shrug it off self.
"Ahh thanks," I replied.
He just hummed and continued to shake his leg. Does every boy do that?
Tinago ko na lang ang mukha ko sa kamay ko at hindi na ulit nagsalita. Pero nakuha niya ang atensyon ko ng magsalita muli siya.
"Sorry, but I don't like quiet girls," aniya habang may nakakainis na ngiti ang kan'''yang mukha.
Parang isang baldeng malamig na tubig ang binuhos sa mukha ko.
"Hmm, do I look like I'm interested in you?" balik ko sa kanya.
Ay aba! Feelingero! Akala niya gusto ko siya?! Sabi na ba masama 'yong ugali eh! Hay, nakaka-high blood buti na lang anemic ako. Hindi ko na lamang siya pinansin ulit. Pasalamat siya mas mahaba pa ang pasensya ko sa buhok ni Rapunzel! Kung hindi sinabunutan ko na 'yan.
Na rinig kong muli si'''yang tumawa and I can feel his glares at me. Siya pa talaga galit? The audacity.
Get me out of this annoying situation.My prayers were answered ng na rinig kong umikot ang doorknob ng office ni doc. Lumabas siya ng nakangiti at tinawag ako.
"Pasok ka nak.." aniya.
Binalikan ko naman siya ng nakakasilaw na ngiti at pumasok sa loob ng kwarto. Sinarado ko ang pinto and I gave him a small fake smile before closing the door. He just scoffed and ignored me.
Buti pa 'yong nanay mabait 'yong anak hindi!
Umupo siya sa kan'''yang office chair at binig'yan ako ng nakakasilaw na ngiti. She looks very kind. Kung sana ganto rin si tita. Baka ganahan na ako maglinis ng bahay araw-araw.
Umupo ako sa harapan ng kan'''yang lamesa at binati siya.
"Good afternoon po doc."
"Good afternoon, Ramirez 'di ba?" she asked while opening her folder. I smile at her dahil mabait siya.
"Opo, pumunta po ako dito last time for MRI and I'm waiting here for the results." Nang tignan ko siya. Her expression changed to a frown.
'May kasama ka ba ngayon iha?" tanong niya ulit. Kinabahan ako ng mag-iba siya ng facial expressions.
"Wala po sa ngayon doc....." mahinang sagot ko
"Anong trabaho ng mga magulang mo? at may kapatid ka ba?"aniya.
"May kuya po ako.. nagtratrabaho.." I answered while refusing to answer the first question. Sa totoo, hindi ko alam. Si tita lang naman kasama ko eh. Kung meron man nakaka-alam kila mama, si kuya 'yon. But now he's busy. He's a singer now. Siguro ngayon, nasa eroplano na 'yon traveling for his next perfomance.
"How about your p-" pinutol niya ang kan'''yang tanong nang makita ang aking expresyon.
"Ah! nevermind.. " she said with a reassuring smile. Tumahimik ang kwarto 'yong tipong aircon lang maririnig mo. Ayaw bumuka ng aking bibig para magtanong. Mabilis ang pagtibok ng aking puso habang pinapatunong ko ang mga daliri ko.
My heart told me not to ask but my mind prevails over my body.
"Bakit po doc, anong problema sa 'kin?"