This is the day na hinihintay naming lahat. Halos nandito lahat ang mga Ferrer at Santiago para sabay-sabay kaming pumuntang simbahan.
Nandito kami sa may garden ng bahay para dito kumain, maganda ang sikat ng araw at ang garden ni mommy ang magandang lugar para masaya ang lahat. Nakiusap rin ng ceasefire si lolo George, huwag daw muna kami mag away nila lolo Steven and we both agreed.
Kaniya-kaniya silang kwentuhan sa mga upcoming projects. They might be very busy pero they still manage to go here. Yung kuya ko ewan ko ba nabwibwiset ako, ilang beses ko na siya tinatawagan hindi niya ako sinasagot.
"Kumusta naman ang ganap mo dito Selene??" tanong ni Zach, pinsan ko sa side ni daddy. He's gay but his a really good actor and model. Halos lahat ng mga brands na pinopromote niya ay puros high-end tsaka siya ang isa sa mga sinusundan sa larangan ng fashion.
"Oo nga bakla, you are here alone for four years hindi ka na bored?" dagdag na tanong ni Ynah, my cousin in mom's side. Anak siya ng kuya ni mommy na si Tito Billy. She's a good singer and actress halos kilala siya ng buong mundo dahil sa galing niya
"No, not at all. I keep accompannied by ate Rayne and Glynn kaya di naman nakaka bored" biglang mapang asar ang tingin nila sa akin ngayon na marinig nila ang pangalan ni Glynn. Tinaasan ko sila ng kilay at mas lalo nila akong tiningnan ng mapang asar.
"Do you love him?" mapang asar na tanong ni Renz, pinsan ko sa side ni daddy. He's a dancer and actor, certified hearthrob si Renz dahil sa likas nitong charming.
Naningkit ang mata nila at ngumiti ng nang aasar, inaabangan nila ang sasabihin ko at natawa ako dahil sa reaksyon nila.
"What??" natawa din sila at napailing dahil mukhang alam na nila ang sagot.
"You are still young Selene hahaha, you love him!" mapang-asar na sabi ni Ashley, pinsan ko kay daddy. She's a star, many youths admire her by her outstanding beauty.
Agad akong umiling at halos mamula dahil halos lahat sila ay napapailing habang nakangiti.
"Don't deny it Selene! Hahahaha" dagdag na pang aasar ni Molly.
"Hindi naman kasi talaga eh!" pag angal ko at di nila ako tinantanan kakaasar hanggang sa napasimangot na lang ako. Tawa sila ng tawa dahil di pa rin daw ako nagbabago, I'm still the Selene that they know from the start.
After namin kumain ay nagkanya-kanya na kami ng pag-aayos. Kasama ko sa kwarto si Ashley Santiago at si tita Sanira, yeah we still hate each other but we need to do this in the sake of the succession of the wedding.
Si Ashley ang nag mamake-up sa akin habang si Tita Sanira naman ang mag mag aayos ng buhok ko. Nagpaalam muna si Tita Sanira na kukunin muna ang gown at bilisan ang pag aayos sa akin. Kaya kaming dalawa ni Ashley ang natira dito sa kwarto.
"You really want to do this wedding?" tanong niya habang inaayos ang eyeshadow ko. We barely talk at wala din akong masyadong close sa mga pinsan ko.
"This is what I need to preserve my privacy" sagot ko sa kaniya.
"You know what you're a mysterious star, everyone wants to know who you are and I can help you with that" sagot niya at natahimik naman ako. Nakatingin siya sa akin at napamulat naman ako. Nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa kamay gko.
"I don't want to meddle with your decision but you're special to me kasi pinsan kita, if you don't want to do this wedding then I can help you to adopt the culture of being an artist. Ayaw ko lang mahirapan ka Selene"
"Marriage is not an easy thing. Alam kong mabait na tao si Ryan but how about the future? I know Ryan's past and I know yours. Paano pag biglang may bumalik? Paano pag nagkaanak kayo??" biglang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Ashley pero ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.
"I'm fine. Don't worry, kaya ko sarili ko" bumuntong-hininga siya at mukhang wala na siyang ibang choice kundi pagpatuloy ang pag mamake up sa akin.
Tama naman siya, marriage is not an easy thing. Ika nga, hindi ito isang mainit na sinaing na kapag sinubo mo pwedeng iluwa. Matagal ko na hinanda ang sarili ko para dito at ito na ang kapalaran ko. I don't want to lose everyone's sacrifices. May tiwala ako kay Glynn, he won't do anything that will make me cry. Kahit alam kong may Athena sa puso niya.
Nang matapos si Ashley sa pag mamake up sa akin ay napatulala siya.
"You're so gorgeous Selene" puri niya at di rin ako makapaniwala sa mukha ko ngayon. Light make-up lang ang ginawa niya sa akin pero ang ganda na agad. Napatulala din si Tita Sanira sa akin na kakapasok pa lang sa kwarto.
"Kunin mo nga ang pang ibang pang ipit Ashley kay Miney" marahan na utos ni tita Sanira. Ngumiti si Ashley at lumabas ng kwarto. Lumapit sa akin si Tita Sanira at nag umpisang ayusin ang buhok ko.
Walang nagtangkang mag salita sa aming dalawa, we are both in the serious faces. Inipit sa akin ni tita Sanira yung ipit ni Rapunzel nung mga bata nang tumakas sila sa tore na tinirahan niya.
Dinala na ni Ashley ang pang design na mga bulaklak sa buhok ko at nang matapos si tita ay pinatayo niya ako. She glance twice na para bang nakakita ng multo.
"Wait me here" sabi niya at lumabas ulit ng kwarto. Kinuha niya yung wedding gown at laking gulat ko na ito yung wedding gown ni mommy nung kinasal sila ni daddy.
"Dad wants you to wear this" tinulungan ako ni Tita Sanira suotin ang gown at mas lalo siyang napakurap.
"Ngayon lang ako sasang-ayon na kamukha mo nga si Safira" hindi ko alam kung compliment ba ito or what pero tinawanan ko lang siya.
"Mom's beauty will nothing to do with mine, tita" sinuot niya sa akin ang earings na alam kong suot din ni mommy nung kasal niya. Inayos niya ang veil ko at bahagyang napangiti.
"Dad will be happy to see you. You really look-like Safira" sabi niya at nilagyan niya ako ng necklace.
"This necklace was a gift of mine. Lagi tayong nag aaway but this is your big day gusto ko presentable ka" napangiti rin ako ng bahagya sa sinabi ni tita.
"Go downstairs after 5 minutes" tumango ako at umalis na si tita sa kwarto.
Muli akong napatingin sa salamin at ibang Scarlet Selene Santiago ang nakikita ko sa repleksyon nito. Napatingin ako sa phone ko at isang smiley face ang sinend sa akin ni Glynn.
Nireplyan ko siyabng tatlong question mark at nag reply agad ito ng 'See you'. Napailing na lang ako at nag check ng ibang messages kung may paramdam na ba ang damuho kong kuya. Napairap na lang ako nang makita na wala pa ring paramdam ang kuya ko.
"Ma'am baba na po kayo" narinig kong pagkatok ng personal assistant ni Tita Sanira kaya agad akong tumayo. Tumingin muna ako sa salamin at humingang malalim bago lumabas ng kwarto.
Halos nanlaki ang mata ng PA ni tita nang makita ako, napayuko naman ako dahil di ko alam kung natakot ba siya o kung ano.
Nag umpisa akong bumaba sa hagdan at kitang-kita ko sila na nag aantay na makita ako.
"Omg she's here!" rinig kong anunsyo ni Ynah sa lahat dahilan para ang lahat ng atensyon ay nasa akin. Halos lahat ng mata nila ay nakatitig sa akin and I don't want this kind of attention parang nanghihina ang mga tuhod ko.
Naririnig ko ang mga bulungan nila na kamukhang-kamukha ko si mommy. I can see Lolo Steven face na maluha-luha at hindi mawala ang tingin niya sa akin and even Lolo George na minsan lang ngumiti ay nakangiti na nakatingin sa akin.
Pagbaba ko ay kaniya-kaniya silang lapit sa akin. Nakita ko naman ang mataray at inis na tingin sa akin ni Miney, anak ni Tita Sanira. In this family, si Miney ang pinaka spoiled brat lahat dapat ng gusto niya makukuha at ayaw niya na hindi siya ang sentro ng atensyon.
"You really look like your mother apo when she get married to your father" masayang sambit ni Lolo George at ngumiti ako ng marahan.
"Safira" kunot noo akong tumingin kay Lolo Steven when he murmurs mom's name. He's teary eyed and I can see a shade of sadness in his eyes.
This is the first time that I realize na hindi lang akong nakakamiss kay mommy. Biglang umalis si Lolo Steven na siyang nagpailing kay Lolo George. Tinapik ni lolo ang balikat ko at marahang ngumiti.
"Since it is your wedding day, I have a big surprise for you" sabi ni lolo at tumingin sa may pintuan.
Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko nang iluwa ng pintuan si kuya. Nakangiti siyang lumapit sa akin at dala niya ang bulaklak na hahawakan ko mamaya sa paglakad sa altar.
"Kuya" maluha-luha kong sabi at pinag hahampas siya sa braso dahil sa inis. Halos tatlong taon ko din hindi nakita si kuya, alam kong busy siya at madaming ganap sa buhay kaya hindi ko na rin pinilit si kuya na puntahan ako dito sa Pilipinas. Agad akong niyakap ni kuya at natatawa sa inasal ko. Si kuya na ang tumayong nanay at tatay ko simula nung iwan kami ni daddy at nawala si mommy kaya malaki ang utang na loob ko kay Kuya Skyler. Hindi niya ako pinabayaan at hindi siyabgumagawa ng desisyon na ikapapahamak ko.
"Ikakasal ka na napaka iyakin mo pa rin tahan na" biro ni kuya at hinampas ko siya. Halata ang pagod sa mata ni kuya dahil sa busy niyang schedule at ganon din ang pangangayat ng katawan niya dahil sa puyat.
"Hindi ko alam na ang panget na kagaya mo kayang maging kamukha si mommy" pang aasar niya kaya nag tawanan ang lahat pero sinimangutan ko lang si kuya.
"Okay lang at least sure ako na hindi ako ampon" napailing na lang si kuya at lumapit sa akin.
"Act like nothing happens, okay? We'll talk about this later please" bulong ni kuya at medyo kinutuban ako ng di maganda.
Halos lahat ng gusto ko basta mag sabi ako kay kuya ibibigay niya kaya kapag nakiusap si kuya alam kong di ako mapapakali dito.
"Selene, may gusto palang bumisita sayo" sabi ni kuya at napapikit ako ng madiin sa nakita ko.
Halos lahat nang paghihirap, sakit at sakripisyo bumalik. Pinigilan kong huwag umiyak dahil wala naman kwenta ang paglalaanan ko nito. Madiin na hinawakan ni kuya ang braso ko para ipaalalahanan na umakto ng maayos.
Gulat at hindi makapaniwala ang lahat ng tao sa paligid ko. Naging neutral na lang ulit ang mukha ni Lolo George at mukhang nag iisip kung ano ang sunod na gagawin.
"Selene, anak" halata sa boses ni daddy ang pag aalangan at kaba, tumingin ako sa kaniya at ngumisi.
"Wala kang karapatan tawagin ako ng ganyan" mas lalong hinigpitan ni kuya ang pagkakahawak sa braso ko at tinanggal ito.
Mukhang sasagot pa sana si daddy pero inunahan na siya ni Lolo George.
"We're running late, let's go" aya ni lolo.
"Skyler and Ashley accompany Selene well" tumango si kuya at lumapit naman sa akin si Ashley habang hinahagod ang likod ko.
"Yes lolo" sagot ni kuya at Ashley. Magkatitig lang kami ni daddy and I can see the sadness and sorrow in his eyes. Wala na akong maramdaman na awa o kahit ano para kay daddy, I only feel is anger and grief.
"And you, come with me" tumingin si lolo kay daddy at mukhang walang nagawa si daddy kundi sumunod sa tatay niya.
Bumigat ang aura sa loob ng bahay. Tinapik naman ni Zach ang braso ko at niyakap ako. Kahit kailan talaga malambing ang baklita na ito.
"Aren't you glad? Your dad is here. Ano pa ang inaarte mo?" sagot ni Miney. She is the daughter of Tita Sanira and she always saw me as a rival on fame and attention.
"You shut up Miney. You don't know a thing" pag tataray ni Zach at napataas ang kilay ni Miney tsaka napatawa ng sarkastiko.
"You shut up dahil di mo naman narinig ang iyak ng babaeng yan begging to her father to come back and now? She's acting mad. Don't fool us Selene. Hindi porket kasal mo ngayon, matatakasan mo na ang katotohanan na ikaw ang panira sa pamilyang ito" pang duduro ni Miney at humarang naman si kuya.
"You know what Miney, you ruining this beautiful day can you just shut up?" pag tataray din ni Ashley. Mas lalong natawa si Miney at tiningnan kami mula ulo hanggang paa.
"The Santiago clan is bullying me, oh my ghad hahaha" papatulan pa sana ni Zach si Miney kaso pinigilan na ni kuya.
"Kaya ayaw na ng mga talent manager sayo kasi ganyan ang ugali mo, why not change baka sakaling maging busy ka din" natahimik naman si Miney at matalim na tumingin sa amin.
Naunang naglakad si kuya at inirapan naman no Zach si Miney bago kami sumunod.
"Don't mind her, inggit lang 'yon" pang cocomfort ni Zach at napatango naman ako.
Simula't sapul pa lang hindi na kami magkasundo ni Miney. We argue on many things, what she wants is what she gets. Spoiled brat and she has the bitch attitude.
Sumakay kami sa bridal car at nakasimangot lang ako habang si kuya ay neutral lang.
Nasa gitna ako ni kuya at Ashley habang si Zach naman ay nasa passenger seat. Lahat kami ay nagpapakiramdaman kung sino unang mag sasalita.
"We have an upcoming movie together with dad kaya nadulas ako na ikakasal ka na" lahat kami ay napatingin kay kuya. Mukhang alam ni Zach at Ash ang movie habang ako ay walang idea.
Kaya pala busy si kuya this past few months napasandal ako sa upuan at napapikit dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at ang tama kong i-react. I can't blame kuya
"Did you invite him?" tanong ko sa kaniya.
"No, he insist to go here" napabuntong hininga na lang ako at pinapakalma ang sarili ko.
"Did you forget what he did to us? To our family? Para tanggapin ang project na makasama siya sa iisang movie?" napatingin ako kay kuya pero tumingin lang siya diretso sa mata ko.
"No princess, hindi ako nakalimot. I did that para makauwi ako on your wedding day" napapikit ako lalo at di ko na napigilan na tumulo ang luha ko dahil sa inis.
Kuya Skyler is very sacrificial, he even set aside his pride just to go here.
"Kuya naman eh" napahagulgol na ako kay kuya at hindi na rin napigilan ni kuya ang pag buhos ng luha niya kaya pinunasan niya ang luha na tumutulo sa mata ko.
"Ssshhh. Don't cry princess, tatakbo si Ryan kapag nakita niyang crying baby ka pa din" pag bibiro ni kuya pero panay pa din ang agos ng luha niya.
"Sorry for not informing you early, Lolo Steven warn me and he didn't let me to go here kung sinabi ko sayo. Sorry" naririnig ko ang pag buntong-hininga ng dalawa kong pinsan.
"Selene, sweetie. Set aside those anger only for this day, don't ruin this beautiful day of yours please" pag lalambing ni Zach.
"Zach is right, no one wants this to happen just let everything be normal as if nothing happens. Just be happy, there's no one to blame here. Not you Skyler and not you Selene" dagdag ni Ashley. Napapikit ulit ako at pinakalma ang sarili ko.
"Okay" simple kong sagot at alam kong panatag sila kuya sa sagot ko.
Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa Casaysayan Church sa Tagaytay. Agad akong napangiti, Glynn knows my taste. Matagal ko na siya niyaya sa simbahan na ito na mag simba at igala ako pero laging di natutuloy dahil hindi kami pinapayagan ni Ate Rayne. Napaka simple lang kasi ng simbahang ito at napaka historical. Hindi ako makapaniwala na dito pala ako ikakasal.
Si Zach at Ynah ang pinag kuha ni Lolo George sa pictures kaya busy sila sa pag picture ng buong scenario. Bumaba kami ni kuya sa kotse at nakaabang si daddy sa labas.
"Mga anak" napapantig ang tenga ko sa pag tawag niya sa akin ng anak.
"I will let you to do your duties as a father only for this day but don't expect me to be nice with you" biglang sumilay ang konting ngiti sa labi ni daddy. Hinatak niya kami ni kuya sa kaniya at niyakap kami ng mahigpit.
"I'm sorry" nag pupumiglas ako at hindi ko na napigilan na mapaiyak. Maging si kuya ay naiyak na lang din dahil si daddy ay naiyak.
"Let go of us, ano ba!" pag pupumiglas ko pero hinahawakan ni kuya ang braso ko.
I'm not ready na bumalik si Jaden Santiago sa buhay namin ni kuya. Nasanay na ako mabuhay na mag-isa at inaasahan lang si kuya, ate Rayne at Glynn. Walang tatay na gumagabay.
How can he go back here like nothing happens?
Napakalas si daddy sa pagkakayakap sa amin nang tumunog ang kampana hudyat na umpisa na ang sermonya.
"Can I walk to you on the aisle? Please anak" pag mamakaawa ni daddy.
How can he ruin this day?
How can he made me so sad to my own wedding day?
How I wish that mom is here on my special day. Nakaabang kaming tatlo ni daddy at kuya sa labas ng simbahan para maglakad sa gitna ng altar.
"I can't imagine that this day will come" panimula ni daddy pero wala sa amin ni kuya ang tumingin sa kaniya.
"What? That you will go back here?" pinitik naman ni kuya ang kamay ko bilang pag saway pero tumingin lang sa amin si daddy at ngumiti. Ngiti na nasaktan.
"You still a young girl nung iniwan ko kayo but now you've grown up as a beautiful and strong lady" pagpapatuloy ni daddy at di ininda ang sinabi ko.
"Skyler is creating a good image and reputation in media industry while my princess will be a good and strategic CEO of three companies. Will also be a good wife and time will come you will be a good mother" napabuntong hininga si daddy at nag aalangan na hawakan kami ni kuya dahil nakatingin lang kami sa kaniya pero ngumiti lang siya.
"Time flew so fast ang lalaki niyo na but still you are still my little prince and princess in my heart" napairap ako sa kadramahan ni daddy.
"Walang camera dito daddy. You don't need to act like that" mag sasalita pa sana si daddy pero bumukas ang pinto ng simbahan.
Mula sa kinaroroonan namin hanggang sa altar ay kitang-kita ko ang mukha ni Glynn. Mukhang nagulat siya sa kasama ko pero agad siyang ngumiti.
"Aren't you scared to this?" rinig kong tanong ni kuya at natawa ako.
"Why would I scared to this? This is the fate that I chose kuya" alam kong gusto kong tuktukan ni kuya dahil sa sagot ko pero pigilan niya ang sarili niya dahil madaming tao ang nakatingin sa amin ngayon.
"I mean, it's not impossible na maging mother ka. Are you ready?" pasimple kong kinurot si kuya sa tagiliran.
"Company at academic ang uunahin namin ni Glynn hindi pag aanak. Ano ba kuya!" inis kong sabi at natawa naman si kuya dahil alam niyang nakabawi siya.
"Para pa din kayong aso't pusa" tuwang sabi ni daddy kaya parehas kaming umayos ni kuya.
"Ikaw lang naman ang nagbago at nawala dad" banat ni kuya at pinitik ko ang kamay niya para umayos.
Napatingin ako sa altar at kay Glynn na nakangiti sa akin. This is my fate, my path that I chose. I will make sure that I won't regret it. I will make sure that Glynn won't regret sacrificing himself for this stupid contract.
Napatingin ako sa kaliwang side ng simbahan at nandoon ang pamilyang Lopez kasama ang mga piling pamilya nila. Tita and Tito smiled at me tsaka tumango at ngumiti din ako sa kanila. Nakita ko din ang pag irap ni Miney sa kanan na side. Halos lumundag ang puso ko nang makita ko ang dalawa kong lola na nakangiti sa akin. 50 steps away mula sa altar, my heart was beating so fast. Napangiti ako ng makita ko si Glynn na malapit. Ibang-iba ang mukha niya ngayon. Napaka presentable at elegante niyang tingnan sa white tuxedo na suot niya.
"Be a good and faithful wife to him princess. Hindi madali ang pinasok mo pero alam ko na wala kang gagawin para masayang lahat ng sakripisyo para mapunta ka sa sitwasyon na ito" napatingin ako kay kuya at diretso lang siyang nakatingin sa altar.
Kuya wants me to let go of everything that hinders me to be happy. He wants me to focus on Glynn, only to him. Ayon lang ang gusto niya bilang kabayaran sa sakripisyo na ginawa niya para sa akin.
Hinawakan ni kuya ng mahigpit ang kamay ko at ngumiti.
"I'm so proud of you" ngumiti ako kay kuya at alam kong napangiti din si daddy.
10 steps away and I can feel my heart exploding from extreme heartbeat. Mahigpit na hinawakan nila kuya at daddy ang braso ko as a sign of telling me na ito na. There's no turning back.
Nasa harap na ako ng altar at nilahad ni Glynn ang kamay niya na siyang inabot ko.
"Alam mo naman ugali nito diba? Take care of her and always seek happiness" paalala ni kuya at tinapik ang braso nito. Tumawa naman si Glynn at tumango.
"Makakaasa po kayo kuya Skyler" sagot nito kay kuya na lalong nagpangiti kay kuya.
"Be a good husband to my princess. Don't leave her" napairap ako sa sinabi ni daddy. Ngumiti si Glynn tsaka napatango.
"Yes po tito" tumawa naman si daddy at tinapik ang braso ni Glynn.
"You can call me dad"
"Thank you po daddy" feel na feel ni Glynn ang sabihin ito. Kaya hinampas ko ang braso niya ng mahina.
Naglakad kami na papunta kay Father at nakatingin lang siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at napatawa siya.
"Nasa loob tayo ng simbahan at araw ng kasal natin pero nakakunot pa rin yang noo mo" sabi nito.
"Nakatingin ka kasi" inis na sabi ko pero lalo siyang natawa ng mahina.
"Hindi ko lang kasi ineexpect na may igaganda ka pa pala" nangamatis ako sa pula at di na ako nakasagot dahil nag umpisa na si Father.
"Welcome to all who have gathered here this day to share in this marriage ceremony of Scarlet Selene Santiago and Glynn Ryan Lopez.
These words, spoken today between Selene and Ryan are indeed important and sacred, but they are not what joins these two together, nor is this marriage ceremony. We are not here to witness the beginning of their relationship, but to acknowledge and celebrate a lasting bond that already exists between them. Selene and Ryan have already joined their hearts together and chosen to walk together on life's journey, and we have come to bear witness to a sybolic union and a public affirmation of the love they share"
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. How can I do my duties to be a good wife to the man beside me?
"Those of us in attendace today are present to witness a statement of lasting love and commitment between Selene and Ryan. The ceremonial union of two people in marriage, in its primordial form, is as ancient as our very humanity and yet is still as fresh as each day's sunrise. The commitment of love between Selene and Ryan speaks of their shared experience together and their dreams for the future, of the importance of each of them as individuals as well as the special bond they share, and of the importance of their community of family and friends."
Napatingin ako kay Ate Rayne na nakangiti sa akin. Isa siya sa mga bridesmaid. Alam kong ayaw ni Ate Rayne na makisali ang pamilya nila sa gulo namin. Though they are technically involve dahil close sila sa akin but she don't want this. She's against in this marriage but she can't do anything dahil nag desisyon na si Glynn.
"Everyone gathered here today was invited to this ceremony because you have played a special role in [Name] and [Name]'s lives. You are present at this ceremony to celebrate their marriage and to witness their vows of love to one another. Will all of you, gathered here to witness this union, do all in your power to love and support this couple now, and in the years ahead? If so please respond, 'we will.'"
"We will" sabay-sabay nilang sabi.
Napatingin ako kay Lolo Steven, he's smiling sarcasrically. He wants me to suffer, he wants me to be miserable but I gave him a sweet but a shade of evil smile telling him na hindi mangyayari ang iniisip niya.
"And Selene and Ryan, have you come here today with the intention to be legally joined in marriage? Do you pledge to choose respect, kindness, and compassion toward one another, to listen deeply to one other, and to speak to one another truthfully, today and always?"
Nagkatinginan kami ni Glynn at sabay ngumiti.
"We do" sabay naming sambit at halos lumundag ang puso ko sa saya. Ngumiti sa amin si Father at tumango.
"Selene and Ryan, your love is something that you both cherish, so much so that it's moved you join in the union of marriage and create a home together. Today, you dedicate your lives to giving one another happiness and support. To be certain, entering into the covenant of marriage is an act of deep trust and faith in the strength of your love. It would be a fool's error to base your marriage on the hope that your partner will change to become something they are not, or do something in the future that they do not already do today. Your marriage must be based on the heartfelt and sincere acceptance of one another, as you are, in each moment"
Accepting this contract of Lolo Steven, I knew that marriage is not an easy thing. Marriage is scared and serious. You will spend your whole life with this man and you can't turn back to this.
"The pledge you make today expresses your devotion to one another and to the love you share, and the words spoken here will support your marriage if you are able to sustain your commitment through the inevitable hardships you'll face together. Today, in the presence of your families and friends, you pronounce your love for each other and make a commitment that will define the next phase of your journey. We celebrate it with you, and wish you well"
It's now and forever. Whatever shits happen I can't give up easily unless he wants it.
Nagharap kami ni Glynn and I can saw the sincerity in his eyes. Panatag at malaki ang tiwala ko sa kaniya. I know he won't break me
"Ryan, please repeat after me" sabi ni Father kay Glynn tsaka ngumiti.
"I, say your name, take you, say her name, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse; for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish; 'til death do us part"
"I, Glynn Ryan Lopez, take you, Scarlet Selene Santiago, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse; for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish; 'til death do us part"
His eyes tells everything, from now on we will stand together as one and no one can break us.
"Selene, please repeat after me" sabi sa akin ni Father.
"I, say your name, take you, say his name, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse; for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish; 'til death do us part"
"I, Scarlet Selene Santiago, take you, Glynn Ryan Lopez, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse; for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish; 'til death do us part"
I smiled to him at wala na akong kawala dahil wala ng atrasan pa. We both say I do and we both take our pledge.
"May I have the rings?" binigay ni kuya at ni ate Raybe ang singsing.
"Since ancient times, the ring has been a symbol of the unbroken circle of love, with no beginning and no end. Love given freely has no giver and no receiver, for each is the giver and each is the receiver. May these rings always remind you of the freedom and power of this commitment you make here today."
"Ryan, please place the ring on Selene's finger"
Kinuha ni Glynn ang singsing.
"Scarlet, I give you this ring, as a sign of my vow to love, honor, and cherish you" tsaka sinuot ni Glynn ang singsing sa daliri ko. He look into my eyes and he's very angelic and comforting.
"Selene please place the ring on Ryan's finger"
Kinuha ko ang singing.
"Glynn,I give you this ring, as a sign of my vow to love, honor, and cherish you"
I will do everything Glynn para hindi masayang ang buhay na sinakripisyo mo para sa akin.
"Selene and Ryan, inasmuch as you have pledged yourselves, each to the other, and have declared the same in the presence of this company by the exchange of vows and the giving and receiving of rings, by the power vested in me I now pronounce you husband and wife"
"You may now kiss the bride"
Halos mangamatis ako sa pula ng marinig ang sinabi ni Father. Nakita ko ang pagtawa nilang lahat dahil halata nila na di pa ako ready.
Tinaas ni Glynn ang veil ko at ramdam na ramdam ko ang pag dampi ng labi niya sa labi ko.
Pumalakpak lahat silang lahat at nakita ko ang pagtulo ng luha ni kuya at ni lola.
"Ladies and gentlemen, I may present to you the newely wed Mr. and Mrs. Lopez" lahat sila ay nagpalakpakan ulit at inakbayan ako ni Glynn.
"You're mine now, only mine Mrs. Lopez" bulong nito.
"Swerte mo naman araw-araw mo na makikita ang maganda kong mukha" napangibit naman siya at hinampas ko ng mahina ang braso niya.
"Oo na oo na maganda na jusko minuto pa lang lumipas ng ikasal tayo nanghahampas na agad" biro niya at natawa naman ako.
I will be forever grateful to have you as my husband Glynn. I will do everything to make you happy.