Genre Ranking
Get the APP HOT

Chapter 2 Una

"Scarlet gising na" napamulat ako sa pag tapik ni Glynn sa braso ko. Ngumiti siya sa akin at inalalayan niya akong umupo mula sa pagkakahiga ko sa couch.

"Kakauwi mo lang?" tumango siya at napatingin naman ako sa orasan. Sampung minuto na lang bago mag alas dose ng madaling araw. Halata sa mukha niya ang takot at nerbyos.

"Oo kinulong kami ni ate para di tumuloy sa reception kanina" natawa ako. Naiintindihan ko naman si Ate Rayne. Kahit ako nasa katayuan niya ay ganon din gagawin ko. Nag usap kami ni Ate Rayne na sapat ng nagtatrabaho silang dalawa para sa akin kaya pilit niya inalis ang pamilya nila sa pagpipilian.

"Ang ganda ng singsing mo ah, bigay niya sayo 'yan?" bigla siyang nagulat sa pag hubad ko sa singsing at may namuong luha sa mata ko.

"Hindi naman dapat ako ang may suot ng singsing na yan eh" sabi ko sa kaniya at pilit kong pinipigilan na tumulo ang luha ko.

"He has a girlfriend at sila dapat ang ikakasal. I ruined their life, I am a terrible person" niyakap naman ako ni Glynn at hinagod ang likod ko.

Lahat na lang nag sakripisyo para sa akin. Kailan ba ako lumaban na walang inaasahan? Wala pa. Nasanay ako na may laging nasalo sa lahat ng shits ko.

"Limang taon sila pero nasira ko yon dahil sa pagiging selfish ko" napabuntong hininga si Glynn. Sa lahat ng tao sa mundo kahit anong tapang ang ipakita ko natiklop ako kay Glynn. Hindi ko kayang umiyak sa iba pero pag kaharap ko siya kahit anong pigil ko ay talagang tutulo talaga.

"Wag mong sisihin ang sarili mo sa bagay na di niyo naman parehas ginusto" pinunasan ni Glynn ang luha na tumutulo sa mata ko.

"Huwag ka ng umiyak at alam ko naman na gagawin mo ang tama, you never failed me Scarlet" napabuntong hininga naman ako at napatango.

"Alam ko na para di ka malungkot" sabi niya habang nakangiti. Nagpunta siya sa may sound system at nagulat ako ng pinatugtog niya ang kanta na palagi namin napapakinggan.

"Can I have this dance?" alok niya at nilahad niya ang kamay niya sa harap ko habang patuloy sa pag tugtog ang Unchained Melody by The Righteous Brothers.

Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa batok niya habang ang mga kamay niya sa bewang ko.

Oh my love,my darling

I've hungered for your touch

A long, lonely time

Time goes by so slowly

And time can do so much

Are you still mine?

I need your love

I need your love

God speed your love to me

Napapikit na lang ako habang dinadama ang bawat ritmo ng kanta. Humigpit ang pagkakahawak ni Glynn sa bewang ko at napatingin ako sa kaniya.

"Huwag ka na ulit iiyak ha, 'di ko kaya" bulong niya at kakaibang kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa sinabi niya.

-

Ilang araw na nagpapabalik-balik si Dylan sa bahay kasabay non na di na pag punta madalas ni Glynn. Hindi na rin niya ako kinakausap ng ayos at kung magkakausap man di siya makatingin sa akin ng diretso o di naman kaya ay iwas na iwas.

Nalaman ko din na matagal na pala magkakilala sila Glynn at Dylan. Sa katunayan nga eh matalik silang magkaibigan kaya nung nagkita sila ay parehas silang gulat na gulat.

Hindi mahirap makilala si Dylan medyo may pagkainisin siya pero hindi siya mahirap kausapin. Madali siya mauto at wala siyang ibang kinukwento kundi ang girlfriend niya. Iniisip ko na nga na baka kinokonsensya niya ako kasi power couple sila, yung tipong against all odds. Hindi kasi tanggap ng daddy ni Dylan ang relasyon nila dahil nasa mahirap na pamilya lang ang babae.

I cannot blame his father, business is business but I cannot blame Dylan also, love is love.

Lumabas ako ng bahay para abangan ang grab na binook ko dahil busy si ate Rayne, busy rin daw si Glynn at may gagawin daw muna si Dylan kaya sa mall na lang kami mag kikita. They didn't allow me to drive on my own dahil kung di ako ang mamatay, ako ang makakapatay.

"Ms. Selene" nagulat ako sa biglang pag sulpot ng babae sa harapan ko. She looks very familiar, kunot noo ko siyang tiningnan. Magulo ang buhok niya at para bang galing siya sa iyak.

Nakatingin lang siya sa akin at parang di makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.

"Excuse me?" mukhang nagulat siya at nakabalik sa senses niya. Ngumiti siya sa akin at may luhang namumuo sa mata niya kasabay ng pag titig niya sa suot kong singsing ngayon.

Bigla siyang tumakbo at nagkibit balikat na lang ako. That's weird. Tinext ko si Rayne at napatingin ako sa number ni Glynn. Should I call him? Wait. For what?? Napairap na lang ako at dinial ang number niya.

Hindi naman makatarungan na bigla siyang mag iinarte ng ganyan, deserve ko rin naman siguro ng konting explanation.

"Yes Selene?" halos nangirot ang puso ko sa bungad niya ng sinagot niya ang tawag.

"Do we have a problem?" inis na tanong ko sa kaniya at natawa siya na lalong nagpainit ng ulo ko.

"Bakit naman tayo magkaka-problema? Ano mo ba ako?" bigla akong natahimik sa tanong niya. Oo nga naman, tama naman siya.

Siguro ganon talaga di lahat ng bagay sa mundong ito ay permanente. Lahat mag babago, lahat pwedeng mawala at lahat pwede kang iwan.

Wala naman nag tatagal sa akin, walang kayang mag tiis. Kasuko-suko siguro talaga ako, di ko deserve sumaya o maging masaya.

"Hindi ka naman ganyan sa akin ah, bakit ka naging ganyan? Ano ba nagawa ko?" pinipilit kong wag umiyak dahil gusto ko sa aming dalawa ako ang manalo. Ayaw ko mag mukhang nag hahabol sa atensyon niya kahit mukhang ayon na nangyayari.

"Busy ako" tipid niyang sabi at binabaan ako. Gusto kong itapon ang cellphone ko sa sahig dahil sa inis. Saktong dating naman ng grab at buong byahe ako pesteng-peste sa paligid ko.

Lalong nadagdagan ang inis ko ng nag text si Dylan na di na kami tuloy dahil aasyusin niya daw muna ang ginagawa niya. Gusto kong mag mura dahil saktong nag hihintay ako sa mall ng mag text siya.

Anong gagawin ko dito? Tutunganga? Argh! I really hate this day! Nag try ako mag ikot-ikot at napag desisyunan kong mag waldas ng pera ngayon para mawala kahit papaano ang init ng ulo ko sa dalawang bugok na yon.

Bago ako mag waldas ay pumasok muna ako sa isang milktea shop na madalas kong binibilhan through online.

Habang hinihintay ko ang order ko sa waiting area nila may pamilyar akong mukha na nakita di kalayuan sa loob ng milkteashop na ito.

It was Glynn and he's with someone. Nagtatawanan sila at parang ang saya-saya nilang dalawa. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa at mukhang di pa ako napapansin ni Glynn.

Ito pala ang pinagkakaabalahan niya hindi trabaho. Tss. Okay lang naman na lumandi siya, wala naman kaso sa akin yon kasi tama nga naman siya ano nga naman siya sa akin diba? Pero pag trabaho sana naman trabaho lang after na ang landi.

"Wala na bang itatagal 'yan?" inis na reklamo ko at mukhang nataranta naman ang mga crew dahil sa akin dahil ayaw ko na mag tagal dito nayayamot lang ako lalo.

Madaming napatingin sa akin pero inirapan ko lang sila at isa na doon si Glynn pati ang kasama niya. I act like I didn't saw him at all.

"Sorry for waiting ma'am patapos na po" inirapan ko ang crew at bored na nag antay. Lalo silang nataranta sa akto ko at biglang lumapit naman sa kinaroroonan ko si Glynn.

"Selene" saway sa akin ni Glynn at siya na nag apologize sa natarayan kong crew. Hinawakan niya ang braso ko at inalis ko ito. Anong karapatan niyang kapitan ako.

"Selene your ass" inis kong sabi at sakto naman na tapos ng order ko. Binayaran ko naman ito at hindi na kinuha ang sukli. Mabilis akong naglakad, sinubukan niya akong habulin kaso hinatak siya ng babaeng kasama niya. Inirapan ko siya sa huling beses at oras na para mag waldas.

Kung saan-saan akong botiques nag pupunta. Mula sa alahas, damit, pantalon, mga sapatos at mga make-up na imposible ko naman magamit lahat pero binili ko pa din dahil sa inis.

"Ms do you need help?" tanong ng isang lalaki sa akin dahil madami akong bitbit. Hindi naman ako nabigatan dahil sanay ako mag bitbit ng mga mabibigat dahil shopping ang nakakawala ng stress ko. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Hindi ko siya pinansin at ramdam ko ang pag sunod niya sa akin.

"Really? Ako tatanggihan mo?" di siya makapaniwala at tumigil ako sa harap niya. Ano tingin niya sasarili niya lahat mag hahabol sa kaniya? Tss.

"Mukha ba akong nanghihingi ng tulong?" inis kong sabi at iniwanan ko siyang gulat doon at lumabas na ng mall.

Nag aantay ako ng taxi kaso halos lahat may sakay na. Wala din sa grab dahil traffic daw, napairap na lang ako dahil di ko matawagan si ate Rayne tsaka si Dylan.

Nagulat na lang ako ng biglang may umagaw sa mga bitbit ko.

"Sumabay ka na sa amin aabutin ka ng gabi pag mag aantay ka ng taxi o grab" sabi niya at pilit kong inaagaw ang mga gamit ko kaso nabwisit ako nang biglang sinabit nung babae ang kamay niya sa braso ni Glynn. Padabog akong sumunod sa kanila at sinimangutan lang sila.

"Are you really sure hahatid mo ko? Masyadong out of way. Pwede naman ako mag taxi, hatid mo na lang friend mo" maarteng sabi nito na kala mo maawa si Glynn sa kaniya. Kung pasabugin ko kaya bunganga nito ng mag tino.

"No, I insist" ngumiti naman yung babae na parang kinikilog at napa-make face na lang ako sa likod nila. Nang makadating kami sa kotse ni Glynn ay papasok na sana ako diretso sa backseat kaso nilahad ng babae ang kamay niya sa akin para makipag shakehands.

"Hi I'm Dina, you are?" malambing nitong sabi pero di ko siya pinansin. Nakatingin lang ako si Glynn sa akin at lumapit ako sa kaniya. Inagaw ko ang gamit ko sa kaniya.

"Kaya ko sarili ko" at umalis sa parking lot.

11 pm na ako nakauwi sa bahay dahil kumain ako mag isa sa isang restaurant di kalayuan sa mall. Naabutan kong nag aantay sa akin si ate Rayne at kunot noong tumingin sa akin.

"Nag away na naman kayo ni Ryan?" bungad sa akin ni ate Rayne pero di ko pinansin 'yon. Mukhang nahalata na ni ate na hindi na naman kami ayos kaya natawa ito.

"Kayo talaga daig niyo pa aso't pusa laging nag aaway" pang aasar ni ate at natatawa. Iniba ko na lang ang usapan para lalo akong hindi mairita.

"Okay na ba pinapaayos ko ate?" tumango siya at napabuntong hininga.

"Take a rest" tumango naman ako at ngumiti.

Uminom muna ako ng isang basong alak bago umakyat sa kwarto. Sobrang sama talaga ng loob ko kay Glynn Ryan.

Alas tres na ng hapon ng bumangon ako sa pagkakatulog ko. Ako'y nag ayos bago bumaba. Wala naman akong gagawin kundi tumunganga at may hinihintay akong bisita.

Nagpalipas lang ako ng oras sa pagkain at panunuod sa netflix. Nanunuod ako ng F.R.I.E.N.D.S para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at hindi nga ako nagkakamali. Friends never failed to make me laugh.

"Pinatawag niyo daw po ako?" pinatay ko ang pinapanuod ko at tumingin sa bisita ko.

Napaka simple niya lang talaga at bakas sa mukha niya ang lungkot tsaka kaba sa pwede mangyari ngayong gabi.

"Take a sit, do you want something to eat?" umupo naman siya at umiling.

"No need Ms. Selene, I'm in hurry dahil may trabaho ako" napangisi naman ako at upo ng ayos sa sofa.

"No need to hurry, I'll pay you thrice to your salary just stay" mukha naman siyang nahiya at napayuko.

"So your Yvonne? Dylan's love of his life" napatango siya at mukhang hinahanap niya ang singsing sa daliri ko. Hindi ko suot 'yon ngayon dahil hindi naman talaga para sa akin yon.

She's the girl yesterday na nangharang sa akin. Mukhang walang idea si Dylan na nagkita kami ngayon at kahapon dahil hindi naman ako kinukulit ni Dylan.

Parehas kaming natahimik at naghihintay kung sino unang mag sasalita. Wala akong balak dahil gusto ko marinig sa bibig niya na gusto niyang ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Dylan.

"We are in the same school. Sikat na sikat ka kahit wala kang ginagawa kundi ang magtaray at matulog sa klase" napatingin siya sa akin at nakipag titigan ako sa kaniya.

"Everybody admires you because you are smart,filthy rich and you are gorgeous. Kaya nag mamakaawa ako sa inyo, wag ang boyfriend ko. Iba na lang. Wag si Dylan" pag mamakaawa niya at napangiti ako.

"Bare with me and you can have him" gulat siyang napatingin sa akin at lalo siyang kinabahan dahil may naiisip ako.

After namin mag usap ni Yvonne ay tumambay muna ako sa garden ni mommy para makalanghap ng sariwang hangin. Lumalalim na ang gabi at wala pa rin si ate Rayne kaya pumasok na ako. Mag pupuyat na lang ako mabuod ng movie sa netflix sa living room. Kumuha ako ng malalamon sa ref at bumalik sa sala para mamili ng magandang movie na mapapanuod.

Napag desisyunan ko na lang na manuod ng mga disney movies. Mulan ang una kong pinanuod at halos magulat ang buong pagkatao ko ng makita na niluwa ng pinto si Glynn na may pasa ang mukha.

Hindi ko siya pinansin at nagfocus sa pinapanuod ko. Gustong-gusto ko talaga ang dedication ni Mulan. Nandoon na ako sa part na nagiging mahusay na warrior na siya at wala pang nakakaalam na babae siya.

Tumabi naman sa akin si Glynn at hindi niya alam paano ako kakausapin dahil nakatitig lang ito sa akin. Bigla siyang ngumuso dahil natiis ko siyang huwag pansinin at napakayap siya sa akin. Sinuntok ko naman siya pero lalo niya lang hinigpitan ang yakap.

"Sorry na di ko na uulitin. Hindi ko na uulitin na huwag lang tiisin at pansinin" sincere niyang sabi.

"Doon ka manghingi ng sorry sa Dina mo" inis kong sabi at natawa naman siya.

"She's your wedding organizer Scarlet" inirapan ko siya. Pagbuhulin ko pa silang dalawa eh.

"Are you really sure hahatid mo ko? Masyadong out of way. Pwede naman ako mag taxi, hatid mo na lang friend mo" I tried to mimic her voice at lalong natawa si Glynn. Ginulo niya ang buhok ko tsaka ngumiti.

"Wag ka ng magalit, hindi na ulit ako mawawala at mag babago"

Kahit mawala at magbago ka, alam kong babalik at babalik ka.

Nandito kami ngayon sa event hall kung saan gaganapin ang engagement party namin ni Dylan. Dito din itu-turn over sa akin ang dalawang kompanya. Starting today I will be the CEO of the two powerful companies and today I am officially engaged with Dylan Jace Reyes.

Lahat kami ay nakaupo sa isang table me, lolo Steven and lolo George, tito Reynald, tita Drina, Dylan, ate Rayne and Glynn. Supposedly nandito si kuya but he said he can't make it. Busy daw sched niya and as a very understanding sister ay bahala siya sa buhay niya.

"Bat hindi mo suot singsing ko?" bulong ni Dylan habang kunot noo na nakatingin sa daliri ko, hindi ko siya pinansin bagkus bahala siya mag isip kung nasaan ang singsing.

"Can we start the ceremony lolo?" magiliw kong sabi at hindi mawala ang ngiti ni lolo sa mukha at maging ang mag-asawang Reyes ay ganon din. Weird na tumingin sa akin si Glynn habang kalmado lang si ate Rayne.

Nagpuntahan ang waiter sa amin at nilagyan kami ng wine sa wineglass. Napatingin ako kay Dylan na ayos na ayos naka gray na coat siya habang suot ko ay isang red dress. I'm also wearing a red lipstick para bumagay sa damit ko.

Nag away pa kami ni Glynn sa suot ko pero wala siyang nagawa kasi ako naman ang boss at importante ang event na ito sa buhay ko.

"I really didn't expect that the lost princess of the family is getting married" plastik na sabi ni lolo Steven. Siya ang may gusto nito kaya paanong di niya ineexpect. Nag tawanan naman sila kaya nakitawa na lang ako.

"She has a short patience but I can assure you she is lovely Jace. Take care of my grand daughter" paalala ni lolo George. Medyo close ko si lolo George, medyo tuso siya pag dating sa negosyo at napaka kalmado niya lang sa lahat ng oras.

"No worries po, lolo George" confident na sabi ni Dylan.

"For family Ferrer, Santiago and Reyes" tinaas ni lolo Steven ang wine glass niya but i raise my hand.

"Before we gave a tose, can I take over the position as the CEO? If you don't mind lolo" biglang sumeryoso ang tingin ni lolo Steven sa akin.

"Gusto ko lang kasi na unahin ang trabaho para the whole time na kay Dylan na ang oras ko" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Dylan. Naweweirduhan na si Dylan sa inaakto ko pero sinipa ko siya para makisakay sa ginagawa ko.

"Selene is right Steven" pag sang ayon ni lolo George sa akin. Napangiti naman ako ng binaba ni lolo ang wineglass niya at sinenyasan ang secretary niya. Binigay ng secretary niya ang file at tumingin sa akin.

"If that's what you want Selene" sabi ni lolo at alam kong may gusto siyang iparating pero the hell I care.

Alam kong ramdam nila tito Reynald at tita Drina ang tensyon namin ni lolo Steven dahil di sila mapakali.

Pinirmahan naman ni lolo Steven at lolo George ang papeles. Inabot naman ni lolo Steven ang papeles sa akin agad ko itong pinirmahan at binigay kay ate Rayne.

"Congratulations apo, you have the Ferrer Group of Companies and Santiago Empire" magiliw na bati sa akin ni lolo George. Ngumiti ako at nagpasalamat kay lolo.

"Shall we have a tose now?" seryosong sabi ni lolo Steven but I crossed my arms at ngumiti sa kaniya.

"Why so rush lolo? I still have a guess and I think she's here now" sabi ko at tumingin sa wrist watch na suot ko. Nagpapatayan kami ng tingin ngayon ni lolo Steven. He knows I'm up to something that he doesn't like.

"Am I late? Am I welcome here?" napatingin ako sa nagsalita at biglang napangiti si lolo mukhang naka hanap siya ng kakampi.

Tita Sanira is here, mom's twin sister.

I smiled to tita at nakipag beso-beso sa kaniya kahit nandiriri ako sa kaplastikan na pinapakita ko.

"No, tita. You're just in time" sweet kong bati at alam kong nandiriri siya sa tono ng pananalita ko.

"Everyone this my eldest daughter, Sanira Ferrer-Cruz, Safira's twin sister" pakilala ni lolo kay tita. Nag shake hands sila at nakipag plastikan.

"This is Jace, Ms. Sanira, my son, Selene's groom to be" pakilala ni tita Drina sa anak niya. Nag beso beso silang dalawa at nag batian sila.

Tumingin sa akin si tita Sanira, tingin na nangpipikon.

"You have a good taste to men Selene ha, I didn't know na gusto mo pala yung may sabit. I heard you have a girlfriend hijo" biglang namutla si Dylan. Naging uneasy na ulit ang aura sa table lalo na sa magulang ni Dylan, sasagot sana si Dylan pero pinigilan ko siya.

"Yes he has and the hell you care?" kita ko ang inis sa mukha ni tita Sanira. Alam kong hindi siya papatalo ganitong apat na taon kaming di nagkita at di nag tatalo.

"Bago mo ko ipahiya sa mapapangasawa ko siguraduhin mong malinis yang nakaraan mo" dagdag ko pa. Pinisil ni Glynn ang kamay ko para umawat na ako pero 'di ko siya pinansin.

"That is enough Selene, ayan ba papakita mo sa magiging in-laws mo?" awat ni lolo Steven pero inarapan ko siya.

"Bakit? Aren't you glad that I'm stating the truth?" natahimik si lolo at alam kong nag iisip na siya ng paraan para matahimik ang nanggigil kong pagkatao.

"Inagaw mo si tito Vince sa asawa niya" madiin kong sabi at nanlaki ang mata niya. Sasaktan niya sana ako kaso napigilan siya ni lolo George.

"Don't you ever hurt my grand daughter in front of me Sanira" madiin pero kalmado na awat ni lolo George kay tita. Umupo siya sa bakanteng upuan at nagpapatayan kami ng tingin dalawa. Halos mapunit ang ngiti ko ng marinig ko ang tunog ng takong na kanina ko pa hinihintay.

"My guess is here, take a sit" umupo siya sa tabi ni Rayne at halos nanlaki ang mata ng magulang ni Dylan at maging si Dylan sa biglang pag sulpot ni Yvonne.

Pinaayusan ko siya kay ate Rayne at pinasuot ng magandang damit. Hindi ako nagkamali na aangat ang ganda niya at hindi halata na hindi siya mayaman dahil sa aura niya.

Panay ang kulit sa akin ni Glynn kung ano ang plano ko dahil hindi daw niya gusto ang pakiramdam ko.

"As a new CEO of the two powerful companies, I would like you to meet my new secretary her name is Yvonne Perez" pakilala ko sa kaniya at di makapaniwala na tumingin sa akin si Dylan.

"Sad to say we can't have a tose for the unity of our family Mr. Reyes, I'm calling this engagement off" nanlaki naman ang mata nila at maging si Glynn ay nanlaki din ang mata.

Sinesenyasan niya ang ate niya na gumawa ng paraan para mapatigil ako pero siya pinapansin. Nakita ko ang pag ngisi ni lolo Steven at tita Sanira, alam nila na kapag di ako nagpakasal magiging miserable ang buhay ko.

"But Ms. Santiago, this wedding is the only chance of our family to continue our business" halos di na mapinta ang mukha ni tito pero nginitian ko siya.

"Don't worry tito, I still have my terms and conditions" inabot sa akin ni ate Rayne ang isang file at pinirmahan ko iyon tsaka inabot yon sa kaniya.

"Your company will have a position on Ferrer Group of Companies, as you know FGC is very inclined to your business and you will still be be recognized as one of the most powerful company in the country" halos umalwan ang mukha nito at maging si tita Drina.

"But there is a condition"

"What is it Ms. Santiago?" desperado na tanong ni tito Reynald.

"Di ko nature ang mang-agaw ng hindi sa akin. So my condition is hayaan mo si Yvonne at si Dylan magmahalan. Sila ang ikakasal, hindi kami" napangiti naman si tita Drina at biglang naging seryoso si tito Reynald.

Nanlaki ang mata ni Dylan at ni Glynn. Nakita ko ang pag ngisi nila ate Rayne at lolo George. Hindi na maipinta ang mukha nila tita at lolo Steven.

"She will be working from me as my secretary and you will have the position to the company, just let them"

Napabuntong hininga si tito Reynald at wala na siyang choice kundi ang pumirma. Binalik niya ang papeles sa akin at nakipag kamay ako as a new business partners.

"I think everything is set up, shall we have a tose?" napangisi si tita Sanira.

"Mukhang may nakakalimutan ka Selene. Even though you have the company you are still have an obligation to marry a powerful family" natahimik ako at alam kong gagamitin nilang alas yon sa akin.

Napatingin sa akin si lolo George at nag hihintay ng gagawin ko.

Sa totoo lang wala pa akong plan B sa bagay na ito. Natahimik ako at nag iisip kung paano lulusot. Alam kong hindi ito papalampasin ni tita Sanira.

"Me" halos lahat kami ay nagulat sa pag taas ng kamay ni Glynn Ryan. Tumingin ako kay ate Rayne at wala siyang reaksyon. Hinawakan ni Glynn ang kamay ko at napabusangot sila tita.

"Glynn Ryan" mahina kong sabi pero pinisil niya lang kamay ko at ngumiti sa akin.

"Everyhing is set-up, shall we have a tose?" biglang singit ni ate Rayne. Tinaas naman ni lolo George ang wine glass niya.

"To the unity of the families" sabi ni lolo George at nag tose kami tsaka ininom ang wine.

Kaniya-kaniyang usap na sila at dumating na din ang mommy at daddy nila Glynn. Magkakausap na sila nila lolo at tita tsaka family ng Reyes.

"Maraming salamat talaga Selene hindi ko ineexpect na gagawin mo 'to para sa akin, para sa amin" masayang sabi ni Dylan at napayakap sa akin sa tuwa. Tinapik ko ang likod niya at tumawa.

Tinanggal naman ni Glynn ang pagkakayakap sa akin ni Dylan at nilagay ako sa likod niya. Napairap na naman ako, natawa sila ate Rayne at Yvonne sa inakto ni Glynn Ryan.

"Magpasalamat ka na lang, ayan yakapin mo si Yvonne. Akin ito eh" pag aamok ni Glynn at halos mamula naman ako sa sinabi niya. Silang tatlo na nag tawanan sa akin kasama si Dylan. Lintek ka talaga Glynn Ryan.

"Pero maraming salamat talaga Queen, malaki ang utang na loob ko sayo" pagsasalamat ni Yvonne at ngumiti ako sa kaniya. Naglambingan naman silang dalawa sa harap namin at napairap si ate Rayne.

"Doon lang ako kila mommy" paalan nito nag tawanan naman kami dahil alam naming nabibitter ito at namimiss ang boyfriend niya.

Nagpatuloy sa paglalambingan yung dalawa, halatang miss na miss na nila ang isa't isa at excited sa darating na kasal nila. Napangiti naman ako sa saya dahil hindi ko sila nasira, pinili ko ang tama.

"Gusto mo din lambingin kita?" pinangsingkitan ko ng mata si Glynn. Kailangan pa ba itanong yon?

Hinatak niya ako palabas ng hall at ang ganda ng view dahil nag umpisa na lumubog ang araw. Ngumiti siya sa akin at may kinuha sa loob ng coat niya.

Nilabas niya ang napaka gandang singsing at sinuot sa daliri mo.

"Ayan mas maganda, mas bagay sayo. Lagi mo dapat suot yan hanggat di pa tayo kasal ha!" napailing na lang ako at napayakap sa kaniya ng mahigpit.

"Bakit ka nag volunteer?" tanong ko pero halik sa ulo lang ang sinagot niya sa akin.

"Para matahimik ka na, ang intense ng sagutan niyo kanina tsaka ang galing mo" natawa naman ako at kinurot siya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Always remind your heart and mind that I will got you always Scarlet" di ko maipaliwanag ang kabog ng puso ko pero alam ko sa sarili ko na masaya ako.

Ilang oras din ang lumipas at lumalalim na ang gabi. Nauna nang umuwi ang pamilya Reyes kasama si Yvonne. Nag-usap din kami ni tita Drina kanina tungkol sa ginawa ko kanina at lubos siyang nagpapasalamat doon. Gusto niya lang ang makakabuti sa anak niya at si Yvonne 'yon.

Hindi na rin nawala sa paningin ko ngayon si Glynn Ryan, lagi siya nakabuntot sa akin jusko at ngayon ay hawak kamay kaming nakaharap sa magulang niya at kila lolo.

Bestfriend ni mommy ang nanay ni Glynn na si Tita Reign kaya ninang siya ni kuya. Nakangiti ito sa amin at ganon din si Tito Gerald. Napaka ideal ng family nila ate Rayne and Glynn is very blessed to have them as a parents. Napaka understanding at fair nila tito at tita na siyang nakuha ni ate Rayne. Si Glynn? Napaka understanding niya pero may pagka lagalag si Glynn unlike his ate na napaka serious and formal.

"Sabi ko na nga ba kahit away kayo nang away sa huli kayo pa din ang mag susumpaan" masayang sabi ni tita Reign. Natawa naman si tito Gerald at napapailing. Kada nandoon ako sa bahay ng mga Lopez ay wala kaming ginawa kundi ang magbangayan ng magbangayan.

"Masaya ako hija na magiging isa ka sa mga Lopez" napangiti naman ako.

Hindi man ako swerte sa naging pamilya ko dahil hindi maganda ang ugnayan namin, maswerte naman ako sa magiging pamilya ko.

Hindi na ako makahintay pa na maging isang Lopez.

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022