"Kagabi daw buddy. Umattend daw ng birthday party 'yong nanay at naiwang mag-isa ang biktima sa bahay nila. Pag-uwi nung nanay ng alas dos ng madaling araw eh nakaligtaan daw niyang silipin 'yong anak niya dahil sa sobrang kalasingan. Kanina pag-gising niya para pumasok sa trabaho dun niya lang naisipang silipin ang anak niya. The bed hasn't been slept into. Wala sa kahit saang sulok ng bahay ang kanyang anak. Pagpunta niya sa kusina para kumuha ng pagkain napansin niyang nakabukas ang backdoor nila. There's a sign of forced entry." Pagkukwento ni Arnold.
"Wow! What a responsible mother. Kapag lumabas na naglayas lang pala ang bata, hindi na ko magtatakha." Biro ko bago sumakay ng kotse.
"Sinabi mo pa, buddy. Kaya ayako pang mag-asawa eh. Ayakong makatagpo ng ganyan kapabayang babae." Napapailing sariling wika niya.
"Ulol! Ang drama mo! Paano ka makakatagpo ng pabayang babae eh lahat ng klase ng babae ikinakama mo." Sagot ko sa kanya sabay batok.
"Grabe ka naman sakin, buddy! Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga babae? Eh ayaw ko namang maging madamot." Kakamot-kamot niyang tugon.
"Siraulo!" Natatawa nalang ako napailing.
----
Pagdating namin ni Arnold sa bahay ng batang nawawala ay hindi na kami nagulat sa dami ng taong nagkukumpulan sa labas. Small town really has it's way of spreading news like forest fire. Grabe!
"Makikiraan po! Makikiraan!" Pakiusap sa mga tao habang nagpipilit na makadaan.
"Police! Out of the way!" Kahit ako nagulat nung sumigaw si Arnold. And as if the king is about to pass through, sabay-sabay nagtabihan ang mga tao para bigyan kami ng daan. Paano ba namang hindi eh 7 footer itong si Arnold at may napakalalim at malaking boses. Everytime he talks, it's like God himself is talking from heaven.
"Ayos ba?" May pagmamayabang na tanong niya na ikinatawa ko naman.
We saw a crying woman in the living room when we entered the house. Sobrang maga na ang kanyang mga mata sa labis na pag-iyak. Tss! Napakapabayang ina tapos ngayon iiyak-iyak.
"Ms. Anderson, i'm Police Junior Investigator Arnold Manson and this is my partner Police Junior Investigator Lance Hidalgo. Maaari niyo po bang isalsay sa amin ang lahat ng nangyari?" Panimula ni Arnold.
Tumango naman si Ms. Anderson at magsimulang magkuwento. Hinayaan ko na si Arnold na kumuha ng statement niya habang ako naman ang nag-ikot sa buong bahay. Sisimulan ko sana sa kusina kung saan sinabing halatang napwersang buksan ang backdoor nang mapatungo ako. I saw blue patches on the white floor.
"Ms. Anderson?" Tawag ko agad sa kanya.
"B-bakit po?" She turned her attention to me.
"Naglinis na ba kayo ng bahay?" Tanong ko.
"Hindi pa po, sir. Bakit po?" She asked back.
I just waved my hand at her and dialed for our forensic team. Nakailang ring din bago may sumagot sa telepono.
"I need forensic at the Anderson residence. ASAP."
-----
Daniel's Pov
Nang marinig kong may batang kinuha sa loob ng bahay nila ay nagmadali na akong pumunta sa bahay nila. Nasa sampung minuto lang naman ang layo nito mula sa presinto. Pagdating ko ay nanangalap na ng mga posibleng ebidensya ang forensic team. Hindi ko agad nakita sila Arnorld at Lance pero nakita ko naman ang nanay ng bata.
"Sir Daniel? Ano pong ginagawa niyo dito?" It was Arnold na kakapasok lang dito sa loob ng bahay.
"Nasaan si Hidalgo?" Tanong ko sa kanya.
"Sir! Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong niya rin sa akin.
"How's your investigation so far? Any ideas who did this? Oras kung kailan nawala ang bata?" Sunod-sunod kong tanong not minding their questions.
"The forensic team are gathering what they can. So far walang nakapansin ng kahit na anong kakaiba kagabi. Maagang matulog ang mga tao dito kaya kung bandang hating gabi hanggang madaling araw nangyari ang pagkawala ng bata siguradong walang makakakita." Paliwanag ni Lance.
"Well, i talked to a 17 year old boy living 3 houses from here doon sa kalsadang nasa harap nitong bahay. He said he saw someone standing outside the house. On that side." Ani Arnorld sabay turo bintanang nasa bandang kanan ko.
"Sinabi ba niya kung anong oras niya nakita iyon?" I asked.
"Yes, sir. 10:45 in the evening, sir. Hindi daw siya pwdeng magkamali dahil pinakita niya pa sakin 'yong text ng girlfriend niya na pinapatawag siya. The time stamp of the text message is 10:44 pm. Nasa loob siya ng kwarto niya nun. Nagsindi siya ng sigarilyo, nagkabit ng earphones at naglakad papunta veranda ng kuwarto niya saka idinial ang numero ng kanyang girlfriend. Dagdag pa ni Arnold.
Lumabas ako ng bahay para puntahan ang posisyong sinabi niya. I stood outside and i realize na kung gabi na at patay na ang ilaw sa balkonahe ng katabing bahay ay maaari kang tumayo sa pwestong ito ng hindi napapansin agad.
"The perpetrator stood up in this spot. Watched the kid as she watch t.v while waiting for her mom. I think the kid got hungry and went to the kitchen and the perpetrator followed and .... attack the kid here." I finish as we enter the kitchen from the backdoor.
"Sa tingin ko Sir, tama kayo." Pagsang-ayon ni Lance habang si Arnold ay tahimik lang na nagmamasid.
"And i doubt na may makukuha kayong kahit ano na pwdeng gamiting ebidensya." I added.
"Bakit mo naman nasabi 'yan sir?" Nagtatakang tanong ni Arnold. Ngayon lang siya nagsalita ulit simula kanina.
"Because we are chasing the devil. We have a god damn serial killer on the loose." Nag-iigting ang mga panga ni Daniel sa sabihin iyon.
----
Meanwhile...
A woman is making her bed when he saw a black van parking in front of the vacant house next to hers. That house has been vacant for five years after the owner moved to a different town. She was wondering if the owner decided to come back all of a sudden. Out of shame ay nagtago siya sa gilid ng bintana sa kanyang kuwarto pero hindi niya pa rin mapigilan ang pagiging likas na usyosera.
Nakitang nagpatingin-tingin ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na sumbrero at long sleeves sa paligid nito. Iniusog niya pa ang kurtinang hawak niya para mas matakpan ang kanyang pinagtataguan habang nakasilip pa rin naman sa bintana. Eksakto namang tumingin ang lalaki sa gawi ng kwarto niya. Alam niyang hindi siya nakikita ng lalaki pero pakiramdam niya ay alam nitong nagtatago siya sa likod ng kurtina. Ilang segundo itong tumitig sa gawi niya bago yumuko sa loob ng van. At hindi siya maaaring magkamali! Isang batang walang malay ang bitbit ng lalaki papasok sa loob ng bahay!