Nakaupo sa siya sa sofa sa gitna ng kanilang living room at nanonood ng mga pelikula habang hinihintay ang inang kasalukuyang nagpapakasaya sa isang birthday party. The little girl's name is Shelly Anderson. A seven year old balerina. Anak siya ni Bea Anderson, single mom at nagtatrabaho bilang sekretarya sa isang kilalang law firm. Nabuntis si Bea nung mga panahong hindi pa siya handang maging ina. Nainlove sa isang drug lord, nabuntis at iniwang mag-isa para buhayin ang anak.
"Kukuha na nga lang muna ako ng makakain sa kusina. Hindi ko na talaga kaya ang gutom ko." At nagsimula ng maglakad ang bata papunta sa kanilang kusina.
Sanay na si Shelly na maiwang mag-isa sa kanilang tahanan kaya naman kahit papaano ay kaya niyang asikasuhin ang kanyang sarili. Naghanap siya ng pagkain sa ref na hindi na kailangan pang iluto. Isang balot ng chocolate chips ang nakita niya. Kumuha siya ng isa at kinagat saka niya inipit sa pagitan ng kaniyan kaliwang braso at tagiliran ang lalagyan nito pagkatapos ay kumuha siya ng isang pitchel ng tubig. Nang maisara niya ang ref gamit ang isang paa ay may napansin siyang aninong dumaan sa labas ng bintana ng kanilang kusina. Dala ang chocolate chips at pitchel ng tubig ay nagmamadali siyang pumunta sa living room upang tawagan ang kaniyang ina. Ngunit paglapag niya ng kaniyang mga dala sa side table ay bigla na siya nawalan ng malay.
-----
"Love, hindi ka pa matutulog?"
"Mamaya na, Love. Tatapusin ko lang ito."
"Simula nang hawakan mo ang kaso ng pangloloob sa bahay ng mga De Luna bumalik ka na naman sa dati mong gawi. Halos hindi ka na naman natutulog. Magkakasakit ka na sa ginagawa mo. Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo. Paano nalang kami ng mga anak mo kapag ikaw naman ang nagkasakit?"
"Sandali na lamang ito, Love. Sige na, matulog ka na."
Five years has passed but he never really escaped the depression he experienced for not being able to provide justice to Krystal's family. Limang taon na syang nagpapanggap na hindi sya minumulto ng kanyang konsensya gabi-gabi dahil sa kaalamang ang isang walang pusong mamamatay tao at pedophile ay nananatiling malaya, possibly killing more little girls somewhere else. Ginawa nya ang lahat para mahanap ang may sala sa pagkamatay ng batang De Luna pero kahit anong pagsusumikap ang gawin nya ay nanatiling mailap ang hustisya.
"Daniel, halika na. Matulog na tayo." Ani ng kanyang asawa.
"Divine, please. Matulog ka na. Susunod na rin ako maya-maya." Matigas na sagot naman niya.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Hindi mo kasalanang namatay ang batang iyon! At mas lalong hindi mo kasalanan na haliparot na lalaki ang tatay niya kaya siya napabayaan! Daniel naman! Pinaparusahan mo ang sarili mo sa isang pangyayaring wala kang kontrol!" Hindi na napigilan ng babae ang kanyang damdamin.
"Kasalanan ko Divine! Kasalanan ko! Kung ginawa ko lang ang trabaho ko eh di sana nahanap na agad ang batang iyon bago pa man naisipan ng kidnapper niya na patayin siya! Kung naging isang effective na imbestigador lang sana ako eh di sana nailigtas pa si Krystal!" Na naging dahilan ng pagsambulat ng damdaming limang taon din kinimkim ni Daniel.
"Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para mahanap siya. Ibinigay mo halos ang buhay mo para lang mabigyan siya ng katarungan. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa isang bagay na wala kang kasalanan." Pagmamakaawa naman ni Divine.
"Matulog ka na. Marami pa akong kailangang tapusin." Iyon ang hudyat na hindi na gusto ni Daniel na magtagal pa ang kanilang diskusyon.
Sa loob ng limang taon ay hindi tumigil si Police Senior Investigator Daniel Montero sa paghahanap sa taong pumaslang sa batang De Luna. Malaki ang paniniwala niya na kung naibigay niya lang ang lahat ay baka nahanap pang buhay ang bata. Walang gabi na hindi siya binabangungot ng duguan at hubo't hubad na katawan ni Krystal. Umiiyak ito at humihingi ng tulong. Papaano niya ba matatakasan ang multo ng kanyang konsensya? Hindi. Hindi niya ito matatakasan. Kailangan ay mayroon siyang gawin. Kailangan niyang mahanap ang lalaking nangloob sa bahay ng pamilya ni Krystal. Kailangan niyang mahanap ang demonyong pumatay kay Krystal. Iyon nalang ang tanging paraan para matahimik ang kanyang buhay.
Napadako ang tingin niya sa kahong ibinigay ni Lance sa kaniya kanina. Ang sabi ni Police Junior Investigator Lance Hidalgo ito raw ang lahat ng nakalap niyang impormasyon patungkol sa batang napatay sa pinanggalingan nitong bayan na kalapit lang ng bayan nila. Binuksan niya ang kahon at isa-isang inilabas ang mga dokumentong laman nito. May mga nakita rin siyang folder na may pangalan ng bawat biktima. Bukod pala sa batang si Marissa Buenafe ay may mga nakuha pang impormasyon si Hidalgo tungkol sa anim pang biktima mula sa dalawa pang kalapit na bayan.
"Diyos ko..." Nanginginig ang mga kamay ni Daniel habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan ng mga biktima.
Mula lima hanggang walang taong gulang ang mga ito. Mala-anghel ang mga itsura at masasabing mayroong magagandang kinabukasan. Lahat sila ay kaparehas ng sinapit kay Krystal De Luna. Basag ang bungo, puno ng pasa at sugat ang buong katawan na tanda ng matinding pagpapahirap. Natagpuan ang kanilang mga katawan na walang saplot, sunog ang labas at loob ng kanilang mga ari maging kanilang mga dibdib at nawawala ang isa nilang nipple.
"Napakawalang puso ng gumawa nito. Hayop!" Galit na bulong ni Daniel. Mas lalong umigting ang pagnanais niya na mahanap ang taong gumawa nito sa mga batang biktima.
"Hidalgo, we need to talk." Bungad ni Daniel ng sumagot ang kapwa imbestigador sa kanyang tawag.
["Tungkol saan, Sir?] Tugon naman ni Lance sa kabilang linya.
"You're right. There's a serial killer roaming around and we have to find him quick!" Daniel said while clenching his fist.
["Yes, sir."] Lance replied before ending the call.
Iniligpit na ni Daniel ang mga files na nakakalat sa mesa at nagpasya ng umakyat sa kanilang silid. There's a renewed purpose in his steps. Like a man on a mission.