/0/19790/coverbig.jpg?v=10bb7aee0dabe757d7f72f1705e96b83)
Irene's POV
Nandito na ako ngayon sa school. Hindi ko nga nakasabay si Tyler kasi maaga raw itong umalis sabi ni Tita.
Nang malapit na ako sa room napansin kong nasa labas halos lahat ng mga kaklase ko.
Anong meron?
Laking gulat ko nang pagpasok ko ng room ay nakita ko ang buong Vanguards maliban kay Tyler.
"IC, saan ka ba nanggaling nag-aalala sa'yo sina dad." tanong agad sa akin ni kuya ng makalapit ako sa kanila.
"Si dad lang. Hindi sina..." paglilinaw ko sa sinabi niya.
"IC, galit lang si mom!" hindi niya napigilang sigaw sa akin.
"Iyon na nga eh! Bakit naman magagalit si mom diba kung hindi mahalaga si Eurika sa kanya." pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Bakit ba ako na lang lagi ang mali?
"Hindi mo kasi alam..." mahinang sabi nito sa akin na sapat na upang marinig ko.
And there, roon palang alam ko ng may itinatago sila.
"Kasi ayaw niyong ipaalam!" naiinis at nauubusan ng pasensya kong sabi sa kanya.
"Irene, he's still your kuya lower down your voice." saway sa akin ni Kuya Dexter.
Ayoko na! Iyong mga taong akala kong kakampi ko sila pa 'yong mga taong pinipilit sa akin 'yung mga bagay na hindi ko maintindihan at nakakasakit sa akin.
Si Fress naman ay nakatingin lang sa akin at feeling ko alam na niya 'yong sinasabi ni kuya na hindi ko naiintindihan.
"Fress..." umiling lang siya sa akin na para bang sinasabing wala rin siya alam.
"Ayaw niyong sabihin? Edi 'wag. Sino ba naman kasi ako para malaman ang totoo diba?" Lumabas na ako ng room at tumakbo papunta sa likod ng school kung saan may mini garden doon.
Doon naman ako pumupunta pag may problema ako eh. Ngayon na nga lang ulit ako makakapunta doon.
Katahimikan
Kailan ko kaya mararanasan ulit 'yan. Iyong walang sakit at puro kalokohan at kasiyahan lang kaso ngayon mukhang malabo ng mangyari.
"You're still crying?" tanong sa akin ng isang lalaki kaya napaangat ako ng tingin dito.
"K-Kaizer," tawag ko sa pangalan niya.
"Hindi ka ba napapagod umiyak?" tanong niya sabay abot sa akin ng isang kulay pulang panyo.
Is it real? Hindi kaya sinundan niya ako.
"I'm here because I want to escape reality not because of you." sabi niya na para bang nabasa ang nasa isip ko.
"Wala naman akong sinasabing dahil sa akin kaya ka pumunta dito." sabi ko sa kanya habang pinupunasan 'yong mga luha ko.
"Wala nga pero 'yon ang sinasabi ng mga mata mo." walang emosyon nitong sabi sa akin.
"Minsan na nga lang mag-assume eh." bulong ko ngunit narinig niya pala.
"Kaya kayo nasasaktang mga babae dahil lagi na lang kayong nag-aassume." sabi niya habang nakatingin sa langit.
"Hindi naman lahat. Bakit ako? Kahit gusto kita hindi naman ako nag-aassume na magugustuhan mo rin ako. Just let me love you until na makamove-on na ako." dire-diretso kong sabi sa kanya. Sa wakas ay naamin ko rin ang aking one-sided love.
"You love me?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Isn't it obvious? Sabi ko naman sa'yo eh hindi lahat ng babae pinahahalatang gusto nila ang isang tao." hindi naman siya nagsalita kaya tinuloy ko na lang 'yong sinasabi ko.
Baka ito na 'yong tamang panahon para buksan ang puso ko para iba.
"Hayaan mo hindi na ako magiging apektado sa'yo. Pipigilan ko ng istalk 'yong facebook, twitter, and IG mo. Hindi na rin ako mangingialam sa inyo ni Eurika pero sana 'wag mong gawin sa kanya 'yong mga ginawa mo sa mga naka-fling mo." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at nag-umpisa nang maglakad ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Be my girlfriend." walang emosyon niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.
Ako naman natural na napalaglag ang panga sa narinig ko.
"W-What?" nanlalaking matang tanong ko.
"Be my girlfriend." pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
"S-Si Eurika?"
"She's just n-nothing."
Eh? Bakit parang ang hirap paniwalaan na wala lang sa kanya si Eurika?
"Are you serious?" gulat pa rin na tanong ko sa kanya.
"Of course. At diba sabi mo gusto mo ako kaya wala ka ng karapatang tumanggi. Let's go!" sabi niya bago ako hinalahin sa kung saanman kami pupunta.
Am I dreaming? Kung na nanaginip lang ako ayoko ng gumising!
Nakarating kaming canteen na hawak pa rin niya 'yung kamay ko.
Seryoso ba talaga siya?
"I WANT you to meet my girlfriend, Irene." sabi agad ni Kaizer pagdating namin sa Space-Out Room kung saan kumpleto ang Vanguards. Ang Space-Out Room ay ginawa mismo ng school para sa kanilang Vanguards.
Pero teka! Kilala niya ako?
"What?" sabay-sabay nilang sigaw na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Kaizer.
"Tsk! Yes. We're couple." tinaas niya pa 'yong kamay naming magka-interwined.
"How?"
"When?"
"Why?"
"Where?" sunod-sunod nilang tanong at bigla na lang may lumagabog sa harap namin.
What the heck?!
"Tyler!"
"Kaizer!" sabay-sabay naming sigaw ng Vanguards.
Walang pakundangan lang namang sinuntok ni Tyler si Kaizer sa mukha.
"Pati ba naman si Irene gagamitin mo?! Wala ka na ba talagang iniisip kundi 'yang sarili mo?! Bakit nalaman mo na ba na gusto ko niya kaya ginawa mo agad siyang girlfriend?!" galit na sigaw nito kay Kaizer habang nilalayo ako kay Kaizer.
"Oo. Bakit may magagawa ka ba?" tanong ni Kaizer habang nakangisi.
Ano bang pinag-aawayan nila? Susuntukin pa sana ni Tyler si Kaizer ng bigla akong sumigaw.
"Tumigil na kayo!"
And after that everything went black.