/0/19790/coverbig.jpg?v=10bb7aee0dabe757d7f72f1705e96b83)
Si Tyler ay matagal ko ng kaibigan at childhood bestfriend ko rin siya.
Nililigawan niya rin ako. First year high school ata kami ng nanligaw siya sa akin?
Ewan ko. Hindi ko na rin maalala eh. Masyado na kasing maraming nanligaw at nanliligaw sa akin.
Hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko ha! Nagsasabi lang ako ng totoo.
Nandito na nga pala ako ngayon sa room namin at nakaupo sa pinakadulong row para malapit kay Kaizer dahil lagi siyang sa likuran nakaupo.
And speaking of Kaizer, pumasok na siya kasama si Tyler. Kaklase ko rin si Tyler dahil parehas kami ng kinuha na track kaso mas matanda nga lang ng one year si Tyler sa amin.
"Hi, Irene!" nakangiting bati sa akin ni Tyler.
"Hello!" nakangiti ring bati ko sa kanya.
Buti pa siya binati ako samantalang itong si Kaizer snob lang.
Psh! Pasalamat siya gwapo siya eh.
"Hi, Kaizer! Good morning." nakangiting bati ng malandi naming kaklase na si Eurika kay Kaizer na may kasama pang pakapit-kapit sa braso nito.
"Tsk! Agang-aga PDA at worst, first day pa 'yan ha! Malalandi nga naman." pagpaparinig ko sa higad na nakakapit sa braso ni Kaizer.
"I agree!" sigaw ni...
Oh my God.
"Fress?!" nanlalaking matang sigaw ko habang nakaturo sa babaeng nakangiti sa akin.
"Its me. The one and only!" sabi nito sa akin bago kumindat.
Fress is my bestfriend since pre-school at nagkahiwalay lang kami noong lumipat silang Canada and now na nakikita ko siya sa harap ko.
I was like 'Am I dreaming?' kasi naman nakita ko na ulit ang bestfriend ko tapos si Kaizer nakatingin pa sa akin!
Assuming Alert!
"Lower down your voice!" sigaw sa akin ni Kaizer.
Kaya pala siya nakatingin sa akin kasi maingay ako.
"Eh kung ayoko? Tsk! Intindihin mo na lang 'yang kalandian mo d'yan." sigaw ko sa kanya.
Oo, sinigawan ko talaga siya. Wala naman kasing may alam na gusto ko siya eh except kay kuya at dito sa bestfriend kong si Fress.
"Tss... Daldal."
"Haynako, IC! Still now siya pa rin?" tanong sa akin ni Fress ng makalapit siya sa akin.
"Shhh, shut up ka lang! Alam mo namang walang may alam na may gusto ako sa manhid na 'yan diba." bulong ko sa kanya at pinandilatan ng mata.
"Eh?! So siya pa rin pala talaga. I see..." sabi niya habang natango.
"Nand'yan na ang Vanguards!"
"Oh my gosh! Kumpleto ang Vanguards ngayon!"
Hindi mga gangster ang mga 'yon! Grupo 'yon ng mga kalalakihan na sikat dito sa buong university.
Hindi lang basta sikat. Sila 'yong mga lalaking gwapo, mayaman, talented, varsity players sa iba't-ibang sports, at isa sa mga namumuno sa charity na tinutulungan ng school.
They are called Vanguards.
Hinila ko agad si Fress palabas ng classroom dahil naglalakad na naman ang Vanguards sa hallway.
Minsan lang 'to mangyari sa buong school year. Ang dumaan sa senior high school department ng kumpleto ang Vanguards.
"Gosh, IC! Ang gwapo pa rin ni France!" bulong sa akin ni Fress habang titig na titig kay France. Ang pinakamatandang miyembro ng Vanguard.
"Dexter, ang hot mo talaga!"
"Kyaaaaaaah! Ang gwapo ni Sain!"
Like ew! Si kuya gwapo? Saang parte? Bulag ba 'yong sumigaw noon?
"Hance, ang cute mo!"
"The Hottie Chinito Tyler!"
"Gavin, oh em gee!"
"France, ang gwapo-gwapo mo!"
"Kaizer, akin ka na lang!"
"Ang iingay niyo!" hindi ko napigilang sigaw sa kanila kaya napatingin silang lahat sa akin. "Why are you looking at me?!" pagtataray ko sa kanila at tinaasan pa ng kilay.
Huh! Huwag nila akong matingnan-tingnan ng ganyan dahil masama ako magalit. Nanahimik naman sila at tumungo. Ang iba naman ay nag-iwas ng tingin sa akij.
"IC, sino na naman kaaway mo?" tanong sa akin ni kuya nang makalapit sila sa kinatatayuan namin.
Hindi ko manlang napansin na nasa harapan na pala namin ang Vanguards maliban na lang kay Kaizer.
"Wala ka na doon!" sabi ko kay kuya sabay irap.
Kaasar! Ang aga-aga pa pero nababadtrip na ako sa mga malalanding fangirls na 'to.
"Hi, IC!" nakangiting bati sa akin ni France. Ngumiti rin ako sa kanya at kumaway pa.
"Hello, France. This is Fress nga pala, bestfriend ko." pagpapakilala ko kay Fress sa kanya. I don't call him kuya kasi ayaw niya at ganoon din sa iba.
"Kilala ko na siya..." napatingin naman ako kay Fress na parang nagulat sa sinagot ni France.
"Eh? How?!" gulat na tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang mata. Paanong nakilala niya si Fress eh lowkey admirer lang naman ang bestfriend ko?
"Secret..."
"Okay, fine!" nakangusong sagot ko sa kanya. "Nasaan na nga pala si Kaizer?" pag-iiba ko ng topic at luminga-linga sa paligid.
"Hinahanap mo na naman." bulong sa akin ni kuya kaya inirapan ko na lang siya.
"IC, pwede bang sabay tayo mamayang mag-lunch?" tanong sa akin ni Tyler na ngayon ay katabi ko na.
"Sure!" masayang sagot ko sa kanya kaya mas lalo siyang ngumiti. Kakain lang naman eh kaya anong masama roon? Loyal pa rin ako kay Kaizer 'no!
Pero i-try din nating mag-entertain ng mga suitors tsaka nandoon naman siya kay Eurika eh.
"Flirt." rinig kong bulong ni Kaizer.
Ako ba 'yong sinasabihan niya o 'yong katabi niya?
"Sige na! Pasok na ako. Ang dami kasing malalandi dito!" maarteng sabi ko sa kanila at pumasok na sa loob ng classrook.
Pagpasok ko ay saktong biglang nag-ring ang bell at ano pa bang aasahan niyong gagawin namin?
"Ms.Fortaleza," Magpapakilala na naman. Every school year na lang namin 'tong ginagawa eh. Hindi pa ba nila tanda ang pangalan ng isa't-isa.
"I know that you know me all so, I don't need to introduce myself." sabi ko sa harap nilang lahat bago ulit bumalik sa upuan ko.
Wala kayong pake kung hindi ko trip magpakilala. Walang basagan ng trip!
Si Fress lang ang kaibigan ko at 'yong mga kaibigan ni kuya. So, why bother to tell them who I am?
It's just a waste of time.
"Taray mo talaga, IC." bulong sa akin ni Fress ngunit nagkibit-balikat lamang ako.
"I know right!"
"Psh. Kaya hindi ka magka-boyfriend eh!" natatawang asar niya sa akin kaya inirapan ko siya.
Another fact about me! I am proud to be a NBSB.
"So? Nand'yan naman si Kaizer kaya bakit maghahanap pa ako ng iba?" mataray na sabi ko sa kanya bago ngumisi ng malaki.
"'Wag ka ng umaasa. Ang alam ko sila na ni Eurika kaya sila ganyan kalandi." bulong nito sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Bakit hindi ko ata alam 'yon?
"What!?" sigaw ko bigla dahil sa gulat.
Napalakas ata ang sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin pati si Ma'am.
"Yes, Ms.Forteza?" nakangiting tanong ni ma'am. Mabilis naman akong umiling at ngumiti.
"Nothing, Ma'am." sagot ko at bumalik na siya sa pag-checheck ng attendance pero 'yong iba kong kaklase ay nakatingin pa rin sa akin.
"Why are you still looking at me?" tanong ko sa kanila kaya nagbalikan naman sila agad sa ginagawa nila.
"Ang bad mo, friend." saway sa akin ni Fress.
"The hell I care! Totoo bang sila na?" pagbabalik ko sa topic namin. Lagi ko namang ini-stalk si Kaizer pero wala akong nalamang ganoon.
"Ewan ko lang. Iyon ang sabi ni Kuya Dexter sa akin eh ng magpag-usapan namin si Kaizer." Parang gumunaw ata ang mundo ko sa narinig ko kay Fress. Alam kong marami ng naging ex si Kaizer pero ito kasing si Eurika matagal ng na-iissue sa kanya. Kailangan ko munang kausapin si Kuya Dexter para malaman kung totoo nga 'yon.
Si Kuya Dexter ay kapatid ni Fress na member din ng Vanguards. Isa rin siya sa pinakaclose ni kuya sa grupo kaya naging malapit na rin ako sa kanya.
Napatingin na lang ako bigla sa kinauupuan ni Kaizer at napasabi sa sarili kong...
Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo, Kaizer John Malabanan?