Chapter 2 OO1

Irene's POV

"Mommy!" isang dumadagundong na sigaw ko sa kwarto nina mommy at daddy nang makarating ako sa loob ng kwarti nila.

Nagising din ba kayo? Sarreh!

"Anak, bakit ka ba nasigaw?" tanong sa akin ni daddy na halatang kakagising lang.

"Irene Claudette, ano ba't kaaga-aga eh sumisigaw ka ha?!" galit na sigaw sa akin ni mommy.

Hala! Galit si mommy. Sabi nga nila...

Lokohin mo na ang lasing. Wag lang ang bagong gising.

"Gusto ko lang naman makasabay kayong mag-almusal." sabi ko sa kanila habang nakanguso.

Paawa effect muna ang inyong dyosa.

"Irene, it's just quarter to six! For pete's sake! Seven thirty pa ang klase mo!" nakakatakot na sigaw ni mom sa akin habang nagsusuot ng kanyang bathrobe.

Puyat ba siya? Dati naman maaga talaga silang nagising.

Baka naman kasi pinuyat ni dad kagabi. Ops!

"Hon, hayaan mo na. Excited lang 'yang dalaga mong pumasok." sabi ni dad sa kanya upang kumalma siya.

Dad is right. First day ng school ngayon kaya excited ako pero hindi talaga 'yon ang dahilan. I'm excited because...

Makikita ko na naman ang Prince Charming ng buhay ko na si Kaizer John Malabanan.

"May magagawa pa ba ako? Bumababa na kayo at susunod ako!" masungit na ani ni mom. Sabay na kaming bumaba ni dad at hindi rin naman nagtagal ay bumaba na rin si mom.

"Hey, Ma! Why so early?" tanong ng kuya kong walking labanos habang pababa ng hagdan.

Gosh! Agang-aga umiiral ang pagiging conyo ng kuya ko.

"Kuya, why so conyo?!" mataray kong tanong sa kanya.

Ayan nahawa na rin ako kay kuya.

"It is called swaeg!" tapos tumawa siya habang kitang-kita ang kanyang shine bright like a diamond na gums. Eww...

"Tumigil ka nga, Sain sa kaka-swaeg mo d'yan!" saway sa kanya ni mommy kaya nanahimik naman ito.

"Tsk!"

Bakit ganon? Ang ganda ko naman pero 'yong kuya ko mukhang gilagid.

But! Ang daming nagkakagusto sa kanya. Like duh! Are they bulag ba?

"So, what's the matter?" tanong ni gilagid este ni kuya pala.

"Anong what's the matter? Ano 'yan science?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Hoy! IC, tumigil ka nga sa kasungitan mo sabihin kita kay Kaizer eh." pananakot sa akin ni kuya kaya nanahimik ako.

Close kasi sila ni Kaizer kaya ang lakas niyang manakot. As if I care! Ni hindi nga ata ako kilala no'ng lalaking 'yun eh.

Para lang naman kasi akong nagmamahal sa hangin.

"Tse! Mananakot ka na naman." inismidan ko lang siya at umirap.

"Tumigil na kayong dalawa! Pagbubuhulin ko kayo!" naiinis na suway sa amin ni mommy.

Si mommy ata may red alert! Ang sungit eh.

Oh swaeg, swaeg, swaeg... Oh, oh, oh!

Napatigil ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone ni kuya. Yes, iyon po ang ringtone ng gwapo kong kuya. Pwe!

At take note boses niya pa 'yon.

"Oh, hello!"

Ah, sige saglit lang bibilisan ko na...

Nandyan na rin si Kaizer?

Okay, just give me a minutes and I'll be there." mahinahong sabi nito bago ibinaba ang tawag.

"Nandoon na si Kaizer?" tanong ko agad kay kuya pagkababa niya ng tawag.

"Ne?" (Yes) simpleng sagot nito sa akin bago uminom ng tubig.

"Kuya, can I go with you?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Aniyo," (No) seryosong sagot nito.

"Jebalyo!" (Please) sabi ko at nag-puppy eyes pa para pumayag siya.

"Gusto mo lang makita si Kaizer eh. 'Wag na!" naka-ismid na sagot nito sa akin kaya lalo akong nagpaawa.

"Sain, isabay mo na 'yang kapatid mo." sabi sa kanya ni mommy. Napa-straight face na lang si kuya dahil sa sinabi ni mommy.

Ewan ko ba kung bakit suportado ako ng pamilya ko sa kabaliwan ko kay Kaizer kahit alam naman naming lahat na imposibleng magkatotoo ang mga pinapangarap ko.

Bakit ba kasi ako naging anak ng Multi-Billionaire na tao?

Hinahabol-habol tuloy ako ng mga mayayamang pamilya.

"Fine. Lets go!" sabi ni kuya na tumayo na para lumabas ng bahay.

Dali-dali naman akong nagpaalam kina mom at dad at sumunod kay kuya na lumabas dahil baka iwanan ako nun.

Masakit pa namang maiwan.

Umupo na agad ako sa shotgun seat ng sasakyan ni kuya. Oo, may sarili siyang kotse. Samantalang ako magiging legal age na pero hindi manlang ako marunong mag-drive pero bago ang lahat magpapakilala muna ako.

I'm Irene Claudette Forteza-Malabanan. Joke lang! Forteza lang wala pang Malabanan. This is my first year on senior high school at Hillstone University.

Consistent honor student and certified fangirl ni Kaizer John Malabanan. People uses to tell me that i'm almost perfect because of my characteristics.

Matalino ako, talented, at isa sa mga namamahala sa charity ng university kaso kahit kilala ako at nasa sa akin na ang lahat parang wala lang ako para kay Kaizer. Kaya hindi ako naniniwalang almost perfect na ako.

Wag ka ng magtaka, Irene. Kaya nga siya naging Mr.Heartless ng school kasi wala siyang pakialam sa iba.

Pagpaalala ng utak ko sa akin.

"Bumaba ka na d'yan. Nandito na tayo!" malakas na sabi sa akin ni kuya kaya napabalik ako sa wisyo. Hindi ko manlang napansin na nasa parking lot na pala kami ng school.

"Tsk! Sige na, bye!" sabi ko bago bumaba ng kotse niya at naglakad na parang dyosa sa gitna ng campus.

Pake niyo ba? Kay future mother-in-law naman 'tong school eh.

"Isa talaga siyang dyosa!"

"I agree! Ang ganda niya talaga bagay sila ni Tyler!"

"Irene! Ang ganda mo talaga. Idol kita!"

Masyado pang maaga para sa mga compliments nila at si Tyler, sino siya?

Well, he's one of my special friends.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022