Genre Ranking
Get the APP HOT
The Undercover Billionaire
img img The Undercover Billionaire img Chapter 2 One
2 Chapters
Chapter 6 Five img
Chapter 7 Six img
Chapter 8 Seven img
Chapter 9 Eight img
Chapter 10 Nine img
Chapter 11 Ten img
Chapter 12 Eleven img
Chapter 13 Twelve img
Chapter 14 Thirteen img
Chapter 15 Fourteen img
Chapter 16 Fifteen img
Chapter 17 Sixteen img
Chapter 18 Seventeen img
Chapter 19 Eighteen img
Chapter 20 Nineteen img
Chapter 21 Twenty img
Chapter 22 Twenty-one img
Chapter 23 Twenty-two img
Chapter 24 Twenty-three img
Chapter 25 Twenty-four img
Chapter 26 Twenty-five img
Chapter 27 Twenty-six img
Chapter 28 Twenty-seven img
Chapter 29 Twenty-eight img
Chapter 30 Twenty-nine img
Chapter 31 Thirty img
Chapter 32 Thirty-one img
Chapter 33 Thirty-two img
Chapter 34 Thirty-three img
Chapter 35 Thirty-four img
Chapter 36 Thirty-five img
Chapter 37 Thirty-six img
Chapter 38 Thirty-seven img
Chapter 39 Thirty-eight img
Chapter 40 Thirty-nine img
Chapter 41 Forty img
Chapter 42 Forty-one img
Chapter 43 Forty-two img
Chapter 44 Forty-three img
Chapter 45 Forty-four img
Chapter 46 Forty-five img
Chapter 47 Forty-six img
Chapter 48 Forty-seven img
Chapter 49 Forty-eight img
Chapter 50 Forty-nine img
Chapter 51 Fifty img
Chapter 52 Epilogue img
img
  /  1
img

Chapter 2 One

Ysharra's POV

"Nadiligan ka na naman, 'no?"pag-uusisa ng kaibigan kong si Vhantins habang nagsusuklay ako sa harapan ng salamin.

Nakapangalumbaba pa ang gaga habang nagniningning ang mga matang naghihintay sa isasagot ko.

"Tse! Tigilan mo nga ako,"naiilang kong sambit.

"G'wapo ba? Malaki ba? Mayaman ba?"sunod-sunod niyang tanong na lumapit pa sa kinaroroonan ko at inalog-alog ako.

"Kung g'wapo lang ang usapan...Oo g'wapo.Mayaman? Super yaman!"over acting kong sabi at inilarawan ko pa sa kaibigan ko ang mamahaling suot nung lalaking naka-one night stand ko.

"Shet! Bakit kasi hindi mo 'ko sinama!"ngumuso pa ang gaga.

"Edi naunahan mo pa 'kong hayop ka!"Binatukan ko pa siya kaya wala siyang ibang nagawa kung 'di mapadaing sa ginawa ko.

"So ano? gano'n-gano'n na lang 'yon?matapos nung ganap,ba-bye na?"dismayado niyang tanong.

"Kinuha ko 'yung ID niya."Pinakita ko pa sa kanya 'yung ID na nasa palad ko.Nanlaki ang mga mata niya at agad hinablot sa 'kin.

"Pota ang g'wapo! Nakabingwit ka girl.Ano pa'ng ginagawa mo? Tawagan mo!"excited pa siya sa 'kin.

"Ayoko nga,"pirmi kong sabi.

"Ano? Bakit ayaw mo? Ikaw nga 'tong nangangarap na makabingwit ng mayaman para matustusan lahat ng luho mo 'tsaka maiahon ka sa hirap ta's ngayon aayaw-ayaw ka,"inirapan niya pa 'ko.

"Wala naman siyang interes sa 'kin.Sabi niya,'yung nangyari raw sa 'min ay plain sex lang,"paliwanag ko.

"Pero hindi ako iinom ng pills para kung sakaling mabuntis ako,do'n ako magpapakita sa kanya para guluhin ang buhay niya,"nakangisi kong paliwanag habang abala sa paglalagay ng skincare.

"Hello?! Omg,sumagot siya!"Nagtatalon si Vhantins sa tuwa habang nakalapat ang phone sa tenga niya.

Matapos kong maisip kung sino 'yung tinawagan niya,agad akong lumapit para kunin ang phone.

Kinuha niya nga pala 'yung ID!

"Akin na 'yan!"Pilit kong inaagaw sa kanya pero hirap na hirap ako dahil inilalayo niya.

"Hello Sir! May gusto po kasing kumausap sa inyo!"masayang paliwanag ni Vhantins.

Nasapo ng palad ko ang noo ko dahil sa stress na binigay niya sa 'kin.Nyeta bakit niya kasi tinawagan!

"Oh.."Inabot niya sa 'kin 'yung phone na abot langit ang ngiti.

"Ang yummy ng boses niya girl!"bulong niya sa 'kin bago tuluyang lumayo.

Nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba o hindi pero may naririnig pa rin akong nagsasalita kaya nilagay ko na sa tenga ko.

Halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang kaba.Huminga muna ako ng malalim bago pakinggan ang sinasabi niya.

"Hello? The fvck! You're wasting my time!"He shouted over the phone.

"Hi.. it's me,"nag-aalangan kong sabi.

"Who the hell are you?"He seems like he will burst out anytime.

"Ako 'yung naka-one night stand mo kagabi do'n sa club."Napakagat pa 'ko ng labi dahil sa kahihiyan.

"What do you need? How many times do I have to tell you that it's just a plain sex!"Nailayo ko sa tenga ang phone dahil sa sigaw niya.

Ang lakas ng loob niya sigawan ako!

Tumaas tuloy ang kilay ko at humugot ng malalim na hininga bago tuluyang barahin siya.

"I just want to inform you na hindi ako uminom ng pills kaya kung sakali man na mabuntis ako, panindigan mo!"

"The fvck?! Are you crazy?"He unbelievably said.

"No, of course not! Basta panindigan mo if ever,"pagpupumilit ko.

"I don't care,gold digger,"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at akmang sasagutin siya pero ibinaba na niya ang tawag.

Fvck you!

Magpapabuntis talaga ako para magulo kita.Sa ayaw at sa gusto mo,sa 'yo kami titira ng magiging anak mo.Kakamkamin ko lahat ng kayamanan mo kaya humanda ka.

Nakangisi akong humiga sa kama dahil sa mga naiisip ko.Ito lang ang tanging paraan na naiisip ko para maiahon ko ang sarili ko sa punyetang buhay na 'to.

I'm so tired being poor!

Sa sobrang pag-iisip,bumigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa ingay ng phone na kanina pa nagr-ring.Inis akong tumayo para kunin 'yon.

"Hello?!"Ubos ang pasensya kong bungad sa kung sino man ang tumawag.

"Anak ako 'to!"Biglang kumalma ang mood ko nang marinig ang boses ni Mama.

"Anong nangyari,Ma?"Bakas kasi sa pananalita niya na parang hindi siya mapakali.

"Sinugod na naman namin ang Papa mo sa Hospital.Nakauwi ka na ba galing sa trabaho? Diretso ka na agad dito anak."Nanlumo ako nang marinig ang sinabi ni Mama.

Ilang beses nang pabalik-balik sa Hospital si Papa kaya baon na baon na kami sa utang.

Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.Wala akong pera na maibibigay sa kanila dahil wala naman akong trabaho.

"Anak? Nand'yan ka pa ba?"Biglang tanong niya.

"Oo Ma,kagagaling ko lang sa trabaho.Hindi ako makakapunta d'yan kasi hindi ako p'wedeng mag-absent.H'wag kang mag-alala Ma,padadalhan ko na lang kayo ng pera."Napapikit ako matapos lumabas sa bibig ang mga katagang 'yon.Ni-hindi ko nga alam kung paano ko pa bubuhayin ang sarili ko ngayong walang-wala na 'ko.

Hindi alam ni Mama na wala akong trabaho.Ako na lang kasi ang inaasahan nila kaya alam kong madidismaya sila kung sakali man na malaman nila na walang-wala rin ako.

"Sige na Ma, matutulog na 'ko.Night duty kasi ako ngayon,e."Kailangan ko na talagang humanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.

Hindi ko na nakakaya na nakakapasinungaling ako kay Mama.Ako na lang ang bumubuhay sa kanila dahil may sakit na si Papa kaya hindi niya na magawang magtrabaho.

"Sige anak,maraming salamat."Tuluyan ko nang ibinaba ang tawag.

Nasapo ng dalawang palad ko ang mukha ko at do'n impit na umiyak.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Sa mga nakaka-sex ko lang nakukuha ang mga binibigay ko kina Mama.Madumi na kung madumi pero 'yon lang ang alam kong paraan para kumita ng malaki.

Nahihiya na rin akong humingi ng tulong kay Cross dahil ang laki na rin ng utang na loob ko sa kanya.

Ayokong mamatay si Papa dahil sa sakit niya sa puso.Hindi na 'ko p'wedeng mangutang kay Brando dahil halos isang milyon na ang utang namin sa kanya dahil sa sakit ni Papa at sa mga kailangan niyang gamot.

Ilang taon na kaming nangungutang sa grupo niya at kada buwan may interest kaya umabot ng gano'n kalaki ang halaga.

Siguradong manganganib ang buhay ng pamilya ko kung sakali man na hindi ko siya mababayaran sa panahon na binigay niya sa 'kin.

Kaya naghahanap ako ng taong mayaman na kayang bumuhay sa 'kin at kayang mabayaran lahat ng utang namin.

Masama na kung masama pero desperado na talaga ako.Kung hindi ko 'to gagawin,nasa panganib ang buhay ng pamilya ko.

Hinawi ko ang luha sa mga mata ko at inayos ang sarili matapos mag-ring na naman ang phone ko.

"Tita Rhissa?"bungad ko sa kanya.

"Teka nga,umiiyak ka ba?"Hindi ko na nga pinapahalata pero nahalata niya pa rin.

"Sinugod na naman sa Hospital si Papa,"mangiyak-ngiyak kong sambit.

"Nako! Malaking problema na naman 'yan."

"Kailangan ko ng pera para kay Papa,Tita.Naisip ko na baka mangutang na lang ulit ako kay Brando kahit na ang laki na ng utang namin sa kanya."Pilit kong pinipigilan ang iyak ko pero hindi ko magawa.

"Nako! H'wag ka nang mangutang sa kanya! Alam mo naman kung gaano ka-hayop 'yung taong 'yon kaya h'wag ka ng hihingi ng tulong do'n.Baka ano pang gawin niya sa 'yo,"babala ni Tita.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko,Tita."Wala sa sarili kong sambit.

"Saktong-sakto,nag-resign 'yung yaya nung amo ko.Pumunta ka na dito,ipapasok kita bilang yaya."Ilang beses nang nabanggit ni Tita sa 'kin 'to pero binabaliwala ko lang.

"Dadagdagan ko na lang ang sweldo mo buwan-buwan para may maipadala ka sa pamilya mo."dagdag pa niya.

Hindi 'to ang panahon para maging mapili ako sa trabahong papasukan kaya tumango kaagad ako kay Tita.

Na-k'wento niya sa 'kin na siya ang namamahala sa lahat ng kasambahay sa mansyon na pinapasukan niya kaya madali niya lang ako maipapasok.

"Maraming salamat talaga Tita! Hulog ka ng langit sa 'kin."Binaba ko na ang phone at sinimulan ko nang mag-ayos.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa isang trabaho dahil naging kasambahay na rin ako nung bagong salta pa lang ako rito sa Maynila.

"Alis ka? Sa'n punta?"tanong ni Vhantins na kalalabas lang ng kwarto niya.

Tumira muna kasi ako sa isang boarding house habang naghahanap pa rin ng trabaho.Matagal ko ng kaibigan si Vhantins simula nung napadpad ako dito sa Maynila,siya na ang tumayo bilang kapatid ko.

"May trabaho na 'ko,"pagmamalaki ko sa kanya.

"Ano namang trabaho 'yan,aber?"Tinaasan niya pa 'ko ng kilay at humalukipkip habang nakatingin ng diretso sa 'kin.

"Yaya,"pirmi kong sambit.

Natawa siya bigla sa sinabi ko na para bang biro lang ang narinig niya.Hindi pa siya makapaniwalang tumingin sa 'kin.

"Seryoso? Ba't hindi mo na lang ibenta 'yang katawan mo tulad ng palagi mong--"

"Shhh!!"Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa mga salitang sinasabi niya.

Tumingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa 'min.Nakahinga ako nang maluwag nang makita na walang katao-tao.

"Alam mo namang chismosa lahat ng boarders dito ta's sasabihin mo pa rito 'yan,"suway ko sa kanya.

"Sorry naman! So ano na nga? Nagbagong buhay ka na talaga?"natatawa niyang tanong.

"Of course not! Gagawin ko pa rin 'yung bagay na 'yon.Bali extra income ko lang 'yung pagiging Yaya,"paliwanag ko at tuluyan nang nagpaalam sa kanya.

Nag-text na si Tita at sinend niya na sa 'kin 'yung address nung mansyon.Mabuti naman at hindi kalayuan ang lugar kaya nag-jeep na lang ako.

Kailangan ko pang mag-ipon ng bongga ngayon para may maipadala sa pamilya ko.

Pagbaba ko ng jeep ay nilakad ko na lang ang papasok sa village nila,sayang din ang pamasahe sa trike.Hindi naman ako hinarang ng mga guard dahil sinabihan na sila ni Tita na may dadating na Yaya.

Hingal na hingal na 'ko dahil hindi ko naman inasahan na ang laki-laki pala ng village na 'to.

Pawis na pawis na 'ko,mabuti na lang at ilang sandali lang ay nakita ko na si Tita na nasa labas ng isang gate at kinakawayan ako.

"Ba't ganyan ang itsura mo? Naglakad ka lang ba ha?"nag-aalala niyang usisa na tinitignan ang kabuuan ko.

"Akala ko naman kasi maliit lang 'tong village na 'to,"pagdadahilan ko na kapos pa rin sa hininga.

"Tinitipid mo na naman 'yung sarili mo 'no? Ikaw ang magkakasakit sa ginagawa mong 'yan.H'wag mo nang uulitin 'yan ha?"suway niya sa 'kin na tinanguan ko naman.

"Tara na sa loob,ipapakilala kita sa mga amo ko."Dumiretso si Tita sa harapan ng gate at nanlaki ang mga mata ko matapos masilayan ang napakalaking mansyon na nasa harapan ko.

"Ang ganda naman dito,Tita."manghang-mangha kong sabi.

"Sinabi mo pa.Pagkatapos kitang ipakilala sa kanila,ililibot kita sa mansyon dahil siguradong maliligaw ka kapag hindi mo kinabisado."Hindi nga malabong mangyari 'yon dahil sa labas pa lang ay napakalawak na nitong mansyon.

Sumalubong sa 'min ang mga hardinero na nakangiti ngayon sa 'kin kaya nginitian ko rin sila.

May mga kasambahay din na nagdidilig at naglilinis sa malawak na garden.Ang iba ay tinapunan lang ako ng tingin pero meron din naman na nginitian ako.

"H'wag kang mag-alala, mabait ang mga 'yan.P'wera na lang dun sa isa."Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil sa sinabi ni Tita.

Pero wala na 'kong pakialam kung sino man 'yon dahil ang ipinunta ko dito ay ang trabaho.

"Tita p'wede po ba 'kong magtanong?"nahihiya kong sambit.

"Sige,ano 'yon?"Humarap sa 'kin si Tita.

"P'wede po bang mag-advance ng isang buwan? Para may maipadala ho ako kay Mama ngayong katapusan."

"Oo naman,kakausapin ko si Master."kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita.

"Master?"

"Oo,'yan ang tawag sa kanya rito.Simula nung namatay si Master Samuel,siya na ang pumalit sa kanya,"paliwanag niya.

"Masungit ba siya?"Iyan kasi ang madalas kong kinakatakutan sa mga nagiging amo ko.Ngumiti lang si Tita sa 'kin kaya mas lalo akong ninerbiyos.

"Malalaman mo rin,tara na pumasok na tayo."Pinangunahan ni Tita ang paglalakad.

Kamukha ng uniporme ni Tita ang uniporme ng mga nakakasalubong namin.Siguradong hindi rin magtatagal,ganyan na din ang isusuot ko.

Habang naglalakad kami ay pinapaliwanag na ni Tita ang mga pasikot-sikot sa mansyon.Seryoso naman akong nakikinig at kinakabisado lahat.

"Eto naman ang sala,"nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang napakalawak nilang sala.

Meron ding TV sa harapan na sobrang laki na parang pang-sinehan na ang level.

Andami ding mga mamahaling furnitures na nasa paligid.Kailangan ko tuloy mag-ingat sa mga galaw ko dahil siguradong mas mahal pa sa buhay ko ang mga bagay na 'yon.

"Kuya naman,e!"Napalingon ako sa nagsalita at do'n ko nakita 'yung cute na babaeng bata na naglalaro sa maliit na mesa.

Merong isang binata na nasa harapan at parang inaasar ang bata.Nakita ko na halos mangiyak-ngiyak na siya.

"Sir Viguel,eto na po 'yung bagong yaya ni ma'am Venice."Napalingon sa 'min 'yung binata.

Nailang ako bigla nang makita na hindi matanggal ang tingin niya sa 'kin at parang kumislap ang mga mata niya.

"Sir Viguel,"pagtawag ni Tita sa atensyon niya.

"I'm sorry,"bumalik siya sa huwisyo.

Nakangiti siyang lumapit sa harapan ko.Alam kong mas matanda ako sa kanya pero mas matangkad siya.

"Hi,miss beautiful."Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin.

"Hello,I'm Ysharra."Kinuha ko 'yung kamay niya at nakipag-shake hands.

Pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi niya pa rin pinapakawalan.

"What a beautiful name,"pambobola niya.

"Ehem--"Napalingon kami kay Tita kaya binitawan niya na 'yung kamay ko.

"P'wede raw po ba siyang mag-advance,Sir? Kailangan niya ho kasi ng pera,"deretsahang sambit ni Tita na parang hindi siya natatakot sa amo niya.

"Sure.If she really needs it,then go."He said with a wide smile.

"Thank you,Sir."Nakipag-shake hands ako ulit sa kanya at tinanggap niya naman.

"Maiwan ko muna kayo rito,may niluluto kasi ako"paalam ni Tita kaya kami na lang ang naiwan dito.

"How old are you?"He suddenly asked.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil ang talas ng tingin niya sa 'kin.

Masyado siyang bata para sa 'kin! Hindi ko type ang mga bata 'no.

"I'm 22 years old,ikaw?"

"I'm just 18,"pirming sagot niya.

"Ang bata mo pa pala,"napakamot ako ng ulo dahil hindi ko na alam ang sasabihin sa kanya.

Pero parang hindi naman siya nakakaramdam ng awkwardness, tuwang-tuwa pa nga siya.

"Age doesn't matter."He seriously said while looking directly into my eyes.

"Siya po ba ang aalagaan ko sir? Ang cute niya naman po! Kapatid niyo?"Pag-iiba ko ng usapan dahil palapit na siya ng palapit sa 'kin.

"Yeah,she's my youngest sibling."Lumapit ako sa bata para makadistansya sa kuya niya.

Alam kong nangangailangan ako ng taong mapera pero hindi naman ako pumapatol sa bata.Kung sanang kasing edad ko lang 'to,nasa k'warto na kami ngayon.

"Hello!"Kumaway ako sa kapatid niya na busy sa paglalaro.

Kahit papa'no naman e may hilig ako sa bata dahil ako ang nag-aalaga noon sa nakababata kong kapatid.

"Hi,"prenteng sagot niya at nginitian ako.Not bad,mukhang magkakasundo naman kami.

Napalingon ako kay sir Viguel nang biglang nag-ring ang phone niya.Lumayo siya ng kaunti para kausapin 'yon.

Hindi ko maitatanggi na ang g'wapo niya.Siguradong maraming babae ang mahuhulog ang panty kapag naging matured na ang physical appearance niya.

Hintayin ko na lang siyang tumanda para p'wede na,charr!

"Ysharra?"Iniwas ko kaagad ang tingin ko nang mapatingin siya sa 'kin.

Huli na ang lahat dahil nakita niya na nakatingin ako sa kanya kaya ngingisi-ngisi siya ngayon.

"I'll just call you by your first name,is that okay?"

"Yes naman,Sir!"Masigla kong tugon.

"Can you please bring a food to my brother's office? "He asked.

"Okay, sir!"Agad akong tumayo.

Kailangan kong magpakitang gilas,lalo pa ngayon na baguhan lang ako.Tinuro niya sa 'kin kung saan ang kusina at kung saan ang office nung kapatid niya.

Mabuti na lang nung pagpunta ko sa kusina,naka-prepare na ang pagkain sa isang tray.

Hindi matigil ang pagbilis nang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba habang dala-dala ang tray patungo sa office.

Muntikan pa 'kong maligaw dahil ang daming pasikot-sikot at ang daming pinto sa paligid.

Hanggang sa nakarating na 'ko sa office at lumingon-lingon muna ako sa loob dahil baka mali ang napuntahan ko.

Walang katao-tao.May malaking table sa gitna at nung nakumpirma kong office nga,pumasok na ako.

Iginala ko ang tingin ko at namangha ako nang makita ang kabuuan ng k'warto.

Maraming mga libro sa shelf at ang daming papeles sa taas ng table.May couch din sa gilid at may malaking Tv sa harapan.Modern ang design ng room kaya ang aliwalas sa paningin.

Paglapag ko ng pagkain.Napalingon ako sa name na nakalagay sa working table.

Ramier Lancer Alvarez

CEO

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig matapos mabasa ang nakasulat doon.

Naging balisa ako at hindi ko na alam ang gagawin.Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yon!

Kinuha ko 'yung ID sa loob ng shoulder bad ko.Do'n ko nakumpirma na siya nga!

Akmang lalabas na 'ko sa k'wartong 'yon,nang biglang may lumabas mula sa banyo.

Napaawang ang labi ko matapos makita ang itsura niya.Basang-basa ang buhok nito habang tanging tuwalya lang ang saplot niya.

Tumutulo ang tubig sa maskulado niyang pangangatawan kaya hindi ko maiwasang mapatingin do'n.

"What are you doing here?"Nakapamewang niyang tanong.

Bumalik ako sa huwisyo at nataranta nang tuluyang pumasok sa isip ko na nasa harapan ko 'yung g'wapong naka-one night stand ko kagabi.

"Ako po 'yung-- bagong yaya n-nung k-kapatid niyo po,"nauutal kong sabi at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Really? Hindi lang ang kapatid ko ang kailangan mong pagsilbihan,ako rin,okay?"Nanlaki ang mga mata ko matapos maisip ang sinabi niya.

Fvck this dirty mind!

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022