Genre Ranking
Get the APP HOT
Chasing The Sunset
img img Chasing The Sunset img Chapter 5 Ika-apat na kabanata
5 Chapters
Chapter 6 Ikalimang Kabanata img
Chapter 7 Ika-anim na Kabanata img
Chapter 8 Ika-pito na Kabanata img
Chapter 9 Ika-walo na Kabanata img
Chapter 10 Ika-siyam na Kabanata img
Chapter 11 Ika-sampu na Kabanata img
Chapter 12 Ikalabing-isa na Kabanata img
Chapter 13 Ikalabing-dalawa na Kabanata img
Chapter 14 Ikalabing-tatlo na Kabanata img
Chapter 15 Ikaabing-apat na Kabanata img
Chapter 16 Ika-labing lima na Kabanata img
Chapter 17 Ikalabing-anim na Kabanata img
Chapter 18 Ikalabing-pito na Kabanata img
Chapter 19 Ikalabing-walo na Kabanata img
Chapter 20 Ikalabing-siyam na Kabanata img
Chapter 21 Dalawampu img
Chapter 22 Dalawampu't-isa img
Chapter 23 Dalawampu't-dalawa img
Chapter 24 Dalawampu't-tatlo img
Chapter 25 Dalawampu't-apat img
img
  /  1
img

Chapter 5 Ika-apat na kabanata

I was lying on my bed and watching random videos on YouTube nang makarinig ako nang magkasunod na katok mula sa pintuan ko.

"Its your Tito Ortiz, may I come in hija?." Uncle Ortiz voice, I closed my laptop and sit properly on my bed.

"Come in." Anunsyo ko at kaagad iniluwa ng pinto ang bulto ni Tito Ortiz.

I swallowed hard when I see my stepfather walking towards my direction. Tipid akong ngumiti sa kanya, at umayos ng upo sa kama ko. He's standing beside me, crossed his arms while looking at me, ang mukha niya ay bakas ng pag-aalala.

"How are you hija?. Okay na ba pakiramdam mo?." Mahinahon na tanong ni Tito Ortiz sa akin, tumango naman ako at nag-angat ng tingin sa kanya.

Tito Ortiz is not just a good husband to my mom, he is also a good father of us here in the house. He is caring, calm, and lovable father of us, wala akong problema sa kanya dahil isa rin siya sa suportado sa akin at nakikinig sa akin kapag hindi kami nagkakaintindihan ni mama.

Tito Ortiz is good, but he's always busy with their businesses outside of the country kaya medyo nawawalan din siya ng oras para makipagbonding kina Bea at Andrei.

I smiled at him. "I'm okay Tito, thank you for checking me here." Ani ko.

"Its okay hija, responsibility ko na rin yun as your father. I might never be your biological father but I wholeheartedly accepted you as my own." Ani niya na ikinalambot ng puso ko.

He's love for my mom is so pure.

"Before I married your mom, I promised to God that I will love and care my wife's daughter kahit hindi ka akin. Mahalaga ka na rin sa akin Maeve, ikaw ang unang nagbigay ng kulay sa mama mo. I'm so thankful that you came in this world, hindi mo alam kung gaano ka kamahal ng mama mo, and how excited she is when she give birth on you." Paglalahad ni Tito Ortiz.

My eyes were forming a tears when I heard tito Ortiz story.

"P-pero bakit parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko?. B-bakit hindi niya ako maintindihan?." Naiiyak na tanong ko kay Tito. Bumuntong-hininga naman ito at napaupo sa gilid ng kama ko. He smiled at me, at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Hija, I'm sorry if I listened to you and your mom's conversation kanina ha?. Pero ito ang masasabi ko sa'yo anak. . ." Mahinahon na ani niya sa akin. "Mali ang pagsagot-sagot mo kanina sa mama mo, sobrang mali yun." Dagdag na ani ni Tito Ortiz.

"I-I'm just getting out what I felt inside my heart, nasasakal na kasi ako. Nasasakal na ako kay mama. Nasasakal na ako sa pamamahala niya, andami kong gustong abutin, puntahan at gustong magawa pero hindi ko magawa dahil andaming bawal at kailangan ko siyang sundin or else magagalit siya sa akin ng sobra." Naiiyak na sabi ko sa kanya, kinuha ko ang mga kamay ko mula sa kanya at napatakip sa mukha ko.

"I'm so emotional person, and yes I'm weak. I'm getting tired to all of this. All of my life, si mama ang sinunod ko, siya ang pinaniwalaan ko 'cause I don't want to lose her. I don't want to lose my mom, so I lose myself secretly, and I'm really dying secretly." Umiiyak na ani ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

"I want to see my biological father in Bukidnon, but I keep telling myself that I'm contented talking to him in internet pero yung totoo,gustong-gusto ko siyang makita at mayakap. Sinasabi kong okay lang, kasi ayokong magalit at masaktan si mama dahil sa akin. . ." Halos pumiyok ako nang sabihin ko iyon dahil sa lubos na pag-iyak ko.

Hinaplos ni Tito Ortiz ang buhok ko at pilit na pinapatahan ako sa pag-iyak. "Shh. . . tama na hija, mahihirapan ka na namang huminga niyan, tahan na." Mahinahon na sambit ni Tito sa akin, tinuyo ko naman kaagad ang aking mga luha at napangiti ng pilit kay Tito Ortiz.

"T-thank you po. You can go out na po para makapagpahinga na po ako." Ani ko, pero bumuntong hininga si Tito at may dinukot na bagay mula sa bulsa niya. Napatingin ako doon at nakita kong may hawak-hawak siyang cellphone.

He took his gaze at me while holding that unfamiliar phone. He hold my hand and pinched it smoothly. "Aalis tayo bukas, we're going to Japan for three days, dahil may aasikasuhin kami ng mama mo doon, and I think-" Kalmadong ani niya at kaagad ko itong pinutol.

"Hindi ako sasama. " Diin na ani ko na ikinabuntong-hininga ni Tito Ortiz.

"Ayoko Tito, alam ko na kung saan na naman patutungo 'to." Kaagad na ani ko at nag-iwas ng tingin kay Tito Ortiz. Biglang nagbago ang mood ko at parang ayaw ko na ng kausap.

"Ma-"

"Lumabas na po kayo. Matutulog na ako. Salamat." Ani ko at humiga na sa kama ko ng patagilid at sinadyang hindi na humarap kay Tito Ortiz.

Pabalik-balik nalang, ayoko na nakakapagod na.

"I expected na 'yan na naman ang iaasta mo, okay lang Maeve." Mahinahon na sambit ni Tito at naramdaman kong tumayo siya.

Sa likod ko, naramdaman kong may inilagay siyang bagay sa ibabaw ng drawers ko kung saan nakalagay ang lampshade at personal frames ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tito sa likod ko pero ipinikit ko lang ang aking mga mata at nagpanggap na matutulog na.

"Iiwan ko ang phone na 'to dito sa'yo. Alam kong wala kang kalayaan bilang isang normal na teenager, but this night I will let you to do all things that you wanted to do. Wag mong alalahanin ang mama mo, mas alalahanin mo ang sarili mo ngayon, ang sarili mong kaligayahan at yung tingin mong nakakabuti sa'yo." Pagsasalita ni Tito sa likod ko na ikinakunot ng noo ko.

"You are free to do what you want using that phone, only this night. Pag-isipan mo ng mabuti kung ano ang gusto mong gawin ngayong gabi hija, dahil bukas wala na yang chance na ibinigay ko sa'yo. . ." Wika ni Tito Ortiz, napakurap-kurap naman ang aking mga mata habang nakikinig sa kanya.

Pag-isipan ang mga gusto ko dahil wala na akong pagkakataon bukas?. Ano ba talaga ang gusto ko?. Anong mangyayari kung wala akong maisip?.

"Bukas ng umaga, kapag hindi mo pa alam kung anong gagawin mo. . . Sasama ka sa amin sa Japan, kahit ayaw mo man ito." May pagbabanta sa boses niya kaya napalunok at kinabahan ako.

No, I don't do that again. Ayoko ng bumalik ulit doon at pag-awayan muli namin ni mama ang isang bagay ng paulit-ulit at walang katapusan.

"Goodnight Maeve." Huling saad ni Tito Ortiz at narinig ko na lang ng tuluyan ang pagsara ng pinto.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na tuluyang kainin ng antok. Kaagad din akong nagising makalipas ang ilang minuto, kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan para i-check ang time, and its already one o'clock in the morning.

Napabuntong-hininga ako at paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Tito Ortiz kanina.

Pag-isipan mo ng mabuti kung ano ang gusto mong gawin ngayong gabi hija, dahil bukas wala na yang chance na ibinigay ko sa'yo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, dahil ilang oras nalang ay mag-uumaga na at sisikat na ang araw, sigurado akong wala na akong kawala kay mama bukas. Ayokong pumunta ng Japan dahil pipilitin na naman ako ni mama na mag-aral ng business than engineering. Gusto kong mag engineer someday, ayokong lalaki ako na puro tungkol sa pera at negosyo ang inaalala ko.

Bumangon ako at napabuntong-hiningang umupo sa gilid ng kama ko. My mind is blank, and I'm little confused kung anong gagawin ko. I opened my cellphone and my unread messages ako mula kay papa.

Papa: Hi ate, maayos ka na ba ngayon? Nag-aalala si papa sa'yo. Gusto kong pumunta ng Maynila para icheck ka, pero hindi pwede kasi walang mag-aasikaso sa farm natin. Sabi ng mama mo nag collapse ka raw sa school, kumain ka ba sa tamang oras?. Naku, alagaan mo 'yang sarili mo ha? Wala si papa diyan para alagaan ka, tiyaka wag ka magbibigay ng sakit sa ulo kay mama ha?. Palangga tika ate.

My tears suddenly fell when I read my dad's concerned message, ngumuti ako at nagreply sa kanya kahit late na.

Maureen:

Thank you po pa. Opo,okay na po ako huwag na po kayong mag-alala hindi naman po ako gaanong nasaktan. Thank you for asking me po. Love you too papa.

I closed my phone at napaisip ng malalim kung anong gagawin ko. I looked up to the wall clock at parang ang bilis ng oras dahil alas dos na agad ng madaling araw. Rinig na rinig ko ang pag-ikot at pagpitik ng orasan sa bawat segundo at minutong lumilipas. Itinuon ko ang tingin ko sa iniwang cellphone ni Tito Ortiz sa ibabaw ng drawer ko katabi ng lampshade.

Napalunok ako ng mariin at nagdadalawang-isip kung lalapit ba ako sa phone na iniwan niya. Huminga ako ng malalim at humakbang papunta sa phone.

Binuksan ko ito at wala itong password,naka open ang wifi, at nakadisplay na agad ang new tab ng chrome. Medyo nagtataka ako kung bakit may new tab na agad ng chrome nong binuksan ko ang phone eh puwede namang bumungad sa akin ang home screen ng phone. Maybe nag google si Tito Ortiz kanina?.

Dahil wala akong magawa, tinap ko nalang ang search bar at nagsimulang mag type nang kung ano-ano, pero kaagad pumukaw ng atensyon ko ang recent searches ni Tito Ortiz dito sa google.

How can I go to Bukidnon?

Manila to Cagayan De Oro flight

How many hours will take from Cagayan De Oro to Bukidnon

Book with Philippines Airlines

Kumunot ang noo ko at bigla ko nalang naramdaman na parang iiyak ako sa sobrang tuwa. I think, I know what I wanted to do now.

I open the website of Philippine Airlines, I checked an available ticket from Manila to Cagayan De Oro City pero fully book na lahat ng ticket at kakaalis pa lang ng eroplano kaninang alas-kwatro ng hapon.

"Tangina naman." Iritadong ani ko at naghanap ng ibang flights.

What if I tried Davao? Instead of Cagayan De Oro?.

Dali-dali kong chineck ang Manila to Davao City flight at ikinangisi ko ng sobra nang makita kong may isang available na ticket at sakto v lilipad na ngayong 6 am ang eroplano. Dali-dali kong ibi-nook ang ticket,using my own money in my bank account.

At nang matagumpay kong maibook ang flight, dali-dali kong hinanap ang mga ID's ko,at inayos ang mga gamit ko saka ipinasok ito sa saktong kalakihan ng maleta. Humarap ako sa salamin at napabuntong-hininga, pilit pinapakalma at pinapatibay ang sarili sa magiging desisyon ko ngayong gabi.

Nakasuot lamang ako ng pajama at black hoodie,huminga ako ng malalim habang nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin,dahil lilisanin ko na ang lugar na ito. Haharapin ko ang bagong mundo na gusto kong maranasan, simula pa nong kabataan ko.

"P-papa, makikita na rin kita." Naluluhang ani ko sa sarili at napangiti sa sarili ko.

Hindi ko na pinalipas ang oras dahil baka maiwan ako sa maagang flight, ang bilis ng pagtakbo ng oras hindi ko man lang namalayan na alas tres na pala ng madaling araw.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko at maingat na dinala ang maleta ko. I was tiptoeing while checking every corner of this house kung meron pa bang taong gising. Napatalon sa gulat ang puso ko nang makita ko si Tito Ortiz na pasimpleng nagk-kape sa sala. Napalunok ako ng mariin at namilog ang aking mga mata dahil sa kaba. Tito Ortiz staring at me emotionless, and gave a little smile, kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko lalo na't nakita niyang may dala-dala ako.

"Its 3 o'clock in the middle of the night. . ." He speak and took his gaze to his watch. "Aalis ka?." Kunit-noong tanong ni Tito Ortiz sa akin,napalunok ako ng mariin at ibinaba ang maleta ko.

I pressed my lips at napaduko. "I'm sorry-"

"I told you Maeve, do what you wanted to do bago mag umaga dahil bukas wala na iyan sa'yo. . ." Bumuntong-hininga siya at inilapag ang sariling kape sa mesa.

" 'Yan na ba ang gusto mong gawin?." Tanong niya sa akin kaya dahan-dahan akong tumango.

"May I know if saan ka pupunta?" Tanong niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagsabi ng totoo.

"I have a flight this 6 am to Davao City, and hindi ako pwedeng mahuli. This is my chance to see my father in person. . ." Naiiyak na ani ko kay Tito. Hindi naman ito tumingin sa akin dahil may kinakalikot ito sa phone niya.

"Davao?. I thought nasa Bukidnon ang papa mo?." Mahinahong tanong niya sa akin habang ang tingin niya ay nasa cellphone niya pa rin.

"Bukidnon doesn't have an airport Tito." Kaagad na sagot ko.

"Surigao, Butuan, Cagayan De Oro and Davao City's Airport lang ang puwede kong mapuntuhan kapag mag e-eroplano ako papuntang Mindanao." Dagdag na ani ko.

"Why you chose Davao? Instead of Cagayan De Oro City?. Malapit na ang Cagayan at Bukidnon, kaunting oras lang ang iba-biyahe mo if ever, unlike Davao it will take 3 hours para bumiyahe papuntang Bukidnon." Ani ni Tiro Ortiz at ang boses niya ay may pag-aalala. Nag-angat siya ng tingin sa akin, itinabi ang phone niya at ikrinos ang kanyang mga kamay sa pagitan ng kanyang mga bisig.

"Ang tanong? Pag dumating ka sa Davao, alam mo na ba ang lugar?. Alam mo na ba ang pasikot-sikot doon?. You didn't know how large Davao is. . ." Sambit ni Tito, napaduko ako at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Davao City is three times larger than Manila, maliligaw ka doon lalo na't wala kang alam sa lugar at alam kong wala kang dalang pera. Paano ka makakasakay ng mga vehicles?. Paano ka makakarating sa papa mo?." Sunod-sunod na tanong ni Tito Ortiz sa akin, hindi ko mapigilang maluha dahil ako mismo ay hindi alam kung ano ang gagawin ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at taas-noong tinuyo ang luha ko saka sumagot. Ayokong maubatan ako dito ni mama, kailangan ko talagang umalis.

"I. . . I have a little amount of money, I can use it for my transportation. Wala na akong problema about diyan." Seryosong ani ko at napakurap-kurap ang aking mga mata na nakatingin kay Tito.

Tito Ortiz stood up, at tinanggal ang glasses niya. Nakapamulsa siyang tumingin sa akin ng diretso at walang emosyon ang mukha niya.

Umiling-iling ako habang ang aking mga mata ay may nanggigilid na luha. "T-tito. . . Please let me leave." Nagmamakaawang ani ko sa kanya.

"You're only 16 years old Maeve, are you really sure about this?." Tanong niya sa akin.

"How about your mom? Hindi mo man lang ba siya kakausapin?." Tanong niya sa akin, napatingin ako sa taas kung saan ang kwarto nila mama naiiyak akong isipin na aalis ako ng bahay na may sama ng loob si mama sa akin. Naiiyak ako dahil baka kapag umalis ako ng bahay, mas magagalit si mama sa akin at ilalayo na niya talaga ako kay papa. Ayokong mangyari yun. . .

Ayokong mangyari ang bagay na yun, kasi mahal na mahal ko si mama. Kahit na nasasakal ako sa pamamahala niya, mahal na mahal ko pa rin siya. Nanay ko 'yan eh, sa kanya ako nanggaling. Dugo at laman niya ako, wala ako kung wala siya.

But I really want to escape this world for a while and meet my dad in person. I want to feel his hugs,touch and kisses that I've been longed for almost 16 years. I want to know kung ano siya in person, how good father he is, and I want to feel kung ano ang feeling ng magkaroon ng ama kahit panandaliang oras lang.

"B-but Tito. . ." Naiiyak na saad ko kay Tito Ortiz.

"You want to see your dad." Diin na sambit niya at napatango-tango ako.

"Alam mo na ba ang magiging consequences nito kapag nalaman ng mama mo na aalis ka? Alam mo ba kung anong puwedeng mangyari sa papa mo?." Mahinahon na tanong ni Tito Ortiz sa akin. Napapikit ako kasabay ng pagdaloy ng mga butil ng luha ko sa aking mga pisngi saka ako'y napatango.

Oo alam ko.

"Hindi ka ba nag-aalala sa papa mo if ever na gawin mo ang plano mo ngayon?." Tanong niya sa akin, pero hindi ako makasagot.

Ofcourse,I really care for my father.

"Aalis ka ba talaga?." Tanong niya ulit at hindi ko na alam kung tutuloy pa ba ako o hindi dahil sa mga itinanong niya sa akin kanina.

"May iniwan ka ba sa mama mo?. Note? Letter or video?." Tanong niya ulit sa akin. Tumango naman ako, dahil oo may iniwan akong letter para kay mama nakalagay doon mismo sa kama ko.

Humakbang si Tito Ortiz patungo sa akin, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ngumiti sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at makikita sa mga mata ko ang nanggigilid na butil ng luha na gusto ng kumawala dahil sa lubos na emosyong nararamdaman.

Tito Ortiz smiled at me. "Go, chase your dreams little Ava. Be happy and live better with your papa. Your mama will understand you." Mahinahon na ani niya sa akin na ikinabagsak ng mga luha ko.

Niyakap ko si Tito Ortiz ng mahigpit at umiyak sa dibdib niya, hinahaplos niya ang buhok ko at pinapatahan ako sa pag-iyak. "Thank you, thank you so much Tito. . ." Nagagalak na ani ko at napaiyak dahil sa sobrang saya na nararamdaman.

"Shh. . . Don't cried to much sweetie." Nakangiting saad niya at tinuyo ang luha ko. " I know, I don't have a rights to do this pero gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang maging masaya ka, at ang mama mo. Promise, ako ang bahala sa mama mo hmm?, don't worry too much about her, I'm always here 'wag kang mag-alala." Dagdag na ani niya.

Ngumuti ako at niyakap siyang muli. "Thank you, thank you so much!. Utang na loob ko po ito sa inyo."

"Its okay hija, I think you should go na before ka maabutan ng mama mo. Malapit na mag 4 am, baka malate ka pa sa flight mo." Paalala ni Tito sa akin kaya tipid akong napatawa at dali-daling tinuyo ang luha ko.

"Manong Esner is in the car, sinabihan ko na siya na ihahatid ka sa NAIA, at bilhan ka ng pagkain papuntang departure. And please take note, kapag darating ka na sa Davao, may tauhan ako roon na susundo at maghahatid sa'yo papunta sa farm ng papa mo sa Bukidnon. Ayokong mahirapan ka pa ng sobra, baka mapagod ka, maligaw at hindi makaka-abot sa papa mo. Ayoko ng ganon, kakainin ako ng buong konsiyensya at pagkatao ko kung may masamang mangyari sa'yo doon sa Mindanao. " Sunod na sunod na ani ni Tito Ortiz na ikinagulat ko pero hindi ko ipinahalata sa kanya.

G-ginawa niya yun?.

Para sa akin?.

Napangiti ako ng malapad at niyakap ulit ng pabigla si Tito Ortiz kahit hindi pa ito tapos magsalita. Now I realized, kung bakit niya iniwan ang isang phone niya sa kwarto ko at nag-iwan ng recent searches of how can I go to Bukidnon. He really knows what's my dream since then, kasi kahit ako I'm little confused kung anong gagawin ko sa ibinigay niyang chance of being free until I opened his phone and saw some recent searches about Bukidnon.

He really knows how I wanted to see and meet my biological father. . .

Kahit siya na ang tumatayo kung ama ngayon, wala siyang ibang hinangad kun'di ang kasiyahan at kung ano ang pangarap ko.

And that's meeting my dad in person for the very first time.

"Thank you so much. You've been a best guardian to me too, thank you Tito Ortiz." Ani ko habang mahigpit na yumakap sa kanya at kaagad humiwalay.

"You're welcome hija." Nakangiting ani niya. "Go, and meet your dad. Rise higher, little sunshine." Dagdag niya na ikinangiti ko.

Kinuha ko na ang maleta ko at kumaway ng tuluyan kay Tito Ortiz bilang pamamalaam habang papalabas ako ng bahay.

Papababa ako sa hagdanan ng front door ng bahay, at muli kong nilingon ang pintuan.

I smiled.

I feel happy.

Contented.

And it felts like, I'm now officially free.

I gave a wide smile before I leave.

And hoping that mom would understand why I need to leave and escape this world for a while.

"I love you ma."

AUTORAREALISTA

Previous
                         
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022