"Anong nandyan na? Eh bakit nakahiga ka pa Jan?!"
Napatingin Ako sa pinto ng pumasok si manang na napakamewang.
"Hoy gising na ijo! Sabi ng Mommy mo kumain ka sa tamang oras! Ang payat payat mo na! Nagmukha ka ng kalansay!"
Napabusangot Naman ako.
"Manang Naman..."
May sinasabi pa Ito na Hindi ko maintindihan dahil sa inaantok pa talag ako.
"Hay.. nakung Bata ka. Maya-maya ay bumaba ka ha?" Huling Sabi nya.
Narinig ko pa Ang pag bukas at pagsira ng pinto.
Kalaunan ay nawala na ang antok ko Kaya bumangon na ako.
Naligo. Nag toothbrush. Nagbihis. Nagsuklay. Nagpapogi sign sa harap ng salamin.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusena.
Naabutan ko si manang na may nilalagay na pagkain sa lamesa.
"Oh mabuti at naisipan mo pang bumaba dito..."
Napabusangot ako sa sinabi nya.
"Oh nagluto ako ng gulay, Huwag kang puro karne Ang kinakain!" Sabi nya at nilagay sa lamesa Yung sinasabi nya.
Nangunot Ang noo ko sa Nakita.
"Manang ano yan?"
"Gulay yan. Sinabaw na gulay, Law-oy Ang tinatawag Jan sa Lugar namin." Saad nya.
"Oh sege, kumain ka na. Masarap Naman yan." Dagdag na Sabi nya.
Tumango Naman ako sa kanya.
Nagsimula na akong kumain.
Mmmm masarap Naman pala.
Kinapa ko Ang bulsa ko para kunin Ang cellphone dahil nag ring Ito.
"Oh?" Sabi ko kay Eleanor ng tumawag Ito.
"Ready ka na ba?"
Na asar Naman ako sa sinabi nya.
"Yun Lang Ang sasabihin mo Kaya ka tumawag?" Inis na Sabi ko.
Narinig ko Naman Ang pagtawa nya.
"Hahaha Relax Lang. Pinapaalala Lang kita at mamaya pa Naman mo sisimulan yung dare mo Hahaha kita kita lang tayo sa tambayan natin. Kailangan may maTarget kang Fafa----"
Pinatay ko agad Yung tawag.
Lokong yun.
Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom ng tubig.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko.
"Manang Pupunta ako ng mall ngayon baka meron kayong gusto ipapabili?"
Humarap Naman Ito sa akin. Naghuhugas kasi Ito ng mga pinggan.
"Ay Oo. Nagpapabili kasi Yung anak ko ng mga Laruan. Ikaw na bahala mamili kung anong klaseng Laruan ba yan. Basta pang lalaki ah?"
Kinuha nya Yung mga pinagkainan ko.
"Pwede Barbie nalang?"
Tumaas Naman Ang kilay nya.
"Ikaw talagang Bata ka. Sege na umalis kana..."
"At Hindi bakla ang anak ko"
Dagdag nyang Sabi.
Tumawa Naman ako.
"Sege Manang. Aakyat muna ako sa kwarto dahil maykukunin lang"
Hindi ko na hinintay Ang pagsagot nito dahil agad na akong umakyat sa taas.
Pagdating ko ng kwarto ay nagsipilyo muna ako.
Hindi na ako nag bihis.
Kinuha ko lang yung wallet ko at Yung Susi ng kotse bago bumaba.
Hindi ko na naabutan si manang pagbaba ko Kaya dumiretso na ako kung Saan Yung kotse.
"Pogi nyo ngayon sir ah?"
Napatingin ako sa nagsalita.
So kuya dodong pala.
Ngumite Naman ako sa kanya.
"Syempre! Hahaha pareho tayo eh"
Nakitawa na Ren sya.
"Saan pala Ang punta mo sir? Ihahatid nalang kita"
Agad Naman akong umiling.
"Ako nalang kuya dodong Haha sege po aalis na ako"
Ngumite nalang sya. Ako Naman ay pumasok na sa kotse.
Nasa Parkit Lot na ako ng mall. Nandito pa Ren ako sa loob ng kotse.
Nagsuot muna ako ng Facemask dahil baka maraming mapatingin sa akin dahil sa kagwapohan ko.
Lumabas na ako at dumiretso sa entrance ng mall.
Pagpasok ko ay malamig dahil syempre may Aircon.
Punta muna ako sa bandang merong mga laruan.
Hindi pala ako nakahingi ng Pera Kay manang kanina pero Okay lang ako nalang Ang magbabayad para sa laruan na Ito. Gift ko na ren sa kanila.
Napangisi ako ng may makitang Barbie Doll Kaya lumapit ako dito.
Yun na lang Kaya Ang bilhin ko? Hahahaha
"Bakla ka ba kuya?"
Tumingin ako sa katabi ko ng nagsalita Ito.
What the h*ll? Ako bakl--
Natigil Yung sinasabi ng isip ko ng mapagmasdan ko Ang kanyang mukha.
Ang Ganda nya.
Mukha syang anghel. Curly hair na kulay Brown na hanggang bewang nya. Yung ilong nya ay Hindi matangos pero ang cute pagmasdan. Mahaba Ren Ang pilik Mata nya at makakapal na kilay. Napatingin ako sa labi nya.
Shit. Ang sarap halikan.
Hindi sya maitim. Hindi Ren sya masyadong maputi.
Basta Ang Ganda nya.
"Oy Kuya!"
Napakurapkurap ako.
Alanganin akong napangite kahit Hindi nya nakikita dahil naka Facemask ako.
"A-h haha W-what did y-you say?"
Sh*t! Bakit ba ako nauutal.
Ngumite Naman sya na nakapagbilis ng tibok ng Puso ko.
Ang Gandaaa nyaaa...
"Hehe Sabi ko Kung Bakla ka ba? Para Beshi na tayo hihi"
Until unting nawala Ang ngite ko sa sinabi nya.
Sumimangot Naman ako.
Tss.. Bakla?
"Mukha ba akong bakla?"
Gusto ko mang pigilan pero may inis sa pagkakasabi ko nun.
Nabigla Naman sya.
"Ay sorry po. Akala ko kasi Bakla ka. Nakikita ko kasi na interesado ka sa Barbie doll na yan at Hihi Gusto ko kasi nagkaroon ng Beshi"
Napalalim Naman Ang paghinga ko.
Mukhang naramdaman nya Naman Ito.
"Hala Sorry po talaga kuya. Hindi ko Naman po sinasadya eh"
Napatingin ako sa kanya ng mangiyak ngiyak na Ito Kaya nataranta ako.
Dahil sa taranta ay nayakap ko Ito.
"Okay lang baby girl Hindi Naman ako galit. Huwag ka ng umiyak" pagpapatahan ko sa kanya. Bahagya ko pang hinaplos Ang buhok nya.
Kumalas na man Ito sa yakap ko.
Tss.. Nag enjoy pa ako eh.
"Talaga?" Masayang Sabi nya kaya tumango ako.
"Oo Kaya Huwag ka ng umiyak"
Nagtaka ako ng umiling Ito.
"Hihi Hindi Naman talaga ako Umiiyak kuya. Sabi kasi ng Itay ko pag pinapagalitan ako ay Umakto akong naiiyak para Hindi na ako pagalitan dahil Ang cute ko raw pag ganon hihi Oh diba Ang galing magturo ni Itay sa akin"
Napangiwi ako sa sinabi nya.
Ibang klase pala Ang Itay nya Kung ganon.
"Ahmm Kuya, Bibilhin nyo po ba yang Barbie doll?"
Umiling Naman ako bago inilapit sa kanya.
"Gusto mo? Ako nalang Ang magbabayad para sayo."
Alok ko dito sa kanya
Nagulat Naman sya at umiiling iling.
"Naku! Ako nalang po ang magbabayad. Nakakahiya Naman sayo Kuya"
"No. Ako nalang para maalala mo ako paghawak mo yan palagi" nakangiteng Sabi ko
Nangunot Naman Ang noo nya.
"Bakit kuya? Mamamatay ka na ba? Hala Oh my Gosh! Okay kalang po ba kuya? May masakit ba sayo? Tatawag na ba ako ng hospita--I mean idadala na ba kita sa Hospital?"
Napangiwi ako sa mga sinasabi nya at napakamot sa buhok.
Para Naman akong Tanga na alanganin ngumite.
"A-ah No. I mean, okay lang ako hehe"
Nakahinga Naman sya ng maluwag.
"Akala ko Kung ano na Ang nangyari sayo. Okay ka Naman pala hihi kinabahan ako baka Hindi matuloy yung ikaw Ang mag bayad nito hihihi Oh ano kuya diba ikaw Yung magbabayad nito? Dali dun tayoo ohh"
Mensan weirdo itong babaeng to.
Sinabi ko sa kanya na isasabay ko nalang yung pinabili ni manang na mga laruan pagkatapos ay binayaran na namin Yun.
Panay pa Ang pagkwento nya habang pumipila kami dahil marami kasi Ang mga tao ngayon.
Ang daldal nya Hahaha.
Kwenento nya nga sa akin Yung Itay daw nya na palaging nagpapasakit sa ulo nya dahil sa katigasan at pasaway daw hahaha.
Nagtaka Ren sya Kung bakit nakaFacemask ako Hahaha.
Ngayon Malapit na kami sa Exit ng mall.
Ngayon ko lang naalala na kanina pa kami nag uusap pero Hindi pa namin Alam Ang pangalan ng isa't Isa.
Tatanongin ko na Sana sya Kung anong name nya ng tumunog Ang Cellphone nya.
"Hello Tay? Nandito pa ako sa mall! Hindi po Ball! Mall po! Nandito ako sa mall ba! Opo! Uminom ka na ng Gamot? Ano? Baka nandyan lang sa tabi tabi! Hanapin nyo nalang jan. Ang Sabi ko HaNAPIN Nyo nalang JAN.. Ahh Segi po Uuwi na lang ako ngayon Jan. Sabi ko Uuwi na ako JAN.. Segi bye na!"
May pagkadiin Sabi nya kaya kunot noo ko syang pinagmasdan. Hindi naman pagalit Ang pagkakasabi nya nun. Seguro Hindi klaro Yung linya
Ngumite naman ako ng humarap sya sa akin.
"Ah- ah kuya hihi Una na po ako ah? Kailangan ng uminom ng Gamot si Itay pero Hindi nya Makita kaya hahanapin ko pa Hihihi Sige bye Beshiii!"
Magsasalita Sana ako pero mabilis syang tumakbo.
Pero napangite ako NG lumingon Ito sa akin. Akala ko Kung ano pero Yun pala....
"Bye! bye! Beshi ko!" Nakangiteng Sabi nya habang kumakaway bago tumalikod.
Beshi? Tsss
Hindi ko man lang natanong Ang pangalan! Ang Hina mo na talaga Eleazar!