Genre Ranking
Get the APP HOT
Suddenly Married (Filipino)
img img Suddenly Married (Filipino) img Chapter 5 Found out
5 Chapters
Chapter 6 Married img
Chapter 7 Husband and Wife img
Chapter 8 I want you img
Chapter 9 Wedding ring img
Chapter 10 Lied img
Chapter 11 Worried img
Chapter 12 Not okay img
Chapter 13 Flirt img
Chapter 14 Other woman img
Chapter 15 Hurt img
Chapter 16 Annulment img
Chapter 17 Goodbye img
Chapter 18 Choose her img
Chapter 19 Girlfriend img
Chapter 20 Questions img
Chapter 21 Regrets img
Chapter 22 Second chance img
Chapter 23 Make love img
Chapter 24 Marry me img
Chapter 25 Epilogue img
img
  /  1
img

Chapter 5 Found out

I stayed in his house overnight. We stay awake late night having fun, and moaning each others name.

Mag-umaga na yata kami nakatulog.

Kinaumagahan ay sabay pa kaming pumasok ng university. Sinabay niya ako sa kaniyang sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan ng makarating kami sa parking lot ng university.

Pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante habang naglalakad kami. Kunot ang noo at may

pagtataka sa kanilang mga mukha habang nakatunghay sa amin. Tila mali sa kanilang mga mata na magkasabay kami ni Kian ngayon.

Mali nga naman talaga.

Tila hindi din normal sa akin ang araw na 'to. Walang nagtangkang mam-bully sa akin. Lalo na ang mga cheer leaders na madalas mambato sa akin ng mga nilukot na papel. Napangiti ako sa loob-loob ko. Hindi na din masama.

The perks of being Kian's woman.

Hinatid ako ni Kian hanggang sa pintuan ng unang subject ko. Hindi kami magkaklase sa mga major subjects ko dahil magkaiba kami ng kurso.

Natahimik ang mga kaklase ko nang makita ako. Hindi nila ako pinagtawanan athindi din sinabihan ng mga nakakainsultong salita. Naging tahimik ang klase hanggang sa dumating ang lunch break. Nagpunta

ako ng cafeteria.

Siguro naman tahimik na akong makakakain ngayon. Hindi ako nakapagbaon ng lunch na nakasanayan

ko ng ginagawa.

Sa mga lilim ng puno ng mahogany ako lagi kumakain ng tanghalian mag-isa. Wala kasi akong kaibigan

na nakaksabay. Kapag sa canteen naman ako kakain ay walang gustong makipag-share sa akin ng

lamesa. Para akong isang virus sa kanila.

Nakabili ako ng pagkain na walang nagtangkang kumausap sa akin. Malaya din akong naupo sa isang

mesa upang doon kumain.

Tahimik ang paligid. Tanging mga ingay ng kubyertos lang ang maririnig. Pero paglipas ng ilang minuto

ay naging maingay. Papasok ang grupo ng mga cheer leaders. Napabuntong hininga ako lalo ng tumingin

sila sa banda ko.

"Kumusta ka naman kahapon?" tanong nila sa akin. Hindi ako sumagot, pinagpatuloy ko ang pagsubo ng

pagkain ko.

"Masaya ba?" Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nilang ipahiwatig.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis sila at naupo sa ibang mesa..

Patapos na ako sa pagkain ko ng pumasok ang grupo ni Kian. Napatingin ang mga kaibigan niya sa banda

ko. Gano'n na lang ang pagkalabog ng dibdib ko ng ngisihan nila ako. Humakbang sila papunta sa kinaroroonan ko.

"Kumusta? Did Kian make your body sore?" tanong ng isang kaibigan niya sa akin.

Nagsipagsinghapan ang ibang mga estudyante na nakarinig. Ang iba na na-curious at gustong maki-

chismis ay lumapit pa sa amin. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Kian na tahimik lang at sa iba ang

tingin.

"Akala ko pa man din hindi mo papatulan si Kian, dahil cinservative ka. Natalo tuloy ako sa pustahan,"

aniya at mahinang tumawa. Nanlabo ang mata ko dahil sa nangingilid kong mga luha. Hindi ako

makapaniwala na tinignan si Kian. I stare at him with my questioning look.

"You blackmailed me so that you can bed me. For what? For money?"

Hindi nga napakalat ang video namin ni Dave na naghahalikan pero heto naman ang kapalit. Tiyak na

kakalat sa buong university na nakuha ako ni Kian.

Nilapitan ko si Kian. "Akin na ang video, burahin mo ang video!" sigaw ko sa kaniya.

"There's no video," sagot niya na nagpagimbal sa akin. Mabilis kong pinadapo ang palad ko sa kaniyang

pisngi. Matalas ko siyang tinignan saka nagmartsa palabas ng canteen. Hindi ako makapaniwala na nauto

ako ng gano'n kadali.

"I like you. Mula ng high school pa lang tayo, gusto na kita. Napakailap mo kaya naman inaasar kita para

mapansin mo ako." Those words. Naniwala ako. Naniwala ako sa kasinungalingan niya.

Pigil ko ang sarili na huwag mapahikbi. Nang makalabas ako ng gate ay sakto namang may taxi. Hindi ko

na kayang pumasok. Nasa sukdulan na ako ng pagtitiis. Hindi ko alam pero naisip ko na baka may sex

video kami ni Kian. Hindi ko na talaga pa kakayanin ang kahihiyan kung meron nga at kakalat iyon sa

buong university.

Pagkarating ko ng bahay ay nakita ko ang sasakyan nina Mama at Papa na nakaparada sa labas ng

bahay. Nagpunas muna ako ng luha at siniguradong maayos ang istura ko bago ako pumasok ng bahay.

"Ma, Pa," masigla kong bati sa kanila. Humalik ako sa pisngi nila. Hindi sila makikitaan ng humor habang

nakatingin sa akin kaya naman nakaramdam ako ng pangamba.

"Ahm, masama po ang pakiramdam ko kaya umuwi ako," palusot ko hindi pa man nila ako tinatanong.

"Sino ang lalakeng nagpunta dito kahapon," seryosong tanong ni Mama. Si Papa ay tahimik lamang pero

makikita mo sa kaniyang mukha na galit siya.

"Si D-Dave po," sagot ko. Ang kinakatakot ko ay kung niloko lang ako ni Kian ng sinabi niyang wala

kaming video ni Dave. Tapos nakarating kina mommy ang video na 'yon.

Lagot ako nito.

"Okay. Bakit ka nagpunta sa bahay nina Kian at doon natulog? May relasyon ba kayo? Ano'ng ginawa niyong dalawa? Gaano katagal na kayong gumagawa ng gano'ng bagay?" sunod-sunod na tanong ni Mama habang pataas nang pataas ang kaniyang tono.

Kulang na lang ay hampasin niya ako ng kung ano mang bagay na madampot niya.

"M-Mommy," tawag ko sa kaniya sa naiiyak na tono. Paano ko ba sasabihin sa kaniya.

"Answer me, Beth." Maawtoridad na tinig ni mommy.

"K-kagabi po ang fi-first time," takot kong sagot. Napapikit ako sa kahihiyan. My God!

Hinihintay ko ang sasabihin pa nila, pero wala na ulit sinabi si Mama. Gulat kong binalingan ng tingin si

Papa ng marahas siyang tumayo. Nahintakutan ako sa maaring gawin niya sa akin, dahil sa nakikita kong

reaksyon niya ngayon.

"Hindi ako makakapayag na maagrabyado ang nag-iisa kong anak," aniya. Nanlaki ang mga mata ko.

Ano'ng ibig sabihin ni Papa? Ipapakulong ba niya si Kian? Pero nineteen na ako at hindi na menor de

edad. Hindi naman ako ni-rape. At kung sabihin ko man na blackmail ang nangyari wala naman akong

ebidensya. Mas malakas ang salaysay ng biktima kapag menor de edad siya.

Sinundan namin si Papa ng lumabas siya ng bahay. Akala ko sa sasakyan niya sa didiretso pero sa bahay nina Kian siya nagpunta. Oh no!

Previous
                         
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022