Between Lust and Love- TAGALOG (*)
img img Between Lust and Love- TAGALOG (*) img Chapter 2 KABANATA 2
2
Chapter 6 KABANATA 6 img
Chapter 7 KABANATA 7 img
Chapter 8 KABANATA 8 img
Chapter 9 KABANATA 9 img
Chapter 10 KABANATA 10 img
Chapter 11 KABANATA 11 img
Chapter 12 KABANATA 12 img
Chapter 13 KABANATA 13 img
Chapter 14 KABANATA 14 img
Chapter 15 KABANATA 15 img
Chapter 16 KABANATA 16 img
Chapter 17 KABANATA 17 img
Chapter 18 KABANATA 18 img
Chapter 19 KABANATA 19 img
Chapter 20 KABANATA 20 img
Chapter 21 KABANATA 21 img
Chapter 22 KABANATA 22 img
Chapter 23 FINALE img
img
  /  1
img

Chapter 2 KABANATA 2

Alas dose ng gabi ang schedule ng pagsasayaw niya gabi-gabi. Sinusundo siya ng taxi sa mismong bahay ng baklang among tinutuluyan nilang mag-ina. Ala-una siya laging natatapos at hinahatid din siya ng taxi uli pauwi ng bahay. Ang kliyente niya ang laging nagpapatawag ng taxi na maghahatid-sundo sa kanya gabi-gabi.

Sa isang condo na malapit lang sa kanila ang laging pinagdadalhan sa kanya ng taxi. Sa limang buwang pagsasayaw niya rito ay hindi pa niya nakita ang pagmumukha nito. Ang inaasahan niya talaga ay isang matandang lalaki na may malaking tiyan ang magiging private client niya. Sa postura ng lalaki ay halatang inaalagaan nito ang pangangatawan. Ni hindi niya alam ang pangalan nito, lagi lang itong tinatawag ni Diva na Mr. MC.

Hindi rin sila nagkakausap kahit kailan. Ang trabaho niya lang talaga ay sayawan ito at pagkatapos ay umaalis na ito agad at hahayaan na siyang magbihis sa kwartong may nakahandang munting stage para sa pagsasayaw niya. Walang kama sa kwartong iyon. Tingin niya ay pinasadya pa talaga ng lalaki ang kwartong iyon para magkaroon siya ng munting entablado na pagsasayawan niya.

Hindi niya pinagsisihan ang desisyon dahil malaking tulong talaga ang perang kinikita niya sa pagsasayaw lang dito. Nakakakuha na siya ng physical therapist ng inay niya. Sa susunod na linggo rin ay lilipat na sila sa sarili nilang matutuluyan dahil nahihiya na siya kay Diva at sa partner nitong si Jeremy. Tumanggi pa ito nang magpaalam siyang lilipat na sila ng ina niya pero naiintindihan nito ang desisyon niya.

Nakalipat nga sila ng ina niya sa isang maliit na bahay na nirerentahan lang din nila. May dalawang kwarto iyon at maliit na sala at kusina. Ang physical therapist na babaeng kinuha niya ay pumupunta sa bahay nila ng alas otso ng umaga at umuuwi ng alas singko ng hapon. Tahimik naman ang lugar na iyon kaya't hindi siya masyadong nag-aalala kapag naiiwan niya ang ina nang mahigit isang oras kapag sumasayaw siya kay Mr. MC. Nakita niya ang malaking improvement sa mga kilos ng ina mula nang kumuha siya ng professional na tulong para rito.

Tuwing Sabado ay pumupunta siya ng Mall para bumili ng mga kakailanganin nila sa bahay. Routine na niya iyon. Kabaliktaran naman ang mga suot niya kapag hindi siya nagsasayaw. Lagi na ay balot ang katawan niya. Paborito niyang suot ay ang mahabang damit na hanggang sakong-sakong niya. Alam niyang mukhang manang ang mga damit niya pero hindi pa rin no'n naitatago ang angkin niyang ganda kaya't marami pa rin ang napapalingon sa kanya kahit mukhang pangmatanda ang mga suot nya.

Kasalukuyan niyang bitbit ang limang packs ng sanitary napkin.Papunta sana siya malapit sa cashier para kumuha ng trolley basket na mapaglalagyan ng mga bibilhin niya nang biglang may bumangga sa kanya. Nabitawan niya ang mga bitbit kaya't agad siyang yumuko para pulutin ang mga iyon.

" Oh! I'm sorry, Miss," hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya. Yumuko rin ito para tulungan siya sa pagpulot.

Namumula ang mukhang kinuha niya ang inabot nitong napkin.

"Okay lang. Salamat," sagot niya na hindi tumitingin dito.

" Ahm, Miss, tulungan na muna kitang bitbitin iyan baka mahulog mo uli," alok ng lalaki.

Bumaling na siya rito para tanggihan ito. Nakita niya na parang natigilan ang lalaki na napatitig sa mukha niya. Napatitig din siya sa gwapong mukha nito. Tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila.

" Kaya ko na ito," sagot niya nang hindi na nagsalita pa ang lalaki.

" No, I insist," sagot nito at kinuha nga ang ibang dala niya at sinamahan siya sa pagkuha ng trolley basket.

" Salamat," nakangiting bumaling na uli siya rito nang mailagay ang bitbit niya kanina sa loob ng basket.

Ngumiti ang lalaki at mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya.

" I'm Red, by the way," pagpapakilala nito na inabot pa ang kamay sa kanya.

" Sam. Samantha," matipid na sagot niya at nakipagkamay din dito.

Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa kamay niya bago iyon bitawan.

" Can I ask for your number?" ngumiti pa ito na parang nagpapa-cute sa kanya.

Matagal na pinagmamasdan niya lang ang nakangiting mukha nito. Nagdadalawang isip siya pero sa tingin naman niya ay mukha itong mabait kaya't pumayag na rin siya. Ibinigay nito ang phone nito sa kanya para ma-save niya ang number niya roon. Nakangiting kinuha nito ang phone nang ibalik niya.

" Okay, I'm going to save it and put your name as Nap," nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

" Nap?" nagtatakang tanong niya.

" Short for napkin. Kung hindi pa dahil sa mga bitbit mong iyan ay baka hindi pa kita nakilala," nakatawang sabi nito.

" Hoy, ang bantot naman pakinggan," nakatawa na ring sabi niya.

" No, it's cute," sumeryoso nang sabi nito.

Napatingin ito sa relo nito saka tumingin sa kanya.

" Oh, no! Malalagot ako nito kay Kuya. I'm going to call you later, if it's okay? Aalis na muna ako dahil baka namuti na ang mga mata ng bossy kong kapatid," tumawa pa ito pagkasabi no'n.

" Okay," kiming ngumiti na rin siya sa lalaki.

Tumalikod ito pero humarap uli.

" Nice meeting you, Nap," nanunukso ang mga matang sabi nito saka nagmamadali nang tumalikod at umalis.

Napapailing na nangingiti na rin siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki.

Tumawag nga ito kinagabihan bandang alas diyes ng gabi. Palabiro ito kaya't masaya itong kausap. Hindi niya tuloy namamalayan na malapit nang mag-alas onse. Kailangan niyang maghanda para sa trabaho niya kay Mr. MC.

" Red, tawag ka na lang uli bukas may gagawin pa kasi ako," napipilitang paalam niya rito.

" What are you going to do at this hour?" tanong nito.

" Ahm, kailangan ko pa kasing asikasuhin ang inay ko. Na-mild stroke kasi siya," sabi niya lang dito dahil tinitingnan niya naman talaga ang ina bago siya maligo at bago siya sunduin ng taxi.

" Oh, I'm sorry to hear about your Mom. Okay, good night then."

" Thank you. Bye, Red. Good night," agad na ibinaba niya ang phone.

Dumiretso siya sa kwarto ng ina at inayos ang kumot nito. Mahimbing na itong natutulog. Mabilis na naligo siya at nagbihis. Lumalabas siya lagi na naka-jacket at pantalon. Dinadala lang niya ang damit na susuotin niya sa pagsasayaw. Ang mga sexy na damit at underwear na sinusuot niya ay bigay lahat ni Diva.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022