/0/21956/coverbig.jpg?v=244567bbfb16b8d5b7f323dae85d60b4)
HEIDI POV
"Bitiwan mo ako! Saan dadalhin ng kaibigan mo ang bestfriend ko?! Naku lagot kayo sa akin kapag sinaktan niyo siya!" galit na sigaw ko.
" Wala naman mangyayaring masama sa kaibigan mo! And will you please shut up! Nakakabingi ang boses mo!" bigla niya akong binitawan kaya napaupo ako sa semento.
" Napakawalanghiya mo talaga!" napahawak ako sa balakang ko. Napuruhan yata ang balakang ko. Nahirapan akong tumayo sumakit ang balakang ko. Napaigtad ako ng hawakan niya ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
" Huwag mo akong hahawakan!" tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko.
" Tsk! Ako na nga tumutulong sa iyo nag-iinarte ka pa!" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Aba't siya na nga itong nanakit siya pa may ganang magalit.
" Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito! Kapal ng mukha mo! Leave me alone!" singhal ko sa kanya. Sarap sapakin ng mukha niya. Ang yabang akala mo kung sino. Kahit masakit ang balakang pinilit kong tumayo. Nang makatayo ako tinalikuran ko na siya.
"Where are you going?" tanong nito ng paalis na ako. Lumingon ako.
" Tatae ako bakit sasama ka?!" birong sabi ko. Gusto ko sanang matawa sa reaction niya. Mukha kasi siyang diring-diri sa sinabi kong tatae. Bago ako tumalikod inirapan ko siya.
Akala naman niya isa akong mahina, puwes nagkakamali siya. Matapang ako pinalaki ako ng magulang kong hindi mahina. Sa katunayan lahat ng mga kaklase kong lalaki noon kaya kong patumbahin gamit ang kamao kong ala Pacquiao sumuntok. May mga pinsan kasi ako sa Ilocos na mga lalaki. Tinuruan nila ako ng self defense. Napansin kong parang sumunod ang lalaki sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon. Hinarap ko siyang nakapameywang.
" Bakit mo ako sinusundan?! Gusto mo pa ba ng isa pang sapak. O, gusto mong tadyakan ko ang panggitna mo?!" pagbabanta ko.
"Pasalamat ka't hindi ako nanakit! May paggalang pa rin ako sa mga babae!" tinaasan ko ng kilay dahil sa sinabi niya. Anong sinasabi niyang may paggalang sa mga babae? Eh, numero uno ang barkada niya sa pagpapaiyak sa mga babaeng nagiging ka relasyon nila.
" O talaga? May paggalang ka sa lagay na iyan? Hoy, hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo! Kung may paggalang ka sa mga babaeng katulad ko, hindi ganito ang trato mo. Kayo ng mga kaibigan mo!" buwisit na ito. Makasabi ng paggalang akala mo totoo ang pinagsasabi niya.
" Okay, I'm sorry. Ikaw naman ang nauna. You hurt me big time!" wow huh?
" Paanong hindi kita sasaktan. Hinila mo ako kung saan. Hindi naman tayo close para kausapin kita. Gago ito." sa sobrang inis ko nakapagsalita na ako ng masama. Hindi ko naman gawain pero parang masasabi ko kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang parang bampira sa puti. Maputi na ako pero siya mas maputi pa.
" Ano ba kasing kailangan niyo sa amin ng kaibigan ko?!" tanong ko.
" Wala naman akong kailangan sa iyo makasabi ka naman ng kailangan, akala mo may gusto na ako sa iyo. In your dream!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa inis ko sinipa ko ang panggitna niya. Tsaka ako kumaripas ng takbo.
" Gago ka kapal ng mukha mo! Kulang pa iyan. Ihanda mo ang hotdog mo dahil isasamurai ko iyan!" sigaw ko habang tumatakbo. Nakarating ako sa canteen. Nakita ko agad si Penelope na nag-aalala. Salamat naman at ligtas siya. Hindi ako papayag na saktan nila kami. Akala ng chinsansu na yun. Hindi ako mahina!
NAGTATAKA ako dahil bakit pumasok bilang tiga linis ng condo si Penelope at stay-in pa. Ayoko naman usisain pa siya. Baka kasi guato niya lang magkaroon ng malaking kita. Sabi nito kasi malaki ang bayad sa kanya. Wala daw doon kasi ang amo niya. Sa coffee shop na pinagwoworkan namin konti lang ang suweldo. Pangkain lang. Buti mabait pa sila Tatay at Nanay dahil nagpapadala sila ng pambayad ko sa upa ng bahay. Kaya mag-isa tuloy ako dito sa maliit na boarding house. Halos square lang ito. May lababo na at nasa labas ang C.R. May mga nakatira din katabi lang ng tinitirhan ko. Mga nagtratrabaho na. Ang maganda dito puro kami babae dito. Ayawkasi ng may-ari ng boarding house na may lalaking boarder.
Nakakalungkot ito ang unang beses na wala akong kasama. Nami-miss ko si Penelope. Although nagkikita naman kami sa school pero iba pa rin magkasama kami buong maghapon. Nasanay na kasi ako. Ngayon lang kami nagkahiwalay ng ganito katagal. Mula bata pa kami hindi na kami mapaghiwalay.
Papunta na ako sa pinagtratrabahuan kong bookstore. Umalis na ako sa coffee shop dahil balak nilang ibahan ang oras ng work ko. Hindi naman puwede dahil may pasok ako sa umaga kapag MWF. Sa hapon ang free time ko. Ang bookstore kasi tanghali na nag-oopen. Pagkapasok ko sa bookstore, nagtuloy ako sa locker room namin. Pagkalabas ko ng room nagulat pa ako sa katrabaho ko.
" Heidi may naghahanap sa iyo. Ang pogi!" kinikilig na sabi nito. Sino naman pogi sinasabi ng katrabaho ko. Buti hindi pa ako nakapag-in. Puwede pa pumetiks. Pagkakita ko sa lalaking naghahanap. Sumama ang timpla ng mukha ko.
" Ano na naman ang kailangan mo? Gusto mo na bang putulin ko ang hotdog mo?" pagbabanta ko sa kanya.
" I am not here para makipag-away. Gusto ko lang magsorry sa ginawa ko." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Itong chinsansu na ito marunong magsorry? Aba hindi kapani paniwala. Baka inuuto lang ako nito.
" Hoy huwag kang feeling na maniniwala ako sa paghingi mo ng paumanhin. Hindi mo gawain o ng mga kaibigan mo iyan. Aba nagkaroon na ba ng himala?" pag-iinsulto ko. Napabuntong hininga ito sa pang-aasar ko.
" I know it's hard for you to believe me. But I swear I'm telling the truth. I am sorry." pailalim ko itong tiningnan. Hindi talaga ako convince sa pinagsasabi niya. Nagtatalo ang isip at damdamin ko. Sige makikipaglaro ako sa chinsansu na ito.
"Okay." tipid na sagot ko.
" What do you mean okay? Tinatanggap mo na ang sorry ko?" paniniguro nito.
" Eh kung ayaw mo di huwag!" sabi ko.
" No, no. Thank you. Huwag kang mag-aalala totoo lahat ang sinabi ko. I'll be a good from now on. Friends?" inilahad nito ang kamay nito sa harapan ko. Tinitigan ko pa ng matagal ang kamay niya. Hindi dahil sa gusto kong makipagkamay. Ang ganda kasi ng hugis ng daliri niya. Daig pa ako puro kalyo ang kamay ko. Nakipagshake hands ako bilang pagtanggap ko kunyari. Gusto niya ng paglalaro okay pagbibigyan ko siya. Napangiti ako ng matamis sa lalaking chinsansu.
"By the way, I'm Zaccheaus Ongpauco. What yours?" tanong nito.
"I'm Heidi Fernandez." pakilala ko sa sarili ko.
" Matanong ko nga are you a Chinese?" tanong ko kay Zaccheaus.
" Yes." sabi nito. Napatango ako. Kaya pala mukha siyang Chinese. Chinese naman talaga pala siya.
" Puwede ba kitang ma-invite para mag-dinner mamaya?" pag-anyaya niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Akala ko gusto lang nito makipagkilala. May pa dinner pa si Mayor. Dahil nagtitipid ako ngayon napatango ako. Aba libre ito huwag palagpasin. Sayang ang gagastusin ko ngayong dinner. Praktikalan lang dapat tayo ngayon.
To be continued...