Kasalukuyang nagsusulat ng nobela si Katherine nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.
"Kath, are you busy?" tanong ng pinsan niyang si Arianne matapos ipagbuksan niya ito ng pinto.
"Yes. Why?" balik na tanong ng dalaga nang makaharap niya ang pinsan.
"Gusto ka raw makausap ni Lolo Delio," tugon kaagad nito sa kanya.
"Tungkol saan?" tanong naman uli ni Katherine. Wala siyang ideya kung bakit siya ipapatawag ng kanyang lolo sa opisina niyo dahilan upang siya'y mapaisip.
"Hmmm! Tungkol raw sa bagong ini-hire niyang personal bodyguard mo," diretsahaang sagot ni Arianne.
"What? Hays, si lolo naman. Sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko na kailangan ng bagong bodyguard pa. Ayos naman si Kuya Fred ah!" naiinis na saad ni Katherine.
"Mabuti pa, mag-usap na lang kayo ni lolo." Isang positibong payo ni Arianne dahil iyon ang pinakatamang gawin para maging malinaw ang sa pagitan ng kanilang lolo.
"Sige kausapin ko na lang," sambit na lang ni Katherine saka lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo sa opisina ni Mr. Rodelio.
"Good afternoon, Lo," walang ganang bati ng dalaga kay Mr. Yuzon na may pitongpu na edad.
"Maupo ka muna, apo," saad ng kanyang lolo habang pumipirma ito ng mga papeles sa mesa. Tumititig sa kanya saka muling nagsalita, "Gusto ko sana makilala mo ang magiging bagong personal bodyguard mo."
"Sinabi ko naman po sa inyo noon na ayos na sa'kin si Kuya Fred?" dismayadong sagot ni Katherine. "Hindi ko na rin po kailangan ng bagong bodyguard, lolo. Sapat na sa'kin sila Kuya Fred at dapat nga eh mabigyan niyo rin ako ng kalayaan paminsan-minsan. Hindi 'yong ganito na parati akong napapaligiran ng mga personal bodyguards sa tuwing lalabas ng mansion." May mahabang pangangatwiran rin ang iginawad ng dalaga sa matandang lalaki.
"Pero mas magaling itong nakuha kong magiging bodyguard mo at higit sa lahat, maaasahan rin. Mas mapoprotektahan ka niya kahit saan. Kabisado niya bawat galaw at isip ng mga tao sa paligid kaya madali lang niya mapansin kung may panganib na darating," malinaw na pahayag ni Mr. Rodelio sa kanyang apo. Alam niya kung ano mas makakabuti para kay Katherine kaya gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang dalaga laban sa mga taong nais saktan ito.
"Di ba gano'n, si Kuya Fred?" tanong ni Katherine.
"Magkaiba sila ng abilidad, apo. Kung papansin mo ang lalaking kinuha ko ay mas mahusay siya. Hindi ka magdadalawang-isip sa kanya," muling paliwanag ng matanda. "Mabuti pa nga papasukin ko na siya rito."
Tinawagan ni Mr. Rodelio ang kanyang executive secretary upang ipaalam rito na papuntahin na ang bagong hire niyang personal bodyguard sa kanyang opisina. Hindi nagtagal kaagad pumasok ang isang binata na may matikas na pangangatawan, may katamtamang taas at kulay ng balat.
"Luke Gabriel Bustoz!" sambit ng matanda sa buong pangalan ng binata. "Maupo ka."
"Salamat," seryosong sagot ni Gabriel.
"Siya ang tinutukoy kong bagong personal bodyguard mo, apo," nakangiting sambit ng matanda sa dalaga. "Gabriel, siya nga pala si Katherine Grace Yuzon na apo kong pagsisilbihan mo."
"Nothing different," reklamo ng dalaga. "With Kuya Fred. I think I don't need an another bodyguard, lolo." Habang tinititigan niya ang lalaki na nasa kanyang harapan. Seryoso ang itsura nito at halata sa kanya ang pagiging strikto.
Huminga nang malalim si Mr. Rodelio, "Makinig ka sa akin, apo. Kailangan mo ng isang tulad ni Gabriel para sa iyong kaligtasan. Hindi ako papayag na gano'n na lang dahil ikaw ang susunod na magmamay-ari ng negosyo na aking pinatatakbo at ninety percent ng aking kayamanan sa'yo mapupunta na," patuloy ang matanda sa pagkukumbinse.
"Ikaw lang higit na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa ganitong mga bagay. Sana naman mapakinggan ang sinasabi ng lolo," nakikiusap na paliwanag ni Mr. Rodelio kay Katherine.
"Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Nag-trained ako dati ng basic taekwando as a self-defense sa pagdating ng panahon na kakailanganin kong depensahin ang sarili kahit di na ako umaasa sa ibang tao para ipagtanggol ako." May kataasan ng boses subalit nanatili pa rin ang paggalang ni Katherine sa pakikipag-usap sa kanyang lolo.
Matigas pa rin ang ulo ng dalaga at ipinipilit niya pa rin ang kanyang sariling kagustuhan pero hindi nagpatinag ang matandang lalaki sa kanya. Mahal na mahal siya nito kaya di hahayaan na mawala lang sa isang iglap mga pinaghirapan niya ng maraming taon.
"Hindi gano'n kadali apo. Hindi isang ordinaryong tao o grupo ang nais humamak sa atin kundi isa ring maimpluwensyang tao katulad rin natin."
Hindi susukuan ng matanda na paliwanagan ang kanyang apo. Kailangan niya na siya ang masunod pa rin. Alam niya ang mas nararapat para kay Katherine. Noon pa man nang mamatay ang ina ng dalaga, wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan at kaligtasan nito.
"Sige na, Mr. Bustoz!" mabilis na tumango ang binata dahil alam na niya ang susunod na gagawin. Pupuntahan na niya ang magiging kanyang silid kasama ang isa sa mga katiwala ng matanda sa mansion. Tanging si Katherine at Mr. Rodelio na lamang ang naiwan sa opisina.
"Mauna na po ako, Mr. Yuzon," magalang na pahayag ni Gabriel sa matandang lalaki saka siya tinanguan nito at lumabas na rin.
Nanatili pa rin ang pag-uusap nila Katherine at ni Mr. Rodelio.
Muling nagsalita ang dalaga, "Please, Lolo Delio," sinubukan niyang makumbinse ito subalit nabigo na siya.
"Buo na aking desisyon at wala ng mababago roon. Mabuti pa, bumalik ka na lang muna sa kwarto mo Katherine. Marami pa ako aasikasuhin dito." wika ni Mr. Yuzon.
Hindi na nilingon ng matanda ang kanyang apo hanggang kusa ng umalis na lang ang dalaga.
"Pasensya na talaga, apo," saad ng matanda sa kanyang isip nang saglit tumitig sa pintuan kung saan nakalabas na si Katherine ng kanyang opisina.
Kaninang malapad ang ngiti sa mga labi ay ngayon ay napalitan ng pagkadismaya ang mukha ni Katherine.
"Ano nangyari, Kath?" tanong kaagad ni Arianne sa kanya pagkapasok pa lamang sa silid nito.
"Hays! Buo na talaga desisyon ni lolo. Wala na'kong magagawa pa," sagot ng dalaga.
"Sundi mo na lang siguro si lolo," aniya ni Arianne.
"I have no choice," pahayag ni Katherine nang may kasamang paghinga niya nang malalim. "Dapat pinanganak na lang akong mahirap atleast di ganito na parati akong babantayan kahit saanman magpunta."
"Kaso isinilang kang mayaman," dagdag pa ni Arianne.
"I regret it, Rian!" sambit ni Katherine nang may panglulumo na makikita sa kanyang mukha.
Nakabalik na rin ang dalaga sa kanyang silid. Naupo sa silya at sinubukang ipagpatuloy ang isinusulat niyang nobela. Subalit, hindi siya mapalagay dahilan para tumigil siya sa pagtitipa sa keyboard ng computer. Nawalan na siya ng gana sa pagsusulat.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Hudyat na may nag-text sa dalaga mula sa kanyang mga fanreaders.
From: Elaine
Pssst! Uy, Miss Lady Green.
Gora ka ba mamaya?
Katherine: Saan?
From: Elaine
Secret muna. Gagala sana tayo mamayang gabi eh.
Nag-message din sa kanilang groupchat si Jane.
From: Jane
Pwede ka ba mamaya?
Katherine: Pag-iisipan ko muna dahil nag-hire si lolo ng mas mahigpit na bodyguard kaya not sure kung makakasama talaga.
From: Jane
Ay sayang naman, Lady Green!
Sumali din si Therese sa kanilang usapan.
From: Therese
Tsk, minsan lang naman tayo nagkikita Miss Kat.
From: Elaine
Uy, girl ba't mo siya tinawag na pusa. Luh ka!
From: Thersese
Ano naman mali doon, noh? Saka mas comfy ako tawagin siya sa gano'ng pangalan. Kayo nga tinatawag niyo siyang Lady Green na masyadong sagrado ang pangalan.
Katherine: Ayos lang 'yan atleast may sarili kayong code name na itatawag sa'kin kaya madali kong malaman na ikaw 'yan, Therese. Oks din sa'kin na Lady Green itawag niyo tutal pen name ko naman 'yon.
From: Therese
Thanks.
From: Elaine and Jane
Okie.
Katherine: Well, titignan ko mamaya talaga kung makakalusot pa. I will text any of you na lang later.
From: Therese
Ibang klase ang diskarte 'yan. Sana maging successful.
From: Jane
Sana nga.
Katherine: Sige guys, bye. Text ko na lang agad kayo later.
Pagkalipas ng mahigit isang oras, nakagawa ng paraan si Katherine upang makatakas kaya nagmamadali siyang lumakad palayo sa kinaroroonan ng mansion. Sandali siya tumitigil sa labas ng isang convenient store upang i-text ang kanyang mga kaibigan.
From: Katherine
Nandito na'ko. Saan na kayo?
From: Jane
Nakasakay na kami ng taxi. Saan ka?
From: Katherine
Nasa iisang convenient store dito sa village namin.
From: Jane
Sige, papunta na kami diyan.
Mga ilang minuto pang nanatili ang dalaga hanggang sa may humintong taxi sa bandang gilid ng store. May lumabas na isang babae, si Jane at sumunod na rin sina Elaine at Therese.
"Paano ka nakatakas?" tanong kaagad sa kanya ni Elaine. "Di ba sabi mahigpit ang security sa mansion niyo?"
"Wala kayong tiwala sa abilidad ko?" Tinaasan niya ng kilay kanyang mga kaibigan.
"Ibang klase ka talaga, Lady Green," saad naman ni Jane.
"Kaya nga hangang-hanga ako kay Miss Kath na kahit sa totoong buhay nagagawa niya talaga 'yong mala-aksyon sa nobela," Labis na papuri na iginawad naman ni Therese sa kanya.
"Halata nga eh, haha!" sambit ulit ni Jane.
"Ano, let's go? Medyo mahaba ang biyahe natin," Biglang singit naman ni Elaine sa usapan habang nakapamaywang ito.
"Sige.." sabay sabi ng tatlo.
Nang makarating na sila sa kanilang pupuntahan, bigla na lamang tumindig ang mga balahibo ni Katherine sa buong katawan matapos mabasa ang karatula sa itaas ng isang establishment.
D&Z disco bar, ang pangalan ng nasabing establisimento. Kumunot ang kanyang noo nang magsalita siya, "Papasok tayo diyan?"
"Bakit, ano problema Lady Green?" agarang sagot ni Elaine.
"Diyan ba talaga tayo papasok?" muling tanong ng dalaga. "Bakit hindi niyo sa'kin sinabi sa bar tayo pupunta?"
"Bakit first time mo ba makapunta sa ganito, Lady Green?" tanong din sa kanya ni Jane.
"Oo kaya kinilabutan ako bigla," sabay yakap ni Katherine sa kanyang sarili.
Umakbay sa kanya sina Elaine at Jane, "Huwag ka mag-alala, Lady Green kami ang bahala sa'yo."
Tinititigan ng dalaga ang dalawang kaibigang nakaakbay sa kanya.
"Kundi patay kami sa lolo mo," nakangiwi pang saad nina Elaine at Jane.
"Thanks pero- " Nag-alinlangan pa rin si Katherine kung sasama pa talaga siya sa mga kaibigan o uuwi na lang. Alam niya kung ano mayroon sa ganoong establishment pati mga taong pumapasok doon.
"Don't tell me na uuwi ka kaagad," pahayag ni Jane na tinatansa ang magiging sagot ng dalaga.
"Lady Green, sumama ka na. I know na mag-e-enjoy ka sa loob," paliwanag din ni Elaine.
"Tama si Elaine, Miss Kath. Di mo pagsisihan ang sumama sa'min."
Wala na ngang nagawa si Katherine kundi ang sumang-ayon na lang kaysa umuwi kaagad. Sayang naman ang porma niya na halos trenta minuto niya ito pinagpilian. Huminga siya nang malalim bago tuluyang nakasok sa loob ng bar.
Malakas ang tugtugan kaya't di mo kaagad maririnig ang kausap mo kapag nagsasalita. Maraming tao na mas bata pa sa kanya ang sumasayaw sa gitna ng dancefloor na nakaagaw ng kanyang atensyon.
Maya-maya pa ay nakahanap na sila ng magandang pwesto at umorder ng makakain.
"Ano gusto niyo?" tanong ni Elaine sa kanila.
"Kahit ano na lang sa'kin," naiilang na sagot ni Katherine.
"Drinks?"
"Kahit pineapple juice na lang sa'kin," muling saad ng dalaga na hindi pa rin mapalagay sa kanyang kinauupuan.
First time niyang makapunta sa ganito dahil kahit kabataan niya hindi siya sumubok na pumasok sa isang bar at ngayon lang talaga niya nasubukan.
Mga ilang sandali ay nakarating na rin ang inorder nilang pagkain. Kumain lamang ng paunti-unti si Katherine habang nakikipagtsismisan sa mga kaibigan.
Trentang minutong lumipas nang matapos silang kumain at nagyaya sina Jane at Elaine na sumayaw sa dancefloor.
"Sayaw tayo?" tanong ni Elaine.
"No, dito lang ako. Kayo na lang," nahihiyang sagot pa ni Katherine.
"Ikaw, Therese?"
"Dito lang din ako kasama ni Miss Kath," pagtanggi din ni Therese na sumamang sumayaw.
"Sige, punta na kami doon," saad ni Jane. "Bye, see you later guys."
Mahigit dalawang oras na rin nanatili si Katherine sa loob ng bar. Tanging sa panonood sa mga sumasayaw ang kanyang ginagawa habang nakikipagkwentuhan kay Therese at kung minsan kina Jane at Elaine kapag huminto mga ito sa pagsayaw.
"Miss Kath, natapos mo na ba iyong nobela na sinusulat mo nakaraan?" biglang tanong ni Therese sa kanya nang makaalis ulit ang dalawa.
"Hindi pa eh," sagot ni Katherine habang hinihigop ang juice na kanina pa niya inorder.
"Pwede ko ba malaman kung ano title?" Bakas sa mukha ni Therese ang pagkasabik na malaman kung ano ang sinusulat ni Katherine na nobela.
"Secret na lang muna. Malalaman mo soon kapag naipasa ko na sa publishing house."
Gusto ng dalaga na maging suspenseful ang pagsabi niya tungkol sa nobela na sinusulat.
"Sige na, Miss Kath," pilit na pahayag ni Therese.
"Hindi pwede kaya nga surprise. Basta, soon magugulat ka na lang,"
Hindi na nagpumilipit pa si Therese sa ikaapat na beses na sabihin sa kanya ang nilalaman ng kwento na isinulat ni Katherine.
Maya-maya ay binalak ng dalaga gumamit ng banyo.
"Therese, pwede mo ba akong samahan pumunta ng C.R?"
"Sure, tutal naiihi lang din ako eh," sagot ni Therese.
Inubos muna ng dalawa ang drinks bago iniwan ang kanilang pwesto. Pagkalabas nila roon ay may nakasalubong si Katherine na di kilalang lalaki. Amoy alak din ito.
"Hi, Miss!" bungad ng lalaki sa kanya. "Pwede ba kitang maisayaw?" Paluray-luray na ang tindig nito habang nakikipag-usap kay Katherine.
Mabilis siyang tumanggi nang bigla silang pinalibutan ng mga pitong kalalakihan. Kumapit sa kanya si Therese habang siya naman ay tinatansa ang mga ito.
"Aba, tumatanggi ka ah!" maangas na saad ng lalaki.
Muntik na sana siyang bastusin nito kundi pa dumating sila Gabriel at iba pa niyang bodyguard na pinagsusuntok na mga kalalakihan. Nakaagaw-atensyon sa mga roon ang nangyari.
Nang nakabulagta na ang mga lalaki kaagad na hinila ni Gabriel si Katherine sa braso.
"Hinahanap ka na ng lolo mo," pahayag ni Gabriel na di inaalis ang paghawak niya sa braso ni Katherine. Narinig niya itong nagsalita kaya sandali silang tumigil sa paglalakad.
"Sandali lang. Magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko," sambit niya kay Gabriel subalit hindi siya pinakinggan at diretso lamang naglakad palabas ng bar.
"Therese, ikaw na lang bahala magsabi sa kanila," bilin na lang ng dalaga sa kasamang kaibigan.
"Sige, Miss Kath!"
Tumango na lang si Katherine bilang tugon hanggang sa nakalabas na sila ng bar.
Nang makauwi sila ng mansion, kaagad na pinagalitan ni Mr. Rodelio ang kanyang apo.
Napabuntong-hininga ang matanda, "Ano ba pumasok sa isip mo para magpunta sa bar na 'yon, Katherine? Nagawa mo pa talaga tumakas para lang do'n?"
"Hindi ko po alam na bar ang pupuntahan namin, lolo. Pumayag lang din ako sumama dahil akala ko gagala lang kami kung saan pero di sa ganoong lugar," mahabang paliwanag ni Katherine subalit hindi ito pinaniwalaan.
"Anong hindi alam, apo?" dugtong pa ni Mr. Yuzon. "Napakadelikado ng lugar na 'yon para sa'yo at maiimpluwensyahan ka pa ng di maganda."
"I'm just want to be happy, lolo. Gusto ko lang maging malaya kahit isang oras lang."
Nais ipatindi talaga ng dalaga ang kagustuhan niya na magkaroon ng kalayaan katulad ng mga babaing kasing edad lamang niya. Maging masaya na kasama lamang mga kaibigan na walang kasamang bodyguard. Subalit, hindi iyon malinaw sa kanyang lolo.
"Happy? Papaano ka magiging masaya sa gano'ng sitwasyon?" muling saad ng matanda. "Katherine, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa'yo at sana maintindihan mo rin. Kung sa tingin mo hindi ka rin masaya sa mga lahat binibigay ko, ano pa ba dapat gawin ni lolo?"
Kahit gaano man katigas ng ulo ni Katherine, hindi niya ito susukuan. Hangga't may kailangan puunan, iyon ang ibibigay niya.
"Gusto ko po ng kalayaan, lolo. Maibibigay niyo ba sa'kin 'yon?"
"Hindi ko maibibigay ang kalayaan na gusto mo, apo dahil noon pa man alam ko na hindi ka magiging tulad ng mga iyong kaedaran."
Matapos ang isang oras na pagtatalo ng kanyang lolo ay muling nagri-replay sa isipan ng dalaga ang sinabi nito sa kanya subalit hindi niya pa rin matanggap iyon at maging kanyang kapalaran.
Dalawang linggo nang lumipas, isa si Katherine na kasama sa isang award-winning event. Sa isang oras niyang paghihintay ay sa wakas natawag na rin kanyang pangalan. Maraming tao ang pumalakpak nang siya ay tumuntong sa stage. Ilan sa kanila ay mga fans din niya. Napangiti siya dahil roon. Mga ilang sandali ay bumaba na rin siya ng stage hawak ang isang napakalaking trophe na isa sa pinaka-bestselling author sa buong Pilipinas. Nagtungo sila sa lugar na puno rin ng mga taong kumakain.
"Hay, salamat makakain na rin tayo. Kanina pa ako nagugutom eh," parinig ni Arianne sa kanya.
Pagkatapos nila kumain, kasalukuyan silang naglalakad palabas nang may mga kilalang tao sa entertainment industry ang lumapit kina Katherine.
"Can we talk with Miss Yuzon please?" tanong ng isa sa pinakasikat na direktor sa bansa na si Mrs. Vega kasama pa ang iba pang director at producer.
"Yes po," mabilis na tugon ni Katherine.
Ipinag-usapan nila ang gagawin sanang novel adaptation na isa sa kanyang sinulat. Umabot iyon ng halos trentang minuto ang kanilang pag-uusap.
Matapos kausapin ni Katherine ang mga ito muli siyang bumalik sa kaninang kinaroroonan nila. Wala si Arianne roon kaya kanyang nilibot ang paningin hanggang sa may tumawag sa kanya.
Si Arianne na pala. "Kath, may naghahanap sayo. Gwapo eh!" Kilig na kilig na sambit ng kanyang pinsan.
"Sino?"
Bigla nakarinig ng isang pamilyar na boses si Katherine mula sa di kalayuan.
"Hey, Miss Yuzon! Long time no see."
Nilingon niya ito at nagulat sa kanyang nakita, "Haze?"
"Oh, come on. Denzel na lang itawag mo sa'kin, please? Graduate na tayo sa college eh," reklamo ng binata sa kanya.
"Matagal na kayo magkakilala?" Naguguluhan si Arianne dahil ganoon na lamang ang closeness nila Katherine at Denzel.
"Yes!" masiglang sagot ng binata sa kanya at muling humarap kay Katherine.
"Eh kaya pala napansin ko na sobrang close kaagad kayo eh," muling sambit ni Arianne.
Tinawanan lamang siya ni Denzel, "Hmm, magkaano-ano nga pala kayo ni Miss Yuzon?"
"Magpinsang-buo kami ni Arianne," mabilis na tugon ni Katherine sa binata.
Nakipagkamayan si Denzel sa pinsan ni Katherine. "Nice to meet you, Arianne."
"Same here," nakangiting sagot nito sa binata. Di rin siya makapaniwala na dati na ring magkaibigan ang dalawa. Napapaisip si Arianne kung nagkaroon din ba relasyon ang dalawa.
Binalik ulit ang atensyon ng binata kay Katherine.
"Ok! Why are you here, anyway?" tanong nito sa kanya.
"Hulaan mo," nakangiting sagot ng binata.
"I have no idea since matagal na rin tayo hindi nagkakausap eh," sagot naman ni Katherine.
Pagkatapos ng graduation, nagkanya-kanya na nga sila at walang kamustahan kahit sa social media platforms lang. Ganoon na naging ka-busy ang kanilang buhay.
Halos di pa rin nawawala ang ngiti ng binata sa kanyang labi. "Well, I'm here for the award."
Napatingin si Katherine kay Arianne at muling tumitig sa binata. "Don't tell me na- "
"I got an award as one in the best recording artist of the year," mabilis na tugon ni Denzel kaya hindi na naituloy ang sasabihin ni Katherine.
Di makapaniwala ang dalaga sa sinasabi ng dating kaibigan.
"All I thought na imagination mo lang 'yon and now, tinupad mo nga naman talaga. You said before that music is not included in your priority."
Labis pa rin ang pagkagulat ni Katherine sa kanyang nalaman ngayon. Nagkukwentuhan kasi sila noon ni Denzel tungkol sa kanilang goals and priorities in life. Kaya di siya makapaniwala na tinupad pa rin talaga ng kaibigan ang passion nito sa music. Talagang marami na ngang pagbabago sa kanila buhat nang grumadweyt sa college.
"I'd realized that I really love music kaya gusto ko pa rin i-pursue ito kahit di naman iyon ang pinag-aralan sa kolehiyo. Wala eh, music is life for me," muling paliwanag ni Denzel. "This is also the way how I express my thoughts and feelings about something. Eh, ikaw ba't ka nandito? Only updating about your fave celebrities?"
"Nakakuha ako ng award for being best-selling author," direkta niyang saad dahilan para kumunot ang noo ng binata sa kanyang sinabi.
"Really?" gulat na tanong ni Denzel sa kanya. "I don't know you have passion in writing too. Ang alam ko lang na kumakanta like me."
"Mahilig din ako magsulat mula pagkabata hanggang teenage life natin pero di ko lang sineryoso because I tried to explore my skills in singing."
Sila ang dalawa madalas na magkasama sa isang sulok ng kanilang classroom tuwing break-time at sa tuwing walang pumapasok na professor sa isang subject. Kumakanta sila gamit ang isang gitara.
"But you still singing?" balik na tanong sa kanya ng binata.
"Hindi na eh mas focus ako sa mga sinusulat kong nobela so hindi na rin sanay ang boses ko sa pagkanta," paliwanag niya.
"Sayang naman dahil napakaganda rin ng boses mo that time pero I will support you sa career mong 'yan."
Napangiti ang dalaga, "Thank you pero ako rin I will support your music career."
"Anyway, pauwi na ba kayo?" tanong ng binata kay Katherine.
"Oo, eh. Why?"
"Huwag muna dahil gusto ko yayain kayong kumain sa labas. My treat!"
Kita sa mukha ng binata na sabik na makasama muli ang dating kaibigan. Ngayon muli ang simula ang panibagong stage ng kanilang friendship na nawala rin ng ilang mga taon.
"Sige, pero wait lang ah. Kailangan ko muna silang sabihan para alam nila."
"Sino?" nagtatakang tanong ni Denzel kay Katherine.
"My personal bodyguards," nahihiyang saad ni Katherine kay Denzel.
Napangisi nga rin ang binata sa kanyang naging sagot, "For real? I didn't expect na may bodyguard ka na pala ngayon."
"What else do you think? Si lolo lang may kagustuhan nito eh," nahihiya pa ring sagot ni Katherine.
"Mahirap pala kapag maganda," biro pa ni Denzel.
"Tzk, whatever Haze," reaksyon ni Katherine nang may kasamang buntong-hininga. "Well, dito lang muna kayo. I have to talk with them first."
"Sure." tugon ni Denzel kasabay ang pagtitig niya sa paroroonan ng dalaga.
Hindi masyado nagtagal ang kanilang kwentuhan dahil may pupuntahan pa raw ang binata. Kaya, kaagad naman sila nakabalik sa mansion.
Pagsapit ng gabi, naisipan ni Katherine na tumungo sa kanilang mini library upang mag-research sa ginagawa niyang nobela. Kinuha niya ang isa sa mga Psychology and Philosophy books.
Mga ilang sandali ay naroon rin ang kanyang personal bodyguard na si Gabriel. Hindi ito pinansin ng dalaga at patuloy lamang siya sa pangangalap ng impormasyon sa aklat na binabasa. Mismo na ang binata nag-initiate ng usapan.
"Gaano mo na ba siya kakilala?" bungad na tanong ni Gabriel sa kanya. Hindi niya ito pinansin kaagad ngunit sa katagalan, pinansin pa rin niya ito.
Nagbuklat muna sa kabilang pahina si Katherine bago muling nagsalita, "Sino?"
"Iyong lalaki na kasama niyo ni Arianne?" diretsahang sagot ng binata.
"Ah si Haze. What about him?"
Umaakting lamang na busy si Katherine pero randam niya ang kakaibang atmosphere sa pagitan nilang dalawa ni Gabriel. Tila nag-iimbestiga ito sa pagkakakilanlan ng dating kaibigan.
"Gusto ko lang naman malaman kung matagal na kayo magkakilala o kanina lang kayo nagkakilala?"
"Matagal na kami magkakilala ni Haze. We are old friends in college."
Nakakunot ang noo ng binata na parang inaanalisa bawat sasabihin ni Katherine sa kanya.
"Talaga?"
Natigilan ang dalaga sa pagbabasa ng libro at hinarap si Gabriel.
"Matagal lang na di kami nagkausap matapos nang grumadweyt sa college. Nagkaroon ng kanya-kanyang buhay at naging busy na rin."
Sa boses ng dalaga maririnig mo ang inis na nararamdaman niya sa bawat tanong na binibitawan ng kanyang personal bodyguard. Nagpipigil lamang siya dahil ayaw na niyang mapagalitan nanaman siya ng kanyang lolo.
"So matagal na rin kayo di nagkakausap?" muli pang tanong ni Gabriel dahilan para titigan ito ng di maganda ni Katherine.
"Ba't tanong ka ng tanong about him? Kanina ko pa kasi napapansin pagiging imbestigador mo. Bodyguard lang kita not a best friend or even a boyfriend," inis na paliwanag ng dalaga sa kanya.
Hindi na nakatiis ilabas ang tunay na nararamdamang pagkainis kay Gabriel. Masyado itong strikto na kahit pribadong impormasyon ng ibang tao pinakikialam nito at kinukwestiyon sa kanya.
"Daig pa niya si lolo!" sabi ni Katherine sa isip habang nakikipagtitigan siya kay Gabriel.
"Wala. Masasabi ko lang na huwag mo basta-basta ibibigay ang tiwala mo sa iba."
Tatayo na sana ang binata sa kanyang kinauupuan ng bigla nagsalita ulit si Katherine.
"What did you say?"
"Narinig mo na naman siguro, di ba? Ba't ko pa uulitin?"
May bahagi sa tono ng pananalita ng binata ang sarkastiko nitong pahayag.
"Masyadong delikado kung agad kang magtitiwala sa ibang tao na di mo pa lubusang kilala."
"No. Kilala ko si Haze. I trusted him than you!"
Binigyan ni Katherine ng emphasis ang huli niyang sinabi.
"Sino ka para sabihan ako ng mga ganitong bagay? Hindi mo kilala si Haze pero siya kilala ko kaysa sa'yo. Wala ka ring right para pagbawalan ako kung sino kakaibiganin ko," naiinis pa ring saad ng dalaga habang nakatitig sa binata.
"Oo ikaw ngayon mo pa lang ako nakilala pero ang lolo mo matagal na niya ako kilala at higit sa lahat, pinagkakatiwalaan," seryosong pahayag rin ni Gabriel pero nanatili pa rin siyang kalmado. "Kaya nga inilagay niya ako sa trabahong ito dahil alam niyang pinagkakatiwalaan niya ako. Nagagawa ko nang maayos at tapat ang trabaho bilang personal bodyguard mo."
"Ano ba gusto mong patunayan sa'kin, ah? Saka, wala na ako doon kung close kayo ni lolo. Ang nais ko lang naman magawa ang gusto ko at walang makikipigil sa'kin ang makipagkaibigan kahit kanino."
Pagkatapos, inunahan na ni Katherine si Gabriel. Nakatayo na siya at nagtungo sa dating pinaglalagyan ng libro na ginamit niya kanina.
"Pero pasensya ka na Miss Yuzon, trabaho ko bilang personal bodyguard mo ang protektahan ka sa anumang gulo o problema sa ayaw at sa gusto mo. Binayaran ako ng lolo mo para gawin ito kaya wala kang choice kundi ang sumunod sa akin."
Naiinis na naglakad palayo ang dalaga. Ayaw na niyang kausapin si Gabriel para makipagtalo pa rito. Wala iyon mapupuntahan.
Ilang araw nagkulong sa kwarto si Katherine upang matapos na ang sinusulat na nobela at maipasa na rin ito sa isang publishing company. Sobra siyang nasasabik sa panibagong resulta ng kanyang bagong akda.
Wednesday ng hapon nang makatanggap siya ng text mula sa dating kaibigan.
From: Denzel
Hey, are you busy? Gusto ko sana imbitahin kayo gumala tomorrow as in outing. Boring naman kasi kung mag-isa lang ulit ako pupunta roon.
Katherine: Hindi naman. Saan ba punta natin bukas?
From: Denzel
Ibig sabihin niyan, papayag kang mag-outing tayo together tomorrow?
Katherine: Oo, kasi naiinip na rin ako dito sa mansion ni lolo eh. Gusto rin naman ng bagong environment kung baga.
From: Denzel
Sige, sige. Sabihan kita maya-maya kung anong oras tayo magkikita. Ahm, wait! Punta na lang kaya ako diyan sa inyo, pwede?
Katherine: No problem, my friend.
From: Denzel
Ayos kung gano'n! Ok, 6:00AM in the morning ang alis natin.
Katherine:
Sige, sasabihan ko na rin si Rian at mga bodyguards ko para makapaghanda na rin sila.
From: Denzel
Yeah, see you tomorrow!
Pagkatapos ng convo nila, kaagad nagpunta si Katherine kay Arianne upang sabihin dito ang naging usapan nilang dalawa ni Denzel.
"Totoo ba 'yan?" gulat na tanong ni Arianne matapos nang sabihin ni Katherine ang tungkol sa outing bukas. "Omg, nakaka-excite 'to! Pero ang tanong kung papayag kaya 'yong strikto mong bodyguard?"
"Syempre, di ko sasabihin na may kasama tayong iba noh!" saad ni Katherine. "Basta ako na ang bahala. Magtiwala ka lang sa mahiwagang diskarte ko." dagdag pa niya na may buong-tiwala sa kanyang sarili.
Nagkaroon ng lakas ng loob ang dalaga para puntahan si Gabriel sa silid nito. Kumatok muna siya ng dalawang beses saka siya pinagbuksan.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ito na nakatapis lang ng tuwalya na bumungad sa kanya.
"Ahm!" bigla siyang nailang sa kanyang nakita kaya nagawa munang ayusin ang sarili.
"Sandali lang magbibihis muna ako," nahihiyang tugon ni Gabriel sa kanya.
Mabilis itong bumalik sa loob upang magbihis.
"Akala ko kasi si Patricio. Nagulat lang din ako na ikaw pala ang kumakatok sa pintuan." Halata sa binata ang pagkailang sa ganoong sistema niya.
"Bakit nga pala naparito ka?" tanong ni Gabriel.
"Gusto ko sana magpaalam. Balak ko kasing mag-outing tomorrow. Naiinip na rin ako dito sa bahay baka nga magkasakit na'ko nito sa susunod na mga araw."
Isang malupit na aktingan ang ginawa ni Katherine. Sinamahan pa niya ng kaunting paglalambing sa dulo para mapapayag niya si Gabriel.
Ilang segundo pa bago sumagot ang binata, "Bakit ang bilis naman ata ng plano?"
"Kanina ko lang kasi naisip," dahilan ni Katherine habang tinititigan niya ng diretso ang binata.
"Ok, fine. Papayag akong mag-outing tayo bukas," siguradong sagot ni Gabriel.
Wala naman siguro mawawala kung pagbibigyan niya si Katherine kahit isang beses lang. Kahit papaano nakaramdam din siya ng awa sa dalaga.
"Thanks na pumayag ka," lumapad ang ngiti ni Katherine sa pagpayag ni Gabriel.
Nakipagngitian lang siya ng konti sa dalaga saka rin ito umalis pabalik sa silid nito.
Tama naman ang ginawa niyang pagsang-ayon sa plano ni Katherine na mag-outing sila bukas. Kahit siya rin naman kasi nakakaramdam din ng pagkabagot dahil halos nasa mansion lang din siya at di rin nakakalabas ng basta-basta. Wala siyang ginawa kundi i-monitor ang bawat galaw ni Katherine sa silid nito at bantayan ito kung saanman magpunta dahil iyon talaga ang kanyang trabaho.
Bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan ang naging usapan nila noon ni Mr. Rodelio.
Flashback:
"Malaki ang tiwala ko sa'yo, Mr. Bustoz kaya ikaw ang pinili kong magbantay sa aking apo. Alam ko ang iyong kakayanan at pinanggalingan. Isa kang mahusay na agent," labis ang papuri sa kanya ng matanda kaya hindi mawala rin sa kanya ang buong katapatan rin dito.
"Maraming salamat po, Mr. Rodelio," masaya niyang tugon.
"Wala sinuman ang nakakaya ang katigasan ng ulo ng aking apo kundi ikaw lang. Kaya, sana hindi mawala ang mataas na pagtingin ko sa'yo bilang tagapagbantay niya. Alam mo naman siguro ang kahihinatnan kapag nabigo ako sa'yo, right?"
"Yes, Mr. Rodelio. Alam ko po 'yon," may katapatang sagot ni Gabriel kay Mr. Yuzon.
Kaya naman gano'n na lamang ang ginagawa niya kay Katherine dahil mas mahalaga sa kanya ang loyalty, trust and expectation ng matandang lalaki sa kanya. Syempre, pati ang kanyang trabaho.
"Gagawin ko po ang lahat. Mamahalin ko ang trabaho para sa mga matustusan ko ng pag-aaral ang isang kapatid ko sa kolehiyo at sa high school," dagdag pa niya.
Simula nang mamatay ang kanyang ama, siya na ang halos bumuhay sa kanyang pamilya. Kanyang panganay na kapatid na babae ay maagang nagkaasawa matapos grumadweyt ng college.
"Aasahan ko sa'yo 'yan, Mr. Bustoz."
End of flashback
Ngayon lang naman ito gagawin para mapagbigyan si Katherine at matapos niyon, wala ng susunod pa. Hindi niya kailangan magpadala sa awa at simpatya dahil iyon ang magdadala sa kanya ng kabiguan na matulungan ang pamilya. Mas malaki ang kita niya rito kaysa sa dating trabaho na pahirapan at nagbubuwis din ng buhay.
Kaagad na hinanda ni Katherine ang kanyang mga dadalhin para bukas. Bakas sa kanya ang excitement at kasiyahan dahil muli siyang makakapamasyal matapos ang ilang buwan ding pagkukulong sa mansion. Maliban lamang doon sa pagpunta niya sa isang award-winning event na kailangan ang presensya niya roon makuha lang ang trophy at karangalan.
"Hindi na ako makapakali para bukas. Hays!" sabik-sabik niyang boses habang nakaharap sa malaki niyang salamin.
5:45 pa lamang umaga ay nakalabas na ng mansion si Katherine kasama si Arianne sa sobra nilang excitement. Si Gabriel ay nasa kwarto pa nito upang ihanda pa lamang ang mga dadalhin.
6:10 na ng umaga wala pa rin si Denzel dahilan para magtaka si Gabriel na sa labas pa ng sasakyan sina Katherine at Arianne.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Denzel na ikinakuot ng noo naman ng binata.
"Kuya Denz!" bungad ni Arianne sa kanya. "Good morning." Binati niya rin ito pabalik pati kay Katherine na may malapad na ngiti sa kanyang labi.
Kaagad humingi ng apology si Denzel dahil pinahintay niya ng ganoong katagal ang kanyang mga kasama. Maaga naman siya nakaalis pero naabutan pa rin ng traffic.
"I'm sorry kung pinahintay ko kayo ng matagal. Ma-traffic na kasi sa daan. Alam na, balik eskuwela nanaman mga bata." paliwanag na lamang ni Denzel na hindi maalis ang ngiti sa mga labi.
Mga ilang segundo ay biglang sumingit sa kanilang usapan si Gabriel, "Kasama ka?" Habang naniningkit mga mata nito na inaalam ang sasabihin ni Denzel.
"Ofcourse, ako nga nag-invite sa kanila na mag-outing eh," diretsahang sagot niya.
Pipigilan na sana ito ni Katherine na huwag magsalita subalit huli na siya dahilan upang magtaka naman si Denzel.
Kaya, nagawa niyang tumitig sa dalaga, "Why?"
Tinignan ni Gabriel nang masama si Katherine dahil sa ginawang pagsisinungaling nito sa kanya.
Nilapit ng dalaga ang kanyang bibig sa tainga ng kaibigan upang ibulong na lamang niya ang kasagutan sa tanong, "I didn't tell them that you invited us on a trip except, Arianne."
Napangisi si Denzel sa kanyang narinig saka napatitig siyq sa gawi ni Gabriel, "Kaya naman pala, Kath kung bakit ganyan ang itsura ng isang mong bodyguard. Ba't di mo na lang kasi sinabi?"
"Sa palagay mo ba nandito kami kapag di ako nagsinungaling?" nangngatwiran pang tugon ni Katherine kay Denzel dahil kung di siya nagsinungaling malamang di siya nakabihis ngayon.
"Ok, fine," napalunok ng laway ang binata sa gano'ng sistema. "Pero gusto ko tanungin pa rin siya- " Turo niya kay Gabriel na kanina pa silang pinagmamasdan. "Papayag ka pa bang matuloy itong outing?"
"Wala na akong magagawa dahil nandito na halos lahat!" sagot ni Gabriel na nakikita pa rin sa itsura nito ang pagkainis. Binaling na lang niya ang atensyon sa mga kailangang gamit na ilalagay sa compartment ng sasakyan.
"Thanks pa rin. Akala ko di na tayo matutuloy," nang may panghihinayang sana sa boses ni Denzel.
"Ikaw naman kasi Kath, ba't di mo kasi sinabi?" May paggmamaktol na pahayag ni Arianne sa kanyang pinsan. Umaakting din na wala siyang alam para namang di siya mapag-initan pa.
"Matutuloy pa rin 'yan noh. Siya lang naman kasi KJ dito sa atin,, tzk!" sambit ni Katherine nang may halong saya ngunit may pagkasarkastiko.
"Sabagay, hihihi," nagtawanan lamang silang dalawa ni Arianne.
"Oh, ano alis na ba tayo?" sigaw ni Denzel sa kanyang mga kasama samantala sila Gabriel naman ay nauna na palang nakasakay ng kotse.
Sina Katherine at Arianne ang kasama ng binata sa kotse nito. Nang paandarin na ng binata ang sasakyan ay bigla na lamang lumapit sa kanila sina Gabriel at Alfred na assistant bodyguard ng dalaga.
"Hey!" gulat at nagtatakang sambit ni Katherine sa mga ito.
Hindi nagtagal ay pinagbuksan na lamang kaagad ni Denzel ng pinto ng kanyang kotse ang dalawa na nasa labas.
"Dito kami na sasakay," paliwanag ni Gabriel nang makaupo na sila kasama sila Arianne.
"What?" gulat at reklamong tanong ni Katherine.
"Akala ko ba sa kabila sila," sabi pa ni Arianne nang may pagtataka rin.
"Bakit dito pala kayo sasakay?" tanong ni Katherine kina Alfred at Gabriel.
"Mr. Villarosa, right?" biglang tanong ni Gabriel kay Denzel. "Nakalimutan ko kasi na dapat pala kasama namin dito ang dalawa."
Napabuntong-hininga na lamang si Katherine at wala siyang ginawa kundi makatabi ang kanyang striktong bodyguard na si Gabriel.
"Ok, wala naman sa'kin na problem 'to since alam kong need niyong bantayan nang maigi si Kath," wika ni Denzel at biglang nawala naman kanyang ngiti sa labi nang napansin niya sa salamin na magkatabi pala sina Katherine at Gabriel.
"Di naman kami kikidnapin ni Denzel eh. Masyado lang kayong strikto na dalawa," reklamo pa ring saad ni Katherine.
"Si Sir Gabriel lang may utos nito, Ma'am Kath. Sumunod lang din ako sa kanya," paglilinaw ni Alfred habang itinuro nito si Gabriel.
"Ok, fine," tugon na lang ng dalaga nang may pagsuko dahil pag-aaksaya lamang pa ng laway ang makipagdiskusyon.
Nang makarating na sila sa lugar, mabilis na lumabas ng kotse si Arianne pati si Katherine. Napapaligiran ng maraming puno at halaman ang lugar. Mayroon ding batis na pwedeng paliguan ang makikita dito. Para talaga siyang kagubatan dahil sa napapagitnaan din ito ng mga bundok.
Nababakas sa mukha ng dalaga ang pagkamangha sa kanyang nakikita, "Nice 'to ah, Haze." Biglang napatakip ng bibig si Katherine nang anaman magkamali siyang pagsambit ng pangalan.
"Tzk!" dinig na dinig ng dalaga ang pagreklamo ng kaibigan. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo ah? Hays!"
"Sorry na. Nakasanayan ko na kasi tawagin kang Haze eh." Depensa na lang ni Katherine sa kanyang sarili.
Mga ilang minuto nakapagpatayo na rin sila ng tent doon. Tanging si Katherine at Arianne ang magkasama. Karamihan lima sila sa iisang tent samantala mag-isa lang din si Gabriel.
"Hiking muna tayo!" Biglang anunsyo ni Denzel sa kanila. "Kaya mo ba, Kath?"
"Syempre naman. Nasubukan ko na kaya 'yan noong elementary and high school days pa," nakangiting sagot ni Katherine habang nakatitig pa rin siya sa kanilang pupuntahan. Buo ang kanyang tiwala sa sarili na kaya niya pa rin iyon.
"Ako, susubukan pa lang since di ako sumasali noon sa mga camping and fieldrip katulad nito sa school," paliwanag naman ni Arianne tungkol sa kanyang boring na teenage days at napaakbay na lamang siya sa kanyang pinsan.
"Ano, game?" mabilis na singit ni Denzel habang nararamdaman na niya ang excitement sa kanilang gagawin. "Warm up lang muna tayo, ah."
Sinimulan na rin nila ang umakyat pagkalipas ng mga ilang segundo. Ingat na ingat si Katherine sa bawat paghakbang dahil may parte na may bato ang daraanan, may malalaking ugat sa mga puno at sa mga makamandag rin na damo. Sa wakas, nakarating na rin sila malayo sa kanilang kinaroroonan kanina.
Hingal na hingal at pawis na pawis sina Katherine at Arianne habang patuloy na pag-angat ng kanilang binti at paa sa pupuntahan. Nakikita sa kanilang mukha ang pagod na may kasama namang enjoyment.
Inabutan kaagad ng binata ang dalawa ng tubig, "Heto inom muna kayo!" Nang makita niya sa mga mata nito ang kapaguran.
Naabutan din sila kaagad nila Gabriel kahit sandali silang nahuli sa kanila.
"Naks, parang mag-jowa sina Ma'am Kath and Sir Denzel ah!" nakangising komento ni Yael sa mga ito nang mapansin niya rin kasi uminom si Denzel doon sa boteng ginamit ni Katherine.
"Oo nga eh," sang-ayon naman ni Patricio. Tuwang-tuwa silang pinanonood ang dalawa samantala seryoso lamang tinititigan ito ni Gabriel. Nais niyang obserbahan lamang ang bawat kinikilos ni Denzel kung mayroon mang kahinala-hinala.
"Matagal na ba sila magkakilala?" biglang tanong na lang ni Gabriel sa dalawang kasama na kapwa ding personal bodyguards.
Si Yael ang unang sumagot, "Oo, nasa college pa lang si Ma'am Katherine friends na sila ni Sir Denzel. Madalas nga 'yang magpunta sa bahay nila dati."
Napalingon saglit si Gabriel kay Yael habang ito'y nagkukwento.
"Pero naging close din niya si Ma'am Solemn na mama ni Ma'am Katherine, " dagdag pa nito.
"Ang sabi naman ni Ma'am Kath na friends lang talaga sila niyan at napagkakamalan na mag-jowa dahil gano'n daw talaga si Denzel maalaga at mapagmahal sa mga kaibigan niya," wika naman ni Patricio.
Para kay Gabriel, hindi sapat ang opinyon nila ni Patricio at Yael para maging kampante siya at magtiwala. Kailangan niya pa rin maging alerto at mapanuri dahil iyon obligasyon niya.
"Dahan-dahan lang." Habang inaalalayan ni Denzel si Katherine paakyat at sumunod din naman sa kanya si Arianne.
"Grabe, nakakapagod!" sambit ni Katherine at tumambay muna sila matapos ang isang oras na paglalakad. "Pero, nakaka-missed 'yong ganito!" Nakanguso siya habang nagkukwento.
Ngumiti nang tumitig si Denzel kay Katherine at napansin din iyon ni Arianne.
"Kung gusto mo at kung papayagan ka pa susunod, gawin natin ulit ito tapos sumakay tayo sa kabayo at iba pa," suwestiyon ng binata.
"Sana nga." Hinihiling ni Katherine na muli pa sana dahil ito ang isa sa mga bagay nagbibigay sa kanya ng enjoyment.
"Ako rin para naman maiba kaya?" singit naman ni Arianne sa usapan. "Eh, dahil sa sitwasyon ni Katherine nadadamay pa rin ako. Syempre magpinsan kami at ako ang personal assistant niya kaya kung nasaan siya nandoon din ako para alalayan siya."
Matapos ang dalawang oras na pag-akyat nila sa bundok muli silang bumababa at bumalik sa dating kinaroroonan. Halos magagabi na sila nakarating dahil madilim na rin ang kapaligiran.
Gumawa ng apoy ang ilan sa kanila upang magsilbing liwanag at magkaroon ng init sa kanilang paligid.
Ngayon, walo silang nakaupo at nagkukumpol sa isang pwesto habang kumakain ng gabihan.
"Ayos, ang pagkakaluto ah!" komento ni Yael habang ninanamnam ang pagkain. "Sino kaya nagluto?"
"Si Kuya Denz ang nagluto niyan," si Arianne ang mismong nakasagot dahilan upang natigilan si Katherine sa kanyang narinig.
"Ang sarap eh!" sambit naman ni Patricio. "Pwede pa makakuha niyon?" sabay tawa habang turo sa isang putahe na nakalatag sa kanilang harapan.
Kaagad naman siyang pinigilan ni Gabriel at pinaalalahanan ito, "Kakain pa ang limang kasamahan natin."
Napangiwi si Patricio dahil panghihinayang niya makakain ng ganoong ulam na inihaw na manok.
Matapos nila kumain ng gabihan, nagkahiwa-hiwalay ang iilan sa kanila saka kumain naman ang limang kasamahan pa na di pa kumakain.
Kinuha ni Denzel ang gitara at sinubukang pagtugtugin iyon. Narinig kaagad ni Katherine ang tunog ng isang instrumento dahilan para lumabas siya sa kanilang tinutulugan.
"Di ka makatulog?" tanong ni Katherine sa binata.
"Hindi eh," saglit na tumigil si Denzel at niyaya ang dalaga na tumabi sa kanya. Ito ang madalas gawin nila noon sa tuwing wala ang kanilang professor, magpatugtog ng gitara na sinasabayan ng pagkanta.
Nakaagaw-atensyon ito sa ibang kasamahan kaya naman nagawa rin ni Arianne lumabas ng tent at nagtungo sa kinaroroonan nila Denzel at Katherine. Natigilan si Alfred na assistant bodyguard ng dalaga. Umupo ito malapit sa kanila upang makinig din ng musika at syempre makipagkwentuhan na rin.
Lumapit ang iba pa at sumunod din si Gabriel na nasa dulo nakaupo na di siya gaano nakikita.
Kasalukuyan kinakanta nina Katherine at Denzel ang kantang, "You Are The Reason" ni Calum Scott.
_I'd climb every mountain
And swim every ocean_
Nakatitig lang binata sa kanya habang sinasambit ang bawat lyrics ng kanta. Dahil iyon ang nais niyang iparating para kay Katherine. Gagawin niya ang lahat para mapaibig ito. Noong college pa lamang sila, gustong-gusto na ni Denzel ang dalaga.
_Just to be with you
And fix what I've broken_
Yeah, nanghinayang lamang siya nang magkahiwalay sila bilang magkaibigan pagkatapos ng kanilang graduation. Kaagad siyang nagpunta ng America para magtrabaho kasama ang kanyang pamilya. Ngayon, may pagkakataon hindi na niya ito palalampasin.
_Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason_
Naduwag siya noon na aminin ang totoo kaya naman laking pasasalamat niya napagbigyan siya ng tadhana na magkita sila ulit.
Kinanta naman ni Katherine ang sumunod na chorus at muli silang nagsabay sa dulo ng awitin.
"Wow, nice! So romantic dude," sigaw ni Patricio habang patuloy niyang pinapalakpakan ang dalawa at ganoon rin ang ilan sa kanila.
"Oo nga eh, Kuya Pat," sang-ayon at kinikilig na pahayag ni Arianne na di tumitigil sa pagpalapakpak. Bigla siyang napatanong tuloy kina Katherine at Denzel. "Hoy, magjowa ba kayong dalawa?"
"Anong klaseng tanong 'yan, Arianne?" Natatawa na lang si Katherine. Kapag kasi kinakanta nila ang song na 'yon napagkakamalan silang dalawa na magkasintahan. "We aren't."
"Weh?" tangging sagot ni Arianne sa kanya.
"We are just friends. Sadyang malakas lang ang chemistry naming dalawa," sabay paliwanag at kindat ni Denzel. "Di ba, Kath?"
"True!" sang-ayon ng dalaga kasabay na may pagtango.
Naging puno ng asaran at kwentuhan ang gabi hanggang sa dinalaw na rin ng antok ang ilan sa kanila.
Kinaumagahan ay nagpunta naman ilan sa sila sa gawing batis kung saan malinaw ang tubig at malawak ang nasasakupan nito.
Nagtatampisawan silang lahat kasama na si Katherine. Si Gabriel at iilan sa mga kalalakihan ay nanatili lamang sa pagbabantay. Nakaupo ang binata malapit sa may batis habang may hawak na libro.
"Boss Gabriel, di mo ba kami sasamahan maligo dito? Malamig ang tubig," sigaw at pagyaya ni Yael sa kanya.
"Sarap kaya maligo!" dagdag ni Patricio at sumang-ayon din ang iba pa.
"Sige, kayo na lang," pagtangging pahayag ng binata kasabay ang paglipat niyang tingin sa libro na hawak kanina pa at maging doon sa kinaroroonan nila Katherine.
"Sige, guys langoy muna ako," paalam muna ni Katherine sa kanyang kasama.
"Sure, basta mag-iingat ka lang, ah", paalala at mabilis na sagot ni Denzel.
"Daya mo naman, Kath," biglang singit at pagmamaktol ni Arianne kay Katherine. "Nagkukwentuhan pa nga tayo dito oh!"
"Mamaya na! Samantalahin ko muna 'to na sumisid sa ilalim kasi mamaya uuwi na tayo eh," sagot ng dalaga ng may pakiusap na tinig mula sa limang metro na ang layo niya sa mga kasama.
"Sige, mag-iingat ka ah," muling paalala ng kanyang pinsang si Arianne.
"Oo," aniya ni Katherine pagkatapos lumubog na siya sa tubig.
Nagsilangoy na rin ang iba pagkatapos ng sandaling kwentuhan. Lumipas ang ilang minuto, hindi makita ni Arianne ang pinsan kaya kaagad muna niyang inahon ang sarili upang tawagin si Katherine baka sakaling nasa malapit lamang ito.
"Kath, nasa'n ka?" sigaw niya dahilan para mapansin siya ni Denzel. "Kath?" muli niyang sigaw subalit walang marinig na sagot.
Kaagad muling lumusong sa ilalim si Arianne upang hanapin si Katherine dahil kanina pa ito hindi nagpapakita. Tatlong minuto na rin siya naghahanap subalit di pa niya ito natagpuan. Kaya, muli nanaman niyang inahon ang sarili.
Lumapit sa kanya si Denzel, "What's happening, Arianne?"
"Si Kath, di ko makita kanina pa eh," kinakabahang sagot ng dalaga.
"Hanapin ko," mabilis na lumusong ang binata sa ilalim ng tubig samantala si Arianne ay patuloy na tinatawag ang pangalan ng pinsan hanggang sa malapit na siya sa kinaroroonan ni Gabriel at ng kanilang mga kasamahan pa.
"Si Katherine di namin makita!" Pagbibigay niyang alam sa mga ito at bakas sa mukha ng dalaga ang takot at pag-alala.
"Tara, hanapin natin," sambit nila Patricio at mabilis na nagpunta sa tubig.
Ilan pang segundo bago lumusong din sa tubig si Gabriel upang hanapin ang dalaga.
Maya-maya pa ay nakitang bitbit ni Denzel si Katherine na walang malay kaya naman taranta silang umahon sa tubig. Napansin ito ni Gabriel na malayo pa ng bahagya sa kanilang kinaroroonan.
Pinahiga ng binata tapos ginawaran ng first aid si Katherine. Nakaahon na rin si Gabriel at may halong pagkadismaya naman sa mukha nito nang hindi siya mismo ang nakaligtas sa babae na siya tangi kamang ang magpoprotekta at magliligtas dito.
Palihim na nakakuyom ang kamay ng binata habang ginagawaran ni Denzel ng pangunahing-lunas si Katherine.
"Kath, gumising ka please!" hiyaw ni Arianne sa kanyang pinsan.
"Umahon ka, Kath." malumanay pero may matinding pag-alala sa boses ni Denzel.
Mga ilang sandali ay biglang umahon si Katherine at lumuwa siya ng maraming tubig mula sa kanyang bibig.
Hinimas ni Arianne ang likod nito, "Salamat!" saka mabilis na niyakap ang pinsan.
Namumutawi sa mukha ni Denzel ang tuwa nang makita niyang naimulat ni Katherine kanyang mga mata.
"Saan ka ba kasi nagpupunta, ah?" sermon ni Arianne sa kanya. "Sabi mo marunong kang lumangoy?"
"Pinulikat ako, Rian nang makarating na ako sa medyo malalim," paliwanag ni Katherine habang nanghihina pa rin siya.
"Susko, Kath. Mabuti na lang mabilis ka nailigtas ni Kuya Denz," napatitig saglit si Arianne kay Denzel na kitang-kita rin ang pag-alala sa kanya.
Nag-alinlangan si Denzel na yakapin ito nang napatingin siya sa mukha ni Katherine kahit gaano katindi na ang kanyang pag-alala.
"Sana, di na ito makakaabot kay Mr. Rodelio ang nangyari," biglang singit ni Gabriel sa eksena. "Kundi, malalagot tayo sa kanya."
Sinang-ayunan naman ito ni Katherine dahil tiyak na magagalit sa kanya ng husto ang lolo.
"Hindi naman ata tama 'yon, brad!" Pangangatwirang pahayag ni Denzel kay Gabriel. "Karapatan ng lolo niya malaman ang tungkol dito."
"Sa palagay mo ba kapag nalaman niya ito, hindi siya magagalit sa'min at sa'yo?. Di mo siya kilala kung paano magalit kapag tungkol sa apo niya ipinag-uusapan?" muling paliwanag ni Gabriel nang may kataasan na sa kanyang boses. "Ang mabuti pa maghanda na tayo pauwi," utos niya saka tumalikod at naglakad na lang din palayo.
Nang makauwi na sila sa mansion kaagad silang tumungo sa kani-kanilang silid.
"Siguradong ayos ka lang, Kath?" nag-alalang tanong pa rin ni Arianne sa kanya.
Tumango si Katherine, "Oo, Arianne. Kailangan ko lang siguro magpahinga. Masasakit mga katawan ko eh," daing ng dalaga kaya dumiretso na siya kaagad sa kanyang kwarto.
Kinabukasan, masasakit pa rin ang katawan ni Katherine. Napapadaing siya sakit habang inuunat mga ito. Hindi gaano maayos ang kanyang pakiramdam kaya naisipan niyang maligo muna.
Nang makaligo na siya, biglang kumatok sa kanyabg pintuan si Arianne.
"Rian, bakit?" kaagad niyang sagot na nanghihina pa rin.
Nakayuko ang ulo ni Arianne nang siya magsalita, "Gusto ka raw makausap ni lolo."
Dahil sa itsura ng pinsan, hindi na niya tinanong ito uli at diretsong lumabas ng kanyang silid. Kumatok si Katherine sa pinto ng opisina ni Mr. Rodelio saka siya pumasok.
"Tawag niyo raw po ako?"
"Ano itong nalaman kong nag-outing kayo na may kasamang lalaki na taga-labas?" Kitang-kita sa mukha ng matanda ang pagkunot ng kanyang noo.
"Kaibigan ko po siya, Lo. Niyaya niya kami gumala," malumanay na sagot ni Katherine lalo na wala pa siya gaanong lakas.
"Niyaya? At sumama pa kayo sa taong di niyo pa lubusang kilala?" galit na galit na pahayag ni Mr. Rodelio. "Katherine naman, ilang beses ko ba dapat sa'yo-"
Kaagad pinutol ng dalaga ang sasabihin pa nito, "Matagal ko na pong kilala si Denzel, lolo. College friend ko po siya."
"Paano ako maniniwala diyan? Dahil, ngayon ko pa lang naririnig ang pangalan niya at kailanman di ko pa siya nakikita o nakikilala man lang!" muling giit pa ng matanda kay Katherine.
"Nagkahiwalay lang kami dahil nagkanya-kanya na ring buhay, Lo. May mga priorities at goals 'yong tao na dapat unahin at ganoon rin po ako," paliwanag pa ni Katherine subalit hindi iyon naging sapat kay Mr. Rodelio.
"Di ko pa rin papaniwalaan mga sinasabi mo, apo!" wika ni Mr. Rodelio.
Napabuntong-hininga si Katherine saka muling sinubukang magpaliwanag sa matandang lalaki, "Hindi ko na rin po siguro papahabain pa 'to. If you really want assurance about him, I'm begging you now to investigate him as soon as possible." seryosong saad ni Katherine. "Whatever the result will be, tatanggapin ko po 'yon nang maluwag. Iiwasan ko na po siya. Iyon naman po ang gusto niyo di ba mga patunay? So this is the best way to do, Lo para mawala na sa inyo ang mga agam-agam na 'yan na parati ko kayo niloloko."
Pagkatapos, tinalikuran na ni Katherine ang matandang lalaki saka naglakad nang tahimik palayo sa opisina.
"Katherine, bumalik ka dito!" tawag ni Mr. Rodelio subalit hindi na niya ito nilingon pa.