Rhianna's POV
Heto ako ngayon nakaupo sa kama. Hinihintay ang pagpatak ng malaking kamay ng orasan sa 12. Balak kong tumakas ngayong hating-gabi. Gusto kong takasan ang aking amain na isang Drug Lord.
Ikinulong kami sa isang lugar na hindi basta-basta matatagpuan. Ayaw ko mang iwan ang aking ina at kapatid pero kailangan. Kailangang ko silang mailigtas sa kamay ni Don Ysmael. Tsaka ko nalang iisipin kung paano siya mahuhuli, ang mahalaga mailigtas ko muna ang aking Ina at kapatid.
Nang mamatay ang aking Ama labing-walong taong gulang pa lamang ako ay nag-asawa muli ang aking ina at ang nagtagpuan niya ay si Don Ysmael, na hindi niya alam ang totoong pagkatao nito. Nang malaman ng aking ina ang pagkatao ni Don Ysmael ay ikinulong sila.
Kaya wala akong nagawa ng ikulong kami sa isang katamtamang laking bahay na malayo sa kabihasnan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kapag tumakas ako. Kung makakatakas nga ba ako o baka mahuli din ako ng mga tagapagbantay sa gagawin kong pagtakas.
Itinali ko na ang pinagdugtong-dugtong ko na tela sa kama na siyang gagamitin ko sa pagbaba sa bintana. Sa bandang iyon ng bintana ay hindi ako makikita ng mga tagapagbantay ng mansyon dahil tago iyon.
Malapit na maghating-gabi. Pinuntahan ko ang silid ng aking ina at bunsong kapatid na si Ylona. Binuksan ko ang pinto sapagkat hindi iyon naka-lock. Pumasok ako sa loob ng hindi nila namamalayan.
Pinagmasdan ko sila, dahil ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang kanilang mukha. Dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita. Labag man sa kalooban ko ang gagawin ko dahil maiiwan ko sila. Ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko sila. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naglandas iyon sa aking pisngi, agad ko iyong pinahid gamit ang likod ng palad ko.
Lumabas na ako ng kanilang kwarto at dahan-dahan isinara ulit ang pinto. Nagtungo ako sa aking kwarto at saktong alas dose na ng gabi. Sana gumana ang mga plano ko ngayon, dahil ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang aking ina at kapatid. Walang mangyayari kung magkukulong ako dito sa bahay na ito.
Kinuha ko ang ang pinagbuhol-buhol na tela at iniladlad iyon sa bintana. Hindi ko mapigilang mapalunok. Paano kung mahuli ako? Anong gagawin sakin ni Don Ysmael? Bahala na. Basta ang mahalaga sinubukan ko. Siguro naman hindi nila mapapansin ang aking pagtakas dahil kadalasan sa ganitong oras tulog ang mga tagapagbantay.
Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan nagpadausdos pababa gamit ang tela na iniladlad ko. Nang dumantay ang mga paa ko sa lupa ay hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga. Kinakabahan ako at natatakot sa mga sandaling iyon.
Nilakad ko ang kakahuyan. Dahil ang bahay ay napapalibutan ng mga matatayog na punong-kahoy. Ibig sabihin ang bahay ay nasa gitna ng kagubatan.
Nang mapansin kong walang sumusunod sakin agad akong tumakbo. Tumakbo ako sa kakahuyan na hindi alam kung ano ang dulo niyon. Sana sa dulo nito ay may makita akong kalsada at baka sakali may magligtas sakin. Sana.
Tumakbo ako ng tumakbo. Kahit nasusugutan na ako dahil sa mga halaman na nasasagi ko. Wala sakin yun ang mahalaga makatakas ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tumakbo. Hanggang sa nagpasya muna akong magpahinga. Nakaramdam ako ng uhaw sa ginawa kong pagtakbo. Umupo muna ako sa isang matayog na punong-kahoy at isinandal ko ang aking katawan doon.
Ilang sandaling pagpapahinga at nagpasya akong tumayo at ituloy ang pagtakbo. Takbo lang ng takbo ang ginawa ko. Mahapdi ang mga sugat na sanhi ng halaman na nasasagi ko. Pero balewala sakin iyon. Hanggang sa may makita akong labasan sa kakahuyan. Subalit nanghihina na ang aking katawan.
Nang marating ko iyon. Bigla-bigla ko nalang naramdaman ang pagod, uhaw at pagkahilo. May nakita akong ilaw ng isang sasakyan na papalapit sa kinaroroonan ko. Ikinaway ko ang aking mga kamay para malaman niya ang aking presensya. Nang makalapit iyon ay agad iyon huminto sa kinaroroonan ko.
Lumabas ang sakay niyon at nabungaran ko ang isang lalaki na sa tantya ko nasa anim na talampakan ang taas. Maganda ang pangangatawan. At may mapupungay na mata. Napukaw ang aking pagsipat sa kanya ng magsalita siya.
"Miss anong nangyari sayo?" tanong niya sakin.
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako sa ginawa niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Sumakay ka na, ipapagamot kita sa co-iagent ko." wika niya.
Nag-aalangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Sa panahon ngayon hindi natin malalaman kung mapagkakatiwalaan ba ang isang tao. Dahil kahit matagal mo ng kakilala, trinatraydor ka pa. Naramdaman siguro niya na nag-aalangan ako.
May kinuha siya sa bulsa ng pantalon. Pitaka, may kinuha siya doon at tsaka ibinigay yun sakin. Isang ID. Kinuha ko iyon at mula sa liwanag na nagmumula sa buwan, nabasa ko ang pangalan niya.
"Leonardo Estralta Jr." bigkas ko sa pangalan niya. May Agent na nakasulat sa ibaba ng pangalan niya.
"Oo, pasensya ka na, isinunod kasi ang pangalan ko sa Ama ko kaya ganiyan ang pangalan ko." aniya.
"Wala naman masama sa pangalan mo." wika ko.
"Sumakay ka na." aniya at sumakay na sa unahan ng kotse.
Agad akong sumakay sa likuran ng sasakyan niya. Nagmukha tuloy siyang driver ko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Isa siyang Agent kaya mapagkakatiwalaan siya. Pwede niya ako matulungan. Makakatulong sa kanya para mailigtas niya ang kanyang ina at kapatid.
Pero paano kung hindi pala siya Agent? Paano kung nagpapanggap lang siya? Wala na akong choice. Kung gagawan niya ako ng masama. Wala na akong magagawa doon. Marahil hanggang dito nalang talaga ako. May kinuha siya sa bag niya. Iniabot niya sakin ang alcohol at bulak.
"Lagyan mo ang mga sugat mo ng alcohol para kahit paano mawala ang pagdurugo." wika niya.
Doon lang niya napansin ang kanyang mga sugat na may bahagyang pagdurugo. Kinuha ko ang iniaabot nitong alcohol at bulak. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at tsaka idinampi iyon sa mga sugat ko. Napaungol ako sa sakit. Nilingon siya ng lalaki.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin.
"Oo ayos lang ako. Masakit lang dahil nadampihan ng alcohol ang mga sugat ko. May tubig ka ba dyan? Medyo nauuhaw kasi ako." wika ko.
Sobrang nauuhaw na ako dahil sa tagal ng pagtakbo ko. May kinuha siya sa bag niya, isang tumbler na may lamang tubig. Boy Scout? Laging handa? Iniabot niya sakin iyon. Kinuha ko iyon.
"Salamat." tugon ko. Sa ginawa niya siguro naman pwede ko na siyang pagkatiwalaan. Paano kung ginagawa niya lang yun para makuha ang loob ko? Hays. Tsaka ko nalang iisipin yan kapag narating na namin ang destinasyon namin.
"Sa itsura mo, nanggaling ka sa matagal na pagtakbo sa kagubatan. Bakit ka nandoon?" tanong niya sa sakin.
"Saan ba tayo pupunta?" hindi ko sinagot ang tanong niya. Kailangan ko muna malaman kung saan kami pupunta.
"Sa mga kasamahan ko. May meeting kami ngayon. Urgent meeting." sagot niya sakin. Minabuti kong sagutin ang tanong niya kanina.
"Tumakas ako sa amain ko, ikinulong niya ako kasama ng aking ina at kapatid sa isang bahay sa gitna ng kagubatan." sagot ko.
Naalala ko na naman ang aking Ina at Kapatid. Ano kaya magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman na wala na ako sa bahay? Minabuti kong huwag nang sabihin ang disisyon ko dahil ayaw kong mapahamak ang mga ito.
"Handa kitang tulungan. Palagay ko naman nagsasabi ka ng totoo." aniya.
Wala akong panahon para manloko. Gusto kong idagdag. Subalit, minabuti ko nalang na tumahimik. Sa katunayan, may utang na loob ako sa kanya. Hindi ito ang panahon para magalit ako dahil kailangan ko siya para mailigtas ang aking ina at kapatid.
"Malapit na tayo sa Head Quarters." wika niya.
Natanaw ko di kalayuan ang isang kontretong bahay. Simpleng bahay lang iyon na hindi mo aakalain na Head Quarters pala. Pumasok kami sa gate na nakaawang. May mga ilang sasakyan na rin na nandoon, marahil sasakyan ng mga kasamahan niya. Pagkapasok ng sasakyan niya sa loob ay ipinark niya iyon di kalayuan. Agad akong umibis ng sasakyan. May lumapit samin na lalaki na may maputing kutis at magandang pangangatawan. Tumingin ang lalaki sa kanya.
"Agent Leonardo Estralta Jr. Baka pwede mo ako ipakilala sa kasama mong babae?" wika ng lalaki kay Leo ng makalabas siya ng sasakyan. Hindi niya sinagot ang tanong ng lalaki bagkus lumapit sakin si Leonardo at kinuha ang kamay ko.
"Nasaan si Alexandra, Harold? Sugatan ang kasama ko at kailangan niyang magamot." tanong niya sa kasama niya na Harold pala ang pangalan.
Doon ako sinipat ng mabuti ni Harold. Marahil hindi niya napansin kanina na may mga sugat ako dahil may kadiliman ang lugar kung saan nag-park ng kotse si Leonardo. Naglakad kami patungo sa loob ng Head Quarters habang nakasunod si Harold.
"Napano yan pre?" tanong ni Harold.
"Mamaya ko na sasabihin Harold." sagot naman ni Leonardo.
Nang makapasok kami sa loob. Nabungaran ko ang isang lalaki at dalawang babae na nakaupo sa mahabang sofa. Huminto kami sa tapat ng mga ito.
"Alexandra, maaari mo ba siyang gamutin saglit?" tanong ni Leonardo sa isang babae na may pagka-kulot ang buhok. Tumayo ang babae at sinipat ako. Nakatingin din samin ang iba.
"Napano ba siya Leo?" tanong ni Alexandra.
"Mamaya ko na sasabihin ang lahat ng nangyari. Sa ngayon kailangan siyang magamot." sagot ni Leonardo sa kanya. Tumango naman si Alexandra.
"Halika Miss." Iginiya siya ni Alexandra sa isang pinto at binuksan iyon.
Tumambad sakin ang dalawang kama na magkatabi at isang cabinet na nasa kanan ko. Iginiya niya ako sa kama at nagtungo naman siya sa cabinet. May kinuha siya roon.
Lumapit siya sa sakin at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. Napa-aray ako sa pagdampi niyon sa aking balat. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na dulot ng mga sugat ko. Hindi ko naramdaman yun kanina dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa gagawing pagtakas idagdag pa ang presensya ni Leonardo.
Iwinaksi ko agad sa aking isipan ang bagay na yun, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang gagawing pagligtas sa aking ina at kapatid. Pagkatapos, ay nilagyan niya ng band aid ang mga malalaking sugat. Tiningnan ko si Alexandra. Maganda ito at maliit ang mukha. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Ayan, okay na. Gusto mo bang sumama sa loob? Hindi naman pwedeng iwan kita dito ng mag-isa." wika niya sabay ligpit ng mga gamit.
"Ayos lang ba? Hindi ba ako makakaabala?" tanong ko.
Bago pa man siya makasagot, biglang may kumatok sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad samin ang lalaking nakaupo kanina sa sofa. Mahaba ang buhok na naka-ponytail.
"Alexandra, tara na. Magsisimula na tayo. Nandyan na si Agent Jerald. Ikaw nalang ang wala sa silid." wika nya at saglit na sumulyap sakin tsaka niya isinara ang pinto. Tumayo na si Alexandra at tinungo ang kabinet para ilagay ang mga ginamit sa paggamot sakin tsaka nagtungo sa pinto.
"Tara na, baka magalit si Agent Jerald." wika niya tsaka binuksan ang pinto. Tumayo narin ako at nagtungo sa pinto tsaka sabay kami na lumabas ng silid.
Naglakad kami patungo sa isang silid sa tabi ng sofa. Binuksan iyon ni Alexandra at tumambad sa harapan namin ang nasa pitong katao na ngayon ay nakatingin samin. Napalunok ako. Hindi ko maiwasan manginig dahil sa mga tingin nila. Nakita ko rin sa isang tabi si Leonardo na nakatingin din sa gawi namin.
"Magandang Umaga po, Agent Jerald." wika ni Alexandra.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Ala-una na pala. Tiningnan ko ang lalaking binati ni Alexandra. May mga puting buhok na siya at nakasalamin. Marahil nasa singkwenta mahigit ang edad niya.
"Baka naman pwede mo kami ipakilala sa kasama mo at bakit siya sugatan?" tanong niya kay Alexandra tsaka niya ako binigyan ng mapanuring tingin. Hindi ko maiwasan panindigan ng balahibo sa tingin na ipinukol niya sa akin. Ang lakas ng awra niya. Ito ba ang pinuno? Sasagot na sana si Alexandra, subalit biglang tumayo si Leonardo.
"Ako po ang nagdala sa kanya dito Agent Jerald, habang binabaybay ko ang daan patungo dito ay nakita ko siyang lumabas sa kagubatan at nakita ko siyang sugatan. Kaya dinala ko siya dito para gamutin ni Alexandra." paliwanag ni Leonardo. Tumango siya sa sinabi ni Leonardo. Ramdam ko na nakatingin sakin ang ibang mga kasamahan nila.
"Maupo na kayo dito sa unahan Alexandra at ikaw Binibini." wika niya at iwenestra ang bakanteng upuan na nasa harapan. Agad kaming nagtungo doon ni Alexandra at naupo.
"Bakit nasa kagubatan ka? May tinatakasan ka ba?" tanong niya sakin.
Siguro sapat nang basehan ang pagtulong sakin ni Leonardo at ang paggamot sakin ni Alexandra para pagkatiwalaan ko sila. Ang mga kagaya nila ang makakatulong sakin para malutas ang problema ko.
"Ikinulong ako ng aking amain kasama ang aking ina at kapatid. Kaya tumakas ako para humingi ng tulong para mailigtas ko ang aking ina at kapatid. At sa pagtakas ko doon ko nakita si Leonardo at isinama niya ako dito para gamutin ang mga sugat ko." sagot ko.
Hindi ko muna binanggit ang pangalan ng aking amain. Kailangan kong humanap ng tyempo para sabihin yun. Tumango siya habang nakatitig sa aking mga mata na parang tinatarok kong nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Handa akong makipagtitigan sa kanya malaman lang niya na nagsasabi ako ng totoo.
"Ramdam ko na nagsasabi ka ng totoo. Tutulungan ka namin na mailigtas ang iyong ina at kapatid." wika niya.
"Salamat po Agent Jerald." wika ko habang nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko maiwasan na mapaluha, salamat dahil napunta ako sa mabubuting tao. Paano kung iba ang nakakita sa akin? Baka kung napano na ako. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon, isang panyo at iniabot niya iyon sakin.
"Punasan mo ang iyong mga luha." wika niya. Kinuha ko iyon at agad na pinunasan ang mga luha na naglandas sa aking pisngi.
Nagsimula na ang meeting. Pinag-usapan lang nila ang mga bagay na dapat gawin kapag nasa kapahamakan lalo at Agent sila. Kung paano nila maililigtas ang sarili sa mga kapahamakan.
Pinag-usapan din nila ang susunod nila target na isang sindikato ng droga at magkakaroon sila ng pagsasanay sa susunod na araw.
Natapos ang meeting ng alas tres ng madaling araw. Bakit kaya sa ganitong oras sila nagmemeeting? Sabagay mas maganda narin yung ganitong oras tahimik. Lalabas na sana ako ng biglang tawagin ni Agent Jerald ang pangalan ko. Tinawag din niya si Leonardo.
"May pag-uusapan tayo, Agent Leonardo." wika niya.
Umupo ako sa dating inupuan ko kanina samantalang tumabi naman sakin si Leonardo.
"Ano po iyon, Agent Jerald?" tanong ni Leonardo.
"Saan tutuloy si Ms., Ano pala pangalan mo Binibini?" tanong sakin ni Agent Jerald.
"Rhianna po. Rhianna Evangelista po." sagot ko.
"Sa bahay muna siya titira, Agent." wika ni Leonardo. Tumango siya.
"Oh sige. Sayo muna siya titira, mas ligtas siya sayo. Makakaalis na kayo." wika ni Agent Jerald.
Tumayo na ako ganun di si Leonardo. Pumunta si Leonardo sa pintuan habang nakasunod ako at tsaka iyon binuksan. Nadatnan namin sa labas ang mga kasamahan niya na nag-uusap. Nasa pito sila kanina ng pumasok ako sa silid.
Apat na lalaki at tatlong babae, pero ngayon dalawa nalang sila pang-tatlo si Leonardo. Panay mga lalaki. Maaring umuwi na ang iba, pati si Alexandra. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya o nakapagpasalamat man lang sa paggamot niya sakin.
"Mauna na ako mga Pre." paalam ni Leonardo sa mga kasamahan.
"Saan tutuloy ang kasama mo?" tanong ni Harold at saglit niya akong tinapunan ng tingin.
"Sa bahay muna siya titira. Yun ang pinag-usapan namin ni Agent Jerald." wika ni Leonardo.
"Grabe Leonardo, magtitira ka ng isang babae sa bahay mo." wika ng isang lalaking mahaba ang buhok na siyang tumawag sa amin ni Alexandra kanina.
"Loko ka Brandon!" wika niya tsaka siniko si Brandon sa tagaliran. Kunwari napa-aray naman si Brandon. Nakikinig lang ako at tinitingnan lang sila na nagbibiruan nang bigla siyang lingunin ni Leonardo.
"Brandon, Harold. Si Rhianna pala. Rhianna si Brandon at si Harold." pakilala niya sakin sa mga ito.
"Nagagalak akong makilala ka." wika ni Harold at inilahad ang palad niya sakin. Tinanggap ko iyon. Nginitian niya ako sabay ng pagpisil ng aking kamay. Agad ko naman binawi iyon.
"Nagagalak din akong makilala ka Rhianna." wika ni Brandon. Nakipagkamay din siya sakin at tinanggap ko iyon, pero hindi katulad ni Harold, saglit lang ang pakikipagkamay niya sakin.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa silid kong saan nagdaos sila ng pagpupulong, ay hindi. Kami, dahil nasa loob din ako ng mga pagkakataong yun. Tiningnan ko iyon at lumabas doon si Agent Jerald. Lumapit siya samin.
"Tara na. Kailangan niyo nang umuwi at para makapagpahinga na rin si Rhianna." wika niya at nauna nang lumabas ng pintuan ng Head Quarters.
Sumunod kami kay Agent Jerald palabas ng Head Quarters. Pagkalabas namin ay hinintay muna namin na maisara iyon ni Harold. Naglakad na sila sa kani-kanilang sasakyan. Si Harold ay kulay itim na kotse ang sasakyan, samantalang si Brandon ay kulay puti naman. Sumakay naman si Agent Jerald sa van nito na kulay itim.
"Sumakay ka na." tawag sakin ni Leonardo. Ibinaling ko ang tingin sa kanya at agad akong naglakad patungo sa kotse niya. Sa passenger's seat ako umupo. Sumakay narin siya sa driver's seat. Lumabas na kami ng gate at isinara iyon ng gwardiya na tagapagbantay.
"Kamusta ka na?" tanong ni Leonardo sakin habang tinatahak namin ang daan pabalik, patungo sa tahanan niya.
"Ayos lang ako. Salamat sa pagligtas sakin." sabi ko at nilingon ko siya. Subalit nasa daan lamang ang tingin niya na hindi man lang nag-abalang lingunin ako. Ibinalik ko nalang ang tingin sa daan.
"Walang anuman. Trabaho ko ang magligtas ng tao. Natural sakin yun na iligtas ko ang taong nasa panganib." wika niya na nakatuon parin ang paningin sa daan. Tama nga naman siya, pero nagpapasalamat parin ako dahil sa pagligtas niya sakin.
"Gusto kong maging parte ng samahan niyo." lumingon siya sa gawi ko.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin ang mga katagang iyon sa kaniya. Basta ang gusto ko lang maging parte ng samahan nila at ako mismo ang huhuli kay Don Ysmael.
"Hindi pwede, dapat may kakayahan sa paghawak ng baril ang dapat maging myembro namin. At sumasailalim pa sa mga masusing pagsasanay." kontra sakin ni Leonardo.
Ano ngayon kung hindi ako marunong humawak ng armas o ng baril? Natututunan naman yun diba? Minabuti ko nalang na manahimik baka mapunta pa sa pagtatalo kapag iginiit ko ang gusto ko.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Minabuti ko nalang na ipako ang paningin ko sa labas ng bintana. Madilim pa ang paligid, tanging paghampas ng hangin sa mga punong-kahoy ang naririnig ko. Hindi ko na rin matandaan kung saan niya ako natagpuan kanina. Ipinasya kong ipikit nalang ang aking mga mata para makatulog.
Isang pagyugyog sa aking balikat ang gumising sakin. Nagmulat ako ng mga mata. Nasilayan ko si Leonardo na siyang palang may kagagawan kung bakit ako nagising.
"Nandito na tayo, sa aking bahay." aniya at tsaka inilayo ang mukha sa akin.
Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa bahay. Minabuti ko narin na lumabas ng kotse at sinundan ko siya patungo sa bahay niya. Nang makalapit ako, nilagay niya ang susi sa doorknob at binuksan iyon. Pumasok siya sa loob at sumunod ako.
Maganda ang bahay. Malinis, bungalow ang istilo nito. May salas, dalawang kwarto sa gilid, isang pinto sa kabila na marahil ay CR at sa dulo ay kusina. Simple lang na di mo aakalain na ang naninirahan pala dito ay alagad ng batas. Pumunta siya sa isang pinto at binuksan yon.
"Dito ka matutulog sa mga susunod na araw at ngayon kung may balak ka pang matulog." wika niya tsaka sinindihan ang silid at nagtungo sa kusina.
Pumasok ako sa loob ng kwarto. At iginala ko ang aking paningin sa kabuuan niyon. May kama sa gitna na ang kobre kama ay kulay itim. Sa bandang kaliwa niya ay may kabinet. Sa isang sulok ay may pintuan na marahil ay banyo. Binuksan ko ang cabinet at tumambad sa aking paningin ang mga panlalaki na kasuotan. Ibig sabihin, kwarto niya ang ipapagamit sakin.
"Nakahanda na ang pagkain, kain muna tayo bago tayo matulog."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Leonardo na nasa labas ng kwarto at tinitingnan ako.
"Kwarto mo ito diba? Bakit mo ipapagamit sakin. Doon nalang ako sa kabila. Ayos lang kahit walang kama, kahit banig lang. Ang mahalaga may tutulugan ako." sabi ko sa kanya.
"Dito ka na, doon nalang ako sa kabilang kwarto matutulog. May double deck dun kaya huwag kang mag-alala. Halika na, kumain na tayo." wika niya tsaka tumalikod siya sakin.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sino ba naman ako para kontrahin siya sa mga gusto niya? Pamamahay niya ito, kaya siya ang may karapatan sa mga bagay-bagay.
Narating ko na ang kusina at nakita ko siyang abala sa paglalagay ng plato sa mesa. Pumunta ako doon at tinulungan siya. Tiningnan niya ako, nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." sa mga pagkakataong iyon, iyon lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko at wala ng iba.
**
Natapos kaming kumain at ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Nagpaalam na siya na magpapahinga na. Binilisan kong tapusin ang ginagawa ko para makapagpahinga narin ako. Pagkatapos kong hugasan ang mga plato ay isinalansan ko ang mga ito sa lalagyan.
Nagtungo na agad ako sa aking kwarto. Nang mapadako ako sa aking kwarto, hindi ko maiwasan na sulyapan ang pinto na katabi ng aking kwarto na siyang magsisilbing kwarto niya. Gusto kong katukin iyon at tanungin siya kung ayos lang ba ang tinutulugan niya.
Minabuti ko nalang na huwag nang ituloy ang binabalak ko at pumasok na ako sa aking kwarto. Isinara ko iyon pagkapasok ko. Agad akong nahiga sa malabot na kama. Doon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng nangyari ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang saglit lang tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Idinilat ko ang aking mga mata at tiningnan ang pinagmumulan ng sikat ng araw. Nakaawang pala ang bintana, hindi ko na kasi iyon naisara kagabi dahil narin sa gusto ko na makapagpahinga.Tumayo ako at nagtungo sa bintana.
Mataas na ang sikat ng araw. Napansin ko ang orasan na nasa gilid ng bintana. Alas dyes na pala ng umaga. Agad akong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa sa kabilang kwarto. Pinihit ko yun at nagbabakasakali na bukas iyon. Nabuksan ko ang pintuan at itinulak ko iyon paloob. Walang tao. Asan kaya siya?
"May kailangan ka ba?" anang isang tinig sa aking likuran. Lumingon ako at tumama ang aking mukha sa malapad at matigas niyang dibdib.
"Aray!" wika ko sabay hawak sa aking noo na nasaktan sa pagkakabangga. Nilampasan niya ako at pumasok sa loob ng kwarto.
"Mamimili tayo ng mga damit mo. May pagkain na sa kusina, kumain ka muna." wika niya at isinara ang pintuan.
Agad akong nagtungo sa kusina at may nakita akong nakatakip. Binuksan ko iyon. Omelet, ang aking nakita. Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain. Masarap ang pagkakaluto ng Omelet, hindi lang pala siya Agent, Chef din pala.
Napangiti ako sa isiping iyon. Kahinaan ko ang lalaking magaling magluto. Tinapos ko na agad ang aking kinakain. Nang matapos ko iyon ay agad akong nagtungo sa salas para hintayin siya. Nakita ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko at may bitbit na dress.
"Isuot mo yan, mukhang magkaparehas lang kayo ng sukat ng katawan." wika niya tsaka iniabot sakin ang dress.
Medyo may kaiksihan ang dress subalit mahaba ang manggas niyon. Mabuti yun para matakpan ang kanyang mga sugat. Bakit may ganito siyang damit pambabae dito sa bahay niya. Hindi kaya pagmamay-ari ng girlfriend niya ang damit na ito?
"Ang damit na yan ay sa kapatid ko. Minsan siyang pumasyal dito noong nakaraang buwan. Naiwan niya yan." wika niya nang mapansin siguro na titig na titig ako sa damit.
"Sige maliligo lang ako at magbibihis."
Pumunta na ako sa kwarto at pumasok sa CR para maligo. Dinama ko ang tubig na lumalabas mula sa shower. Napakasarap ng tubig na dumadaloy sa aking katawan. Pagkatapos maligo ay isinuot ko ang dress na bigay niya. Sakto nga sakin ang dress.
Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin. Agad kong sinuklay ang buhok ko. Nang makontento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa salas. Matiyagang naghihintay doon si Leonardo. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.
"Tara na." tipid niyang sabi at naglakad palabas ng bahay habang ako ay nakasunod sa kanya.
Nang marating namin ang kotse niya ay agad akong sumakay sa passenger's seat at siya naman ay sa driver's seat. Binagtas na namin ang daan patungong bayan kasalungat ng dinaanan namin kanina.
"Leonardo, mag-isa ka lang ba sa bahay mo?" tanong ko sa kanya. Kahit man lang kapatid sana ang kasama niya.
"Tawagin mo nalang akong Leo, ayaw kong binabanggit ng buo ang pangalan ko. Oo, mag-isa lang ako, simula ng naging Agent ako, nakihiwalay na ako sa aking mga magulang." saad niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Hindi na ako umimik pa. Natatanaw ko na mula rito sa aking kinauupuan ang maraming tao, marahil iyon na ang bayan. Huminto kami sa harap ng isang tindahan, tindahan ng mga damit base sa nakikita ko sa loob. Bumaba ako ng sasakyan.
Sinundan ko siya sa pagpasok. Nang makapasok kami ay tumambad sakin ang mga nakahile-hilerang damit. Pumunta si Leo sa isang hilera ng damit pambabae. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya agad naman akong lumapit sa kanya.
"Mamili ka ng mga gusto mong damit at ako ang magbabayad." wika niya.
Tumingin ako ng mga damit na pwedeng pambahay at pampasyal. Tiningnan ko si Leo na nasa likuran ko at nakatayo. Lumipat ako ng pwesto at nagtungo sa mga shorts at pantalon. Nilingon ko ulit si Leo subalit wala na siya sa likod ko. Iginala ko ang paningin ko. Nakita ko siyang may kausap na babae, base sa suot niya. Marahil saleslady ito ng naturang tindahan.
Bigla akong nakaramdam ng inis. Inalis ko ang tingin sa kanila at inabala ang sarili ko sa paghahanap ng shorts at pantalon. Namimili ako ng biglang may lumapit sakin.
"Hello Miss, pwede ba kitang makilala?" tanong sakin ng lalaking nasa harapan ko. Matangkad siya at kayumanggi ang balat. Makapal ang kilay niya. Inilahad niya ang palad sakin.
"May kailangan ka ba sa girlfriend ko?" anang boses sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ito. Si Leo, bakit naman niya sinabi sa lalaki na girlfriend niya ako?