"Hindi lahat ng iniiwan binabalikan, at hindi lahat ng nang iiwan may babalikan" ito ang mga katagang pinaniwalaan ng karamihan. At isa na dito si Lovely na naniniwala rito. Subalit mapapaninindigan niya kaya iyon?.
Si Anthony ang unang naging pag-ibig ni Lovely pero dahil kay Nicole ay naputol ang kanilang relasyon. Nang makilala ni Lovely si Jhon ay naging malapit ang kanilang loob sa isa't isa. Hanggang sa ganap itong napamahal sa kaniya. Ngunit ng malaman ni Lovely na siya parin ang tinatangi ng puso ni Anthony at hindi ang babaeng inaakala niya na si Nicole, ay napagtanto niya na mahal pa rin niya si Anthony. Ngunit may namumuo ng pag-iibigan sa pagitan ni Lovely at ni Jhon. Hindi niya ngayon malaman kung sino ang mas matimbang sa kaniyang puso; si Anthony ba na una niyang pag-ibig at mahal na mahal siya nito o si Jhon na siya niyang kasalukuyan?
SABADO nang umaga ipinagdiriwang nila at ng mga kasamahan nito ang pagkapromote ni Lovely bilang isa sa head ng editorial ng company. Kasama niya ang kaniyang kasintahan na si Anthony sa pagdiriwang na iyon.
Nagkayayaan sila na mag inuman sa isang bar kaya naisipan nila Lovely na sumabay nalang sa kanila. Nandito sila ngayon sa isang bar. Maraming tao at mga babaeng nagsasayawan sa ibabaw ng intablado. "Doon tayo pumwesto." Sambit ni Rey sabay turo sa kabilang mesa. Pumunta silang lahat doon dahil mas malapit ito sa intablado sa mga nagpeperform.
Umorder ng 5 case ang kasamahan nila at sinimulan na ang inuman. Pagka raam ng ilang oras may tama na ang iba sa kanila dahil sa alak. Sa kalagitnaan ng inom narinig ni Lovely ang paguusap ng mga kasamahan ni Anthony. " Diba yan yung girlfriend ni Anthony? E sino yung kasama niya nong nakaraang araw ?" Bulong ng Babae sa kaniyang katabi na narinig na agad naman itong napansin ni Lovely dahil nakatingin ito sa kaniya. Nawalan ito ng gana sa inuman sa halip na komprontahin sila ay minabuti na lamang na umalis ito at pumunta sa Cr. Kinahaponan nag uwean na sila naiwan ang ibang mga kasamahan nito. Matagal ng naririnig ni Lovely sa ibang mga tao na may ibang kinakalandian si Anthony pero hindi niya i lang ito pinapansin kasi hindi naman nakikita ng dalawa niyang mata.
Subalit nong araw na iyon ay hindi na siya nakapag pigil pa agad naman niyang kinompronta ito.
"TOTOO ba ang naririnig ko tungkol sa Inyo ni Nicole?" tanong ni Lovely kay Anthony.
Magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay.
Hindi kaagad nakasagot si Anthony.
"Totoo ba iyon?" tanong ulit ni Lovely.
Tinignanniya sa mga mata si Anthon pero Hindi makatibgin sa kaniya ang binata.
Tumango si Anthony.
"Kung gayon matagal mo na pala akong niloloko," saad ni Lovely. "Dahil matagal ko nang naririnig ang tungkol sa inyo."
"Hindi ko mahal si Nicole," sambit ni Anthon na malakas ang boses.
"Kung hindi mo siya mahal, paano kayo nagkaroon ng relasyon?"
"Para sa akin isa lamang siyang kaibigan."
"Kaibigan? Lagi kayong magkasama at kung saan saan kayo pumupunta, may nakakita pa sa inyo na nanggaling kayo sa isang hotel, ganon ba ang magkaibigan?"
"Totoong mahal niya ako," saad ni Anthony. "pero hindi ko na siya pwedeng mahalin.
"Dahil may minamahal na ako. At ang tanging mahal ko ay Ikaw."
"Kung talagang hindi mo siya minamahal, bakit hindi mo siya magawang iwasan?" Saad ni Lovely.
Hindi nakasagot si Anthony. Bahagya itong napayuko.
"Dahil gusto mo rin siyang makasama, hindi ba?" Pagpapatuloy niya. "Madamot ako, Anthony, ayaw ko ng may kahati ako sa isang bagay lalo na sa pagmamahal."
"Mula ngayon ay iiwasan ko na siya," saad ni Anthony.
"Hindi mo na kailangan umiwas sa kaniya. Dahil simula ngayon, tinatapos ko na ang lahat sa atin."
"Ano?" nabigla si Anthony sa sinabi ni Lovely.
"Kung totoong hindi mo man siya minahal, pag-tuunan mo na ng pansin at pag aralan dahil simula ngayon wala na tayo at siya na ang mahalin mo." Saad ni Lovely at umalis na.
Hinabol ni Anthon si Lovely at nakiusap
"Lovely, nangangako ako sayo, iiwasan ko na siya."
"Wala na ring halaga ang mga pangako mo."
"Hindi mo na ba ako mabibigyan ng Isa pang pagkakataon?"
Hindi na siya sumagot, huminga ng malalim.
"Inaamin kong nagkasala ako sa'yo," saad ni Anthony habang unti unting tumutulo ang mga luha sa mata. "Hindi mo ba ako mapapatawad?"
"Hindi ganon kadaling magpatawad," aniya at humarap siya kay Anthony.
Tinignan niya ito sa mga mata. Hindi nitong nagawang salubongin ang titig niya. Bahagya itong yumuko.
Walang imik na lumabas ng pintuan si Anthony. Hindi niya ito tinignan. Hanggang sa marinig ni Lovely na umalis na ang kotse nito.
Pumasok si Lovely sa kaniyang silid at humiga siya sa kama. Masamang masama ang kaniyang loob pero pinigilan nito ang ang pagluha. Masakit para sa kaniya ang paghihiwalay nila ni Anthony. Dahil si Anthon ang tanging lalaki na natutunan niyang mahalin. Pero hindi niya matanggap na may iba pang babae sa buhay nito. Kaya minabuti na lamang niya na tapusin na ang lahat sa kanila. Upang maramdaman din ni Anthon ang sakit na nararamdaman niya. Makalipas ang isang linggong ay muling dumalaw sa kaniya si Anthony.
"Naghihintay sa iyo si Anthony," Sabi sa kaniya ng mama sa niya habang nakatayo sa may pintuan habang si Lovely naka higa sa kama.
"Sabihin mo masakit ang ulo ko," aniya. "Hindi ko siya mahaharap" dagdag pa nito.
Lumabas na ng kwarto ang mama niya at isinara ang pinto.
Ang totoo nahihirapan din siya sa ginagawa niyang pag iwas Kay Anthony. Pero habang nararamdaman pa niya ang sakit na dulot ng pagtataksil sa kaniya hindi pa niya magawang magpatawad. Alam Kasi niya na iyon nanaman ang gagawin niya ang humingi ng tawad ni Anthony sa kaniya.
LINGGO ng umaga, nakita niya ang kotse ni Anthony ng lumabas siya sa loob ng isang mall. Nang makita siya nito ay agad itong nilapitan ni Anthony ngunit iniwasan niya pa rin ito at umalis palihis ng ibang direction.
"Lovely, huwag mo naman akong iwasan oh," Ani ni Anthony habang humahabol sa kaniya. "Gusto lang naman kita makausap e, "
Hindi niya pinapansin si Anthony, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.
Hinawakan siya ni Anthony sa kanang kamay.
"Lovely, Please! "Wika nito.
"Bitiwan mo nga ako," aniya at pilit niyang inaalis ang kamay ni Anthony sa pagkakahawak sa kaniya.
"Hindi kita bibitawan."
"Tatawag ako ng pulis."
"O sige tumawag ka. Tignan natin kung may pulis na makakarating sayo."
Napahinga siya ng malalim. "Ano pa ba ang pag uusapan natin?" Inis na tanong niya Kay Anthony.
"Pwede bang doon tayo sa kotse ko,? Saad ni Anthony. " Ihahatid na tuloy Kita."
"Ayokong magpahatid sa iyo. Kaya Kong umuwing mag-isa."
"Paano tayo makakapag usap ng maayos dito?"
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."
"Okay, mahinahing sambit ni Anthony. "Kung talagang gusto mong dito na lamang tayo mag usap, sige. Dito na lang tayo mag usap ."
Napatingin siya kay Anthony. Parang nakuha nito ang ibig niyang mangyari.
Hinawakan nito ang kaniyang kanang kamay.
"Doon na tayo sa kotse." Sabi nito
Wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Anthony.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin?" Tanong niya.
"Tungkol sa atin" sambit ni Anthony.
"Tapos na ang lahat sa atin."
"Hindi ako makakapayag."
"Ayo'ko na, e . Ano pa ba ang magagawa mo?"
Pinaandar na ni Anthony ang kotse. "Hindi pa rin kita titigilan."
"Doon ka nalang kay Nicole."
"Iniwan ko na siya."
"Lalo kang mawawalan kapag iniwasan mo siya."
"Hindi ako mawawalan."
"Bakit, bukod ba Kay Nicole, mayroon ka pa bang iba?"
"Oo."
"Sino?"
"Ikaw." Napatingin sa kaniya si Anthony.
Nakadama siya ng kasiyahan sa sinabing iyon ni Anthony. Parang gusto na niyang mapangiti. Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Baka Kasi makahalata si Anthony na wala talaga sa loob niya ang ginagawa niyang pag-iwas dito.
"Naipangako ko na sa iyo na iiwasan ko na si Nicole, at tutuparin ko ang pangakong iyon." Aniya ni Anthony.
"Wala na akong pakia alam kahit pa iniwasan mo siya."
"Ganon na ba kalaki ang pagkamuhi mo sa akin?"
"Higit pa sa iniisip mo."
"Talaga bang hindi mo na ako mapapatawad?"
"Hindi na."
"Wala ka na bang nararamdaman para sa akin?"
"Wala na."
"Talaga?" Nakangiting napatingin sa kaniya si Anthony.
Nagtaka siya. Pero medyo kinabahan siya. Iniisip niya na baka nahahalata siya ni Anthony na umaarte lamang siya.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya.
"Hindi naman ako tumatawa a," saad ni Anthony. "Nakangiti lang ako."
"Bakit ka nga ngumingiti?"
"Sabi mo kasi wala ka nang nararamdan para sa akin."
"Kaya ka natawa? dahil sinabi kong wala na akong nararamdaman para sayo."
"Oo. 'di ba galit ka sa akin? At iyon ang nararamdaman mo para sa akin. Sabi mo kanina ay wala ka ng nararamdaman para sa akin. Ibig lamang sabihin nito ay hindi kana galit sa akin."
"Sira!" Napanguti rin siya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, 'no?"
"Hay salamat," sambit ni Anthony. "Ngumiti na."
"E ano ngayon kung ngumiti ako?"
"E di hindi ka na galit sa akin."
"Iyan ang akala mo."
"Hindi ko na akala yon. Dahil ang akala ko, hindi totoo. Samantalang ang nakikita ko sayo, iyon ang totoo."
"Alin ang totoo?"
"Yong hindi kana galit sa akin."
"Paano mo nasabing hindi na ako galit sa'yo?"
"Nakikita ko sa iyong mga mata. Madali namang makita sa mga mata ang tunay na nararamdaman ng puso, hindi ba?"
Hindi siya nakasagot. Dahil sang-ayon siya sa sinabi ni Anthony. Totoong maitatago mo ang mga tunay mong nararamdaman sa pamamagitan ng iyong pananalita at paggalaw, pero hindi mo iyon maitatago sa iyong mga mata.
Napangiti sa kaniya si Anthony. Napangiti na rin siya. Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at nagpaubaya siya
"Baka mabangga tayo?" Sabi niya at tumingin siya sa unahan.
Binitawan ni Anthony ang kamay niya at nagfucos sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ito ng tingin at madalas ay nagkakatinginan sila ng mata sa mata at nagkakangitian pa.
"Kumain kana ba? Magmeryedna muna tayo." Banggit ni Anthony.
"Busog pa ako, e" saad niya.
"Kahit kunti lang."
"Bahala ka."
Huminto sila sa tapat ng Jollibee. Pumasok sila roon at umorder ng sphagettii at burger. Habang kumakain sila ay nagkakangitian pa rin.
"Mamaya na tayo umuwi." Sambit ni Anthony
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Mamamasyal muna tayo."
"Pagod na ako, sa ibang araw na lamang tayo mamasyal."
"O sige," aniya ni Anthony. " Sa Saturday. Maghapon tayo mamamasyal."
"May gagawin ako ng Saturday." Sagot ni Lovely
"Ano?"
"Pag iisipan ko pa." Napatawa siya
Napangiti naman si Anthony.
Matapos silang magmeryedna ay inihatid naman ni Anthony si Lovely sa kanilang bahay.
"Umupo ka Muna," Sabi niya at itinuro niya kay Anthony ang sopa sa may Sala. Na bahay na sila ni Lovely.
"Salamat," saad ni Anthony at umupo na.
"Sandali lang, ha? Magbibihis muna ako."
"Sige," aniya ni Anthony.
Pumasok siya sa kaniyang silid. Nagbihis siya ng damit. At nag shorts na lamang siya at itim na damit. Bumalik siya sa baba kung saan naroon si Anthony at umopo sa tabi niya.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong niya.
"Wala naman."
"Baka hinihintay ka ni Nicole?" Napangiti siya.
"Hindi ko na alam ang papunta sa kanila."
"Ang sabihin mo kahit tulog ka, kaya mong pumunta sa kanila. Dahil kabisadong kabisado mo na ang papunta sa kanila." Napatawa siya.
"Talaga bang iniiwasan mo na siya?" Seryuso niyang tanong.
"Oo," saad ni Anthony.
"Paano kung siya naman ang humabol sayo?"
"Hindi ako magpapaabit sa kaniya," pagbibiro ni Anthony at napangiti.
"Sira ka talaga," aniya. " Pero seryuso na nga ako panay ka biro." Napapangiti siya.
"Akala ko kasi, nagbibiro ka pa rin," saad ni Anthony.
Ilang minuto silang nagkatitigan at kapwa sila nakangiti.
"Aasahan ko pangako mo, ha?" Habang nakatingin sa mata ni Anthony.
Tumango siya.
"Talagang iiwasan mo na siya ng lubusan."
"Hindi lamang iyan ang ipapangako ko sa iyo," saad ni Anthony.
"Ano pa?"
"Mula ngayon, hinding-hindi na kita sasaktan." Dagdag niya at hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. Unti unti nag umapaw sa kaniyang puso ang kaligayahan habang nananatili silang nakatitig sa isa't isa.
Nag uumapaw ang kaligayahan ni Lovely habang naka higa siya sa may kama. At umaasa siya sa katapatan ni Anthony sa pangako nito sa kaniya.