Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Adventure > Torpe
Torpe

Torpe

Author: : Mr. Unknown
Genre: Adventure
Ito ay kwento ni Zone Frecs, 18 years old boy. Torpe siya sa panimula ng kaniyang story. Naging badboy, playboy at naging gang leader. He will suffer loses and life defeat. Karma also will hit him in a run of this story.

Chapter 1 Katorpehan ni Zone.

Chapter l

Disclaimer: Plagiarism is a crime.

Lahat ng pangyayari, tauhan, mga lugar, at pangyayari ay bunga lamang ng malikot na isip ng may akda. Kung may pagkakahawig man ito sa pangyayare sa tunay na buhay ng tao ay sadyang nagkataon lang ang lahat.

"Pre! gusto ka ni Scarlett at alam din nating gusto morin sya. Ano pa bang hinihintay mo? Himala? Bagyo? Ina mo! gumalaw kana hanggang may oras pa." Pag-uudyok ni Yiran sa akin.

Nag-isip ako buong gabi. Puro si Scarlett at ang mga sinabi ni Yiyi' lang ang nasa'king isipan. Halos di ako nakatulog sa gabing iyon.

Kinabukasan.______

"Pre! Nakita mo ba si Scarlett?" Ang ganda nya ngayon sa suot nya" pagtatanong ni utol Yiran sakin.

"Oo nakita ko kanina ang cute niya bagay na bagay sa kanya ang suot nyang bagong uniporme" sagot ko kay Yiyi.

"So ano liligawan mona ba s'ya?" Pabirong tanong ni utol sa akin.

"Di ko alam pre' alam mo namang torpe ako pre diba?" Maikling tugon ko dito.

"Ako na gagawa ng paraan pre' para magka usap kayo. Mamaya' kakausapin ko si Scarlett, sabihin kong usto mo siyang maka-usap" sambit ni utol sakin.

"Wag na pre' parang di ko kaya baka mapahiya lang ako" nahihiyang saad ko kay Yiyi.

"Basta pre! Magpakatotoo kalang, sabihin mo kung ano laman ng puso mo. Let your heart speak if your mouth can't. Be a man and not a boy. Basta lakasasan molang loob mo, kaya moyan" pagpapalakas nya sa loob ko.

Tanghalian._______

"Hi Scarlett" pagbati ni utol Yiran kay Scar.

"Woi Yiyi' bakit nandito ka? Tugon ni Scarlett" na masayang nakita si Yiran.

" Wala lang masama bang dalawin ka? Na miss kita eh, HAHAH pambubula ni utol"

" Loko ka talaga Yiran! Ano ba kasi sadya mo't naparito ka?" Natatawang tanong ni Scarlett kay Yiyi.

"Ahh si utol Zone kasi gusto ka niya makausap" pagsagot ni Yiyi kay Scarlett

"A-hhhh e-ehhh anong oras ba? At saan?" Nahihiyang tanong ni Scarlett kay Yiran.

"Mamayang hapon raw after ng class. Doon sa plaza, sa may punong mangga" natatawa at animo'y kinikilig na sagot ni Yiyi.

"Ahh ehh sige² kaso nahihiya ako eh" nahihiyang sabi ni Scarlett.

" Wag kana mahiya bagay talaga kayo isang torpe't mahiya-in HAHAH" natatawang panunukso ni utol kay Scarlett.

Kinahapunan.______

"Pre! Ok kalang ba? Ba't parang di ka mapalagay diyan? Sambit ni utol Yiran sa akin.

"A-ahhh kinakabahan ako pre' parang lalamunin ako ng lupa sa kaba't hiya. Nawawalan ako ng confidence pre" daing ko kay utol.

"Pre kaya mo 'yan kahit mag I love you kana lang sa kan'ya ok na'yan." Pagpapagaan ni utol sa loob ko.

"Alam mo pre' same naman kayo ng feelings eh, kaya wala kang dapat ipangamba" pagpapatuloy n'ya.

"Ako nga! noong niligawan ko si Rheign, di ko alam kong may feelings din ba, sya sakin no'n pero naging ok naman lahat. 6yrs na kami ngayon" paglilitan'ya ni utol.

Minutes past.______

"Pre! nand'yan na si Scarlett, galingan mo ha' nandito lang ako sa tabi² goodluck pre! Kaya mo iyan" pagsasabi ni utol Yiyi' sa'kin.

Pagkasabi n'yang ganon, bigla akong nastatwa' wala nako sa ulirat, tuluyan na akong kinain ng systemang katorpehan.

"Yong bulaklak ibigay mo'yan sa kaniya after mo mag hi' ok?. Hoi! Pre! ano ba! Ba't balisang balisa ka? Chillax kalang' pre! magtatapat kalang naman di ka naman papatayin e. Enhale exhale lang 'yan pre'. Sige pre iwan ko mona kayo". Mahabang saad n'ya sakin.

Paglapit ni Scarlett._______

Subrang kinakabahan ako, di kona ramdam mga paa kong naka-apak sa lupa. Nilamon ako ng iba't ibang emosyon, para akong na-iihi't natatae dulot ng kaniyang presensya.

"H-hiii S-Scarlett" balisa kong pag greet sa kan'ya".

"A-ahh h-hi Zone" nahihiyang tugon ni Scarlett sa'kin.

"Sorry natagalan ako, may tinapos lang ako sa loob ng classroom" pagpapaliwanag niya sa akin.

"A-aahhh o-ok lang ka-karating lang din namin dito e," paglilinaw ko sa kabila ng pagiging balisa ko.

"Ah ganon ba akala ko kasi kanina kapa dito e," sambit niyang nahihiya parin.

"H-hindi' kakarating lang din talaga namin ni utol dito" paliwanag ko habang hinahagilap ng tingin kong na'san na si utol Yiran, pero bigo! akong mahagilap siya.

Matagal akong natamimi, nawala sa ulirat ng di nahagip ng paningin ko si utol. Naka yuko lang ako hanggang sa nagsalita si Scarlett.

"Hindi moba ako pauupoin?" Sambit ni Scarlett sa'kin habang naka yuko parin ako.

Balisa't nanginginig ko siyang tiningnan sinikap pakalmahin ang sarili.

"A-ahh m-a-upo k-a S-Scarlett". Binigo ako ng nahihiya't kinakabahan kong boses.

Lumipas ang mga minuto ng di kami nag-iimikan. Hanggang sa nag lakas loob si Scarlett na mag tanong sakin.

"Zone diba may sasabihin ka sakin ano 'yon?" Mahina niyang saad sakin.

Lalo akong na statwa tuliro' at nawala sa kamalayan. Maski ang kanina ko pang hawak na bulaklak na dapat ay kanina ko pang ibinigay sa kaniya ay di kona namalayang hawak ko parin hanggang ngayon. Naka yuko parin ako at wala na sa katinuan di ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.

"A-aahhh e-eehh" nanginginig, namumutla't di mapakali. Wala sa katinua'y pumitas ako ng isang pital ng bulaklak na hawak ko parin hanggang ngayon. Itinapon ko ito sa kung saan, habang humuhugot ng lakas ng loob.

Palinga-linga ako't di mapakali sa aking kina uupuan. Habang si Scarlett naman ay naka tingin lang sa malayo't tinitingnan ang pag lubog ng araw. nasa ganoon kaming sitwasyon ng maglakas loob muli si Scarlett na tanongin ako.

"Ano nga kasi 'yong sasabihin mo sakin Zone?" Mahina niya paring sambit sakin.

Subrang kinain na ako ng katorpehan at wala parin sa kamalaya'y sumagot.

"A-aahh e-eehh a-ano k-asi S-Scarlett" sabay pitas at hagis ng isang pital sa kung saan.

Tuluyan na talaga akong kinain ng hiya't nilamon ng katorpehan. Sa tuwing tatanungin ako ni Scarlett' puro a-aahh e-eehh lang ang tanging sagot ko, sabay ang paghagis ko ng isang pital ng bulaklak sa kung saan.

Isang oras na ang lumipas._______

Medyo madilim na di parin ako nakapag sabi ng tunay kong nararamdaman para kay Scarlett. Napansin kong panay tingin na sa kaniyang relos si Scarlett. Nababagot at na iinip na ito. Nag tanong s'ya sa huling pagkakaon.

"Ano nga kasi iyong sasabihin mo Zone?" May halong inis na sabi niya sakin.

Wala parin sa katinua'y sinagot ko sya.

"A-ahhh e-eehh" magtatapon pa sana ulit ako ng isa pang pital pero na ubos kona pala sa kakatapon kung saan ang bulaklak na binili ko para ibigay ko sana sa kan'ya.

Napabalik ako sa katinuan at dahan-dahang tiningnan si Scarlett. Subrang bugnot at inis na inis na s'ya. Nagulat ako ng makitang punong-puno ng pitals si Scarlett mula sa kan'yang buhok, mukha at sa ibang parte ng kan'yang damit. Nag mistulang flowervase at basurahan si Scarlett dahil sa'king katorpehan.

Magsosorry na dapat ako ng maunahan n'ya akong magsalita.

"Ano ba! Zone' di ko alam kung pinapunta mo lang ako dito para tapunan mo nang mga bulaklak na hawak mo. Ginawa mo lang akong flowervase! at basurahan! Nakakainis kana!. Ikaw itong may gustong sabihin sa'kin pero puro ahh, ehh at pagtapon lang ng pitals ang ginawa mo!. Mahaba't galit n'yang sabi sa akin sabay alis palayo.

END!

________

Chapter l

Chapter 2 Ang ikalawang pagkakataon ni Zone.

Chapter ll

Dahil sa kahihiyan, napaluha nalang ako. Parang gumuho mundo ko dahil sa panyayaring ito. Gusto kong saktan ang sarili dahil sa galit na nararamdaman ko. Subrang nasaktan din ako para kay Scarlett na mahal ko.

Subrang galit ako sa sarili na parang gusto konang tapusin buhay ko. Na sa ganoong sitwasyon ako ng biglang dumating si Yiyi.

"Pre! ok kalang ba?" pangungumusta ni Yiyi sakin. Naka upo lang ako't naka pout naka yukom ang mga palad at nagtigim bangang sa galit ko sa sarili ko. Ano mang oras ay sasabog na ako.

"Pre! Narinig at nakita ko lahat ng pangyayari, wag mong sisihin ang sarili mo. Di mo naman ginusto na magkagano'n ang lahat. Nakita ko naman kung gaano mo sinubukang aminin ang lahat sadyang nadaig kalang ng iyong kawalan ng tiwala sa sarili." Pagpapagaan n'ya sa loob ko.

"Hindi pre subrang kinamumuhian ko ang sarili ko, kung bakit ako ganito. Minsan naiisip ko nalang kung anong silbi ng buhay ko kung di ko manlang mapasaya ang kaisa-isang babaeng mahal ko." Malungkot kong litanya sa kan'ya.

Nasaganoon kaming sitwasyon hanggang sa mag yaya si Yiyi na umuwi nalang kami at magpahinga.

Bahay.________

Galit parin akong nakauwi sa bahay. Dumiretso ako sa'king silid at sinubukang magpahinga't kalimutan na mona ang lahat.

Binigo ako ng aking magulong isipan. Laging bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Inuosig ako ng konsensya ko sa nagawa ko kay Scarlett. Ramdam kong nagalit s'ya sa nangyari at diko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kaniya. Di korin alam kung paano mag-uumpisa muli. Pano kung tuluyan na s'yang nagalit sa akin, paano kung lalayuan n'ya na ako ng tuluyan. Diko makakayanan pagnangyari iyon. Over think malala ka Zonetot?

Iyon ang nasa-isipan ko buong gabi. Di talaga ako nakatulog sa gabing iyon dahil nag overthink malala ako. Pake niyo ba kung over thinker ako? Kayo kaya nasa sitwasyon ko. Bangog ako sa araw na ito kasi wala pa akong tulog.

Sa school.______

"Pre hulaan ko di ka nakatulog kagabi" pagbibiro ni Yiyi.

"Yeah" Tipad na sagot ko sa kaibigan ko. Halata namang wala akong tulog kasi kahit naligo ako mukha parin akong kurimaw sa pagmumukha ko.

"Ok lang 'yon pre wag mona isipin iyon. Ang mahalaga sa ngayon ay pogi ka parin kahit parang eyebugs ka na tinubuan ng mukha." Saad ni Yiran sa akin na diko alam kung pagpapagaan ba ng loob or sinisira lalo ang umaga ko.

"Letche!! ka talaga na may plan Yiran! Sira na nga buhay ko sinisira mopa lalo! Sira ka talagang sira ka" inis na may halong sarkastikong sambit ko sa kaniya.

Nagsimola na ang klase na hito't bangog ako kaya obvious na wala akong naintindihan sa lahat ng lessons.

Lunch break._____

O diba buti pa ang lunch may break ako kaya kailan kaya ako magkakabreak para masabi kona kay Scarlett na iniirog ko siya.

"Pre ano ngayon plano mo sa inyo ni Scarlett ng buhay mo?" Panunukso niya sa akin.

"Di ko alam pre naguguluhan ako, nahihiya't natatakot. Di ko alam kung papano ako hihingi ng tawad sa kaniya at hihingi ng isa pang pagkakataon para sabihin sa kaniyang mahal ko siya na, siya lang ang bumubuhay sa buhay ko." Hinaing ko sa kaibigan ko.

Natapos ang tanghalian nawala akong ibang inisip kondi papano ako hihingi ng tawad kay Scarlett. Nagsimula na ang panghapong klase na subrang lutang ko. Oo bodily present ako buong araw pero mentally absent din buong araw kasi mentally present din si Pilak sa utak ko kaya ganon. Nalito ba kayo mga mambabasa ko? Buti nga sa inyo..HAHAH edi same na tayo.

Dahil maagang natapos ang panghapong klase napagpasyahan namin ni utol Yiran na pagplanohan kung paano ako hihingi ng tawad kay Scarlett. Naayos na namin ang lahat.

"Sige na pre punta kana doon sa lugar na nasa plano natin. Ako na bahala para maisakatuparan ko ang part ko sa planong ito. Gagawin ko lahat kahit ikakapahamak kopa't masaktan, makahingi kalang ng tawad at maka ask ng isa pang pagkakataon para masabi mo ang iyong nararamdaman para sa kaniya.

Nasa lugar nako na, nasa plano namin ni Yiyi.

[Yiran speaking] dito ko aabangan ang pag-uwi ni Scarlett at kidnapin ko siya. Di na niya ako mahahalata nito may takip na ako sa mukha't di na ako nakapang unifurme pang school. Patawad Scarlett sa gagawin ko pero para sa kaibigan ko ito.

Di nagtagal nakita kona si Scarlett habang naglalakad papalapit sa kinaruruonan ko. Halatang pati siya di nakatulog kasi para rin siyang eyebugs na tinubuan ng mukha.

Nakalagpas na si Scarlett sa aking pinagpagtataguan. Ito na ang tamang oras para sundin ang plano. Hawak ang laruang patalim panakot sa kaniya.

"Wagkang gagalaw, wagkang lumingun sa likuran para di ka masaktan binibini, at higit sa..... Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na siyang sumigaw ng napakalakas." Ayos lang ito talaga ang nasa plano namin na sisigaw siya kasi nga natakot sya di malamang sisigaw siya. Baliw kaba Yiran HAHAH.

[Back to Zone] o ha ako na itong nagsasalita wag kayong malito kasi pag nagkaganon lahat na tayo dito litonglito.

Nakita ko sa di kalayuan na hawakhawak na ni Yiyi si Scarlett at nagpupumiglas ito sigaw ang pangalan ko humihingi ng tulong. Saet mga tol nakonsensya ako sa naging plano namin. Pero ito na ito e. Panindigan ko nalang lakasan at tatatagan ko nalang loob ko para rin ito sa akin.

Kahit nahihiya ay lumabas ako at umastang mala super man para sa wonder woman ng buhay kong nasasaktan na sa ginawa naming plano.

Patakbo akong sumisigaw palapit sa kanila. "BITIWAN MO SYAAA!!!" Sabay talon at hinila si Scarlett papalapit sakin. Syempre di na ako nagalangan na baka masaktan si Scarlett sa gagawin ko kasi nga drama lang namin ni Yiyi ang lahat.

Nang hinila ko si Scarlett ay di parin siya binitiwan ni Yiyi humahaguhol na ng iyak si Scarlett. Nang makita ko ang mga luha na dumaloy mula sa kanyang mga mapupungay na mata. Nawala ako sa katinuan at kusang gumalaw ang katawan ko't sinapak ng pagkalakas lakas sa mukha si Utol. Napasigaw siya at napahandusay sa daan. Bigla akong napabalik sa katinuan at instead na tulongan si utol, si Scarlett parin ang inalala ko.

"S-Scarlett ok kalang bah?" S-sorry di ko sinasadya ang lahat. Di ko sinasadyang saktan ka ng ganito. Kasi subra na ang hirap na dinanas mo mula pa kahapon. Im really sorry Scarlett kung nasaktan kita kahapon at nasaktan rin kita ngayon.

Batid kong naguguluhan na si Scarlett sa naging pagamin ko pero tuloy-tuloy lang ako.

"Scarlett sorry sa lahat. Nagawa ko lang ang lahat ng ito, kasi MAHAL KITA' OO MAHAL NA MAHAL KITA SCARLETT" tuloy-tuloy kong pag amin ng lahat sa kanuya.

Naiyak lalo si Scarlett sa mga narinig niya. Magsasalita na sana siya ng inunahan ko ulit siya sa pagsasalita.

"OO SCARLETT MAHAL NA MAHAL KITA MATAGAL NA!. Since pa noong una tayong magkita. Iyong time na di ko sadyang matamaan ka ng bola habang umiinum ka ng juice."

Magpapatuloy pa sana ako ng bila siyang magsalita.

"Wait! Alam kong mahal mo ako at mahal din kita pero naguguluhan ako sa mga sinabi mo." Paglilinaw niya.

"Ok let may explaine everything". Wow naks! napa english ako charot.

Pinaliwanag ko sa kaniya ang lahat. Mangiyak-ngiyak siya sa mga nalaman niya at di lubos makapaniwala sa lahat ng nalaman.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang.......

KRIIIINNNGGGGG~ KKRRIIIINNNNGGGG~

Wag kayong etchozz tunog ng sirang alarm clock koyan.

Shit!! Umaga na pala. Naka tulogan ko pala ang pag-iisip sa nangyari samin ni Scarlett kagabi kung pano ko siya pinagmukhang tanga. Ginawang flowervase sa mga pitals na naitapon ko sa kaniya at higit sa lahat panaginip lang pala ang lahat ng iyon? Iyong pagamin ko ng tunay kong feelings kay Scarlett? Iyong pagsapak ko kay utol. Lahat ng iyon panaginip lang pala.

End

_________

Chapter ll

Chapter 3 Ang Tunay ba buhay ni Zone.

Chapter lll

Shutta! umaga na pala, ngayon pa naman ang unang balik ng face to face classes. Nako! mahuhuli pa yata ang campus crush na daming babaeng pinaiyak ah HAHAHAH. Hangin mo talaga Zonerox.

School._______

"Pre kamusta? Tagal nating di nagkita ah nahuli ka yata ngayon pre?" Sabi ni Xiang Lei sakin.

"Tinanghali kasi ako ng gising pre. Napasarap tulog ko" tugon ko kay Xiang.

"Sa tingin mo maging maganda kaya itong pagbabalik ng face to face classis natin?" Pagtatanong ni Xiang sakin.

"Oo naman pre na miss kona mga dating gimik natin nasaan pala ibang tropa natin?" Sambit ko kay Xiang.

"Nakita ko sila Yiran kanina kasama ibang tropa natin. Kaso parang nag iba na sila pre di na sila namamansin at parang may iba na silang circle of friends pre." Daing ni utol sakin.

"Weeehhh? Ganon ba? So lumalabas na parang di na nila tayo kailangan ganon?" Inis kong sambit kay Lei.

[ mambabasa speaking, eh kailan kaba naka tulong sa kanila Zoneroxx.]

"Alam mo ba pre na since di parin totally nawawala ang Covid though, may mga activities na ay marami paring restricted areas." Paglalahad ni Xiang sa akin.

"Oo pre alam ko iyan." Maikling sagot ko kay Lei.

Na sa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang may Pumasok na tatlong nagagandahang dilag.

"Hi everyone im Krass Pein, your new teacher. You can call me Mis. Pein."

"Ahh Ms. Pein" pag pukaw ko sa attention ng maganda naming teacher.

"Yes" sagot niya sakin.

"Have you taken a lot of pain that even your name carries the certitude of it?" Pambabangas ko sa kan'ya.

"HAHAHAHA" tawanan ng mga classmates kong maikli lang ang kaligayan.

"Ah so special ka na niyan Mr.? Btw what's your name Mr.?" Pagtatanong ni Ms. Pein sa akin.

"You will suffer more pain if I tell you." Pang aasar ko ulit sa kaniya.

"Ah ok Mr. mapanakit" sarkastikong sagot niya sakin.

"Ano raw? Mr. mapanakit daw ako? HAHAHAH. Maikling sabi ko kay Lei na katabi ko.

"EHEEMM!!" pagpukaw muli ni Miss. Pein ng attention ng lahat.

"Ito palang mga kasama ko ay mga bagong mag-aaral dito sa school natin. Sanay pakisamahan n'yo sila ng maayos at igalang." Pagpapaliwanang ni Miss. Pein sa amin.

Sige na mga binibini ipakilala n'yo na sarili ninyo sa kanila.

Tumahimik ang lahat habang nagpapakilala si Samantha Maureen at Lehestia Ana habang ako ay panay parin pangungulit kay Lei na mukhang naalibadbaran na sa akin. Hanggang sa sinabi nina Mau at Ana ang mga katagang.

"Mga kamag-aral sana matanggap ninyo kami at.." magpapatuloy na sana sila sa pagsasalita ng bigla na naman akong sumingit.

"Alam n'yo mga gorgeous welcome na kayo sa school nato't maging sa buhay ko pero takes time mona sa puso't isip ko." [Bagyo alert Mr. Mapanakit] pang aasar ko sa dalawang magandang dilag.

"Mr. Mapanakit na ka dalawa kana ah isa pa sa office kana." Inis na saad ni Miss. P.

"Tologo ba! Miss. P? HAHAHAH." Pang-aasar ko lalo sa guro namin.

Naging normal ang lahat hanggang sa mag tanggalian.

Lunch break.______

Sana all buti pa talaga yong lunch break nagka break.

Sam and Ana Pov:

"Tea ang pupugi ng mga kaklase natin no? lalo na iyong Xiang Lei at Zone Frecs na iyon. Ayyy grabe para akong nasa heaven 'tea." Kinikilig na sabi ni Ana kay Sam

"Tumahimik ka nga diyan Ana, di naman sila ang ipinunta natin dito 'tea 'yong learnings and hopefully makapagtapos. Isa pa diko gusto ang Zone na'yon ubod ng kahanginan na animo'y bagyo, pero aaminin kong iba si Lei mabait, seryuso at bonus nalang iyong kapogian niya. He caught my attention 'tea." Kilig na tugon ni Sam kay Ana.

"Oh s'ya tara na nga sa canteen at ng makakain na gutom nako 'tea eh" sambit ni Ana.

Canteen._______

Naka upo lang kami sa isang table at nag-uusap as usual im the only one talking while tahimik lang si Lei. Nakita kong dumating sina Sam at Ana at pumila para bumili ng pagkain kaya wala na akong sinayang na oras at pumila narin kasunod nila at sumunod naman sa akin si Lei.

"Hi gorgeous, your beauties are so cunning that makes me addicting." Pambubula ko sa kanila with seducing look and soft lip bite.

[Ana in her mind, wahhhh gushhh heaven fafa Zone and Lei. To the O to the M down to G OMG! gusshh ma' beauty HAHAH.] nakatulala si Ana habang deadma lang si Sam.

"Hey! are you still with us lady? Look! i know that we are handsome but raping us in your mind is a crime." HAHAHA panunukso ko kay Ana.

"A-ahh e-ehh" pagrerecover ni Ana sa kalutangan niya.

"Yes! If raping you guys in may mind is a crime then i am guilty." kilig na sambit ni Ana.

"HAHAHAH" malakas kong pagtawa na ikinagulat ng lahat nang taong andito sa canteen.

"Oppss sorry guys alam ko naman na handsome ako kaya ok lang na mapatingin kayong lahat sa akin. Pero ang pagnanasahan ninyo ako sa mga isipan n'yo aba'y bawal iyan baka araw-arawin ninyo 'yan at maanakan ko kayong lahat diyan sa mga isipan ninyo HAHAHA." malakas ulit na pagtawa ko.

Narinig ko ang hiyawan ng mga kababaehan at pangungutya ng iilang may galit sa akin. Di ko nalang sila pinakinggan at nagpatuloy nalang sa pakikipagharutan kay Ana.

Tapos na kaming kumain at nagsimola na ang panghapong klase na maaga ring natapos.

Uwian.______

"Pre di ka pa ba tapos diyan tara na sa labas ng maka pang chicks na ulit tayo. Na miss ko na maghakot ng mga chickazz na pa iiyakin ko rin sa dulo." Saad ko kay Lei na nagsusulat parin ng mga napag-aralan namin ngayong araw.

"Mauna kana lang sa labas pre. Kita nalang tayo sa tambayan tatapusin kolang ito susunod na ako" tugon n'ya sa akin.

"Matagal pa ba yan?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Malapit na pero ma una kana lang kasi dadaan pa ako sa library may hihiramin akong aklat doon." Sagot niya sa akin.

"Oh sige bilisan mo diyan ha susunod ka kaagad sa tambayan." Tugon ko sa kaniya.

Nasa tambayan na ako at maraming tao sa paligid may mga love birds na nagkukulitan at ang karamihan ay gaya ko mga naka tambay lang. Uupo na sana ako ng mapako ang paningin ko sa dalawang babaeng naka-upo sa medyo masukal at malayo sa ibang naka tambay lang. Kilala ko ang mga ito kaya napagpasyahan kong puntahan sila.

"Hi gorgeous" bati ko ng makalapit na ako sa kanila.

Isang malapat na ngiti nang isa ang sumalubong sakin at isang mukhang tanga na di manlang ako pinansin. Tama kayo sa mga na iisip ninyo sila Ana at Samantha nga ang nakita ko.

"Hi Ozone handsome layer" pag bati ni Ana sa akin habang inismiran lang ako ni Samantha.

"Naks! ikaw Ana ha matapos mo'ko halayin sa isipan mo may palayaw kana agad sakin."

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumingit si Sam, sa usapan.

"Pwede bang tumahimik kayong dalawa diyan! Kita ninyong nag-aaral 'yong tao ang ingay-ingay ninyo. Ikaw Mr. mapanakit kung nandito kalang para manggulo at ilalahad na naman iyang kahanginan mo pwede bang umalis kana lang dito? Ginugulo mo lang pag aaral namin eh." Mahaba at inis na salaysay ni Sam sa akin.

Nakita kong napahiya si Ana sa inasta ng kaibigan niya.

"Ano bang problema mo sakin Samantha? Ina-ano ba kita diyan? At ba't ang init-init ng dugo mo sa akin? Ano bang kasalanan ko sayo?" Inis na tanong ko kay Samantha.

"Wala naman makaka-alis kana." Inis paring tugon ni Sam sa akin.

"Puny*ta!! ano bang kasalanan ko sayo para sungitan mo ako? Type mo ba ako kaya sinusungitan mo'ko? Mag sabi kalang sasagutin naman kita eh. Isa pa sino ka para paalisin ako dito sa tambayan kay bago-bago mo palang dito kung umasta ka parang pagmamayare mo buong mundo ah." Inis ko ring saad kay Samantha.

Nakikita kong halos dina malaman ni Ana ang gagawin. Maging ang mga taong naka paligid sa amin dito sa tambayan ay na sa'min na ang tingin.

"Hoi Samantha kung ayaw mong ma isturbo dyan sa pag-aaral mo doon ka sa library wag dito. Tambayan ito at di paaralan gets mo?" Pagtataray ko rin kay Sam.

"Tara na Ana wag na tayo dito mga warfreak at idiot pala mga tao dito." Pagdadabog ni Sam sabay Hila kay Ana palayo.

Paalis na sana ako ng makita kong may na iwan silang gamit. Kinuha ko ito at inilagay kolang sa bulsa since, hindi naman ito kalakihan.

Library.______

Naabutan ko silang nakaupo sa iisang study table at magkaharap sina Lei at Sam habang katabi ni Sam si Ana na kinikilig parang bulate sa gilid. Maingat akong lumapit ng di nagiiwan ng ingay at na upo sa di kalayuang mesa. Masaya ko silang pinapanood.

"Ano ba Ana wag ka ngang malikot diyan para kang bulate eh." Pabulong na sabi ni Sam kay Ana.

"Ehh enebe kasi si fafa mo Lei oh kaharap mo. Sunggaban mona baka makawala pa ang gwapong isdang iyan." panunukso ni Ana kay Sam.

Natatawa lang ako habang pinagmamasdan sila. Si Xiang Lei naman parang walang pake ang shungga.

"Tumigil ka Ana nakakahiya ano kaba." Inis na pabulong ni Sam kay Ana.

Nasa ganoon silang sitwasyon hanggang sa nakikita kong sinasalansa na ni Lei ang mga gamit niya sa kaniyang bag kaya lumapit na ako.

"Oh' dude aalis kana? Di mo manlang ba kakausapin mga nagagandahan mong kaharap sa mesa?" Mahina kong sambat sa usapan nila habang na kay Lei paningin.

Napansin kong naiilang si Lei at ganoon din si Sam habang si Ana ay parang kinikilig na bulate panay smile at may pa kindat-kindat pa sa akin.

"A-ahh h-hahh?" Utal na sagot ni Lei sa akin.

"Dude na-uutal ka oh naks! pumapag-ibig naba?" pambubuyo ko lalo kay Lei.

"H-hindi ah a-ako na u-uutal." Utal-utal paring tugon ng torping kaibigan ko.

"Hindi halata tol HAHAHA. Enhale exhale lang 'yan tol. O ano aalis naba tayo? Paalam ka mona sa mga kasama mo. Sambit ko kay Lei.

"A-aahh e-ehh" sabay kamot sa sintedo.

"S-sam Ana mauuna na kami sa inyo ha. May gagawin pa kasi kami sa bahay eh." Utal-utal paring sabi ni Lei habang hindi mapakali.

A-ahh s-sige L-lei di narin kami magtatagal dito uuwi narin kami maya-maya. [Na uutal man ang kaibigan ko mas lalo na ang Samtot nyo.] Mas lalong utal na sabi ni Samantha kai Lei.

"Bye gorgeous see you all tomorrow." Mahangin kong pagpapaalam sa kanila.

"Bye fafa Zone at fafa Lei" maharot na pagpapaalam ni Ana sabay kindat sakin.

Umuwi na kami at naghiwa-hiwalay.

Bahay._____

"Mom, andito na pogi n'yong anak." Sabi ko kay mama habang nagluluto ng hapunan.

Nagmano lang ako at dumiretso na sa'king silid. Inilagay ko ang mga gamit sa ibabaw ng study table ng silid ko. Maghuhubad na sana ako ng pantalon para maligo ng makapa ko ang isang bagay sa bulsa ng Pantalon ko.

Agad ko itong kinuha at nakita kong para itong isang diary. Wala akong balak buksan ito since hindi ko pagaare ang bagay nato. Naalala kong isusuli ko pala dapat kina Ana ang bagay na'to pero nawala ito bigla sa isipan ko. Inilagay ko ito sa ibabaw ng study table at naligo.

After ko maka bihis di parin nag tawag si mama ng hapunan. Naupo mona ako sa higaan ko habang nagmumuni-muni. Nasa ganoon akong sitwasyon ng mabaling uli ang paningin ko sa maliit na booklet na nasa ibabaw ng mesa. Curiousity hit me that hard so kinuha ko ang booklet na iyon.

Tiningnan kong mabuti ang cover nito. It was just a simple booklet with dark blue color. Binuksan ko ang unang pahina at may naka sulat na "Dark secrets don't open it. It will ruin your entire life."

Curiousity hit me most that im about to open it when suddenly my mom calling me for dinner.

END

_______

Chapter lll

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022