Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Thorns Between Two Lovers
Thorns Between Two Lovers

Thorns Between Two Lovers

Author: : E.A.Soberano
Genre: Romance
Giovanni is being compromised by his beloved mother to become a full pledge priest someday as his mother's promised when he survived from a terrible accident when he was a 4 year old. Being an obedient and only son of his parents, wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang Mahal na ina. Since he started junior high, he serves as an altar boy on their city parish church. "Are you sure that you want our only son enter the seminary after his graduation? Seryosong tanong ni Don Nicolas sa asawa. "And what makes you think na magbabago isip ko Nicolas?" alam ni Donya Esmeralda ang iniisip Ng kanyang Mahal na asawa, nag aalala ito na walang magmamana ng kanilang Multi-million dollar businesses at magpapatuloy Ng kanilang angkan Ng mga Ricablanca. Nasa huling taon na sa pagpapari si Giovanni sa seminaryo at kailangan nyang dumaan sa isang Malaking pagsubok bago siya ordinahan bilang isang pari. Kailangan nyang gugulin ang natitirang isang taon sa labas Ng seminaryo na parte ng proseso.. Eksaktong siyam na taon, lumabas siya Ng semenaryo upang subukin kung talagang nasa pagpapari ang kanyang buhay. In his mind and heart, he is already decided in this vocation, but fate seems to be playing him around. Dalawang buwan na lang at oordinahan na siya Ng makilala Niya ang kauna unahang tao na hindi mawala sa isip nya, nakapag papapula sa kanyang mukha pag tinititigan siya, at higit sa lahat Parang tinatambol ang kanyang puso sa bilis nitong pagtibok pag nakikita Niya ito. Ito ay sa katauhan Ng isang babae, si Jessica. Ito na yata ang pinakamagandang babae na nakita nya. Angels not only found in heaven, may isang naligaw sa lupa at abot kamay nya, saloob loob ni Giovanni.

Chapter 1 Home Sweet Home

Ricablanca Mansion:

It was a tranquil day, and the sun shines brightly giving the facade of the Ricablanca Mansion more magnifent and gives an aura more sophisticated and extravagant on its color which combined with majority of crimson white and royal blue that makes its appearance more regal.

It way a joyous day for the Ricablanca Mansion,dahil laLabas na mula sa seminaryo ang kaisa isa nilang anak, si Giovanni Ricabalanca o mas kilala sa tawag na Gio.

After nine years sa wakas lalabas na ang kanyang pinakamamahal na anak at magiging ganap na itong pari.

"Aling Celia, okey na ba ang mga litson? Ang mga paborito ni Gio na mga pagkain okey na ba? Aligagang tanong ni Doña Esmeralda sa mayordomang si Aling Celia.

"Okey na po ma'am, pati ang tatlongpung kilong mga alimango at sugpo ay inihahanda na ni mang Vener. Ang tinutukoy nito ay ang butler Ng pamilya Ricablanca na mula pagkasilang ni Giovanni ay nasa pamilya na Kasama ni Aling Celia,

"Okey na rin po ma'am ang mga lamesa at upuan sa gilid Ng pool" sagot din ng isang medyo bata kay Aling Celia na kasambahay.

"Mabuti Naman, anumang oras darating na si Gio, pati si father Carmelo at ibang mga kasamang pari parating na rin maya maya" excited na pahayag Ng donya,

Maging si Aling Celia ay natutuwa dahil sa wakas Makikita nya muli ang kanyang alaga. Eksaktong tatlongpu at tatlong taon na hindi nya nakikita ang inalagaan nya mula Ng isilang ito.

"Bakit wala pa si mang Ramon?Anong oras ba sinundo ni mang Ramon si Gio sa seminaryo? Dagdag tanong ng Doña.

"Nagtext na po ma'am malapit na raw sila ni sir Gio" sagot ni Aling celia

"Ma'am telepono po si sir, " sabay abot Ng cordless phone sa among babae Ng medyo bata ang edad kay Aling Celia na kasambahay.

"Hon where are you? it's already pass nine 'o clock,any moment from now Gio will arrived soon, aren't you excited to see your only son?

Napapangiti sa kabilang linya si Don Nicolas sa masayang boses Ng Mahal na asawa na halata ang excitement sa paglabas sa seminaryo Ng kanilang pinakamamahal na si Giovanni.

"Honey calm down,hahaha of course I'm excited", natatawang sagot Ng Don, The board meeting is about to end, maybe I will be a little bit late, il go straight to the Mansion all the way from here after the board meeting." Tugon Ng asawa.

"Hon, what is the useof hiring so many managers and specialist if you are spending so much time in the company?"

"Fine, fine you won" sagot Ng lalaki sa kabilang linya sabay pindot Ng button sa mahogany table sa kanyang opisina. "I'm living now hon" at ibinaba na nito ang telepono.

"Chairman, You need something?" Sabay bukas ng pintuan at tanong ni Natalie,ang secretarya Ng Don.

"Natalie, I'm leaving, kinukulit na ako Ng asawa ko.

"Aren't you go back to the board meeting chairman?" Tanong Ng intelihenteng secretary habang nakatayo sa harap Ng don.

"No,you know my wife, she will never stop pestering me until I reach the house,lalo at parating si Gio mula sa seminaryo and besides the meeting is on the stage of planning, the board of directors will decide, just give me the minutes first thing in the morning"

"Noted chairman" listong sagot ni Natalie.

Tuluyan na itong tumayo, dinampot ang coat na nakapatong sa rack at tinungo ang pintuan,laLabas na sana ito ng pintuan Ng lumingon ang don.

"And do orders foods for the entire company's staff. It's Thanksgiving treat from my son Gio"

"Thank you chairman Ricablanca"

At tuluyan na lumisan ang don patungo sa parking area exclusively for the chairman.

Sa kabilang dako...

Binabaybay Ng isang mustang na sasakyan pagkapasok sa main gate Ng Villa Ricablanca ang Mahabang pathway patungo sa mansion Ng mga Ricablanca sakay nito ang kalalabas pa lang na si Gio mula sa Seminaryo. Tanaw nito mula sa bintana Ng sasakyan ang parang mga taong aligaga sa paghahanda sa isang okasyon.

"Anong meron mang Ramon? May okasyon ba sa mansion? Nagtatakang tanong ni Gio na nasa likod Ng sasakyan.

Napangiti ang driver at sabay sulyap sa anak Ng amo.

"Naghanda po señorito ang mama nyo Ng konteng salo salo dahil laLabas na kayo Ng seminaryo" nakangiti pa ring tugon ni Mang Ramon.

"Ang mama talaga" napabuntung hininga at maikling tugon Ng binata, kilala Niya ang mama nya,ang maikling salo salo na sinasabi ni mang Ramon ay kayang magpakain Ng buong barangay.

At tuluyan Ng pumarada ang sasakyan sa harap ng mansion. Agad bumaba Ng sasakyan ang binata at tinungo ang ina na noon ay naka Tayo sa labas Ng main door na abot tenga ang ngiti.

"Ma," at yumakap ang kalalabas pa lang sa sasakyan na si Gio.

"Hijo" ,nangingilid ang luhang yakap Ng nasasabik na ina, madalas man nya ito madalaw sa seminaryo sa loob ng siyam na taon pero mabibilang sa daliri na makausap Niya ito doon ng personal, dahil kung hindi busy ito sa pag aaral Ng theology ay nasa outreach activity ito.

"Yaya celia?" Sabay baling sa medyo may edad na babae na katabi Ng kayang ina sa pagkakatayo.

"Welcome back anak," naiiyak na yakap ni Aling Celia, nasabik siya sa napakabait na alaga na itinuring na nyan anak mula Ng nanilbihan siya sa mga Ricablanca.

"Have you been well hijo? Si doña Esmeralda. Tiningnan nya mula ulo hangang paa ang anak

"I am ma" ang papa? Linga ni Gio sa paligid.

"He is on his way home now, may inayós lang sa opisina ang papa mo iho, oh heto na pala ang papa mo eh" Ng makitang papasok ang sasakyan nito papalapit sa harap ng mansion.

"Pa,! Agad na nagyakap ang ama pagkalapit nito sa anak.

"I miss you iho, and welcome back" nangingilid ang luha nitong sambit sa anak.

"Miss you too Pa, kayo dalawa ni mama" sabay tingin sa ina.

"Anong meron ma"? tanong ni Gio,kahit alam na nito kung Bakit may magarbong handaan sa mansion.

"Bakit masama ba maghanda,dahil magiging pari na ang anak ko? Ganting tanong Ng ina.

"Alam mo Naman ang mama mo,oh halika na at nag aantay na mga bisita mo iho," sagot Ng ama kay Gio.

"Ma, isang taon pa bago ako maging ganap na pari" sagot ni Gio at inakbayan ang ina at ama habang naglalakad patungo sa gilid Ng pool kung saan nag aantay ang mga bisita.

"Malapit na yun anak, ganun din un, sigurado Naman ako anak na maoordinahan ka at magiging full pledge priest" huminto sa paglakad si doña Esmeralda at humarap sa anak, hinaplos Ng ina ang pisngi Ng anak at naluluhang sinabing.." I promised to HIM anak na magiging pari ka..

Alam ni Gio ibig sabihin Ng ina, ipinangako Ng ina sa Diyos na makaligtas lang siya sa aksidenteng iyon ay pagpapariin nya ang anak upang makapaglingkod sa KANYA.

Hindi na umimik si Gio at pinagpatuloy na Ng mag ina ang mahinang pag lakad.

"Remember father Carmelo anak? Muling tanong Ng ina.

"Yes ma, pano ko Naman nakakalimutan si Father Carmelo eh siya ang parish priest sa bayan kung saan ako nag sakristan ng apat na taon noong nasa Junior high ako" sagot ni Gio sa ina.

May sasabihin pa sana ang ina Ng isang tinig ang tumawag Ng pansin sa mag ina, papalapit sa Kanila mula sa grupo ng mga bisita ang isang medyo may edad Ng lalaki na mahuhulaan mong isang alagad Ng simbahan base sa suot nito.

"Gio,iho! Tawag sa pangalan ng binata habang nakangiti papalapit sa Kanilang mag ina.

"Father Carmelo? Masayang bati ni Gio sa pari Ng makalapit na ito at agad nitong inabot ang paladng pari nagmano dito.

"Purihin ang Panginoon Gio, sa wakas ay malapit ka ng maging ganap na alagad ni Kristo" masayang bati Ng pari sa binata at tinapik ito sa balikat.

Sobra itong natutuwa sa dating sakristan at sa wakas ay magiging ganap na itong pari.

"Salamat po father,"bahagya itong yumuko bilang pagbibigay galang sa dating paring pinagsilbihan nya noong nagsasakristan pa siya sa kanilang bayan.

"Higit kailanman, ngaun ka maging matatag, marami ang tinawag ngunit iilan ang hinirang" makahulagang turan Ng pari,at alam ni Gio ang ibig sabihin Ng mabait na pari.

"Tatandaan ko po father ang inyong payo at naway patnubayan ako ng Panginoon upang marating ko ang pagiging isang ganap na alagad ni Kristo para sa kanyang sambahayan" turan ni Gio at sabay tingin sa ina at ama na Kita ang labis na katuwaan sa mata Ng ina..

"Gio anak isa ng cardinal sa Cebu si Father Carmelo inimbita ko siya upang personal na magpasalamat dahil sa tulong nya mula noong nag sakristan ka hanggang pumasok sa seminaryo." Sabat Ng ina.

"Congratulations po father"

"Let's go father, anak halika na maupo na Tayo"

At sabay sabay na sila naupo sa bakanteng table.

Pinangunahan ni father Carmelo ang dasal bago ang salo salo na naka focus sa pasasalamat dahil sa mga sandaling iyon, sa malaonn at madali ay isa na namang nilalang ang nakatakdang maging instruments Ng Panginoon upang magbahagi mabuting balita at Ng mga salita Ng Diyos.

"Panginoon patatagin mo pa lalo ang pananampalataya at malabanan ang tukso na kakaharapin ni Gio bago ito maging ganap na pari" ayon sa huling panalangin Ng pari bago umpisahan ang salo salo.

Nagpahid Ng luha si Donya Esmeralda na akbay akbay ni Don Nicolas na nangingilid din ang luha Ng mga oras na yun.

Chapter 2 Tragic Accident

Almost getting dark when the welcome party for Gio was ended, everyone feels exhausted but it was very joyful day. It's rare occasion the Ricablanca Family catered for a long time since the heir of the family enters the seminary for priesthood.

It's a different to doña Esmeralda who is still energetic and ecstatic because after nine years her son Giovanni finally back from the seminary and soon to be ordained the following year.

The couple is about to set on bed early after the occasion.

"Hon, are you still not going with me?" Don Nicolas asked his wife who still sitting on the couch inside the family library while looking the family photo album of Gio during childhood.

Nakangiti na sumulyap si Esmeralda sa asawa. Imbes na sagutin ang tanong ng asawa ay iba ang sinabi nito.

"Hon I'm so happy at sa wakas magiging opisyal Ng pari ang ating anak sa sunod na taon." Sabi nito sa asawa.

Napabuntung hininga Ng mahina si Nicolas sa tinuran Ng asawa.

"Hon matagal pa ang next year, marami pa pede mangyari" sabay tiklop nito sa papeles na binabasa.

"What do you mean? Our son is destined to become priest Nicolas, I cannot afford or even think that Gio will turns his back of becoming a priest" seryoso nitong sagot at nawala ang ngiti sa Labi. "Of all people alam mo kung Bakit" dagdag nito at sabay na ipinagpatuloy ang pagtingin sa photo album Ng anak.

Tumayo na si Nicolas sa pagkakaupo, hindi na ito nagsalita, alam nya ang patutunguhan Ng pag uusap Nila kung sasagot pa siya sa asawa.

Lumapit ito sa asawa, yumuko at humalik sa noo nito.

"I'll get going, mauna na ako sa master's bedroom, sumunod ka na lang after mo dito, nagpapahinga na rin si Gio sa kwarto, good night hon"

"Good night hon, after this susunod na rin ako" sagot Ng asawa.

Pagkalabas Ng asawa, nagtungo sa drawer Ng cabinet si Esmeralda at kinuha ang maliit na box at bumalik sa kinauupuan,binuksan nya ito sa kandungan at inilabas nito ang isang Kwentas na may palawit na metal na may mga letrang nakasulat.

Naging emosyonal ang donya at hindi maiwasang maalala ang pangyayari dalawamput walong taon na ang nakararaan.

.............

Dr. Adrian Noche please proceed to Pediatric emergency room...Dr. Adrian Noche please proceed.....

May pagmamadali at paulit ulit na maririnig sa kabuuan ng St Luke's Medical City Global City ang nag voice over na customer.

Mangyayari lamang ito kung ang doctor ay wala sa doctor's station at kung emergency.

Nagmamadaling tumayo sa pagkakaupo sa coffee shop Ng hospital ng marinig Ng doctor ang kanyang pangalan, bitbit sa kamay ang stetoscope at mabilis na lumabas patungo sa pediatric emergency room.

Bilang solong neuro-surgeon Ng araw na iyon alam nya kung gaano ka seryoso ang pangangailangan sa serbisyo nya.

Ricablanca Business Headquarters:

"Chairman, there is incoming call at line 5" bungad Ng secretarya ni Nicolas.

Tama ang hinala Ng secretary,hindi napapansin Ng kanyang boss ang pag red Ng button Ng line 5 dahil engrossed na engrossed ito sa mga binabasang papeles.

Ang line 5 ay exclusive lamang na tawag mula sa pamilya Ng kanilang boss at mareredirect lang sa secretary kung walang sasagot sa opisina Ng chairman.

Pumasok na ang secretarya upang ipagbgay ang alam ang tawag mula sa kasambahay Ng pamilya Ng chairman.

"Okey, il take it" , sagot Ng chairman.

Hindi pa nag iinit sa pagkakaupo Ng lumabas ang chairman na nag madali at halata sa mukha ang pagka balisa.

"Natalie, cancell all my appointments and meetings for today until tomorrow"

Hindi na nakasagot si Natalie habang nakatingin sa likod Ng chairman na animo sibat sa bilis Ng hakbang patungo sa executive elevator.

Nagtataka man bumalik na lang sa pagkakaupo si Natalie mula sa biglang pagtayo. Alam nya may emergency ang chairman sa family dahil hindi pa nya ito makita Ng ganun kataranta kung business related business ang problema.

...........

Lakad takbo ang ginawa ni Nicolas pagkababa Ng sasakyan..diretso siya sa loob ng ospital.

Nadatnan nyang umiyak ang asawa nya sa labas Ng operating room katabi Ng emergency room Ng ospital habang yakap Ni Aling Celia ang yaya Ng kanyang anak.

Niyakap nya ang halos himataying asawa sa tindi Ng emosyon nito sa nangyari sa anak nilang si Giovanni.

"Husssh,tama na hon, Gio will surely survive, pag aalo nito sa asawa"

"Hon si Gio, ang anak natin!" Hagulhol Ng asaha.

"Tama na, huss tama na," mahigpit na yakap ni Nicolas sa asawa.

"Yaya Celia ano po ba nangyari at naaksidente ang kotseng sinasakyan ni Gio?".Ang naintindihan lang nya kanina telepono ay nasa sa ospital ang anak dahil naaksidente ang minamanehong kotse Ng driver Nila galing sa pag sundo sa kanyang anak mula sa paaralan,agad nya ibinaba ang telepono at nagmamadali sumugod sa ospital na pinagdalhan sa anak.

Ngunit walang maayos na maisagot ang yaya dahil sinabi lang Ng pulis na tumawag sa mansion na naaksidente ang sasakyan na pag aari Ng mga Ricablanca sakay ang isang bata at ang driver nito.

Maging ang personal driver na si Mang Dencio na naka assigned sa paghatid at pag sundo sa anak ay kasalukuyang nasa operating room din ng ospital.

Panay ang tingin Nila sa pinto Ng operating room, at bawat lumalabas at bumabalik na nurse ni wala sila idea kung ano ang dala nito pabalik sa operating room.

"Nurse what happend to the patient? Garalgal na tanong sa Nicolas sa nurse na lumabas. Pati siya ay Parang binigay na rin sa bigat Ng nararamdaman sa anak.

"Sir, just wait for the doctor to come out" wala silang nakuhang matinong sagot sa nurse dahil nagmamadali na itong pumasok sa operating room.

Awang awa si Nicolas sa asawa na inakalang nakaupo sa bench, pero kailangan nyang maging matatag at di nya pede nya ipakita sa asawa ang nararamdaman nya.

Nag antay pa sila Ng mahigit 2 oras bago muling bumukas ang operating room. awang awa si Nicolas sa asawa.

Napabalikwas Ng Tayo ang mag asawa, alalay ni Nicolas ang asawa Ng lumapit sila sa bagong labas Na doctor na nag aalis pa Ng surgical gloves.

"Dok how's my son," agad na tanong ni Nicolas sa bagong dating na dr., Kinalma ni Esmeralda ang sarili, yumakap sa asawa upang makakuha Ng lakas, dahil nanginginig mga tuhod nya.

Bumuntung hininga muna ang neuro- surgeon bago nagsalita sa kundisyon Ng pasyente. Bilang isang medical practitioner, he should speak straight to the point based on the present condition Ng pasyente

"We are just ended the operation, the main Injury is the patient's brain, since he is just a kid, his skull it's not matured enough to protect it from external trauma, malakas ang impact Ng pagkaka hampas Ng ulo Ng anak nyo sa loob ng kotse, I will be honest Mr Ricablanca, the prognosis is very little, but we are closely monitoring him at the ICU" mapatiimbagang sa narinig si Nikolas at nakuyom ang dalawang palad, nag iinit dalawa mata nya..

Nagpatuloy ang doctor, "if he does not show any development from his condition after 3 to 5 days, I am afraid your son will be in a vegetative state for the rest of his life.."

Di pa natatapos magsalita ang neuro-surgeon nawalan na Ng ulirat si Esmeralda sa mga bisig ni Nicolas, hindi nito makaya ang narinig sa mga Labi Ng doktor...

Chapter 3 Agony of a Mother

"Mama! I'm starving, mama wake up it's already breakfast time...." walang tigil ang halik Ng apat na taong gulang na batang lalaki sa mukha Ng ina, habang hila hila ang kumot na nakabalot sa natutulog na ina..

"Mama, wake na,..I'm starving....

"Uhmmm.." G..Gio? Anak? You're fine baby? Huh let me hug my baby! Hug mama baby...Gio..ngunit tumakbo palabas ang bata na humahalakhak..na Parang nagpapahabol...

"Giooo! Babyyy! Wait mama"...Sigaw ni Esmeralda,

Napabalikwas Ng bangon si Nicolas sa pagkaka subsub sa kama Ng ospital kung saan natutulog ang asawa..isang gabi at halos buong araw na nyang binabantayan ang asawa..

After nito nawalan Ng malay ay ngayon lang ito nagising. Under the state of shock ang dahilan Ng pag collapse nito ayon sa doktor dahil sa nangyari sa kanilang anak.

"Hon si Gio, He's here, andito si Gio"

Niyakap Ni Nicolas ang asawa.Napaniginipan nito ang kanilang anak.

"Husssh it's okey hon, maging siya ay sobrang bigat na rin Ng kalooban pero ayaw nya magpakita Ng kahinaan sa asawa.

"Hon andito si Gio, he is fine..huh? tingin nito si asawa.

Awang awa sa asawa si Nicolas, namamaga na mata nito sa walang tigil na pag iyak.

"Hon, Gio is still at the ICU" kailangan nyang diretsohin ang asawa upang magising sa katotohanan na ang kanilang anak ay nasa kritikal na kundisyon at hindi pa nagigising pangatlong araw na ngaun.

"No, Gio our baby is here,he is just fine" anyo itong tatayo ngunit pinigilan siya Ng asawa at kinulong sa bisig...

Ngunit nagpumiglas ito, "No, hon let me go,Gio is fine! he is here, kissing me. Hysterical nito.."

Hindi na nakapagpigil si Nicolas, he is already exhausted, dalawang gabi na siyang puyat sa pagmomonitor Ng anak at pag aasikaso sa kanya.

"Nasa ICU si Gio and he is still unconscious, if you are devastated I'm even more because he is my only son" sigaw nito sa asawa habang hawak Ng mahigpit sa magkabilang balikat ang asawa..

Niyakap nya ito Ng mahigpit, at ilang sandali pa unti unti na itong kumalma hanggang makatulog ulit dahil sa bigat Ng emosyong nararamdaman.

Pagkatapos sa pag kakahiga Ng asawa, anyong lalabas na Ng silid si Nicolas Ng makita nito si Aling Celia na tahimik na umiyak sa nakabukas na pinto.

"Ikaw na muna bahala sa ma'am mo, uuwi muna ako upang magpalit Ng damit, bago ako bumalik dito dadaan muna ako sa opisina at presinto.

Kailangan nya nalaman ang imbestigasyon Ng magkaka aksidente Ng kotse sinasakyan Ng anak nya, hindi nya matanong ang driver Nila dahil tulad Ng anak nya ay unconscious pa rin ito.

"Tango lang isinagot Ni Aling Celia sa among lalaki sa takot na mapahagulgul, awang awa siya sa among babae, alam nya kung gaano kamahal Ng among babae ang anak. Kahit yaya na siya ni Gio ang ma'am parin nya ang personal na nagpapaligo dito at nag bibihis habang inaalalayan lang nya.

Dumaan muna siya sa pediatric ICU upang sulyapan ang anak, kuyom ang mga palad na pinagmasdan ang anak, hindi nya ito kayang titigan sa anyo nito na may nakakabit na kung ano anong tube sa katawan. Mabigat ang loob na lumabas ng ospital si Nicolas.

...............

" Ayon sa mga testigo Ng aksidente iniwasan Ng nagdadrive Ng kotse ang isang batang babae na patawid kaya kinabig Ng driver ang manibela na naging dahilan upang pumakabila ito sa kabilang lane Ng daan at bumangga sa isang tumatakbong truck at sa lakas Ng impact nito ilang beses nagpaikot ulit ang kotse bago tuluyang huminto, at tumutugma ito sa dash cam Ng kotse nyo Mr Ricablanca" Mahabang paliwanag Ng hepe na kasamang nagpapaliwanag ang imbestigasyon.

Napapikit si Nikolas, hindi nya maimagine ang pinagdaanan Ng kanyang anak sa loob ng kotse.."may poor son" sa loob loob nito

"Thank you for your effort captain"

Pagtapos nito makipag kamay ay umalis na ito, so it's pure accident sa isip ni Nicolas habang patungo sa nakaparadang sasakyan..

Sa kabilang dako....

"Ma'am, umuwi lang saglit si sir para magpalit Ng damit at dadaan din sa opisina bago magdiretso dito"

Nag aalalang banggit ni Aling Celia Ng makitang nagmulat Ng mata ang among babae, ngunit blanko lang ang mukha nito na medyo kalmado na sumulyap lang sa kanya..

"Aling Celia" paos nitong sambit,." pakisamahan mo ako sa anak ko, gusto ko makita si Gio.." muli nitong imik sa yaya Ng anak.

"Kaya ba ng katawan mo po ma'am?tumango lang ang among babae.

Nag aalala man inalalayan na lang ni Aling Celia sa paglalakad ang amo patungo sa ICU..

Nadurog ang puso ni Esmeralda sa itsura Ng anak na Balot ang Benda ang ulo Ng anak, liban pa sa mga tube na nakakabit sa big at ibang parte ng katawan Ng anak.

Muling bumalong ang luha sa mga mata ni Esmeralda, hawak ang maliit palad na palad Ng anak at inilapit nya sa kanyang bibig habang tumutulo ang luha.

"Gio, baby, si mama to, Gio anak lumaban ka para kay mama at kay papa, wag mo kami iiwan ni papa mo"..sambit ni Esmeralda sa anak habang patuloy ang pag agos Ng luha nito,basa na Ng kanyang luha ang munting palad Ng batang si Gio.

"Gio anak di ba sabi sayo ni mama pag may medals ka pupunta Tayo sa disney at Makikita mo na si mickey mouse, di ba anak un promise ni mama at papa, saka sabi mo anak,pag nagkasakit si mama alagaan mo ako?" Patuloy na sambit ni Esmeralda habang hinahalikan at hinahaplos ang murang kamay Ng anak..maging si Aling Celia ay umiyak na rin sa makikitang tanawin..

Halos madurog ang puso ni Nicolas sa makikitang tagpo sa loob ng silid, hindi nya namalayan maging siya ay lumuluha na rin.

Nagpalipas muna Ng ilang saglit sa labas Ng silid si Nicolas bagó pumasok Ng kalmado na siya.

Napasulyap sa bagong dating na asawa si Esmeralda at nakayakap siya dito.

"Hon, Bakit kailangang mangyari ito sa anak natin?" Patuloy na pag iyak nito.

"Gio will wake up and recovered soon" medyo garalgal ang boses na sagot ni Nicolas sa asawa.

Mahigpit nyang niyakap ang asawa.

"Aling Celia umuwi muna kayo Ng mansion ni mang Vener, nakalimutan ko bitbitin mga hinandang gamit ni Aling Mercy para sa aming mag asawa sa pagmamadali" baling nito sa yaya ni Gio.

Agad tumalima si Aling Celia at iniwan na ang dalawang amo sa silid.

..............

Pang apat na araw na ng anak sa ospital, at sa bawat round Ng doktor, walang maibgay na eksaktong araw kung kelan magigising ang kanyang si Gio, pero hindi nawawalang Ng pag asa si Esmeralda na anumang oras ay magigising ang anak..

"Hon umuwi muna kayo ni Aling Celia upang makapag pahinga ka ng maayos" pagbabakasakaling hikayat ni Nicolas sa asawa habang inaayos nito ang gagawan Ng anak sa ICU.

Napaisip si Esmeralda at pumayag sa suhesyon Ng asawa, saka may iniisip siyang kunin sa mansion na dadalhin Niya sa anak pagbalik mamayang gabi.

"Sino Kasama mo dito kung isasama ko si Aling Celia,?"

"Don't mind me, nakapagpahinga ako kagabi Ng maayos saka hindi Naman ako pupunta Ng opisina, buong araw ko babantayan si Gio,dito ko na lang ipapadala sa secretary ko mga papeles na pipirmahan ko."

"Okey hon, tawagan mo agad ako kung anuman mangyari," umungol lang Ng pag sang ayon si Nicolas.

Pagtapos humalik sa asawa at lumisan na si Esmeralda Kasama si Aling Celia.

Pagdating Ng mansion,agad dumiretso sa silid Ng anak si Esmeralda.Binuksan nito ang toy cabinet Ng anak at inilabas ang Malaking teddy bear na regalo sa anak noong oka 4th bday nito.

Dinala nya iyon sa kama,umupo at niyakap ang Malaking teddy bear,may napansin itong papel na singlaki Ng bond paper na nakatupi. Binuksan nya iyon, nagulat cya na may nakasulat dun. sukat kamay Ng kanyang anak.

To mama, thank you so much for the gift. His name is big bro. Tapos pangalan sa ibaba Ng anak. Muling bumalong ang mga luha sa mga mata ni Esmeralda, habang yakap ang Malaking teddy bear habang hinahaplos ang higaan ng anak. Walang tigil ang pag along Ng luha sa maya ni Esmeralda.

Hindi nya malaman kung ilang oras siya sa loob ng kwarto Ng anak.

"Ma'am! Tawag ni Aling Celia sa among babae pero natigilan ito ng makita nakatulog ang amo sa higaan ng anak habang yakap ang Malaking teddy bear.

Aayain Sana nya ito kumain ng pananghalian, ngunit Ng makita nyang natutulog ito ay hinayaan na lang nya upang makapag pahinga Ng maayos sa ilang araw na pagpupuyat sa pagbabantay sa anak sa ospital.

Dahan dahan nya sinara ang pintuan Ng silid at bumaba na Ng hagdan patungo sa kusina.

"Si ma'am? akala ko susunduin mo para mananghalian" tanong ni mang Vener sa kababang si Aling Celia.

"Natutulog,hayaan na muna nating makapag pahinga si ma'am, Tayo na lang muna mananghalian,"

"Pagtapos nating kumain linisin mo na sasakyan at sigurado ako pag gising ni ma'am magyaya na yun bumalik Ng ospital, habang ihahanda ko mga dadalhing gamit ni sir at pagkain" sabi nito sa driver habang kumakain..

"Kawawa Naman si ma'am" , sambit ni mang Vener. " Sobrang Mahal na Mahal pa Naman nito si Gio"

Napabuntung hininga na lang si Aling Celia at may lungkot sa mga mata na pinag patuloy na lang nito ang pagkain.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022