Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > The Professor's White Lies(Filipino)
The Professor's White Lies(Filipino)

The Professor's White Lies(Filipino)

Author: : Gelnat14
Genre: Romance
Simple lang ang pangarap ni Savannah ang makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng isang magandang trabaho. Ilang araw bago ang graduation niya ay nakilala niya si Albrey. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita dahil sa pagiging masungit nito. Hindi niya rin inaasahan na magiging Professor niya ito. Kahit napakasungit nito ay humanga si Savannah sa taglay na kaguwapuhan ng Professor. Sa hindi naman inaasahang pangyayari ay ibinagsak siya nito sa thesis defense, dahilan kung bakit hindi siya naka-graduate. Sa kabila ng lahat ay naging positibo pa rin si Savannah sa buhay kahit mahirap, hanggang sa isang araw ay kinailangan siya ni Albrey para sa isang white lies. Ano nga kaya ang magiging papel ni Savannah sa white lies ni Professor Albrey Ford?

Chapter 1 Prologue

Ako si Savannah Collins, 22 years old at isang fourth year student sa isang sikat na University.

Kasalukayan ako ngayong naglalakad kasabay ng isang malamyos na musika. Papalapit sa altar kung saan naroon naghihintay ang lalaking bukod sa matalino ay may angkin din siyang kaguwapuhan, maganda ang kanyang mga tindig at pangangatawan. Nakadagdag din sa malakas na dating niya ang maganda niyang kasuotan.

Siya si Albrey Ford, 28 years old and my college Professor.

Siya ang dahilan kung bakit hindi ako naka graduate dahil ibinagsak niya ang Thesis na pinaghirapan ko. Nakaramdam ako ng hinanakit at pagkainis sa kanya dahil sa nangyari.

But we become couple within a week after we knew each other.

At pagkatapos nga ng isang buwan which is today, ay ang araw ng aming kasal.

Napakasimple lang, tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang naririto.

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa kanya at halo-halong emosyon ang aking nadarama. Gano'n din naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata habang nakatitig ako sa kanya. Titig na titig din siya sa akin na animo'y namamangha sa kanyang nakikita.

"Napakaganda mo," sambit niya nang makalapit ako sa kanya. Mailalarawan sa mga labi niya ang isang napakagandang mga ngiti at sa mukha niya na animo'y masayang masaya.

"Ikaw din ang guwapo mo," sagot ko naman sa kanya na ikinatawa naman naming dalawa.

Hawak niya ang kamay ko habang inihaharap ako sa altar. Nag-umpisa na ang pari sa kanyang seremonyas.

Nang matapos ang pari at kaylangan nang halikan ng groom ang bride. Matagal niya akong tinitigan at tila hindi alam ang gagawin kaya ako na ang mabilis na umabot sa mga labi niya na ikinagulat niya at nagsigawan naman ang mga naririto.

Kung titingnan para kaming isang masaya at perpektong couple pero ang totoo ay palabas lang ang lahat ng ito.

Chapter 2 Coffee Shop

ONE MONTH AGO

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na tunog ng alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng night stand, sa gilid ng kama ko. Napasulyap ako sa orasan at nakita ko na alas-syete y medya na ng umaga. Alas neube naman ng umaga ang klase ko kaya kahit inaantok pa ako ay kaagad na akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Inayos ko ng bahagya ang unat at lagpas balikat na haba kong buhok at hinayaang nakalugay.

Sunod ko ng kinuha ang cellphone ko gayun din ang bag ko at inayos ang mga laman nito.

Hindi na ako kakain ng breakfast dahil pakiramdam ko ay busog pa ako sa nakain ko kagabing hapunan. Dahil may oras pa naman ay dadaan na lamang ako sa coffee shop para bumili ng kape. Malapit lang naman iyon at madadaanan patungong University.

"Hey! Sav, good morning!" masiglang bati sa akin ni Ron, ang barista at cashier dito sa favorite kong Coffee Shop.

"Good morning din sa iyo, Ron! Kumusta ka?" magiliw ko namang tugon sa kanya, habang papalapit ako sa counter.

"Aba, syempe maganda ang araw ko dahil ikaw ang bumubuo nito." Hayan na naman siya sa mga linya niya.

"Kaylan ba ko p'wede manligaw sayo?"

"Haayyyst, puro ka kalokohan."

"Come on, I'm serious. Just give me a chance." Nginitian ko lamang siya at nag-umpisa na mag-order.

"Isang Caramel macchiato, pakitapangan 'yung kaya akong ipaglaban," biro ko.

"Kaya naman kita ipaglaban kung gugustohin mo lang." Natawa naman ako sa mga patutsada niya.

Ganito kami palagi sa tuwing naririto ako. Matagal ko ng kakilala si Ron at naging kaibigan.

Kaya naman sanay na ako sa mga biro niya. Iyon ay kung biro nga talaga.

"My order please," putol ko sa usapan at agad na ring nagbayad.

"A'right, coming!" sagot naman niya sa masigla pa ring boses habang inuumpisahan ng gawin ang order ko. Ilang saglit pa at ready na ang kape ko..

"Here's your order! Enjoy your coffee." Iniabot niya ito sa akin na may kasamang pagkindat at may pilyong mga ngiti.

"Thank you!" Napangiti din naman ako at mabilis ko rin itong dinampot at napa-atras, ngunit may naapakan ako at nawalan ng balanse kaya mabilis akong bumagsak at napapikit ngunit may mga malalakas na bisig ang sumalo sa likod ko.

Para namang nag-islomo ang buong paligid nang maimulat ko ang aking mga mata na halos isang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha, nagtama ang aming mga mata at napatitig sa isa't-isa.

Oh my G! Ang guwapo,he's so perfect. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lamang niya akong itinayo at itinulak ng bahagya.

"Will you please be careful, miss? You have a cup of coffee in your hand!" masungit na singhal niya habang nagpapagpag ng suot niya na animo'y nadumihan. Napansin ko naman na hawak ng isa niyang kamay ang kape ko at waring ibinabalik sa akin kaya agad ko itong inabot. Mabuti naman at hindi matapon. Ang bilis naman ng kamay niya at nahawakan agad ang kape ko.

Hindi maipagkakaila ang angkin niyang kaguwapuhan, talagang hahanga ka sa una niyo pa lang na pagkikita. Love at first sight kung baga.

Maganda ang kanyang pangangatawan, may katangkaran din at napakapormal niyang tingnan sa suot niyang business suit.

Mukha rin siyang matalino sa suot niyang eyeglasses na mas nakadagdag sa kanya ng kaguwapuhan. Parang Prince Charming ang dating. Pero saksakan s'ya ng sungit. Para kaming Beauty and the Beast. Oo, tama dahil maganda ako.

"Hey! Will you stop dreaming. I been waiting for so long here," untag niya bago nagsalita muli.

"May i ask if your done? And if posible it's my turn now," sarkastiko niyang wika at napanganga naman ako bigla at nabalik sa wisyo sa mga narinig ko.

Napakasungit talaga nakakagigil, kung hindi ka lang talaga guwapo sinasabi ko talaga sa'yo makakatikim ka sa akin. Hahalikan kita ng walang patid, charr!

"Excuse me, Mr...!," natigilan ako at naalala na hindi ko pala alam ang pangalan niya.

"Bakit ba napakasungit mo ang aga-aga? Siguro noong umulan ng kasungutin nasa labas ka at sinalo mo lahat." Itinikwas ko ang aking buhok palikod at pinaikutan ko siya ng mata. Hindi ko napigilan na sungitan siya.

"Im done, Mr. and the counter is all yours. Iuwi mo kung gusto mo." Tumalikod na ako at padabog na lumabas ng Coffee Shop.

"Hayyyyst! Nakakainis, akala mo kung sinong guwapo. Kikiligin na sana ko saksakan naman ng sungit panira ng araw, ang aga-aga," pagmamaktol ko habang naglalakad na patungo sa University kung saan ako nag-aaral na hindi kalayuan dito sa coffee shop. Sumimsim ako ng kape habang naglalakad.

Bahagya akong tumigil para kunin ang cellphone ko sa bulsa upang tingnan ang oras, eight twenty na ng umaga. Medyo maaga pa kaya hindi ko kailangang magmadali sa paglalakad.

Nang makapasok ako sa University ay dumaan muna ako ng restroom.

Naghilamos muna ako ng aking mukha at nag-ayos ng sarili.

Sinipat ko rin ang suot ko sa salamit at baka natapunan ako ng kape. Nakasuot lang ako ngayon ng plain shirt at jeans, wala kaming uniform dito sa University kaya kahit ano pweding isuot.

Pagkatapos ko sa restroom ay kaagad na din akong nagtungo sa silid kung saan ang first class ko.

"Hi, Sav Good Morning!"

"Good morning, beautiful lady!"

"Maganda ka pa sa umaga, Sav!"

Sunod-sunod na bati sa akin ng mga kakaklase kong lalaki at ramdam ko naman ang pag-ismid ng mga kababaihan.

Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi na yata good ang morning ko dahil sa antipatikong lalaking 'yun. Akala ko pa naman mala-night and shining armor. Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman siya.

Kaagad na akong naupo sa bakanteng silya. Wala akong masyadong ka-close na kaklase dahil na sa ibang kurso ang mga kaibigan ko. Kinakausap ko naman ang mga kaklase ko kapagkinakausap nila ko, pero mas gusto kong kausap ang mga lalaki dahil karamihan sa mga babae kong kaklase ay mga plastik.

Ngayon nga ay naririnig ko silang mga nagbubulungan. Ano naman kaya ang topic?

"Ngayon daw dadating ang bago nating Professor sa Mathematics," bulong sa akin ng katabi kong si John. Napansin niya siguro ang paglinga ko sa mga kaklase kong nag-uusap.

"Ah, 'yun ba ang pinagbubulungan nila?" Tumango naman siya bilang tugon. Kung kelan ilang araw nalang defense at graduation na, may bagong Professor pa. Sana naman ay mabait.

Alas nuebe impunto ng umaga nang pumasok sa loob ng classroom ang bago naming Professor. Biglang nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala nang makita ko ang mukha niya.

"Good morning!"

"Good morning, Sir!" balik na bati naman ng mga kaklase ko. At nag-umpisa nang magtilian at animo'y mga sinisilihan ang puwet ng mga kababaihan.

Chapter 3 Sketch

"Again, class. Good morning!" muling pagbati niya, pagkatapos niyang isulat ang pangalan niya sa white board.

Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase kong babae na waring kilig na kilig at nagsipagtilian pa ng mahihina. Ang lalandi nila.

"Ang guwapo naman ni, Sir."

"My Girlfriend na kaya siya?"

"Available ako," sabi naman ng isang babae sa malanding tinig.

"I'm Albrey Ford," pagpapakilala niya sa buong klase.

"Ah, 'yun pala ang pangalan niya, akala ko Mr. Sungit," naibulong ko at bahagyang natawa ng maalala ko ang nagyari kanina sa Coffee Shop.

"From today on, I will be your new Professor and I'm responsible for two classes which are Statistics and Complex Variables," pagsisimula niya.

"I hope all of you will be functual for my class. Time of the class is really valuable.

So, I won't introduce myself in detail."

Napakaseryoso ng mga mukha niya at halatang istrikto siya lalo na sa pananalita niya. Pero hindi naman iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Parang lalo pa nga siyang gumaguwapo dahil doon. Bumagay rin sa kanya ang suot niyang salamin na kulay itim ang frame. Napakapormal niyang tingnan doon.

Kung hindi lang siya masungit ay napakaperpekto na niya. Nangiti ako, ano ba itong iniisip ko.

"Today, I'm going to discuss the feature of Complex Variables," pagpapatuloy pa niya.

Naririnig ko pa rin ang mga bulungan at mahihinang tilian ng mga babae sa gawi ko. Napakahaharot naman ng mga ito.

"Hey! Nag-research ako tungkol kay, Sir and look what I foud." Na-curious naman ako sa narinig ko, kaya bahagya akong nakinig sa kanila.

"Mr. Ford is so amazing!"

"He won the international Mathematical Olympic Gold Award. Not just once but twice."

"Wow! His really awesome!" Sabay-sabay silang nagtilian.

"Nag-aral din pala s'ya abroad at naging Associate Professor siya."

"But why did he choose to become a teacher in our University rather than working abroad?" tanong naman ng isa.

"Ayon dito sa research, ito ang Alma Matter niya and he is still single at the Age of 28. So, mas gusto niya siguro dito dahil maraming magaganda,"

"Like us!"

"Tama!" sabay-sabay nilang sabi at kanya-kanya ng pa-cute sa harap ni Sir. Kinikilig na animo'y ngayon lang nakakita ng guwapong lalaki. Nakikinig lamang ako at hindi ko magawang makisali.

"The complex variables was found by two mathematicians," pagpapatuloy pa rin niya sa kanyang lecture.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng may dumating na mensahe. Galing ito sa kaibigan kong si Bea. Dito din siya nag-aaral sa University sa ibang kurso.

Agad ko naman itong binuksan at binasa.

"Beshie, Balita ko guwapo daw ang bagong Professor n'yo. Totoo ba?"

Bigla naman akong napatingin sa bagong Professor. Binawi ko rin naman kaagad ang paningin ko ng tumingin din siya sakin. Natatandaan niya kaya ako?

Nagtipa na ako ng mensahe bilang reply.

"Hindi siya guwapo, Beshie. Mukha na siyang may edad na. Napakasugit at akala mo ay mayroong regla." pagkaka-ila ko sa kanya.

"Huwag mo ako itchusin, Beshie. Kalat sa buong University."

"Huwag ka maniwala d'yan fake news lang 'yan, Beshie. I-drawing ko nalang siya para sayo." Agad naman akong kumuha ng lapis at papel.

Hindi ako magaling sa drawing kaya nag-sketch lang ako ng tao pero walang mukha, ginaya ko lang iyong kasuotan niya sa katawan.

"What are you doing?"

Napapitlag naman ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa harapan ko.

Dahil abala ako sa ginagawa ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Tahimik na rin ang buong klase at ang lahat ng paningin nila ay na sa akin.

Dahil sa gulat ko ay 'agad kong ikinubli ang ginagawa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung para saan ang kaba na nararamdaman ko. Dahil ba sa takot na mapagalitan o dahil sa prisensiya niya. Bakit ba hindi ko siya namalayan?

Tumunghay ako sa kanya at nginitian siya ng pilit.

Hindi siya nagsalita pero mariin ang pagkakatitig niya sa akin.

Inilahad niya ang kanyang kamay waring hinihingi ang bagay na ikinubli ko.

Nang hindi ko pa rin ibigay ay siya na ang kumuha nito.

Sinuri niya ng mabuti ang larawan bago nagsalita. Wala naman akong mabasang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin doon.

"Is this me?" Tanong niya sa masungit na tinig. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga kaklase ko.

"Maybe not. ' Cause, I have two buttons on my coat, but you drew one." Lalo namang lumakas ang mga tawanan.

"I have a watch on my left hand, but you drew it on my right hand."

"And also, I have a bracelet on my right hand but you drew it on my left hand."

"Above all, you didn't put on a face and also a fair of eyeglasses that I have." Hindi nga ako marunong mag-drawing kaya walang mukha, kung may mukha iyan baka mas lalong hindi mo ikatuwa. Isip-isip ko.

"What is your name?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Parang kinilig naman ako sa klase nang pagtitig at pagtatanong niya sa pangalan ko.

"I'm Savannah Collins," mahinahon kong pagkakasambit habang nakatitig sa kanya na may mapupungay na mga mata.

"Ms. Collins, even if you want to sketch or being absent minded in the class. I hope you can make it accurate, not like this." Napanganga naman ako sa mga sinabi niya. Akala ko pa naman kilig moment na. Napakaperfectionist, simpleng sketch lang pinatulan pa. Pano niya ba nasabi na siya iyan, wala namang pangalan.

"A whole picture is nothing but a stupid errors." Pahagis niyang ibinalik sa akin ang papel. Lalo pang lumakas ang mga tawanan. Grabe ang saya-saya nila.

Sobra-sobrang pagkahiya naman ang inabot ko. Nag-init ng husto ang mukha ko at pakiramdam ko ay subrang pula nito. Nakakainis talaga siya, ubod talaga siya nang sungit.

"The reason why I choose the complex variables as the first class is that I want to make it clear that everyone is required to be accurate without any errors." Wow! sana all perpekto. Hindi pa ba siya nagkakamali sa tanang buhay niya?

Nagpatuloy na siya sa lecture niya. Ako naman ay hindi na mapakali sa upuan ko. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil hindi ako nakikinig at wala akong balak na makinig sa kanya. Parang mas gusto ko pang titigan nalang siya hangang matunaw. Ay ' wag sayang.

Hindi naman ako halos makatingin sa mga kaklase ko dahil subrang napahiya ako at pakiramdam ko ay pinagtatawanan pa rin nila ako.

Nang matapos ang klase ay kaagad na rin akong lumabas. Nagtungo ako ng canteen para kumain dahil nakaramdam ako ng gutom, hindi ko alam kung sa hindi ko pagkain ng almusal o sa mga nangyari.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022