Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > The Good Wife.
The Good Wife.

The Good Wife.

Author: : Roseandtulips31
Genre: Romance
Cherry Bueno, 27 years old at may asawa- si Alfred Llaguno. Simpleng babae at mabuting ina na naghahangad ng masayang pamilya ngunit bigo siyang natupad iyon. Hindi akalain na gano'n kanyang kinahihinatnan matapos akala niyang mabuti at mapagmahal na asawa si Alfred. Sa kabila nito, muling nagtagpo ang landas ng kanyang ex-boyfriend na si Jared James Velasco. Umaasa ang binata na magkakabalikan sila dahilan upang lumalala pa ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Maibabalik pa kaya ang dating pagsasama nina Cherry at Alfred o tuluyan ng mawawasak kanilang pamilya at magkakaroon ng malaking pag-asa para kay Jared?

Chapter 1 1

Kasalukuyang tinititigan ni Cherry nang matagal ang larawan nilang mag-asawa sa ibabaw ng maliit na cabinet. Inaalala niya kung gaano kasaya nila noon ni Alfred na ngayong di na niya nararamdaman. Siya ang naging kasama niya noong panahong hiniwalayan siya ng kanyang ex-boyfriend na si Jared. Noong nanliligaw ito ay wala siyang nararamdaman subalit nang tumagal na kanilang relasyon saka niya natutunang mahalin si Alfred. Sa isang taon at kalahati nilang pagiging mag-asawa ay biglang nagbago ito ng pakikitungo at sobrang layo na sa pagkakakilala niya rito.

Napatulo kanyang luha ngunit kaagad niya ito pinahiran gamit ang palad. Suminghot at tumitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Tahimik niya lamang pinagmamasdan.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay di namalayang alas-diyes na pala. Hudyat na susunduin niya si Carina sa school nito. Kaagad niyang ginising si Cyprus mula sa pagkakatulog. Binihisan niya ang bata saka siya nagbihis na rin ng pamalit. Napakasimple lamang kanyang kasuotan. Naglagay lamang ng pulbos sa mukha at di nagbalak pang maglagay ng lipstick.

Nang masundo na ni Cherry kanyang panganay ay nagmadali silang naglakad sa sakayan upang makahanap ng jeep o tricycle pauwi. Sa kakaisip niya ay muntikan nang masagasaan ng kotse kanyang anak na si Cyprus.

Laking gulat niya sa pangyayari dahilan upang matulala siya.

"Hoy, Misis. Papatayin mo ba 'yang anak mo?" sigaw ng isang lalaking may-ari ng maroon na kotse.

Kaagad na niyakap ng babae kanyang anak at halos mangiyak-ngiyak. Tumingala siya sa lalaki at nagpakumbaba.

"Pasensya na po kayo."

"Anong pasensya? Eh perwisyo itong ginagawa mo, Misis," giit pa ng lalaki. "Paano kung nabangga ko ang anak mo at ako pa magpa-hospital niyan tsk."

"Pasensya na po talaga. Masyado lang kasi makulit ang anak ko." Paumanhin pa ni Cherry na di mabitaw-bitawan ang batang babae.

"Ok ka lang ba, Cyprus?" tanong niya sa anak na umiiyak dulot ng takot. Alalang-alala si Cherry habang tinitignan niya buong kabuuan ng batang lalaki.

"Sa susunod, ingatan mo 'yang anak mo," muling sigaw pa ng lalaki saka nagpaharurot na ng sasakyan.

Hindi niya namalayan na marami na palang nakatitig sa kanila. Napagbuntong-hininga si Cherry at hinawakan niya nang mahigpit ang bunsong anak.

Nang makauwi na sila ng bahay kaagad niyang tinimpla ng gatas kanyang mga anak. Hila-hila niya ito hanggang kusina.

"Mama..." tawag sa kanya ng anak na babae. May tinuturo ito sa kanya.

"Sandali lang, Carina. Nagtitimpla pa ako ng gatas niyo, ok?"

Magpapatulong kasi ito ng assignment sa kanya. Habang ginagawa niya ito ay ipinapatulog naman niya sa braso ang anak na lalaki na si Cyprus.

Pagkatapos tulungan ang panganay sa takdang aralin nito ay inilapag naman niya ang bunsong anak sa sofa. Nagligpit siya ng mga kalat.

Pagsapit ng ala-singko muli niyang dinala mga anak sa kusina upang magluto ng kanilang makakain mamayang gabi.

Nang matapos na niya ang paghanda ng pagkain ay dumating na rin kanyang asawa na si Alfred. Halatang pagod na pagod ito sa trabaho.

"Tamang-tama katatapos ko lang magluto." Dinaanan lamang siya nito at di pinansin. Nagsalin ng tubig sa baso si Alfred at naupo sa mesa. Ngumiti lamang si Cherry ng pilit.

"Gutom na'ko." Iyon ang naging sagot ng kanyang asawa.

Kumuha kaagad ng kanin sa kaldero saka plato at kutsara ang babae. Sinunod niya ang ulam.

"Ano nga pala itong nabalitaan ko sa mga kapitbahay na muntik na raw masagasaan ang anak natin?"

Huminga nang malalim si Cherry at di niya alam kung paano magpapaliwanag.

"Iisa na nga lang anak ang ibinigay mo sa'kin papabayaan mo pa?" reklamo ni Alfred.

"Masyadong malikot si Cyprus kaya makabitaw siya kaagad sa akin," paliwanag ng babae.

Ngumisi lamang si Alfred sa kanya, "Ang sabihin mo kasi hindi ka marunong mag-alaga ng bata," pamimilosopong tugon nito. "Iyan na nga lang ang gagawin mo di pa magawa ng tama."

Pagkatapos, iniwan na siya ng asawa habang nagpapakain pa ng dalawang anak. Inuna niya mga ito saka siya kumain ng gabihan. Halos late na ng gabi siya nakatulog dahil tinapos niya pa ang paghuhugas ng pinggan at pagpaplantsa.

Kinabukasan, muling bulto-bulto ang mga naiwang gawain sa kanya matapos maihatid sa eskwelahan si Carina. Halos mabaliw na si Cherry kakaisip nang makita ang loob ng bahay.

Sa kanyang pagliligpit ng mga kalat ay biglang pumasok sa isipan niya ang kaarawan ni Carina. Nagawa niyang ngumiti dahil doon. Kaya, dali-dali niyang kinuha ang notebook habang bitbit niya sa braso si Cyprus. Isusulat niya ang bibilhing ingredients para sa lulutuing spaghetti next week sa birthday ng kanyang panganay na anak.

"Hindi ka na nga nagkakauga-uga dito sa bahay, mag-abala ka pang magluto sa birthday ng anak mo?" tukoy ni Alfred kay Carina.

"Sssh. Natutulog na ang mga bata. Pakihinaan mo naman ang boses mo," pagsisita dito ni Cherry. "Anak mo rin siya di ba? Please, huwag mo naman ipamukha kay Carina na di natin siya kadugo."

"Sino ba ang may kagustuhan ampunin siya? Di ba ikaw? Kaya wala akong ibang anak kundi si Cyprus lang." Tumalikod na ito sa kanya na tila hindi interesado kausapin pa ang babae.

Biglang tumulo ang luha ni Cherry sa ganoong approach sa kanya ng asawa. Nakalimot ata itong sila nagdesisyon na mag-ampon at mag-alaga kay Carina.

"Ikaw lang naman ang may gustong umampon ng batang 'yan eh."

Napapikit na lamang ng mga mata ang babae upang di na siya makipagtalo pa kay Alfred. Labis ang sakit ang nararamdaman niya ngayon sa biglaang pagbabago ng treatment sa kanya ng asawa na hindi niya maintindihan ang dahilan.

Nagtungo si Cherry sa palengke sakay ang tricycle. Hindi niya kasi kakayaning bitbitin lahat ng pinamili habang hawak niya ang mga bata. Nang makarating sila sa bahay ay kaagad niya inasikaso mga pinamili.

Kalagitnaan ng kanyang pagluluto at pagmamadali ay nadulas siya sa sahig dahil basa ito. Napansin niyang umaapaw na ang tubig mula sa banyo. Nakalimutan niya palang isara iyon.

"Aray!" Daing niya sa masakit na pagkakabagsak niya sa sahig. Napatitig siya sa mga anak na naluluha. Inaalala niya bago mahulog ang mga ito sa upuan.

Hindi na siya nagdalawang isip na sumigaw pa ulit. "Tulong!" Tatlong beses niya iyon sinambit hanggang sa may isang ginang tumulong sa kanya si Aling Marietta kasama ang anak nitong lalaki.

"Dalhin na natin siya sa hospital," sambit nito nang makitang di makatayo si Cherry. "Ikaw na umalalay sa mga bata, Jake," kanyang utos sa kaisa-isang anak.

"Sige po, Ma."

Unti-unti ng minumulat ni Cherry kanyang mga mata at napansin niya ang kulay puti na ceilings. Napalibot kanyang paningin hanggang sa nalaman niya na nasa hospital na pala siya. Nakita niya si Aling Marietta ang nagbabantay sa kanya.

"Mabuti, gising ka na." Nang makitang naimulat ni Cherry kanyang mga mata.

"Sina Cyprus at Carina?"

"Nasa bahay namin. Binabantayan muna siya ng anak ko. Huwag ka mag-alala sa kanila." Maayos na paliwanag ni Aling Marietta. "Papunta na pala asawa mo rito. Tinawagan ko siya kanina."

Tumango lamang si Cherry bilang tugon.

"Kamusta na kalagayan mo?"

"Ayos lang po pero medyo masakit pa rin mga binti ko." Napapadaing pa rin siya sa kurot nito.

"Kung gano'n kailangan mo ng magpahinga nang mabuti.''

Mayamaya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Alfred. Tumayo si Aling Marietta at sandali munang lalabas upang mag-usap ang mag-asawa.

Tinignan ng lalaki ang kabuuan ng kanyang asawa nang may masamang tingin.

"Ano nanaman ba itong kapalpakan ginawa mo ah?"

Sa halip na pag-alala at pangungumusta kanyang matatanggap kundi sermon.

"Imbis sa birthday gift ng anak mo mapupunta ang pera, sa hospital bill pa. Tsk. Kahit kailan wala ka ng ginawang tama," patuloy pang reklamo ni Alfred.

"Aksidente ang nangyari. Wala sinuman may gusto niyon." Naging malumanay pa rin ang naging sagot ng babae.

"Anong aksidente? Sabihin mo puro kapalpakan pinagagawa mo."

Sa kalakasan ng kanilang pagtatalo ay narinig ito ni Aling Marietta dahilan upang pumasok siya ulit. Tinignan niya ng seryoso si Alfred.

"Narinig ko ang pagtatalo niyo sa labas," bungad nito. "Narinig ko kung paano mo di nirerespeto ang asawa mo." Lingon niya kay Alfred. "Nagpunta ka lang ba dito para awayin siya?"

"Ano naman karapatan mo para mangialam sa pagtatalo ng mag-asawa ah?" sagot ng lalaki. "Wala kang puwang dito kaya mabuting umalis ka."

"Alfred..." pakiusap ni Cherry sa asawa.

Tinaasan ni Aling Marietta ng kilay ang lalaki. "Hindi ako aalis dito. Sasamahan ko ang asawa mo."

Napangisi si Alfred. "Mahilig talaga kayo mangialam."

"Nangigngialam ako dahil may pakialam at malasakit ako sa asawa mo. Hindi ng isang lalaki na walang muwang at pakialam sa nangyayari sa asawa niya," giit pa ng ginang. "Ano bang klase ang asawa ka?"

Papatulan na sana ni Alfred si Aling Marietta ngunit mabilis siyang napigilan ni Cherry. Hinawakan niya ito sa braso. Marahang iniwaksi sa kamay ng babae at naglakad palabas ng silid. Kitang-kitang sa mukha ng lalaki ang inis.

"Matagal ko ng alam na gano'n trato sa'yo ng asawa mo," muling pahayag ng ginang. "Bakit mo pa pinagtitiisan 'yan?"

"Mahal ko po ang pamilya ko, Aling Marietta. Nanumpa po ako sa Diyos na habang buhay kami magsasama ni Alfred- sa hirap at ginhawa," paliwanag naman ni Cherry na umaasang magiging mabait ulit sa kanya ang asawa katulad ng dati.

"Pero kung sinasaktan ka na niya ng ganyan bakit mo pa titiisin?"

.

"Siguro po ganoon talaga kapag nagmamahal hanggang mag-tiis ng hirap at sakit," sambit pa ng babae.

"Eh di kaya may ibang babae ang asawa mo? Kaya, ganyan ka niya itrato."

Napatitig si Cherry sa ginang. "Impossible naman po 'yon. Napapagod lang siguro siya."

"Huwag mong i-deny iyon. Subukan mong maghanap ng ebidensiya para malaman mo na hindi nambabae," saad ni Aling Marietta.

Nang gumaling si Cherry buhat ng kanyang injury ay dinala niya kanyang mga anak sa bahay ng ginang.

"Oh, ba't naparito kayo?"

Tumitig muna ang babae sa kanyang anak. "Dito lang kayo sa bahay ni Aling Marietta. Magpakabait kayo."

"May pupuntahan ka ba?" tanong ng ginang

"Oo, Aling Marietta." Sandaling yumuko si Cherry. "Balak ko pong puntahan sa office si Alfred."

"Ok, sige. Basta mag-iingat. Ako na muna bahala sa mga anak mo."

"Salamat po, Aling Marietta."

Napakasimple lamang ang suot ng dalaga papunta sa opisina ng asawa. Papasok na sana siya ng harangan ng gwardya roon.

"Sorry, Ma'am bawal po pumasok."

"Sandali lang naman ako eh. Hahatiran ko lang asawa ko ng pananghalian niya," pakiusap ni Cherry sa security guard.

"Pasensya na kayo, Ma'am hindi talaga pwede," pigil pa sa kanya ito.

Mamaya raw lunchbreak na maaaring kausapin ng babae kanyang asawa at naghintay siya. Trenta minutos siyang naghintay sa guardhouse.

Mayamaya ay biglang nagsilabasan ang ilang empleyado. Hudyat na breaktime na rin.

Sinundan ni Cherry ang asawa nang palihim. Dahan-dahan siyang naglakad at di nagpakita rito hanggang sa marating niya ang lugar na kung saan kakain at tatambay si Alfred pati mga katrabaho nito.

Chapter 2 2

Tahimik lamang pinanonood ni Cherry ang kinikilos ng kanyang asawa habang nakikipagkwentuhan sa mga workmates nito. Naghihintay siya na baka sakaling may mayroong babae kanyang asawa. Isang oras na siya naroroon subalit wala siyang nakita dahilan upang bumalik na rin siya ng bahay.

Hindi pa iyon ang huling pag-iimbestiga niya rito. Hindi siya titigil na di niya nalalaman ang totoo. Sumunod na mga araw mas tumindi pa kanyang hinala nang napatitig siya sa kalendaryo.

Gulat kanyang mga mata nang malaman kung ano ang petsa ngayon. "August 17 na pala ngayon Tsk, di ko namalayan na nagsweldo na sila Alfred."

Nawala sa kanyang isip ang humingi ng panggastos sa asawa dahil sa sobrang abala niya sa pag-aalaga ng mga bata at pag-aasikaso ng bahay.

Pagkarating nito galing trabaho ay kaagad niyang pinagsilbihan ito upang maging relax ma lang isip ng asawa.

"Kamusta ang baby ko?" Paglalambing pa nito kay Cyprus. Dinaan lang ni Alfred si Carina. Tanging kanilang tunay na anak nila lamang ang pinansin.

Nakaramdam ng lungkot si Cherry sa sitwasyon ni Carina na hindi man lang siya magawang pansinin ng tinuring nitong ama.

"Kumain ka na. Kaluluto ko lang ng ulam," pag-iimbita niya rito.

"Kuha mo nga ako ng tubig?" utos naman ni Alfred sa kanya. Kaagad kinuha ang isang basong tubig ng walang pasasalamat.

Sumabay na nga sila sa pagkain hanggang sa sinubukang i-open up ng babae ang tungkol sa sweldo nito.

"Siya nga pala nakalimutan kong humingi sa'yo ng pang-budget dito sa bahay noong nakaraang araw. Simot na kasi ang wallet ko para pambayad sa tubig ar kuryente."

"Eh ano ngayon kung nakalimutan mo?" pabalang nitong tugon. "Saka, ang lakas naman ng loob mong manghingi sa'kin ng pera matapos sagut-sagutin mo ako sa hospital at pagtulungan ng kapitbahay mong sobrang galing."

"Hindi kita sinagut-sagot, Alfred," paglilinaw ni Cherry.

Nginisian siya ng asawa, "Huwag mo nga ikaila 'yon." Padabog na binitiwan ang kutsara. "Kahit anong gawin mong pakiusap sa'kin wala kang mahihingi sa'kin, ah?"

"Nasa harap tayo ng mga bata." Pilit ng babae na pigilan kanyang sakit na nararamdaman. Nanatili pa rin siya maging positibo kahit di naging maganda ang approach sa kanya ng asawa.

Pagkatapos niyon ay iniwanan siya ni Alfred habang nagpapakain ng kanilang mga anak. Hindi maiwasan ni Cherry ang mapaluha sa ganoong klase ng approach sa kanya ng asawa. Pagkatapos niya pakainin kanilang mga anak ay hinilamusan niya mga ito at pinatulog. Sa kalagitnaan na ay iniwan niya mga anak sa kanilang kwarto. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa loob ng bathroom. Nagtipa siya sa kanyang cellphone at tinawagan niya ang isa sa kanyang mga kapatid subalit walang sumasagot at panay ring lamang ito.

Kinabukasan ay iniwanan niya muna sina Cyprus at Carina sa kapitbahay nilang si Aling Marietta. Hindi niya sinabi ang dahilan ng kanyang pag-alis at hindi rin ipinahalata na sobrang problemado na siya. Ayaw ni Cherry maging pabigat pa rito at maging alalahanin pa sila. Nagtungo siya sa isang lugar ng kung siya noon nakatira. Matao ang lugar, maraming tambay at umiinom. Marami ring mga bata ang naglalaro at palaboy-laboy sa kalye. Wala pa ring pinagbago ang lugar na iyon buhat nang umalis siya. Dumiretso lamang siya patungo sa kanilang bahay.

Nagsilabasan kanyang mga kapatid at magulang nang makita siya nito.

"Si Cherry!" saad ng kanyang ate na nangangalang Jessa. Matagal na rin kasi sila di nagkikita nito.

"Ano ginagawa niyan dito?" sambit ng kuya niyang si Henry.

"Ano ka ba? Dapat nga masaya tayo na nandito siya?" sagot ulit ni Jessa.

"Oo nga, kuya," sang-ayon naman ni Daryl sa kanyang ate.

"Tsk, tsk, tsk. Siguro, may kailangan 'yan kaya naparito," kontra naman ni Jonald.

Hindi nagsalita pa si Jessa at nagmadaling sinalubong niya ang iisang kapatid niyang mga babae. Sumunod sa kanya ang limang anak nito pati na rin mga pitong anak ni Henry.

Sa iisang bahay lamang lahat mga ito nakatira.

Ngumiti si Cherry bilang kanyang bungad nang makita na ang mga kapatid. "Good morning, Kuya Henry, Ate Jessy, Jonald at Daryl," sambit niya sa mga kapatid at napalipat kanyang tingin sa ina't ama na huling lumabas ng bahay. "Mama at Papa!" Muli siyang ngumiti sa mga magulang. "Kamusta kayong lahat dito?"

"Bakit mo naman sa amin naitanong 'yan, Cherry matapos iwanan mo kami dahil sa lalaking 'yon?" pahayag ng kanyang ina. Napangisi kanyang Kuya Henry at isa pa niyang kapatid na si Jonald na sinundan ni Daryl.

"Bakit ka naparito?" tanong naman ng kanyang ama na kita sa itsura nito na di masaya makita kanilang anak.

"Mama, Papa..." saad ni Jessa. Tumitig siya mga kapatid. "Kalimutan na natin ang nakaraan, please? Matagal na 'yon eh. Ang mahalaga ngayon nandito siya."

"Kami, makakalimot?" pahayag muli ng kanilang ama na si Romualdo. "Kung ikaw nakalimot sa pag-iwan niya sa'tin pwes kami hindi."

Nawala ang ngiti ni Cherry sa kanyang labi. Nasaktan siya sa ganoong pahayag ng kanyang magulang pati mga kapatid. Akala niya magiging mabait na ito sa kanya subalit punong-punong pa pala ng mga hinaing.

"Karapatan niya 'yon na dapat nating tanggapin." Muling paliwanag ni Jessa na nagsisilbing tagapagtanggol ni Cherry sa mga ito. "Nasa legal na siya ng panahon na nagpakasal siya."

"Huwag kang sumabat dito, Jessa. Hindi mo alam kung gaano kabigat kanyang kasalanan sa pag-iwan niya sa'tin. Kinalimutan niya na tayo at ngayon lang naparito upang humingi ng tulong," sambit ng ama ni Cherry.

Nawalan na tuloy siya ng lakas ng loob sabihin ang dahilan ng kanyang pagparito. Napakagat na lang siya ng labi at napasiklop kanyang mga daliri sa dalawang kamay at pinagpapawisan mga ito.

Humugot muli siya ng kalakasan bago muling nagsalita. "Hindi po gano'n, Pa."

"Anong hindi? Iniwan mo kami dahil sa lalaking 'yon. Bakit hindi ka humingi sa kanya ng tulong?" giit naman sa kanya ni Henry.

"Baka, iniwan na rin siya. Tignan niyo nga itsura niya. Sobrang layo na kaysa dati." Sabay tawa ni Jonald.

"Nald, tumigil ka nga!" sita sa kanya ni Jessa.

"Hindi po totoo 'yan," sagot ni Cherry. "Nandito ako upang umutang ng pera pambayad lang sa ibang gastusin."

Nasabi na rin niya ang dahilan kung bakit siya napatungo sa dating tahanan. Humalakhak sina Henry at Jonald habang sinimangutan siya ng kanyang magulang. Sina Daryl at Jessa naman ay bakas ang awa sa kanya at pag-aalala.

"Kapal naman ng mukha mo, Cherry! Matapos mo kaming iwan at ngayong may problema ka pupunta ka rito?" sermon sa kanya ng ina na si Elena.

"Hindi ko po kayo iniwan, Ma at Pa." Tumitig pa siya sa mga kapatid. "Nagmahal lang po ako. Bawal po ba 'yon?"

"Ikaw na nga nanghihingi ng tulong dito ikaw pa may ganang sumagot ah!" mapait na pahayag ng kanyang panganay na kapatid na si Henry.

"Mabuti, Cherry. Umalis ka na bago ka pa namin kaladkarin palabas ng gate," sambit ng kanyang ama na wala ring pakialam sa kanya.

"Pero....nakikiusap po ako sa inyo. Please. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon pambayad sa iba pang gastusin sa bahay. Kinapos kasi kami eh." Pilit na kinukumbinsi ni Cherry ang mga ito ngunit hindi epektibo.

"Wala kaming maiibigay sa'yo, Cherry. Mabuti pa umalis ka na. Sinira mo na ang araw namin." Tinutulak-tulak siya ni Henry palabas ng kanilang compound.

"Sandali lang, Kuya. Hindi ata tama ito." Pinigilan ito ni Jessa na sinundan ni Daryl. "Hindi tama na ipagtabuyan natin siya dahil iniwan niya tayo. Hindi tama na tinaboy natin siya dahil wala na siyang naiibigay sa'tin."

"Anong pinagsasabi mo, Jessa?" tanong ng ina rito.

"Di ba siya naman ang tumutulong sa'tin noon na single pa siya?"

Sandaling natigilan ang mga ito.

"Ate Jessa..." sinenyasan niya na huwag na niyang ituloy ang sasabihin.

"Hindi, Cherry. Kailangan din nila malaman kung saan sila nagkamali."

"Huwag na, Ate. Kung ayaw niyo, naiintindihan ko naman 'yon."

Dahan-dahan na naglakad palayo si Cherry at kita sa kanya ang pagkalungkot at pagkabigo na makahingi ng tulong. Sobrang sakit sa parte niya na sa tagal ring pagbibigay ng suporta sa kanyang pamilya ay ganito pa ang maririnig niya. Halos lahat ng kanyang suweldo ay napupunta sa mga ito na wala ng matira sa kanya. Tumigil lamang siya pagbigyan sa mga ito nang magpapakasal na sila ni Alfred.

Nagtungo naman siya sa kanya mga kaibigan na panghuling option niya. Pilit siyang ngumiti papasok ng isang restaurant.

Kinausap niya ang isang waitress doon. "Siña Kristel, Olivia at Rhea?"

"Sandali lang po tatawagin ko sila," nakangiting sagot ng waitress. Kilala na rin siya ng mga nagtatrabaho rito.

"Sige, salamat."

Mayamaya ay mag-isa lamang bumalik ang babae at muli siyang kinausap.

"Pasensya na po kayo, Ma'am. Wala po pala sila dito eh. Mayroon daw pong meeting."

"Ok, thanks." Tipid na ngumiti si Cherry.

Kita sa kanya ang kawalan ng pag-asang makakahanap siya ng mahihingian niya ng tulong. Akala niya maaasahan kanyang mga kaibigan ngunit iniwanan din pala siya ng mga ito. Matapos niya itong tulungan noon sa mga school projects, assignments, sa kanilang research at iba pa ay ganito lamang ay isusukli sa kanya.

Sunud-sunod ang kamalasan nangyari kay Cherry. Nawalan ng kuryente kanilang bahay dahilan upang di umuwi ng bahay si Alfred. Paano na siya nito?

Katatapos lamang nila kumain ay may biglang kumatok sa kanilang pintuan. Iniligay niya muna mga anak sa isang safe na upuan saka sumilip sa butas ng pinto. Kaagad niyang pinagbuksan ang mga ito.

"Aling Marietta, naparito po kayo," bungad niya.

Napansin ng ginang ang madilim na bahay nila Cherry. Naramdaman niya kaagad iyon dahilan upang siya muli magsalita.

"Pasensya na po kayo, ah. Naputulan po kasi kami ng kuryente kaya nagtitiyaga muna sa kandila."

"Kailan pa ito?" tanong muli ng ginang.

"Kahapon lang po. Mabuti, pumasok muna kayo." Tinatago na lamang ni Cherry kanyang tunay nararamdaman ngayon. Wala naman magagawa kanyang inis sa kanilang problema.

"Nasaan nga pala ang asawa mo?" Sandali siyang natigilan sa sunod nitong tanong. Hindi na niya kayanh magsinungaling pa.

"Wala po eh. Di pa umuuwi," naiilang na talaga ang babae sa kanyang pagsagot.

Kumunot ang noo ni Aling Marietta. "Anong klaseng asawa siya? At nagawa kayong iwan sa ganitong sitwasyon? Dapat sa kanya iniiwan."

Nag-aabala si Cherry sa pag-aasikaso ng kanyang mga anak. Pinunasan niya ng face towel ang buong mukha nito maging mga braso.

"Hindi po gano'n kadali, Aling Marietta," depensa pa niya. "Nangako po kami sa harap ng altar."

"Magiging walang saysay ang pagsasama niyo kung ganito lang naman walang pakialaman," muling paliwanagan pa ng ginang. Nilapitan niya si Cherry. "Mabuti pa, kunin mo muna ito."

"Para saan po 'yan?" Nahihiyang tugon niya.

"Pambayad ito ng kuryente niyo. Di ko matitiis na makikita kayong magsasakripisyo sa ganito."

Napaluha naman siya sa kagandahang loob ng ginang. Kung sino pa kasi mga tao na hindi niya inaasahan na tutulong sa kanya ay iyon pa ang may awa at kabutihan sa puso. Hindi tulad sa mga taong inaasahan niya na mahihingian niya ng tulong ay iniwanan siya sa ere at may mga salitang masasakit pa siya maririnig.

Hindi na nagdalawang-isip at nahiya pang tanggihan iyon ni Cherry dahil kailangan na kailangan niya talaga ng pera sa panggastos dito sa bahay. Wala siyang makikita na ibang option kundi iyon lamang.

"Basta, huwag mo lang sasabihin sa asawa mo na ako nagbigay sa'yo nito," dagdag na paalala ng Aling Marietta sa kanya.

"Opo," sabay tango ni Cherry bilang tugon.

Matapos niyang makaraos sa mga bayarin ay saka muli nanamang nagkaroon ng problema. Tinakbo niya sa hospital si Cyprus dahil inaapoy ito ng mataas na lagnat.

Sinubukan niyang tawagan ang asawa na panay ring lamang ang sa kabilang linya.

Kasalukuyang nakikipag-inuman si Alfred sa kanyang mga katrabaho.

"Uy, Fred may tumatawag," pahayag sa kanya ni Kenneth. Tinignan pa nito kung sino dahil panay ring lamang ang phone. "Asawa mo pala."

"Hayaan mo na siya. Tatanungin niya lang naman ako niyan kung nasaan ako ngayon," sambit niya tuloy lamang sa pag-inom ng alak.

Sandali niyang sinilip ang phone habang paulit-ulit na tumatawag si Cherry sa kanya. Kinuha niya ito at pinatay ang tunog ng phine upang di na muling makaagaw atensyon sa mga kasama.

"Baka importante 'yan kaya tumatawag ang misis mo," sambit pa ni Lauro.

"Kilala ko si Cherry puro non-sense lang pinagsasabi niyan." Nagsalin si Alfred ng alak sa kanyang baso. "Mabuti pa uminom na lang tayo. Cheers." Nagpatuloy siya sa pakikipagtagay sa mga katrabaho habang ang asawa niya ay nanonoblema at hinahanap na siya.

Nalaman ng babae na na-dengue kanyang anak na si Cyrus. Kailangan kuhanan ito ng dugo. Mabuti na lang mabilis nakahanap ng blood donor dahil sa blood O type ito. Kahit papaano nakagaan na sa kanyang pakiramdam.

"Heto, pambayad sa ospital," saad ni Aling Marietta.

Nakaramdam na ng pagkahiya si Cherry dahilan upang tanggihan na niya ito.

"Ay hindi na po, salamat na lang."

"Kunin mo na ito, iha. Huwag ka ng mahiya. Alam kong kailangan mo makabayad sa hospital." Kinuha ng ginang ang kanang braso ng babae saka inabot ang pera.

"Huwag ka ng tumanggi. Kunin mo na ito," mahinahon na pahayag ni Aling Marietta.

"Babayaran ko po kayo kapag nakaluwag kami." Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ni Cherry.

"Siguro kapag sapat naging maayos na ang iyong pamilya."

"Sige po. Maraming salamat po talaga."

Nang gumaling na si Cyprus ay bumalik na rin sila ng bahay. Napabuntunghininga ang babae sa mga nangyayari sa kanila at kung paano niya mababayaran ang utak sa kanilang kapitbahay. Sobra na siyang nahihiya dito.

Inabutan niya ang asawa sa kanyang kwarto. Natutulog. "Saan ka galing?"

"Sa trabaho." Nagsalita ang lalaki pagkarinig sa kanya.

"Trabaho?"

"Saan naman ako pupunta?" tanong naman ng kanyang asawa. "Kung maglalakwatsa ako, saan na lang tayo kukuha ng panggastos sa bahay."

"Tinawagan kita ilang araw ng lumipas. Hindi ka sumasagot. Kailangan ka ng mga anak mo ng oras na 'yon." Pagtukoy niya kay Cyprus na ang ama hinahanap-hanap noong inatake ito ng sakit.

"Nagtatrabaho ako, Cherry. Uunahin ko pa ba ang awa kaysa sa pangtsibog natin?"

"Sorry." Iyon lamang ang naging sagot ng babae sa halip na makipagtalo pa. Wala naman kasi mangyayari at ayaw na rin niya gumulo pa sa loob ng bahay.

Pagkalipas ng isang linggo, hindi pa rin mawala kay Cherry ang pagdududa sa kanyang asawa. Madalas niya mapansin ang mga kahina-hinalang kinikilos nito. Una, lagi na itong naiinis sa kanya at walang pakialam. Pangalawa, wala na itong binibigay na pera panggastos sa bahay pati sa kanilang mga anak. Pangatlo, madalas hindi ito umuuwi ng bahay at kung minsan ay umaga na. Mga bagay na ikinapagtataka niya.

Kaya, nakasakay na siya ngayon ng taxi at sinundan si Alfred. Subalit, habang tumatagal nagiging pamilyar na sa kanya ang lugar.

"Brgy. Bagong Pag-asa ito ah," saad niya sa isip matapos lingunin sandali ang bintana ng kotse. Nakita niya ang mga daan kung saan patutungo ang sasakyan na kung saan naroon kanyang asawa. "Huwag niyang sabihin sa bahay nila siya pupunta."

Sinabihan niya lamang ang taxi driver na sundan lamang ang tinatahak ng kotse. Mga ilang sandali ay pinasadya niyang di humabol dito at nag-iba na ng direksyon. Pinatigil niya lamang sa kanto at inabot ang bayad.

"Salamat po, Kuya."

Nagmadali siyang nagtungo sa bahay nila Alfred at nadatnan nga ito rito. Tumambay siya sa di kalayuan upang masubaybayan ang ginagawa ng asawa. Napansin niyang sinalubong ito ng kanyang mother-in-law and father-in-law pati ang kapatid nitong si Anthony.

May inabot itong pera sa kapatid at natigilan si Cherry. "Heto, limang limo pang-tuition mo."

"Maraming salamat, Kuya," saad ng kapatid na abot tainga ang ngiti. Kilala niya ang kapatid niyang ito. Sugarol si Anthony. Madalas itong nagpupunta ng billiards upang maglaro. Nagtatatrabaho siya noon sa isang company at tuwing breaktime kasama ang mga katrabaho ay nahuhuli niyang pumupunta ito madalas sa bilyaran upang magsugal. Gusto sana niya iyon ipaalam kay Alfred ngunit naabutan siya ng hiya.

Hinimas pa ni Alfred sa ulo ang kapatid. Maya-maya ay binigyan niya naman ng tatlong libo ang mga magulang nito na nasa edad na ring labingpu't anim pataas. Hindi maiwasan ni Cherry ang mapaluha sa kanyang nakikita. Lahat pala ng sinusweldo niya ay napupunta lahat sa magulang at mga kapatid ng asawa.

Walang pinagkaiba pala pamilya nito sa kanyang pamilya na walang ginawa kundi humingi sa kanya ng pera. Noong wala na siyang ibinibigay kinalimutan na siya at ang masakit pa ay pinagsasalitaan siya ng hindi maganda.

Napansin kaagad ni Cherry ang pag-alis ni Anthony at sinundan niya ito. Kinausap niya ang kapatid ni Alfred sa bilyaran pati magulang nito sa bahay mismo nang napansin niyang umalis na ang asawa niya roon.

Kinabukasan ay abot-abot na sermon ang natanggap niya sa kanyang asawa.

"Kapal ng mukha mo. Nagawa mo pa talagang pumunta sa bahay para awayin ang magulang ko at nagawa mo ring sundan si Anthony," sigaw ni Alfred dahilan upang umiyak si Cyprus. Kaagad na pinatahan ito ni Cherry at kinarga mula sa kuna.

"Anong karapatan mo para mangialam ah?"

"Alfred, mga bata. Pwede bang pakiusapan natin ito nang maayos?" pahayag niya nang malumanay na boses.

"Anong pag-uusapan?" giit sa kanya. "Wala na dapat pag-usapan pa."

May ilang sandali ay may hinablot ito sa wallet na pera. "Hayan, limang libo!" Kinalat niya ang pera dahilan upang bumagsak sa sahig. "Masaya ka na?"

Naglakad na lang ulit palabas ng bahay si Alfred nang nakabusangot ang mukha. "Kainin mo 'yang limang libo." Huli nitong saad bago tuluyan nang umalis. Napabuntong hininga si Cherry at iniisa-isang kinuha ang pera na sahig. Bigla na lamang tumulo ang luha niya sa sakit na kanyang nararanasan.

Lumipas ang isang buwan. Narito ngayon sa isang drugstore ang mag-iina. Bumibili ng pampers, gatas, gamot at iba pang kailangang pangkalusugan ng kanyang mga anak.

Sa paglilibot niya sa store, natigilan siya nang may tumawag sa pangalan niya.

"Cherry, is that you?" isang pamilyar na boses na mula lalaki kanyang narinig.

Chapter 3 3

Hindi na nagdalawang-isip si Cherry na lingunin ang taong may-ari ng boses na iyon. Dahan-dahan siyang humarap at natigilan siya nang makita ito. Si Jared, kanyang ex-boyfriend na nakipaghiwalay sa kanya noon. Ang first boyfriend na naging first heartbreak niya rin. Nagulat rin siya nang makita ang kabuuan nito na malayong-malayo noong sila pa. Masasabi na mukhang umangat na ang estado ng pamumuhay ni Jared dahil sa itsura at pananamit.

"Hey, how are you?" Halos di makapagsalita si Cherry.

"Ok lang, ikaw?" Hindi siya mapakali sa presensya ng dating kasintahan dahil sa sobrang laki ng pinagbago nito sa buhay na di tulad niyang walang narating.

"Ayos naman." Nakangiti ito na halatang wala ng iniinda na mabibigat na problema na di tulad niya. Kaya, nakakaramdam ng panliliit si Cherry sa kanyang sarili. "Long time no see." Tinignan siya nito pati kanyang mga anak.

Nilapitan ni Jared si Cyprus ngunit hindi siya nito pinansin. Napalipat naman ang tingin niya kay Carina.

"Ilang taon ka na?"

Mabilis na sumagot ang batang babae. "I'm three years old."

Napangiti siya kay Carina. Kinausap pa ni Jared ito dahilan upang gumawa si Cherry ng distraction na maputol na ang usapan.

"Sorry nga pala. Aalis na kami. Mayroon pa kasi akong gagawin sa bahay," pagsisinungaling niya.

"Tayo na, Carina," sabi niya sa anak na babae. "Sige, mauna na kami," paalam ni Cherry sa ex-boyfriend.

May ihahabol pa sana siyang sasabihin ngunit huli na. Labis ang panghihinayang ang naramdaman ni Jared dahil sa sobrang ikli lamang ng kanilang pag-uusap ng ex-girlfriend. Gusto niya naman kasi ito makakwentuhan kahit sandali man lamang.

Kasalukuyang nakaupo ang binata sa balkonahe ng kanilang bahay. Tahimik niya lamang pinagmamasdan ang paligid sa malamig na simoy ng hangin at payapang gabi habang siya'y nagmumuni-muni. Napansin ito kaagad ng kanyang kuya na si Julian.

"Uy, kanina ko pa kasi nakikita na sobrang lalim ng iniisip?" Naupo ito sa tabi niya. "Mayroon bang problema?"

Si Julian ang pinakakasundo ni Jared sa magkakapatid na madalas kakwentuhan niya sa mga seryosong bagay at madalas na hinihingian ng payo. Magaling naman kasi magpayo at mag-comfort hindi tulad niya.

"Teka, sa relasyon ba 'yan?"

Nagkaroon ng bagong kasintahan si Jared matapos ang dalawang taon na paghihiwalay nila ni Cherry. May nararamdaman siya sa girlfriend subalit hindi tulad ng ex-girlfriend niya. Nagbago ang takbo ng kanyang pag-iisip nang makita ang dating kasintahan.

Bumuntong-hininga si Jared saka muling nagsalita. "Nagkita kami ni Cherry kanina sa isang grocery store." Hinintay lamang siya ng kapatid na ituloy ang iba pang niyang sasabihin. "Hindi ko inaasahan na magkikita kami matapos ang limang taong di pagkikita."

"Talaga? Tignan mo nga naman kay liit ng mundo," saad ni Julian.

"Tapos na-meet ko rin dalawa niyang anak," dagdag pa ng binata. "Kaso nga lang naging iba na itsura niya. Sobrang layo sa dati noong naging kami at nagkahiwalay."

"Ganyan naman talaga kapag nagkakaasawa at nagkakapamilya nagkakaroon ng malaking pagbabago lalo na sa mga babae," paliwanag pa ng panganay na kapatid.

"Hindi gano'n, Julian."

"Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong nito.

"Biglang nag-iba itsura niya," paliwanag naman niya sa kaniya kuya. Nag-aalangan pa siya sabihin ang nais niyang ipunto. "I mean tumanda itsura niya. Kitang-kita na napapabayaan niya ang sarili niya."

Ngumisi lamang si Julian. "Bakit ka nag-alala sa kanya? At isa pa Jared, may kanya-kanya na kayong buhay." Malinaw na nagpapahayag nito. "May nararamdaman ka pa ba sa kanya?"

Hindi kaagad nakasagot ang binata. Tinititigan siya ng kanyang kuya.

"Wala." Nag-alinlangang si Jared sa naging sagot niya.

"Bakit nag-alala pa rin sa kanya?"

"Hindi ba pwede?"

"Hindi naman gano'n ibig kong sabihin sa'yo, brother. Ang ibig ko lang sabihin may mga bagay na mas paglaanan mo ng importansya. Hayaan mo na rin si Cherry. Let her be."

Tama nga naman kanyang kapatid dapat di na siya nag-alala sa dating kasintahan. Pero para sa kanya, hindi lang maiwasan ang mag-alala sa babae lalo na kung nakita niyang naging ganoon ang pagbabago ng dating girlfriend.

"May girlfriend ka ng iba ngayon. Mag-focus ka lang sa goals niyo sa buhay." Tinapik ni Julian sa balikat si Jared. "Advice ko rin sa'yo, brother huwag na huwag mo ng lalapitan si Cherry dahil magkaiba na ang landas niyo ngayon. May asawa at pamilya na ang tao habang ikaw mayroon na ring karelasyon na nagpaplano na rin para sa future niyong dalawa."

"Julian!" dinig nito. "Nasaan ka?" sigaw ng asawa. Natigilan kanilang kwentuhan.

Nagpaalam muna sa kanya ito. "Paano na, puntahan ko muna 'yong Ate Nenita mo."

"Sige, kuya. Maya-maya papasok na rin ako sa loob," tugon ng binata sa kanyang kapatid.

Kanina pang nakatingin si Cherry sa salamin. Tinitignan ang sarili. Napagmasdan niya ang kakaiba sa itsura niya. Ang pagkakaroon ng maraming wrinkles sa mukha at dark spots na malayo sa makinis na mukha niya noon. Nakaramdam siya ng pagkalungkot at insecurity ng husto nang makita ang ex-boyfriend. Mabuti pa ito naging maganda na ang buhay matapos siyang iwan sa ere habang siya ngayon ay nanatili pa ring naghihirap at nagsasakripisyo. Nai-imagine ni Cherry kung gaano kasaya si Jared sa anong narating ng buhay nito ngayon. Nakangiti at napakanda ng tindig. Hindi tulad niyang napakalalim parati ang iniisip, seryoso at kulang sa pag-aalaga sa sarili.

"Ano ba nagawa kong mali kung bakit naging ganito ang kaparusahan sa akin ng diyos?" tanong niya sa sarili. "Naging matulungin at maawain naman ako sa'king kapwa na halos kalimutan na ang sarili pero ganito ang ipinaranas sa'kin?"

Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa tinding kalungkutan, kabiguan at sakit na nararamdaman niya.

Mga ilang sandali ay napag-isipan na rin niya lumabas ng banyo at magtungo na sa kwarto para matulog. Dahan-dahan lamang siya humakbang sa kama saka ipinikit kanyang mga mata.

Pagkalipas ng ilang mga araw matapos ang pagkikita nina Cherry at Jared, biglang nakatanggap ng text ang babae.

Isang text message mula sa ex-boyfriend. Nagtaka siya kung paano nakuha kanyang cellphone number samantala nagpalit na siya nito. Gusto nitong makipag-usap sa kanya ngunit pagkatapos basahin ay itinuloy niya ang pagsisilbi sa isang maliit restaurant ni Aling Marietta. Pumayag naman kasi siya magtrabaho upang may mapagkunan ng kita na hindi na umaasa pa sa kanyang asawa. Hindi naman nga nambababae pero nauubos ang pera nito sa kanyang ina't ama pati mga kapatid. Ang para sa kanila ay wala na.

"Ayos ka lang ba, Cherry?" tanong sa kanya nito.

"Ayos lang po ako." Tipid na ngiti ang ginawad ng babae sa ginang.

"Sigurado ka? Kung masama ang pakiramdam mo, pwede naman kita pagpahingahin dahil alam kong bukod dito sa resto ko marami ka pang inaasikaso sa bahay niyo."

Kahit papaano napakaswerte pa rin ni Cherry na mayroong tao na magmamalasakit sa kanya. May taong handang tumulong kung kinakailangan.

Pagkabalik niya sa kanilang bahay ay nagluto kaagad siya ng pagkain. Nakatanggap siya muli ng text messages mula kay Jared. Binasa niya pero kaagad na binura. Naisipan nanaman niya tuloy magpalit ng numero.

Sa kanyang paglalakad ng palengke nang may biglang tumawag sa kanya. "Cherry..."

Si Jared ang may-ari ng boses na iyon. Hindi niya ito pinansin at nagmadaling naglakad subalit nabigo siya.

*Gusto ko lang sana makakwentuhan ka. Pwede ba?"

"Jared, wala akong time para makipag-usap sa'yo dahil marami akong ginagawa."

"Tutulungan kita kung gusto mo," giit nito nang may pag-alala sa boses.

"Hindi ko kailangan ng tulong. Kaya ko 'to, ok?" Naglakad pa rin si Cherry palayo sa kinatatayuan ni Jared.

"Cherry, I'm sorry." Iyon lamang ang narinig niya saka naglakad pang matulin upang makasakay na ng jeep.

Hindi na siya apektado sa paghingi nito ng tawad matapos iwan siya ni Jared sa ere. Naging manhid na siya rito matapos ang lahat na dinaranas niyang heartbreaks. Hindi pinanindigan kanilang relasyon sa kabila ng lahat. Hindi nito mapapantayan ng salitang "patawad."

Napabuntong-hininga si Jared sa oagtalikod sa kanya ni Cherry. Akala niya kapag nagkita muli sila nito ay magiging maayos na ang lahat at magkakaroon ng kapatawaran. Subalit, hindi pala.

Nagtungo ang binata sa pinagtatrabuhan ng girlfriend na si Kelly. Susunduin niya ito ngayon at yayain kumain sa labas. Matagal na ring di nila nagagawa iyon dahil sa sobrang busy sa pagtatrabaho.

"Saan mo gusto kumain?"

"Kahit saan." Ngumiti ito saka sumakay kaagad ng kotse.

"Sure ka?" paniniguro niya.

"Yeah." Mabilis na pagtango ni Kelly. "Faster, nagugutom na'ko."

Napangisi lamang si Jared sa ganoong reaksyon ng girlfriend na nagmimistulang parang bata. Sobrang na-missed kasi siya nito.

Sa kanyang pagmamaneho ay muling nagkrus kanilang landas ni Cherry. Nakita niyang nadaanan ang ex-girlfriend na nakatayo lamang sa gilid ng kalsada habang naghihintay pa ng masasakyan. Walang kamalay-malay naman ang dating daan sa kanya. Sandaling nawala ang ngiti ni Jared nang makita muli si Cherry. Napansin kaagad siya ng kanyang girlfriend.

"Hey, are you ok?" tanong ni Kelly. "Bigla kasi nagbago itsura mo eh."

"Gutom lang 'to." Pilit siyang ngumiti.

"Kaya naman pala. Bilisan mo na kasi diyan."

"Hindi pwede. Mahuhuli tayo ng pulis kapag nagkataon. Bawal ang overspeeding dito."

"Ok." Tipid na lamang na sagot ni Kelly saka kumapit sa braso ng boyfriend.

Pagkatapos nila kumain ay kaagad hinatid ni Jared si Kelly sa bahay nito saka na rin nagtungo sa kanilang bahay. Bago pa man niya simulan magmaneho ay naisipan niyang tawagan si Cherry subalit network operator ang sumasagot.

Bakit nga ba hindi siya mapakali ngayon na hindi makausap nang maayos ang ex-girlfriend? Siya naman nang-iwan at sumuko.

Mga ilang sandali pa ay pumasok sa isipan niya ang sinabi ng kanyang Kuya Julian.

"Tama si Kuya. I think I should stop thinking," bulong niya sa sarili.

Inalok kaagad ni Cherry ang asawa ng masarap na pagkain na niluto niya. Sa paglapit nito sa kanya ay naamoy niya ang alak kabuuan nito.

Tatanungin na sana niya ito nang biglang utusan siya. "Kumuha ka nga ng tubig. Nauuhaw ako."

Kaagad niyang inilahad ng tubig sa pitsel at nagsalin.

"Alfred..." panimula niya.

"Gusto ko sana itanong kung saan ka galing?"

Hinampas nanaman ng asawa ang lamesa dahilan upang umiyak ang bunso nila.

"Fred, nasa harap tayo ng mga bata oh."

"Kasalanan mo 'yan." Tumayo ito mula sa kinauukulan. "Diyan ka na nga."

Muli nanaman siya iniwan nito sa dining room habang nagpapakain ng mga bata. Pagkatapos, nilinisan niya mga ito at pinatulog. Muli nanaman siya napatitig sa salamin. Tinignan nang mabuti ang sarili. Napansin niyang napakalayo na niya dating itsura.

Nakaagaw sa kanyang atensyon ang gunting na nakalagay sa sabitan. Kinuha niya ito at ginupitan kanyang buhok dahilan upang mapansin sa kanya ito ng asawa.

Nabighani ito nang makita siya. Tinignan siya ng diretso sa mata maging sa kabuuan niya dahilan upang halikan siya nito sa labi. Hindi siya nagpapigil pa dahil isa rin ito ang hinahanap-hanap niya sa kanyang asawa ang paglalambing nito.

Akala ni Cherry magkakabati na sila ni Alfred ngunit hindi pala. Bigla itong humiwalay sa kanya nang mapansing magkayakap silang natulog buong gabi.

Pagkaraan ng trenta minuto ay niyaya na niya itong kumain kasama kanilang mga anak. Pinagluto niya ang asawa ng pinakapaborito nitong pagkain tuwing almusal ang pansit gisado.

"Kain na tayo," parinig niya.

"Hindi na, maaga akong papasok ngayon."

Diretso lamang si Alfred palabas ng kanilang bahay. Walang goodbye o halik man lamang sa pisngi sa kanyang asawa. Nawala ang ngiti ni Cherry sa kanyang labi dahilan medyo na nawalan siya ng gana.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli nanamang nagkrus ang landas nina Cherry at Jared. Pilit ng umiiwas ang binata ngunit hindi niya matiis na makitang nahihirapan ang ex-girlfriend sa pag-alalaga sa mga anak nito. Nakita niya kasi si Cherry na bitbit mga anak habang may bitbit na ilang pinamiling groceries. Kahit anong pilit niyang iwas ay di niya magawa.

"Jared!" sita nito sa kanya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo rito."

"Nakita kitang hirap ka na sa pagbubuhat ng pinamili mo kaya di na ako nagdalawang-isip pang tulungan ka."

"Di ko hinihingi ang tulong mo kaya pabayaan mo na ako. Please?"

"Nasaan nga pala ang asawa mo? Bakit hinahayaan ka niya gawin mga ito?"

Ngumisi ng mapait sa kanya si Cherry. "Nasa trabaho siya."

"So, ganoon na lang pabayaan ka niya ng ganito?"

"Jared, huwag mo ng pakialaman ang buhay ko. Iwan mo na kami."

"Hindi ko kaya, Cherry. Hindi ko kayang nakikita kita ng ganito, nahihirapan."

Wala na. Kinain ni Jared ang kanyang sinabi kahapon na iiwasan na niya ang dating kasintahan pero heto siya ngayon patuloy na kinukulit na tulungan niya ito.

Mas ramdam niya ang ngayon ang pagisisi na na nagawa niyang pag-iwan kay Cherry para sa kanyang pangarap at pamilya. Kung naging malakas at nanindigan siya, hindi na sana ganito mararanasan ng dating girlfriend.

Natigilan si Cherry. "Kaya ko 'to kaya please bitawan mo na ko, ok?" Kita sa mukha niya ang pagkainis pa rin sa ex-boyfriend. "Halika na Carina."

Iniwanan lamang si Jared na nakatulala sa kanya na may buong panghihinayang. Hindi na nagawa nitong lingunin siya kahit sandali lamang. Talagang wala ng pakialam si Cherry sa dating ex-boyfriend nito. Tanging inis at pagkainggit ang nararamdaman niya kay Jared at wala ng iba pa.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022