Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Horror > The Devil's Hour
The Devil's Hour

The Devil's Hour

Author: : Ally Ocampo
Genre: Horror
Evil is always just around the corner.

Chapter 1 The Breaking Point

Don't go to the town behind the hills.

You can't speak of it's name without having chills.

When you are playing, don't go up those hills.

In the days, the town looks so quiet and dead.

But in the night, there's a life in that town that can wake up the dead.

Some have left but there are others who decided to stay.

For some reason, they chose to stay.

If you live in the town behind those hills, never let your child out of sight.

The devil reside within that town.

At 3 o'clock he roams the town.

Never let your child out of your sight.

For if the devil found him he'll be forever gone.

- The lady at the town's bridge

------

Narrator's Pov

"Nakakadiri ka! Sa dinadami ng pwde mong kalantariin talagang estudyante mo pa?! Hindi ka na nahiya!"

"Hindi ko sya kinakalantari! Sya ang lapit ng lapit sa akin! Sinabihan ko na syang tigilan ako pero ayaw nyang tumigil!"

"Ah! Ayaw nyang tumigil kaya pinatulan mo nalang! Kaya napilitan ka nalang pagbigyan kasi ayaw ka nyang tantanan?!"

"Diana, ano ba! Sinabi ng wala kaming relasyon! Wala akong ibang babae! Masyado ka lang paranoid!"

"Walang relasyon?! Eh ano 'to?!" Sabay supalpal ni Diana ng cellphone nya sa asawa. "Ngayon ka magdeny! Kapatid ko pa talaga nakakita sa inyo! Napakawalang hiya mo talaga! Bastos ka!"

"Ano ba?! Nakakasakit ka na ha!"

Their three younger children standing in the corner of the living room, crying. This has been an everyday scenario for them and yet, it still affects them like the first time. The three little kids still crave for the once happy family they remembered.

Hindi naman ganito ang pamilya nila. Masayang pamilya sila noon. Loving parents, a house full of laughter and joy. Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang ika-apat na anak nila Diana at Arturo De Luna. Kristal De Luna was a talented 4 year old with a wit and intelligence of a grown kid. At an early age she already showed her talent and passion for painting. Arturo is a professor of conceptual arts at Universidad de Antonio. A very prestigious university. Kaya naman automatically, naging paborito kaagad ni Arturo ang bata. He bought everything Kristal could ever needed for her to hone her skills. He even enrolled her to the art classes that Universidad de Antonio conducted for toddlers like his daughter.

Everything went well for Kristal after she enrolled at the university. The kid always had a smile on her face everyday she went home after her classes. She was very happy. Until the nightmare happened. Araw-araw kasabay ni Arturo si Kristal sa pagpasok at iuuwi nya ito pagkatapos ng klase ng bata na eksakto namang vacant hour nya. Then one day, everything came crushing down. Arturo was having an affair with one of his colleague and forgot to pick up Kristal to take her home. He was so busy painting his co-professor's body with his own hands and... well, with his tongue. Naalala na lamang nya ang anak nang tumawag si Diana para alamin kung bakit hindi pa nya naihahatid si Kristal sa bahay nila.

It was 3 o'clock in the afternoon and everyone in the art class already left. He looked for Kristal's teacher in her office pero kahit ito ay nakauwi na rin. Arturo looked everywhere and even asked all the guards pero hindi nya talaga makita ang anak. As the hours passed he realized one thing. Nawawala si Kristal. Diana arrived at the university at 7 o'clock. They asked everyone and looked in every corner of the university one more time pero wala talaga ang bata. That's when they called the police. And that's when their world started to fall apart.

Kristal was missing for 4 months. They put up missing posters, announced rewards on tv, radio, even on social media and never stopped looking for her. Diana is a rising interior designer. She's starting to make a name for herself but she put her career on hold to search for her child. Arturo filed and indefinite leave which the university granted so he can help with the search for Kristal. The story of the missing 4 year old kid was the hottest, most talked about news for quiet a while. Until one day, a body of a little girl was found in a creek in the near by town. The little girl's naked body was covered in bruises and cuts, obviously tortured. Her head was bashed in and she was missing a nipple.

Diana almost lost her mind when they were taken by the police to the morgue to identify the body. Parehong walang kibo ang mag-asawa sa buong byahe papunta sa morge. Simula nang opisyal na ideklarang missing person si Kristal ay hindi na kinausap ni Diana ang kanyang asawa. Sinisisi nya ito sa pagkawala ng kaniyang anak. Hindi pa nalalaman ni Diana ang tunay na dahilan kung bakit nawala sa isip ng asawa ang oras ng uwian ng kanilang anak. Si Arturo naman ay kinain ng kanyang konsensya na agad na nakilaghiwalay sa kanyang kalaguyo ng mawala ang kanilang anak.

"Kulang pa 'yan Arturo! Kahit saktan kita ngayon, kahit patayin pa kita ngayon hinding hindi sasapat 'yon sa lahat ng sakit na ibinigay mo sa'kin!"

"Ano pa bang gusto mong gawin ko Diana?! Lahat ginawa ko na para maipakita sa'yo kung gaano ako nagsisisi sa lahat ng nangyari! Oo! Kasalanan ko kung bakit namatay si Kristal! Sa tingin mo ba hindi ko sinisisi ang sarili ko araw-araw?! Kung pwde lang hindi na sana ako magising kapag ipikit ko ang mata ko sa gabi!"

"Oo! Sana mamatay ka na! Sana ikaw nalang ang namatay! Sana kayo nalang ng kabit mo ang namatay!"

Sabay na napatingin ang mag-asawa ng pumasok sa living room ang panganay nilang anak para pumunta sa kusina. A 23 year old prodigal son. Covered in tattoos, been in an out of jail for six times for the past 5 years. Already had 4 illegitimate children to 4 different women whom he's no longer talking to. He doesn't even have the smallest idea where his children are. He doesn't care. A once aspiring singer and song writer is now a gang leader with a cold heart and emotionless face who only sees the world as his own personal hell.

"And you, Carl? Where have you been? Anong akala mo sa pamamahay na ito? Bakasyunan mo? Aalis at uuwi ka kung kailan mo gusto mo?! Anong akala mo sa pamilyang ito ha? Tau-tauhan mo?!"

"Family? You're kidding me, right?"

"Carl! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita!!"

"Let him be." And that's Carla, 20 years old, a model and a senator's mistress. Umuuwi lamang sya sa kanilang bahay para dalawin ang mga nakababatang kapatid.

"Oh great, and the mistress' here."

"Don't worry, Dad, di naman ikaw ang ipinunta ko dito. Ang mga kapatid ko."

"Basto-

"Subukan mong may saktan na kahit sino sa mga anak ko Arturo. Subukan mong kantiin kahit dulo ng daliri nila." Nagulat nalang si Arturo ng maramdaman nya ang malamig at matigas na bagay na nakadiin sa likod ng ulo nya. Naiwan tuloy na nakahang sa ere ang kamay niyang ipananampal sana sa anak.

"Nice gun, Mom. Come on kids, stop crying and fix yourselves. Let's go to the mall." Tumango lang ang mga nakababatang kapatid ni Carla saka magkakasunod na umakyat papunta sa kani-kanilang kwarto.

"Bakit hindi nalang kayo maghiwalay? It's obvious that both of you are no longer happy being together. So why not go your separate ways? Pati mga kapatid ko pinahihirapan nyo pa."

"Wala kang alam sa pagpapamilya, Carla. Ano bang alam ng isang kabit tungkol sa importansya ng isang buong pamilya?"

"How would i know the importance of family if my own father killed my little sister?"

"I didn't kill her!"

"Sure, you didn't torture her, dehumanized her and raped her. Your hands and tongue were just all over your mistress' body enough for you to forget about your own daughter's well being. Yeah, you didn't bashed her head in, Dad, but it's still your fault she's dead."

"I can't do this anymore."

"Yeah, leave. Avoid the confrontation. So fatherly of you."

"That's enough both of you."

"Tss! Whatever. I'm out of here.

Carla watched as her father made his way out of the living room. Narinig nalang nila ang pag-alis ng sasakyan ni Arturo. Napailing nalang si Carla sa inasal ng ama. She didn't say much when Kristal went missing until her body was found. Kahit Ramdam nya ang galit sa ama dahil sa naging kapabayaan nito pero mas pinairal niya ang pag-unawa at pagmamahal sa ama. Inisip nyang hindi nito ginusto ang mga nangyari. Na kahit ito ay labis ding nasasaktan sa nangyari. Nagalit pa nga sya sa ina dahil sa nakita nyang paninisi nito sa kanyang ama. But everything changed when they knew about the real reason why his father failed to pick up her sister.

-Flashback-

"Carl! Can you get the door please? I'm cooking!"

"Yeah, i got it sis!"

A woman was standing on their doorstep, obviously anxious and nervous.

"Can i help you?"

"Your family and i needs to talk. Call your Mom but don't tell your father."

"Wala si Dad dito miss, teka, who are you?"

"I know thay your father's not here. Call your Mom. She needs to know the truth."

"Hey-" Nagulat nalang si Carl nang bigla syang hawiin ng babae para makapasok ito sa loob ng bahay nila.

"You and your Mom needs to know the truth."

"Teka nga! Bakit ka ba basta nalang pumasok dito sa bahay namin at ano ba 'yang truth na sinasabi mo?"

"Carl? What's the matter?- Ah, uhm... Excuse me? Who are you?"

"I'll start talking once your Mom's here. Your Dad's not gonna be here until later so we have all the time in the world to discuss important matters. Call your Mom, sweetheart."

"Excuse me? Who the hell do you think you are to demand and command us inside our own home? Pwde ba miss, umalis ka na. Ayaw naming maging bastos kaya please lang umalis ka na."

"Don't you wanna know the real reason why your father failed to pick up Kristal? The real reason why your sweet little sister is dead?"

"Miss, hindi ako bastos sa babae at lalong hindi ako nananakit ng babae pero kapag hindi ka pa umalis mapipilitan akong kaladkarin ka palabas."

"You can do that but then you'll never know what really happened."

"What the hell! Fine! I'll call Mom!"

-End of Flashback-

That's when they learned about the truth. That the father they looked up to is not who they thought he is. That he's a lying, cheating, neglectful man. At nung araw na iyon din nagsimulang masira ang buhay at pamilya nila. Nalaman nilang kaya hindi nasundo ng kanilang ama ang nakababatang kapatid ay dahil naging abala ito sa kababuyang ginagawa kasama ng kanyang kerida na kapwa propesor sa unibersidad.

"Mom, bakit ba hindi mo nalang hiwalayan si Dad? Hindi ka ba napapagod? Kasi kaming magkakapatid pagod na pagod na eh."

"He's my husband and i love him. But i just can't get past the truth that he's infidelity caused us your sister's life."

Chapter 2 Haunted By The Past

Diana's Pov

It's been two weeks since our last fight. Naging sobrang busy ako sa mga project na hinahawakan ko kaya halos hindi na kami magkita dito sa bahay. Sa tuwing uuwi ako ng bahay ay tulog na silang lahat. Madalas umuuwi nalang ako dito sa bahay para kumuha ng damit at doon na lamang ako matutulog at maliligo sa aking opisina. I have my own sleeping quarter in my office with it's own bathroom and walk in closet. As an interior designer, may mga panahong bakante madalas ang schedule ko. Pero kapag naman naging busy ang schedule ko ay halos hindi na ako makauwi sa aming bahay.

Sa tuwing magkikita kami ni Arturo ay mas pinipili ko nalang na huwag syang pansinin o kausapin. Napapagod na ako sa halos araw araw na bangayan at sigawan. Natanggap ko nang hindi na magbabago ang asawa ko. Naisip kong mas pagtuunan na lamang ng pansin ang career ko at ang mga anak ko. Aminado akong napabayaan ko ang aking mga natitirang anak simula ng mamatay si Kristal. I let myself get swallowed by grief that i forgot i still have five children left.

"You're exhausting yourself too much." Nagulat ako nang magsalita si Arturo sa may entrance ng kusina. Balak ko sanang kumuha ng makakain dahil nakaligtaan ko ng magdinner sa sobrang dami ng trabaho.

"That's good that you care. But i'm good." Matabang na sagot ko.

"Diana, kailan mo ba ako mapapatawad sa nangyari sa anak natin? I never wanted for Kristal to die." There's sadness in his eyes but my heart is too numb to feel anything.

"Hindi mo lang basta nakalimutang puntahan si Kristal, Arturo. You forgot about our daughter because you were so busy on another woman's sh*t. Our daughter died because of your infidelity. She died, no, she was brutalized, dehumanized and tortured because you are a lying, cheating bastard. Everytime i look at you, i see my daughter being molested and raped, hurt and scared. Possibly begging for her life and calling our names to save her. Do you know how hard it is for me right now to even look at you?" It took everything in me to stay calm but my every words speaks for itself.

"Diana anak ko rin 'yong namatay. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko sa araw araw sa loob ng limang taon? It's like i died too. I'm waking up everyday, i walk, i talk, i breath but i don't feel anything. Kung pwde ko lang ibalik ang oras, Diana. Kung pwde ko lang ipagpalit ang buhay ko para maibalik ang anak natin, ginawa ko na." He started crying.

"But you can't turn back the time. You can't bring her back. My daught-"

Sabay kaming napatingin sa bintana ng kusina nang makarinig sila ng kaluskos. It's 2 o'clock in the morning and everyone in the neighborhood is already in their deep sleep. Nagkatinginan kaming dalawa na parehong kinakabahan. Ako ang unang nakabawi at mabilis na dinampot ang isang malaking kutsilyo sa knife stand saka binuksan ang flashlight ng cellphone ko. Natauhan naman si Arturo at ginaya ang ginawa ng ko. I swallowed my own saliva because of so much nervousness before opening the backdoor.

The sky was pitch black and if not with the street lights and backyard lamps it's impossible to see anything. We both scanned our backyard, looking for any signs of movements but we saw none. I looked at the houses that surrounds us pero obvious na tulog na rin ang mga kapitbahay namin. Madaling araw naman na din kasi. Pero ano 'yong narinig naming kaluskos?

"Baka pusang gala lang 'yon, Diana. Pumasok na tayo sa loo-"

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!" Hindi naituloy ni Arturo ang sinasabi nya nang makarinig kami ng sigaw na nanggagaling sa ikalawang palapag ng bahay. We both looked up. Sa pangalawang pagsigaw ay nabosesan ko na agad kung sino ang sumisigaw.

"Carissa!" Mukhang nabosesan din ni Arturo ang aming anak kaya sabay kaming mabilis na tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. I saw Carl with his gun searching the whole second floor, his siblings standing in the corner with fear written in their faces.

"Anong nangyari?!" Tanong ko.

"M-may tao po sa b-bintana ng kwarto ko." Carissa was so pale and trembling. I hugged the three of them while Arturo helped our eldest to look for whoever Carissa was talking about.

"Damn! Wala akong nakita. Sobrang dilim sa labas kaya ang hirap aninagin ng paligid. Carissa, honey, tell kuya exactly what you saw." Carl's face was red in rage.

"N-nagising ako k-kasi nakaramdam ako ng p-pag-ihi. Nung t-tatayo na ako paalis sa kama k-ko i-i felt g-goosebumps all o-over my body. D-dun ako n-napatingin sa b-bintana. I-i saw a-a man s-standing b-by my w-window and then i shouted." She was shaking in fear. Her hands were so cold.

"Tatawag na ako ng pulis." Arturo ran to our bedroom to get his phone.

"I'll call my gang. Whoever that man is. I have a very bad feeling about him." Carl said before walking to his room. I took the kids to Clifford's room. I'll sleep with them. I'll keep an eye on them and i will never let them out of my sight.

-----

By 6 o'clock, 2 police cars are already parked outside our house together with 4 sports cars and 6 motorcycles that belong to Carl's gang members. The police look at them with suspicion and disgust but my son's friends ignore them like they are not even there.

"Excuse me, Mrs. De Luna. Kailangan pa po ba talagang nandito ang mga hudlum na 'yan?" Hindi na nakatiis na tanong ng isang pulis.

"Officer.... Sanchez" Carl looked at his nameplate before continuing. "It's my sister we are talking about here. And those hudlums as you'd like to call them may be far more effective on finding out the man who invade our house that you loosers." Nakangising sagot ni Carl sa kanya.

"Carl!" Sita naman ni Arturo sa aming panganay na anak.

"What?! Nagsasabi lang ako ng totoo. They were supposed to find Kristal's killer and bring him to justice but guess what, he's still out there possibly killing dozens if not thousands of helpless little girls! We're gonna find this man and the man who killed my sister. Stand in my way and let see what happens." Carl was standing face to face with his father, his jaw clenching.

"That's enough both of you." Umawat na ako bago pa mapunta kung saan ang usapan.

"Carissa?! Carissa?!- Mom!" We all turned to see Carla running through the door.

"Honey, what are you doing here?" I asked her.

"What happened? Is Carissa okay? Are my siblings okay?" She really loves her brothers and sister.

"They're fine, Honey. Their upstairs." I smiled at her.

"Oh my god. Sino sa tingin niyo ang pwdeng nasa likod ng nangyari?" She asked.

"That's what we are going to find out, sis." Carl answered.

"Hey." Carla walked to his brother and hugged him. "Can you guys find who did this?" She asked his brother's friends.

"We'll do our best, Carla. Gagawin namin ang lahat para mahanap ang walang hiyang nagtangka sa kapatid mo. Pati na rin sa pumatay kay Kristal."

"Good. Whatever you need, just let me know. I want those bastards caught." Carla's eyes were dancing in pure and utter hatred for the man who invaded our house and the man who killed her sister.

"Ahm, excuse po. Kanina ko pa po naririnig 'yong tungkol sa Kristal? Ang tinutukoy nyo po ba is 'yong batang nakitang hubo't hubad sa may tulay papunta sa bayan ng Concepcion limang taon na ang nakakaraan?" I looked at the police's nameplate. Hidalgo.

"Oo, bakit mo naitanong?" Si Arturo ang sumagot para sa akin. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sya sa tabi ko. Maging sila Carl at Carla pati na ang mga kaibigan ni Carl at ang ibang pulis na narito sa loob mg bahay ay natigil sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa kanya.

"Dati po akong police Concepcion. Nang mabalitaan ko ang opening sa police force dito sa bayan niyo ginrab ko na agad ang opportunity na makalipat dito. Mayroon kasi akong hinawakang kaso 8 years ago na kaparehong-kapareho ng kaso ng anak niyo. Pareho ng paraan ng pagkakapatay, edad ng biktima sa panahon ng pagkawala, gaano katagal nawala ang biktima bago ito nakitang bangkay na sa isang liblib na lugar. It was a cold case. Rookie investigator palang ako noon at 'yon ang unang mabigat na kasong nahawakan ko dahil anak ng isang konsehal ang biktima. Naging media sensation ang kasong 'yon-"

"The Marissa Buenafe rape and murder case." Naputol ang pagsasalita ng pulis ng biglang magsalita si Harold, isa sa mga kaibigan ni Carl.

"Yon nga ang kasong tinutukoy ko." Pagkumpirma naman ng pulis sa sinabi niya.

"Oo, naaalala ko nga ang kasong 'yon. Marissa Buenafe was a 4 year old aspiring balerina. Huli syang nakita sa labas ng bahay nila na nakikipaglaro sa alaga nyang aso. Walang nakakita kung sino ang kumuha sa kanya. Apat na buwan din syang naging missing person bago natagpuan ang katawan nya sa isang talahiban sa dulong bahagi ng Concepcion. Tama ka nga Hidalgo, parehong-pareho ang paraan ng pagkakapatay kay Marissa at Kristal." Nakisingit na rin sa aming usapan ang isa pang pulis na kanina lang ay naghahanap ng mga fingerprints sa mga gamit namin dito sa bahay.

"What are you implying, Hidalgo. Get to the point." That's Police Senior Investigator Daniel Montero. Junior Investigator palang sya ng hawakan nya ang kaso ni Kristal. Napromote na pala sya.

"I have a strong feeling that we are looking for a serial killer, Sir." Seryosong sagot ni Hidalgo.

"I don't need feelings and suspicion, Hidalgo-"

"Marissa Buenafe's files and everything related to her case is still at my house Sir. I can give them to you that is if you wanna... maybe study them." Hidalgo cut him off.

"Fine. Get them." 'Yon nalang ang naisagot ni Daniel

"I'll get the files now, Sir." Hidalgo said before leaving.

"Napromote ka pala." Sinadya kong lakasan ang boses ko para makuha ang attention nya na bumalik na ulit sa pakikipag-usap sa iba pa niyang kasamahan. Lumingon naman sya sa'kin.

"Diana, that's enough." Sinubukan akong pigilan ni Arturo na lumapit sa imbestigador pero pinigilan sya nila Carl at Carla.

"Yes, Ma'am. This year lang." Tipid na sagot niya.

"Paano ka napromote eh incompetent ka?" Puno ng pagkasuklam na tanong ko.

"Ma'am, i'm just here to do my job-"

"Your job?" I cut him off. "Your job was to find my daughter's killer. Where is he now? Did you find him? Last i've heard you still have no idea on who killed her. How can you find the man that invaded our home then?"

"Diana, please-"

"Mom, let's go to the kitchen. Come on, i'm starving. I miss your lasagna." Wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Carla papunta sa kusina.

Chapter 3 Buried In Failure

Narrator's Pov

Alas onse ng gabi. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa nagbabadyang bagyo. Itim na itim ang kalangitan. Tahimik na rin ang paligid dahil sa kalaliman ng gabi. Karamihan sa mga bahay na makikita sa paligid ay patay na ang mga ilang. Senyales na tulog na ang mga taong nakatira sa mga ito.

Bukod sa isang bahay. Isa itong bahay ma may katamtamang laki. May nakaparadang dalawang sasakyan sa harap at may dalawang palapag.

"Ang tagal naman ni Mommy umuwi. Gutom na gutom na ko eh." Reklamko sa sarili ng pitong taong gulang na batang babae.

Nakaupo sa siya sa sofa sa gitna ng kanilang living room at nanonood ng mga pelikula habang hinihintay ang inang kasalukuyang nagpapakasaya sa isang birthday party. The little girl's name is Shelly Anderson. A seven year old balerina. Anak siya ni Bea Anderson, single mom at nagtatrabaho bilang sekretarya sa isang kilalang law firm. Nabuntis si Bea nung mga panahong hindi pa siya handang maging ina. Nainlove sa isang drug lord, nabuntis at iniwang mag-isa para buhayin ang anak.

"Kukuha na nga lang muna ako ng makakain sa kusina. Hindi ko na talaga kaya ang gutom ko." At nagsimula ng maglakad ang bata papunta sa kanilang kusina.

Sanay na si Shelly na maiwang mag-isa sa kanilang tahanan kaya naman kahit papaano ay kaya niyang asikasuhin ang kanyang sarili. Naghanap siya ng pagkain sa ref na hindi na kailangan pang iluto. Isang balot ng chocolate chips ang nakita niya. Kumuha siya ng isa at kinagat saka niya inipit sa pagitan ng kaniyan kaliwang braso at tagiliran ang lalagyan nito pagkatapos ay kumuha siya ng isang pitchel ng tubig. Nang maisara niya ang ref gamit ang isang paa ay may napansin siyang aninong dumaan sa labas ng bintana ng kanilang kusina. Dala ang chocolate chips at pitchel ng tubig ay nagmamadali siyang pumunta sa living room upang tawagan ang kaniyang ina. Ngunit paglapag niya ng kaniyang mga dala sa side table ay bigla na siya nawalan ng malay.

-----

"Love, hindi ka pa matutulog?"

"Mamaya na, Love. Tatapusin ko lang ito."

"Simula nang hawakan mo ang kaso ng pangloloob sa bahay ng mga De Luna bumalik ka na naman sa dati mong gawi. Halos hindi ka na naman natutulog. Magkakasakit ka na sa ginagawa mo. Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo. Paano nalang kami ng mga anak mo kapag ikaw naman ang nagkasakit?"

"Sandali na lamang ito, Love. Sige na, matulog ka na."

Five years has passed but he never really escaped the depression he experienced for not being able to provide justice to Krystal's family. Limang taon na syang nagpapanggap na hindi sya minumulto ng kanyang konsensya gabi-gabi dahil sa kaalamang ang isang walang pusong mamamatay tao at pedophile ay nananatiling malaya, possibly killing more little girls somewhere else. Ginawa nya ang lahat para mahanap ang may sala sa pagkamatay ng batang De Luna pero kahit anong pagsusumikap ang gawin nya ay nanatiling mailap ang hustisya.

"Daniel, halika na. Matulog na tayo." Ani ng kanyang asawa.

"Divine, please. Matulog ka na. Susunod na rin ako maya-maya." Matigas na sagot naman niya.

"Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Hindi mo kasalanang namatay ang batang iyon! At mas lalong hindi mo kasalanan na haliparot na lalaki ang tatay niya kaya siya napabayaan! Daniel naman! Pinaparusahan mo ang sarili mo sa isang pangyayaring wala kang kontrol!" Hindi na napigilan ng babae ang kanyang damdamin.

"Kasalanan ko Divine! Kasalanan ko! Kung ginawa ko lang ang trabaho ko eh di sana nahanap na agad ang batang iyon bago pa man naisipan ng kidnapper niya na patayin siya! Kung naging isang effective na imbestigador lang sana ako eh di sana nailigtas pa si Krystal!" Na naging dahilan ng pagsambulat ng damdaming limang taon din kinimkim ni Daniel.

"Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para mahanap siya. Ibinigay mo halos ang buhay mo para lang mabigyan siya ng katarungan. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa isang bagay na wala kang kasalanan." Pagmamakaawa naman ni Divine.

"Matulog ka na. Marami pa akong kailangang tapusin." Iyon ang hudyat na hindi na gusto ni Daniel na magtagal pa ang kanilang diskusyon.

Sa loob ng limang taon ay hindi tumigil si Police Senior Investigator Daniel Montero sa paghahanap sa taong pumaslang sa batang De Luna. Malaki ang paniniwala niya na kung naibigay niya lang ang lahat ay baka nahanap pang buhay ang bata. Walang gabi na hindi siya binabangungot ng duguan at hubo't hubad na katawan ni Krystal. Umiiyak ito at humihingi ng tulong. Papaano niya ba matatakasan ang multo ng kanyang konsensya? Hindi. Hindi niya ito matatakasan. Kailangan ay mayroon siyang gawin. Kailangan niyang mahanap ang lalaking nangloob sa bahay ng pamilya ni Krystal. Kailangan niyang mahanap ang demonyong pumatay kay Krystal. Iyon nalang ang tanging paraan para matahimik ang kanyang buhay.

Napadako ang tingin niya sa kahong ibinigay ni Lance sa kaniya kanina. Ang sabi ni Police Junior Investigator Lance Hidalgo ito raw ang lahat ng nakalap niyang impormasyon patungkol sa batang napatay sa pinanggalingan nitong bayan na kalapit lang ng bayan nila. Binuksan niya ang kahon at isa-isang inilabas ang mga dokumentong laman nito. May mga nakita rin siyang folder na may pangalan ng bawat biktima. Bukod pala sa batang si Marissa Buenafe ay may mga nakuha pang impormasyon si Hidalgo tungkol sa anim pang biktima mula sa dalawa pang kalapit na bayan.

"Diyos ko..." Nanginginig ang mga kamay ni Daniel habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan ng mga biktima.

Mula lima hanggang walang taong gulang ang mga ito. Mala-anghel ang mga itsura at masasabing mayroong magagandang kinabukasan. Lahat sila ay kaparehas ng sinapit kay Krystal De Luna. Basag ang bungo, puno ng pasa at sugat ang buong katawan na tanda ng matinding pagpapahirap. Natagpuan ang kanilang mga katawan na walang saplot, sunog ang labas at loob ng kanilang mga ari maging kanilang mga dibdib at nawawala ang isa nilang nipple.

"Napakawalang puso ng gumawa nito. Hayop!" Galit na bulong ni Daniel. Mas lalong umigting ang pagnanais niya na mahanap ang taong gumawa nito sa mga batang biktima.

"Hidalgo, we need to talk." Bungad ni Daniel ng sumagot ang kapwa imbestigador sa kanyang tawag.

["Tungkol saan, Sir?] Tugon naman ni Lance sa kabilang linya.

"You're right. There's a serial killer roaming around and we have to find him quick!" Daniel said while clenching his fist.

["Yes, sir."] Lance replied before ending the call.

Iniligpit na ni Daniel ang mga files na nakakalat sa mesa at nagpasya ng umakyat sa kanilang silid. There's a renewed purpose in his steps. Like a man on a mission.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022