Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Suddenly Married (Filipino)
Suddenly Married (Filipino)

Suddenly Married (Filipino)

Author: : Shynnbee
Genre: Romance
Tahimik lang si Beth at walang kaibigan. Halos lahat ng estudyante sa university na pinapasukan niya ay binu-bully siya. And his number one bully was no other than his oh-so-hot neighbor, Kian. One day, she found herself in a dreadful situation. She was stock between, being Kian's woman or her scandal will be expose. Days later, they are suddenly. . . married

Chapter 1 Crush

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapakali si Beth habang panaka-nakang sinusulyapan ang bawat kaklase niya na abala sa paggawa

ng kanilang science experiment.

Muli na naman niyang hinalungkat ang laman ng kaniyang bag, kahit katatapos lang niyang suyurin ang

bawat bulsa nito. Nilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag, mula sa mga notebook ay inisa-isa at

mabusisi niya itong tinignan. Lahat ng pahina ay matiyaga at inisa-isa niyang buklatin. Pero natapos na

niyang buklatin ang lahat ng walong notebook niya ay hindi pa din nito makita ang hinahanap.

Napabuntong hininga siya. Nakaupo lang naman siya pero daig pa niya ang nag- PE class dahil sa pagod

na nararamdaman niya ngayon habang sinusuyod ang laman ng bag. Maging ang kaniyang utak ay pagod

na din.

Sunod naman niyang tinignan ay ang mga libro niya. Kahit pa imposibleng naiipit niya roon ay tinignan

pa din niyang mabuti. Napakamot siya ng ulo. Nakakaramdam na siya ng pagkayamot.

Bumuntong hininga siya. Malakas at mabilis ang tahip ng kaniyang puso at namamawis din ang kaniyang

mga palad. Pakiramdam niya ay binabaliktad ang kaniyang sikmura dahil sa pangamba na

nararamdaman at prustrasyon na lumulukob sa kaniya. Malapit nang mag-uwian kaya dapat mahanap

na niya 'yon.

Nasaan ka na ba? tanong niya sa isip habang pilit inaalala ang mga ginawa at maging ang pinuntahan

niya sa buong maghapon sa eskwelahan. Nakaramdam na siya ng labis na pangamba. Paano kung may

nakapulot na pala?

Sa panghuling subject nila ng hapon na iyon ay halos wala na siyang naisaulo.

Sa murang edad ay abala ang kaniyang utak na mag-imagine ng iba't ibang nakakatakot na senaryo.

Hindi ito isang normal na araw para sa isang batang babae na kagaya niya.

Ang normal na araw para sa kaniya ay ang pagmasdan ng lihim si Kian. Si Kian na pinakaguwapong lalake

sa buong eskwelahan nila. Mula nang nag-transfer ang batang lalake sa kanilang eskwelahan noong nasa

ika-apat na baitang pa lang sila ay hindi na ito mawala sa kaniyang isip. Maging ang kaniyang panaginip

ay sinakop na nito.

Siya ang kaniyang unang crush. Puppy love kung tawagin.

Bahagya pa siyang nagulat ng tumunog ang bell. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan

na tapos na ang klase nila. Paalis na ng classroom ang teacher nila. Ang mga kaklase niya ay kaniya-

kaniya ng inaayos ang kanilang mga bags.

Walang gana niyang inayos ang mga gamit sa loob ng kaniyang bag. Nang matapos ay muli niyang

pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kanilang classroom.

Mukhang naiwala niya. Umaasa siya na sana ay nasa bahay lang nila iyon. Nasa kuwarto niya at hindi nawawala na gaya ng pinapangambahan niya ngayon.

Nakasabay niya sa paglabas ng classroom si Kian. Bahagya siyang sinulayapan ng lalake at tipid na

nginitian. Sa isang iglap ay nawala ang bigat na dala-dala niya. Isang ngiti lang ng crush niya ay napawi na

ang kanina'y labis na pangamba. Pansamantala niyang nakalimutan ang dahilan ng pagkabalisa niya.

Nagtaka siya nang pagdating niya sa gate ng school nila at hindi makita ang kaniyang ama na araw-araw

ay sumusundo sa kaniya tuwing uwian.

"Beth, sumabay ka na sa amin pauwi. Pinakisuyo ka sa akin ng Papa mo," sabi ng daddy ni Kian.

Napangiti si Beth at mabilis na tumango-tango. Magkatapat lang ang bahay nila nina Kian kaya hindi

naman abala sa kanila kung isabay nila ang batang babae sa pag-uwi.

"Tabi na kayo ni Kian sa passenger seat," sabi ng ama ni Kian. Lumundag sa tuwa ang puso ni Beth. Hindi

lang niya makakasabay sa pag-uwi si Kian kundi makakatabi pa niya ito ng upuan. Kung sinuswerte ka

nga naman. Kahit hindi na ako sunduin araw-araw ni Papa, ayos lang, ani sa kaniyang isip habang pigil

ang sarili na mapahagikgik dahil sa kapilayahang naiisip niya.

Inalalayan siya ng ama ni Kian sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Nilagay sa trunk ang kaniyang trolley

bag bago pumasok sa sasakyan at simulang mag-drive.

Magkatabi sila ni Kian na ngayon ay may nakasalpak na head phone sa tenga. Naka-full volume ang

pinapakinggan dahil dinig din niya ang musika.

May ilang pulgada ang pagitan nila. Kilig ang nararamdaman ni Beth sa loob-loob niya. Nakabuti pa ang

hindi pagsundo sa kaniya ng ama.

Napansin niyang nagtanggal si Kian ng headphone. Sinulyapan siya at ginawaran ng tipid na ngiti.

Lumundag ang puso niya. Namula ang kaniyang mukha at napatungo dahil nakaramdam ng pagkailang.

May kinalkal si Kian sa loob ng kaniyang bag. Nilabas niya roon ang dalawang piraso ng chocolate bar.

Ngumiti ang binatilyo sa kaniya bago inumang ang chocolate bar.

Mangha at hindi agad nakakilos si Beth.

Binibigyan niya ako ng chocolate? Tanong niya sa kaniyang isipan. Tila himala ang nangyari.

Agad niyang inabot ang chocolate na binibigay sa kaniya ni Kian. Ngumiti siya at nagpasalamat.

Tumango lang si Kian sa kaniya.

Pagkatapos no'n ay nagsuot ulit ng headphone si Kian. At siya naman ay kulang na lang yakapin ang

dalawang chocolate bar na hawak sa kamay.

Lingid sa kaniyang pansin ay paminsan-minsan, sinusulyapan siya ni Kian. Pigil nito ang ngiti dahil sa inaasta ni Beth. She's so cute, puri niya na hindi na ginawa pang isatinig.

Chapter 2 Love Letter

"Thank you po," nahihiyang pasalamat ni Beth sa daddy ni Kian. Pasimple din siyang lumingon kay Kian

na dire-diretso nang pumasok sa kanilang gate. Tumango at ngumiti ang daddy ni Kian.

Agad na din siyang naglakad papunta sa kanilang bahay na tapat lang ng bahay nina Kian.

Pagpasok sa loob ng bahay ay muli niyang naalala ang bagay na maghapong gumulo sa kaniyang isipan.

"Nandito na po ako!" sigaw niya pagkatapos ay dumiretso na siya sa kaniyang silid. Nilapag ang bag sa

kaniyang kama at agad ginalugad ang kaniyang study table na nasa may bintana nakapuwesto.

"Nasa'n ka na ba?" tanong niya habang isa-isang tinitignan ang naliliit na drawer.

"Wala!" impit niyang tili. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Sunod naman niyang nilapitan ang bed

side table niya. At nang wala pa din siyang nakita.

Hinanap na niya sa kaniyang kama. Sa ilalim ng unan. Nagawa na din niyang tignan maging ang ilalim ng

kutson niya at ilalim ng kama pero wala pa din.

Nasuyod na niya ang lahat pero wala pa din. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may sumagi sa

kaniyang isipan. Hindi kaya nakita ni mama 'yun? tanong niya sa sarili.

May pagmamadali ang bawat hakbang niya at agad pinuntahan ang kaniyang ina na sa mga oras na iyon

ay abala sa pagluluto ng kanilang hapunan.

"Ma!" tawag niya dito.

"Anak, ano 'yun?" tanong sa kaniya ng ina na kasalukuyang naghihiwa ng gulay.

Nagkamot ng ulo si Beth. Nakaramdam siya ng kaba. Hindi alam kung itutuloy pa niya ang sasabihin.

"May nakita ka po bang pink na papel?" tanong niya sa kaniyang ina.

Tumigil saglit ang ina sa ginagawa at ginawaran siya ng tingin.

"Pink na papel?" Tumango si Beth at nag-iwas ng tingin.

"O-opo, Ma. Scented paper po," nag-alangan niyang sagot at agad nag-iwas ng tingin. Umiling ang

kaniyang ina.

"Wala akong nakita." Tumango si Beth at tatalikod na sana nang muling magsalita ang kaniyang ina.

"Hindi naman siguro love letter ang hinahanap mo," anito. Nanlaki ang mga mata ni Beth. Marahan

siyang umiling-iling.

"Okay," ani ng kaniyang ina. "Masyado ka pang bata para makipagpalitan ng love letter, okay?"

Tumango si Beth. "Opo, Ma."

Kinaumagahan...

Nagkakagulo ang kaniyang mga kaklase pagpasok na pagpasok ni Beth sa kanilang classroom.

Nagtatawanan, hiyawan at mga ito. Ang ilan ay tumitili.

Bumuntong hininga siya at naglakad na papunta sa kaniyang assigned seat. Nang mapansin siya ng

kaniyang mga kaklase ay biglang nagsipagtahimik ang mga ito. At pagkaraan lang ng ilang segundo ay

muling bumalik ang ingay. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Dumiretso na siya sa kaniyang upuan

dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang kanilang klase.

Luminga-linga siya at napansin niyang wala pa si Kian sa upuan nito. Binuksan niya ang kaniyang bag at

nilabas ang kaniyang assignment notebook. May assignment kasi sila sa unang klase nila ngayong

umaga. Habang abala siya ay muling nabalot ng katahimikan ang buong silid.

At saglit pa ay naagaw nang tuluyan ang atensyon ni Beth.

"Kian, alam mo bang matagal na kitang crush."

Nanlaki ang mga mata ni Beth nang marinig niya ang kaniyang lalakeng kaklase na si Alden.

Ang hinahanap niyang pink na papel simula kahapon ay hawak-hawak ng lalakeng kaklase..

Nagtilian ang kanilang mga kaklase. Inaawat naman sila ni Alden para maipagpatuloy niya ang

pagbabasa. As usual hindi sila pinansin ni Kian.

Dumiretso ito sa kaniyang upuan. Hindi malaman ni Beth ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung

susugurin. Alumpihit ito sa kaniyang kinauupuan. Nagyuko siya habang ang kaniyang kamao ay madiin

ang pagkakasara.

"Summer noon at napakaganda ng sikat ng araw. Nasa labas ako ng aming bahay at nagdidilig ng mga

halaman ng huminto ang isang sasakyan sa tapat naming bahay," pagpapatuloy ni Alden sa binabasang

sulat. Nagkakagulo na ang kaniyang mga kaklase.

"Sino ba 'yang nagsulat na 'yan?" tanong ng iba pero tanging tawa lang ang sagot ni Alden.

"Doon kita unang nakita. Nakasuot ka ng marvel tshirt na kulay pula. Ang guwapo-guwapo mo sa suot

mong iyon. Pakiramdam ko ikaw ang aking hero na magsasagip sa akin laban sa mga monsters."

Hindi na nakatiis pa si Beth. Tumayo siya at mabilis na nilapitan si Alden na nasa harap at hawak-hawak

ang kaniyang sulat. Akmang hahablutin na niya ito pero naiwas ni Alden ang kaniyang kamay. Tumawa

ito.

"Oh, bakit?" tanong ng lalake sa kaniya. Ngiting-ngiti pa ito.

"Itigil mo 'yan. Akin na 'yan!"

"Bakit, Beth, ikaw ba may-ari niyan?" tanong ng isa nilang kaklase na agad ding sinundan ng iba pa nilang kaklase. Napalunok siya at hindi agad nakasagot.

Nagsimula na silang mangantiyaw. Bagay na ikinapula ng mukha ni Beth.

Pero hindi niya ito pinansin. Muli niyang binalingan si Alden. Tawang-tawa din ang lalake.

"Akin na!" matigas nitong sigaw sa kaniya.

Imbes na ibigay nito sa kaniya pinagpatuloy lang nito ang pagbabasa.

"Araw-araw kitang sinisilip sa may bintana. Mahal na yata kita, Kian." Pulang-pula ang mukha ni Beth.

Hiya, kaba at galit ang magkahalong nararamdaman niya.

"Love, Beth," pagtatapos nito sa pagbabasa ng kaniyang sulat.

"Ano'ng masasabi mo, Kian?" tanong ni Alden kay Kian na ngayon ay pulang-pula din ang mukha. Hindi

niya alam kung dahil sa pagkapahiya ito o dahil sa galit na para sa kaniya.

Mabilis na naglakad si Kian palabas ng kanilang classroom. Nadagdagan pa ang galit na nararamdaman ni

Beth. Pakiramdam niya ang umuusok na ang kaniyang tenga at butang ng ilong sa inis kay Alden.

Personal na bagay ang love letter at hindi ito dapat pinapakialaman. Ano ang karapatan nito na

isapubliko ang nilalaman ng kaniyang sulat para kay Kian.

Gayong si Kian lang ang dapat makabasa nito.

"I hate you! I hate you!" sigaw ni Beth kay Alden.

Simula noon, hindi na siya pinapansin ni Kian. Kahit sulyapan ay hindi na nito ginagawa.

Kahit magkapitbahay sila ay walang tiyansa na makapag-usap man lang sila.

Naisip niya na marahil ay abot langit ang galit nito sa kaniya. Kaya naman napagpasiyahan niyang

balewalain na lang din ito.

Pagtunton nila ng high school. Parehas pa din sila ng eskwelahan na pinapasukan ni Kian.

Alam na alam niya kung ilang beses magpalit ang binatilyo ng nobya. Habang lumalaki sila ay mas lalo pa ata itong gumaguwapo. Sinikap niyang balewalain at kalimutan na lang si Kian.

Chapter 3 My woman

BETH'S POV

"Mano po, Manang," pang-aasar ng mga kaklase ko. Unang araw ngayon ng klase. Second year college

na ako pero hindi pa din sila nagbabago sa pakikitungo sa akin.

Wala na silang kasawa-sawa sa pam-bu-bully na ginagawa nila sa akin na kinalakihan at kinasanayan na

nila, ginagawa na nila ito sa akin mula pa ng mga high school kami.

Nasanay na din ako sa pang-aasar nila. Noong una ay umiiyak pa ako kapag nagsisimula na silang mang-

asar pero kalaunan ay pinag-walang bahala ko na lang.

Hanggang sa mag-first year college na kami ay doon ako napuno, natuto na din akong lumaban sa kanila.

Hindi naman ako nakikipag-away o nakikipag-sabunutan pero pinapakita ko sa kanila na hindi ako

natutuwa sa ginagawa nila. Iniirapan ko sila kapag ganiyan na sinimulan na akong asarin. Pinupukulan ko

sila ng masamang tingin.

At ang pasimuno? Si Kian. Hindi na yata nakokompleto ang araw niya kapag hindi niya ako inasar o

kaya'y pintasan.

Parang kulang siya sa aruga sa mga inaasta niya. Akala mo walang nanay dahil babae na walang kalaban-

laban ang puntirya niya.

At ang nakakainis pa ay ako lang ang ang bukod tanging napagkakatuwaan niya. Guwapo siya, oo, at

pantasya siya ng mga kababaihan.

Hindi siya nakikipagrelasyon pero madami siyang kalandian. Magkaklase kami mula elementarya. Noon

pa man hindi kami naging close, at hindi din kami nagpapansinan.

Pero ng tumuntong kami ng high school ay nagsimula na siya sa pambu-bully sa akin.

Kaya naman sa pinakadulong upuan ng classroom lagi ako umuupo, para maiwasan ang pambu-bully nila

sa akin. Madalas kasi kapag sa harap ay binabato nila ako ng mga papel o kung ano-ano pa.

PASALAMPAK akong umupo sa sofa ng makarating ng bahay. As usual mag-isa na naman ako. Nasa

probinsiya sina mama at papa para asikasuhin ang poultry business nila.

Nasa ilang minuto akong nakapikit ng tumunog ang celphone ko. Napangiti ako ng makita ko kung sino

ang caller.

"Dave," masigla kong sambit ng sagutin ko ang tawag.

"Hey," sagot niya. Ang guwapo talaga ng boses niya. Nasa limang buwan ko ng ka-chat at katawagan si Dave.

Nakilala ko siya noong minsang mapasama ako sa party na dinaluhan ng pinsan ko.

"What are you doing?" tanong niya.

"Nakaupo, just got home from school. Alone and bored," tamad kong sagot sabay buntong hininga.

"Mind if I join you there?"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hmmm," tanging sambit ko.

"Be there in fifteen minutes." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Seryoso?" Napatayo ako at nakaramdam ng excitement.

"Yeah, if you want me too."

"O-Oo naman. You are welcome here," kinakabahan kong sagot.

Nang binaba niya ang tawag ay mabilis akong pumasok ng banyo para maligo.

Sakto namang paglabas ko ng banyo ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Hindi na ako nag-abala

pang magsuot ng damit. Agad kong tinungo ang pinto upang pagbuksan si Dave.

"Hi," bati niya sabay angat ang bitbit niyang pagkain at alak. Niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto para

makapasok siya.

Nang malapag niya sa center table ang bitbit niya ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Napangiti

ako at agad tinugunan ang mga halik niya.

I like Dave. Matagal ko na din naman siyang nakakatawagan at madalas kausap online. He's kind amd

sweet. He's perfect to be my boryfriend.

Hinaplos niya ako sa aking likod hanggang sa aking bewang. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa

kaniyang panga habang ang isa naman ay mahigpit na nakakapit sa kaniyang balikat.

I hear his sexy moan when I gently bit his lower lip. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

Panaka-nakang hinahaplos ang aking balikat at braso.

He is a good kisser. Wala akong mapagkumaprahan dahil siya pa lang naman ang unang lalake na

naakahalikan ko. But as my body heated, I knew for sure that he has a lot of experience in kissing girls.

Mahigpit ko siyang niyakap habang patuloy ang mapusok naming halikan. Napaliyad ako ng himasin niya

ang aking bewang.

"Ah!" Napaungol ako ng bumaba ang kaniyang halik papunta sa aking panga, pababa sa aking leeg. Nag-

iinit ako.

Agad kong hinawakan ang laylayan ng kaniyang suot na tshirt, habang patuloy siya sa pagbigay ng mainit

na halik sa aking leeg habang ang mainit na mga palad ay panaka-nakang humahaplos sa aking balat.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at tinignan ako ng may pananantya. I smiled at him. He was about to

took off his shirt when my celphone rang.

Nagkatinginan kami ni Dave. Ayaw ko na sanang pansinin pa ang tawag pero sinabihan ako ni Dave na sagutin ko ang tawag. He smiled and give me a peck on the lips.

Tumigil ang pag-ring ng aking celphone pero ang telepono naman ang pumalit. Tamad akong nilapitan

ang telepono upang sagutin ang tawag. Baka ang mga magulang ko ito at kukumustahin ako.

"Hello," sagot ko. Wala agad sumagot sa kabilang linya kaya naman natitiyak kong hindi si mama ang

caller.

"Hello," ulit ko.

"I'm watching an exciting show, right now," sabi sa kabilang linya. It's Kian.

Umirap ako. Tumawa siya na kinainis ko. Ibababa ko n asana ang telepono nang matigilan ako sa sunod

niyang sinabi. I was too stunned. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ako agad nakasagot.

"Hmm. The nerd and her video scandal," mapang-uyam niyang sambit.

No! This can't be.

"What do you want," tamad kong sagot at hindi pinahalata ang takot at kaba na nararamdaman ko

ngayon.

"First, I want you to send your boy away." What? Nilingon ko si Dave na nakaupo sa couch. May ngiti sa

kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin.

"What else?" tanong ko pero binaba na niya ang tawag. Mahigpit kong hinawakan ang telepono dahil sa

inis na nararamdaman ko.

"Are you, okay?" tanong ni Dave.

"Ah, yeah. I'm sorry, Dave, mukhang hindi ka puwedeng mag-over night, pinapapunta ako sa bahay ng

tita ko," eksperto kong pagsisinungaling.

"It's okay," aniya at tumango. Tumayo siya at nilapitan ako. Muli niya akong sinunggaban ng halik.

Nailang akong tumugon at hindi ko alam kung itutulak ko ba siya pero laking pasalamat ko ng muling

tumunog ang telepono. Tumigil si Dave at nginitian ako. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko na sinagot

ang tawag at hinayaan na magsawa sa kabilang linya si Kian.

Nang makaalis si Dave ay napasandal ako sa pader. Nanghihina ako. Napamura ako ng mapansin ko ang

bintana na hindi gaanong nakasara. Kung bakit kasi dito pa namin naisip maghalikan ni Dave.

Muling tumunog ang telepono. Hindi ko ito sinagot kaya naman nakaramdam ako ng inis ng sabay niyang tawagan ang telepono at celphone ko.

"Ano'ng kailangan mo?" walang gana kong usal.

"Come here," aniya at pinatay ang tawag. Pinaikot ko ang mata ko at tamad na pumasok ng silid ko para

magdamit.

Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses. Inip akong nakatayo dito sa labas ng pinto nila habang

hinihintay siyang pagbuksan ako. Nang magbukas ang pinto ay bumungad sa akin ang hubad baro na si

Kian. Napaiwas ako ng tingin pero napasadahan ko na ng buo ang kaniyang mga abs.

Narinig ko ang pagngisi niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papasok ng bahay nila.

"Ano ba! Bakit kailangan pa akong hawakan," irita kong wika sa kaniya.

"Arte," aniya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko at seryoso siyang tinignan.

Tinignan niya ako gamit ang kaniyang maloko na awra kaya naman napairap ako.

"Huwag mo nga akong pakitaan ng ganiyang ugali mo. Be good, kung hindi ipapakalat ko ang video mo,"

banta niya.

Bumuntong hininga ako. Na-i-imagine ko na ang sarili ko habang naglalakad sa campus habang ang mga

estudyante ay pinagpipiyestahan ang scandal ko na pinagkalat ni Kian.

Hindi puwede 'to. Baka ma-suspende ako sa school.

"Ano'ng gusto mong gawin ko kapalit ng pagbura mo ng video?" tanong ko. Ngayon pa lang natatakot na

ako sa maaring ipagawa niya. Baka plano niya akong gawing alipin.

"Be my woman," sagot niya. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

What did he say? He wants me to be his woman? Bakit ako?

Ako na tinatawag na manang at ako na binu-bully niya?

Hmmm. Baka naman mali pagkaintindi ko. Dalawa lang ang puwedeng ibig sabihin ng sinabi niya.

Woman as in girlfriend.

Or woman as in, his sex slave. .

Natahimik kami parehas. Gusto kong linawin niya ang sinabi niya. Pero ilang minuto na ang lumipas ay

nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"What does your woman does?" tanong ko dahil naiinip na ako.

Ngumisi siya at tinignan ako habang nakataas ang isang kilay niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Napamura ako sa aking isipan. Sa kaniya ko pa yata mabibigay ang vcard ko.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022