Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Young Adult > Same Dream, Same Mind
Same Dream, Same Mind

Same Dream, Same Mind

Author: : Gun
Genre: Young Adult
Madaming hindi nakakakilala sa grupong SYZYGY. Kung meron may ay iilan lang. Pero kahit ganoon ay hindi parin sila nawawalan ng pag-asa. Naniniwala sila na dadating din ang tamang panahon para sa grupo nila. Kahit walang nakikinig, patuloy parin ang pag gawa nila ng kanta. Hindi sila tumitigil kahit pa na walang kasiguraduhan. Tinatak din sa isip ni Yunjin na kahit anong mangyari ay tutulong siya sa grupong napalapit na din sa kaniya.

Chapter 1 Plan

"Hindi ba bawal sa kanila yung makipag relasyon?"

"Gusto ko lang yung tao, Lumine. Hindi ko sinabing gusto ko maging kami."

Nandito kami sa isang bench malapit sa Gymnasium. Katatapos lang ng last subject namin at nag pasya kaming tumambay muna dito habang hinihintay ang akin kapatid.

"E, ganon nadin yon!" sinuklay nya ang buhok nang sumabog iyon dahil sa malakas na ihip ng hangin. "Gusto mo yung tao, ibig sabihin looking forward ka sa romantic relationship with him"

Napailing na lang ako dahil kahit anong explain ko sa kanya ay hindi rin naman nya ako maiintindihan. Hindi ba pwedeng humanga sa isang tao na walang involve na kahit anong feelings?

"You are risking your brother's career."

"Oh, so you are now concern to my brother, huh?"

The south cold breeze touches my face. Kahit hapon palang at may sinag pa ng araw ay malamig na. Ramdam ang nalalapit na Pasko.

"Hay nako, Yunjin!" Tumayo sya habang umiiling "Oh, andyan na yung kapatid mo!"

Lumingon ako at nakita si Jake na patungo sa amin. He's wearing a loose white long sleeve na tinernuhan ng itim na jeans. Ang kanyang blonde na buhok ay sumasabay sa pang hapong hangin na syang dahilan kung bakit nag lilingunan ang mga babaeng nadadaanan nya, iniisip kung saan siya unang nakita, ang iba naman ay sadyang nagwa-gwapuhan lang sa kaniya.

Pinatong nya ang kanang kamay sa ulo ko nung makalapit sya sa amin, habang ang isa naman ay nakasuksok sa kanyang bulsa. He grinned at me as he look to my best friend.

"Hindi ka ba sasabay samin, Lumine?" tanong nya sa kaibigan ko nang nakitang nag beso sya sa akin. Hinawi ko naman ang kamay nya sa ulo ko.

Umiling ito "Thanks, but no Thanks!" Sinukbit nya ang bag at tyaka nag martya patungong Gymnasium.

biglang umupo si Jake sa aking tabi.

"Daan muna tayong studio" tumingin ako sa kanya.

He has a white pale skin. White as milk. Kung maputi ako ay mas maputi sya sa akin. He's angelic face looks surreal. Mahahalata mong mabait at hindi kayang gumawa ng kahit anong kalokohan. He has this pinkish bow-shape lips na syang kinaiinggitan ko. Bakit kaya hindi ko namana yan kay Daddy?

"Bakit?" Nag angat ako ng tingin. Tumayo sya at sinukbit ang bag ko. "May recording kayo?"

Bahagya akong nabuhayan nang may biglang pumasok sa isip ko.

Kung may recording sila, paniguradong nandoon din sya!

"Tapos na." at doon nawala ang excitement na nabuo sa loob-looban ko. "Bago kita sunduin, nanggaling pa ako sa studio."

Simangot akong nakasunod sa kanya. E bakit pa kami doon pupunta?

Nang nakarating kami sa kotse nya ay agad akong pumasok sa passenger seat. Pinanood ko syang umikot patungo naman sa driver seat.

"Any plans for Christmas break?" Tanong nya.

Minane-obra nya ng isang kamay ang sasakyan para makalabas na kami sa parking lot ng school "Buckle up." aniya ng napansin nyang hindi pa pala ako nakakapag seat belt.

"Oh!" I said as a click the lock. "Wala naman, ikaw?"

For sure ay meron. Kahit hindi tanungin ay paniguradong may ganap siya or sila sa Pasko. Ganon naman taon-taon.

Kapag umaalis sya ay naiiwan akong mag isa sa bahay which is okay lang sakin. Mas pabor pa nga dahil tahimik ang bahay pag wala sya. At isa pa, hindi naman nya ako sinasama sa outting nilang magka-kaibigan.

Pero dahil sa nag tanong na sya, bahagya akong nag taka.

"We're planning to take a vacation at isasama kita." Tumingin sya sa akin nang huminto kami sa stop light.

"Kung wala kang plano" he said emphasizing the first word.

Sinong tatanggi?!

Nag pigil ako ng sarili. Ayoko mahalata nya na bigla akong excite. Kaya ng umandar muli yung kotse ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Tinatago ang ngiti na kanina pa sumisilay.

"Sige lang, ikaw bahala."

Kahit gusto ko mag tanong ng ditalye ay hinayaan ko nalang na sya mismo mag kusang mag sabi sakin. Baka isipin pa nito na na e-excite ako!

Kung sila sila ang aalis at mag babakasyon, paniguradong kasama sya doon!

My God! Saan naman kaya kami mag babakasyon?

Hindi ko na namalayan na nasa studio na kami dahil sa libo libong idea na pumapasok sa utak ko.

Napansin ko lang nung huminto na ang sasakyan at malakas nyang pinitik ang batok ko.

Hawak-hawak ang nangangating batok ay sumunod na ako sa kanya sa loob. Hindi kalakihan ang building na ito kumpara sa iba. May limang palapag lang at ang pupuntahan namin ay sa pang lima pa.

Isang guard ang bumati sa amin. Tinanguan lang iyon ni Jake habang ako ay nag pasalamat nang pag buksan nya kami ng glass door.

Walang tao sa hallway. Medyo dim at malinis ang paligid. May mga nakasabit na painting tungkol sa music ang bawat pader na nadadaanan namin. Sa dulo naman ay ang reception.

"May nakalimutan?" Nangingiting tanong ng babae sa kapatid ko habang palapit kami doon. Nag taas ako ng kilay nang napansin na bago na ang nakatayo. Madalas ako dito kaya tanda ko bawat mukha nang bawat empleyado.

Where's Fiona? Nasisante?

I'm close to ate Fif. She's super nice and sweet. Mahinhin din pero hindi mahiyain. Nakakapag taka lang na wala siya ngayon dito

Nang nakalapit kami doon ay syang pag pasada nya ng tingin sa akin. Nag taas ako ng kilay kaya bahagyang nawala ang ngiti nya sa labi. Maybe she have no idea who I am.

"Nandyan pa ba si Owen sa taas?" tanong ni Jake

"Yes, sir-"

May sasabihin pa sana ang babae pero umalis na ang kapatid ko.

Woah! That's rude!

Tumingin ako sa kanya at nakitang nag bago ang timpla ng mukha nya. May problema kaya?

Kung ang hinahanap nya ngayon ay si Owen, paniguradong may problema nga sa grupo nila.

Sumakay kami sa elevator at ako na ang nag pindot. Pinag masdan ko sya sa reflection nya sa salamin. Isang buntong hininga ang pinakawalan bago bumaling sa akin nang napansin nya akong nakatingin sa kanya.

"Yeah, nag resign si Fiona." Sagot nya sa tanong ko na para bang narinig nya iyon kanina.

Oh, that's why. Sayang naman.

Tahimik kami habang patungo sa palapag. Nung makarating ay una syang lumabas

"Punta ka muna sa studio, doon ka muna, may pupuntahan lang ako."

Hindi ba ay si Owen ang sadya niya?

Hindi na nya ako hinintay sumang-ayon at dali dali syang pumunta sa kabilang dulo ng building kung saan doon naka-opisina ang kanilang manager.

Pangurado ay may problema nga o hindi kaya ay pinatawag sya.

Gaya nang sabi nya ay nag tungo nalang ako sa studio. May tatlong pinto sa isang mahabang pasilyo at kung liliko naman sa kanan ay may isang malaking pinto na syang dance studio para sa kanila.

Sa isang pinto malapit sa elevator ay ang studio. Ang pangalan ay nasa pinto at ang posisyon nya ay nasa baba noon.

Pag kapihit ko ng doorknob ay isang lalaking nakatalikod ang bumulaga sa akin. He's wearing a black hoodie, black bennie and a gray sweat pants. Kahit nakatalikod sya ay halatang nai-stress na sya sa babaeng nasa kabilang salamin.

"Again!"

Hinila ko ang bakanteng swivel chair at naupo sa tabi nya. Kahit dama nya ang presensya ko ay hindi na sya nag atubiling lingunin ako.

Owen is well known as a composer, song writing and a great singer. Lahat na ng talent ay nasa kanya na. Madami na din syang nalikhang kanta. Ang mga lyrics nya ay makabuluhan, masasaktan ka o hindi kaya ay para bang ina-alu ka pag pinakinggan mo ang mga 'yon. Kaya hindi kataka-taka kung bakit nakilala siya agad sa larangan ng musika.

Madaming artist ang nag papa-schedule sa kanya para sa recording, o hindi kaya ay sya ang nag co-compose ng lyrics para sa kanila. Nakakamangha dahil sa murang edad ay nag co-compose na sya.

Marunong din sya sa iba't ibang instrumento na syang kinai-inggitan ko.

Yun nga lang, kung ano ang i-kinasikat niya ay 'yon naman ang kabaliktaran sa buong grupo. Hirap silang makilala sa industriya, walang gustong makinig sa kanila dahil nga sa dami nila. Kung meron man, hindi ganon karami.

They are all talented. Self-producing team. Lahat din ng kanta nila ay sila mismo gumagawa, hindi lang si Owen ang kumikilos, kung hindi ang buong team mismo at kung titignan maiigi, lahat sila ay may itchura. Hindi lang basta-basta itchura. God knows what he did to them. They are all beyond perfect! Kaya nakakapag taka na hindi padin sila sikat hanggang ngayon.

Natawa ako ng bahagya ng makita ko ang konting pag ngiwi nya kaya ngayon ay kuno't-noo na syang napabaling sa akin.

Mukhang problemado sya sa artist na ito.

Wearing a sexy pink dress, Julia look so pissed when Owen makes her stop from whoever she's summoning. May pinindot sya para marinig sya ng babae sa kabilang salamin.

"Please, cooperate miss." Aniya sa mahinahon na boses pero bakas pa din ang iritasyon.

"Again!"

Nag simula ulit kumanta si Julia pero wala pa sa pangalawang stanza ay napangiwi na ako.

I'm not a good singer but I can hit a notes. Well, not as good as my brother but compare to this lady? May ibubuga naman ako kahit papaano.

Napanguso ako nang padabog na bumaba si Julia sa high chair. Isang buntong hininga ang ginawa ni Owen bago bumaling ng tingin sa akin.

"I don't understand why they're trying to enter this field even though they have no talent on singing."

Gusto ko matawa sa sinabi nya kaso biglang bumukas ang pinto.

"You know what?!" sugod nitong si Julia. "Kaya hindi kayo sumisikat dahil sa ugali mo! Akala mo kung sino ka?! Hindi mo ba ako kilala?!"

She's beautiful and famous. Madalas ko syang mapanood sa TV o hindi kaya ay makita sya sa magazines at billboard. Ang dami na nyang naging projects mapa teleserye or films. Maamo ang mukha nya. Mag kasing puti kami. Yun nga lang, mas matangkad sya kaysa sakin. She's the dream girl-type of girl.

But little did they know that her attitude is beyond too far when she's not in the camera.

"Miss Julia" inikot ni Owen ang kanyang swivel chair at inangat ng tingin si Julia. "Look, if you can see, I'm trying to help-"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin nya ay tinalikuran na siya agad ng kausap. Padabog na hinili ni Julia ang kanyang bag sa coffee table at mabibigat ang paang tinahak yung pinto. Nakita ko pa si Stanley na napatabi at napataas ang dalawang kamay waring sumusuko nang nagulat sya sa biglaang pag labas ni Julia.

"Ano yon?" Natatawa habang nakaturo sya sa hallway.

"Gusto mag ka-album." sagot ni Owen.

"Ang titigas talaga ng ulo ng mga yon" ani Stanley.

He's wearing a plain black v-neck paired with flannel and black jeans. Tinanggal nya ang black face mask nya at inilapag sa coffee table.

"Kumain kana, Jin?" Inikot ko ang swivel chair para lingunin si Stan na ngayon ay may hini-hiwang cake.

"No thanks, Im good." Tanggi ko.

Nag taas sya ng kilay at tyaka nangising kumuha ng parte nya. Nilagyan nya din yung isang platito para siguro kay Owen.

"Sinabihan kana ba ng kapatid mo about sa outting?" tanong nya sabay subo sa cake.

Bigla ulit akong nabuhayan.

Hindi ko akalain na iisipin nilang isama ako. Kanino naman kayang idea na isama ako? Siguro ay nahabag ang aking kapatid sa akin kaya gusto nya akong isama.

"Yes, sinabi nya sakin nung papunta kami dito."

"Great!" Tumayo sya at kinuha ang isa pang swivel chair. Nilagay nya iyon sa gitna namin ni Owen at naupo.

"Kailangan kasi namin ng inspirasyon. Alam mo na? Comeback na next year." paliwanag nito.

Napatingin ako kay Owen na tahimik habang may chini-check sa kanyang laptop. Hindi ko ma-imagine ang pressure nya ngayon dahil gaya ng pag kakarinig ko ay masyadong biglaan ang comeback nila. They are not all well prepared.

Gusto ko sana itanong kung saan mag babakasyon ng biglang bumakas ang pinto at iniluwa non sina Henry at Vernon.

"Yohooo!" maligayang bungad ni Henry. Nang napansin ako ay dali-dali syang nag lakad patungo sakin. "Nandyan ka pala, Jin!"

"Yup, kasama ko si Jake!"

Tumingin ako kay Vernon. Ngumiti sya sa akin at nakipag fist bump. Sa itchura nila panigurado ay galing sila sa gym o hindi kaya ay sa dance studio dahil pareho silang pawisan.

Parehas ang tshirt nilang may nakatatak na SZGY. Ang bandang dibdib na parte ay basang-basa ng pawis kaya bahagyang bakat ang kanilang dibdib.

They are all well build dahil isa din yon sa mga kailangan. Of course! Mag pe-perform ka sa stage kaya kailangan masatisfied mo ang mga audience!

Well expect for me.

Sa tagal ko na silang nakakasama ay hindi na ako naiilang kahit mag topless sila at palibutan ako. Baka mandiri lang ako!

"Maligo nga muna kayo doon!" reklamo ni Stanley at bahagyang inilayo ang cake sa kanila.

"Ang arte ah!" si Henry. Aambang aabutin yung tinidor ni Stanley kaya tumayo na sya at inilayo lalo yung cake. "Pahingi!"

"Mag slice ka doon!"

Napailing nalang ako ng mag bangayan na yung dalawa. They are always like that. Sanay na ako.

"Madami pa tayong aayusin sa lyrics na pinasa mo sa akin." rinig kong sabi ni Owen. Nakapangalumbaba sya habang nakatutok sa kanyang laptop.

"Really?" si Vernon at dinungaw na din ang laptop. "Sasabihan ko din ang Hip-Hop team baka may idea din sila."

Minsan ay naiinggit ako sa friendship nila. Kahit pa na puro sila away ay hindi naman natatapos ang isang araw na hindi sila nag babati. Normal naman 'yon right? Lalo na sa kanila. They've been together for years and still intact!

Kudos to Sebastian for being a good leader. Kahit pa tagilid na sila sa industriya, ni isa sa kanila ay walang gustong sumuko.

Napatingin ako sa orasan ng studio ng napansin na hindi padin bumabalik ang aking kapatid. Pero ng makita ko ang papasok ay para bang mahuhulog ako sa inuupuan ko! Gusto ko nalang lumubog!

Damn!

Ewan ko kung anong itchura ko ngayon! Ni hindi man lang ako nakapag ayos man lang!

Akala ko ba ay tapos na ang recording pero bakit parang nandito pa din silang lahat?

Pero teka, hindi ba dapat ay matuwa ako?

"Huy ano yan?!" dire-diretcho ang lakad ni Derrick sa cake. Dahil bahagyang nakaharang si Vernon sa akin ay hindi nya ako napansin.

He's smile!

He's damn perfect smile!

"Why there's so many people here?" si Owen nang napansin na dumadami na ang tao dito.

Nag tama ang tingin namin ng bumaling si Derrick sa gawi namin.

My chest is going to explode!

Gusto ko kumalma pero bakit parang ka'y hirap?

"Mag si labas nga kayo!" bumaling si Owen sa dalawang kaninang nag babangayan, ngayon ay nag tatawanan na.

"Kanina kapa?" nakangiting tanong ni Derrick na para bang inaasahan nya ako.

"Ahhh.. yup?" umiwas ako ng tingin "I-I'm with Jake,"

Shit!

"Oh nandito sya?" luminga sya, waring hinahanap ang aking kapatid.

Gusto ko sana sabihin na dumeretcho sya sa office ng manager nila ng bigla syang mag salita.

The bright smile like a sunshine fluster on his face.

"Buti at pumayag sya na isasama ka namin sa outting. Noong una ayaw nya,e."

Nag taka ako sa sinabi nya. Nung napansin nya iyon ay bahagya syang natawa.

So, hindi idea ng kapatid ko ang pag sama nya sa akin sa outting nila?

"Idea ko."

Waring sinagot ng pumasok na 'yon ang tanong sa isipan ko.

Napatingin ako sa gawi na yon. He's wearing a oversized black tshirt and gray sweat pants when he approach me.

Joshua?

Chapter 2 Smile

Mabilis lumipas ang araw pero ang gabi bago ang nakatakdang alis namin ay parang ang tagal lumipas.

Kaya naman halos sabog ako dahil sa excitement na halos nag pamulat sa akin buong gabi. Ang napag usapan ay aalis kami saktong alas-tres ng madaling-araw kaya halos hindi na ako natulog.

Baka kasi ma-late ako magising at baka iwan pa ako kaya naman, ala-una palang yata ay gumagayak na ako.

Tatlong sasakyan ang nakaparada ngayon sa labas ng gate namin. Naunang dumating ang kotse nina Jackson, sumunod kina Sebastian at ang huli ay ang Van na si Joshua daw ang mag d-drive.

Kahit rinig ko na ang ingay sa sala ay hindi padin ako bumababa. Chinicheck ko lahat kung tama ba ang mga dala ko o baka may nakalimutan pa ako. Limang araw daw kami doon kaya dinala ko na lahat ng kailangan ko and just in case na mag ka-mens ako. Mahirap na dahil puro lalaki ang kasama ko.

Chineck ko din ang suot ko. Well, hindi ko na masyadong pinag effort-tan ang damit ko dahil sa haba ng byahe ay paniguradong matutulog lang din ako.

Isang brown oversized sweater at black maong pants ang suot ko ngayon na tinernuhan ng black boots. Nag lagay lang din ako ng konting make-up para mag kakulay ang mukha ko. Pero kahit ready na ako't lahat-lahat ay hindi padin ako bumababa.

Ang sabi ni Jake ay sa rest house daw kami nina Joshua pupunta. Nasa pagitna iyon ng bundok at dagat pero dahil sa lamig ngayon ay paniguradong walang mag tatangka sa amin maligo sa dagat kaya hindi na ako nag dala ng bikini. Kung maliligo kami ay tama na siguro kung mag short lang ako at tshirt. No need to show off some skin at baka pag sisihan ko lang pag nangatal ako sa lamig.

"Wag na mag install ng videoke, utang na loob." boses ni Adam ang narinig ko.

Kanina ko pa sila naririnig na nag tatalo tungkol sa videoke na syang inaalmahan ng mga maiingay.

"You have no say," mataray na sabi ni Stanley na syang ginatungan ng iba.

"Hindi nga naman kumpleto ang trip na ito kung walang videoke!" gatong ni Daniel.

"Mag iingay lang kayo doon!" si Matthew.

"E ayon nga purpose ng videoke!" sarcastic na tugon ni Henry.

Madaling araw palang at buhay na buhay na agad tong bahay.

"Paki gising na si Jackson, tatawagin ko na si Yunjin." boses ng kapatid ko.

Nung narinig ko yon ay nag handa na ako. Bitbit ang duffel bag ay ang pag katok at bukas naman ni Jake sa pinto.

"You ready?"

Tumango ako at kunuha nya yung bag sakin.

"Someone didn't sleep." nginisihan niya ako nang sinara ko yung pinto ng kwarto.

Sino bang makakatulog? I'm looking forward for this trip and this is the first time that they invited me.

Thanks to Joshua, anyway. Siguro ay mag papasalamat ako sa kanyang idea.

Hindi ko na sya pinansin at baka makumpirma nya pa lalo pag nakita nya ang eye bags kong nag susumigaw.

Pag baba namin sa hagdan ay syang tayuan naman nilang lahat. Ang crowded! Hindi sapat ang maliit naming sala sa dami nila. Ang iba ay naabutan kong nasa sofa, ang iba naman ay naka-upo at naka higa sa carpet, ang iba naman ay nasa dining table.

Huling tumayo si Jackson kaya napatingin ako sa kanya. "Kaya mo ba?"

He looked at me one-eyed open halatang bagong gising. "Yes, kumpleto naman ako sa tulog. Inantok lang sa ambiance ng bahay nyo."

Natawa ako. Well, nakaka-antok nga naman ang ambiance dito sa bahay. Dala narin siguro ng amoy sa humidifier.

Nang nakalabas kami ay tahimik na dumeretcho sina Vernon at William sa BMW na syang imamaneho ni Sebastian. Sinundan iyon ni Daniel na ngumiti muna sakin bago siya pumasok sa kotse.

"We will go first." ani Sebastian.

"Ingat sa drive, Seb" si Jake dala padin ang aking mabaigat na bag. Sa bigat ay dalawang kamay na nya iyon binuhat.

"Kayo rin, Jackson, lalo kana Joshua" turo nya pa dito "Malaki p naman yang dala mo. I'll call when we arrive."

"Sure!" ani Joshua at pumasok na si Sebastian sa sasakyan.

Pinanood muna namin yon umalis bago kami mag pasya.

"Sino sasakay sa Van?" tanong ni Jake.

"Ako, maluwag doon e." pag tataas ng kamay ni Derrick.

"Dito ako sa Ford" si Adam.

"Sa Van na'ko" si Owen.

"Ako din!" ani Henry at umakbay pa kay Owen na sya ring hinawi ito.

"Sa Ford nako, mukhang inaantok pa tong si Jackson. Hahalili ako." prisinta ni Matthew.

"Ford!" si Stanley nahihikab. "Una nako sa loob ha? Inaantok na ako, e."

"Ikaw, Jin?" bumaling silang lahat ng tingin sa akin pagka tanong ni Jake. Para bang isang malaking desisyon ang pag pili ng sasakyan.

"Dito nalang sa Van." sabay turo ko.

Nakita ko ang ngiti ni Derrick kaya bahagyang kumalabog ang dibdib ko.

"Okay so, Adam, Stan, Matthew and Jack sa Ford then the rest sa Van." pinal na sabi ni Jake.

"Okay!" ani Jackson at nag unat habang patungo sa kotse. Sumunod naman si Adam at Matthew sa kaniya at sabay na pumasok sa sasakyan.

Nakita kong nilagay ni Jake ang duffel bag ko sa likod kasama ng mga gamit nila. Naunang pumasok si Henry at Owen na nasa likod, sumunod si Jake at sa likod ng driver seat ay nakita kong nakaupo na si Derrick.

Hindi ko alam kung saan ako uupo. Narinig ko din na kumalabog na ang pinto ng driver seat kaya ako nalang ang hindi pa nakakasakay.

"Lika na, huy. May nakalimutan ka ba?" si Jake. Nag hahanda na ng earphones sa kanyang tenga.

Nag salitan ang tingin ko sa kay Jake at Derrick na parehong nakatingin sa akin.

Nag dadalawang isip ako kung uupo ba ako sa tabi ni Derrick o dadaluhan nalang ang kapatid. Kung uupo ako sa tabi ni Derrick, paniguradong wala naman makakahalata na may gusto ako sa kanya. Maaring normal sa iba, pero sa mata ng kapatid ko? Maaaring hindi.

Pinilig ko ang ulo ko. Imbes na maupo doon ay pinili ko nalang maupo sa passenger seat.

Nakita ko pa ang gulat sa mukha ni Joshua habang nag aayos sya ng seat belt. Okay na din dito, para din makapag pasalamat ako kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako kasama ngayon sa kanila.

"Akala ko mag mumukha akong driver dito." nangngiting biro ni Joshua.

"As if na hayaan kita dito na mag isa." natatawa kong tugon.

Napatingin ako sa rear view mirror ng mag tama ang paningin namin ni Derrick. Napawi ang tawa ko at napalitan iyon ng ngiti para sa kanya.

He smiled back as he close his eyes.

"Okay, shall we?" ani Joshua at minane-obra na ang Van.

Chapter 3 Road

"Three hours pa ang itatagal ng byahe natin. Matulog ka muna."

Mula sa labas ng bintana ay napatingin ako kay Joshua. He's wearing a black denim jacket and a inner hoodie sweater, partner with maong jeans and black boots, same as mine but a male version of it.

Kasalukuyan na namin nilalakbay ang kahabaan ng NLEX. Nakakahiya naman kung matutulog ako. I need to entertain him at least, para din hindi siya antukin.

"I'm good. Hindi pa naman ako inaantok." sabi ko at lumingon sa mga kasama.

Tulog sina Henry at Owen sa likod habang si Jake naman ay nanatiling gising at nakatingin lang sa labas ng bintana.

Pasimple akong tumingin kay Derrick. He's now sleeping hugging his backpack. Nadepina lalo ang haba ng kaniyang pilik mata ngayon payapa siyang nakapikit. Ang ilong nyang matangos ang syang nag pa ganda lalo sa kaniyang mukha. He has this soft feature. Jake has an angelic face na saliwa sa ugali pero si Derrick? Siya yung taong pag ginawan mo ng masama ay siya pa ang mag so-sorry sa'yo.

He's wearing a pastel brown oversized sweater terno with fated jeans. His hair is a little bit messy but its look perfect on him.

Napa-ayos ako ng upo ng bigla syang gumalaw.

"Gusto mo makinig ng music?" prisinta ni Joshua.

"Okay lang?"

Tumango sya. "Oo naman, i-connect mo nalang yung playlist mo."

At gaya ng sabi niya ay iki-nonek ko nga ang playlist ko sa dashboard.

Nilakas ko ang volume sa eksaktong lakas lang na hindi magigising ang mga natutulog. Its now playing their one of their self-produce masterpiece.

Nakita ko ang pag ngiti at pag kagat ng pang-ibabang labi ni Joshua.

"One of my favorite." aniya.

"Parehas tayo." natatawa kong tugon.

Hindi ko alam kung ano ang pwede naming pag usapan. Tanging ang tugtog lang kasi ang nag bibigay ingay sa amin.

"Buti pumayag si Mom na gamitin ang rest house para sa outting na 'to." he said. Engaging a topic.

"Bakit nasaan sila?"

Ayoko mag tunog usisero pero kailangan ko mapahaba tong topic namin para may pag usapan naman kami.

"Bumalik sa L.A, doon mag pa-Pasko." nadaanan ng bahid ng lungkot ang mata nya pero nawala din agad 'yon

Mag-isa lang siya sa Pasko kung wala itong outting na ito kung ganoon.

Born and raised sa L.A pero nung tumungtong siya ng High school ay lumipat na sila dito sa Pilipinas para dito ipag patuloy ang pag-aaral. Nung nag collage ay doon na siya na-discover at nakabilang sa grupong SYZYGY.

I know their backgroud, alright. Hindi dahil sa kapatid ako ni Jake, well, bukod doon, of course.

"Bakit mo nga pala naisipan na isama ako?" pag iiba ko ng topic.

Itinaas ko ang binti ko at inilagay iyon sa ilalim ng isa ko pang binti para makaharap sa kaniya. Ang ulo ko ay nakahilig na sa backrest. Napatingin siya sa ginawa ko bago sumagot.

"Naisip ko na mas masaya kung isasama ka namin, para sabay-sabay nadin nating salubungin ang Pasko."

"Nabanggit nga ni Henry na maganda daw doon sa rest house niyo. Nakapunta na sila doon?"

"Yes, nakapunta na sya doon pero siya lang mag isa. Inimbitahan siya ng Mom ko."

Kung iisipin, sa tagal ko na silang kilala, ito palang ang unang beses na makakasama ako sa kanila sa outting. Madalas kasi may kasama silang staff kaya hindi ako pwede sumama, ngayon lang ata sila nakalabas na walang ibang kasama kung hindi ako lang.

Nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa ideyang mag pa-Pasko ako kasama sila.

Nag play ang isang kanta na sina Daniel, Adam, Henry at Jackson ang kumanta. Para bang hinehele ako 'non kaya kahit anong pilit kong labanan ang antok ay hindi ko na nakayanan.

Naramdaman ko na huminto ang van pero dahil sa antok ay hindi na ako nag atubuling dumilat.

"Hindi ba natin gigisingin si Jin?" boses ni Derrick ang narinig ko.

"Wala yang tulog, hayaan nalang natin. Mag take-out ka nalang Henry para sa kanya."

"Ibababa ko lang tong bintana, susunod ako."

Nag tagumpay ang antok sa aking sistema. Kaya nang umuga ang Van ay agad ulit akong nakatulog.

I don't know where are we right now pero alam ko na wala pa kami sa destinasyon.

Dalawang kalabog ang nag pa gising sa akin. Malamyos na sinag ng araw ang nag pamulat sakin lalo. Maliwanag na pala. Dahan-dahan kong binaba ang paa ko na namanhid dahil sa ayos ng upo ko. Nakaramdam ako ng kirot.

"Aray.." mahinang daing ko at tyaka hinilot ang binti.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nakakahiya kay Joshua.

"Gising kana pala.." nakapikit ang isang mata nang tumingin ako kay Joshua, pero nung makita kung sino ang nasa driver seat ay para bang nabuhayan ako ng dugo. "Nag take-out nalang kami para sa'yo. Hindi ka na namin ginising,e"

Derrick is now seating beside me. Nag palit sila ni Joshua!

"T-Thank you..."

Pasimple kong chineck ang mukha ko bago ko tanggapin ang pagkain na nasa paper bag.

Tatlong clubhouse sandwish ang nasa loob ng paper bag. Sa itchura palang ng mga sandwish ay mukhang hindi ko 'yon mauubos. Tatlo? Seryoso?

"Hindi ko alam kung anong gusto mo." boses ni Henry kaya napatingin ako sa likod. "Sabi ng kapatid mo hindi ka daw nag b-breakfast kaya hindi ko alam kung anong bibilhin ko.. binilhan nalang kita ng sandwish baka sakaling magutom ka sa byahe." nawala ang mata niya ng ngumiti siya.

"It's fine, Henry, kakainin ko 'to" sabi ko at angat sa paper bag "Thanks!"

"Sigurado ka na kaya mo na, Rick" tanong ni Joshua, bahagyang sumilip sa pagitan namin ni Derrick kaya umayos ako ng upo.

"Oo naman, no." si Derrick habang inaayos yung sealt belt nya. "Alangan na hayaan kita mag maneho hanggang sa dumating tayo doon."

Marunong din mag maneho si Jake kaya hindi ko alam kung bakit hinayaan nya na ang mas naka-babata sa kaniya ang mag prisinta kung kaya niya naman. O baka naman nag prisinta naman siya but Derrick insist and he want to take incharge instead, I don't know.

"Malapit na daw doon sina Jackson" ani Owen. Humalukipkip at tyaka sumandal ulit sa balikat ni Henry

"Good, then let's go!"

Pinaandar na ni Derrick ang van at nag simula na ulit baybayan ang daan. Binuksan ko naman ang paper bag at kumuha ng isang club house sandwish.

"Grabe! Na-eexcite na ako. Gusto ko na agad makarating doon!" maligayang wika ni Derrick.

"Yah! Wag mong gawing sport's car tong Van ha!" ani Jake sabay turo sa amin.

"Kala mo sakin? Maingat ako at may babae tayong kasama! Bawal ma-excite?"

Napalaki ang kagat ko sa sandwish nang marinig ko yon mula kay Derrick.

"Ah so, kung hindi natin kasama si Yunjin talagang papaharurutin mo tong van?"

Natawa nalang si Derrick sa sinabi ni Owen. Ako naman ay inabala ang sarili sa pag kain ng club house sandwish. Kung noong una ay baka hindi ko pa maubos tong tatlo, baka ngayon sa kabang nararamdaman ko ay baka maubos ko to ng hindi namamalayan!

Hindi ko alam kung paano ako kakalma ngayong nasa tabi ko sya.

Wala sa sariling napatingin ako sa rearview mirror. Para bang nakakita ako ng multo ng mag tama ang tingin namin ni Jake na agad din naman niyang iniwas.

"Ano pala ang plano mo dapat ngayong bakasyon nyo?" Tanong ni Derrick.

"Usual lang, baka sa bahay lang ako kung hindi nyo ako sinama."

"Mag-isa sa Pasko?" tanong niya, hindi makapaniwala. "Buti nalang pala.."

"Paano, laging iniiwan nitong kapatid niya tuwing Pasko." I heard Jake hissed at Henry.

"E, ikaw? Okay lang na hindi mo kasama ang pamilya mo sa pasko?"

Nakita ko ang lungkot sa ngiti ni Derrick. "Kailangan tong outting na 'to, e. Baka mag karoon din ako ng idea sa susunod na comeback..lalo na at hindi bumenta ang mga kanta namin. Siguro, freshen up narin, lalo kay Owen. Sya yung mas nape-pressure ngayon."

Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon dahil halos lahat ng gawa nila ay magaganda. Nabibingi na ba ang mga tao ngayon? Bakit mas gusto nila pakinggan yung mga kantang may pang hahalay sa babae kaysa sa kantang may saysay naman ang meaning?

Isang oras at kalahati ang ginugol namin sa byahe dahil sa bahagyang traffic. Nag k-kwentuhan na ang iba sa likod tungkol sa mga balak nilang gawin pag dating namin sa rest house habang ako ay hindi ko na alam kung ano pang pwede naming pag usapan. Mag patugtog nalang kaya ako?

Pero mukhang pareho kami ng iniisip kaya sabay naming pinindot ang buton. Para bang may kuryente sa mga daliri namin kaya sabay namin iyon binawi.

"Ikaw na.."

Sabay naming sinabi kaya nag katinginan kami saglit. Nang napag tanto namin iyon ay pareho nalang kaming natawa.

Nawala gaano ang kaba ko. Siguro ay isasantabi ko muna itong nararamdaman at maging normal nalang muna. Tutal, mas kailangan nila itong bakasyon na 'to kumpara sa akin na nasabit lang.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022