Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Young Adult > Rushing Through the Wildness
Rushing Through the Wildness

Rushing Through the Wildness

Author: : Fiera_Iomine
Genre: Young Adult
The imaginative and bubbly girl, Kythe, didn't expect that her normal life would change as she punched the broken hearted guy named Lorenzo in their first day of school. She suddenly found herself a companion and He suddenly found himself a sanity that fixed his broken heart. They suddenly found excitement upon exploring together. But how could they maintain this relationship when Lorenzo's past love awakes and ruins everything? How can they stay strong when everyone around them wants them to be apart because of the secret they are keeping?

Chapter 1 Prologue

Hindi ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko. Hindi ko rin alam kung nasa katinunan pa ba ang isip ko. But... I just found myself in the same room, with the same guy whom I'm trying to forget. Bakit ko hinayaang umabot kami sa ganitong sitwasyon?

"I want you, Kythe. Ikaw lang naman ang gusto ko... mahal ko..." namamaos niyang bulong dahilan para manindigan ang balahibo ko. He sounded desperate despite being seductive.

Bumilis ang paghinga niya nang idikit niya ng husto ang katawan niya sa katawan ko! Ang lamig niya dahil galing lang siya sa shower at wala rin siyang pang-itaas.

"I wish we could forget about our situation. Just once... just... this night," dagdag niya na ikinahina ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko, anumang segundo ay babagsak na ako.

Kahit na ano'ng tanggi ko sa sarili ko, may parte pa rin sa akin ang gustong gawin ang sinabi niya. Gusto ko rin kalimutan ang lahat. Kahit ngayong gabi lang... pero alam kong mali. Maling-mali 'to.

Hinawakan niya ang baba ko at inilapit ang mukha niya sa akin. His lips touched mine... and before I even knew it, he was already kissing me torridly. Ang isa niyang kamay ay naka-alalay sa likuran ko dahil nanghina ang mga tuhod ko sa ginawa niya.

Hindi naman siguro siya seryoso, diba?

Matalino siya. Dapat alam niyang hindi 'to pwede! Tumigil siya sa ginagawa kaya nakahinga ako ng maluwag. Sinasabi ko na nga ba't hindi siya seryo-

"L-Lor-renzo!" sigaw ko nang bigla niya akong buhatin!

Inihiga niya ako sa malambot na kama kaya napagtanto kong seryoso siya. Ngunit ganoon pa man, ayaw kong maniwala. Hindi ganito ang pinapakita niya sa akin kumakailan lang.

"T-teka," pigil ko nang akma niya akong hahalikan. "H-hindi ka naman s-seryoso d-diba?" utal kong tanong. We were both panting like crazy!

Napalunok ako nang ngumisi ito. "No. I'm serious, let's forget everything for a while."

Muli akong napalunok. Kailangan ko siyang maisahan... hindi malabong mangyari nga ang sinabi niya!

"P-pano ka naman s-sigurado na... n-na m-makakalimot tayo? Na... kaya nating magpanggap na ayos lang ang lahat?" kunwaring tanong ko ngunit hindi siya nagpatinag.

He confidently looked at me with assurance in his eyes... "Because I'll make sure that the pain you're feeling right now will be replaced by pleasure," puno ng kumpyansa niyang sambit at akma na akong hahawakan nang pigilan ko siya.

"Alam nating dalawa na hindi 'to tama... please..." pagmamakaawa ko rito. Ni hindi ko masabing ayaw ko. Dahil lokohin ko man ang lahat, alam kong hindi ko kayang tanggihan ang lalaking 'to.

Sisisihin ko ang karupukan ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at marahan akong hinawakan sa pisngi. Ramdam ko ang paghaplos ng malambot niyang palad dito. He caressed his thumb just below my eyelids.

Nakapagat ako sa ibaba kong labi. Ano ba 'tong ginagawa namin?

Marahan niyang inangat ang ulo ko upang magtama ang paningin naming dalawa. Para akong nawala ng saglit sa mapupungay niyang mga mata... madilim man ang kuwarto ay nakita ko pa rin ang pagkislap nito.

"Don't worry... magiging maingat ako," mahinahon niyang sambit at maingat na hinalikan ang labi ko.

Napapikit ako sa sensasyong pinaparamdam niya sa akin. Tanging siya lang ang nakakapagwala ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng paghalik niya. He gave me assurance for some reason... mababaliw na yata ako!

Hindi tulad ng nakaraan, mas naging maingat siya. At hindi nagtagal, tuluyan niya nang naparaya ang katawan ko. Maingat niya akong hiniga at sa ganoong posisyon hinalikan. Gamit ang isa niyang kamay ay binuka niya ang mga hita ko at pumaibabaw sa akin.

Para akong na ku-kuryente sa bawat haplos niya. He did some things that I never expected him to do. It's like he was an innocent kid, curiously playing with a toy... except... this is no toy... and he... he is a complete opposite of an innocent kid.

Pasikreto na lamang akong nagdarasal sa isipan ko. Nagdarasal na sana ilayo ako sa temptasyon!

But it was too late when I unconsciously kissed him back. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tugunan ang halik niya.

Sa ngayon, alam kong ang mga telang nakaharang na lang sa pagitan namin ang tanging pag-asa ko para hindi tuluyang matupad ang gusto niya... pero kahit anong loko ko sa sarili ko, alam kong pareho na kaming sabik... sabik kaming maramdaman ang isa't-isa...

Natigilan kaming dalawa nang biglang may kumatok sa pinto. Napalunok ako sa kaba nang mapagtanto ko kung saan na dapat kami papunta. Bigla akong bumalik sa katinuan ko nang marinig ko ang katok sa pinto.

"Lorenzo..." bulong ko ko sa kanya at marahan siyang tinulak paalis sa ibabaw ko.

Bahagyang kumunot ang noo niya sa ginawa ko ngunit hindi ko na ito pinansin pa. I was catching my breath when the knock on the door gets louder.

"Damn it," dinig kong bulong niya habang napahilamos ang kanyang palad sa sarili niyang mukha.

"Lorenzo? Lorenzo?!" Mas lalo lamang lumakas ang boses mula sa labas habang paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya.

Nakita ko kung paano napapikit sa inis si Lorenzo at nilingon ako. The moment our eyes locked, the anger and regret that I saw in his eyes suddenly faded. His face softened.

Napasuklay sa buhok niya habang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Mukhang napagtanto niya rin ang sitwasyon namin. Napagtanto niyang mali.

For a second... he looked at me, being worried. Like he knew what was bound to happen next. He knew what's coming for us once we step out of this room.

"I'm sorry," he mouthed.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa loob ng maikling minuto. At higit sa lahat, lalo akong nakonsensiya....

Bakit ba namin pinipilit pa? Ang mga taong nakapalibot na mismo sa amin ang pilit kaming pinaglalayo sa isa't isa, ngunit heto kami, malapit nang makagawa ng bagay na ikakapahamak naming dalawa.

Ang hilig-hilig naming magmadali...kaya lalo lamang kaming pinaglalayo.

Kung may pinagsisihan man ako, 'yon ay ang pagmamadali kasama siya. We both wanted to explore so early...to the point where...we lost control.

We were too wild. Masyado kaming nagpadalos. Now...we're both in deep pain.

Ni hindi nga dapat kami magkalapit pa, dahil alam ng lahat na may fiancee na siya...at hindi ako 'yon....

Chapter 2 Punch at first meet

"Hoy, bes! Anong trip 'yan?" Bigla akong natigil sa pagmumuni nang tawagin ako ng best friend ko. Si Dayzelle.

May usapan kasi kaming mag kita sa front gate ng school, kaya heto ako, nag-iisip kung anong magandang main character ang gagayahin dahil first day of school. Wala lang, naisip ko lang naman mag feeling main character.

Alam ko, kaka basa ko 'to ng romance novels.

"Tulungan mo 'ko," kunwari akong nagmakaawa rito at pinagtagpo pa ang mga palad ko.

Taka niya naman akong tinignan na para bang nakakita siya ng baliw. Napalingon pa siya sa students na dumadaan.

"Ha? Baliw, anong tulong ba?" Napahawak pa siya sa kanyang bewang at tinaasan ako ng kilay.

Ngumiti ako ng todo sa kabaliwang naisip ko. Mahilig din kasi sa novels ang bestfriend ko, kaya isasali ko siya sa trip ko.

"Tulungan mo akong pumili ng main character na gagayahin," sambit ko dito sabay ngisi. I know it's somewhat absurd. Dahil alam kong magmumukha akong baliw pag ginawa ko 'yon.

Pero dahil come-and-go naman ang students sa paaralan namin, alam kong marami pang hindi nakakakilala sa akin.

"Shunga! Hindi mo naman sinabing mag a-audition ka sa theater arts?" Gusto kong masapo ang noo ko sa sagot ni Dayz.

"Bes, naman! First day of school 'to oh," saad ko sabay turo sa main building ng school, "gusto ko lang subukan maging main character, malay mo...maka jackpot ako ng lalaking umiigting ang panga," pabiro kong pagkumbinsi sa kanya.

"Nako, sige nga. Boyish at astigin na main character nga ang gayahin mo," hamon nito. Wala pa man ay gusto ko nang matawa. Ganito talaga kami. Pa iba-iba ng trip tuwing first day of school.

Last school year nga ay nagkunwari pa kaming nerd. Ang dami naming kalokohan!

"Sige ba," ngisi ko. Kunwaring maangas.

"Hindi bagay sa 'yo, timang! Pero sige...kunwari ako ang maingay na bff. Tara pasok na tayo!" pagsabay niya sa trip ko.

Kaya bestfriend ko 'to, eh. Pareho ang takbo ng utak namin.

Nagsimula siyang dumada, habang ako naman ay kunwaring walang pakialam sa mundo...pero ang totoo, pasulyap-sulyap na ako sa mga estudyante dahil baka may ligaw na mala F4. Baka lang naman.

"Tara doon tayo!" aya ni Dayz. Dumaan kami sa corridor ng first floor. Naging maangas ang paglakad ko hanggang sa makarating kami sa second floor. Napasulyap tuloy ang students sa direksyon ko.

Okay, baka nasobrahan at nagmukha na akong luka-loka. Medyo inayos ko ang paglalakad kaso napahinto rin kami. Ang dami kasing tao kaya halos hindi kami makadaan sa corridor.

Sumilip si Dayz para tignan ang tumpukan habang ako naman ay abala sa pagkukunwaring main character. Iba talaga trip ko tuwing first day. Last year nga, nagkunwari pa akong cold na nerd. 'Di rin umepekto dahil masyado akong friendly sa mga kaklase ko.

Pasimple akong dumaan nang tumabi ang ibang students kaso may bumangga sa 'kin dahilan para matumba ako! Bumagsak ako sa sahig. Mabuti at hindi nauntog ang ulo ko. Ngunit gano'n pa man ay masakit pa rin sa p'wet.

"Kythe!" gulat na sigaw ni Dayz at inalalayan akong tumayo.

Medyo nabadtrip ako dahil hindi kasama sa trip ko ang mabangga. Kainis naman 'to. Pinagpagan ko ang sarili ko at sinigurong walang dumi sa maitim kong palda. Muntik ko nang malimutan na ito pala ang suot ko!

Paano ako magmumukhang maangas sa baby pink collared shirt ko at black round skirt? Nakatali pa sa white ribbon ang kalahati ng buhok ko.

Sige. Maniniwala talaga sila.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Tumigil ako sa pag-obserba sa suot kong damit nang may magsalita sa harap ko. His voice was in a monotone.

Tumingala ako para makita kung sino ito. At halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang hitsura niya.

Hala, tao ba 'to?

He was undeniably attractive! Napakurap ako at kinalma ang puso ko nang bigla itong tumibok ng mabilis. His nut brown colored eyes kept me from looking away. Parang kinakain ng walang emosyon niyang mga titig ang sistema ko.

His thick straight eyebrows complimented his almond shaped eyes. He has rosy cheeks that matched well with his thin pink lips.

Oo, g'wapo siya, eh, ano naman? Dapat mala main character tayo, self. Ikalma mo.

Bahagya kong itinabingi ang ulo ko at kunwaring inoobserbahan siya kahit tapos naman na. Nakita ko kung paano niya ako singhalan at mataray na tinignan. Sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang matawa dahil pakiramdam ko ang cool ko bagaman itinabingi ko lang ang ulo ko katulad sa ginawa ng main character na babae sa nabasa kong nobela.

"Kythe?" bulong ni Dayz. Hirap pa siyang makalapit no'ng una dahil sa dumadaan na students. Pero hindi ako nagpatinag sa kagagagahan ko.

"What? Are you gonna keep staring at me like a creep?" taas kilay na tanong nito. Ang seryoso ng mukha niya kaya bigla akong nainis sa pagmumukha niya.

Hinila ko ang kwelyo niya palapit sa akin dahilan para mapayuko ito. Itinaas ko ang kamao ko at malakas na pinadapo ito sa pisngi niya!

Hala... anong ginawa ko?! Huli na nang mapagtanto ko ang ginawa ko.

Agad kong binitiwan ang kwelyo niya nang tumpukan kami ng students. Pabulong na napamura si Dayz dahil rito. Samu't saring mga bulungan naman ang bumalot sa paligid nang mapahawak ito sa panga niya at gulat akong tinignan!

"Are you crazy?!" inis na sigaw nito at nilapitan ako. Bumalatay pa ang ugat sa leeg niya nang umigting ang panga niya. Hos forehead creased while his right eye was twitching. Halatang nagpipigil siya.

Ayan kasi. Naghanap pa ako ng lalaking umiigting ang panga.

"Bakit mo ako binangga?" kunwaring walang emosyon kong tanong. Tutal, nasimulan ko na kaya mas mabisang ipagpatuloy ang kagagahan.

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"K-Kythe, ano ba? Tama na pag-me-main character," bulong ni Dayz pero hindi ko siya pinansin. I mean, nasimulan ko na ang kabaliwan ko!

"Miss... to tell you frankly... hindi ako ang bumangga sayo," seryoso niyang sambit at sandaling minasahe ang panga niya.

Nagtawanan tuloy ang mga nakarinig.

Shet... gaga ka kasi Kythe. Napapikit ako sa hiya pero agad ding nagmulat at walang emosyon siyang tinignan. Last na 'to. Mag ta-transfer na talaga ako!

"Ngayon, bakit mo ako sinapak?" kunot-noo nitong tanong. Nanghahamon. Alam ko ang linyang ito eh.

"Nangyari na eh, ano pa'ng magagawa mo?" kunwaring maangas kong sambit pero ang totoo, gusto ko nang ilibing ang sarili ko sa hiya! Wala naman na akong magagawa. Alangan mag sorry ako? Eh, mas lalo akong magmumukhang wirdo!

Napangisi ito, "Talaga lang, ah? I can freaking do this." Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako pababa sa building! Sa takot siguro ng students ay agad silang tumabi para makadaan kami. Sa sobrang bilis niya ay hindi ko na nagawang humingi ng tulong kay Dayz!

Gusto kong magsisi sa ginawa ko nang pumasok kami sa Prefect of Discipline's office!

Grabe 'tong lalaking 'to, 'di na mabiro?

Sabagay, sinong matutuwa na masapak?

"Oh? Mr. Golez? What brings you here?" tanong sir Tan. Ang prefect of Discipline!

"I'd like to report her." Tinuro niya ako habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa akin.

Maka chancing lang? Hala chancing talaga siya dahil hinigpitan niya pa ang kapit doon!

"Hm? Why?"

"This girl punched me out of nowhere, sir... " sumbong nito at hinarap ako. Parang tuta ko siyang tinignan nang marahad niyang hawakan ang magkabila kong balikat at pilit akong inupo sa silya. Nang magtagumpay ay umupo rin siya sa harap ko.

Napasimangot ako. Ang bastos, ha.

"First day na first day, sinapak ka?" Pinigilan kong mapangiti nang tinawanan siya ni Sir. He shamelessly rolled his eyes to the prefect of discipline! Walang respeto!

"What's your name?" baling nito sa akin.

Wala na talaga kong lakas ng loob para mag panggap pa. Baka mas lalo lang akong mapahamak at nakakahiya na. Hindi ko naman inaasahan na sa ganito 'to magtatapos, eh! Sayang pa 'yong clean record ko sa POD.

"K-Kythe Elizan S-Salvador, po..." utal-utal kong sagot. Hukom na.

"Bakit mo siya sinapak?" mahinahong tanong nito. Pero sadyang umaandar ang topak ko.

"G-Ganon ganon nalang po ba yon, sir? Kung makatanong kayo, parang siguradong-sigurado kayo na ako ang gumawa no'n," wala sa sarili kong sambit kaya napatabon ako sa bibig ko! Linya lang 'yon sa nabasa kong nobela, eh!

"Miss Salvador? What are you talking about?" animong naguguluhan na ani sir Tan.

Napatingin ako roon sa Mr. Golez daw. Nilingon niya rin ako nang makitang nakatingin ako. Pinaningkitan niya ako ng mga mata kaya nag-peace sign ako sa kanya.

"Ah...sorry sir... What I mean is that... M-May nakita lang po akong lamok sa m-mukha niya... Kaya nagawa ko 'yon..." pagdadahilan ko. Ang talino ko.

"At sino ang nag pa-uso na sumapak ng lamok?" singit ng lalaking nasa harap ko.

"S-Sorry na kasi... aksidente lang... hehe," mahinhin kong sambit at nagpeace sign ulit.

Napabuntong hininga si Sir Tan, "Since it's your first violation, I'll let you go." Napangiti ako sa sinabi ni sir.

"What? Sir, look at my face... bahagya ngang namaga ang mukha ko," angil niya at pinakita pa ang pamamaga ng kanang pisngi niya dahilan para mapayuko ako. Grabe naman 'to.

"Okay then, I'll let you clean the gym," pagbawi ni sir dahilan para magmakaawa ako dito! Ang lakas niya sa POD, ha. Biased.

"Sir! Aksidente lang po talaga yon! Ibahin niyo po ang punishment please? Asthmatic din po ako..." pagmamakaawa ko. Baka ikamatay ko 'yon!

Napabuntong hininga naman si Sir, "Sige. Final decision...ang vice president na ng SSG ang bahala sa parusa sa 'yo," wika niya at tumayo. Mukhang napapagod na sa amin.

"P-po? S-sino?" kabado kong tanong. Paano't ang Vice President na ng SSG ang bahala sa akin?!

Kumibit-balikat lang ito at pumasok sa isa niya pang office. Hala siya, attitude.

Nakasimangot kong nilingon ang taong nasa harap ko na ubod ng bait. Nakakaasar itong ngumisi sa akin at pinagkrus ang mga braso niya, pinapakitang nanalo siya.

Edi wow.

"You're mine now."

Napaawang ang mga labi ko. Anong ibig niyang sabihin? 'Di ko binebenta ang sarili ko, oy! Hindi ako ganoon-

"Quit starring and start moving..." masungit na aniya at tumayo upang ayusin ang kwelyo sa suot niyang button down shirt kahit maayos naman na ito. Wala sa sarili rin tuloy akong napatayo at inayos din ang kwelyo ko. Buti naka collared shirt ako kaya makakarelate ako sa kanya. Akala niya, ah.

"Let's start over... I am Lorenzo Jei Golez, the SSG vice president of the high school department." Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Vice president?!

Ibig sabihin... "S-Sorry talaga! Hala, namamaga pa ba mukha mo?" medyo plastik kong tanong dito. Baka sakaling magbago pa ang isip niya pag naging mabait ako. Siya ang maghahatol ng parusa sa 'kin? Hindi ako papayag!

Nag make-face lang siya bago ako nilapitan. He sarcastically grinned at me. "I know what you're doing. You can't escape me, just so you know."

Napasimangot ako. Ang hirap naman nitong kausap. Panay ingles, eh.

"Just...follow what I'll tell you, and we'll be good."

Napaawang ang mga labi ko. "Hanggang kailan mo ako balak utusan?"

Lumapad ang ngiti niya sabay ngisi, "Oh? Hindi lang kita basta uutusan. You will also have to follow me everywhere...for as long as I so..."

To Be Continued...

Chapter 3 Tour with Mr. Vice President

"Ano ba'ng gagawin natin dito?" puno ng kaba kong tanong habang nakatingala sa school bus. Nasa parking lot kami ngayon ng school.

"Just go inside," nababagot nitong saad sabay tulak sa akin ng bahagya. Okay, hindi gentleman. Pero paano ba kasi? Baka hanapin ako sa klase.

Bigla niya na lang hinawakan ang kwelyo ko mula sa aking likuran at parang tuta akong hinila papasok sa bus! Ang sama!

"Ano'ng gagawin natin rito?" muli kong tanong, kinakabahan dahil baka kung ano ang ipagawa niya sa akin bilang parusa.

Napalingon ako sa students na naka upo. Mga freshmen. Specifically grade 7 students.

"Babantayan natin sila sa first day tour nila...and as you know, SCC has its own pool resort. Kaya doon ang punta natin," aniya at nilingon ang students. "I am Lorenzo Jei Golez, The SSG vice president of the high school department... I will be guarding you and touring you at the same time, so be at your best behavior," puno ng awtoridad niyang sambit na nagpatikom sa lahat.

Mukha namang mababait ang freshmen students.

"Eh, sino si Ate ganda, Kuya?" tanong ng isang lalaki na nakaupo sa harapan. Agad naman na nagsi-asaran ang mga kasama niya. Sino? Ako? Maganda?

Grade 7 lang sila, pero nakakatakot na. 'Di naman kami ganyan no'ng kami ang grade 7 ah? So bold!

"Her? She's-um...my assistant..." Parang hindi pa sigurado ang Vice President sa sinabi niya.

At teka, kailan pa ako naging assistant?

"Ate ganda! ano'ng name mo?" tanong naman no'ng isa mula sa pinakalikurang parte ng bus.

So ako talaga ang tinutukoy nilang maganda? Hala siya?

"Ah? My name is Kythe Salvador..." nahihiya kong sagot dito. Dapat mabait tayo. Besides...maliit na bagay lang nama-"Aray!" napasigaw ako nang kurutin ako sa tagiliran ni Lorenzo! Sa tingin ko magka-edad lang kami...kaya Lorenzo na lang ang itatawag ko.

"Yieh! Selos si kuya!" hiyaw na naman ng isang babae. Nabalot tuloy ng ingay ang buong bus dahil sa asaran nila. Jusko naman ang gulo nila!

"Quiet!" sigaw ni Lorenzo. Ang sakit sa tenga ng boses niya! Militar lang ang peg?

Bigla na lang akong nawalan ng balanse at napasubsob sa dibdib niya nang walang pasabi na umandar ang bus!

"Tsh." Napaatras ako nang suminghal siya.

Akma akong uupo sa unahan ng bus nang mag salita ang isang student na lalaki. Halos abot balikat ko lang ito.

"Ate Kythe! Dito ka sa tabi ko!" sigaw nito.

Nginitian ko siya. Mukha naman siyang friendly kaya lalakad na sana ako papunta sa tabi nito nang biglang may humila sa likuran ng k'welyo ko dahilan para mapaupo ako sa tabi ni Vice Pres.

"Dito ka lang sa tabi ko," masungit nitong utos nang hindi man lang ako tinitignan. Seryoso siyang nakatingin sa harapan habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa collar ng damit ko.

"Hindi ako aso," nakasimangot kong bulong kaya binitiwan niya ito.

"Tss!" eksaherada akong suminghal sa kanya at talagang in-emphasize ko ang "ss". Naging tunog ahas na yata ako.

"Quit acting like a main character. You're not a main character and you will never be one." Seryoso ang mukha niya habang binibitiwan ang mga katagang 'yon.

Gulat ko siyang nilingon. Kung adik ako sa novels, mukhang adik siya sa movies. Pero teka?

"Kilala mo siguro 'yong main character na ginagaya ko." Taas kilay niya akong nilingon. "Yieeh, novel reader din siya," tukso ko sabay tusok sa tagiliran niya. Inirapan niya lang ako at umiwas ng tingin! Sungit!

Pagkarating sa pool resort ay inunahan ko ang mga bata na bumaba sa bus. Halos masudsod pa ako sa mabatong daan kakatakbo. Syempre, ignorante ako pagdating sa mga 'to.

"Wow! Pools!" namamangha kong sigaw nang matanaw ang mga swimming pool.

Sunod naman bumaba ang mga juniors na kasama namin at panghuli si Vice pres.

"Everyone, line up!" sigaw nito sa students nang makitang kung saan-saan sila pumunta.

"Line up everybody line up! let's go ge-get out out out outside! bubble guppies!" dugtong ko dahilan para magtawanan ang mga bata.

"Tsh, let's go," aniya at naunang naglakad.

"'Wag niyo na pansinin, may mens ata," bulong ko sa juniors at muli silang nagtawanan. Pwede na siguro akong mag-apply bilang clown.

Sumunod kami kay Vice Pres nang magsimula itong maglakad. Tumabi ako sa kanya habang papasok kami sa maliit na kweba na gawa sa bougainvilla.

"Ang ganda..." wala sa sarili kong sambit.

"First time?"

"Hindi... ilang beses na, syempre!" Inirapan lang ako ng mokong at hinarap ang students. Hindi ba pwedeng mamangha lang dahil ang ganda pa rin kahit ilang beses ko nang nakita?

"Is everyone familiar with the pool resort?!" tanong nito sa students.

"Yes po!" sagot nila.

"Good. First, we'll go to the Lost Garden of Eden."

***

Pagkarating namin doon ay agad na naghiyawan ang mga lalaki.

"Witwew! ang sexy ni Eva!" sipol ng isa sa kanila!

Pa'no ba kasi? may 'statwa ni Adan at Eva na mga walang saplot! may ahas din at tree of knowledge. Para kunwari, Lost Garden of Eden talaga.

Napangiwi ako, Bakit kasi pati ito sinali nila? okay na sana 'yong mga 'statwa ng mga hayop.

"Adan niyo, Daks!" sigaw ng isa dahilan para magsitawanan sila. Nakita ko ang pagsapo sa noo ni Lorenzo. Napailing ito na animong nahihiya sa pinanggagawa nila. May mga tourists din kasi sa resort kaya napapatingin sila sa direksyon namin.

Sabagay, sinong matutuwa sa kakulitan ng mga 'to? Nasobrahan yata sa pagka-hyper.

"You may now kiss the bride! Ten tenenen! Ten tenenen!" sigaw ng iilang juniors nang makarating sila sa isang mini gazebo sa dulo ng garden of Eden. Pabilog ang hugis nito at puno ng bulaklak na disenyo.

"Did you know that a lot of people got married on that isle?" Biglang naglabas ng fact si Lorenzo. Wow, trivia of the day?

Sigurado akong sa 'kin niya sinabi yon dahil busy kakapasyal ang mga juniors sa iba't ibang parte ng Garden of Eden.

"Oh? Eh, malamang siguro, dahil may reception din ang resort na 'to... dito nalang nagpakasal ang iba, para 'di malayo sa reception," proud kong sagot dito na sinuklian niya ng ngiwi.

Lumakad ito papunta sa gazebo. Doon mismo sa gilid ng altar. Sakto naman na nasa gitna ako ng pathway. Wala sa sarili akong napangiti kasi na-imagine ko na siya ang groom, tapos ako yung bri-este flower girl.

Sinenyasan niya akong lumapit kaya nag martsa ako na parang ikakasal. Charot, normal lang naman.

Nakangiti akong tumabi sa kanya pagkarating ko. Ngumiti rin ito for the first time! Mas lalo siyang gumwapo! Nakangiti itong nakatingin sa kawalan bago bumuntong hininga.

"Alam mo bang... gusto ko talaga... maging pari?" parang binagsakan ako ng langit at lupa. Isali na natin ang impyerno-

"Ano?!" gulat kong tugon dahilan para matawa ito. "Nag j-joke ka diba?" may bahid na disappointment kong sambit.

Sayang ang lahi, men-char. Sadyang hindi lang kasi bagay sa kanya. Masyado siyang masungit. Paano na lang pag may ikakasal siya? Oh hindi kaya sa misa. Susungitan niya?

"Kidding. But I never dreamed of getting married before. I just wanted to have fun being a rich businessman. But it changed... when I met a girl..." Akala ko ako na ang tinutukoy niya. Assumera kasi ako, char, "a girl who broke my heart..." dugtong nito.

Nakaka-awa ko siyang tinignan. "Ouch! Sakit! Pain! Kirot! Hinagpis! Hapdi! Pangingilo-"

"What the fu-"

"Ops! Bad words!" suway ko sa kanya sabay turo sa krus na nasa gitna ng gazebo. Inirapan niya naman ako.

"Let's go to the mini bar," bigla nitong pag-aya. Ang kaninang lungkot na nabasa ko sa mga mata niya ay nawala. Bumalik sa dati ang hitsura niya na para bang hindi siya humugot kanina.

"Everyone! Let's go to the pools!" tawag nito sa juniors na agad namang sumunod sa kanya. Ay, iba, mukha siyang tatay ng students.

"Swimming tayo, kuya?" tanong ng isang babae.

"No... we are just gonna take a look for 15 minutes. Then, we'll go back to school." Nadismaya ang mga nakarinig sa sinabi niya. Including me. Parang mas bet ko tumambay rito at mag swimming. Sayang at hindi ako nagbaon ng damit.

Hinayaan niya munang mag laro ang mga bata sa isang garden na kung saan may mga estatwa ng iba't-ibang hayop. Nasa gilid lang kasi 'yon ng 6 feet pool. At mula dito sa mini bar ay tanaw namin sila.

"One shot of tequila please." Napaawang ang bibig ko nang bigla itong um-order! Agad naman na tumango ang bartender at pinagsalinan siya ng drink. Malamang 'di niya alam na estudyante ito dahil naka civilian wear lang kami.

Sino ba'ng mag-aakala na 'tong lalaking nakasuot ng white long-sleeved button down shirt na naka tuck-in pa, tapos ang mga manggas ng sleeves niya ay nakatupi hanggang sa siko niya ay isang high school student lang? Naka black pants din siya at black belt. Idagdag mo pa ang maitim at bagsak niyang pinong buhok. Mukha na siyang matured at amoy unreachable pa. Charot. Amoy vanilla talaga siya. Hindi ko nga alam kung gutom ba ako o sadyang kasing bango niya ang marshmallow?

"Here, sir." Inabutan siya ng maliit na baso ng bartender. Doon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala siya pinagmamasdan. Pinigilan niya ang bartender nang akma siyang aabutan ng lemon at...asin?

Agad niya itong tinungga. Broken amp-

"Hey, miss!" Isang english accent ang bumungad sa harap ko. Hala, pogi, ah?

Green eyes! Foreigner! Pogi! Pero sayang, asian habol ko, hehe. Mukha siyang ano...taga ano...ewan! Mahina pala ako sa geography!

"What brings you here?" mukhang balak niya makipag-friends.

"The bus," nakangiti kong sagot na ikinatawa nito. Bakit? Tama naman, ah?

"Alone?" tanong nito sabay tungga ng alak. Ang isa niyang siko ay nakapatong sa counter habang nakaharap siya sa akin. Ang tanggad naman nito.

"Obviously, she's with me." Si Lorenzo ang sumagot.

"Ah, your...brother?" Natawa ako nang sabihin niya 'yon. Brother daw? Sa'n banda? Sa p'wet? Ni hindi ka kami magkamukha. Bukod sa porselana ang kutis ng isang 'to, mukha siyang may lahi.

Lahing aswang. Rawr.

"Ah, no-" sagot ko na siningitan ni Vice Pres.

"I'm her boyfriend. And we're leaving," bigla nitong sambit at hinila ako sa palapulsuhan! 'Lah? Kailan ko siya naging boyfriend?

Pero bigla na lang din may humila sa isa ko pang palapulsuhan! Ano 'to? Tug of war? Shancai?

"Let. Her. Go," may bahid ng banta na ani Lorenzo. His eyes were pierced on him. He ferociously looked at him like he was ready to fight anytime.

"Dude, I just wanna make friends," kalmadong tugon ni kuyang foreigner.

"Oo nga," pagsang-ayon ko. Mukha naman kasi siyang mabait

"Make friends with someone else. She's mine," tiim bagang niyang saad at hinila ang palapulsuhan ko. Kaso hindi pa rin binibitiwan ng foreigner ang isa kong palapulsuhan.

At teka ano raw?! Ano ako, bagay?

"Huy, teka!" Wala na akong nagawa nang tuluyan niya akong hatakin palayo.

Bago makarating sa garden ng puno ng statue animals ay kailangan muna naming dumaan sa isang bridge na nasa taas ng pool isa pang 6ft pool. Para kasing valley ang resort. Pakurba ang lupa kaya ang nasa ibabang bahagi ay naging pool habang ang nasa itaas na bahagi ay ang mga cottages, at mga stores.

Nang maka abot kami sa gitna ng bridge ay gano'n na lang ang kaba ko nang harangin niya ako sa pagitan ng mga braso niya! Nakahawak siya sa railings ng bridge kaya sa huli, nabihag niya ako.

Ayaw kong sumandal sa railings dahil ang taas kaya ng bridge na 'to! Tubig pa ang ilalim! Manipis pa na bakal ang hawakan! Wala akong ibang magawa kundi ang idikit ang katawan ko sa katawan niya! Bahala na! Ayaw kong mamatay.

At saka, ano bang trip ng lalaking ito at nag fe-feeling ng ganito? Bakit niya ako hinaharap? Bakit dito pa? Bakit hindi sa locker area?!

Inilapit niya ang labi niya sa pandinig ko dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko. He sent shivers all over my body!

At ang init ng hininga niya!

"Tinanong mo ako kung nag babasa ako ng novels 'di ba? To answer that, yes... I do read novels...and wanna guess what's my favorite genre?" bulong nito na nagdulot ng kuryente sa buong katawan ko! Nanindig talaga ang mga balahibo ko!

"U-Um, I don't know. A-Ano?" puno ng kaba kong tanong. Bakit bigla niyang sinasabi? Anong connect?

"I love to read erotic stories...especially possessive related stories."

To be continued...

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022