Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi
Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi

Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi

Author: : Your_BraveQuin
Genre: Romance
Amira Zaine Legazpi never expects that she will fall in love. Amira thinks that she is bitter about the word "Love" as she witnessed her older brother and sister's miserable relationships with their loved one's not knowing that the reason behind why she is afraid to that feeling was really deep and painful to the point that she forgot the reason behind her bitterness, and when she finally remembered the real cause,. how can she trust her Loved one's, when she can't even trust the word "LOVE" itself.

Chapter 1 Sue

Umaga na pero hindi parin nagigising si Amira, kaya naman napilitan na si Jane na puntahan ang kaibigan sa silid nito.

Nakita niya ang dalaga na mahimbing pa ang tulog, kahit naaawa siyang gisingin ito ay kailangan.

Agad niya itong nilapitan at niyogyog.

"Amira, ano ka ba gumising ka nga dyan, gusto mo bang malate ka sa first day ng OJT mo?" malakas na sabi niya habang patuloy na ginigising ang kaibigan, nakita naman niyang dumilat ito ng paunti-unti.

"Heto na nga bes, babangon na." tamad na tamad na sagot sa kanya ng kaibigan habang pumipikit-pikit pa ang mga mata.

Habang si Amira naman na kagigising lang ay napangiti nang makita ang napaka cute niyang inaanak.

Four years old na ito pero napaka cute parin niya. Agad siyang bumangon at binuhat ang anak ni Jane.

"Gusto ko narin magka anak haha, ayoko lang ng asawa." bulong nang kanyang isipan.

"Napaka cute talaga ng baby ko. Kamusta ang sleep mo?" pagka usap niya sa bata at niyakap ito nang mahigpit at hinahalik-halikan sa pisngi. "Naku kakagigil." bulong nanaman nang isip niya habang pinipisil ang pisngi ng bata.

Agad naman siyang hinampas ng kaibigan sa braso.

"Tigilan mo nga ang anak ko. Maligo kana" kunwaring pagalit na sabi ni Jane, siya naman ay natawa at muling pinang gigilan ang bata pero saglit lang iyon dahil malalate na siya sa kanyang pupuntahan.

"Heto na heto na. Mas excited ka pa saakin eh." sarkastikong sagot niya at dumiretso na sa banyo.

Matapos maligo at magbihis madaling-madali na si Mira papunta sa office na pag o-ojt-han niya.

Mag aapat na taon na rin simula nang manirahan sila sa bulacan, dun rin nila pinag patuloy ang pag-aaral nilang magkaibigan.

Nag-aaral rin si Jane at kasalukuyan siyang nasa second year college dahil sa pagbubuntis niya at panganganak ay tumigil siya sa pag-aaral. Samantalang si Mira naman ay pinagpatuloy ang pag-aaral at makaka graduate na sa kursong BS in Accountancy.

Nang nasa tapat na nang building agad siyang binati nung guard.

"Good morning, ma'am" masayang pagbati nang mga guard.

"Good morning po!" sagot naman niya habang nakangiti at pinakita sa kanila ang school ID niya. Pinapasok naman siya nito agad dahil alam naman nila anong gagawin ng dalaga rito.

Tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng building at agad na nakita ang mga kaklase na naka hilera sa harap nang isang babae.

"Siguro ito ang magtuturo saamin ng mga gagawin." bulong niya sa sarili.

"Good morning, ma'am! Sorry I'm late." agad niyang sabi nang siya ay makalapit sa mga ito.

"It's okay, Miss Legazpi. But don't be late again." sagot naman sa kaniya nito.

"Yes, ma'am." muli niyang sagot at tumayo ng tuwid.

"By the way, my name is Ara Buenaobra. I'm your boss here, bukod sa pinaka boss talaga ng lahat... May mga i-a-assign akong magtuturo sainyo. Maging mabait kayo, okay!" pagpapakilala nito sa kanila.

"Yes, ma'am!" sabay-sabay naman nilang sagot na magkakaklase.

Nagdatingan naman ang mga magtuturo daw sa kanila kaya sumama na sila sa mga iyon at nagsimulang mag trabaho.

"Unang araw ko palang ay parang pagod na pagod na ako huhuhu."

Mahinang pagrereklamo ni mira dahil sa pagod na nararamdaman niya nang matapos ang kanyang trabaho sa araw na iyon.

"Gusto ko nalang talagang gumala ng gumala." dagdag pa niya.

Lupaypay siyang naglalakad palabas nang building, "sa wakas ay makakauwi narin ako." tuwang-tuwang bulong niya sa kanyang isip.

Habang naglalakad na parang ewan at gumegewang pa sa sobrang katamaran ay nakabangga tuloy ito nang kung sino mang tao.

"Sorry po." medyo tamad niyang pag hingi ng tawad sabay may pa yuko pa siyang nalalaman para hindi naman siya pagkamalang napipilitan.

"Come on, Woman. Tumingin ka naman sa dadaanan mo, look at me! Look at my suit." pagalit na sagot naman sa kanya nang nabangga niya.

"Sorry na nga eh! Babayaran ko nalang yung kape at lalabhan ang suit mo." naiinis na sagot ni Amira.

"Wow! Ano namang magagawa ng pag bayad mo sa kape ko? At anong gusto mo mag hubad ako dito sa daan so you can wash my suit? At bakit parang ikaw pa ang galit?" nagpupuyod sa galit na sagot ng binata at pulang-pula na ang leeg nito hanggang mukha.

"Hindi ako galit! Nag so-sorry lang. Tsaka bakit kasi hindi ka nalang umiwas? Tengenge ka din eh, kung may makikita ka bang kotse papunta sayo talagang sasalubungin mo lang?" mataray niyang sagot sa binata na hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.

"Kung hindi ka kasi pagewang-gewang at kung saan-saan napupunta kanina pa sana ako naka alis! Para ka kasing uod na pahara hara sa dinadaan ko!" Tuluyan ng sumigaw ang binata kaya napatalon sa gulat si Amira at namula ang mukha niya dahil sa kahihiyan na naramdaman.

"Sorry na po." mahinang bulong ni Amira at kumakamot pa sa kanyang buhok. Onti-onti siyang yumuko dahil sa kahihiyan at dahil narin sa nararamdaman niya ang masamang titig sa kanya ng binata. Narinig niya ang malakas na buntong hininga nito kaya mas diniinan pa ni Amira ang pag pikit.

"What's your name?" tanong nito.

"Bakit? Bakit kailangan mo ng pangalan ko." nagtatakang tanong niya.

"I said what is your name." parang nagtitimping ulit ng binata.

"Ayoko nga, bakit ba tinatanong mo pangalan ko ipapakulong mo ako noh? Hoy wala naman atang kaso para sa mga nakabuhos lang ng kape. Nag sorry naman ako eh." sagot ni Amira at tinitigan ng masama ang binata.

"Ang kailangan ko pangalan mo hindi yang mahaba mong lintanya!"

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" tanong niya sa binata.

"Okay, I'm sorry I didn't mean to shout. I just want to know your name that's it." kalmadong sagot naman nito.

Dahil hindi naman alam ni Amira kung bakit kailangan niyang ibigay ang pangalan sa binata ay napag pasyahan niyang huwag itong sabihin at tumakbo nalang.

"AYOKO." malakas niyang sigaw sabay karipas ng takbo palayo sa binata.

"What the! I'll sue you when I see you again, Woman!" malakas na sigaw ng binnata ngunit tuloy-tuloy lang si Amira hanggang sa makahanap siya ng taxi na sasakyan pauwi.

Chapter 2 Para sa effort niya

Maagang gumising si Amira kinabukasan, ayaw kasi niyang malate ulit. Kahit bangag ay nakabihis na siya at nag-aagahan kasama si Jane at anak nito.

Sumisimsim siya sa kape niya habang hinihilot ang sintido dahil sumakit ang ulo niya sa kakaisip sa binatang nakita.

"Good morning po!" bati ni Amira sa mga katrabaho niya, binati rin naman siya ng mga ito at nginitian siya. Kakaupo pa lang niya ng magtayuan ang mga ka trabaho dahil may binati silang kakapasok lang, nagmadali naman siyang tumayo at bumati din ng magandang araw, dahil naisip niya na baka iyon ang boss nila.

Pagka angat niya ng ulo niya galing sa pagkaka yuko ay nagkatinginan sila ng taong binati nila, parehas na nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Pero kalaunan ay nginisian ng binata si mira.

"Good morning din, Baby... I mean, good morning! Everyone!" sagot ng binata habang nakatingin ng masama kay Amira. Inismiran naman ito ng dalaga bago niya pinaikot ang kanyang mga mata.

Narinig nalang ni Amira ang mahinang pagtawa ng binata bago ito umalis.

"Malandi." bulong-bulong ni Amira bago umupo sa kanyang upuan.

Naging abala naman ang lahat sa pagtatrabaho maging si Amira ay hindi rin namalayan na tanghali na pala.

"Oh hindi nyo na kailangan bumili ng lunch nyo. Umorder na si Sir Jethro."

Tatayo palang si Amira ng dumating ang isa sa head ng department nila at sinabing may pagkain na sila.

"Talaga? Mukhang Good mood si boss ah." segunda naman ng isa sa mga regular na nagtatrabaho sa kompanyang iyon.

Isa-isa namang iniabot sa kanila ang pagkain, pagkain ito galing sa mamahaling restaurant at with dessert pa.

"Mabait naman po pala ng boss nyo." sarkastikong sabat ni Amira sa mga nag-uusap usap na katrabaho. Dahil alam naman niya na boss nila ang lalaking nakita kaninang umaga na siyang nakita kagabi.

"Anong boss nyo? Boss natin Amira, boss natin ha!" mariing sagot ng head department nila. Pilit nalang na ngumiti si Amira.

"Oks po. Boss nga po natin." dahil wala rin namang baon ang dalaga ay kinain nalang niya ang bigay daw ng boss nila, tinatamad rin naman siyang lumabas kaya ipinilit nalang niya iyon sa sarili.

Pagkatapos mag tanghalian ni Amira ay pumunta siya sa comfort room para mag toothbrush at mag ayos narin ng sarili.

"Malas nga naman." bulong ng dalaga sa sarili ng makita ang boss niya na makakasalubong niya.

"Good afternoon, Sir." napipilitang bati niya sa binata.

"Good afternoon, beautiful." sagot ng binata kay Amira at iba parin talaga ang mga tinginan nito na akala mo ay nang-aasar.

"Ha.Ha. sige sir, CR lang ako." bukod sa peke ang tawang isinagot ni Amira sa boss niya ay nginitian rin niya ito ng peke bago dumiretso sa banyo habang naiisip na baka ginagantihan siya ng binata at balak siya nitong ipahiya sa trabaho lalo pa at ito pala ang boss niya.

Nang mag uwian na ay agad-agad na umuwi si Amira sa kanila dahil baka makita nanaman niya ang malandi niyang boss.

"Oh My God bessy, alam mo ba ang landi talaga niya. Pakiramdam ko talaga pinagtitripan niya ako. Lalo na kanina, akala ata niya di ko narinig na tinawag niya akong Baby at yung mga tinginan niya parang nang-aasar." inis na pagkukwento ni Amira kay Jane habang nanunuod sila ng palabas. Humalakhak naman si Jane dahil sa inis na nakikita niya sa kaibigan.

"Ayaw mo nun magkaka love life ka."

"Hindi totoo ang love."

"Bitter ka nanaman."

"Wow! Nahiya naman ako sayo bessy, eh sayo nga ata ako nag mana." nagpatuloy lang sa kwentuhan ang dalawa hanggang sa mapagod sila at dinalaw na ng antok.

Kinabukasan ay hindi nagising si Amira sa alarm niya kaya nagmamadali siyang umalis kahit hindi na siya nakapag almusal.

"Bwisit na alarm na yun hindi manlang ako ginising! Gutom tuloy ako, ambango pa naman ng almusal namin pero di naman ako nakakain." pagkausap ni Amira sa sarili habang naglalakad papasok sa kompanyang pinag tatrabauhan.

Hindi niya napansin na may tao pala sa likod niya at dinig na dinig ang mga reklamo niya.

"Here." nagulat na napalingon si Amira ng may mag abot sa kaniya ng kape galing sa mamahaling coffee shop.

"Do you want me to buy you some foods?" dagdag pang tanong ng boss ni Amira habang inaabot sa kanya ang kape.

"Naku wag na po, kinakausap ko lang naman ang sarili ko. Pwede naman akong kumain mamaya." pag tanggi ni Amira sa alok ng binata pero mapilit talaga ang boss nila dahil kinuha nito ang kamay ni Amira at ipinahawak ang kape sabay takbo.

"By the way, Good morning!" sigaw ng boss ni Amira sabay kindat sa kanya. Siya naman ay napatingin sa kapeng binigay ng binata.

Nagtataka siyang pumasok sa loob at umupo na sa kanyang pwesto, iniisip niya kung bakit siya bibigyan ng kape nito lalo na at may nagawa siyang hindi maganda sa binata.

Habang nag tatrabaho ay napalingon ulit siya sa kape na kanina pa nakalapag sa table niya dahil hindi pa niya ito naiinom. Inabot naman ito ni Amira at kahit malamig na ay inumpisahan na niya itong inumin.

"Para sa effort niya." bulong ni Amira sa sarili.

Lumipas ang oras at dumating rin ang lunch time kaya isa-isa naring naglabasan ang mga katrabaho niya para kumain.

"Buti nalang. Gutom na talaga ako." bulong ni Amira sa sarili habang naglalakad papunta sa Mcdo dahil ito na ang pinaka malapit na kainan sa pinag tatrabauhan niya. Ayaw naman na niyang lumayo dahil gutom na talaga siya.

Pagka-uwi ni Amira galing sa trabaho ay agad siyang nag kwento sa kaibigan.

"Baka gusto ka niya Amira? Anong pangalan?" tanong ni Jane sa kaibigan.

"Jethro ata?"

"Di ka sure? Name lang talaga alam mo, di mo pa inalam ang apelyido."

"Pakialam ko naman dun." sinundot naman ni Jane ang tagiliran ni Amira.

"Sus, pakialam daw pero kinukwento."

"Heh! Dyan ka na nga." naiinis na sagot ni Amira sa kaibigan at nag martsa na papunta sa kanyang kwarto para matulog.

"Ipakilala mo saakin pag naging boyfriemd mo ah!" pang-aasar pa ni Jane kay Amira.

"Che! Pag nakita talaga natin si Hero, who you ka saakin." natahimik naman si Jane sa sinabi ng kaibigan at tinignan niya ito ng masama. Tinawanan naman siya ni Amira at tuluyan ng isinara ang pinto ng kanyang silid.

Kinabukasan habang nag-aalmusal sila Amira ay hindi matigil ang asaran nilang dalawa.

"Balitaan mo ulit ako mamaya ha." natatawang asar ni Jane kay Amira.

"Hindi na ako mag kukwento sayo! Pag nakita ko si Hero yaan mo ikukwento ko." pang aasar din ni Amira kay Jane. Nagtitigan naman sila ng masama at parehong natawa sa mga asaran nila.

"Bitter tayo forever bessy, yun lang ang magpapatunay ng forever."

"Ikaw lang, Amira. Ikaw lang wag mo akong idamay."

"Bakit may love life ka na ba?"

"Wala, pero kuntento na ako kay Jaero."

"Tignan mo..." mabagal na sagot ni Amira at tinuturo pa ang kaibigan.

"Naku umalis ka na nga Amira malalate ka sige ka." natatawang tulak ni Jane sa kaibigan. Umalis naman na si Amira at pumasok sa trabaho.

Kakalabas palang ni Amira sa kanyang sasakyan ng may mag abot sa kanya ulit ng kape, pero ngayon ay may kasama ng cookies.

"Nag almusal na po ako, Sir."

"It's okay. Baka magutom ka ulit." tulad kahapon ay ang binata na ang naglagay ng kape sa kamay ni Amira at diretso na itong umalis.

Katulad din kahapon ay titig na titig si Amira sa kape na bigay ng boss niya. At tsaka lang niya ininom ng malamig na ito.

"Para sa effort niya." pangungumbinsi ng dalaga sa sarili habang inuubos ang kape.

Chapter 3 Kiss

"Bessy, alis muna ako ah. Bibisitahin muna namin nila mommy si Ate." pagpapaalam ni Amira kay Jane habang nag-aayos siya ng kanyang buhok. Inilabas narin niya sa sala ang maliit na baggage bag na pinaglalagyan ng kanyang damit.

"Kailan ka babalik dito? Aabsent ka ngayon sa work?"

"Sa linggo ng gabi uuwi rin ako dito. At nagpaalam naman ako sa mga katrabaho ko."

"Okay ingat ka, ikamusta mo narin ako sa mommy at daddy mo. Pati narin kay Ate Akisha."

"Sige. See you." hindi maganda ang pakiramdam ni Amira habang nasa byahe siya, agad ibinalita sa kanya ng ina na nagsasalita ng muli ang ate niya kaya kahit mapa absent pa siya sa ojt niya ay okay lang sa kanya.

Nakarating rin naman si Amira sa manila pagkatapos ng apat na oras na byahe dahil wala naman masyadong traffic. Dumiretso na siya sa lugar kung saan andoon ang kanyang ate.

Nang makita ng nurse si Amira ay pinapasok naman agad siya nito sa kwarto ng ate niya. Nakita niya roon ang mommy at daddy nila, kasama ang kanyang pamangkin na pitong taong gulang na.

"Andyan kana pala Amira, kanina pa nangungulit itong pamangkin mo nalaman lang na pupunta ka dito." hinalikan naman ni Amira ang kanyang mga magulang bago umupo sa tabi ng pamangkin at hinalikan rin ito sa nuo.

"Ate mira, may nakita po akong mga bagong toys sa mall, bili nyo po ako ate." nagpapa cute pa kay sa dalaga ang pamangkin niya habang nakahawak sa kanyang braso.

"Sabi sayo Azi, tita mo ako hindi ate. Pero sige mamaya pupunta tayong mall para bumili ng toys, at maglalaro din tayo." lumiwanag naman ang itsura ng pamangkin ni Amira at hinalikan siya sa pisngi.

"Sige tita! Thank you po."

"Iniispoil mo nanaman iyang si Azi."

"Hayaan nyo na Daddy. Kamusta na pala si Ate?" iniba nalang ni Amira ang usapan dahil ayaw niyang sumama ang loob ng pamangkin niya. Gusto lang naman niya na hindi nito maramdaman na wala ang ate niya sa tabi nito. Dalawang taon narin simula ng napilitan silang ilagay sa mental institution ang ate niya.

"Okay lang ang ate mo, kanina ay matino na siyang nakakausap. At sabi rin ng mga doctor ay hindi na siya madalas magwala at mag tangkang magpaka matay." naluluhang sagot ng ina ni Amira, niyakap naman ito ng dalaga at hinagod ang likod ng ina.

Dalawang taon na ang nakararaan nang mawala sa sarili ang ate ni Amira, simula ng malaman nito na may kalaguyo ang asawa nito ay nagsimula itong maging suicidal na mas lumala ng tuluyan siyang iwanan ng kanyang asawa.

Hindi na nito napag tuonan ng pansin ang anak niya, palagi itong tulala o kaya naman ay nagwawala at tinatangkang patayin ang sarili. Kaya nang hindi na ito nakayanan ng magulang niya ay dinala na nila ito sa mental para magamot.

Inabot ng dalawang taon bago ito nakausap ng matino. Napakatagal na hinintay ito nila Amira.

Pinunasan ni Amira ang luhang pumatak galing sa kanyang mata, hindi mapigilang makaramdam ng awa para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang pamangkin na si Azi. Alam niyang hindi pa ito naiintindihan ng pamangkin pero nakikita rin niyang nasasaktan ito. Lalo na sa mga panahon na hindi niya makausap ang ina dahil nagiging agresibo ito, at takot silang baka masaktan ng ate niya ang sariling anak.

"Amira, kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ng ama ni Amira sa anak.

"Okay lang, nag o-ojt ako ngayon. Pagkatapos nun ay hihintayin nalang namin ang graduation."

"Mabuti naman kung ganun. Palagi kayong mag-iingat ni Jane."

"Opo My."

"Anak, mabuti pa ipasyal mo na si Azi. Bumalik nalang kayo ulit dito mamaya, baka gising na ang ate mo nun."

"Sige po, Azi tara punta na tayo sa mall."

Lahat ng magustohan na laruan ng pamangkin ni Amira ay binili niya. Kumain din sila at naglaro sa tom's world. Kasama nila ang yaya nito kaya hindi naman siya nahirapan sa pagbubuhat ng mga pinamili nila.

Idiniretso na niya ang pamangkin sa bahay dahil tumawag sa kanya ang ina na nagising ang ate niya at hindi nanaman makausap ng matino.

Kinabukasan araw ng linggo ay muling binisita ni Amira ang kanyang ate, napaiyak nalang siya ng makita ang kapatid na sinasaktan nanaman ang sarili niya.

"My God, Ate tama na! Please lang maawa ka naman saamin. Bumalik kana Ate!" umiiyak na sigaw ni Amira habang yakap ang kapatid na huminahon naman din.

"Ang daya-daya nyo ni kuya, iniwan nyo akong mag-isa." umiiyak na sambit ni Amira habang humihigpit ang yakap sa kanyang kapatid.

"Amira?" napaangat ng tingin si Amira ng marinig ang kapatid na binanggit ang pangalan niya.

"Ate...Ate ako to si Amira, ang bunso nyong kapatid." mas lalo lang bumuhos ang luha ni Amira ng maramdaman ang kamay ng kapatid sa kanyang pisngi, pinupunasan nito ang mga luha ng dalaga kaya mas lalo lang siyang nasasaktan.

"Ate, miss na miss kana namin. Miss kana ni Azi, bumalik kana saamin please, hindi mo na ba kami gustong makasama?" bigla namang napalayo si Amira sa ate niya ng magsimula itong magsisigaw na at nawala nanaman sa kanyang sarili.

Napagpasyahan na umuwi ni Amira sa bulacan ng masiguradong nasa ayos na ang kanyang kapatid. Saglit lang siyang dumaan sa kanilang bahay para magpaalam at bumyahe na pauwi sa bahay nila ni Jane.

Buong gabing umiiyak si Amira habang katabi sa higaan ang kaibigan, sinusuklay naman ni Jane ang buhok ni Amira habang yakap niya ito.

"Everything will be alright Amira. I'm here, always here for you." nakatulugan na ni Amira ang haplos ni Jane sa buhok niya at nagising nalang siya dahil sa mabangong amoy na niluluto ng kaibigan.

Naligo na siya at nag-ayos ng sarili para sa pag pasok sa trabaho. Kahit medyo mugto pa ang mata niya ay kailangan niyang pumasok sa trabaho.

Tulala lang si Amira buong maghapon, hindi na nga siya kumain ng tanghalian at nilunod nalang ang sarili sa trabaho. Tumatayo lang siya sa upuan kapag kailangan niyang mag banyo o uminom ng tubig.

Matamlay na naglalakad si Amira habang iniinda parin ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga nangyari sa kaniyang pamilya. Nasa tapat na siya ng kotse niya pero tulala parin siya.

Nagising lang ang diwa niya ng marinig na tumunog ang kanyang cellphone, kinuha niya iyon sa kanyang bag at nakita ang alarm na nanggagaling sa kanyang calendar. Biglang nanghina ang tuhod niya at muntikan na siyang matumba kung wala lang sanang humawak sa kanyang bewang.

Natulala siya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya na tuloy-tuloy na tumutunog at may nakalagay na "Tomorrow kuya's B-Day/Death Anniversary" napaupo nalang si Amira at hindi na napigilang umiyak, mabilis ang pag agos ng mga luha niya pero hindi naman maingay ang pag iyak niya.

Ang bawat sakit na dapat ay isinisigaw niya ay parang naiipit sa kanyang puso, kaya mas lalo lang niyang nararamdaman ang sakit at poot sa mga taong gumawa ng mga panloloko sa kanyang mga kapatid.

"What's wrong?" kabadong tanong ni Jethro kay amira at lumuhod siya para mapantayan ito. Nakayuko ang dalaga sa kanyang tuhod at rinig niya ang impit na pag iyak nito.

"Baby, F*ck why are you crying." hindi parin sumasagot si Amira at patuloy na nanginginig ang balikat nito dahil sa pag iyak. Kaya niyakap ito ni Jethro kahit pa nakaupo na siya sa sahig.

Dahil sa panghihinang nararamdaman ni Amira ay hinayaan niya ang sarili na umiyak sa balikat ng boss niya, ramdam niya ang pag hagod nito sa likod niya habang pinapatahan siya nito.

Hindi na niya alam kung ilang minuto bago natapos ang pag iyak niya. Ngayon lang niya napansin na nakaupo pala siya sa kandungan ng binata at basang-basa narin ang damit nito sa bandang balikat. Pinunasan naman niya iyon na akala mo ay matutuyo pag ginawa niya yun.

"So..sorry, nabasa yung damit mo." emosyunal na sabi ni Amira at may isang butil nanaman ng luha ang pumatak galing sa mata niya.

"It's okay." seryosong saad ng binata at pinunasan ang pisngi ni Amira.

Tumayo sila pareho at si Jethro na ang nag bukas ng sasakyan ni Amira para makapasok na ito at makauwi.

"Sigurado ka bang makakauwi ka ng ligtas? Pwede naman kitang ihatid."

"Okay lang ako, mag-iingat ako. Salamat talaga." tumango naman si Jethro kay Amira, akala tuloy ni Amira ay aalis na ito pero nagulat nalang siya ng yumuko ang binata at hinalikan siya sa nuo.

"Ingat ka, mamahalin pa kita." saad nito at ngumisi pa kay Amira bago siya talikuran.

Habang si Amira ay nakatulog ng mahimbing. Dahil sa halik ng binata sa kanya at hindi niya maipaliwanag kung bakit naging payapa ang ang pakiramdam niya sa gabing iyon.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022