"So, this is the friend that you're talking about?" mapait na tanong ng dalagita sa binatilyong may kayakap ngayon na ibang babae.
Gulat na napalingon ang binatilyo sa mahinhing boses na iyon. Napalayo ito sa kayakap na babae nang makita ang dalagita sa harap nila.
"Zayn, it's not what you think," agad na sabi ng binatilyo at lumapit sa dalagita ngunit lumayo lamang ito sa kanya.
"Ano ba ang nasa isip ko, Zarus?" malamig na tanong ng dalagita na siyang nagpakaba ng husto sa binatilyo.
"Z-Zayn, she's just my frien-" naputol ang anumang sasabihin ng binatilyo nang sumabat ang kayakap nitong babae kanina lamang.
"I'm his girlfriend, bitch! Who are you?"
Natuon ang paningin ng dalagita sa babaeng nagsalita. "Girlfriend? So you're Zarus girlfriend? Oh! I see." Nawala ang emosyon sa mukha ng dalagita. Wala kang mababasa kahit ano. Blangko lamang ito.
"Shut up, Margaux! D-Darling, don't believe her. She's not my girl---"
"Are you happy with her?" tanong ng dalagita na siyang nagpatigil sa binatilyo.
Naguguluhang napatingin ang binatilyo sa dalagitang may kulay tsokolateng mata.
"What?" May takot sa boses nito. Takot na pilit nitong tinatago sa dalagita. Natatakot itong iwan ng babaeng mahal dahil lamang sa pagyakap at paghalik ng ibang babae rito.
"I'm asking you again, Zarus, are you happy with her? Dahil kung oo, bibitawan na kita."
Lalo naman nakaramdam ng paghihirap nang loob ang binatilyo nang makita ang mga luha sa mga mata ng dalagita. Ang tsokolate na mga mata nito ay punong-puno ng sakit at luha.
"Darling please, don't leave me!" Paki-usap ng binatilyo rito.
Hindi nito kakayanin kapag iniwan ito ng dalagita. Mahal nito ang dalaga at wala na itong ibang babaeng minahal kundi ang dalaga lamang.
Marahang pinunasan ng dalaga ang mga luha sa mga mata. "You hurt me Zarus, not once but twice. Now tell me, why I still have to be with you? Once is enough, twice is too much. Pagkakamali na 'yong una pero kung uulitin mo sa pangalawang pagkakataon? Hindi na iyon pagkakamali choice mo na iyon, Zarus." Garalgal ang boses ng dalagita.
"I want to be with you but my heart didn't want to. My choices have prevailed than what I want, Zarus. I want to stay beside you but I'll choose to leave. I choose to let go of you. I want to love myself first before loving someone else. Mahirap kasing ibigay lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, ni sa sarili mo wala kanang tinira. Kaya sa huli ikaw lang iyong nahihirapan ng sobra. " Bumuntong hininga ang dalagita at umatras ng ilang hakbang.
Nakita ng dalagita ang pagtulo ng luha ng binatilyo pero hindi nito iyon tinuonan nang pansin.
"P-please don't leave me, Zayn! W-wag ka namang sumuko agad." Pagmamakaawa pa ng binata sa dalagita.
Kung pwede lang. Kung pwede lang talagang huwag niyang iwan ang kasintahan ay mas pipiliin niyang manatili. But her man gave her the most outrageous reason to let go, the man she loved gave her all the reasons to leave.
Nahihirapan ang dalagitang iwan ito nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ng binatilyo. Umatras ng isang hakbang ang dalagita. Masakit man pero alam niyang kakayanin niyang wala ang binata sa tabi niya. Kakayanin niyang malayo rito.
"Be happy with her, Zarus. I know you will be happy with her." Umatras ulit ang dalagita.
"Z-Zayn please... No! I love you so much. You're all I need." Umiling-iling ang binatilyo at sinubukang hawakan ang dalagita ngunit sa pangalawang pagkakataon ay umiwas lamang ulit ito.
"Galit ako, Zarus. Hindi sayo kundi sa sarili ko. Bakit ba minahal pa kita ng higit pa sa sarili ko? Bakit ba minahal kita ng husto? Bakit nanatili pa ako sa tabi mo kahit ang hirap-hirap na? Galit ako sa sarili ko kase hindi kita kayang ipaglaban tulad ng pangako ko. Galit ako sa sarili ko kase minahal kita ng husto. Ngayon ay malaya kana, pinapalaya na kita." Tumalikod ang dalagita at tumakbo palayo sa taong minahal niya ng lubos.
Ang sakit at hirap na kinimkim niya mula roon sa lugar na iyon ay dala-dala niya palayo. Walang tigil ang mga luha na nagtungo ang dalagitang may tsokolateng mata sa sasakyan nito at mabilis na umalis sa lugar na iyon.
Agad namang tumakbo ang binatilyo para sundan ito. Pero paglabas nito ay hindi na nito nakita ang sasakyan ng dalagita. Nanlulumong sumakay ito sa sasakyan at mabilis na sinundan ang dalagita.
Mawala na ang lahat sa kanya pero 'wag lamang ito. Mahal niya ang dalagita at gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kanya.
Sa mga tsokolateng mata ng dalagita ay ang mga luhang walang tigil sa pagtulo. Mabilis ang pagmamaneho at hindi napansin ang isang truck na sumasalubong sa mabilis nitong pagmamaneho.
Huli nang maramdaman ng dalagita ang pagbunggo ng truck sa kotse niya at ang pagtaob ng sasakyan niya. Malakas na tumama ang ulo nito sa isang bagay. Naramdaman pa ng dalagita ang pagkirot ng ulo bago unti-unting pagpikit ng mga mata.
She wished that she won't survive to the car accident. She doesn't want to feel any more pain, that will only kill her, again and again.
'Zarus, please be happy with her. Sorry darling... Sorry if I broke my promise that I will fight you until my last breath. Forgive me If I didn't fight you. Be happy without me, Zarus. I love you. Te amo. I love you until my heart stops from beating.' Last thing she said in her mind before she lost her consciousness.
NAKAMUKMOK si Yzainna sa kanyang mesa nang pumasok ang dalawang kaibigan niyang si Jashiel Morfe at Lucé Towler.
Naramdaman niya na lumapit ang mga ito sa kanyang puwesto kaya marahan niyang inangat ang kanyang ulo at walang ganang tiningnan ang mga ito. Wala pa siyang maayos na pahinga sa araw na iyon dahil sa sobrang dami niyang papeles na dapat pinirmahan at tapusin.
"Anong ginagawa niyo rito sa opisina ko?" tanong niya sa mga kaibigan gamit ang lengguwaheng pranses.
Kumunot ang kanyang noo nang hindi siya pansinin ng dalawa. Lumihis ang mga ito ng dereksiyon at doon dumeretso sa sopa na malayo sa kanyang puwesto. At nag-usap ang dalawa na parang hindi narinig ang kanyang pagtanong.
Jashiel and Lucé were her friends for years now, aside from Khaleesi who was in the Philippines. Ang dalawang ito ay nanatili sa tabi niya, lalo nitong mga nakalipas na apat na taon na talagang kailangan niya ng moral support. Mula nang maaksidente siya sa Pilipinas ay ang dalawa na ang nag-alaga sa kanya rito sa France.
"Yzainna Aeu Yuria Renovette!" Mabilis siyang napatingin sa kaibigan niyang si Jashiel nang tawagin nito ang buo at mahaba niyang pangalan.
Si Jashiel Tae Morf, ay isang sikat na actor sa France. Isa din itong magaling na basketbolista kung kaya't marami din ang siyang humanga sa taglay nitong galing sa basketball.
Tinaasan niya ito ng kilay. "What?"
"Sinabi ni Mr. Gonzales na pupunta ka daw ng Pilipinas, totoo ba? Bakit hindi namin alam?"
Ang tinutukoy nito ay ang pagpunta niya ng Pilipinas dahil sa isang malaking proyektong isasagawa niya doon.
Isa sa may malaking share sa kompanya niya sa Renovette's Empire's si Mr. Gonzales. Kaya't hindi na siya magtataka kung agad na malalaman ng kaibigan niyang si Jashiel ang tungkol dito. Si Mr. Gonzales ay hindi lang naman isang businessman, isa din itong Manager- Director sa malaki at sikat na TV Shows. Ito din ang manager ng kanyang kaibigan na si Jashiel. Sa sobrang close ng dalawa ay sigurado siyang ikinuwento nito kay Jashiel ang tungkol sa pagpunta niya ng Pilipinas.
"Oo, pero babalik din naman ako kaagad kapag natapos ko na ang aking proyekto roon," paliwanag niya sa mga ito.
"Why didn't you tell us?" tugon naman ng isang kaibigan niyang si Lucé.
Si Lucé Towler naman ay kagaya rin niyang business woman. Tanyag rin ang isang ito sa larangan ng pagsusulat at pagkompos ng isang kanta.
She slightly frowned. "You're busy with your own career so I didn't tell you about this. And besides, I'm also busy signing the documents. I forgot to text or call you." Sinabayan pa niya iyon ng mahinang tawa.
"Inna, we told you that update us if you have important--" she cut what Lucé said.
"I don't want to disturb you, okay?!"
Jashiel sighed and shook his head. "You've never been a nuisance to us Inna, and you know that."
Yzainna groaned and lazily rested his back on the swivel chair. "I know that. I just really don't want to disturb you."
Sa katunayan ay hinihintay lamang niya ang mga ito ang kusang magtungo sa kanya para alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Ayaw niyang manghingi ng oras sa mga ito dahil gusto niyang kusa nilang binibigay iyon.
Kumunot ang noo ni Jashiel nang makita ang pagod sa mukha ni Yzainna. Nakita rin nito ang itim sa ilalim ng mata niya. "Nagpapahinga ka pa ba, Inna?"
Hindi sinagot ni Yzainna ang kaibigan dahil sa pagod na nararamdaman. Tuluyan na sana siyang makakatulog kung hindi lamang niya narinig ang malakas na boses ni Lucé.
"Inna, Jashiel asking you!"
Pilit niyang iminulat ang mga mata at tiningnan si Lucé. "As much as I do, do you think I can still rest with this?" At itinuro ang tambak-tambak na dokumento sa kanyang lamesa.
Mabilis na tumayo ang dalawa at tinungo ang kanyang puwesto. Makikita mo sa mga mukha nilang dalawa ang pag-alala para sa kanya.
"Bakit mo ba masyadong pinapagod ang sarili mo, Inna? You can take a break first without killing yourself at work. Your company will survive a day without you, Yzainna Aeu Yuria. Naririnig mo ba ako, huh?" pangaral na naman ni Lucé sa kanya.
Muli niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan lamang ang kaibigan na pagalitan siya. Kung kaya't hindi niya nakita na sininyasan ni Lucé si Jashiel na buhatin siya para ilipat sa isang sopa.
"Hmmm..." Napaungol siya nang maramdamang umangat ang kanyang katawan mula sa kinauupuang silya. Hinayaan niya na lamang ito dahil talagang inaantok at pagod na siya, ni hindi na niya kayang imulat pa ang kanyang mga mata.
MAINGAT na nilapag ni Jashiel si Yzainna sa sopa pagkatapos ay nilingon si Lucé na ngayo'y nakaupo na sa swivel chair ni Yzainna habang hawak ang isang makapal na folder.
"I will accompany her to the Philippines, Lucé."
Umangat ang ulo ni Lucé sa kanya mula sa papeles na hawak nito. "Do you think I will let her go alone? I will not let their path meets again, Jashiel. After what he done to our friend?" galit na sabi nito sa kanya.
"You can't preventable to meet their path, Lucé." He let out a breath slowly. "Kahit pigilan mo sila, hindi mo mapipigilan ang tadhana sa kung anong mangyayaring."
He sat on the other single sopa saka pinatitigan si Lucé mula roon. Nakakunot ang noo nitong nakatitig din sa kanya. Para siyang sasakmalin nito ano mang oras sa klase ng tingin na ibinibigay nito.
"I don't care about that destiny you talking about, Jashiel. Do what he wanted to do and I will do mine too. Destiny can't do anything about it if I make my move." May diin ang bawat salitang binibitawan ng dalaga kaya nakaramdam siya nang pagkahabag.
Ito ang pangalawang beses na nakita niyang nagalit si Lucé. Ang una ay nang malaman nitong naaksidente si Yzainna, pagkatapos ay ngayon.
Madali itong mainis lalo na't kung iinisin mo itong talaga ngunit pangalawang beses niya pa lamang itong nakitang magalit. Hindi ito agad nagagalit sa mga bagay-bagay pero kapag tungkol na kay Yzainna ay ang bilis nitong sumabog.
Si Yzainna nalang kase ang tanging pamilya nila. Sabay na namatay ang pamilya nila ni Lucé. Kapatid na rin ang turing ni Lucé kay Yzainna kaya hindi na siya magtataka kung ganito na lamang ang galit nito nang malaman na pupunta ng Pilipinas si Yzainna. Saka may iniiwasan si Lucé roon sa Pilipinas para sa kaibigan kaya ayaw nitong mag-isa si Yzainna pupunta roon. Galit na galit ito sa taong iyon.
Kahit siya ay galit din pero ano nga bang magagawa niya? Hindi niya hawak ang tadhana. Hindi niya kontrolado ang pangyayari kaya wala siyang magagawa kung muling magtagpo ang landas ng dalawa. Ang tanging magagawa lamang niya ay bantayan ang kaibigan at panatilihing ligtas ito.
"Okay! We will accompany her but can you calm down, first? Your face is so scary when you're angry," mahinahong pakiusap niya rito.
Lucé look at him intently before speaking. "Why? What is on my face?"
Tumingin ulit ito sa hawak na papeles at pinirmahan pagkatapos basahin. Ang seryoso nito sa ginagawa.
He blinked. "Aware ka ba na walang emosyon ang mukha mo kapag nagagalit ka? Blangko ang mga mata mo at nakangisi ka na para bang naghahanap ka ng gulo," kunot ang noo niyang sabi rito.
Umangat ulit ang ulo nito sa kanya. Nakakunot na ang noo at nakataas ang kilay nito. "Really? Sorry, I am not aware of it but i'm aware that I will nearly choke you because of your garrulity," masungit na sabi nito.
Napanguso naman si Jasiel dahil sa sinabi ng kaibigan. "Gwapo ako at hindi madaldal, Lucé."
Hindi siya pinansin ng dalaga at binalik lamang ang atensiyon sa folder na hawak, nagbasa ito na para bang hindi narinig ang kanyang sinabi. Lalong napanguso si Jashiel sa pag-ignora ng dalaga sa kanya.
'Walang babaeng hindi naaakit sa taglay kong kagwapohan. Dapat itong si Lucé ay madadala sa alindog ko hindi 'yong ignorahin lang niya ang kagwapohan ko. Subukan ko kaya siyang akitin?' he chant to himself.
"Stop thinking on how you seduce me, Jashiel. Not me, okay? Kahit maghubad ka sa harap ko hindi ako papatol sayo," Lucé said rudely to him.
He smirk. "Are you sure? Hindi ka talaga maaakit sa'kin kahit na nakahubad ako ngayon dito?"
Gusto niyang subukang inisin si Lucé, ang cute kase nitong tingnan kapag naiinis. Mas lalo itong gumaganda sa paningin niya. Mas lalo din siyang na-iinlove rito. Matagal na niya itong gusto, natatakot lang siyang aminin dito dahil baka hindi umayon sa gusto niya ang sagot nito. He's scared to be rejected by her.
"Subukan mo lang Jashiel, talagang hindi kana makakabuo ng pamilya. Babasagin ko iyang tinatago ko mo diyan sa pants mo. Let's see if anyone would like you after that." Lucé was grining from ear to ear and glance his buddy down there.
Tinakpan niya ng kanyang kamay ang bagay na tiningnan nito. "I'm just joking, Lucé! You're to serious," nakasimangot na sabi niya rito.
Lucé can't help but to grin widely. "Don't try me, Jashiel. I will really do what I've told you."
Tumango-tango siya at nagkamot ng ulo. "Yeah, yeah! Please, remind me everyday not to annoy you again," sabi niya.
"Sure. But for now, help me here by signing this paper para matapos na agad natin ito." Sinulyapan muna siya ng dalaga bago muling itinuon ang buong atensyon sa papeles na hawak.
Umiling-iling siya nang tuluyang makatayo sa pagkakaupo at nagtungo sa upuang nasa harapan nito. Kinuha niya ang ibang papeles at binasa ang mga iyon.
IT WAS already twelve midnight. Abala pa rin si Yzainna sa pag-eempake ng mga dadalhin sa Pilipinas. Balak niyang mag stay roon hanggang sa matapos niya ang kanyang proyekto.
Napatigil si Yzainna sa ginagawa nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Really? In the middle of the night?
She answered the call without looking at her screen. "This is Yzainna Renovette speaking, who is this?" she said using a French language.
"Look at the caller first before you answer it." Boses ni Lucé iyon.
Tiningnan niya ang caller at nakitang si Lucé nga iyong tumatawag. Napangisi siya nang may pumasok na namang kalokohan sa kanyang isip.
"Huwag mo akong diktahan. Sino ka ba ha? Where did you get my number?"
Gusto niyang tumawa ngunit hindi niya iyon magawa dahil baka marinig ng kaibigan at magalit na naman ito lalo sa kanya.
"Inna, tigilan mo ako sa kakaganyan mo kanina pa ako naiinis sa'yo," nagpipigil ng inis na wika ni Lucé.
Alam na siguro nito na pinaglalaruan na naman niya ito. Palagi kasi niya iyong ginagawa kapag bored siya para inisin ito lalo. Lucé is very cute when she's irritated.
"Sorry but---"
"Isa pa talaga Inna, kukunin ko na sayo si Gureum," pananakot nito.
Gureum ang pangalan ng alaga niyang aso na iniregalo ni Lucé sa kanya noong 26th birthday niya. Sa lahat ng naging alaga niya ay si Gureum lamang talaga ang minahal niya ng sobra. Of course, galing iyon sa kaibigan niya eh. And beside, Gureum is a lovely dog.
"You're not fair, Lucé! Don't touch my baby Gureum!" angal agad niya sa sinabi nito.
"Eh 'di tumigil kana diyan. Tsk!"
She touch the speaker of her phone at nilagay ito sa kama niya.
Nakangusong tinapos niya ang pag-aayos ng kanyang gamit. "Bakit ka pala napatawag?" takang tanong niya sa kaibigan.
"Nothing. Have you already fixed your belongings? Alam kong pagod na pagod ka kaya naisip kong baka hindi mo pa naaayos ang nga dadalhin mo. Do you want me to fix it for you? I'll go there," Lucé asked her using melodious voice.
Napangiti siya. Masaya siya sa iniasta ng kaibigan. Lucé is a caring person at ganoon din naman si Jashiel. Iyon talaga ang siyang nagusto niya sa ugali ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya maiwasang maluha. Sa tingin niya ay nagiging pabigat na yata siya sa mga kaibigan niya. Successful na nga siya pero hanggang ngayon ay dumedepende pa rin sa mga kaibigan niya.
"Lucé, I'm fine. I'm really fine. Saka patapos na din naman ako." She chuckled "And stop spoiling me, please. I think that's one of the reason why you don't have a boyfriend until now. They're mistaken you a lesbian because you always glued to me."
"Pinuprotektahan lang kita, Inna . Ayaw lang namin ng mga kaibigan mo na mahirapan pa." Mahinahon pa rin ang boses ng kaibigan.
"I know that, Lucé. Just, you don't have to do that because I can. I can protect myself. Kaya ko na ang sarili ko. So, stop worrying me, okay?" aniya habang pinupunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa kanyang mga mata.
"Hindi mo maaalis sa'kin ang mag-alala. Hanggang kaya kong protektahan ka ay gagawin ko kahit na katumbas nito ang buhay ko." Parang gusto muli niyang maluha sa sinabi nito. Hindi niya iyon inasahan.
Kung may patimpalak sa patigasan ng ulo, si Lucé na ang pambato niya. Hindi mo talaga ito masasabihan. Ginagawa nito kung anong gusto nitong gawin at walang kahit sinong makakapigil no'n, even them.
"Ayoko, Lucé! Ayokong tinataya niyo ang buhay niyo para sa'kin. Ayoko na rin marinig muli ang salitang iyon," singhal niya.
Lucé groaned and sighed heavily. "Sleep now Inna, 7'o clock in the morning our flight tomorrow." Tumigil ito sa pagsasalita, ilang segundo bago itong nagsalita muli. "I will pick you up tomorrow morning," she stated.
Yzainna shrugged and walked towards her bed. Nalagay na naman niya ang mga maleta sa gilid ng pinto niya.
"I can go to airport alone and wait for you there, Lucé."
Nagtataka pa rin talaga siya kung ano ang rason ng dalawa para sumama sa kanya sa Pilipinas. Maliban sa gusto nilang panatilihing ligtas siya ay alam niyang mayroon pang rason iyon. She heard Jashiel ang Lucé talking lately about something. She didn't heard it clearly because of her somnolence but she know they talking about her.
"No. I'll pick you up tomorrow. And thats final, Inna." There was a authority in her voice.
"Bakit nga ba gusto niyong sumama sakin roon, Lucé?" takang tanong niya rito.
"Because we want to. May problema ba roon?" simpleng sagot lang ni Lucé sa kanya. She's lying.
"You don't need to accompany me, Lucé. I told you already that I'll be fine. Khaleesi was there to accompany me. You have a job here in France so you can't just leave it," she stated.
"Did you already forgot it? I'm the boss, Inna. My company will still survive without me. Kung ang pinoproblema mo ay ang pagsusulat at composisyon ko ay huwag kang mag-alala, I can pass my work through email." Nahihimigan niya ang pagkasakrastiko sa boses nito.
She lay at her bed and then sighed like she is admitting defeat. "Okay! Bahala na nga kayo. Hindi naman kayo mapipigilan pa."
She heard Lucé smirk. "Good. Rest now Inna. I'll call you tomorrow morning. " She nodded kahit hindi nakikita ng kaibigan. "Good night, Inna!" Lucé ended the call not waiting her response.
She put her phone to her study table and close her eyes. Pero bago pa siya makatulog nang tuluyan ay bigla niyang nasapo ang ulo dahil sa biglang may pumasok sa kanyang isip. It's like a moving picture and she's in it and someone. There is a guy and girl making out in somewhere but the faces of the two is still blurred. She think its that her memories.
"Zarus..." Yzainna dreamily said before she fall asleep.
PABABA na si Yzainna at ang kaibigan sa eroplanong sinasakyan nang magpaalam si Jashiel sa dalawa upang kunin ang kanilang mga bagahe.
Nilingon ni Yzainna ang kaibigang si Luce. "Hindi mo ba talaga gusto si Jashiel?" tanong niya nang mahuling sinusundan nito ng tingin ang papalayong bulto ni Jashiel.
She saw the side of Lucé's lips curve up smugly. "Of course not! Sa itsura niyang 'yan, sino ang magkakagusto diyan? Saka bakit ako ang tinatanong mo niyan? Ang ganda ko ay hindi nababagay sa mukha ng lalaking iyon."
She chuckled when she saw how serious her friend is. Hindi naman yata ito tonong defensive ano? "Why so braggart, Lucé? Ang defensive mo naman masyado. Tinatanong ko lang naman kung talagang hindi mo siya gusto. Oo at hindi lang ang sagot do'n, Lucé. Saka gwapo naman si Jashiel, ah. Mapili ka! O, baka gusto mo na rin siya pero dini-deny mo lang?" she said playfully.
Napatawa siya lalo nang umasim ang mukha ng kaibigan. "Ano? I'm not braggart. Really, j don't like him. Hindi din ako mapili it just...."
"Just what?" natatawang tanong niya.
Lucé give her a death glared. "I'm just telling the truth. Saan banda sa sinabi ko ang kahambugan roon? Stop irritating me!"
"Asus! Baka malaman---" Hindi na niya natapos pa ang dapat na sasabihin nang may mga liwanag na tumama sa kanyang mukha.
"Miss Inna, totoo po ba ang balita na kayo na si Vansh Orlandez?"
"Miss Inna, talaga bang dito mo isusulat ang iyong huling akda na pinamagatang 'Rhythm of my Heart'?"
"Huling libro niyo na po ba talaga ang 'Rhythm of my Heart' bago kayo tumigilan sa pagsusulat?"
"Bakit po Publishing House ang gusto niyong ipatayo?"
Sunod-sunod na tanong ng mga reporter kay Inna. Karamihan sa mga tanong ng mga ito ay ang tungkol sa huling isusulat niyang libro at sa ipapatayo niyang publishing house. Mayroon namang nagtatanong kay Lucé tungkol sa mga composed nitong kanta ngunit natatabunan ang mga iyon dahil sa dami ng reporters na nagtatanong tungkol sa kanya.
Ang Rhythm of my Heart ay ang huling librong ilalabas niya bago siya titigil sa pagsusulat. Ilang taon na rin siya sa pagiging manunulat kaya panahon na rin siguro para itigil iyon para maka pokus na siya sa kanyang pagmomodelo at sa kanyang kompanya. Nahihirapan siya sa dami ng responsibilidad niya. Nagiging toxic na din kasi ang ibang mga tagahanga niya, masyado rin silang demanding. Kakatapos mo palang gumawa ng akda ay gusto na nila nang kasunod, parang ayaw ka nilang pahingahin. Kung hindi mo agad nagagawa ang gusto nila o hindi mo na-reach ang expectations nila ay agad ka na nilang iba- bash.
Ang tinutukoy naman nilang si Vansh Orlandez ay ang isang sikat na Rockstar na matagal nang nanliligaw sa kanya. Hindi niya gusto ang lalaki ngunit ayaw niyang itaboy ito. Naging kaibigan din naman niya ito kaya nakakahiya kung ipagtabuyan niya ito nang hindi ito binibigyan ng chance para patunayan ang sarili. Mabait si Vansh, gwapo, sikat, gentleman at lahat na yata ng hahanapin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na pero parang may kulang pa rin sa puso niya. Parang may hinahanap ang puso niya at hindi niya iyon nakikita o nararamdaman sa lalaking rakistra.
At ang Publishing House naman ay ang malaking proyektong sinasabi niya. Iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas. Sobrang mahal niya ang pagsusulat kaya ang ginawa niya ay magpapatayo na lamang siya ng Publishing House. Konektado pa rin naman iyon sa libro at hindi lang iyon, nakakatulong pa siya sa ibang manunulat na gustong matupad ang kanilang pangarap.
Agad na nagsidatingan ang kanyang mga tauhan para alalayan siya at ang kanyang kaibigan. Hindi niya inasahan na marami palang reporter ang sasalubong sa kanya sa Airport.
"Ang bilis naman yatang kumalat ng balita tungkol sa huling librong isusulat mo," Lucé hissed.
"Agree, I did not expecting it," nakangusong sagot niya rito.
"Do you really want to stop your writing career-- I mean that is the first dream you been achieved.. you reached.. so why you give it up easily?" Lucé asked her.
She just shrugged and breathed out loudly. "It's hard for me to give up my first dream, Lucé."
"Then, why you giving it up?"
She heard the frustration of Lucé's voice. Anong isasagot niya? Alam naman niyang hindi din siya maiintindihan ng kaibigan. Ang pagsusulat niya ay ang labis nitong hinahangaan.
"I want to focus on my modeling and to the company," iyon lamang ang sagot niya dahil iyon naman talaga ang totoo.
Sumama ang mukha ni Lucé dahil sa sagot niya. "Idlegossip reason! Why don't you give up that modeling of yours?" matabang nitong singhal sa kanya.
Hindi niya sinagot ang kaibigan at hinayaan lang itong bungangaan siya. Ayaw na ayaw talaga nito ang pagmomodelo para sa kanya.
Nakaalalay pa rin sa kanila ang mga tauhan niya hanggang sa makalabas sila ng airport. Lumingon-lingon pa siya para hanapin si Jasiel na kanina pa umalis. Kung tutuusin ay dapat nandito na ang kaibigan nila. Siguro ay hinarang na din ito ng ibang reporters.
"Nasaan na ba ang lalaking iyon?" inis na tanong ni Lucé sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "I don't know! He said he would just take our luggage. Let's wait a little more minutes at kung hindi pa siya dumating ay ipapasundo ko na siya sa tauhan ko."
She signed. "Okay!"
Luminga-linga siya bago hinarap si Lucé. "I've to go to comport room first."
"Samahan na kita," Lucé said.
"No, don't. Stay here and I think paparating na din si Jashiel," she said and tap Lucé's shoulder.
Agad namang kumilos ang ibang tauhan niya para igaya siya sa pupuntahan niya.
Mas dumami na rin ang humarang sa kanya. Dumagsa ang mga tagahanga niya nang malamang nasa airport siya. Nagkakagulo na sila.
Ngiti at kaway lamang ang ginaganti niya sa bawat tagahangang madadaanan niya. Nangangalay na nga ang bunganga niya kakangiti eh. Ang iba pa ay may mga hawak na libro, may hinala na siyang iyon ay ang kanyang mga librong isinulat.
Yzainna stop from walking when a chubby little boy appeared in front of her, holding a three books. Yumuko siya para tingnan ito. She chuckled softly when she saw the little boy cheeks heated. Para itong nahihiya na kinikilig.
Umupo siya para mapantayan ito."Hello handsome,"
Nanggigigil na kinurot niya ang mga bilugang pisngi nito. Mas lalo naman itong namula at sandaling yumuko, na siyang nagpatawa ulit sa kanya.
Hindi pinansin ni Yzainna ang mga liwanag na nanggaling sa mga kamerang nakatutok sa kanya. Tinaas ng bata ang mga kamay nito at inabot sa kanya ang mga libro.
Nagtatakang kinuha niya naman ito mula sa bata. Hindi ito nagsalita ngunit sumenyas naman itong pirmahan niya.
She smiled. "You want my sign?"
She knew it but she like to ask the little boy. Tumango ang bata habang nakayuko. Mas lalong lumuwag ang ngiti niya dahil sa inakto nito. Tinaas niya ang kaliwang kamay at pinatong ito sa ulo ng bata pagkatapos ay ginulo ito.
She really like kids. Magaan ang loob niya sa mga ito. In fact, she own a orphanage name Yuria's Care. Lahat ng mga batang nakikita niya sa kalye o naulila ay dinadala niya doon.
Lumakas ang tawa niya nang mahuling mas lalong namula ang mukha ng bata. Sa pagtawa niyang iyon ay mas dumami ang kislap ng kamera pero hindi niya iyon tinuunan man nang pansin.
"You're so cute little boy," she chuckled.
Pinirmahan niya ang mga libro nito. After she signed it she look at the little boy who's staring at her now. She smile widely when the little boy smiled at her with his shining eyes.
"You're so pretty, Ate Inna," he said shyly then he bow his head again.
Kinurot niya ulit ang pisngi ng bata. Ang cute talaga nito.
"Really?" natatawang tanong pa niya.
The boy nodded. "Yes po."
Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin dito. "Thank you for that. Come here handsome, let Ate Inna hug you."
Namula ulit ito at nagkamot ng ulo. Tinitigan muna siya nito bago dahan-dahang lumapit para yakapin niya.
The boy kissed her cheek. "Salamat po, Ate Inna."
Tumango siya at pinakawalan ang bata. Tumayo siya at sa huling pagkakataon ay ginulo niya ang buhok nito bago magpaalam.
"See you again, little handsome."
Pagkarating sa comport room ay agad siyang dumeretso sa salamin na naroon. She look at her face habang nakakunot ang noo. Nagpaalam siya kay Lucé na magbanyo dahil sa biglaang pagkirot ng kanyang ulo. Pagbaba pa lamang nila ng eroplano ay kumirot na ito but she ignore it. Ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan at paniguradong sesermunan na naman siya ni Lucé pag nagkataon. Pinaglihi pa naman sa sama ng loob iyong kaibigan niya. Parang laging may dalaw.
"Who is that Zarus?" She asked the mirror na para bang sasagutin siya nito.
Her heart is pounding so fast after she said that name. She saw a scenario of a man and woman. Sobrang sweet ng mga ito. Siguro ay mag kasintahan ang mga iyon. Parang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. Ang kinaiinis niya lamang ay hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil malabo ang mga iyon. Ngunit nararamdaman niya ang lakas ng tibok ng puso niya ngunit hindi niya alam kung bakit.
Yzainna knew that she's the girl in that scenario. The way she smile.. laugh.. giggle.. and the gesture. Alam niyang siya ang babae.
Ginulo niya ang buhok dahil sa inis na nararamdaman. Naguguluhan, nalilito at lalong nagtataka siya.
Sino ang lalaking iyon? Tanong niya sa sarili niya.
She suddenly wince when her phone rang. She bit her lower lip and nervously answer the call. "Hello, this is---"
"Nasaan kana? Jashiel is already here."
"L-Lucé?"
"Oh, why?" mahinahong tanong nito sa kanya.
"Hmm.. Ano kase..."
"What? Do you want me to pick you there?" Nag-uumpisa na itong mag-alala sa kanya.
"Hindi na, Lucé. I'll be back there. Wait for me!" Pinatay niya na agad ang tawag bago pa ito makapagsalita.
Agad siyang lumabas ng banyo at dali-daling umalis para bumalik sa mga kaibigan. Sumunod din naman ang mga tauhan niya. Nilagay niya ang cellphone sa kanyang bag habang naglalakad. Hindi niya namalayang may nabangga na pala siya. She close her eyes when she nearly lose her balance but a strong arm encircled around her waist.
"Are you okay, Miss?" Someone asked her with a baritone voice.
Her heart pouding so fast, again. Para siyang kakapusin nang hininga when she heard that familiar voice. She calm herself before she slowly preened standing. She faced him. Napalunok siya at parang may mga pusang naghahabulan sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit parang hinuhukay ang kanyang tiyan nang makita ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan sa gwapong kaharap niya. Pinilit siyang ngumiti pero ngiwi ang nagawa niya.
"I-I'm okay. Thank you!" nakagat ang labing ani niya.
Lumayo siya sa lalaki para maiwasan ang bagay na hindi niya dapat gawin. May nag-uudyok kasi sa kanyang yakapin ito. Hindi niya alam kung anong nagyayare sa kanya ngunit natatakot siyang baka gawin niya nga kung ano ang nararamdaman niyang iyon. Hindi niya ito kilala pero parang pamilyar ito sa kanya. Nang tingnan niya ito ay laking gulat niya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang nakaawang ang mapupulang labi nito.
Naging alisto ang mga tauhan niya ngunit sinenyasan niya ang mga itong huwag nang lumapit. She can handle herself, anyway.
"Z-Zayn?" sambit ng lalaki habang nakatitig pa rin sa kanya.
Sinamangutan niya ito. Hindi niya kilala ang pangalang isinambit nito. "What?"
"M-My Zayn!"
What is he talking about? Who's Zayn? So, kaya ito nagkakaganito sa harap niya dahil sa Zayn na iyon?
"Who are you?" takang tanong niya rito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang labi.
His eyes are still wided habang nakaawang ang labi nito.
"Hey, I asked you who are you? Didn't hear what I'm sayin'?" Sa puntong ito ay nakakunot na ang kanyang noo.
Hindi niya pinansin ang nararamdaman niya. Ang kaba sa kanyang dibdib ay hinayaan na lamang niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang naramdaman niya sa lalaking kaharap. She don't know this man. Ngayon niya ngalang ito nakita. Siguro ganoon ang naramdaman niya dahil sa taglay nitong itsura. Gwapo ang lalaki at inaamin niya iyon.
She surprised when the guy suddenly hug her. Mahigpit iyon na para bang ayaw na siyang pakawalan nito. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa higpit nang yakap ng lalaki. Umiling siya sa mga tauhan ng akmang lalapit na naman ang mga ito sa kanila.
"C-can't breath," nahihirapang bulong niya at tinapik ang likuran ng lalaki.
Agad naman nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. Naramdaman niyang yumugyog ang mga balikat nito.
"Hey, what are you doing? Let me go." Tinulak niya ito ngunit hindi man lang ito natinag.
Sumubsob ang lalaki sa leeg niya at doon naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang leeg. Lalong kumunot ang kanyang noo.
"A-are you crying?"
She feel her heart crack. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. Pero ramdam niya...ramdam niyang nasasaktan ito. Pero bakit? It is because of that Zayn he talking about? And why he's hugging her? At bakit pakiramdam niya ay nasasaktan din siya?
"Please, let me hug you for a while. I miss you, Zayn!" garalgal ang boses nito.
"Did we meet before?" she asked.
Mas lalo namang humigpit ang yakap nito sa kanya. Gusto man niya itong yakapin pabalik ay hindi niya magawa. Naguguluhan siya kung bakit nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib kapag iisiping ginawa lamang ng lalaki ito dahil akala nito ay siya si Zayn. Hindi siya ang Zayn na sinasabi nito at lalong-lalo na ay hindi niya kilala ang taong iyon. Labag man sa loob ay buong lakas niyang tinulak ang lalaki na siyang napahiwalay agad sa kanya.
"Don't go near me! Sorry but I really don't know you and that Zayn you talking about. And please sir, don't hug me again." She give him a death glare but the man ignore it.
Akmang lalapit muli ito sa kanya nang humarang na ang mga tauhan niya. Napabuntong hininga siya. Mabuti na lamang at humarang agad sila dahil talagang hindi na niya mapipigilan ang sariling mayakap ang lalaki kahit na niya ito kilala.
"Z-Zayn please don't do this to me," nagmamakaawang sabi nito.
Ano ba ang pinagsasabi nito sa kanya? Bakit kung magsalita ito ay parang kilala siya nito? And she's not that fucking Zayn.
"Can you please stop?! Stop calling me a name! And do I know you? Are you one of my admirer's?" she's annoyed right now.
Muli ay nanlaki ang mga mata nito at para bang hindi nito inaasahan iyon. She saw a pain in his eyes na agad namang nawala ng kumurap ito. He's eyes become blank.
Sasagot na dapat ito ng tumunog ang kanyang cellphone. She groaned and glanced at him.
"I have to go. I'm sorry again but I really don't know you. Anyway, thank you for catching me earlier." Nang sabihin iyon ay agad na siyang lumayo rito.
"Zayn darling!" bulong nito na hindi na niya narinig.
Habang pabalik sa mga kaibigan ay iniisip pa rin niya ang lalaki. May pakiramdam talaga siya na kilala niya ito pero saan at paano? Umiling-iling siya at agad na winaksi ang mga iyon sa kanyang isip. Mabilis ang mga hakbang niya patungo sa kanyang mga kaibigan.
"Why are you took so long?" bungad agad ni Lucé sa kanya.
Ngumuso siya. "I bump someone nang papunta na ako dito kaya ako natagalan."
Sasabihin ba niya sa mga kaibigan ang tungkol sa lalaking iyon? Gusto niyang ibuka ang bibig para sabihin sa mga ito ngunit ayaw bumuka no'n. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilang mag kwento sa mga ito. Mas mabuti siguro kung itatago niya muna ang tungkol doon.
"A man? Ano ang itsura niya?" sabay na tanong ng dalawa at agad ding nagtinginan.
Agad siyang nagtaka. "Why?" gamit ang wikang pranses.
Umiwas ang mga ito ng tingin sa kanya. "Basta. Can you describe him, Inna?" tanong ni Jashiel sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "He's too old to me. He was looking for his child and because his in a hurry he accidentally hit me," she lied.
Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Iyon ang unang beses na nagsinungaling siya sa mga ito. Nakokonsensiya siya pero ayaw naman niyang sabihin sa mga ito ang nangyari sa pagitan nila ng lalaking iyon. May pakiramdam siyang hindi iyon magugustuhan ng dalawang kaibigan niya.
Napabuntong hininga naman ang mga ito na para bang nabunutan ng tinik. Mas lalo siyang nagtaka dahil sa inakto ng dalawa. Ngunit ayaw niyang usisain pa ang mga ito.
"Let's go, para makapagpahinga ka na kaagad," Jashiel said.
Tumango sila ni Lucé at nagtungo sa kotseng nakaparada sa harap nila.