Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Nanny and the Beast
Nanny and the Beast

Nanny and the Beast

Author: : Princess Himaya
Genre: Romance
(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez , a famous billionaire car racer and only son of Mr and Mrs Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met their nanny. Zella Baker isang babaeng nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral, sa pamamasukan nya bilang katulong. Makakatagpu niya si Taiden. Ang akala nya, paglilinis lang ang gagawin. Yun pala pati si Taiden ay lilinisan din nya ang maitim na pagkatao nito.

Chapter 1 Kabanata 1

"Madam, ito na po si Zella, ang sinasabi ko sa inyo na papalit kay Venus." ani Nanay Helen sa amo niya. Andito kami ngayon sa mansyon ng pamilyang Hernandez.

Nagmamay-ari ng isang konpanya kung saan gumagawa sila ng mga sasakyang pang karera, pati na din mga luxury cars. Sikat na sikat ang Hernandez Cars sa buong bansa. Sila ang nangunguna sa larangan ng mga sasakyan. Kaya hindi maipagtataka kung bakit bilyonaryo ang pamilya nila.

"Welcome hija, come here. Sit down." anang babae na nasa mid 50s yata ang edad.

Sopistikada at kahit may edad na, maganda pa rin ang hubog ng katawan nito. Suot ay magarbong damit na nagsusumigaw ng karangyaan. Ngunit mayroong napaka among mukha. Naupo ako sa sofa at kaharap ko sya, habang katabi ko si nanay Helen.

"Magandang umaga po." bati ko kay madam.

"Zella iha, kamusta? Nag-aaral ka pa ba? Bakit ka mamamasukan bilang katulong? Wala sa itsura mo ang maging kasam-bahay lang iha." may lungkot sa mga mata na sabi ni madam Sonia.

Nagulat ako sa tanong nya. Ganito naman palagi pag nag-aaply ako ng trabaho. Half australian kasi ako, ang papa ko ang australian. Pero bago pa ako maipanganak naghiwalay na sila ni mama. Nakuha ko sa kanya ang gray eyes ko. Maputing balat at may freckles ako sa aking mga balikat pero hindi naman ganun kadami. Matangos din ang aking ilong, tama lang ang kilay at may mala hugis puso na mga labi na mamula-mula. Kahit anong bilad ko naman sa araw hindi ako nangingitim.

"Ahh... eh... sabi po kasi ni nanay Helen kailangan nyo daw po dito ng kasam-bahay. Nag-iipon po kasi ako para sa pang kolehiyo ko. Mahirap po kasing matanggap sa trabaho kong highschool pa lang ang natatapos." Tumango si madam.

"Wag po kayong mag-alala madam. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang ito bago namatay ang kanyang ina. Kaya masisiguro ko sa inyong mabait ito at mapagkakatiwalaan." ani nanay Helen.

"Naku naman, nay Helen hindi ka magiging mayordoma dito kung wala akong tiwala sayo. Kaya, kung sino man ang dalhin mo ay may tiwala na rin ako." ngisi ni madam at tumingin sakin.

"So iha, gusto mong makapag-aral ng kolehiyo hindi ba?" ani madam. Tumango ako.

"Sige, ako na ang bahala sa pang kolehiyo mo. Ipakita mo lang sakin na masipag ka sa trabaho, kahit anong kurso pa yan iha, ako ng bahala." ani madam na may malaking ngiti sa labi.

Talaga ngang mabait ang pamilyang Hernandez!

"Nay, iisa lang ba talaga ang anak nila madam Sonia at sir Darius? Ang laki ng mansyon nila, tapos wala pa dito ang nag-iisa nilang anak." tanong ko kay nay Helen habang naghuhugas ako ng pinggan.

"Ay, oo Zella. May PCOS kasi noon si madam kaya matagal bago sya nabuntis. At noong nabuntis siya, sobrang hirap nag dinanas niya. Kaya nakapag desisyon ang mag-asawa na tama na ang isa nilang anak. Total eh lalaki naman ito, si Taiden na lang daw ang bahalang magpakalat ng apelyedo nila." aniya habang nagtitimpla ng kape.

Ganun pala yun. Pero bakit sa mahigit isang taon ko dito ay hindi man lang umuwi ang anak nilang si sir Taiden? Napatanong ako kay nay Helen.

"Eh, bakit hindi ni minsan man lang umuwi si sir Taiden nay? Hindi ba nya nami-miss sila madam at sir? Ang lungkot kaya nun. Sya lang naman mag-isa. Samahan pa nitong bahay na sobrang laki." sabi ko. Ngumisi si nanay Helen at nagtaka ako.

"Matigas kasi ang ulo nitong si Taiden iha, palaging napapatawag sa school sila madam noong nag-aaral pa yun dito ng elementarya. Kaya pinadala nila sa amerika. Siguro ay huling taon nya na ngayon sa kolehiyo kung hindi ako nagkakamali." ani nanay helen habang humihigop ng kape. Kaya pala.

Basagulero naman pala. Kawawa naman sila madam. Kung ako ang naging anak mayaman. Talagang magpapakabait ako. Hindi ko bibigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang ko. Nasa pangalawang taon nako sa kolehiyo. Tourism ang kurso ko dahil gusto kong maging flight attendant. Ito na talaga ang pangarap ko noon pa lang. Dahil pangarap ko noong magpunta sa australia para hanapin si papa.

Kung hindi pa ako nakapag trabaho dito, baka teacher ang kinuha ko. Kasi di hamak na mas mahal ang FA kesa maging guro. Buti na lang talaga at sobrang bait ng mag-asawang Hernandez. Ni minsan ay hindi ako napagalitan.

Maayos ko naman kasing ginagawa ang trabaho ko. Ang swerte ko nga eh, may taga hatid sundo pa sakin sa school! At private school pa talaga ako pinag-aral ni madam.

Oh di ba bongga?

"Ito na po ang tea nyo madam." sabi ko. Nasa opisina si madam dito sa bahay nila at may binabasa na papeles.

"Thanks Zella, iha." sabay tikim nya sa tea nya. Napaangat ito ng tingin sakin. "Kamusta ang pag-aaral mo iha?" ani madam.

Well madam, good grades pa din as usual. Matalino kaya 'to.

"Mabuti naman po madam at deans list pa din po ako." taas noo kong sinabi. Ngumisi si madam.

"Very good iha, ipagpatuloy mo lang yan. Alam kong maaabot mo ang pangarap mo. Hindi nako makapaghintay na balang araw, sasakay kami ni Darius sa eroplano at ikaw ang flight attendant namin." ani madam na nakangiti padin.

Minsan nami-miss ko si mama dahil sa sobrang kabaitan ni madam. Ganitong ganito din si mama sakin. Kung sana lang hindi sya nagkasakit. Sana ay buhay pa sya ngayon. At sana din ay maisasakay ko sya sa eroplanong pagta trabahuan ko. Si papa kaya, kamusta na kaya sya ngayon. Buhay pa kaya sya?

"Flowers por you beybi." ani Anjo Hardinero ng kalapit mansyon namin si Anjo.

Ito na naman at nanliligaw. Payatot si Anjo at moreno. Parang isang ubo na lang yata ay ikamamatay na nya sa sobrang payat nya. Ewan ko ba kong pinapakain pa 'to ng amo nya. Mukha kasing ngangat-ngatin na sya ng aso pag nakita sya.

Tinanggap ko naman ang dala nyang tatlong piraso ng rosas na pula.

"Salamat... baka kay maam Sofiya 'to ha! Lagot ka naman sa manliligaw no'n pag nalamang kumuha ka nanaman ng bulaklak galing sa mga dala ng manliligaw nya."

Palagi nya kasi 'tong ginagawa. Minsan pa nga may dala syang chocolates, akala ko binili nya. Yun pala galing sa manliligaw ni Sofiya. At nung hinanap na ni Sofiya para kainin. Wala na. Nasa akin na eh. Imported ba naman yun.

Napangisi naman sya. Halos makita ko na ang gilagid nya sa sobrang lapad ng ngisi nya.

"Naku hindi ah... galing sa garden yan. Ako mismo ang nagtanim nyan at nag-alaga." aniya. Malamang, hardinero ka eh.

"Hindi mo pa ba ako sasagutin beyb?" ani Anjo na naka puppy eyes pa.

Nakakakilabot syang tingnan. Kung bakit ba naman kasi malaki ang mga mata ng lalaking 'to! Kulang na lang lumuwa ito! Pero aminado naman ako na sobrang bait nito. Kahit na wala sa itsura.

"Anjo, diba nga sabi ko sayo, ayoko munang mag boyfriend. Magtatapos pa ako. Ayoko ng distraction. May grades akong inaalagaan."

Kumunot ang noo nya na parang hindi ako naintindihan.

"Zella beyb, i been wayting por you all my life, noong hardinero lang ako nanligaw na ako sayo. Pero ngayon driver na rin ako. Nag improve na ako Zella beyb, pero puso mo hindi pa rin nagi-improve," pailing-iling niyang sabi.

My God! Sasakit ulo ko dito kay Anjo sa sobrang kulit.

"Uy Zella! nakita mo na ang bulletin board?" ani Suzie na bestfriend ko.

"Hindi...bakit ?" "Ikaw ulit ang Top 1 student! My gosh, titirik na naman ang mata ni Sofiya sa inggit sayo." sabay tawa nya.

Kaklase ko kasi si Sofiya. Simula noong first year college pa 'ko ay kumukulo na ang dugo nya sakin. Hindi ko naman alam ang dahilan. Kaya umiiwas talaga ako sa kanya at sa kaibigan nyang si Georgina.

"Baka naman kasi inakit ang mga prof natin, kaya top 1 ulit."

Inirapan ako ni Sofiya. Nasa room na namin kami ngayon habang hihintay ang prof namin para sa last subject namin.

"Bigyan mo 'ko ng dahilan kung bakit hindi ko pa 'to pinapa salvage sa daddy ko yang babaeng yan." giit ni Suzie.

Balita ko kasi drug lord daw ang daddy nya. Yun kasi ang chismis. Pero ayoko naman siyang tanungin. Wala naman kasi sa itsura ng daddy nya na maging drug lord. Tumawa ako at di ko rin pinansin pa si Sofiya na animo'y puputok na ang ugat sa noo sa sobrang galit.

Pagdating ko sa bahay, nagtaka ako nang pagbaba ko ng sasakyan kasama si Manong Jojo ay may limang nakaparadang luxury cars sa labas ng mansyon. Hula ko, baka may mga bisita sila Madam. Kaya nagmadali akong pumasok sa mansyon at nang makatulong kila Nay Helen.

Pagpasok ko sa sala, agad napabaling sa akin ang tingin ng 6 na mga lalaki. Andun din si Madam at si sir kasama si Nanay Helen. Tiningnan ko isa-isa ang mukha ng mga binatang lalaki na hula ko ay hindi kami magkalayo ng edad. Walang tapon! Ulam lahat! Pero nangingibaw ang isang lalaking katabi ni Madam na mariing naka titig sakin.

"Oh iha, narito ka na. Halika ipapakilala kita sa mga kaibigan ni Taiden." ani madam na sumalubong sakin at hinawakan ako sa kamay patungo sa harapn ng mga lalaking nakaupo.

"Boys, this is Zella. She's my working student." ani madam. Napa "woah" naman ng sabay-sabay ang limang lalaki bukod sa isang lalaking nasa gilid ko, na alam kong nakatitig pa rin sa'kin.

"Tita are you kidding? Jesus she's... she's drop dead gorgeous! Damn!." anang lalaki sa harapan ko.

"Elton.. language please..." ani madam. "You're all off limits to Zella. Nag-aaral sya para maging FA. Bawal muna syang ligawan. Ayokong ma distract sya baka kayo pa ang maging dahilan ng pag bagsak nitong si Zella, makakatikim kayo sakin..." giit ni madam.

Nakakataba naman talaga ng puso itong si madam. Kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa pamilyang ito.

"Grabe, flight attendant pa talaga. Siguro ang dami mong manliligaw.." ngisi nya.

"By the way, I'm Elton.." sabay lahad ng kamay nya at kindat sakin. Nagpakilala sa akin ang lahat. Mabuti na lang at nakabisado ko agad ang mga pangalan nila. Dahil sigurado akong palagi sila dito. Kaya kailangan kong tandaan ang mga pangalan nila.

"Hijo meet Zella, please be nice to her." ani madam sa lalaking nasa gilid ko.

Tiningnan ko sya sa mga mata. Kulay hazel brown ang mga mata nya. Makapal ang kilay at mas matangos pa sa ilong ko ang ilong nya! Namana nya sigurado 'to kay sir Darius. Clean cut ang kanyang buhok na may straight line sa left side nito. Sobrang astig tingnan! Samahan mo pa ng jaw line nya na sobrang ganda ng pagkaka hubog, parang ang sarap haplusin nito. At may cross earing sya sa left ear nya.

Ang gwapo ng anak ni madam! Ni minsan sa school wala pa akong nakitang ganito ka gwapo. God! Siguro mabait din naman 'to. Baka nagbago na ang ugali nito sa amerika. Habang pinupuri ko sya sa isip ko tumaas ang isang kilay nya. At nagsalita.

"Why would I be nice to.. her?" ani Taiden.

Gago nga. Hindi man lang nag-abot ng kamay kagaya ng mga kaibigan nya. Tapos ganito pa ang isasagot nya? Tumaas yatang bigla ang dugo ko papunta sa ulo ko. Sa sobrang inis!

"Taiden..." ani sir Darius.

"Okay fine..." tipid nyang sabi.

Pagkatapos ng pakikipag kilala kanina ay dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Tutulungan ko pa sila ni Nay Helen sa kusina. Dito kasi magdi-dinner ang mga kaibigan ni Taiden.

"God! Dude, did you see your nanny? She's so hot and gorgeous! Pasensya na, pero mukhang masusuway ko si Tita Sonia," ani Macsen.

Narinig ko sila, galing sa paghatid ko ng inumin nila. Tapos na kasi kaming maghapunan. At sa may pool side sila tumambay at nag inuman. Patuloy na sana ako sa paglalakad ko papuntang kusina nang may nagsalita.

"She's so plain," anang nagsalita, si Taiden yun!

Plain? Ako? Ang dami kayang humahanga sa akin sa school dahil kahit minalas ako sa buhay, pinagpala naman ako sa mukha at katawan. Mabilog at malulusog ang mga dibdib ko, saktong sakto lang...cup C. At aminado rin ako sa pwet kong maipagmamalaki rin. Sobrang flat din ng tiyan ko. Animo'y walang laman palagi.

Malakas naman ako kumain. At hindi rin ako nag ge-gym! Just blessings. Nakinig pa ako sa usapan. Nakatago ako sa glass sliding door. Mayro'n namang kurtina kaya hindi ako kita.

"I wanna fuck her 'till she can't walk," ani Dale.

Napaka manyak pala ng mga gagong 'to!

"Agree ako riyan... pero mukha siyang inosente. Virgin pa kaya yun?" ani Elton. Nagtawanan sila.

"Obviously, she's not," sabat ni Taiden.

Aba!

Aba!

Hinahamon nya ba 'ko? Ipatikim ko pa sa kanya ka birhenan ko eh! Pero joke lang. Importante sa'kin 'to. Ayokong ipamigay 'to kahit kanino lang. At kahit gaano pa siya ka gwapo, hindi ko isusuko ang bataan at katandaan!

Nanggagalaiti akong bumalik sa kusina at hindi na nakinig pa sa usapan ng mga unggoy. Baka pumutok lang ang ugat sa ulo ko sa sobrang pagka inis. Ang babastos ng mga bibig. Hindi man lang ako ni respeto. Talaga ngang barkada ng unggoy na Taiden ang mga iyon. Ka pareho niyang masama ang buga ng bibig.

Kinabukasan, araw ng Sabado, walang pasok, maaga akong nagising at naligo para tumulong sa kusina. Nilinis ko rin ang kalat sa may pool side, gawa ng mga unggoy na nag inuman. Dito pa talaga sila natulog.

Ka galing.

Kaya nang matapos na ang pagluluto ng cook sa agahan, ay nautusan ako ni Madam na gisingin ang mga unggoy kasama ang gorilla na si Taiden. Kinatok ko ang pintuan ni Taiden at tinawag ang pangalan niya.

Gorilla, gising na! Sarap sanang sabihin. Naiinis pa rin ako.

"Taiden...hoy! Gising na, ready na ang breakfast." sabay katok ko ulit.

Pero wala talagang sumasagot. Kinatok ko ulit. Wala pa rin. Kaya nagpasya na akong buksan ito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mata ko sa aking nakita! Uminit ang pisngi ko, at parang lumayas sa katawan ko ang kaluluwa ko sa aking nakikita.

Hindi ako makahanap ng salita at nanuyo ang lalamunan ko! Dahil hindi ko maintindihan ang nararamdam ko at hindi ko siya kayang gisingin, nag desisyon akong tumalikod at lumabas ulit. Bahala na siya kong hindi siya makapag agahan. Nang biglang may nagsalita.

"Elton was right then, you're a virgin," sabi ni Taiden sa isang husky na boses.

Sobrang sexy ng pagkasabi nya. Hindi ko alam na sa simpleng mga salitang 'yon ay magagamit ko ang salitang sexy!

Chapter 2 Kabanata 2

"Hi Zella!" sabi ni Dale sabay sipol ni Macsen.

Aga-aga mga asungot sa hapag- kainan. Kagagaling ko lang gisingin si Taiden ng mayroong di inaasahang pangyayari, na kahit kailan ayaw 'ko ng maalala pa. Andito na kami lahat sa hapag. Gusto ni madam na sumabay na 'ko sa pagkain nila. Tapos na din naman sila nay Helen at iba pang katulong kumain.

"Dude, what takes you so long? Gutom na kami oh." ani Elton.

Kakadating lang kasi ni Taiden, at nahagip nya agad ang paningin ko. Hindi nya man lang binalingin ng tingin si Elton. Nag-iwas ako ng tingin dahil nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko! Umupo sya sa harapan ko, katabi ko naman si madam. Sa kabilang gilid ko naman ay si Keion, sunod ay si Mozes.

Sa kanilang lahat itong si Keion ang susunod kay Taiden kung ka gwapohan ang pagbabasihan. Tahimik lang din ito at misteryoso gaya ni Taiden ngunit ngumingiti naman sakin. Si Mozes naman ay sobrang transparent. Makikita mo sa mukha nya kong natutuwa ba sya o nagagalit. At magaan din ang loob ko sa kanya gaya kay Keion. Di gaya ni Dale, Macsen at Elton. Na puro pasmado ang mga bibig. Pero all in all, sabi ko nga walang tapon sa kanila.

"So what's your plan today?" ani madam sa mga binata.

"Uuwi muna kami tita at baka sa linggo, babalik kami dito. Kung okay lang po." ani Keion sabay tingin nya sakin.

Namangha ako sa boses nya. Sobrang kalmado nito at ang bait bait pakinggan. Ngumiti sya sakin at sinuklian ko din naman ito ng ngiti.

"Of course! Our house is always open, just behave and mind you..." tingin ni madam sa mga binata.

"Zella's Off Limits, understood?" giit niya.

There's a slow chuckle from them and they all nodded except for this cold eyes watching me intently... si Taiden. Walang ka emosyon emosyon ang mukha nya. Hindi ko tuloy mabasa iniisip nya.

"But why Tita?" ani Mozes. "What if one of us will court her, are you going to kick our asses then?" nagsitawanan silang lahat pati din si Taiden!

Himala. Napailing na lang si Sir Darius. Nagpakurap kurap naman si madam bago sumagot na nakaisa ang mga kilay nito.

"Well, dadaan muna sakin ang manliligaw sa kanya, ayokong mapaglaruan lang itong si Zella. Napakabait ng batang 'to kaya makakatikim sakin ang mananakit sa kanya." sabay hawak ni madam sa kamay ko at pisil sa ibabaw ng mesa.

"This will be hard then." ani Keion. Nabaling lahat ng atensyon sa kanya. At nakita ko si Taiden na mariing tinitigan si Keion and his jaw is clenching.

"Off limits is off limits..." ani Taiden.

Sa kanya naman nabaling ang lahat ng atensyon ngayon. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nakakaramdam ng tensyon sa mesang ito o masyado lang akong busog. Kaya't kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Para akong ice cream na nalulusaw sa kinauupuan ko, kung bakit ba kasi ako ang topic, ay hindi ko na alam. Nagsi uwian nga ang mga kaibigan ni Taiden pagtapos ng agahan.

Tumulong din ako sa kusina kila nay Helen. At ng matapos ay gusto kong bumalik sa kwarto ko upang magpahinga. Nasa second floor din ang kwarto ko. Kahit na dapat ay sa maids quarter ako, talagang ayaw pumayag ni madam.

Masyado na tuloy na nakakahiya. Kulang na lang maging anak nila ako. Pero ayoko naman maging kapatid ang unggoy na Taiden na yun. Papunta na 'ko sa taas ng may magsalita sa gilid ng hagdan. Hindi mo kasi makikita kung may tao ba dun.

"Don't be full of yourself. You're too plain." ani Taiden.

Bahagya akong nagulat at kamuntik ng mapatili. Nasa mga bulsa nya ang dalawang kamay nya at mariin akong tinitingnan. Humalukipkip naman ako.

"What do you mean?... Anong problema mo, huh?" mariin kong tanong na may tono ng iritasyon.

Ano bang pinagsasabi ng isang 'to. Kung bakit palagi na lng nakikialam tungkol sakin. Wala naman akong kasalanan sa kanya ah!

Humakbang sya papunta sakin. Ngayon nakatingala nako sa kanya, unti-unti syang yumuko at may ibinulong sa aking teynga.

"They just wanna get in your pants, so stay away from them.." at tinalikuran na nya 'ko.

Huminga ako ng malalim, hindi ko na namalayan na hindi na pala ako humihinga sa sobrang kaba ng nararamdaman ko. Naghuhuramentado ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nya sakin. Pinakalma ko ang sarili 'ko at umakyat na sa taas. Ano ba kasing ibig nyang sabihin? At gusto nya pang lumayo ako sa mga kaibigan nya. Walang problema sakin yun, pero wala rin syang karapatan na utusan akong layuan sila. Ako ang magde-desisyon sino ang lalapitan at kaiibiganin ko. Amo ko lang sya hindi nya ko pag-aari.

Lunes araw na naman ng klase. Alas singko pa lang ay gising na 'ko. Ganitong oras talaga ako magising dahil ayokong ma late sa klase, at ganun nga never pa 'kong na late sa klase. Naligo ako at nagbihis ng uniform.

Black skirt with side slit, a black business jacket, a thick bottom heels and my black hat. Minsan nga napagkakamalan akong FA na talaga pag nag malling kami ni Suzie.

"Oh iha, kain ka muna bago ka umalis." ani nay Helen ng makababa na ako sa kusina.

"Wag na po nay. Sa school na lang po, may gagawin kasi kami sa school." kahit wala naman, gusto ko lang iwasan si Taiden hanggat maaari.

"Naku, masama ang hindi mag-agahan, ito ang pinaka importanteng pagkain, ang agahan." ani nay Helen Ngumisi ako at niyakap si nay Helen.

"Kayo talaga... sige na nga, malakas kayo sakin eh." Pinaghain ako ni nay Helen at naupo na sa mesa. Itlog, bacon, tinapay at mainit na gatas ang hinanda ni nanay.

"Oh hijo, kay aga mo yatang nagising." ani nanay.

Nag-angat ako ng tingin at si Taiden nga ang naglalakad palapit kay nay Helen. Kumuha sya ng baso at kumuha ng tubig sa ref. Tumingin muna sya sakin bago nagsalin ng tubig at ininom.

"Yeah, I'm going for a run today." ani Taiden kay nanay. Hindi ko sya tiningnan ulit.

Ayokong magpang abot na naman ang paningin namin. Nang bigla syang magsalita.

"Nana, sabihin mo kay mang Jojo ako na ang maghahatid kay Zella sa school." nag-angat ako ng tingin na may itlog pa saking bibig. Napangisi naman si nanay Helen.

Ano na naman bang trip meron 'tong unggoy nato at may pahatid hatid pang nalalaman. Ngayon ko lang napansin na naka pang alis sya ng damit, tapos sabi nya "going for a run" huh.

Napangisi ako at uminom na ng tubig. His gazed didn't left mine. And his brow shot up. Na may pagtataka sa mukha.

"Why are you smiling like an idiot?" aniya. Ngumisi pa ako ng malaki.

"Akala ko ba tatakbo ka, bat parang naka damit pang-alis ka na?" may malaking ngisi pa din sa mukha ko. Tiningnan nya ang damit nya at pumikit ng mariin.

"Then after I send you to school, and I have things to do, too."

Palipat lipat sa aming dalawa ang paningin ni Nanay. Talaga lang huh, kunyari pa 'to eh halata namang plano ng ihatid ako. Nabawasan tuloy inis ko sa kanya.

"Oh sya, sya pupuntahan ko na si Jojo, mag madali ka na dyan iha baka ma late ka."

Tumango naman ako at lumabas na papuntang garahe. Nakasunod lang sya sakin. Isang black luxury car ang nakaparada sa labas. Pinag buksan nya ko ng pinto. Gentle man naman pala 'to, pero bakit ang sama ng ugali minsan. Pagka pasok ko umikot sya at sumakay na din, at pina andar agad ang sasakyan. Hindi pa rin maalis ang kunting ngiti ko sa mukha at parang napansin nya 'to.

"Aren't you done smiling?" aniya na nasa kalsada ang mga mata. Tiningnan ko sya at napansin ko kung gaano kagandang lalaki ang taong 'to lalo na pag naka side view. Ngumisi ako ng malaki medyo lumapit ng bahagya para tingnan sya sa mukha.

"Aminin mo na lang kasi na plano mo talagang ihatid ako ngayon, 'di ba?" sabi ko Tiningnan nya lang ako saglit and there's a ghost of smile but it disappear immediately.

"Stop assuming too much, kid."

"Assuming? sure I'm not, and hindi na ako kid! college na 'ko, hello?" humalukipkip ako at sa kalsada na ang tingin.

He chuckled softly. I've never thought someones chuckle could be so sexy! Ngayon nakangisi na talaga sya habang nagmamaneho. Hindi na 'ko nakipag- usap at hindi na rin naman sya umimik hanggang sa dumating kami sa school.

"Is that Taiden? Siya ba yung naghatid sayo? Oh my god!" ani Suzie, naglalakad kami ngayon papunta sa room namin.

"Yup..." sabi ko She giggled.

"He's so gwapo! Lalo na ang mga friends nya na mga underground racers." Tiningnan ko sya. Anong under ground racers ang sinasabi nya? Kaya nagtanong ako.

"Under ground racers? Ano yun?"

Natutop nya ang kanyang bibig. At napasinghap.

"Hindi mo pa ba alam? Sabagay, baka hindi nababanggit yan sa mansyon. Sasabihin ko sayo ang nalalaman ko, pero ipangako mo sakin na wala kang pagsasabihan kahit kanino, Zella. Mag promise ka." ani Suzie at tumigil kami sa paglalakad.

Tumango ako. "Okay, so ang underground racers ay grupo ng mga mayayaman at ma impluwensyang tao. Isa sa mga leader si Taiden, at mga alipores nya ang mga kaibigan nya..." hindi ko sya nilubayan ng titig dahil nalilito ako sa mga sinasabi niya.

"Kapag meron silang kaaway sa business or sa kahit ano, imbis na patayin agad, idadaan nila ito sa isang car race. Minsan nga buhay ang itinataya. At kung sino man ang matatalo susunugin ang sasakyan mo habang nasa loob ka nito." Nanlaki ang mga mata ko at tumingin si Suzie sakin. Hindi ko ma proseso ang mga sinabi nya.

"Okay ka lang Zella?" aniya at hinawakan ako sa balikat. Tumango ako.

"Bakit may ganyan? At bakit mo alam?" sabi ko.

"Dahil isa din si daddy sa mga leader, kakampi nya si Taiden pero mas mataas si Taiden sa kanya. Noong una katuwaan lang naman daw yang under ground race ng mayayaman, hanggang sa nauwing may patayan na. Kawawa nga yung ipapa-patay na hindi marunong magmaneho eh."

May lungkot na tonog ang pagkasabi nya. Hindi ko talaga maintindihan, bakit may ganyan. Alam kaya nila madam at ni Sir Darius ang tungkol sa under ground race na yan? Or si nanay Helen kaya?

"Okay lang sayo na kasali ang Daddy mo? Hindi ka ba nag-aalala?" sabi ko Ngumiti sya ng bahagya.

"Nag-aalala siyempre, pero anong magagawa ko matagal na sya d'yan eh, kahit anong pigil ni mommy hindi daw sya pweding umalis." ani Suzie.

Kitang kita ko ang kalungkutan sa mukha ni Suzie. Sino ba kasing nagpa simuno ng race na yan. Alam kong illegal yan. At maisip mo pa lang na kasali ang isa sa mahal mo sa buhay ay panghihinaan ka ng loob. Paano pag hindi na sya umuwi? Dahil natalo sya sa karera. At si Taiden, hindi ba sya natatakot mamatay? Paano na lang sila madam.

Nag-iisang anak lang sya, hindi nya ba naisip anong mararamdaman ng magulang nya pag nawala sya? Andami kong tanong sa isipan ko. Pero hindi ko alam saan ako makakahanap ng sagot.

Pero hindi mangangalap ako ng impormasyon tungkol dito. Nag-aalala ako kila madam. Paano pag hindi nya alam na kasali si Taiden dito? Kahit ito man lang ang maibigay kong kapalit sa kabutihan ng mag asawa sakin. Ang alamin at ayusin ang kung ano man itong sinalihan ni Taiden.

Chapter 3 Kabanata 3

"So, she's the girl you're talking about before, huh?..." panunuyang sabi ni Dale.

Nandito ako ngayon sa bahay nila matapos kong ihatid si Zella sa school. Andito rin ang limang gagong mga kaibigan ko.

"No way! sya yun, dude?" ani Elton sabay hagalpak nito.

Highschool ako sa states nang biglang mag email sakin si mama na may bago daw kaming kasam-bahay. Like, seriously? Kailangan pa ba talaga nyang sabihin sakin? Wala akong paki alam sa 'kong sino mang tinanggal or pumalit sa mga trabahante sa bahay.

Pero, Fuck! may naka indicate na photo sa email ni mama. Long straight hair, with her gray eyes. Makapal ang kanyang mga natural na kilay at matangos ang ilong. Samahan mo pa ng perpektong mga labi nya na mamula-mula.

Fuck! Seryoso ba talagang maid ang isang 'to? Yun ang tanong ko noong pinadala yun ni mama. At simula noon palagi na akong pinapadalhan ni mama ng mga pictures ni Zella.

Damn! I'm always excited whenever I received an email. At minsan naba-bad trip ako pag hindi galing kay mama ang email. She's fucking too attractive to be our nanny. Not to mention her perfect body figure.

Lumapit sakin si Macsen at inakbayan ako. Habang nasa inumin ko lang nakatutok ang mata ko.

"Mahirap yan dude. Are you falling for her?" Alam mong delikado diba? May misyon pa tayo na kailangang tapusin bago ka makipag relasyon." aniya.

Napaisip ako sa sinabi ni Macsen. Tama naman ang sinabi ng gago. Kahit pasmado ang bibig nito, pero pag sa ganitong usapan. Aminado akong maasahan ito.

"We should finish that fucking mission. I wanted to have a girlfriend and get married..." napabaling kaming lahat kay Mozes.

Sabay sabay kaming humagalpak sa sinabi nya. Hawak namin ang mga tiyan namin dahil sa katatawa.

Simula ng masali kami sa grupo, ni isa samin ay hindi pa nagka girlfriend. All girls we had in US are just fucking bed whores. Parausan kumbaga. Siguro gusto ng magka girlfriend nitong si Mozes.

The fuck?! Same dude! Same! Pero anong pakiki pag relasyon yung sinabi ni Macsen? Wala naman akong sinabi ah, na gusto ko si Zella. I'm just attracted to her, and I wanna fuck her hard 'till she can't walk.

"What can you say Keion? Sa tingin mo may gusto 'tong si Taiden kay Zella or gusto nya lang itong maikama." sabay tawa ng sabay ng mga gago maliban sakin at ni Keion.

Umigting ang aking panga at matalim na tiningnan ang apat. At sabay sabay na natahimik. Huminga ako ng malalim at nagsalita si Keion.

"For now, we should be careful... hindi sila maghihinala dahil kasam-bahay nyo si Zella..." sabay titig nya sakin at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya.

"Pwede lang natin syang kaibiganin." aniya at may halong lungkot sa boses nya. Nagtaka ako, bakit ganun ang tono nya. Baka malungkot lang ang gagong 'to at may pinagdadaanan. But fuck! Now that I'm here, I can't imagine Zella being with other man.

Parang gusto ko na talaga yata ang babaeng yun. Kahit sa mga kaibigan ko, ayokong may tumititig sa kanya! This is insane right? Hindi ko pa nga sya lubusang kilala pero ganito nako. Oo medyo gusto ko nga sya noong nasa US ako.

She's gorgeous, alright? But now, that I saw her in person. My heart beats too fast and its freaking weird! I've never felt this way before in any woman I've fucked.

Well, I haven't fucked her, how much more if I fuck her, right? Umuwi ako sa bahay kasama ang mga limang alipores ko. Dala ang mga kanya kanyang sasakyan namin. Ayoko na sanang dalhin pa 'tong mga gunggong pero mapilit!

Dinahilan pa talaga namin na miss na nila si mama, eh alam ko namang si Zella ang pakay nila.

Like I'm gonna let them lay a hand on her. No fucking way.

Pagpasok namin sa bahay agad bumungad samin si Zella sa sala nagme-meryenda kasama ang isang babae. Suot pa nila uniform nila. Shit. Pati ba naman sa pagsusuot nya ng uniform sobrang ganda niya? It showcased her long white legs. Wala akong pakialam sa katabi nya.

Tiningnan ko ang mga gunggong at isa-isang nagsilapatan kila Zella. Pero ang mga mata ni Zella ay wala sakin?! Tiningnan ko saan patungo ang mga mata nya. Kay Keion. Nag-init bigla ang pisngi ko. At naiinis ako sa titigan ng dalawa kaya nagsalita ako.

"Who is she?" tanong ko sabay tingin ko sa katabi nya. At ngumisi sya sakin. Damn, that smile.

"Ahh... si Suzie nga pala bestfriend ko, kaklase ko din." aniya naglahad naman ng kamay si Suzie sakin at tinanggap ko yun.

"Hi, I'm Suzie..." aniya "Hi, I'm Elton." sabay lahad kamay ng gago.

Tinanggap naman ito ni Suzie. Isa-isa silang nagpakilala, at tatlong gunggong ay hinuhubaran na si Suzie sa mga mata nito. Paglingon ko sa gilid wala na si Zella, kaya umikot ako para hanapin sya. At nakita ko nga syang papunta sa pool kasama si Keion?

Wtf?!

Close na sila? Kailan pa sila naging close? At bakit papunta silang pool? Mag-uusap sila? Anong pag-uusapan nila? Fuck! Ang gagong yun! Balak pa yata akong unahan. Dudurugin ko muna mukha nya bago nya makuha sakin si Zella. Nag-isip ako ng paraan kung paano ko mabubulabog ang dalawa.

"Let's go to the pool." sabi ko sa kanilang lahat at sumunod naman sila. Nadatnan ko ang dalawa na nagtatawanan pa. Umigting ang bagang ko saking nakikita. Agad 'kong tinawag si Zella. 'Kala mo ha, hahayaan kitang makigpag harutan sa gagong yan.

"Zella... kuhanan mo kami ng alak." sabi ko, at tumango sya at mukhang nagpa alam sya kay Keion. Huminga ako ng malalim.

Hindi na pala ako masyadong humihinga sa iritasyong nararamdaman ko. Makakapatay pa yata ako ng kaibigan. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi si Dale. Tiningnan nya ko sa mukha na may pagtataka. Ngumisi ang gago, mukhang nababasa nya yata ang mukha ko at agad umiling.

"Really? Can I get your number Suzie ?" sabay kindat ni Elton dito. Goodluck sayo Suzie, ikakama ka lang ng gagong yan. Pero di ko yun sinabi. Napailing na lng ako. Bumalik si Zella dala ang isang tray na may mga baso, yelo at alak. Nilagay nya ito sa harapan namin. Tumingin sya kay Suzie.

"Suzie, bihis lang ako, ikaw diyan ka lang ba?" aniya.

"No... sasama ako sayo." agad tumayo si Suzie at nagpaalam samin at sumama na kay Zella.

Good. Para hindi ako mairita at baka magharutan na naman kayong dalawa ni Keion.

"Shit! I like Suzie... ang cute nya!" ani Elton.

Lahat naman ng babae sa kanya e cute.

"Wala na bang ibang friends si Zella? Para dito na lang tayo mag date sa bahay nyo dude..." sabay lagok ng alak ni Dale.

"At least safe tayo dito, at madami naman kayong guest rooms kung hindi na talaga kaya..." nagsitawanan at nag apir pa ang mga gago.

"Fuck off... this isn't a hotel..." sabi ko bibigyan nyo pa ng madaming trabaho si Zella pag ginamit nyo ang mga guest rooms namin sa pakikipagtalik! Ang kakapal ng mga gilagid ng gagong 'to.

"I'll ask Zella to bring more babes here, para naman hindi kami ma bored at baka maisipan na namin mag bromance sa sobrang tigang..." ani Mozes.

"Kadiri kang gago ka!" ani Elton at pabiro syang sinuntok. Hindi na 'ko nakinig sa pinag-uusapan nila. Nakatingin ako kay Keion na bahagyang nakangisi kaharap ang phone nya. Sino naman kayang ka text nito at sobrang laki naman yata ng ngisi. Wag mong sabihing si Zella?!

Nagpupuyos ako sa galit sa aking naiisip. Nilagok ko ang aking alak. Ano ba 'tong nangyayari sakin. Hindi naman ako ganito dati.

Girls are just my sex toys. Nothing more, nothing less. But, this is different. She is different. The first time I laid my eyes on her, I knew it, that I want her to be mine. And mine alone!

"What's with the smile? Who were you texting?" ani Macsen kay Keion.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Zella..." simple nyang sagot. Fuck!

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022