Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Others > My beshi is my lover
My beshi is my lover

My beshi is my lover

Author: : WritesHarlie
Genre: Others
Likas na mapang asar ang mga kaibigan ni Eleazar Mateo. Palagi nila itong inaasar na isa itong bakla kaya nung naghamon ng laro si Eleazar sa kanyang mga kaibigan na truth or dare ay hindi nya aakalaing inutusan sya ng mga kaibigan nya na magpanggap na maging isang bakla sa isang buwan. Kakayanin kaya nya? mahihirapan ba sya O ng dahil Sa dare na ito ay makakatagpo sya ng babaeng hindi nya aakalaing mamahalin nya. At hindi nya ren alam kung bakit mas gusto nyang ipagpatuloy ang dare na ito? Para magkalapit sila?

Chapter 1 Mr. Napqueen

Saan nga ba kami nagsimulang nagkakilala? Natutuwa akong tuwing maalala ko iyong panahon na nagsimulang naging beshi kami.

"Pwedeng beshi na tayo?" tanong nya.

Ako naman ay nagdadalawang isip dahil balak ko ng hindi ituloy ang dare na ito.

Imbes 'hindi' ang isagot ko ay...

"Segi ba! beshi na tayo."

At hindi ko aakalaing ng dahil sa dare ng mga kaibigan ko sa akin na mag bakla baklaan ay mapamahal ako sa isang babaeng inaakalang tunay na bakla ako at itinuring na beshi nya lang. But for me, my beshi is my lover.

Mahal ko ang beshi ko.

NAGISING ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng kwarto ko.

"Napkin! Gumising kana iho!"

Halos malukot na yung mukha ko dahil sa lakas ng sigaw ni manang sa labas.

"Napkin! gumising ka na! naghihintay yung mga kaibigan mo iho!"

Tinakpan ko ng unan yung mukha dahil naiinis na ako.

"Hoy napkin! gising na! alas syete na oy!"

Inis akong bumangon at pumunta sa may pinto bago ito binuksan.

Tumambad sa akin ang nakataas na kilay ni manang.

Napabusangot naman ako at napadyak padyak.

"Manang shi naman eh, wag mo nga po akong tawaging napqueen! pwe! ang panget pakinggan ehh!" sabi ko na mangiyakngiyak habang nagpadyak padyak na parang bata.

Tinawanan lang naman ako ni manang shi kaya hindi na maipinta ang mukha ko.

"Ha.ha.ha! ano ka ba iho. Parang hindi ka na sanay na tinatawag ka ng ganyan" tumatawang sabi nya

"Manang naman, sa gwapo kong ito? tapos napqueen or whatever kung ano yun. Ah basta! Ang gwapo ko tapos yun lang ang itatawag nyo sa akin!nah! hindi bagay para sa akin"

"Napkin, iho. Hindi napqueen aba'y ginawa mo naman reyna iyon Ha.ha." tumatawang sabi nya.

Hindi na talaga maipinta ang mukha ko!

"Oh sya! ako'y aalis muna dahil pupunta pa ako ng palengke. Ginising lang talaga kita dahil nandyan yung mga kaibigan mo" saad nya

"Okay po. Ingat po kayo manang" sabi ko at humalik sa pisnge nya.

Hindi paren maipinta ang mukha ko kahit nakaalis na si manang.

Sinirado ko ang pinto at bumalik sa kama bago humiga.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Napqueen. The heck!

"ANONG ginagawa ninyo dito?" inis na sabi ko habang pababa ng hagdan.

Nakita ko agad ang mga mukha ng mga lapastangan kung mga kaibigan.

Tumawa naman si Elias at hindi makapaniwalang tumayo.

"Ohhhhh... Eleazar. Eleazar! Anong etsura yan?! Hahaha ang panget mo!"

Asar naman akong tumingin sa kanya bago umupo katabi kay Elijah.

Tinignan ko naman sya, nakangite ito habang nagsicellphone. Hindi ko na kailangan magtanong kung bakit nakangite ang isang to.

Babae. I mean, Mga babae nya

Tsk!

"Baka matunaw yan ah"

Nabaling ang tingin ko kay Elias ng magsalita ito.

Sinamaan ko naman ito ng tingin bago ulit tumingin kay Elijah para sana tumingin kung sino ang ka chat nya pero pagtingin ko sa kanya ay nakangise na ito sa akin.

Mas lalo namang sumama ang mukha ko dahil sa pagngise nya sa akin.

"Ano bro? Huwag mong sabihin na gusto muna ako? Sinasabi ko na nga ba! Bakla ka ta---"

Sinuntok ko ito sa braso para matigil sya sa kahibangan nya.

"Okay naman sana kung bakla ka eh kaso mag pinsan kayo Kaya hindi kayo Pwede Hahahaa"

Tumingin ako kay Elias ng sumabat ito habang tumatawa pa ang loko.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Loko to ah?

"Baka maghanap ka ng iba jan ah. Basta huwag lang si Elias dahil pinsan mo ren yan Hahaha. Dun ka maghanap sa Bar. 150 lang gagastuhin mo Hahaha"

Napabusangot nalang ako bago inis na tumayo.

"Kung nagpunta lang kayo dito para asarin ako! Huwag na kayong bumalik!" inis na sabi ko at pumunta ng Kusena.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

"Yaya, Ano pong pagkain ang hinanda nyo?" tanong ko kay Yaya Menda.

Naabutan ko kasi itong umiinom ng tubig dito.

Nakita kong nabigla sya sa pagsulpot ko.

"Oh ikaw pala, Napkin iho. Umupo kalang jan at ipaghahanda kita ng almusal."

Napabusangot naman ako at umupo.

Bakit ba Napqueen ang tawag nila sa akin?

Maya maya ay inilapag nya na ang makakain ko.

Hotdog pero hindi mainit at Pretong itlog ang hinanda nya.

"Yaya bakit hindi mainit yung Hotdog?" tanong ko sa kanya.

Kaya nga Hotdog dahil dapat mainit.

Dapat ColdDog.

Nangunot bigla ang noo dahil sa biglaang pumasok sa utak ko.

Seriously? ColdDog? Parang Iba naman Yung term sa pagkakasabi ko. Hindi Naman sya Cold na Parang galing Ref. Yung malamig Lang na Hotdog kase Hindi mainit! Ganon. Whatever! Nakakalito!

"Ah hindi na talaga yan mainit ijo. Kanina pa yan niluto ni Manang Shi" sabi nya

"Oh sege maiwan mo na kita jan. Ako'y maglilinis pa" dag dag na sabi nya.

"Okay po" sabi ko nalang at nagsimulang kumain.

"Nakakatampo naman hindi mo man lang kami inayang kumain" napatingin ako sa taong pumasok sa kusena.

Si Elias kasunod nya ay si Elijah.

"Tsk!"

Pinagtuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi sila pinansin.

Naramdaman ko ang pag upo nila pero bago yun ay nakita ko pang kumuha sila ng plato.

"Kahit hindi mo kami inaya ay kakain pa ren kami" nakangesing sabi Elijah

"Makapal kasi Face mo" saad naman ni Elias.

Nangunot naman ang noo ko.

"Eh bakit nakikain ka ren dito?" tanong ko

Tinawanan nya lang ako at nagsimula ng kumain.

"By the way. Nasan pala si Eleanor?" tanong ko kahit alam ko na ang dahilan.

"Hahaha Saan pa Ede nangbaba----"

Naputol ang sinasabi nya ng biglang sumigaw si Mom habang papasok sa kusena.

"Eleazar! Nasaan yung Napkin ko?! Nakita mo b--Ayy nandyan pala kayo! ." sabi nya ng makita sila Elias at Elijah.

Napabusangot naman ako.

"Hi Tita" bati nilang dalawa kay Mom.

Ngumite lang si Mommy sa kanila at lumapit agad sa akin.

"Eleazar. Nakita mo ba ang napkin na pinabili ko kay manang kahapon?"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil sa malakas ang pagkakasabi nya nun.

Napansin ko pa ang pagpipigil ng tawa ng dalawa.

"Mom naman, Bakit po ako yung tinatanong nyo ng ganyan? Malay ko po ba kung saan na yun" sabi ko ng hindi maipinta ang mukha.

Napanguso naman ito.

"Ehhh.. Sino pa ba ang kilala ko na kumukuha ng Napkin ko kundi ikaw lang naman hihihi" nakangiteng sabi nya na tila masaya pa.

Tumawa naman yung dalawa.

"Hahaha! Tama talaga ang hinala ko Hahaha"

Napatingin ako kay Elias ng malakas itong tumawa habang nakahawak pa sa tyan nya.

"Kaya nga Napkin yung nickname mo diba? Kasi nung bata ka pa ikaw palagi ang kumukuha ng Napkin ko Hihih--Oh saan ka pupunta anak? Tapos ka na bang kumain?"

Agad akong tumayo para bumalik sa kwarto. Nawalan yata ako ng gana.

Narinig ko pa ang pagtawa ng Dalawa.

" Hahaha F*ck! Mr. Napkin! " rinig ko pang sabi ni Elijah sabayan mo pa ang pagtawa nya.

Napqueen! Napqueen! D*mn it! Kainis!

Chapter 2 Truth or Dare

Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis na ako.

Naligo kasi ako kaagad matapos yung nangyare kanina sa kusina.

Naiinis talaga ako dahil sa pagtawag nila sa akin ng Napqueen.

Basta sa pagkakaalala ko simula nung nagkaisip na ako sa mundo ay napqueen na ang tawag nila sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero sinasabi nila sa akin na nilalaro ko daw yung Napqueen ni Mom noon.

At nakakainis pa yung ipapaalala nila sa akin na Mensan ko na daw nilagay iyon sa Brief ko dahil daw seguro na curious ako kung bakit ginagamit iyon ni Mom.

Kaya yung mga tao dito sa amin ay Napqueen ang tawag sa akin.

Palagi pa nila akong inaasar kaya mensan pag-gising ko palang ay badmood na ako. Isama mo pa si manang na palagi akong ginigising sa Umaga tapos itatawag akong Napqueen kaya ayun badmood na talaga ako.

Pero kahit na ganon syempre mahal ko sila kahit na nakakainis.

Simpleng T-shirt at Short na hanggang tuhod lang ang sinuot ko.

Sinuklay ko ay buhok ko.

Nag Pogi sign pa ako sa Harap ng salamin bago Lumabas ng Kwarto.

May nadadaanan pa akong mga katulong na binabati ako na nginingitian ko lang naman.

Pababa pa lang ako ng Hagdan ay rinig ko na ang tawanan na nagmumula sa Sala.

Pagpuntan ko sa Sala ay naabutan ko sila mom at dad, pati na ren yung Dalawa kasama na si Eleanor.

Napangiwi ako ng may makitang marka ng lipstick sa ilalim ng tenga nya.

Hindi man lang nag ayos bago pumunta dito.

"Oh Napkin ijo, nandito ka na pala. Tapos ka ng mag almusal?"

Isa ren itong si Dad. NakikiNapqueen ren.

Walang gana akong Tumango sa kanya.

"Oh? Bakit ganyan yung mukha mo? Hahaha" tanong nya pa habang tumatawa.

"Bakit Tito? Anong Tingin mo sa mukha nya Hahaha?" saad naman ni Elias.

"Gwapo pa ren naman...." sabi nya na ikinangite ko.

Aba! Totoo naman talaga. Ang pogi ko tapos.. tapos.. Tatawagin lang akong Napquee----

"... Mukha lang ewan Hahaha"

Sumimangot nalang ako sa sinabi nya.

Tinawanan naman ako ng Tatlo pati na ren si mom.

Masaya pa talaga sila ah?

"Haha Nagbibiro lang ako. Anyway may lakad ba kayo ngayon?" tanong nya at tumingin sa Tatlo.

"Tatambay lang po muna kami dito Tito. Hahaha Nakakarindi ang boses ni Tikbalang duon sa bahay Hahaha" sabi ni Elias.

Ang tinutukoy nya na Tikbalang ay Yung Ate nyang masungit at istrikto.

Tumawa naman si Dad sa narinig maski naman ako.

Palagi kasi siyang pinapagalitan noon.

"Oh Sege maiwan mona namin kayo. Gagawa pa kami ng Baby ni Hon Hahaha" sabi ni Dad habang tumatawa at binuhat si Mom.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Dad!" inis na sabi ko.

Grabe naisipan pa talaga nilang gumawa ng Baby kung kaylan malaki na ako.

Tinawanan nya lang ako at umakyat sa taas habang buhat buhat kay Mom.

Si Mom pabebe at halatang kinikilig pa.

Akala ko ba May period sya ngayon?

Napangiwi ako sa inasta nila.

Napatingin ako sa mg kaibigan na pinsan ko na tumatawa.

"Hahaha Ibang klase talaga si Tito" si Elijah

"Galingan mo Tito ah?! " pahabol na sigaw ni Eleanor.

Tinignan ko ulit sila dad pero hindi ko na sila makita.

Seryoso talaga sila? Magkakaanak pa kaya sila sa edad nilang yan?

Tumingin ako ulit sa mga kaibigan ko.

"Hoy! Anong ginagawa nyo dito?" inis na tanong ko sa kanila

"Grabe ah? Kanina pa kami nandito tapos itatanong mo pa kami ng Ganyan?" sabi ni Elias.

"Tsk!" umupo ako sa tabi ni Eleanor.

Ngumise ako sa kanya.

"Ibang klase ka ah? Hindi ka man lang nahiya. May marka pa ng lipstick oh. Hindi halatang nangbabae ka" asik ko sa kanya.

Tumawa naman ang Loko.

"Inggit ka lang. Shit! Naalala ko naman ang katalik ko kanina. Ang ganda nya Bro! Sexy! Pagnakita nyo yun! Maglalaway kayo sa pagnanasa Haha" sabi nya pa habang tumatawa.

Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Ako maiinggit? Sa gwapo kong ito? In your Dreams!" maypagkayabang kung sabi.

"O sege na hahayaan na kitang managinip Basta Bro! Ang ganda talaga nung babae na yon. Sa susunod e reto kita sa kanya"

Sinamaan ko sya ng tingin

"Bakit mo naman e-rereto sa akin? Hindi ko jojowain ang Malandi at Hindi na Virgin" nandidiri kung sabi

"Arte nito! Pero jojowain mo lang naman sa kama Ba hahahaha!" tumatawang sabi nya

"Pag maganda talaga. Sa akin mo nalang ibalato Bro!" sabi ni Elias.

Napangiwi ako sa kanila.

For sure ren naman ako na yung babaeng tinutukoy nila ay malandi. Hindi naman sila pumapatol kung hindi gusto ng babae. Bale babae na lumalapit sa kanila.

Hindi ko gawain ang mangkama ng iba't ibang babae. Mensan ko lang yan nagawa nung nagka girlfriend ako noon. Isa palang ang naging Girlfriend ko pero niloko pa ren ako.

Ang habol nya lang sa akin ay Pera. May nangyare sa amin nung nalasing ako, Hindi naman masyadong lasing pero inakit nya kase ako kaya hindi ko na mapigilan. Yun pala ang plano nya. Pagkatapos ng may nangyari sa amin Paggising ko ay wala na sya umalis na. Kinuha nya ren yung mga Pera na tinago ko. Sya at ako lang kasi ang nakakaalam kung saan ko yun nilgay.

Matapos noon hindi ko na sya nakita pa.

Segurado ren ako na walang mabubuo. Naalala ko na gumamit ako ng Protection. Kahit na sya ang nakauna sa akin. Meron naman ako palagi nun sa Condo ko dahil loko ren kasi si Eleanor sya ang nagbigay sa akin nun para daw pag maynangyare sa amin gamitan ko daw ng ganoon.

"Nakakadiri kayo! Pwede namang humanap ng ibang babae hindi dun sa ginalaw na ni Eleanor. Yuck!" saad ni Elijah.

Isa ren ito. Babaero pero Virgin pa. Hanggang halik lang ang kaya.

May naisip akong kalokohan kaya napangise ako.

"Laro tayo" biglaang sabi ko

Nangunot naman ang noo nila

"Seryoso? Ang laki laki mo na yan. Laro pa ren iniisip mo. Wala to bro! Bakla yata eto eh"

Sinamaan ko ng tingin si Elias.

"Baka makikipaglaro sa kama Hahaha Naku tol! Hindi tayo taloo! Hahaha" sabat naman ni Eleanor

Kahit kailan talaga!

"Truth or Dare! Kahit malaki na pwede pangmaglaro nyan! Iba kase iniisip nyo eh" inis na sabi ko

Napangise naman si Eleanor.

"Sege! Game ako!"

"Ako ren!"

"Ge!"

Kinuha ko yung nakita kung bote ng softdrink.

"Game?" nakangesi kong sabi.

Tumango ren sila.

Inikot ko na ang Bote. Tumapat iyon kay Elijah.

Nagtaka ako ng Tumawa si Eleanor.

"Hoy! Huwag kang tumawa ng Ganyan! Nakakakilabot!" inis na sabi ko sa kanya.

Tumigil naman sya sa pagtawa.

"Wow ah?"

"Tsk!"

"Ako na ang magtatanong" nakangiseng sabi nya.

Nyeta! Mukha syang ad*k sa ngise nya!

Ako sana ang magtatanong eh!

Napakamot naman sa batok si Elijah

"Huwag ka ngang ngumise ng ganyan! Nakaktakot ka tol!"

Napangiwi naman si Eleanor bago tumawa.

Baliw na yata to!

"Truth or Dare!?"

Nagdadalawang isip pa sya bago sumagot pero maya maya ay Dare ang pinili nya.

"Okay ang Dare ko sayo. Hahaha Dahil Virgin Ka pa Hahaha Ang dare ko sayo humanap ka ng maikakama mo" nakangiseng sabi nya.

Yan ren ang naisip ko kanina Haha.

Lumaki naman ang mata ni Elijah.

"Loko! Bahala ka jan! No way!" agad na angal nya.

"Nge! Huwag ka ng maarte jan! Bakla ka yata eh!"

Napatawa naman ako ng mahina.

"Of course im not!" inis na sabi nya.

"Oh eh bakit hindi mo kaya?" tanong ni Elias

"Because... Because... Damn it! You know the reason already But Fine! Okay! Gagawin ko!" inis nyang ginulo ang buhok nya

Tumawa naman ang Dalawa

"Sabi mo yan ah?" si Eleanor

"Yeah. But not now, May--Maybe Tomorrow Arrghh!"

"Sege bukas na bukas dapat" nakangiseng sabi ni Eleanor.

Inikot ko uli ito at saktong kay Elias iyon tumapat.

"Ako na ang magtatanong" sabi agad ni Elijah

"Truth or Dare?"

"Oy bro! Wala akong sinabing bakla ka ah? Si Eleanor ang nagsabi nun kaya wag kang magkakamaling----"

"Ang dami mong sinasabi! Ikaw yata ang bakla sa atin eh!"

Nanlaki naman ang mata ni Elias sa sinabi ni Elijah.

"Hoy hindi ako bakla ah? Baka ikaw yun!" agad na angal nya

"Oh eh bakit parang natatakot ka? Hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko Umangal ka agad!" inis na sabi ni Elijah.

Hahaha Seguro naiinis na ito.

Napakamot naman sa buhok si Elias.

"Hindi ako natatakot nuh! Pwedeng naninigurado lang? Tsk!" asik nya.

"Nye. Nye. Nye. Nye! Truth or dare?" inis na sabi ni Elijah.

Nagdadalawang isip pa sya.

"Hoy! Bilisan mo!"

"Hindi makahintay? Wait lang nagugulahan pa ako eh pero dahil nagmamadali ka Sege na nga Truth na--Ay Hindi Dare nalang baka ano pa itanong mo nuh!"

"Tsk! Ang raming sinasabi"

Pagkasabi nya nun ay sumilay ang ngise sa labi nya.

Nyeta isa ren to mukhang ewan.

"Nyayyy! Walang ganyanan tol! Para ka na mang ad*k!"

Sinaman nya naman ng tingin si Elias.

"Maka ad*k ka ah? Sa gwapo kong ito Sasabihan mo lang ng Adik? Tsk! So ang dare ko sayo heheHahaha-----Akala nyo kayo lang magaling ah.. Hahaha Ang dare ko sayo ay Sagut sagutin mo ang ate mo ng mga ikakagalit nya Hahaha"

At pagkatapos nun tawa ng tawa na sya. Ang babaw ng kasiyahan nitong lalaking to.

Hahaha kahit naman ako ay natatawa. Alam kong hindi nya pa nasagot sagot yong ate nya kung pinapagalitan sya. Hahaha pero putik! Mas natawa ako sa etsura ni Elijah Hahaha loko grabe makatawa nito.

"Tumigil ka nga sa kakatawa mo Elijah! Nakakarindi! At nagsasayang ka lang ng Oras sa kakatawa mo jan Dahil hindi ko pa ren naman gagawin ang dare nayan"

At ayun na nga dun na sya tumigil sa kakatawa matapos ng sinabi ni Elias.

"Abn*rmal ka pala tol? Tatawa ako dito tapos hindi mo pala gagawin?" maypagkainis na sabi nya.

Tumawa naman si Elias

"Bahala ka jan Haha---"

"Hep! Hep! Hep! Oy! Abay hindi yon Pwede Brad! At huwag ka ng tumawa! Gagawin mo yon nuh!" madiin na sabi ko at nilapit ang mukha sa kanya.

Agad naman nyang iniwas ang mukha ko sa kanya at nandidiring tumingin sa akin.

"Huwag mo ngang ilapit sa akin yung Mukha mo! Nakakasuka!"

Tinignan ko naman sya ng masama.

"Ah! Basta! Gagawin mo yon nuh! Wala ng bawian!"

"Ayaw ko ng--"

"Oo nga baman bro! Dapat gawin mo yon wala ng bawian. Ikaw talaga ang bakla sa atin eh. Kalalaki mong tao natatakot ka sa ate mo Hahaha" pagsisingit naman ni Eleanor.

Hindi naman maipinta yung mukha nya.

"Bro? Nag-iisip ka ba? Pag ginawa ko yon baka palayasin ako nung Dragon na yun. Aba saan ako titira?"

Napatawa ako ng mahina dahil sa etsura nya.

"Hahaha Problema mo na yon, dapat videohan mo ha? Para makita namin paano mag apoy sa galit yung Ate mo Hahahaha" si Eleanor

"Pati akin videohan ko ren?"

Napatingin ako kay Elijah ng magtanong ito na parang hindi nag-iisip.

Abn*rmal yata to.

"Sege Videohan mo para e post ko sa Social media. Boom! Viral Scandal ka agad!"

Napakamot naman sya sa buhok nya.

"Gagawin mo yon? I post mo sa Social media? Grabe ka naman parang hindi tayo mag kaibigan" nakangusong sabi nya.

"Ano ba kaseng klaseng tanong yan. Syempre dahil kaibigan kita hindi ko yun gagawin. Pero Malay mo diba may kumuha nung Video tapos nabalitaan mo nalang na Viral kana. Isip gamitin bah!" inis na sabi ko.

"Ehhh--"

"Hoy! Pwede ba ituloy na natin ang paglalaro! Ang rami nyong sinasabi!"

Sinamaan ko ng tingin si Eleanor.

Inikot ko ulit ang bote. Mensan ay kay Elias tumatapat pero dahil napag-usapan namin na hindi na pwede yung tapos na kaya panay ang pag ikot ko sa bote.

Hanggang kay Eleanor na iyon tumapat.

Napangise naman ako.

"Ako na ang magtatanong"

Tumingin naman sya sa akin na parang chill na chill lang.

"Truth or Dare?"

"Dare na lang Hahaha para challenging"

Mayabang ka ah?

"Okay so Ang dare ko sayo ay..."

Tinignan ko sya ng Seryoso.

"Magpapahinga ka muna sa pangbabae mo sa isang buwan dahil pansin ko sumusubra kana......"

Pagkatapos ay malakas akong tumawa.

"Hahaha Ano kaya mo ba?" natatawang tanong ko sa kanya na ngayon nabigla sa sinabi ko.

"Wag ganon pre!"

Napatawa naman ako sa kanya.

"Hahaha sabi mo wala ng bawian Hahaha" si Elias.

Napabusangot naman sya.

"Okay fine! Pero ikaw na sunod Eleazar! At ako ang magtatanong sayo!"

Napalunok naman ako ng laway.

Shit! May binabalak yata to.

"Hoy! Wala pa nga! Iikotin ko pa lang yung bute---"

"Hindi na! Hindi na kaylangan. Ikaw na lang den naman ang pang huli eh!"

"So Ang dare ko say---"

Agad kung pinutol ang sasabihin nya.

"Hindi ka pa nga nagtanong!"

Agad naman umangal yung tatlo.

"Wag na. Dare na agad para same lang tayo"

"Oo nga, Wag ng pakipot jan! Nababakla ka na naman eh"

Agad ko namang sinamaan ng tingin si Elias dahil sa pagsabi nya sa akin ng nababakla na ako.

"Hoy! Hindi ako bakla at patutunayan ko yan! Sege dare nalang. Yung challenging ha?!"

May pagkayabang kung sabi.

Tumawa naman si Eleanor.

"Talagang machachallenge ka dito pre Hahahaha"

Sa tawa nya palang halatang may binabalak na.

"Okay....... I dare you na Magpanggap bilang isang bakla SA ISANG BUWAN! Hahahaha"

What the h*ll?!

Chapter 3 Hi beshi!

Dinilat ko ang mga Mata ko at agad na bumangon.

Gagawin ko ba Talaga Yung dare na yun?

Napabusangot Naman Ako.

Humiga ulit Ako sa kama at pumikit.

Sabi nila bukas daw namin sisimulan yung dare.

At Hindi ko Alam kung Kaya ko bang magpanggap na bakla.

Kinabukasan ay nagising Ako dahil sa ingay ni manang sa labas.

"Napkin ijo! Gising na! Alas syete na aba'y Hindi ka pa nag aalmusal! Napkinnnn!!!"

Ayan na Naman sya.

"Andyan na manang..." Inaantok na Sabi ko habang nakapikit.

"Ano?!"

Napakamot Naman Ako sa buhok ko.

"Andyan na po....!" This time ay nilakasan ko Ang boses ko.

"Anong nandyan na? Eh bakit nakahiga ka pa Jan?!"

Napatingin Ako sa pinto ng pumasok si manang na napakamewang.

"Hoy gising na ijo! Sabi ng Mommy mo kumain ka sa tamang oras! Ang payat payat mo na! Nagmukha ka ng kalansay!"

Napabusangot Naman ako.

"Manang Naman..."

May sinasabi pa Ito na Hindi ko maintindihan dahil sa inaantok pa talag ako.

"Hay.. nakung Bata ka. Maya-maya ay bumaba ka ha?" Huling Sabi nya.

Narinig ko pa Ang pag bukas at pagsira ng pinto.

Kalaunan ay nawala na ang antok ko Kaya bumangon na ako.

Naligo. Nag toothbrush. Nagbihis. Nagsuklay. Nagpapogi sign sa harap ng salamin.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusena.

Naabutan ko si manang na may nilalagay na pagkain sa lamesa.

"Oh mabuti at naisipan mo pang bumaba dito..."

Napabusangot ako sa sinabi nya.

"Oh nagluto ako ng gulay, Huwag kang puro karne Ang kinakain!" Sabi nya at nilagay sa lamesa Yung sinasabi nya.

Nangunot Ang noo ko sa Nakita.

"Manang ano yan?"

"Gulay yan. Sinabaw na gulay, Law-oy Ang tinatawag Jan sa Lugar namin." Saad nya.

"Oh sege, kumain ka na. Masarap Naman yan." Dagdag na Sabi nya.

Tumango Naman ako sa kanya.

Nagsimula na akong kumain.

Mmmm masarap Naman pala.

Kinapa ko Ang bulsa ko para kunin Ang cellphone dahil nag ring Ito.

"Oh?" Sabi ko kay Eleanor ng tumawag Ito.

"Ready ka na ba?"

Na asar Naman ako sa sinabi nya.

"Yun Lang Ang sasabihin mo Kaya ka tumawag?" Inis na Sabi ko.

Narinig ko Naman Ang pagtawa nya.

"Hahaha Relax Lang. Pinapaalala Lang kita at mamaya pa Naman mo sisimulan yung dare mo Hahaha kita kita lang tayo sa tambayan natin. Kailangan may maTarget kang Fafa----"

Pinatay ko agad Yung tawag.

Lokong yun.

Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom ng tubig.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko.

"Manang Pupunta ako ng mall ngayon baka meron kayong gusto ipapabili?"

Humarap Naman Ito sa akin. Naghuhugas kasi Ito ng mga pinggan.

"Ay Oo. Nagpapabili kasi Yung anak ko ng mga Laruan. Ikaw na bahala mamili kung anong klaseng Laruan ba yan. Basta pang lalaki ah?"

Kinuha nya Yung mga pinagkainan ko.

"Pwede Barbie nalang?"

Tumaas Naman Ang kilay nya.

"Ikaw talagang Bata ka. Sege na umalis kana..."

"At Hindi bakla ang anak ko"

Dagdag nyang Sabi.

Tumawa Naman ako.

"Sege Manang. Aakyat muna ako sa kwarto dahil maykukunin lang"

Hindi ko na hinintay Ang pagsagot nito dahil agad na akong umakyat sa taas.

Pagdating ko ng kwarto ay nagsipilyo muna ako.

Hindi na ako nag bihis.

Kinuha ko lang yung wallet ko at Yung Susi ng kotse bago bumaba.

Hindi ko na naabutan si manang pagbaba ko Kaya dumiretso na ako kung Saan Yung kotse.

"Pogi nyo ngayon sir ah?"

Napatingin ako sa nagsalita.

So kuya dodong pala.

Ngumite Naman ako sa kanya.

"Syempre! Hahaha pareho tayo eh"

Nakitawa na Ren sya.

"Saan pala Ang punta mo sir? Ihahatid nalang kita"

Agad Naman akong umiling.

"Ako nalang kuya dodong Haha sege po aalis na ako"

Ngumite nalang sya. Ako Naman ay pumasok na sa kotse.

Nasa Parkit Lot na ako ng mall. Nandito pa Ren ako sa loob ng kotse.

Nagsuot muna ako ng Facemask dahil baka maraming mapatingin sa akin dahil sa kagwapohan ko.

Lumabas na ako at dumiretso sa entrance ng mall.

Pagpasok ko ay malamig dahil syempre may Aircon.

Punta muna ako sa bandang merong mga laruan.

Hindi pala ako nakahingi ng Pera Kay manang kanina pero Okay lang ako nalang Ang magbabayad para sa laruan na Ito. Gift ko na ren sa kanila.

Napangisi ako ng may makitang Barbie Doll Kaya lumapit ako dito.

Yun na lang Kaya Ang bilhin ko? Hahahaha

"Bakla ka ba kuya?"

Tumingin ako sa katabi ko ng nagsalita Ito.

What the h*ll? Ako bakl--

Natigil Yung sinasabi ng isip ko ng mapagmasdan ko Ang kanyang mukha.

Ang Ganda nya.

Mukha syang anghel. Curly hair na kulay Brown na hanggang bewang nya. Yung ilong nya ay Hindi matangos pero ang cute pagmasdan. Mahaba Ren Ang pilik Mata nya at makakapal na kilay. Napatingin ako sa labi nya.

Shit. Ang sarap halikan.

Hindi sya maitim. Hindi Ren sya masyadong maputi.

Basta Ang Ganda nya.

"Oy Kuya!"

Napakurapkurap ako.

Alanganin akong napangite kahit Hindi nya nakikita dahil naka Facemask ako.

"A-h haha W-what did y-you say?"

Sh*t! Bakit ba ako nauutal.

Ngumite Naman sya na nakapagbilis ng tibok ng Puso ko.

Ang Gandaaa nyaaa...

"Hehe Sabi ko Kung Bakla ka ba? Para Beshi na tayo hihi"

Until unting nawala Ang ngite ko sa sinabi nya.

Sumimangot Naman ako.

Tss.. Bakla?

"Mukha ba akong bakla?"

Gusto ko mang pigilan pero may inis sa pagkakasabi ko nun.

Nabigla Naman sya.

"Ay sorry po. Akala ko kasi Bakla ka. Nakikita ko kasi na interesado ka sa Barbie doll na yan at Hihi Gusto ko kasi nagkaroon ng Beshi"

Napalalim Naman Ang paghinga ko.

Mukhang naramdaman nya Naman Ito.

"Hala Sorry po talaga kuya. Hindi ko Naman po sinasadya eh"

Napatingin ako sa kanya ng mangiyak ngiyak na Ito Kaya nataranta ako.

Dahil sa taranta ay nayakap ko Ito.

"Okay lang baby girl Hindi Naman ako galit. Huwag ka ng umiyak" pagpapatahan ko sa kanya. Bahagya ko pang hinaplos Ang buhok nya.

Kumalas na man Ito sa yakap ko.

Tss.. Nag enjoy pa ako eh.

"Talaga?" Masayang Sabi nya kaya tumango ako.

"Oo Kaya Huwag ka ng umiyak"

Nagtaka ako ng umiling Ito.

"Hihi Hindi Naman talaga ako Umiiyak kuya. Sabi kasi ng Itay ko pag pinapagalitan ako ay Umakto akong naiiyak para Hindi na ako pagalitan dahil Ang cute ko raw pag ganon hihi Oh diba Ang galing magturo ni Itay sa akin"

Napangiwi ako sa sinabi nya.

Ibang klase pala Ang Itay nya Kung ganon.

"Ahmm Kuya, Bibilhin nyo po ba yang Barbie doll?"

Umiling Naman ako bago inilapit sa kanya.

"Gusto mo? Ako nalang Ang magbabayad para sayo."

Alok ko dito sa kanya

Nagulat Naman sya at umiiling iling.

"Naku! Ako nalang po ang magbabayad. Nakakahiya Naman sayo Kuya"

"No. Ako nalang para maalala mo ako paghawak mo yan palagi" nakangiteng Sabi ko

Nangunot Naman Ang noo nya.

"Bakit kuya? Mamamatay ka na ba? Hala Oh my Gosh! Okay kalang po ba kuya? May masakit ba sayo? Tatawag na ba ako ng hospita--I mean idadala na ba kita sa Hospital?"

Napangiwi ako sa mga sinasabi nya at napakamot sa buhok.

Para Naman akong Tanga na alanganin ngumite.

"A-ah No. I mean, okay lang ako hehe"

Nakahinga Naman sya ng maluwag.

"Akala ko Kung ano na Ang nangyari sayo. Okay ka Naman pala hihi kinabahan ako baka Hindi matuloy yung ikaw Ang mag bayad nito hihihi Oh ano kuya diba ikaw Yung magbabayad nito? Dali dun tayoo ohh"

Mensan weirdo itong babaeng to.

Sinabi ko sa kanya na isasabay ko nalang yung pinabili ni manang na mga laruan pagkatapos ay binayaran na namin Yun.

Panay pa Ang pagkwento nya habang pumipila kami dahil marami kasi Ang mga tao ngayon.

Ang daldal nya Hahaha.

Kwenento nya nga sa akin Yung Itay daw nya na palaging nagpapasakit sa ulo nya dahil sa katigasan at pasaway daw hahaha.

Nagtaka Ren sya Kung bakit nakaFacemask ako Hahaha.

Ngayon Malapit na kami sa Exit ng mall.

Ngayon ko lang naalala na kanina pa kami nag uusap pero Hindi pa namin Alam Ang pangalan ng isa't Isa.

Tatanongin ko na Sana sya Kung anong name nya ng tumunog Ang Cellphone nya.

"Hello Tay? Nandito pa ako sa mall! Hindi po Ball! Mall po! Nandito ako sa mall ba! Opo! Uminom ka na ng Gamot? Ano? Baka nandyan lang sa tabi tabi! Hanapin nyo nalang jan. Ang Sabi ko HaNAPIN Nyo nalang JAN.. Ahh Segi po Uuwi na lang ako ngayon Jan. Sabi ko Uuwi na ako JAN.. Segi bye na!"

May pagkadiin Sabi nya kaya kunot noo ko syang pinagmasdan. Hindi naman pagalit Ang pagkakasabi nya nun. Seguro Hindi klaro Yung linya

Ngumite naman ako ng humarap sya sa akin.

"Ah- ah kuya hihi Una na po ako ah? Kailangan ng uminom ng Gamot si Itay pero Hindi nya Makita kaya hahanapin ko pa Hihihi Sige bye Beshiii!"

Magsasalita Sana ako pero mabilis syang tumakbo.

Pero napangite ako NG lumingon Ito sa akin. Akala ko Kung ano pero Yun pala....

"Bye! bye! Beshi ko!" Nakangiteng Sabi nya habang kumakaway bago tumalikod.

Beshi? Tsss

Hindi ko man lang natanong Ang pangalan! Ang Hina mo na talaga Eleazar!

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022