Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > My Pervert Husband is a boss
My Pervert Husband is a boss

My Pervert Husband is a boss

Author: : Cutie_sell08
Genre: Romance
Para kay Xian Leem. Ang salitang patawad ay sobrang sagrado para sa kaniya dahil ang dahilan ng kapatawaran ay kailangan niyang marinig mismo sa babaeng matagal na niyang hinahanap. At sa hindi inaasahang pagtatagpo ay magkikita sila ni Katharine Orteza. Isang matapang at pursigidong babae. Ang kanilang pagtatapo ay hind naging maganda dahil sa pagiging Pervert ni Xian Leem. Nakakapagtaka rin dahil hindi naman niya kilala si Katharine Orteza pero nang makita niya ito at mahawakan ang p'wetan ay talagang hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili at inangkin niya ito.

Chapter 1 Prologue

LAKAD AT TAKBO na ang ginawa ko para maabutan lang 'yong bus. Nakipagsiksikan na rin ako para hindi ako mapag-iwanan.

Tumunog 'yong phone ko sanhi na may tumatawag, at nang makita kong si Mama ang nasa caller ay agad kong sinagot 'yon.

"Hello po, 'Ma? Papasakay pa lang po ng bus. Opo, mag-iingat po ako. I love you, too!" mabilis kong ibinulsa ang cellphone ko. Handa na ulit akong makipagsiksikan nang mapansin kong tanggal pala ang sintas ng sapatos ko.

Ibinaba ko muna sandali ang mga hawak kong paper bags sa isang tabi 'tsaka lamang ako yumuko para isintas ang sapatos ko.

Naisintas ko nang mabilisan ang isang sapatos ko. Isusunod ko na sana ang kabila pang sapatos para isintas nang may pumisil sa p'witan ko. Nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa gulat. Mabilis akong bumaling sa likuran para makita ko kung sino ang g*gong pumisil sa p'wit ko.

Pero nang lumingon ako ay may nakita akong dalawang babae sa tabi ko, isa sa harapan at may nag-iisang lalaking nakatayo sa may bandang likuran ko at siya ang pinang hihinalaan kong humawak sa puwit ko.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinugod ko agad siya ng suntok sa mukha. Halatang nagulat siya sa biglaan kong pag sugod sa kaniya. Ngayon ay nakahawak na siya sa sarili niyang pisngi kung saan ko siya sinuntok.

"What's your f*cking problem, miss?!" sigaw niya dahil sa gulat.

"Wala akong problema pero baka ikaw mayroon! Anong karapatan mo para pisilin ang p'witan ko?!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

"What?! I don't know what your talking about!" pagtatanggi niya.

"'Wag mo akong ma-english-english diyang hinayupak ka! Ipapakulong kitang manyakis ka! Ilan na ba ang nabiktima mo ngayong araw, ha?! Sigurado naman akong marami ka ng nabiktima!" lakas loob kong sigaw sa kaniya.

Kahit may hitsura pa siya ay hindi ko i-to-tolerate ang isang 'tulad niya. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid ay wala na rin akong pakialam basta't matiris ko lang 'tong g*go na 'to.

May napapatigil din sa paglalakad para lang tingnan kami ng lalaking 'to. At mayroon namang nag vi-video sa aming dalawa habang nag babatuhan kami ng salita.

Hindi na rin ako magtataka kung mag vi-viral kaming dalawa sa social media pagkatapos nito.

"What a crazy woman," bulong niya.

"Crazy? Ako pa itong sinabihan mong baliw?" turo ko sa sarili ko, "Eh, g*go ka pala talaga!"

"That's your problem and not mine. Why don't you cover yourself well? Wearing a short isn't suitable for you. Try to wear a pants to cover you up properly."

"Alam mo, ang g*go mo! Wala kang pakialam kung ano ang dapat kong isuot, kahit mag panty at mag bra lang ako rito ngayon ay wala kang karapatang hawakan ako lalo na kung sa maselang parte ng katawan ko!"

"Hmm . . . ang oa mo naman, oh well. I don't f*cking care about what you--"

"Don't you dare english me! Don't say f*ck because f*ck you, sagad!"

Kumunot naman ang noo niya 'tsaka siya umiling, handa na siyang lumakad para siguro umalis at takasan ako pero agad kong hinarang ang dinaraanan niya.

"Saan ka pupunta? Tatakas ka 'no?! Hindi ka pa umaamin na ikaw ang pumisil sa p'witan ko!" galaiti kong sigaw mula sa kaniya at dinuro pa siya para mas effective 'yong galit ko.

"No. Bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit pa ako mag-aabala e maliit lang naman 'yan," pagtanggi niya sa nakaka-insultong boses.

"Anong hindi?! At saka, ang kapal naman ng mukha mo para mang-insulto! Hoy, excuse me lang ha?! Ikaw lang naman 'yong malapit sa akin kanina, alangan naman siya?!" turo ko sa babaeng nasa harapan ko. "O, sila?!" turo ko naman sa dalawang babae na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa. Umiling-iling sila na parang sinasabi na hindi sila ang gumawa.

Bumaling ulit ako sa hinayupak na lalaki at kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya.

"Baka nga sila," nakangisi niyang sabi.

"Anong sila?! Mas malayo sila kaysa sa'yo, ipapakulong talaga kita!"

"Sige nga, paano naman? May ebidensiya ka ba?" panghahamon niya.

"W-wala pero alam kong ikaw--"

"Nakita mo ba?"

"Oo!"

"Oh? Bakit hindi ka umilag?"

"Tarantado ka pala talaga e!"

"Na ah! 'Wag ka na kasing mag sh-short ng maiksi kung ayaw mong mahipuan, kita mo 'yan oh. Nag-iiskandalo ka rito kasi na hipuan ka."

"Wala akong panahon para mag-iskandalo rito kung hindi mo talaga ako hinipuan!"

"So, ngayon may panahon ka na kasi nahipuan ka na?"

Napahilamos ako sa sarili kong mukha at inambahan siyang susuntukin ulit pero na pigilan niya ako.

"Isang suntok mo pa sa akin, ikaw ang kakasuhan ko. May ebidensiya ako, ikaw wala," tumingin pa siya sa paligid namin para ipamukha sa akin na may mga taong nakakakita sa ginagawa ko.

Nagtagis ang panga ko dahil sa namumuong inis para sa lalaking kaharap ko ngayon. Napakagat pa ako sa ibabang labi dahil sa pang gigigil sa kaniya. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamao ko na gusto nang ilapat sa pagmu-mukha niya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Wala ka namang ebidensya para akusahan ako, miss. Isa pa, kung ayaw mong nababastos ka 'wag kang mag-short."

"Eh, kung bigwasan ko 'yang ulo mo tapos sabihin kong kasalanan mo dahil hindi mo tinakpan?!"

"Magkaiba 'yong tinutukoy--"

"Magkaiba nga pero inihalimbawa ko 'yon para maintindihan mo! Pero mukhang 'di mo rin naman gets ang punto ko dahil isa kang pervert! Hindi ko problema kung bakit may mga taong manyakis na 'tulad mo at mas hindi ko problema 'yong mga taong nag-to-tolerate sa mga 'tulad niyong pervert! Kayo ang problema, hindi ako o kami! Naiintindihan mo?! Hindi ako ang nagtahi ng mga sinusuot ko kaya wala kang karapatang bastusin ako!"

Parang wala siyang narinig sa mga sinabi ko dahil bigla na lang niya akong iniwan at dumiretso ng sakay sa humintong bus. Wala na rin akong choice kundi ang sumakay sa nag-iisang bus dahil kung hindi ay baka gabihin ako nang-uwi. Hindi ko na lang din pinansin 'yong mga taong nasa paligid.

Humanda talaga siya sa akin dahil ipapakulong ko siya, kahit wala akong ebidensya! Basta't maipakulong ko lang siya. Bakit naman kasi wala akong ebidensya? Pero kahit na! Alam ko, kahit wala akong ebidensya maipapakulong ko pa rin siya at sisiguraduhin kong makukulong ang hinayupak na 'yon.

Ang pervert na 'yon! Ano'ng akala niya sa akin, maiisahan niya ako? Pagbaba namin dito sa bus siguradong sa presinto ang bagsak niya! Lalaban ako para sa kababaihan, lalaban ako! Oo tama, lalaban ako! Lalaban ako! Lalaban nga ako! --- Okay tama na, sumobra na.

Pero, hindi talaga ako magpapatalo sa lalaking 'yon kahit siya pa ang pinaka mayamang tao sa mundo ay hindi ako natatakot sa kaniya, hindi ko siya uurungan!

Napaka sinungaling niya para itanggi na hindi siya ang pumisil sa p'witan ko! Ang kapal ng mukha niya, matapos niya akong hipuan ay iiwan niya lang ako na parang walang nangyari?! Sige lang pervert, namnamin mo muna sa palad mo 'yong pagpisil mo sa p'wetan ko. Namnam now, presinto later.

At dahil na puno agad ang bus at wala ng bakanteng upuan sa loob nito ay wala na rin akong pagpipilian pa kundi ang tumayo dahil kung mag-iinarte pa ako siguradong ga-gabihin ako sa daan. Bihira pa naman ang bus ngayon.

At kamalasmalasan nga naman ay nagkatabi pa kami ng tayo ni pervert.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata at itinapat ko ang dalawang daliri ko sa mata at itinutok ko 'yon sa kaniya tandan nito na babantayan ko ang bawat kilos niya. Pero imbis na matakot ay ngumisi lang siya sa akin at pangiti-ngiti sa pa siyang nag-iwas ng tingin.

'Humanda kang maniyak ka, Pagbaba natin dito, sa presinto ang bagsak mo!'

Habang bumabyahe ang bus patungo sa paroroonan nito ay hindi maiwasang magkadikit ang aming mga balat lalo na sa tuwing lumiliko ang bus kaya naman mas lalo pa kaming nagkakadikit sa isa't isa pero sa tuwing nagkakadikit kami ay mabilis din akong dumidistansiya sa kaniya.

At habang nasa lubak na kalsada ang bus ay hindi rin maiwasan ang pag aldag ng dibdib ko. Napansin kong patingin-tingin ang lalaki sa dibdib ko. Kaya nang magtama ang paningin namin ay pinanlakihan ko siya ng mga mata at ayon ang loko kusang nag-iwas ng tingin sa akin pero pangisi-ngisi naman na mas lalo kong ikinaasar. Sarap patikimin, patikimin ulit ng suntok.

Napairap na lang ako sa hangin sa sobrang inis.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang nag preno ng malakas sa bus, nag sigawan ang mga tao sa loob, pero ang mas ikinagulat ko. Ang biglaang pagsubsob ng lalaki sa dibdib ko at ang pagpisil nyang muli sa pisngi ng puwit ko.

Kaya hindi ko rin masisisi 'yong sarili ko na sumigaw.

"Manyakis ka talaga e 'no! Tulong! Tulungan niya ko, may maniyakis dito! Bastos kang lalaki ka! Kanina ka pa, punong-puno na talaga ako sa'yong g*go ka!" sigaw ko at mabilis kong sinampal sa magkabilaang pisngi ang lalaki at hindi pa rin ako na kontento dahil sinuntok ko pa siya sa kanang mata at alam kong magma-marka 'yon ng black eye.

Sa pangalawang pagkakataon ay pinisil na naman niya ang p'witan ko at sa iisang tao lang din ang nagparanas sa akin nito take note, dinamay na rin niya 'yong dibdib ko para sulit.

"Araaayyy!" sigaw niya at hinawakan ang magkabilang pisngi habang nakapikit.

"How dare you to slap and punch me?! Baliw ka bang babae ka? Hindi ako maniyakis 'tulad ng sinasabi mo, malakas ang pagpreno ng bus kaya nasubsob ako sa dibdib mo! Kaya wala akong kasalanan! Aksidente 'yon kaya inosente ako. Sh*t! My eyes!" sigaw niya ulit.

"Kaya sinamantala mo ang pagpisil sa pang-upo ko?!" sigaw ko rin pabalik.

Gumalaw ang panga ko nang sumagot pa ang lalaki.

"Oo--este hindi 'no! Hindi ko naman pinisil 'yang maliit mong puwit! Nahawakan ko lang dahil nga ang lakas ng preno. Magkaiba ang sinadya sa hindi sinadya!" pagdadahilan pa niya.

Kaya naman sinugod ko siya ng suntok at pinagpapalo sa dibdib dahil sa kasinungalingang taglay niya.

"Napakasinungaling mong maniyakis ka! Anong gusto mong palabasin, ha?! Na aksidente ang lahat?! Siraulo kang pervert ka!" sigaw ko sa kaniya habang pinagpapalo at pinagsususuntok siya.

Chapter 2 Pervert

"CHIEF!"

"Mr. Leem!"

Sumaludo agad ang pervert sa hepe nang dumating 'to.

"Napadalaw ka ata?" tanong sa kaniya ng hepe.

Ay, putragis? Ano ako rito? Sino naman ang dadalawin ng pervert na 'to rito? At isa pa, magkakilala sila ng pulis na 'to?

Ahhhh!

Ngayon ko lang na gets! Siguro ay palaging nakukulong itong manyakis na 'to rito kaya kilala na siya ng mga pulis. Halos lahat kasi ay close na niya. Pati rin 'yong mga preso rito ay kanina pa siya binabati.

Nakaupo kami ngayon ng pervert na 'to sa mono block s'yempre sa magkabilaang side kami nakap'westo baka mamaya ay t'yansingan na naman niya ako.

"Hindi naman ho," untag ni loko.

"Eh, kung gano'n, bakit ka nandito hijo?" tanong pa ng hepe.

"Ipapakulong daw niya ko," sabi niya sabay turo sa akin.

Abaaaa! Hindi siya nag dalawang-isip na sabihin sa hepe ang totoo at talagang siya pa ang nagsabi sa pulis. Mabuti naman kung gano'n!

Humalakhak ang hepe kaya napunta sa kaniya ang pansin ko. Ano naman kaya ang itinatawa-tawa ng kalbong hepe na 'to?

Lumapit ang hepe sa pervert habang tumatawa pa rin ito na parang kakapusin na ng hangin kakatawa.

"This time Mr. Leem, ano naman ang ginawa mo?" tanong ng kalbong hepe 'tsaka ito ngumisi sa Mr. Leem na ang tinutukoy ay si pervert. "Don't tell me . . . pinilayan mo ang magandang binibini na ito?"

Ayos na sana sa magandang binibini kaso bakit may pinilayan pa siyang nalalaman?

Umiling lang ang pervert sa kalbong hepe.

"Sinikmuraan mo?" tanong ulit ng hepe.

Bakit parang puro violence ang tinatanong ng kalbong hepe na 'to? Halata naman sa lalaking 'to na manyakis siya.

"Ano'ng violence ang ginawa mo sa kaniya Mr. Leem?" seryosong tanong ng kalbong hepe.

"Nothing," maikling sabi ni pervert.

"Eh, kung gano'n, bakit ka niya gustong ipakulong?" tanong sa kaniya ng kalbong hepe.

Bumaling siya sa akin 'tsaka niya ako tinanong.

Eh, kung kanina pa niya ako tinanong e 'di sana hindi siya naging manghuhula, napairap ako ng palihim.

"Bakit gusto mo siyang ipakulong, miss?"

"Orteza," maiksing sabi ko.

"Orteza?" ulit niya.

"Dahil isa siyang malaking g*go! Manyakis ang lalaking 'yan!" sabay turo ko kay pevert.

Napabaling ulit ako sa hepe nang sunod-sunod siyang napaubo na parang matatanggalan na siya ng lungs sa sobrang lakas umubo.

OA ah!

"M-mr. Leem . . . totoo ho ba ang sinasabi niya?" hindi makapaniwalang tanong ng kalbong hepe.

Aba naman putragis kang kalbo ka? Ano sa tingin mo, nagsisinungaling ako? At talagang sinisigurado niya pa sa lalaking 'tong pa-chill-chill lang na nakaupo sa upuan. Feeling maangas, hindi naman astig!

Aba'y maghintay ka lang at malapit ka nang ilipat sa seldang kalalagyan mong hipokrito ka!

"Hindi ko alam sa babaeng 'yan," walang pakundangan niyang sabi.

"Aba naman Mr. Pervert slash Mr. Hipokrito! Nakailang hipo ka sa akin kanina at kailangan mong pagbayaran ang mga pang mo-molestiya mo sa akin! Harassment ang isasampa kong kaso para sa'yo," iritang sigaw ko sa kaniya.

"Kapag ba nakulong ako rito, sa tingin mo maibabalik ba sa dati ang lahat?" sarcastic niyang untag. "Hindi, 'di ba? Sinasayang mo lang ang oras ko," walang emosyon niyang sabi.

Ay, g*go nga?

"Chief! Ikulong niyo na 'to! Narinig mo naman ang mga sinabi niya 'di ba? At saka kailangan niya talagang makulong sa ginawa niya sa akin! Hinipuan niya ako sa maseselang katawan ko!" sigaw ko habang tinuturo ang pervert.

Lumunok muna ang hepe at nagkamot ng ulo.

Makati?

"Ms. Orteza . . . tama ho si Mr. Leem, nagsasayang lang ho kayo ng oras," mahinahon niyang sabi sa akin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinampas ko ng malakas ang kalbo niyang ulo, charot! 'Yong lamesa ang hinampas ko.

"Anong gusto niyong gawin ko chief?! Ang hayaan na lang na makalaya ang pervert na 'to?!"

Lumunok ulit siya at pinapakalma niya ako. Kakalma lang ako kapag nakita ko nang nakakulong ang lalaking 'to sa selda.

"Hindi ho sa gano'n Ms. Orteza," nagpa-panic na ang kalbong hepe.

Bakit kaya nawalan siya ng buhok sa ulo? Kahit isang bakas na buhok ay walang makikita.

"Kung gano'n ikulong niyo na 'yan!" inis kong sabi.

Kumamot ulit siya sa makintab niyang ulo. May kuto ba siya?

"Kahit ikulong ko pa siya sa selda, wala pang sampung segundo ay makakalaya pa rin siya. Hindi mo ba kilala si Mr. Leem?" paliwanag ng hepe.

"A-ano?" naguguluhan kong tanong. "W-wala akong pakialam kung sino pa siya. Ang gusto ko lang naman ay makulong ang hipokritong 'yan," nanlalambot kong sabi.

Magsasalita pa sana ang hepe nang biglang tumayo ang pervert at hinarap niya ako nang walang emosyon ang mukha. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako ng bahagya.

"Kahit ipakulong mo pa ako rito . . . sa isang pitik ko lang, laya na agad ako."

Napakuyom ako ng kamao sa sinabi niya.

Ang ibig niya bang sabihin. Kahit ipakulong ko pa siya rito ay wala ring saysay dahil kahit ano'ng gawin ko para maipakulong siya ay makakalaya't makakalaya pa rin ang pervert na 'to.

"Eh, kung gano'n pala . . . oh, sige! Payag na 'kong makipag-areglo sa'yo! Kung hindi naman pala kita maipapakulong ay mas mabuting gawin ko na lang 'to sa'yo para kahit pa-paano ay makabawi ako sa pambabastos mo sa akin!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ipinakita sa kaniya ang pag galaw ng panga ko habang masama ang ipinukol kong tingin sa mga mata niya.

Ginawa ko na dapat 'to kanina para makabawi man lang. Tinuhod ko ng malakas 'yong bayag niya kaya napainda agad siya sa sakit. Hinawakan niya ang nangingilong betlog niya sa pantalon habang tumatalon siya sa sobrang sakit ng pagkakatuhod ko sa alaga niya.

Halos lahat na nandito sa presinto ay napa Ohhh! at alam kong ramdam din nila ang sakit na nararamdaman ni pervert ngayon.

Deserved!

"Gusto mo rin Sir chief?" alok ko habang nakangisi ng nakakaumay.

Marahan siyang umiling at ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan niya.

Binalingan ko ulit ng tingin ang pervert at halos maglumpasay na siya sa sakit ng alaga niya.

Buti ngaaaa!

"Ayaaaannn! Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi ka na magkaka-anak niyan dahil basag na 'yang betlog mong hinayupak ka!" sigaw ko sa kaniya.

"Y-You'll pay for this! I-I swear! I will kill you!" sigaw niya sa akin.

Inirapan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas ng presinto.

Nag-make face ako habang naglalakad palabas. As if naman mapapatay niya ako 'di ba? Sino ba siya sa akala niya? Akala niya ba mabibili niya ang lahat? Kahit siya pa ang pinaka mayaman dito sa mundo ay hindi ako magpapatalo sa hinayupak na hipokritong 'yon!

I will kill you, kill you pa siyang nalalaman! Suntukin ko kaya ang betlog niya, para matauhan siya. Hindi sayang ang oras niya kundi sinayang niya ang oras ko.

WALANG HIYANG pervert na 'yon! Inisahan niya pa ako, buti na lang ay may talent ako sa pagtuhod ng betlog.

Kaya nang makauwi ako rito sa bahay namin ay pagod na pagod ako. Buti na lang ay may na sakyan pa akong bus pauwi.

Sino ba namang hindi mapapagod? Eh, daig ko pang sumabak sa g'yera, kagagaling ko lang sa trabaho no'n tapos mamanyakin pa ako ng hipokritong 'yon?

"'Ma, nandito na po ako," malamyang sabi ko.

"Oh, anak nand'yan ka na pala. Kumusta naman ang b'yahe? Mukhang pagod ka ah, kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.

"Mamaya na po muna ako kakain, 'Ma. Magpapahinga po muna ko," 'tsaka ako umupo sa hindi gaanong kalambot na sofa at isinandal ang batok sa sandalan nito at pumikit.

Hindi gano'n kalaki ang bahay namin at hindi rin maliit pero tama lang ito para sa aming pamilya. Mahirap lang kami kaya naman todo kayod ako para may mailaang pang gastos para sa pamilya ko at para na rin sa pag-aaral ng tatlo kong kapatid.

Kauuwi ko lang galing trabaho, umuuwi ako kada isang buwan dito sa bahay para ma-i-abot kina Mama't Papa ang sweldo ko. Ayokong ipadala sa mga padalahan kasi mas gusto ko ako mismo ang nag-aabot sa kanila ng pera.

Lahat ng mga paper bags na hawak ko kanina. Sa boss ko talaga 'yon, isinama ko lang sa pag-uwi para walang gumalaw sa pinag-uupahan ko ro'n sa Manila. Marami kasing pakialamera ro'n kaya iniingatan ko ang gamit ko lalo na kung hindi sa akin kaya dapat kong pahalagahan ang mga iyon dahil mamahalin pa naman 'yong mga laman ng paper bags na hawak ko.

Sa totoo nga n'yan ay apat na buwan na rin akong nagtra-trabaho sa ICT bilang isang utusan ng mga empleyado. Grabe 'di ba? Pero keri lang naman at hindi kaliitan ang sahod, hindi tulad sa pagsasaka kahit nakakatulong sa amin ang pagmimina ni Papa sa sakahan ay hindi pa rin 'yon sapat sa pang araw-araw dahil nag-aaral pa ang mga kapatid ko.

Kahit mahirap, kinakaya ko pa rin para sa pamilya ko. Para mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi pa rin ako tumitigil na mangarap para sa pamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na kahit ganito ako ay may opportunity pa ring darating sa buhay ko at hihintayin ko ang araw na 'yon.

Pero sa ngayon, kailangan ko munang magsumikap para sa pangarap. Dahil sa panahon ngayon kailangang munang maging praktikal sa buhay. Mahirap man o madali ay dapat natin kayanin para sa pang araw-araw, kailangan din nating maging malakas sa bawat yugto ng buhay at maging matatag para sa bawat araw na dumaraan.

Ang pinaka goal ko sa buhay ay 'yong mapatapos ko sa pag-aaral ang tatlo kong kapatid. Gusto kong matupad nilang lahat ang mga pangarap nila sa buhay bago ko matupad ang pangarap ko dahil sila ang una kong pangarap. Ang makita silang matagumpay sa buhay ay natupad ko na rin ang isa sa mga pinapangarap ko.

Ako nga pala ang Ate sa tatlo kong mga kapatid, hindi ko na naitapos ang pag-aaral ko no'ng 3rd year college ako, maaga akong nagtrabaho para may pangtustos sa pang araw-araw. Pero nag-iipon ako ngayon para maipagpatuloy ko ang naudlot kong pag-aaral. Pangalawa si Kate Orteza, pangatlo si Kiko Orteza at pang-apat si Kathy Orteza.

Puro kami letter K 'no? Gano'n talaga. Si Papa kasi ang nagbigay ng mga pangalan namin.

Kahit mahirap ang maging panganay ay nagpapasalamat pa rin ako dahil ako ang naging panganay sa kanila. Ayokong nakikita silang nahihirapan. Ayokong nakikita ang pamilya ko na nahihirapan at nasasaktan dahil triple ang balik no'n sa akin sa tuwing nasasaktan sila. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Walang makakapantay sa kanila kahit na ano'ng materyal na bagay pa 'yan.

Ilang minuto pa ay idinilat ko na ang mga mata ko at bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng hipokritong 'yon!

Bigla na namang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya kanina at parang nararamdaman ko pa rin ang mukha n'yang nakasubsob sa dibdib ko.

Walang'ya!

Xian's P.O.V

MULA SA AKING opisina pinatawag ko ang sekretarya.

"Charlott, nasaan na ang pinatabi ko sa'yong mga paper bags. I need those paper bags, tomorrow. Asap," sabi ko sa secretary ko.

"Mr. Leem, pinatabi ko muna sa isang alalay ng mga empleyado niyo. Kasi po ay marami na rin po akong dalahin no'ng araw na 'yon pero babalik naman po siya sa lunes at--" hindi niya natapos ang sinasabi niya nang biglang akong magsalita.

"I don't need your explanations. You're fired," mariin kong sabi.

Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil busy ako sa pagpiklat ng mga papeles na pinipirmahan ko.

"Po? W-wag po, sir . . . sorry po . . . tatawagan ko na po siya. 'Wag niyo po ako tanggalin sa trabaho, sir. Kailangan po ako ng pamilya ko," utal niyang sabi.

Ramdam ko ang panginginig ng boses niya at pagkataranta.

"Okay, next time be professional as my secretary because one wrong move you'll be fired. You understand? Now. You may leave," istrikto kong sabi habang nakatingin sa malayo.

Mabilis namang lumabas ang secretary sa office ko, bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa swivel chair habang nagmumuni-muni. Biglang sumagi sa isip ko 'yong babae kanina. Ang lakas naman ng loob niya para kalabanin ako, hindi niya alam kung sino ang binangga niya.

One wrong move baby girl. I'll kill you.

Nagtiim ang bagang ko nang maramdaman ko ang alaga ko na unti-unting tumatayo.

F*ck!

Bakit ko ba ginawa 'yon?!

Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa sobrang inis.

Grabe talaga! Hindi ko maiwasang hindi matukso sa babaeng 'yon lalo na no'ng yumuko siya at ang matambok niyang puwit ang tumambad sa akin.

Pero, hindi ko talaga makakalimutan 'yong mapasubsob ako sa dibdib niya.

'Like heaven'

Sa totoo lang. Hindi ko naman talaga sinasadyang mapasubsob sa hinaharap niya pero ang pagpisil sa puwit niya, sinasadya ko talaga 'yon lalo na no'ng sinamantala ko ang pagkakasusob sa malulusog niyang hinaharap.

Napakalambot ng puwit niya pagpinisil at hindi talaga pagsasawaan ng kahit na sino mang lalaki. Pero s'yempre akin lang ang babaeng 'yon bawal may humawak sa kaniya dahil may kasalanan pa siya sa akin na dapat niyang pagbayaran.

Siya 'yong tipo kong babae dahil naaalala ko sa kaniya si--

Napailing agad ako ng ulo nang maalala ko na naman ang babaeng matagal ko na dapat kinalimutan. Hindi p'wedeng palagi na lang akong ganito sa tuwing maaalala ko siya. Parang nakakulong pa rin ako sa isang selda na matagal ng huma-hunting sa pagkatao ko at hindi ako makawala sa ala-alang 'yon.

Bumuntong hininga ulit ako at huminto na sa pag-iisip sa babae at nagsimula nang pumirma ng mga papeles. Bukas na bukas kailangan ko na talaga lahat ng laman ng paper bags na 'yon. Dahil kung hindi paniguradong malaki ang mababawas sa share ng kompanya.

Lahat ng importanteng papeles at gamit ko ay nando'n para sa i-re-report ko bukas sa meeting. Dapat kompleto ang mga 'yon

at kung may mawala man ni isa sa mga 'yon. Ang secretary ko lang ang sisisihin ko at wala ng iba pa. Siya ang secretary at dapat panindigan niya ang consequence na mangyayari. Dahil bakit niya ipapahawak sa iba ang ipinapatabi ko sa kaniya? Kapag nawala 'yon, kahit mahirap lang sila at kahit kailangan pa siya ng pamilya niya, tatanggalin ko talaga siya rito sa kompanya ko. Hindi ko kailangan ang isang 'tulad niyang pabaya.

Whatever she says, mark my words.

"Sir!" tawag ng secretary ko.

"What?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya dahil abala ako sa pagpirma.

"Bukas na bukas po ay pupunta na po siya rito," hinihingal niyang sabi at ang tinutukoy niya ay 'yong may hawak sa mga paper bags ko.

Natigilan ako,

Parang may mali.

Bakit ganito kung mag-react itong puso ko?

Bakit pumipintig ng mabilis?

Tumikhim ako.

"Good, pero siguraduhin mo lang na hawak pa niya lahat ng 'yon at dapat kompleto pa rin. Dahil kapag may nawala kahit isa roon, p'wede ka ng umalis sa kompanya ko," mariin kong sabi habang pumipirma.

Ramdam ko ang kaba at takot sa katawan niya pero wala akong pakialam.

"Now, you may leave," sabi ko sa mariin na salita.

Natataranta naman siyang lumabas sa opisina ko.

Katharine's P.O.V

NAPAHINTO AKO sa ginawa ko nang biglang mag ring ang cellphone ko at ang secretary na si Charlott ang tumatawag.

Ano kayang kailangan niya at napatawag siya? May problema siguro sa opisina.

"Hello, Kath. Bukas na bukas ay bumalik ka na rito sa opisina dahil kailangan na ni sir 'yang lahat ng paper bags at kapag may nawala kahit ni isa d'yan ay pareho tayong malilintikan at paniguradong matatanggal tayo sa trabaho. Kaya bukas na bukas ay bumalik ka na rito," natatarantang sabi niya sa kabilang linya.

"H-ha? Gano'n ba? Sige, bukas na bukas ay nand'yan na ako." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

"'Ma, 'Pa. Mukhang hindi na po ako magtatagal ng isang linggo rito sa bahay, kailangan ko na pong maibigay sa boss namin ang mga paper bags at kapag hindi ko agad naibigay 'yan paniguradong sisante na ako," nag-aalalang paliwanag ko.

"Gano'n ba? Os'ya sige, mag-iingat ka bukas sa b'yahe mo. Marami pa namang salisi Gang ngayon," sabi ni Papa.

'Opo, 'Pa! Marami ngang salisi Gang

ngayon at iba't ibang technique 'yong

mga bagong Gang ngayon. May

salising subsob sa dibdib Gang at

hawak sa pang-upo Gang!'

Bigla na naman nag-init ang ulo ko.

"Oh, anak ayos ka lang ba? Bakit namumula ang buo mong mukha pati na rin 'yang tainga mo?" tanong ni Mama.

"Ayos lang po ako, 'Ma. Siguro sa pagod lang po 'to. Pahinga na po ako, kailangan ko na ring umalis bukas e."

Pumunta na ako sa k'warto kung saan nando'n ang papag na tinutulugan ko.

Kahit mag a-alasingko pa lang ng hapon ang dilim na agad sa labas. Mukhang uulan pa ata bukas ah.

Wala pa rito ang mga kapatid ko kasi mamayang ala singko pa ng hapon ang uwian nila.

Mamaya na lang ako makikipag-k'wentuhan kapag na bawi ko na ang lakas ko.

Ilang minuto pa akong nakatingala sa bubong ng bahay at hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako.

NAGISING na lang ako sa may sumisigaw na boses.

"Mama! Mama! nandito na po ba si Ate?" excited na tanong ni Kathy.

Kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga ko.

"'Wag mo munang istorbohin ang Ate ninyo dahil pagod 'yan sa trabaho kaya kailangan niyang magpahinga," wika ni Mama.

"Ay, gano'n po ba?" malungkot niyang tanong. "Sayang naman po, ipapakita ko pa naman sa kaniya ang mga stars na nakuha ko. 'Ma. 'Pa. Tingnan niyo po oh, ang dami kong stars."

Masayang sabi niya at pinakita pa niya kina Mama at Papa ang dalawa niya braso na puno ng stars.

Napangiti ako. Dahil kahit pa-paano ay masaya ako na nakakapag-aral ng maayos ang mga kapatid ko. Lumabas ako sa pinto dahil kanina pa ako nakasilip sa kanila.

"Wow! ang dami namang stars ng baby ko," masayang sabi ko kay Kathy.

"Ate!" sigaw niya at mabilis siyang yumakap sa akin.

"Hmm . . . na miss ko ang baby girl ko," sabi ko habang yakap siya. Umupo ako sa harap niya para mas lalo ko siyang mayakap.

"Na miss din po kita Ate," masayang sabi niya. Ngumiti ako at humiwalay sa pagkakayakap mula sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Galingan mo pa lalo sa school ah? Para maging isa kang magaling na doktor," masayang sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman siya.

"Opo naman Ate," nakangiting sabi niya.

Ginulo ko ang buhok niya 'tsaka ako tumayo at humarap sa dalawa kong kapatid.

"Oh, kayo kumusta?" masayang tanong ko.

Yumakap silang dalawa sa akin.

"Ayos naman po kami Ate. Na miss ka po namin," sabi ni Kiko.

Bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin.

"Ikaw Kiko 'wag ka munang manligaw dahil bata ka pa at dapat priority niyo ang pag-aaral at ikaw naman Kate. 'Wag ka munang magpapaligaw, magpayaman muna tayo bago mag-love life. Okay?" pagpapaalala ko.

"Ate naman eh! Lagi mo na lang 'yan sinasabi pag-umuuwi ka rito sa bahay alam na po namin 'yan," sabi ni Kate na kumakamot pa sa sentido.

"Aba! S'yempre, kailangan kong ipaalala sa inyo palagi 'yan baka mamaya eh may mga jowa na pala kayo at sinisekreto niyo lang sa akin. Dinaig niyo pa ako, mga bata pa kayo kaya mag-aral muna kayo. Basta 'wag munang manligaw at magpaligaw hangga't--" hindi ko pa na tatapos ang sasabihin ko nang magsalita silang tatlo.

"Hangga't hindi pa tayo yumayaman!" sabay-sabay nilang sabi.

Masaya ko silang niyakap gano'n din sila.

Masaya ako dahil kahit na mahirap kami ay hindi pa rin nagbabago ang mga ugali ng mga kapatid ko. Magagalang pa rin at may pananaw sa buhay.

Chapter 3 Boss

CHAPTER 2

"ATE, aalis ka na po kaagad?" tanong ni Kiko. Ginulo ko ang buhok niya 'tsaka ako ngumiti.

"Oo eh, kailangan ko nang dalhin ito sa boss ko. Baka matanggal sa trabaho si Ate kapag hindi ko agad na ibigay ito," sabay taas sa mga paper bags.

"Ate, mamimiss kita," Sabi ni Kathy at yumakap sa akin.

"Ako rin Ate," sabay sabi ni Kate at Kiko at yumakap din sa akin.

Niyakap ko rin sila ng mahigpit bago ako kumalas sa pagkakayakap.

"O'siya tama na 'yan, kailangan na ni ate umalis." Sabi ko sa mga kapatid ko.

"Uuwi ka po ba sa next month Ate?" malungkot na tanong ni Kathy.

"Oo naman!" nakangiting sabi ko.

"Yey! Ate panoorin mo po akong sumayaw sa stage. Kase po lalaban po kami kada section," excited niyang sabi.

"Talaga? Wow naman.. Sige, sige! manonood si ate ng sayaw mo," 'tsaka ko siya hinalikan sa pisnge.

Masayang-masaya si Kathy dahil mapapanood ko raw siyang sumayaw sa stage. Kailangan kong ma-video-han ang bunso ko para may remembrance.

"'Ma," tawag ko kay mama.

"Oh anak, akala ko ba ay nagmamadali ka na?" takang tanong ni mama.

Niyakap ko muna siya bago ako nagsalita. "'Ma, heto po 'yong s'weldo ko. Kayo na po ang bahala sa mga gastusin dito sa bahay," masayang abot ko kay mama

"Ano ka ba naman anak. 'Wag na, mayroon pa naman kaming pera dito pang gastos." Tanggi ni mama at binalik sa akin. "Sa'yo na 'yan para makadagdag iyan sa ipon mo," nakangiting sabi ni mama.

"Naku naman mama! Kaya nga po ako nag tra-trabaho para sa inyo eh. Kaya, ito po sainyo 'yan mayroon pa naman akong perang nakatabi dito 'tsaka kailangan 'yan ng mga kapatid ko sa pag-aaral nila," nakangiting abot ko ulit ng pera.

"Hayy! Ikaw talagang bata ka. Salamat Kath. Napakabuti mong ate at anak sa amin," naiiyak na sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit. Gano'n din ang ginawa ko, niyakap ko rin siya bago ako kumalas sa pagkakayakap.

"Sa susunod ay hindi lang s'weldo ko ang ibibigay ko sainyo. Pati na rin ang bahay at lupa, idagdag mo na rin ang kotse," pabiro kong sabi at sabay kaming natawa.

"Ikaw talagang bata ka! Sige na baka malate ka pa sa pagpasok mo. Mag-iingat ka sa mga salisi sa daan ah," pagpapaalala ni mama.

Tumango lang ako 'tsaka ako sumakay sa tricycle papunta sa bus station.

"Ba-bye!" kumaway pa ako sa kanila at nag flying kiss na rin.

Hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Wala si papa dahil maaga siyang dumiretso sa bukid para magsaka buti na lang nakapagpaalam na 'ko kagabi sa kaniya.

NANG MAKARATING ako sa kompanya. Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang 37 floor kung nasaan ang opisina.

Pero bago pa magsara ang elevator ay may humarang na paa sa pinto. Kaya bumukas ulit ang elevator. Pumasok ang isang lalaki na abala sa kaniyang cell phone.

Siguro ay isa siya sa mga matataas ang ranggo dito sa kompanya. Umiling-iling na lang ako at pinindot ko na lang 'yong buton 'tsaka lang sumara ang pinto ng elevator.

Pagkatapos kong pindutin 'yon ay bumaling ulit ako sa lalaki at laking gulat ko nang makilala ko ang lalaking ito. Nagtama ang mga mata namin at siya rin naman ay nagulat dahil nakita niya ako pero mabilis din siyang nakabawi.

"Ikaw!" sigaw ko sa lalaki pero ngumisi lang siya.

"Gago kang man'yak ka! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa kaniya.

Tinago niya ang cell phone niya sa suot niyang suit at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba. Kaya naman atras ako ng atras. Wala na akong maatrasan pa kaya nahinto ako at napasandal sa gilid ng elevator.

"H-hoy... A-anong gagawin mo? Lumayo ka nga!" tinatapangan ko lang ang sarili ko dahil ibang klase ang presens'ya na dala ng lalaking 'to.

G'wapo sana siya kaso pervert naman.

Grabe naman, bakit ang kinis ng mukha niya? Hindi mo makikita ang mga pores niya sa mukha.

Inggit ako.

Napailing-iling ako nang palihim hindi ako p'wedeng maakit sa hipokritong 'to dahil may atraso pa siya sa akin. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil lang sa isa siyang mayaman.

Ngumisi ang lalaki kaya kitang-kita ko ang napaka lalim niyang dimple sa kanang bahagi ng pisnge, napalunok ako dahil do'n.

"'Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo?" tanong niya sa britonong boses.

"D-dito ako nagtatrabaho!" sigaw ko sa kaniya at hindi nagpatalo sa lalaki.

Ngumisi ulit siya.

Napatango-tango siya. "So, dito ka pala nagta-trabaho," mahinahon niyang sabi habang nakangisi.

"A-ano bang pakialam mo?!" kinakabahang sigaw ko.

Titig na titig ang mga mata niya sa akin. Bumaba sa mga labi ko at bumaba sa dibdib ko hanggang sa umabot sa pagkababae ko.

Napalunok ako at lahat ng balahibo ko ay nagsitaasan. Pinagpapawisan din ako ng malamig at ang mga palad ko ay nanlalamig dahil sa kaba.

Ang lakas na rin ng pintig ng puso ko dahil sa kaba.

"Sa tingin mo," patuloy ng lalaki at nagtaas siya ng tingin sa mga mata ko. "Kanino at sino ang boss mo?" tanong niya at huminto ang mga tingin niya sa labi ko.

Kinabahan ako sa tanong niya lalo na ngayong nakatingin na siya sa labi ko.

"H-hindi ko alam," pabulong kong sabi.

Ramdam ko ang panginginig at panlalambot ng tuhod ko kaya wala sa sariling napahawak ako sa balikat ng hipokritong 'to para doon kumuha ng lakas upang makatayo.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya bago niya ulit ako tinignan sa mga mata. Napalunok ako dahil sa uri ng tingin niya.

Bakit ba ang tagal bumukas ng elevator?!

Bakit ang init dito sa loob?

Nag-iwas ako ng tingin saka ako bumitaw sa pagkakahawak sa balikat niya.

Pero nagulat ako nang hablutin niya ang dalawa kong kamay at pinahawak ulit sa balikat niya pero ang mas ikina-gulat ko.

Bigla niya akong hinalikan!

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis no'n pero hindi ko alam kung kaba lang ba ang nararamdaman ko o ano. Huminga ako ng malalim at pilit siyang tinutulak nang malakas.

"Hipokrito ka talaga pervert!" sigaw ko sa kaniya.

Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas siya kumpara sa akin at mas inilalapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko.

"Umalis ka nga!" sigaw ko habang patuloy sa pagtulak sa kaniya.

"'Di ba sabi ko sa'yo, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin?" walang emos'yon niyang tanong.

Natulala ako sa sinabi niya pero ang mas ikinagulat ko nang dahan-dahan niyang inilapat ulit ang mga labi niya sa labi ko.

Hindi ko na nagawa pang gumalaw dahil sa kaniya. Para akong na istatuwa sa ginawa niya at kusang bumuka ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ko siya magawang maitulak dahil parang nawalan ako ng lakas dahil sa ginagawa niya.

Bawat pagsakop niya sa labi ko na akala mo ay gusto na niyang kainin dahil sa panggigigil. Sinamantala naman niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko na nakabuka at idinikit niya ang dila niya sa dila ko.

Ilang minuto na niya akong hinahalikan. Hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya at nagtataka na rin ako kung bakit ang tagal bumukas ng elevator kaya buong lakas ko siyang itinulak at sa pagkakataong ito ay nagkahiwalay na ang mga labi namin pero nakadikit pa rin ang katawan niya sa katawan ko kaya ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya.

Tinignan niya ako sa mga mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkalagablab nito. Unti-unti siyang umatras sa akin bago niya ulit tignan ang labi ko.

"Kung akala mong... Tapos na ako sa'yo," tumingin ulit siya sa mga mata ko. "Nagkakamali ka, nag-uumpisa pa lang ako. You can run whenever you want but you can't hide from me."

Saktong tumunog ang elevator sanhing bumukas na ito.

Mabilis na naglakad ang lalaki at ako naman ay natulala lang sa mga nangyari.

NANG MAKAPASOK ako sa opisina ay sinalubong agad ako ni Charlott, ang sekretarya ng boss namin.

"Charlott. Ito na ang mga paper bags," sabi ko.

Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. "Kompleto bayan? Walang nabawas or nawala?" Nag-aalalang tanong niya sa akin kaya umiling lang ako. "Wala Naman," sabi ko.

"Good... Ikaw na ang magbigay niyan kay boss sa opisina niya. Marami pa akong gagawin," sabi ni Charlott kaya tumango na lang ako sa kaniya 'tsaka ako naglakad papuntang opisina ng boss namin.

Kumatok muna ako bago pumasok. Bumuntong hininga muna ako dahil baka masungit ang boss namin. Mula no'ng mag-umpisa akong magtrabaho dito ay ngayon ko lang makikita at makikilala ang boss namin, med'yo pa mysterious itong boss namin. Ayaw kumilala ng ibang tao lalo na kung baguhan sa trabaho.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng boss namin na busy sa pagpirma ng mga papeles.

"Sir, ito na po lahat ng mga paper bags," kinakabahan kong sabi.

Huminto siya sa pagpirma at dahan-dahang tumingala mula sa akin kaya gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko.

'Coincidence lang ba ito o sad'yang malas talaga ako at siya pa ang naging boss ko.'

"Ikaw na naman!" sigaw ko.

"What a coincidence.. or should I say we're meant to be," sarkastong sabi niya 'tsaka siya tumayo sa pagkakaupo at hinarap ako. "Ako pala ang boss mo?" kunwari pa siyang nagulat 'tsaka siya ngumisi.

"I'm Xian Leem, the CEO of this company. Your boss, and you are?" nakalahad ang kamay niya.

Pero imbis na tanggapin 'yon ay tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Not interested," masungit kong sabi.

"Woah," dipensa niya. "Is that how you treat your boss?" tanong niya at ipinagdikit ang dalawa niyang palad.

"Hindi porket boss kita ay sasamantalahin mo na ang pagiging boss mo," masungit kong sabi.

"I'm just asking your name. What's wrong with that?" nagtataka niyang sabi at painosente pa siyang tumingin sa akin.

Bumuntong hininga muna ako nang malalim 'tsaka padabog kong inabot sa kaniya ang paper bags at tumingin sa kaniya.

"I'm Katharine Orteza at mag qu-quit na ako dito sa trabaho na 'to dahil nandito ang man'yakis na gusto kong ipakulong. Hindi ako disperadang babae at buo na ang desisyon kong kamuhian ka!" sigaw ko at nagmartsa palabas ng opisina pero bago ako tuluyang makalabas ay bigla niya akong hinatak sa braso.

"Hindi mo naman kailangang mag quit sa trabaho," mahinahon niyang sabi.

Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama.

"Dapat sa isang 'tulad mong Pervert ay nag-iingat ako dahil ang mga hipokrito na katulad mo ay may hidden desire at tulad na lang ngayon na boss kita, alam ko ang mga galawan ng mga man'yak na katulad mo! Sa-samantalahin ang pagkaboss nila para sumunod sila sa i-uutos niyo! Kaya hangga't maaga pa ay maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kaysa tiisin ko ang kaman'yakan mo!" sigaw ko sa kaniya at hinigit ang braso ko.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko siya ng masama at kita ko sa mga kulay brown niyang mga mata ang kislap ng kalungkutan pero hindi ko 'yon pinansin at padabog na umalis ng opisina niya.

Nakasalubong ko si Charlott. Magsasalita sana siya nang unahan ko na siya.

"I'm quit," walang alinlanggan kong sabi at dire-diretsong lumabas ng kompanya.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ako sa elevator.

'Sana makahanap ulit ako ng magandang trabaho.'

Nang bumukas ang elevator pumasok na ako sa loob at pinindot ang ground floor

Ilang inches na lang ay magsasarado na ang elevator nang may kamay na humarang sa pagsara ng pinto ng elevator.

Bumukas ulit ng kusa ang elevator at pumasok ang lalaking hipokrito.

Nag cross-arm ako 'tsaka ako akmang lalabas na lang dahil ayoko na ulit ma-man'yak ng pervert na ito.

Pero mabilis niya akong nahatak at pinindot 'yong buton ng elevator.

"Bakit ba?! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangan mag quit sa trabaho mo. Alam ko namang may pamilya ka at kailangan mo 'tong trabaho," mahinahon niyang sabi.

Hinatak ko ang braso ko mula sa kaniya at matalas na tinignan siya.

"WALA. KANG. PAKI. ALAM! At 'wag mo akong pakialaman!" sigaw ko sa kaniya.

"Sorry," mahinang sabi niya na ikinatigil ko.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Naikwento kase sa akin ni Charlott na hindi raw marunong mag-sorry ang boss nila at hindi alam ang salitang tawad o patawad. Hindi rin daw laging tumitingin sa mga empleyado kapag nagsasalita at laging mainit ang ulo at masungit.

"I said, I'm sorry." Sincere niyang sabi.

"At sa tingin mo ay mapapatawad kita? Mapapatawad lang kita kung maibabalik mo ang oras para iwasan lahat ng kaman'yakan mo sa akin. Pervert!" sabay irap sa kaniya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Yeah.. I understand if you don't accept my sorry," mahinang sabi nya. "And fine. Go ahead. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko puntahan mo na lang ako dito sa opisina at welcome ka ulit dito o kaya naman ay tawagan mo ako dito," sabay bigay niya ng calling card. "Para makabawi ako sa'yo. Again. I'm sorry," hingi niya ng tawad at biglang bumukas ang elevator at naglakad na siya palabas ng kompanya.

Ako naman ay natulala sa sinabi niya. Tinignan ko ang calling card na hawak ko at nag-iisip kung itatapon ko ba ito o itatabi na lang pero napagtanto kong ibulsa na lang 'yon at lumabas na ng elevator.

Lumabas na ako ng kompanya 'tsaka ako pumara ng tricycle at nagpahatid sa inuupahan ko.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022