Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > My Interim Wife
My Interim Wife

My Interim Wife

Author: : E.A.Soberano
Genre: Romance
Since childhood, Emerald Buensuceso developed strong feeling with Vincent Zobel de Ayala, Both were came from wealthy and well known family in Quezon province, she thought it was just an infatuation during her childhood.Then she realized that she was madly in-love to the eldest son of the Zobel de Ayala who is five years older than her but possesses devilish handsome look, but Vincent only treated the youngest daughter of the Buensuceso as his younger sister and besides he is already engaged to her eldest sister Kristina. Until one day they han been entangled into an unexpected circumstance that there is no turning back from the situation they engaged in, and the worst thing is, the man of his life only feels hatred towards her. How can Emerald manage to win Vincent's heart?

Chapter 1 Prologue

"Emerald!,ano ka bang bata ka,bumaba ka nga dyan..mahulog ka"

Natatarantang sigaw sa kanya ng kanyang yaya Lorie.

"Bumaba ka dyang bata ka,baka mahulog ka.." ulit nitong sigaw na natataranta.

"Hihihihi" tumatawang bumaba sa puno ng mangga si Emerald.

"Ikaw bata ka, dalaga ka na pero ang hilig mo pa ring umakyat sa mga puno, naku aatakehin ako sa puso sayong bata ka" sermon ni yaya Lorie sa alaga pagkabang pagkababa.

"Si yaya talaga, ikaw na nagsabi bata pa ako, tapos sasabihin mo dalaga na ako" natatawang sagot ni Emerald sa kanyang yaya Lorie habang nagpapagpag sa suot na short ang duming dumikit dito.

"Aba at namimilosopo ka pang bata ka, pumasok ka na sa mansions bata ka at may bisita ang ate Kristina mo"

Namilog ang mata ni Emerald ng malamang may bisita ang ate Cristina nya, iisang tao lang ang dumadalaw sa mansion upang bisitahin ang ate Kristina nya ito ay ang panganay na anak ng mga Zobel de Ayala.

"Kuya Vincent!" , sigaw nitong tumatakbong papasok Ng mansion.

Napapailing na lang na napapangiti si Aling Lorie habang nakatingin sa alagang tumatakbo papasok Ng mansion. Dalaga na alaga nya,sa edad nitong kinse anyos ay napakagandang bata kaya lang may pagka isip bata pa at kung maka akyat sa puno akala mo lalaki. Aba'y halos lahat Ng puno sa buong hacienda eh gusto akyatin.

"Hello emerald, andyan ba ate Kristina mo?" Bungad ni Vincent sabay Tayo sa pagkakaupo sa sala grande ng mansion.

"Hah? Di ko alam kuya Vincent" hindi malaman ni Emerald sa sarili kung Bakit iyon ang isinagot nya sa lalaki.

Hindi nya alam kung Bakit nakaramdam siya ng inis ng ang una nitong hanapin ay ang kanyang kapatid, maganda rin Naman ako ah tulad Ng ate ko, sa loob loob nya.Hindi maiwasang sumimangot ni Emerald.

"Oh Bakit humaba nguso mo?,akala mo wala ako pasalubong para sayo ano? Sabay gusot nito na nakangiti sa mahabang buhok ni Emerald.

Bakit lalo yata naging kaakit akit Sakin ang ngiti ni kuya Vincent? Gustong gusto nya kapag ngumingiti sa kanya ang lalaki na lalong nagiging prominente Ng cleft chin nito.

"Oh eto, ang paborito mong chocolates, imported to dala nina mommy at daddy galing sa pag tour abroad" sabay abot ni Vincent ng mga chocolates kay Emerald.

Na agad inabot ni Emerald na nawala na ang pagtulis ng nguso.

"Oh Bakit ang dumi ng short mo"? Pansin ng binata samaruming short ni Emerald.

"Hay naku iho, alam mo Naman yang batang yan,hindi kumpleto ang araw kung hindi makakaakyat sa mga puno sa paligid ng mansion oh kaya sa hacienda." Sabat ni yaya Lorie na kasunod ni Emerald na pumasok ng mansion.

"Yaya Naman eh,hindi na ako bata" sabay padyak ng paa ni Emerald sa marmol na sahig ng mansion, ewan nya pero ayaw nyang tinatawag pang bata lalo at kaharap si Vincent. Muli ito sumimangot.

"Hahahaha, lakas Ng tawa ni Vincent, "may dalaga bang umaakyat pa sa mga puno?" Natatawang pang aasar ni Vincent kay Emerald,natutuwa siya sa kapatid Ng nobya, malapit ang loob nya dito dahil wala sipang kapatid na babae Ng kanyang mga kapatid.

"Basta hindi na ako bata noh?" Lalong sumimangot si Emerald, gusto nya dalaga na siya sa paningin ng kuya Vincent nya.

"Uu na, pero wag ka na nag aakyat sa mga puno,baka mahulog ka" ginulo ulit ni Vincent ang buhok ni Emerald bago bumaling kay yaya Lorie.

"Yaya si Kristina po?" Tanong nito sa nakangiting yaya ni Emerald.

"Bababa na yun anak, magpahinga lang Ng todo dahil may jetlag pa"

Naiinis na hindi malaman ni Emerald ang sarili sa salamin Ng kanyang kwarto, agad siya umakyat sa kanyang silid Ng makitang pababa Ng hagdan ang kapatid.

Gandang ganda siya sa kapatid sa suot nitong bestidang lilac na bumagay sa kanyang maputi at mala porselanang kutis.

Napatingin siya sa princess sized mirror na regalo sa kanya ng kanyang ama noong ika 15th bday nya mula sa business trip nito sa Egypt, hindi siya nasiyahan sa nakita. Liban sa matangos nyang ilong na namana nya sa yumaong ina at maninipis na Labi na natural ang pagkakapula at chinitang mata na namana nya sa ama ay wala na siyang nakikitang maganda sa sarili.

Dagdag pa ang maitim nyang balat na dala ng madalas na paliligo sa dagat na bahagi Ng kanilang hacienda at madalas nyang pangangabayo sa loob ng hacienda buensuceso. Kaya ba Parang kapatid lang turing Sakin ni Vincent? Dahil hindi ako lading ganda ng ate Sa loob loob nya.

Pero kahit mapansin pa siya ng lalaki boyfriend na ito ng nakatatandang kapatid.

Napabuntung hininga na lang si Emerald at inumpisahang kainin ang chocolate na bigay ng lalaki.

Chapter 2 First Love Never Dies

Ninoy Aquino International Airport.

After 12 hours of long travel from France sa wakas nakalapag na rin ang dambuhalang eroplano dagdag pa ang isang oras na stop over sa Dubai International Airport.

Iniluwa ng pintuan ng dambuhalang eroplano ang isang babaeng balingkinitan ang katawan,na may makurbang balakang na bumagay sa long legged nitong mga binti na aakalain mong isang modelo sa bihis nito na pastel Armani fitted jeans at long sleeve white na nakatupi hanggang siko na binagayan Ng malapad na sumbrero na bagsak ang mga buhok na lampas balikat at dark glasses.

Eksaktong five years bago muling bumalik sa Pilipinas si Emerald, Hindi agad ito bumalik pagkatapos ng apat na tao na pag aaral Ng fashion design sa Instituto Marangoni, isang kilalang fashion school sa Paris France.

Kinailangan nyang manatili Ng isang taon sa France for personal reason, even herself has no idea kung ano gusto nya iwasan sa Pilipinas. Its good thing after I received my certificate degree in fashion and Design I was lucky being hired as junior fashion designer in one f the prestigious fashion company in France.

Napabuntung hininga si Emerald habang naglalakad hila ang kanyang luggage patungo sa isang parte ng NAIA kung saan nag aantay ang isang private helecopter na pag aari Ng pamilya Niya na maghahatid sa kanya sa kanilang hacienda sa Quezon province.

Samot saring emosyon ang kanyang naramdaman pagkababa nya Ng dambuhalang eroplano. Aaminin niyang namiss nya ang Pilipinas. Lalo na ang lalaking dahilan ng kanyang pag alis at pag aaral sa malayong banda.

Agad siyang sinalubong ng piloto ng helicopter.

"Ang daddy mang Jun? Nagtatakang Tanong ni Emerald pagkaabot na pagkaabot ng kanyang luggage.Inaasahan nyang Kasama ang ama na susundo sa kanya.

"Ako lang po ang pinasundo nya señorita," umiwas na tingin ng medyo may edad Ng piloto na halatang may tinatago.

Nas elementary pa lang siya ng maging piloto ng hacienda si mang Jun kaya kapamilya na turing nila dito at bihasa sa pag papatakbo ng helicopter.

Hindi na nagtangkang muling nagtanong si Emerald dahil hindi rin Naman sila gano magkakarinigan nito, at ayaw nyang abalahin ito sa pagpapalipad ng helicopter.

"Welcome home señorita" sambit ni mang jun pagkalapat ng helicopter sa lupa di kalayuan sa mansion Ng mga Buensuceso. Mag aalas kwatro na Ng hapon ng sapitin Nila ang hacienda.

May humaplos na mainit sa puso ni Emerald,Naging selfish ba siya sa mga taong nagmamahal sa kanya sa hindi pag uwi ng limang taon? Ramdam ni Emerald ang init sa mga salita nito.

Ngaun nya namiss Ng todo ang daddy nya at ang kanya yaya Lorie. Ang mga puno,ang dagat ang mga baka at kabayo sa loob hacienda. Punong puno ng emosyon si Emerald ng itapak nya ang kanyang mga paa sa lupa.

"Dad.." takbong sugod nya sa ama ng matanaw nyang nakatayo sa maluwang na pinto Ng mansion at naghihintay sa kanya.

Nangingilid ang luha na niyakap ni Don Enrico ang bunsong anak, alam ng Diyos kung gano nya namiss ito.

"You're finally here my sunshine?" Naiiyak na tumango ang dalaga, ramdam nya kung gaano siya namiss Ng ama, tinatawag lang siya nitong sunshine kapag naglalambing ang ama at kapag gusto nito iparamdam ang pagka miss nito sa kanya.

"I home dad, I miss you dad"

"Kaya ba natiis mo ako na hindi man lang dalawin anak sa loob ng limang taon?" May himig pagtatampo ng ama.

"Soo sorry dad" nakayuko nitong sabi na nagpahid Ng luha.

Nahihiya siya sa kanyang ama, kung hindi pa siya nito dalawin ng kanyang ama sa France two years ago hindi pa sila magkikita ng ama. At medyo malaki ibinagsak ng katawan nito hindi tulad Ng dumalaw soya niyo sa ibang bansa.

"Yaya, " baling nito kay Aling Lorie na tahimik na umiiyak sa tabi Ng ama.

Sobra ang tuwa ni Aling Lorie ng malamang uuwi na ang kanyang alaga, na inalagaan nya mula Ng isilang ito na siya ring araw ng kamatayan ni Doña Corazon ang ina nito na namatay sa pangnganak sa kanya.

"Napakaganda Ng alaga ko" umiiyak nitong sambit habang yakap ng mahigpit ni Aling Lorie na tinuring na nyang tunay na anak kaya nga hindi na siya nakapag asawa.

"I miss you so much yaya" naiiyak na sagot ni Emerald.

"Magpahinga ka muna sa kwarto mo anak, sabat Ng ama."Alam ko may jetlag ka,ipapagising na lang Kita kay Aling Lorie sa hapunan" sabi ni Don Enrico habang papasok Ng mansion.

Nakangiti si Mang Jun habang pinapanood ang tatlo papasok Ng mansion, sa wakas bumalik na ang prinsesa ng hacienda sa loob loob nito. Muli na magkaka buhay ang mansion at ang hacienda sa pagbabalik ni señorita.

Pagkapasok napagkapasok ng dalaga agad nitong isinara ang pinto.

She feels the nostalgia, she briefly recalled the happy memories during her childhood, abruptly tears roll from her eyes as she walks toward familiar cabinet.

She carefully pull the drawer and sit on the bedside and putting it on her lap.

Inisa isa nyang inilabas ang mga regalo sa kanya ng lalaking napagtanto nyang hindi kailanman nawala sa isip nya at higit sa puso nya.

Pilit nyang iwinaglit sa isip nya ang lalaking habang nasa ibang bansa siya, but the more she tried to forget him the more she realized that the man she wanted to spend the rest of her life is the same man she adored when she was on her teens.

At hindi nya alam sa sarili kung paano nya ito pakikiharapan, pero huli na, andito na siya wala siyang choice kundi magkunwaring hindi nasasaktan.

Ngayun nya sobrang namiss ang mommy nya, "Mommy, bulong nya sa sarili sabay tingin sa ceiling na para bang doon nya Makikita ang mommy nito"

Tok, tok, tok, ng makarinig si Emerald ng mahihinang katok sa pinto Ng kanyang silid.

"Anak.." ang yaya Lorie nya.

"Pasok ya, bukas po yan" imik nya habang pinupunasan ang luha.

Pumasok ang yaya Lorie nya at nalungkot sa nakita nyang anyo habang nasa kandungan nito ang drawer na naglalaman ng mga ibat ibang regalo na alam nyang unang pag ibig Ng alaga.

"Mahal po pa ba siya anak?" Sabay upo nito sa tabi Ng alaga at sabay himas nito sa mahaba niyang buhok.

Imbes na sumagot,yumakap ito sa yaya nya at umiyak.Hindi na siya makapag lihim dahil bukas na libro sa yaya nya na ang lalaking iniibig nya ay sobrang Mahal parin nya hangang ngayon.

Awang awa si Aling Lorie sa alaga,kung buhay pa sana si Doña Corazon kahit papaano mapapagaan ang dinadala ng bunso nitong anak.

Chapter 3 Hacienda Zobel de Ayala

Nagising si Emerald sa dapyo Ng malamig na hangin sa kanyang maamong mukha na nagmumula sa nakabukas na bintana ng silid.

Napatingin siya sa Malaking wall clock na nakasabit sa dingding, alas syete ng gabi ang nakalagay na oras doon. Dalawang oras din siya nakatulog.

Naghihikab na bumangon si Emerald upang isara ang nakabukas na bintana. Ganong oras napakalamig na sa buong hacienda dahil sa napakaraming ibat ibang klase ng pump ang nakapalibot sa buong hacienda buensuceso.

Napatingin sa labas Ng bintana ang dalaga. Mula sa kinatatayuan nya sa ikalawang palapag ng mansion tanaw nya ang walang hangang kadiliman liban sa mga ilaw na nakapalibot sa paligid ng mansion. Muling binalot ng sari saring emosyon ang kanyang puso,pero lamang ang katuwaan dahil there is no place like home. Nag aalala lang siya kung paano nya haharapin ang lalaking hangang ngayon laman ng kanyang puso.

Kailangan na niyang mag ayos anumang sandali susunduin na siya ng kanyang yaya Lorie para sa hapunan.

"Anak..." Eksaktong nakapag ayos na si Emerald ng tumawag ang yaya Lorie nya para sa hapunan, medyo human ang pakiramdam nya sa malamig na tubig pagkatapos nya makapag shower.

"Halika na anak, nag aantay na daddy mo sa komedor" sabi nito pagkabukas ni Emerald Ng pinto Ng silid.

Sabay na bumaba Ng hagdan and dalawa upang maghapunan.

Napatingin si Emerald sa malaking family portrait Nila sa sala grande ng mansion, napatitig siya sa imahe Ng ina.

"Namimiss mo ba mommy mo anak" si Aling Lorie

Bakit Parang nagiging emosyonal yata ako lalo na Ng tumuntong ulit ako sa mansion, sa loob loob ni Emerald.

Pilit ang ngiti sa mga Labi Ng dalaga na napatingin sa yaya. "Tara na yaya, nag aantay na daddy" imbes ay sagot nito imbes na sagutin ang yaya.

Malungkot na sumunod na lang si Aling Lorie sa alaga patungo sa komedor.

"Hi daddy,"

"Maupo na kayo ni yaya Lorie at lalamig ang pagkain" senyas ng kanyang ama.

Humalik lang sa Emerald sa ama at umupo na ito sa kaliwang bahagi na upuan ng ama kahilera ng kanyang yaya Lorie.

Lahat Ng pagkain na inihanda ng kusinera ay paborito ni Emerald. Liban sa lechon de leche at crabs pellet na paborito ng ama.

"Dad have you been well? Parang you don't look good unlike you last visited me in France" puna nito sa katawan ng ama sa pagitan Ng pagkain.

"Don't mind me iha, ganito talaga ama mo pag tumatatanda na, anyway anak, do you stay here for good"

Napatigil sa pagkain si Emerald, uminom muna Ng fresh mango juice na nasa harap saka sumagot sa ama na nakatitig sa kanya.

"I don't know Dad" sagot nya.

"Bakit anak may plano ka pa bang bumalik Ng France at iwan ang Hacienda?" May himig lungkot sa boses ni Don Enrico. Bilang ama ayaw na nyang bumalik pa sa ibang bansa ang kanyang prinsesa.

Maging si Aling Lorie ay nakatingin sa Mahal na alaga, sa puso nito ayaw na nya na lumayo ang Mahal na alaga na itinuring na nyang anak.

"Umuwi lang ako para dumalo sa kasal ng ate Kristina, siyanga pala dad kelan darating ang ate?" Pinasigla ni Emerald ang boses para maghimig siya na masaya sa nalalapit na kasal ng kapatid.

Bilang solong kapatid hindi magandang tingnan and it's not appropriate not to attend to her eldest daughter' wedding.

"Ewan ko ba sa kapatid mong yun, sa makalawa pa daw siya makakarating, the day before her wedding dahil hindi siya basta makabalik from Switzerland hindi Niya basta pede iwan ang trabaho nya abroad without proper endorsement sa makakapalitan nya." Mahabang tugon ng ama na Napapailing.

"Pero dad pano nasukatan ng wedding dress si ate Kristina if during the preparation eh nasa abroad siya"

"Parang hindi mo kilala ang kapatid mo, ayun nagpadala na lang Ng sukat sa wedding planner Nila, at pamilya na lang Ng mapapangasawa ng kapatis mo nag aasikaso Ng kanilang nalalapit na kasal"

Kawawa Naman pala si Vincent, base sa naoobserbahan nya noon alam nya kung gaano kamahal Ng lalaki ang kanyang kapatid. Malungkot nyang saloob loob. At hindi yun nakaligtas sa paningin ng ama.

......

Sa kabilang dako sa Hacienda Zobel de Ayala:

Dalawang araw pa bago ang engrandeng okasyon, Nagsisimula na ang kasiyahan hindi pa man araw ng pag iisang dibdib ng panganay na anak ng mga Zobel de Ayala na si Vincent sa panganay ding anak ng mga Buensuceso.

Karatig lang nito ang Hacienda Buensuceso na napapagitnaan lang Ng national hi-way sa probinsiya ng quezon. Halos kasing lawak din ng Hacienda Buensuceso and kabilang hacienda na may sukat na mahigit isang daang ektarya na kopras at mga alagang baka ang pangunahing produkto nito, dagdag pa ang mga palaisdaan ng alimango at sugpo, samantalang ang hacienda Buensuceso ay kilala sa mango plantation at pag bread Ng mga kabayo.

Lahat ng mga manggagawa at tauhan ng hacienda ay imbitado, Walang tigil ang ingay ng mga baka at baboy na kinakatay habang nagkakasiyahan ang lahat ng kababaihan habang naghahanda ng mga lulutuing ibat inang klaseng pagkain. Mapabata o matanda ay kasiyahan sa mukha ang Makikita. Pambihirang okasyon iyon na na kanilang masasaksihan dahil dalawang maimpliwensiyang angkan sa kanilang probinsiya ang mag iisang dibdib.

"Hooo..hoooo.." pagpapatigil ng bagong dating na si Vincent sa sinasakyang kabayo. Binisita nya ang pagkakatay ng mga baka at ang preparasyon na ginagawa ng mga tauhan ng hacienda.

"Good evening siñorito Vincent" halos sabay sabay na bati Ng mga dinatnan.

Tango na nakangiti lang ang sagot Ng binata.

"Tatay Kardo kumusta ang pagkakatay? Tanong nito sa katiwala habang nakasakay sa kabayo.

"Tamang tama po siñorito bukas bago ang kasal tapos na katayin lahat ng baka, ang natitirang sampung baka na lang ang kakatayin para gawing litson, tapos na po ang sampung baka para sa ibat ibat putahe" sagot ni mang Kardo

"Tapos na rin po hanguin sa palaisdaan ang mga sugpo at limango siñorito" sabat naman ng iisang babae.

"Salamat sa suporta nyo, sabihan nyo lang ako tatay Kardo at nanay Mila kung may kailangan pa"

"Makakaasa po kayo siñorito" Sabay na sagot Ng dalawa

Kumaway si Vincent sa ibang nagkakasiyahan habang naghahanda sa okasyong darating at pinatakbo na palayo ang kabayo.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022