This is Book 2, kung hindi mo pa nabasa ang book 1, please go to my profile and read GODS.
Aria's POV
Nandito ako ngayon sa aming balkonahe at nakatanaw lang ako sa lawa. Pitong taon gulang lamang ako pero alam ko na may kakaiba sa akin. Galing ako sa angkan ng mga healer at mamanahin din ang kapangyarihan pag nasa wastong gulang na ako.
Pero, may kakaiba sa akin. Gabi-gabi, tuwing natutulog ako ay lagi kong napapanaginipan na kinakausap ako ng mga Diyos. Nalaman ko dahil sinabi nila, paulit-ulit at gabi-gabi ito magyayari.
Lagi nilang sinasabi na balang araw, ibibigay daw nila yung anak nila sa akin. Hindi ko naman maintindihan masyado ang mga sinabi nila. Ibibigay nila ang anak nila sa akin? Hindi ko kayang mag-alaga ng bata dahil bata lang din ako at tsaka hindi pa ako marunong.
"Aria, sayo ba ang librong ito?" Tanong ng nanay ko sa akin.
Tumango ako. Sa totoo lang, hindi ko pagmamay-ari ang librong yan na mukhang luma at ayaw naman bumukas. Parang nakadikit lahat ng pahina nito.
"Hindi mabuksan. Itapon ko na to?" Tanong nito sa akin.
Umiling ako. Nasa panaginip ko na bigay ng diyos ang librong yan at hindi ko daw pwedeng itapon. Pero nasubukan ko na rin itapon yan dati dahil pakiramdam ko ay hindi naman totoo yun at tsaka hindi rin nabubuksan kaya walang silbe. Pero nagugulat na lang ako na tuwing umaga ay nasa mesa ko na libro at bumalik.
Naulit yun at hanggang sumuko na ako at pinabayaan ko na lang at inilagay sa mga lagayan ng libro. Wala din naman akong magagawa dahil kahit itapon ko pa ay babalik at babalik ito.
"Aria! Laro tayo!" Tawag sa akin ng kapatid kong si Juno.
Lumapit naman kaagad ako sa nakakatandang kapatid ko na lalaki dahil syempre laro, paborito ko yun.
???
Lumipas ang maraming taon at tumuntong na ako sa wastong gulang at lumitaw na rin ang aking kapangyarihan. Hindi ko na napapanaginipan ang mga Diyos at ang libro ay nanatili sa lagayan ng mga libro.
Halos hindi na rin namin makita ang mga magulang namin dahil lagi itong sumasama sa mga atake dahil malaki ang papel nila at konti lang ang mga healer dahil hindi lahat ay biniyayaan ng ganitong kapangyarihan.
Pero isang araw kalat na kalat na ang malaking digmaan na nagyayari sa kampo ng mga tao at mga demonyo, lahat ng mga healers ay kinuha ng mga taga palasyo maliban sa akin.
Itinago ng mga magulang ko ang katotohanan na isa din akong healer at hindi rin pinaalam at hindi rin ako inirehistro. Ang alam ng lahat ay isa lang ang anak nila inay at itay at si Kuya Juno lang.
Dati ay wala lang naman akong pakialam dahil hindi naman nagkulang sila inay. Pero ngayon naintindihan ko na. Kaya paubos ang ang healer dahil namamatay ang mga ito dahil sa paggamit ng kapangyarihan, dahil sa maraming mga sugatan at humihina ang stamina, ang kapangyarihan ng healer ay gamutin ang mga sugatan at ibalik ang mga nawalang stamina gamit ang kapangyarihan.
Ngayon ay nag-iisang nakatira na ako sa pinakaliblib na kaparangan na walang pumupuntang tao. Sinadyang magtayo ng bahay ang mga magulang ko rito kung sakaling may mangyari man ay may mapupuntahan ako.
Kabilin bilinan ng pamilya ko na hindi na ako babalik sa bahay namin at dito na ako. Huwag din daw akong magpapakilala o makikihalubilo dahil maratamdaman daw nila ang kapangyarihan ko. Kaya hindi na ako lumabas dito sa kaparangan dahil maraming tanim at prutas naman dito.
Yung libro ay sa totoo lang hindi ko siya dinala pero nagulat na lang din ako at nandito na rin sa bahay. Hindi ko talaga alam kung ano ng misteryo ng libro at ano ang papel nito sa buhay ko.
Naging, magulo ang lahat at ramdam ko na ang pananaig ng mga demons. Natatakot na din ako dahil sa kaligtasan ko. Walang ibang magliligtas sa akin kundi ang sarili ko. Pero isang gabi ay ulit ko na panaginipan ang mga Diyos. Ang sabi nika ay oras na.
Oras na para ibigay nila ang kanilang anak.
?????????????????
Teaser of the past guys. The official launching of the book 2 will be on friday.
If you hadn't read the first book. Please go to my profile and read the book and vote. It will create confusion if you did not read the 1st book. Thank You.
Snow's POV
"Kyyaaaahhhhhhhhhhhh!" Naisigaw ko na lang ng wala sa oras.
Nandito ako sa banyo ngayon at nakaharap sa salamin. I was so shock staring at myself in the mirror. Why is that? My hair just turn into platinum blonde! Oo, platinum blonde! Kagabi brown pa ito eh, at hindi naman ako nagpakulay o kaya naman hindi ako nagsleep walk.
"Hey! What was- what the hell?" Nabigla din tanong ni Luna. "What did you do to your hair?"
Napatingin ako rito na lukot ang mukha. Like seriously? Sisigaw ba ako kung ako may gawa nito? Hindi naman siya pangit tingnan kaso, bigkang nagbabago ang kulay ng buhok ko overnight? Baka naman tumatanda na ako? But hindi naman ganito ang kulay ng buhok ng matatanda.
"I woke up like this." Reklamo ko kay Luna.
Hinawakan pa talaga nito ang buhok ko at chineck kung totoo ba. "Hell, it is real. How did your hair ended up like that?" Tanong nito.
"I don't know. I was just practicing my elements lastnight and nothing else. I slept and when I woke up, my hair is already like this." Sagot ko naman rito. Nakakapagtataka lang talaga siya. Tsaka aani na naman ito ng atensyon sa academy dahil syempre brown na buhok ko ang nakasanayan nila.
Nagtataka ba kayo kung bakit nandito si Luna? Well ganito lang naman kasi ang nangyari. Mula ng mapabilang ako sa Elites eh inilipat na nila ako sa Elite Dorm. Ayoko nga sana dahil at home na at home na ako sa kwarto namin ni Yuki ay dapat sundin ko daw yung patakaran. Nakakamis lang kasi dahil hindi ko na gaanong makakasama si Yuki. Di tulad ng dati na nakakasawa na to the point yung mukha ng babaeng yun hahaha.
"Baka dahil effect yan ng power mo." Saad nito sa akin.
Yun din ang naisip ko, dahil wala talaga akong ibang maisip bukod doon. Hindi uso dito ang magpakulay ng buhok at tsaka hindi rin ako mahilig nun.
"Baka nga." Sang-ayon ko na lang din dito. Yung kuwarto ko pala dito sa Elite dorm eh nasa top floor. Ang taas taas buti na lang at special itong dorm nila at may elevator, baka mamatay ako sa kakaakyat panaog dito. Sa baba ko ay kuwarto ni Luna kaya malamang siya lang ang nakarinig sa mala celine dion ko na sigaw.
"Teka anong oras na ba?" Tanong nito at tumingin ito sa relo nito. "6am, ang aga pa. Sabay na tayo mag-agahan." Saad nito at tsaka lumabas na ito ng banyo.
Naiwan naman akong nakaharap sa salamin at napabuntong hininga na lang. Naligo na lang ako dahil kahit anong gawing titig ko sa salamin ay di mababago ang kulay ng buhok ko at di maibabalik sa dati.
???
Bumaba na ako at kasama ko nga si Luna. Nakasuot pa rin ako ng salamin dahil hindi talaga ako komportable na hindi ito suot. Lagi akong nakakasalo ng nga irap ni Violet habang si Jin at Avis naman ay parang namamagnet na ang mga mata sa akin. Nakaka-awkward sa totoo lang, yung feeling na tinitingnan ka ng harap harapan.
Pumanhik kami sa dinning area at nadatnan na rin namin ang ibang myembro ng Elite na nakaupo ba rin at tila kami na lang ang hinihintay. Umupo ba kami ni Luna sa may bakanteng upuan at tsaka nagsimula na kaming kumain.
Apple cider, Tart, egg and hotdog yung basa hapag. Pang breakfast talaga. Pero yung dami ng pagkain ay hindi pang-breakfast, parang pang fiesta. Natural, si Avis pa naman na parang ewan at adik na adik sa pagkain.
"Don't wear your glasses." Reklamo ni Avis. "Why are you hiding your face?"
Gusto ko naman taasan ito ng kilay. Isa nga ito sa dahilan bakit hindi ko inalis ang disguise ko. Nakaka-imbyerna to ah. Everyday ganito kami sa hapag, namimilit ito na wag na daw akong magsuot ng salamin.
"I am comfortable with it." Sagot ko dito, at dahan dahan na kinakain ang hotdog at itlog.
"Give it a rest Avis. You are so annoying early in the morning." Reklamo naman ni Violet na kulang ba kang eh saksakin na ng tinidor nito ang hotdog. Mukhang nanggigigil ito.
"One more time Avis and you will have one plate every meal." Malamig na saad ni Yuan na concentrate sa pagkain.
Napatingin naman kami lahat dito. Agad naman natahimik si Avis at itinuon na lang ang pansin sa pagkain. Yuan is the leader of the group since he is the prince and also who has the highest level, do not include me, though I have higher level but I am just a commoner.
"When is your special training will be finish?" Tanong ni Luna sa akin.
"Sabi ni Prof Claw, one more week at ok na daw pwede na akong humabol sa inyo." Sagot ko rito.
Yes totoo, isang lingo na lang at matatapos na ang special class and training ko. Madali naman kasi akong matutuo kaya hindi yun problema. Ang problema ko kang eh ang dami-daming librong kailangan i familiarise dahil nga sa kailangan ko na makahabol at mabilisan din ang klase.
"That's good." Komento naman ni Yuan.
I felt my ears on fire. I feel very uncomfortable every time he speaks to me. Hindi naman uncomfortable in a bad way, yun lang na pagkakausapin ka niya eh, akala ko nakikipagkarera na yung puso mo at tsaka nacoconscious ka ng walang dahilan. Relate kayo? Ewan ko ba, alam ko crush ko ito dahil sa feelings na ito. But no way high way to hell na sasabihin ko rito na crush ko siya. Baka lumaki lang ulo nito no.
Hindi ba ako umimik at itinuon ko na ang pansin ko sa pagkain dahil baka ito pa ang dahilan at malate ako. Si Sir Kier pa naman ang first period, naka kung ano na naman ang maisip nun. Natapos na kaming lahat na kumain kaya sabay na kaming lumabas para sa klase.
???
"Bes, ang boring ng dorm." Saad ni Yuki sa akin. "Wala akong makausap doon."
"Sorry Yuki ah. Wala talaga akong magawa dahil pinadalhan na talaga ako ng papel ni Headmaster na kailangan kong lumipat." Saad ko rito. Kasi sa una ay hindi ko binigyang pansin ang paglilipat at hindi ako lumipat. Mas prefer ko kaya na kasama si Yuki. At hanggang sa pinadalhan na ako ng summon kaya wala na akong magawa dahik may mga dumating ba rin at kinuha mga gamit ko ng hindi na nga nagpaalam sa akin.
"Ok lang Snow, at least, may dahilan na ako para pumunta sa Elite dorm." Saad nito at may pahabol pa talagang ngiti. Alam na alam ko na mga galawan nito eh.
"Grabe siya oh. Parang sinabi mo na rin na hindi ako ang pakay mo run." Nakangusong saad ko rito.
"Of course, ikaw yung main reason ng pagpunta ko, pero syempre happy din ako kasi lagi ko ng nakikita ang mga papables na ka dorm mate mo. Swerte mong bruha ka." Sagot nito sa akin.
Tingnan mo ito. Zebra never change its stripes ika nga. Hindi na talaga ito magbabago ba. Kung naging lalaki lang ito naku, fucboi na fucboi lang hahaha.
"Good morning class!" Bati naman ni Sir Kite sa amin na pumasok na pala.
"Morning Sir." Kuro naman namin lahat.
Agad na umayos kami ng upo at kinuha yung libro sa drawer. Syempre, attentive kami rito. Alam niyo na kung bakit.
"Class, today's topic will be outside from our previous topic. I just got an urgent lesson plan from the palace that needs to be discussed with you." Saad nito sa amin at binuksan nito ang dalang libro na mukhang bagong bago at hindi naman ito kakapalan na libro. "Our topic for today is about the myth or prophecy as what the seer says." Saad nito.
Myth? Prophecy? Magkukwento ba ito ng story tulad ng alamat ng pagong at ang kuneho o kaya naman alamat ng pinya. Mukhang talagang malayo nga sa previous topic namin pero myth is still part of history though.
"According from the myth the day when the sun cries with blood and the moon will turn to dark, a child of the Gods will save all beings and can defeat the darkness." Saad nito habang nagbabasa ng libro. "As the god of darkness rebelled and raised an army to eliminate man-kind, the Gods created a being from their own power and flesh, a being who is a direct descendant from the Gods and who brings the full power of all Gods."
Nanindig ang mga balahibo ko habang nakikinig. The myth is creepy. If the Gods created a being or to simply say their child has all their power, then what is this child? Also a god?
"The only way to save the world is to find the child of the prophecy before the demons will lay their hand on the child." Saad nito at tsaka isinara na ang libro.
"Sir Kite, is that story real?" Tanong ni Calixta.
Tumango si sir Kite. "It is real as all the prediction happened. As the sun will turn red, history will repeat itself and only the child of the Gods can save all of us." Sagot ni sir Kite na tila meron napakalaking problema.
"Then, where is the child now?" Tanong ni Gerald dito. Mukhang kaming lahat ay nagkainteres.
"No one knows. The only thing that can distinguish the child is, that child is unique. The child bears all the element and powers of all Gods." Sagot ni Sir Kite.
Bigla naman parang may bumundol sa aking dibdib. Bearing all elements. Bigla na lang lumitaw sa isip ko ang kakayahan ko na gumamit ng apoy maliban sa tubig. Muntik na akong mapakagat sa kuko ko. No one knows who is the child of Gods so their is a possibility that even that child does not know either.
Inalis ko na sa isipan ko ang mga naisip ko. It doesn't make sense. I have parents, not unless I am an orphan. Maybe it is just a coincidence that I bear more than one element.
"Then how are we going to find the child?" Tanong ni Will na ngayon ko lang din napansin. Hindi na kasi ito nang-aaway sa akin.
"We will know, the moment the the child's ulitimate power will be released." Sagot naman ni sir Kite.
So yun lang ang paraan para malaman kung sino at saan ang anak ng mga diyos. Iniisip ko pa lang, na makikita ko ang anak ng mga diyos, pinaninindigan na ako ng balihibo. I already think that child is somewhat out of this world and dangerous.
?????????????????
Nahirapan ako sa panimula sa chapter 1 hahaha. Sa totoo lang, napakahirap simulan ang ikalawang libro. Hindi gaya ng unang libro na sobrang dali lang, since this is already the continuation dapat may laman na kaagad sa first chapter pa lang.
Vote and comment!
Snow's POV
Naging mabilis ang araw at natapos na rin ako sa aking supplemetary class. Naging maluwag ulit yung schedule ko. Pero ngayon ay may napansin kaming kakaiba. Si Jin na tahimik ay mas lalo pang nanahimik at tila may malaki itong problema na dinadala na hindi naman sinasabi.
Lahat kami ay nakakahalata na pero kung tatanungin naman ito ni Yuan ay nagdedeny naman at sinasabing wala daw siyang problema. Naging ganoon siya sa mga nakalipas na araw at tsaka laging nagkukulong sa kuwarto. Dati kahit tahimik ito eh nakikisama naman din kahit papano, ngayon parang lahat kami iniiwasan.
"What is wrong with him? Is he angry on something?" Naiiritang tanong ni Violet.
Si Violet na napaka-vocal but I find her nice naman kahit papaano, hindi lang talaga siya plastic.
"I don't have any idea what is he going through." Sagot naman ni Avis.
"Maybe, a process of adolescence?" Saad ko. Wala akong ibang maisip eh.
Natawa naman si Luna. "He is 21, he is an adult already." Natatawang saad naman ni Luna.
"Then what's the problem?" Naitanong ko ulit.
"Only him knows." Saad ni Yuan.
Nagpasya na lang akong nanahimik. Whatever the problem is, I believe it is heavy and a burden to Jin.
???
Papunta ako sa headmaster's office para ibigay ang listahan na pinabibigay ni Yuan. Inutusan ako kasi ako yung pinakabata sa kanila at pinakabago. Hindi naman gaanong malayo ang office ni Heamaster Kier but it is quite a walk naman.
Nadatnan ko na wala yung secretary niya sa labas. Usually, sa secretary lang niya dumadaan ang lahat o kung may ipapasa ito na na yung nagbibigay sa loob. Himalang wala ito ngayon sa desk niya. Napansin ko naman na medyo bukas ang pintuan ng headmaster office kaya napagpasyahan ko na pumasok na lang dahil wala yung secretary.
I touched the handle of the door and about to push it open but I heard voices inside.
"Headmaster, the case in the city of Windolia is not good. People are kept on missing and until now, no one knows where they are." Saad ng isang boses na hindi pamilyar sa akin.
"Did they already send the knight to investigate?" Tanong ni Headmaster sa lalaking di ko kilala ang boses.
"The palace already deployed 10 knights to investigate. But, 3 of them went missing." Sagot nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko. The talk seems very serious and I feel like I am not suppose to hear it. And they said Windolia, sapagkakaalam ko lupain yan ng mga Sel Monroe, pag-aari nila Jin!
"3 went missing? How did it happened? Is this a bandit's doing?" Nag-aalalang tanong na ni Headmaster.
"According from the villagers, every night there is unusual noise outside and in the morning, another person is missing." Sagot nito.
Nakakabahala nga ito. But ito ba ang dahilan kung bakit ganito si Jin? Alam na ba niya na may nangyayaring hindi maganda sa kanilang lupain?
"Ms. Sylveria?" Biglang tawag sa akin ng secretary ni headmaster na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.
Naitulak ko tuloy yung pintuan dahil sa gulat. Grabe muntik na akong atakihin sa puso dun ah.
"Snow?" Naiusal naman ni Headmaster.
Tabinging ngiti naman yung naibigay ko. Alam mo yung nahuli ka sa akto or like you were caught stealing cookies from a cookie jar.
"Yes, headmaster." Sagot ko dito. "I-I am here to submit this paper, but no one is outside." Paliwanag ko dito.
"Did you hear it?" Tanong nito.
Gusto kong magsinungaling but there is no sense. Alam ko na alam nito na narinig ko ang pag-uusap nila ng lalaking hindi ko kilala.
"Yeah?" Sagot ko rito. Napalunok pa talaga ako dahil syempre kinakabahan ako.
"You are not suppose to hear it but, this is not a secret as well." Saad nito at tinanggal ang suot na salamin sa mata. "Give the paper to Vanica and you can go. And I trust you not spread rumour about it." Saad nito.
Gusto ko naman taasan ng kilay ito. Hindi ako chismosa para ipagkalat yun. But somehow, I was happy na narinig ko ito dahil kahit papano ay may ideya na ako kung bakit nagkakaganun si Jin.
"Yes, headmaster." Sagot ko rito.
Umalis na ako sa office ni headmaster at bumalik na ako sa dorm. Pagdating ko ay ganun pa rin ang sitwasyon ng dorm pero nadatnan ko si Yuki na nasala living room at kausap si Luna at Avis habang si Violet ay nakaupo lang at nagbabasa. Si Yuan, ewan baka nasa kuwarto niya.
"Yuki!" Bati ko rito.
"Snow!" Ganting bati nito at tsaka niyakap ako nito. Kung makayakap eh akala mo hindi kami nagkikita araw-araw di ba? But that's how close we are. "Nagkukwentuhan kami rito dahil si Jin daw malungkot." Saad nito.
Aba at i-chinismis pala ng dalawa ang sitwasyon ni Jin. It cannot be helped as well since crush ng bruhang to si Jin. But it would be better na wag sabihin sa kanila ang mga narinig ko. I am not in the position to say it. Ni hindi nga masabi ni Jin sa amin kung ano ang problema tapos ako pa talaga ang magkukwento.
"Yeah. Yung crush mo, nananahimik ng level 999999." Saad ko dito.
Nanlaki naman ang nga mata. "Grabe ka ah! H-hindi ko siya crush! Nagtatanong lang ako, masama na ba yun?" Defensive na sigaw nito.
The more she screams, the more it is confirmed. Hindi ito marunong magtago ng feelings hahaha. Di tulad ko na magaling hahaha. Proud pa talaga ako eh no?
"Sabi mo eh." Saad ko na lang rito para matahimik na ito.
Si Luna naman at Avis ay natatawa dahil nga kahit sila ay syempre nahalata itong si Yuki. Namumula pa yung mukha eh. Akala mo kamatis.
"By the way, Windolia yung lugar nila Jin di ba?" Tanong ko kina Luna.
Tumango naman si Luna. Tama, magpinsan pala si Luna at Jin. Yung ama nila ay magkapatid parehong air user pero yung mama ni Luna ay galing sa angkan ng mga light user from the land of Lithe. Doo na rin sa Lithe nanirahan ang ama ni Luna dahil sa royal blood ang mama ni Luna na tagapagmana slng lupain.
"Do you happen to hear any news from Windolia?" Tanong ko kay Luna.
Umiling naman ito. "I haven't heard anything yet. Why?" Tanong pa nito. Mukhang nagtataka ito dahil sa kung ano ang interes ko bakit ako nagtanong.
"Well, I am just a bit interested with their popular resources." Sagot ko rito. 100% lie dahil wala naman
Talaga akong kainte-interes sa kahit anong resources.
"Well, it is popular for best coats in the country. Since Windolia is a city where it snows all time of the year." Saad nito.
Tama. Sa windolia, ay isang kontinente ng Universe kung saan ay iisa lang ang klima kundi ang taglamig. The place even in the pictures are white and snowy. May pakonti-konting araw doon but not enough to melt the ice down.
"Hindi ko pa naranasan makapunta sa snow." Saad ko.
"Well your name is Snow." Saad naman ni Avis.
Lame joke. He may be trying to make a joke out of it pero hindi nakakatawa. Siguro na rin dahil sa nalaman ko na sitwasyon ng Windolia.
"Did you submit the paper?" Tanong ni Yuan na hindi ko napansin na pumasok na pala sa living room.
"Yes. I did." Sagot ko rito and trying to act cool.
"Hhmm. Ok, but everyone pack your things. We are going to travel." Saad ni Yuan.
Puzzled naman kami sa sinabi nito. Magtatravel kaming lahat? Like we are going to a trip?
"Huh? What do you mean? Vacation?" Tanong ko. Wala akong ibang maisip na dahilan para sa travel na ito. Tsaka, malayo pa din yung semestral break.
"Just pack up." Saad nito at umalis na sa living room at iniwan kaming nagtataka.
"Do you have an idea what was he talking about?" Tanong ko rito.
"Well, I am not sure as well." Saad ni Luna sa akin.
"Mission." Maikling saad ni Violet.
Napatingin naman ako rito. Mission right? I heard it correctly!
"We will have a new one?" Tanong ko rito.
Tumango ito. "I believe so, since we don't go on stupid vacation and that is the usual term of Yuan if we have an upcoming mission." Mahabang saad ni Violet na nagbabasa pa rin ng libro.
Nanlaki naman ang mga mata ko. This means, this is my first mission as an Elite and as a student! I feel excited to the point my worries about Windolia was vanished on my thoughts for a moment.
?????????????????
Ang daming silent reader sa book 1. Your vote is a help for supporting the entry of Watty's 2017. Votes are highly appreciated.