Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Loving Youu
Loving Youu

Loving Youu

Author: : NEBOJRLA
Genre: Romance
An introvert Rhexa Alexandria who hated her own birthday had two things in life, yun ay ang makapagtapos at makitang muli ang kanyang ama. She lost her father in the exact day of her birthday. Nawala ito sa gitna ng karagatan. Naniniwala ang iba na patay na ito ngunit hindi ang dalaga. Rhexa studied so hard, para sa kanya tanging pag aaral na lamang ang nakikita nitong daan para matupad ang matagal ng hinihiling. In her mind once she graduated and become successful, she will hire someone to look at her father. But what if, meeting her father means breaking her heart and losing someone who become part of her world. What will she choose? Would she gave up that Someone or her King?

Chapter 1 One

Hapon na kay ganda, na kasing ganda ni Kikay Laureta!

Napapangiti ako habang nakatingin sa sariling repleksyon sa aming basag na salamin. Suot ko ang bagong bili ni nanay sa akin na damit.

Bibihira lang ako nitong bilihan kaya sinusulit ko na! Umikot pa ako't pinakatitigan ang sarili.

Isang dyosa! Teka kailangan ko ng husgado. Asan naba ang mahadera kong Ina? Lumabas ako ng aming mumunting palasyo na gawa lamang sa kawayan.

"Nanay, Nanay, Nanay!"

"Nanay"! tawag ko sa mahal kong Ina, pero hindi sya sumasagot panigurado nakikipag chismisan nanaman. Hays! napaka chismosa talaga na ultimo panty na bagong bili kailangan pang ipagmaigi.

Nahanap ko itong nakaupo sa likod ng aming bahay habang nag huhukay.

VALENTINA LAURETAAAA!!

"Ano ba Kikay! agang-aga hiyaw ka ng hiyaw yang bunganga mo dere deretsyo. Hindi kaba nahihiya kung makatawag kang Valentina akala mo ikaw nagluwal sakin-"

"Ano nalang sasabihin ng mga taong makakarinig sayo?" putol kona, sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, ganyan lang naman ang bukambibig nyan.

Pinagmasdan ko itong mag bungkal ng lupa. Katirikan ng araw, sipag na sipag ito sa pagtatanim.

"Nay, chill kalang apaka highblood mo" Ani ko dito sabay abot ng malamig na tubig.

"Panong hindi h-high blood-in sayo" nanglalaking matang sabi nya.

"Ano bang ginawa ko?" painosenteng tanong ko. Pinaawa kopa lalo ang mukha ko at pinahaba ang nguso pero sa luob ko tawang tawa nako alam ko kasing ayaw nyang tinatawag na Valentina samantalang ang palayaw nya Darna, Darna the chismosa.

"Wag kang ngumunguso Kikay mukha kang tanga!"tamo apaka harsh parang hindi Ina.

"E nay, wag mo nga pinapakelaman pag ngunguso ko natural kase yan sa pouty lips, tsaka may itatanong kasi ako kung anong ginagawa ng okra sa ilalim ng unan mo?" sabay hugot ko ng okra sa bulsa ko. "Kaso bat mangitim ngitim na yung kalahating parte? saka nung inamoy ko amoy lubak." Hindi ko mapigilang hindi mapakunot habang naghihintay ng sagot sa nanay kong dinaig pa ata ang nakakita ng multo sa sobrang laki ng mata.

"Nay!" Muling tawag ko dito sabay wasiwas ng aking kamay, ngunit nanatili pa din itong gulat na gulat.

Muli kong pinakatitigan ang okrang hawak ko. Ano bang meron dito? Nakita ko lang naman ito sa ilalim ng unan nya. Ano bang kagulat gulat don?

Ibinalik ko nalamang uli ito sa aking bulsa, dahil baka kailanganin nya pa.

Kinuha ko ang isa pang itak, at inumpisahan na din ang pag bungkal ng lupa.

"Nay, bakit lagi kang nagtatanim? Ano ba yang mga butong tinatamin mo?" Tanong ko dito.

Napapansin ko kasi na kada umaga pag gising nya dito na kaagad ang diretsyo nya. Maghuhukay na ito ng lupa tapos may ilalagay na mga buto, hindi ko naman alam kung anong klaseng buto.

"Buto ito ng sitaw" anito habang naglalagay ng dalawang piraso ng buto daw ng sitaw. Pinagmasdan ko ito sa kanyang ginagawa, pagkatapos lagyan ng buto tatakpan nito ng lupa.

"Bakit ka ba laging nagtatanim, Nay?"

"Para may maulam tayo. Alam moba pag lumaki itong mga ito ay mapapakinabangan natin?" Nakangiti nitong sabi habang dinidiligan ang mga butong tinanim.

"Ang sipag-sipag mo talaga nanay"

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang ngiting naka kurba sa labi ni nanay.

Iba ang saya sa tuwing nakikita ko syang nakangiti. Para bang nakapagaan ng kanyang paligid.

Mahal na mahal ko si nanay kahit pa sya ang number one na chismosa dito sa brgy namin.

"Oo nga pala mag saing ka ng isang gatang, may ulam ka na din jan." Napakunot ang aking nuo ng mapansing itong nagkukumahog sa pag kilos.

"San punta mo nay?"

"Kila Pedring may labada ako" Natahimik ako ng marinig ang pangalan ng taong kinasusuklaman ko.

Si Mang Pedring ay amo ni nanay. Hindi ko alam kung bakit ayoko kay Mang Pedring. Ayoko nga din sanang pag labahin si nanay sa kanila, kaso wala naman akong magagawa. Yun lang tanging trabaho ni nanay na nagbibigay ng kaunting kaginhawaan sa amin.

Sinundan ko ng tingin si nanay na nagmamadaling umalis. Kulang na lamang ay tumakbo na ito palabas. Hindi ko manlang naalalang ipahusga sa kanya ang suot kong damit hayss.

Iniligpit ko na lamang mga ginamit namin ni nanay pang bungkal. Ibinalik ko ito sa dati nitong lagayan at dumeretsyo sa likod ng bahay upang magpakain ng aking mga anak.

"Mga anak, time to eat na. Come to mama!"tawag ko sa mga kyut na kyut kong mga anak. Pinagmasdan ko silang pantay pantay na naglalakad. Napatawa ako ng makitang Kumi-kendeng kendeng pa ang kanilang mga buntot. Tataray ng mga junakis ko nato kala mo hindi mga sakit sa ulo.

"Hoy kayong apat hintayin nyo yung isang kapatid nyo!" Pangaral ko sa apat na nauna na aba'y pano nakarinig at naka amoy lang ng lafang iniwan na nila si bunso mga gahaman pwe!

"Kruukkk baby come here." tawag ko sa bunso ko kaso balak pa ata magpaligaw huhu. Huminto ba naman sa tapat ng mga pato!? anak ng punyemas na kiti to malandi!

Tinitigan ko yung nauna kong apat na anak na masyado ng busy sa pagtuka mga patay gutom. " Hoy krunkie, meron pa don isang mais sa paa ni Krinkie. Wag na wag kayo nagsasayang ng mais mahirap magbuksil" tawag ko sa pinakapanganay ko. Napatingin naman ako sa medyo nananabang si Krinkie, ang anak kong mauuna pa atang makasalamuha ang alaga ni San pedro.

"Kwak-kwak-kwak"

"Putak"

Muling naagaw ang atensyon ko ng bunso kong nakikipag tukaan na pala.

"Kruuuk, Kinausap kolang yung mga kapatid mo sandali nakikipag landian kana agad?! bata kapa anak dipanga humahaba mga balahibo mo sa katawan gaga ka." Mangiyak-ngiyak na sabi ko dito, sabay pakita ng maliit na balahibo kaso ang gaga balak ata ako tukain at iaamba ang tuka.

" Sige subukan moko tukain gagawin kong pinadapang pato yung bebe mo!"

Syempre joke lang!

"Putak" putek nato palaban.

"Kwak" tawag ko sa kalaguyo ng junakis ko at matalinong pato tinitigan ako " Layuan mo muna si Kruukk kasi bata pa sya pwede bayon? magpadami ka muna ng balahibo sa katawan hani wala kapang mapapatuka sa anak ko kawawa naman sya" pakiusap ko sa pato at matibay isa din bastos tinalikuran ako huhu. Mga kabataan ngayon dina nila iniisip mga magulang nilang nagpapalamon sa kanila.

"Hoy! Rhexa Alexandria hindi kita pinag a-aral para lang makipag usap sa pato!"

Naibato ko ng di sadya ang mga hawak kong mais ng madinig ko ang boses ng mahal kong Ina.

"Ano ba naman yan Nay! bat ka nang gugulat? saka bat ka andito kala koba may labada ka?!" tanong ko dito habang pinupulot ang mga natapon ko. Hays! Pahirapan pa tuloy, ito kasing si nanay bigla bigla nalang sumusulpot kala mo kabute.

"Masyado ka nang magugulatin, bawas-bawasan mo na ang pag kakape."

Pati pag kakape ko nadamay pa.

Pinanuod ko itong umupo sa kawayan naming upuan. Parang pagod na pagod, wala pa naman syang isang oras na nakaka alis.

Inumpisahan nitong kut-kutin ng kanyang daliri ang cellphone nito na di keypad.

Panigurado nag lalaro nanaman 'to ng dugtong-dugtong na bilog.

Tumayo ako at tumabi ng upo dito. Ihinilig ko ang ulo ko sa balikat nito, at tama ako naglalaro nga sya.

Natatawa ako sa tuwing tumatama ang bola sa guhit. Bugnot na bugnot ang nanay ko kada babalik sa unang laro.

Nakailang ulit pa sya ng laro bago ito ihinto. Itinabi nya ang cellphone sa kabilang gilid habang unti-unting humihilig din sakin pabalik.

Napangiti ako ng maramdaman ang kaunting bigat nito sa ulo ko. Madalas kaming ganito. Sa tuwing nakikita ko siyang nakaupo, kahit ano pa ang ginagawa ko ititigil ko lalapitan ko siya at tatabihan.

"Nay! Sana andito nalang si tatay no? Siguro maganda ang buhay natin."

Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Na paano kaya kung andito sya? Magiging labandera pa kaya si nanay? Naramdaman ko na lamang na unti-unting inalis ni nanay ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa balikat ko, at munting pag pisil nito sa kamay ko. Ngunit hindi ako umalis sa pwesto o lumingon manlang sa gawi nito.

Araw-araw ganito kami, gigising ng umaga. Mag tatanim ng kung anu-anong mga buto.

"Hindi ko din alam anak."

Naramdaman ko na lamang ang mainit na patak ng luha mula sa aking mga mata.

Kahit kailan hindi pako umiyak sa harap ni nanay patungkol kay tatay. Hindi din ako nag tatanong sinasarili ko lang. Pero ngayon, hindi ko mapigilan. Hindi naman siguro masamang isantinig kahit minsan ang mga tumatakbong tanong sa utak ko.

Nasasaktan ako. Para kay nanay! Dahil alam ko, ginagawa nya ang lahat para maitaguyod ako, para mapunan ang puwang na meron sa puso ko. Pero hinahanap ko padin ang taong wala. Pero kasi nangungulila ako, nangungulila ako sa kalinga ng isang Ama.

Chapter 2 Two

Mahirap pag sinasarili mo ang lungkot. Dahil hindi mo alam kung kailan ka bibigay. Gaya ngayon!

Ayoko sanang umiyak sa harapan ni nanay pero hindi ko pa din napigilan.

Parang may butas sa pagkatao ko na alam kong si tatay lang ang makakabuo.

Hindi nya naman kami iniwan. Hindi nya sinadya! Hindi niya sinadyang mawala sa gitna ng dagat.

Mismong araw ng birthday ko nung may pumuntang tatlong mangingisda sa harap ng bahay namin. Ang sabi bigla daw tumaob ang bangkang sinsakyan nila tatay, dahil sa sobrang lakas ng alon. Hindi daw nila magawang lumapit sa bangka nila tatay dahil sobrang delikado.

Naalala ko pa na sobrang iyak ko nung araw na yon. Yung araw sana na masaya ako napalitan ng kalbaryo.

Pinilit niya kasing mangisda nung gabi kahit pinipigilan siya ni nanay dahil delikado, pero nagpumilit sya. At ang rason ni tatay, para magkaruon daw ako ng handa kinabukasan.

Simula nuon, kada sasapit ang araw ng birthday ko, parang gusto ko nalang laktawan. Parang hindi ko kayang mag celebrate ng wala si tatay. Kaya pinangako ko din sa sarili ko na mag aaral akong mabuti at magtatapos ako. Para makahanap ng trabaho at makaipon ng pera na syang gagamitin ko pang hanap kay tatay.

Napapiksi ako ng maramdaman ang marahan na pagpunas ni nanay sa pisngi ko.

Masyado ata akong nalunod sa sariling kaisipan.

Napatingin ako sa aming pintuan nang makita ang pagpasok ng aking kaibigan.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray na tanong ko. Hindi niya pwedeng malaman na umiyak ako dahil b-bwisitin niya lang ako.

"Makiki kain lang, Hello po!" anito sabay diretsyo kay nanay para mag mano.

"Lakas mo makikain wala naman kaming pagkain. Ano bang pakay mo dito?" Hindi kasi ako naniniwalang makiki kain lang 'to! Baka ako panga ang maki kain sa kanila.

"A-ayain sana kita"

"Saan?" Lagi nalang tong nagyayaya! Hindi ko alam kung san nanaman kami ngayon pupunta.

"Jan sa court, manunuod lang tayo ng sayawan. Tita payagan mo siya ha?" Anito habang dumidikit na parang tuko sa nanay ko! Umirap ako sa kawalan ng pinag pa alam nako agad.

Tinignan ko ang mukha ng nanay kong hindi na maipinta sa sobrang lukot. Lihim akong napatawa ng makitang pinipigilan niyang bumulyaw. Medyo, negative kasi siya kay Tanya dahil sa sobrang kaingayan nito.

Ang bibig kasi ni Tanya, nilalabanan ang speaker sa sobrang ingay. Tumingin sa akin si nanay at tumango. Wala akong takas kundi sumama.

Pinagtulakan pa ako nito pababa ng upuan para lamang makasama sa kaibigan ko na tuwang-tuwa. Pero ayos nadin sigurong sumama ako para malimutan ko si tatay. Dumiretsyo na kami ka'gad sa bahay nila para makapag handa.

Pagpasok pa lamang namin sa kanyang kwarto, pinagtulakan niya na agad akong mag bihis sa banyo. Magrereklamo na sana ako na wala akong damit ng makitang may nakasabit na dress, na may pangalang Kikay. Nakapaskil sa ilalim nito ang pangalan ko, kaya sure akong akin to.

"Girl, ano na! tagal mo naman jan sa cr. Nagdadasal kapa ata"tanong ni Tanya na kulang na lang buksan na ang pinto.

"Pano bato isuot Tanya?!Simpleng dress lang naman sana bat parang kinulang sa tela tong binigay mo?"tanong ko. Gaga kasi mantakin ba naman bigyan ako ng kakapiranggot na tela. Masyadong hapit sa bewang tapos yung dibdib ko halata, kulang nalang lumuwa.

"Girl, Tube dress ang tawag jan" tamo talaga't ginawa pakong tanga.

"E bakit nga ganto? Manunuod lang naman tayo. Yun lang pupuntahan natin jan lang sa court alalahanin mo hindi pageant" iritang sabi ko at ang bruha hindi nako sinagot.

Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiwi ako, masyado talagang kulang sa tela hanep san bato ginawa? masyadong revealing kulang nalang lumuwa na dalawa kong papaya. Dami kasing alam ni Tanya, pwede naman shirt nalang tsaka short, manunuod lang naman kami.

Hindi ko din alam kung para saan tong mga make up na nilabas nung gaga. Hindi naman siya sobrang prepared medyo lang mga 99%. Hindi din naman ako marunong gumamit ng makeup, buti nalang at may pulbos dito so yun nalang ang ginamit ko. Kaunting pulbos at kagat ng labi since pouty lips naman ako, easy lang pumula ang labi ko.

Muli kong pinakatitigan ang sarili sa salamin. Well! Bagay naman, sadyang hindi lang talaga ako sanay sa ganitong suotan.

"Tanya! tara na asan kaba?!" Sigaw ko ng pagkalabas sa banyo, pero walang Tanyang bumugad sa mukha ko. Kung kelan tapos nako saka pa nawala ang bruha. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto nito. Sa kanang bahagi ng kwarto nakalagay ang kama nyang kulay lila, sobrang laki at sobrang ganda. Naalala kopa nung unang pasok ko dito tumalon ako agad pagkatapak ko sa kama nya excited na excited ako. Iyon kasi ang unang beses na makakatapak ako sa kama na malambot kaya sinulit kona. Sa bahay kasi di banig lang kami. Sa kaliwang bahagi ng kwarto ang kanyang kulay lilang salamin na punong puno ng pampaganda. Puro lila nakikita ko nakakalula na maglalakad na sana ako palabas ng biglang bumukas ang kabilang pinto at syang paglabas ng mangkukulam.

"Ready?"hindi ko pinansin ang tanong ni Tanya dahil nakafocus ako sa mukha nya. Ang ganda ganda nya na sana kaso mapapasimangot ka talaga pag nakita mo na syang pumorma. Mukha na sana syang anghel sa suot na off shoulder dress, kung hindi nya lang pinalitaw ang pa exis nyang kulay rainbow na bra. Diba uso ang tube sa kanya?

"Bagay koba?" tanong pa nya "Oo" kako nalang at napairap sa kawalan. Hahayaan ko syang magtampisaw sa sarili nyang kagagagahan.

Habang papalabas kami ng bahay nila diko maiwasang hindi mag isip paano kaya kung ganito din kalaki bahay namin? Napaka swerte din nitong si Tanya, lahat ng luho nasusunod. Hindi pwedeng 'Hindi' ang isasagot mo sakanya pag humingi na siya ng pabor. Palibhasa nag iisang anak.

"Ano bang meron sa court?" Curious lang ako kung bakit kailangan pa namin mag dress.

"Fiesta ngayon! Hindi moba alam?" Umiling ako ng mapansing naghihintay ito ng sagot.

"Really? Seryoso ka jan?" Muling tanong nito. Halata pang hindi naniniwala. Mukha bang itatanong ko kung alam ko?

"My goodness Kikay! Dinaig mo pa ang hindi nakatira dito sa Brgy. Maligaya, seryoso kang hindi mo alam na fiesta ngayon?"

"Hindi. Tsaka ano naman kung fiesta ngayon? May mapapala ba ako?" Balik na tanong ko. Hindi naman kasi importante sakin kung fiesta ba ngayon o ano.

"Sumasakit ang kilay ko sayo Kikay! Oras na siguro para lumabas ka ng comfort zone mo. Makipag socialize ka" anito habang tumatango tango pa. "Kung natatakot ka don't worry nasa likod mo lang ako." Natatawa ko siyang tinignan. Parang misyon lang ako para sa kaniya na kung ipagtulakan sa iba para makipag kapwa tao.

Pagkarating namin sa couvert court ay siksikan na. May mga nag uunahan sa upuan para daw sila unang mabigyan ng meryenda. Napangisi ako sabay hila sa kasama ko. Kung may mas ma e enjoy man ako ngayon, yun ay ang meryenda.

"Yan lang ba habol mo dito Kikay?" pagsusungit na tanong nya, inirapn ko nalang sya at hindi na sinagot nakakapagod minsan magpaliwag sa bruhang to. Ano kaya pa meryenda nila? napasimangot ako habang iniisip na sana hindi na zest-o saka hansel ang ibibigay nila masyadong masakit sa lalamunan ang zest-o.

Inilibot ko ang paningin.

Sa harap nakaupo ng matindig at nakangiti si Don Revinio ang mayor ng Camares. Sa kanyang tabi naman nakaupo ang president namin sa school, ang crush na crush kong si Revinio Ace. Hindi ko sukat akalain na andito din siya.

Inilibot ko ang paningin. Napakaraming tao, pero karamihan puro dalaga,karamihan din nakasuot ng bistida. Ganito ba talaga kapag fiesta? Required ba na mag bistida?. Naagaw ang atensyon ko ng limang kalalakihan na naglalakad palapit sa pwesto nila Ace. Siguro barkada niya? Hindi ko sigurado pero parang may kaya sila. Halatado sa kilos at porma. Ang isa sa kanila ay may kulay ang buhok, gaya ko ash gray ang kulay ng buhok nito. Matangkad sya at maputi na may itim na hikaw sa parehong tenga. Ang dalawa sa kanila ay kambal ata? Dahil magka hawig na magka hawig ang kanilang mukha. Hindi gaya nung matangkad wala silang hikaw. Ang isa ka kanila'y hindi katangkaran ngunit bumawi sa mukha. At ang natitira medyo mataba pero hindi naman sobrang taba, sakto lang.

Napatingin ako kay Tanya ng maramdaman ang pagsiko niya. "Ano?" Tanong ko dito. Pero parang nagka epilepsy ata ang kaibigan ko sa sobrang kilig.

"Ang gwa-gwapo Kay!" anito habang kadat-kadat pa ang kuko. Pinalo palo pa nito ang braso ko. Ito ang pinaka ayaw ko sa katangian ni Tanya, sa tuwing makakakita siya ng lalaking pumapatok sa mata nya, lagi syang naka hampas. Pati mga kamay nya kinikilig.

"Ano ba naman yan Tanya! Ngayon ka lang ba naka kita ng lalaki? Kung maka hampas ka naman!" Hinimas-himas ko ang brasong mamula mula na. Kung bakit ba kasi kailangan pa humampas!

Nabitin ang muli kong pag himas nang may kamay na biglang lumahad sa harapan ko. Inangat ko ang tingin, yung lalaking palang may kapareho kong kulay ang buhok. Nakakunot ang nuo nito.

"Girl, wala ka bang balak tanggapin?" Bulong ni Tanya. "Maawa ka sa kamay ng tao." Napabuntong hininga nalang ako at pasimpleng lumingon sa paligid. Nagsasayawan na pala! Wala tuloy akong nagawa kundi ilahad din ang kamay dito. Iginiya ako nito palapit sa gitna ng mga nagsasayawan, sa tapat din mismo nila Ace.

Unti-unti nitong hinawakan ang maimpis kong bewang. Naging hudyat nadin ito sa akin upang humawak sa kanyang balikat. Pinakatitigan ko ang kanyang kulay chocolateng mga mata. Malakas ang luob kong tumitig dahil panigurado ako kinabukasan hindi ko na sya makikita.

"Anong pangalan mo?" Biglang tanong nito.

"Rhexa" Inikot ko ang paningin para hanapin si Tanya. Napangiti ako ng makitang nakikipag sayaw nadin ito. Mukhang enjoy na enjoy ang gaga, might as well na mag enjoy nadin ako.

Muli kong binalik ang tingin sa lalaking kasayaw ko, ngunit nahuli ko din syang nakatingin kay Tanya. Napataas ang kilay ko ng mapansin ang mataman nitong pag titig sa isa.

Napairap ako ng wala sa oras.

Para saan pang niyaya niya akong sumayaw, kung sa iba niya lang din naman ibabaling ang atensyon niya.

Nadako ang paningin ko sa taong gusto ko, at hindi ko rin inaasahan na naka tingin din pala ito sa akin. Nilabanan ko ang kanyang tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang i-iwas ang mga mata ko sa kanya.

Bigla itong nag iwas ng tingin at biglang tumayo, naglakad ito palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Napabuntong hininga ako ng mapansing nakahinto na pala ako sa mga nagsasayawang tao. Hindi ko manlang napansin' iniwan din ako ng kapareha ko.

Great! Just Great. What an enjoyable night you had, Rhexa Alexandria.

Chapter 3 Three

Habang nakaupo at nanunuod ng mga nag kakasiyahan ay biglang kumulog ng malakas. Mabilis natapos ang sayawan. Alas nuebe palang ng gabi nang pinatigil ang kasiyahan dahil sa nag babadyang ulan.

Ayos lang naman sakin kasi hindi naman ako nag enjoy, ewan ko lang sa iba. Kahit si Tanya na excited pumunta hindi ko sigurado kung nag enjoy ba o ano. Dahil pagka upo na pagka upo ko palang sa pwesto ko, sumunod agad sakin si Tanya.

Naglalakad kami ngayon pauwi. Mahirap ng maabutan ng malakas na ulan, wala pa naman kaming dalang payong. Hindi din naman kalayuan ang court pero mas mabuti ng sigurado.

Naka angkala sa braso ko si Tanya, kanina ko pa din napapansin ang biglang pag katahimik niya.

Paliko na sana kami sa isang eskinita ng may biglang dumaan na nagtitinda ng balot. Nagkatingan kami ni Tanya at ngumiti.

"Tara Kay! Taya na'ko." Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang salitang libre niya.

Masarap mag food trip pag ganitong oras tapos libre pa.

Ako na mismo ang humila kay Tanya palapit sa nagtitinda.

"Manong, pabili po ng balot niyo! Sampu po, ay bente na po pala!"

Hindi ko na napigilan ang pag hagalpak ng tawa nang makita ang itsura ni kuya. Halatang nag tataka kung bakit ganon na lamang kadami ang binili ni Tanya. Actually! Kulang pa talaga sa amin ang bente piraso na balot. Sa tuwing mag f-food trip kami ng balot, laging tig kinse piraso kami. Kaya ang ending maramihan din ang iniinom namin na pineapple juice.

Napagkasunduan namin na wag munang umuwi. Dumeretsyo kami sa paburito naming tambayan. Sa gilid ng paligi, para itong ilog pero mababaw lang at napakalinis ng tubig. Hindi pa din naman bumubuhos ang ulan, medyo mahangin lang.

Umupo ako sa lagi kong inuupuan, si Tanya naman nag hanap pa ng dahon na ipampupunas sa bato. Lagi siyang ganyan, kahit saan siya pumunta kapag uupo na siya lagi siyang nag hahanap ng dahon o kung ano man pang punas. Kahit hindi madumi ang upuan. Dahil may pinapaniwalaan siyang kasabihan na dibale nang madumihan ang kamay, wag lang ang pwetan.

Kinuha ko ang balot na binili nito at inumpisahan kainin. Pinagmasdan ko ang pag agos ng tubig sa paligi, kahit gabi na makikita padin ang liwanag ng tubig nito.

"Hay! Akala ko pa naman masaya ang fiesta" anito habang inumpisahan nadin kumain."Bat ka nga pala umalis kanina? Parang ambilis mo naman nakipag sayaw."

Napasimangot ako nang maalala nanaman ang nangyari kanina. Sabi ko pa naman na mag e-enjoy ako! Nalingat lang ako, wala na pala akong kasayaw.

"Iniwan ako ng kasayaw ko. Ikaw, Bakit ka sumunod sakin kanina?" Pagka sunod niya kasi sakin kanina, pansin kona agad ang pag simangot niya.

"Nilapitan ako nung kasayaw mo" anito habang kunot na kunot ang nuo.

"Oh? Sinayaw ka?" Hindi ko kasi alam kung ano ba ang nangyari kanina. Basta nakita ko nalang sarili kong nakatayong mag isa. Hindi ko din naman inabala pang hanapin kung saan ba nagpunta yung kasayaw ko, basta dumeretsyo nalang ako sa upuan ko at umupo.

"Hindi! Pero inagaw niya ko sa kasayaw ko Kay!" Gulat akong napatingin dito. Kaya pala nawala! Kasi dumeretsyo kay Tanya.

"Baka ikaw ang gustong kasayaw?!!" Halata naman kasing hindi siya interesado na isayaw ako. Para bang napilitan lang, sa kilos palang obvious na! Hindi ko din naman alam kung bakit din ako nakipag sayaw.

"Bakit ngarod hindi ako ang nilapitan at niyaya?"

Oo nga no? Yun naman ang hindi ko alam. Kung bakit kasi ako ang niyayang sumayaw pero kay Tanya naman nakatingin.

"Pag niyaya ka ba niya, sasama ka?"

"Hindi din!" Anito habang tumatawa. Baliw talaga! Hindi niya din naman pala gusto, tapos kung makapag tanong.

"Hindi ako sasama kasi hindi ko din alam. Hindi ko siya gustong ka sayaw! Wala lang, para bang meron sa kaniya na hindi ko matukoy. At yon ang ayaw ko." Dagdag pa nito. Pero kahit din ako napansin ko yun. Actually gwapo yung lalaki, halos lahat ata silang magkakasama may itsura. Pero kahit ganon, hindi ko din alam kung bakit hindi ako kinilig kaninang kasayaw ko siya.

"Teka, bat ba natin yun pinag uusapan? Hindi naman siya mahalaga." Napatango ako nang mapagtantong tama siya. Bat ba yun ang topic namin? Binilang ko nalang ang balot na natitira, nakaka apat na pala ako. May anim pang uubusin ko.

Napatingin ako kay Tanya'ng nag bubukas nanaman uli ng balot. Ang lakas talaga kumain ng babaeng 'to.

"Nakailan kana?" Tanong ko dito at sumenyas naman siya ng pito. Ibang klase, naunahan niya pa ako. Parang hindi niya na ata nginunguya, diretsyo lunok nalang ata. Napatingin ako dito nung bigla niyang tinapon yung puti. Oo nga pala, hindi siya kumakain non! Well dati kumakain siya, pero start nung nabungi siya dahil sa pag kagat nung matigas na puti hindi niya na sinubukan pang kumain nun uli. Yung ngipin niyang tunay napalitan tuloy ng bakal.

Sabay kaming napatili nang mag umpisang bumagsak ang patak ng ulan, sinabayan pa ng malakas na kulog. Buti nalang nakatakbo kami agad papasok sa kubo bago pa tuluyang bumagsak ang malakas na ulan. Binuksan ko ang kinke na nakapatong sa maliit na lamesa. Sapat na ang liwanag nito para maka kilos kami ng maayos ni Tanya. Buti na lamang at may ganito dito sa kubo.

Umupo kami sa maliit na papag, inumpisahan kong punasan ang sarili gamit ang maliit na panyo. Tinitigan ko si Tanya na hanggang ngayon ay kumakain pa din ng balot.

Panatag akong humiga, kahit pa malakas ang kulog at ulan alam kong safe kami dito ni Tanya. Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng kubong 'to pero napakalaking bagay nito para sa mga taong gusto mag pahinga. Gaya ngayon! Kahit alam namin ni Tanya na uulan ng malakas pinili pa din namin na pumunta dito sa paligi, alam kasi namin na may masisilungan kami.

Napapikit ako ng makitang lumiwanag sa paligid, hudyat ng malakas na kidlat. Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin, isang taong takot na takot sa kidlat. Hinayaan ko lang siyang nakayakap para kahit papaano maibsan din ang takot ko.

Napamulat ako ng mata nang marinig ang sigaw ni Tanya. Akala ko kung napano na siya, yun pala dahil may apat na lalaking bigla nalang pumasok dito sa kubo.

"Sino kayo?!!" Tanong ni Tanya pagkatayo. Tumayo nadin ako ngunit hindi ako nagsalita, patuloy kong pinagmamasdan ang kanilang kabuoan dahil baka sakaling makilala ko sila sa tindig.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang matakot, kahit pa sa kaalamang may mga lalaki sa harap namin na hindi namin kilala.

"Pwede bang maki silong?" Napatigil ako sa akmang pagkuha sana ng pamalo sa gilid ng marinig ko ang boses ng isa sa kanila.

At tama ako! Siya yung lalaking naka sayaw ko kanina na iniwan lang ako bigla. Kasama niya yung dalawang kambal at si Ace. Ramdam kong hindi lang kami ni Tanya ang natahimik, pati din sila. Bigla akong napa upo, pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. Parang kinulang ako ng hangin nung dumating sila.

Si Tanya'ng kanina nag papanic bigla din tumahimik. Umupo siya sa gilid ko, para tuloy kaming tutang nakiki silong kahit kami naman ang nauna dito.

"Ayos lang bang maki silong?" Tanong uli nung isang kambal. Tumango lang ako habang si Tanya naman ay naka yuko, may hawak padin itong balot. Napaangat ako ng tingin ng maramdaman na may nakatingin sa akin.

Si Ace! Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin pero kapag nakikipag laban naman na ako lagi naman siyang umiiwas. Tinignan ko ang lalaking katabi ni Ace, hindi ko alam kung anong pangalan niya pero naalibadbaran padin ako pag naalala ko yung pang iiwan niya sakin kanina. Nakatingin lang ito kay Tanya, naramdaman ata nitong nakatingin ako kaya lumingon din pabalik. Tinitigan ako nito ng ilang segundo bago inilipat ang tingin kay Ace.

Muling kumidlat ng malakas. Pati hangin at ulan ay nakisama pa kaya ang ending pumapatak ang ilang bahagi sa kinatatayuan nila. Siniko ko si Tanya para sana sabihin na paupoin sila, medyo maluwag naman ang papag meron din dalawang upuan na pahaba.

Hindi pa man naisasantinig ni Tanya ngunit nauna ng umupo ang kambal sa upuan. Ilang saglit lang nang sumunod na umupo din ang dalawa sa mismong papag. Pumwesto sila sa likuran namin ni Tanya, pakiramdam ko nakasandal sila sa dingding habang nakaupo.

Unti-unting dumikit sakin si Tanya, pinaglalaruan ng kamay nito ang dalwang balot. Siguro nararamdaman niya din yung nararamdaman ko. Awkwardness!!

"Hindi naman halatang mahilig kayo sa itlog no?" Napaangat kami ng tingin nang biglang magtanong ang isa sa kambal. Pakiramdam ko tuloy sa kanilang apat silang dalawa lang ang may dila.

"Balot 'to!" Sagot ni tanya sa dalawa.

"Itlog pa din naman yan." Muling sagot ng kambal. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. Sasalita kapa kasi Tanya! Di nalang tumahimik. Muli itong nagsumiksik sa aking tabi nang marinig ang pagpipigil ng tawa nang dalawang tao sa aming likuran.

Muling tumahimik ang paligid, tanging ingay nalang ng ulan at kulog ang maririnig. Anong oras na kaya? Sobrang lakas pa din ng ulan, hindi pa tumitila. Nag aalala nako kay nanay baka hinahanap na niya ako.

Dahil sobrang lakas ng hangin hindi ko tuloy maiwasang hindi lamigin. Nakasuot pa naman ako ng kinulang sa tela. Mabuti na lamang medyo mahaba ang buhok ko natatakpan ang ilang bahagi ng balat ko. Tinanggal ko din ang pag kaka trintas ng buhok ni Tanya, para matapakpan ang nakalabas nitong likuran. Hindi ko din alam kung paano pa nagagawang kumain ng kaibigan ko sa ganito ka awkward na sitwasyon.

Muling kumidlat ng malakas. Pakiramdam ko may natamaan sa kung saan, kasabay nito ang napakalakas na hangin. Namatay tuloy ang ang kinkeng nagsisilbing ilaw namin. Pati ang ilang yerong nakatabing sa kubo tinangay nadin ng hangin.

Mukhang bukas na kami makakauwi nito. Delikado kung susuungin namin ang ulan.

Napapiksi ako nang may nag patong na kung ano sa balikat ko. Damit ata! Pero hindi ko alam kung kanino. Sinubukan kong lumingon pero wala akong makita sa sobrang dilim. Naramdaman ko na lamang na gumalaw ng bahagya ang papag. Humawak ako sa kamay ng katabi kong si Tanya, humigpit din ang kapit nito sa akin pabalik.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Nanlalamig ang sikmura ko sa kaba. Hawak ko pa din ang kamay ni Tanya, pero hindi ko na maramdaman ang presensya ng katawan niyang malapit sa akin.

Napaderetsyo ako ng upo nang may maramdang lumapit sa likuran ko, dama ko ang init ng kaniyang hininga sa tenga ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko lalabas ito sa dibdib ko. At mas lalo lang itong lumakas nang marinig ko ang binulong nitong pangalan.

ACE.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022