Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > I love you till the end, Mr. Buenavista( Filipino)
I love you till the end, Mr. Buenavista( Filipino)

I love you till the end, Mr. Buenavista( Filipino)

Author: : Mhiekyezha21
Genre: Romance
Her name is Samarra Miel O 'Harra or better known as "Ms. Oh" in the car racing world. The queen of drag racing and only princess of the O 'Harra clan. At the age of fifteen, she could say that everything was in her, fame, a wealthy family, and love. LOVE? That's the only thing she doesn't have the freedom to choose who she can love. Because her parent had already arranged her marriage to the son of his mother's best friend. Ezekiel Zeus was the eldest son of Buenavista, the man secretly loved by her young heart. The man who gave her a second life. The man who sympathizes and is her partner in everything. Zachary is the youngest son of Buenavista, he is the man to marry Samarra. They were like dogs and cats when they first met. Kanino niya sasabihin "I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA"

Chapter 1 PROLOGUE

Zachary POV:

Dumating na ang araw na makikita at makikilala ko na ang babaeng ipapakasal sa akin. Samarra Miel O' Harra. Bukod sa pangalan nito ay wala na akong alam tungkol sa kaniya. Tanging sina Kuya Zeke at ang magulang ko lang ang nakakakilala rito ng personal. Marami ng naikwento si Mom sa akin pero mas lamang ang 'di ko pakikinig dito dahil hindi naman ako interesado.

Matagal na nilang plano 'yon, ang kasal ay gaganapin sa Old Palace Chester sa United Kingdom. Akala mo nga sila ang ikakasal, sila na ang pumili ng simbahan at reception, sila na rin ang kumuha ng mga Ninong at Ninang. Hindi man lang kami tinanong kung ano bang gusto namin. Basta na lang sila nagdesisyon, napabuntong hininga na lang ako 'pag naaalala ko ang sinabi ni Dad kanina.

"Kung hindi mo pakakasalan si Sam, wala kang makukuha na mana. Tapos na rin ang pagiging magulang namin sa'yo. Pumayag kaming hindi mo masundo sa airport si Sam kanina, pero ngayon, hindi ako papayag na hindi ka sumipot sa inihanda kong dinner para sa inyo. Sinasabi ko sayo 'wag mo akong umpisahan sa katigasan ng ulo mo, Zachary!"

Ala siete ang usapan, pero ala sais palang ay nakabihis na ako. Suot ko ang navy-blue na polo shirt at black pants. Hindi na ako nag-abala na mag-ayos dahil kukumbinsihin ko lang naman na umatras ito sa kasal at isa pa pagod ako galing sa Amanpulo.

Nang matapos na akong makapagbihis ay agad din akong lumabas sa aking silid at bumaba papunta sa living room, nakita kong naroon sila Mom and Dad na nanonood ng movie.

"Zach, you're so handsome!" bungad na bati sa akin ni Mom nang tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo sabay yakap sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pagtapik ni Mommy sa aking balikat.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan sa harap ni Samarra. Magpakitang gilas ka, sa rami ng lalaking p'wedeng piliin ng magulang niya, ikaw pa ang napili para sa unica iha nila." Binigyan pa ako ng warning look ni Dad.

Napabuntong-hininga ako. "Yes, Daddy, I will not disappoint you," seryosong sagot ko at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata.

"Sige, lumakad ka na baka malate ka pa sa usapan n'yo, 'yong sinabi ko sayo, huwag kang aalis basta-basta doon at, umayos ka! Kung si Ezekiel lang hindi sana ako mag-aalala," pahabol pa ng kaniyang ama.

"Enjoy your date Zach, for sure you will like Sam," nakangiting sabi ni Mommy.

Nang nasa Buenavista hotel na ako agad kong tinungo ang roof deck kung saan ipinahanda ni Dad ang aming dinner sa pagkakaalam ko ay nasa penthouse ni Kuya Zeke si Samarra tumutuloy.

"Good evening, Sir, this way," bati ng waiter na naroon at iginaya na niya ako patungo sa aming table.

Agad akong naupo at nagmasid sa paligid, kapansin-pansin ang iba't ibang bulaklak na nakapalibot sa paligid ng kanilang upuan. Sa sobrang dami ng bulaklak aakalain mong may prososal na magaganap. May ilang staff ang naroon para magsilbi sa kanila. Mukhang pinaghandaan ng kaniyang ama ang dinner na ito, kahit ultimo manager na si Ms. Lyn ay narito.

Tumingin ako sa aking relo may kinse minutos bago sumapit ang ala siete pero hindi ko pa rin nakikita si Samarra, nanatili lang akong nakaupo at naghihintay.

Pero sumapit na ang ala siete wala pa rin ito. Kaya minabuti ko na lang maglaro sa aking cellphone para hindi naman kainip-inip ang aking paghihintay.

Ang ilang minuto...ay naging kinse... bente... trenta... Naiinis na ako, nang makita kong limang minuto na lang bago mag-alas otso.

Nakakailang tubig na rin ang aking nainom ngunit wala pa rin ito, napabuga ako sa hangin. Habang naiinip na nakatingin sa aking cellphone, ramdam ko bawat minuto tila bang katumbas ay isang oras.

"Aba't, parang nananadya na ata ito. 'Pag ito, wala pa bago sumapit ang alas otso y trenta. Aalis na ako, kahit magalit pa si Daddy."

Napagpasyahan ko na sanang tumayo ng may narinig akong nagsalita sa gawing likuran ko.

"Sorry, I'm late."

Hindi ko pa nagagawang lumingon, ay agad na itong nagpunta sa aking harapan. Hindi ko mapigilang matulala nang mapatingin ako sa kaharap ko. Ito ba si Samarra??

"Are you Mr. Zachary Cadden Buenavista?" tanong ni Samarra. Habang nakayuko itong inaayos ang suot na dress.

Napagmasdan ko siya ng maigi. Hindi ako makapagsalita. Effortless ang kaharap ko. Maamo ang mukha at walang kahit na anong kolerete. Medyo maga pa ang mata nito na halata galing sa mahabang pagkakatulog, makinis ang balat na morena. Ang buhok nito ay basa pa, na hanggang baywang ang haba. Naamoy ko pa ang mabangong sabon na gamit nito.

Narinig kong tumikhim ito, marahil para makuha ang aking atensyon. Napatingin ako sa kaniya, ang kilay niya ay magkasalubong at mukha niya ay, parang hindi na maipinta. Habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at pilit ang ngiti, bigla akong kinabahan.

"I'm Zachary Cadden. But you can call me, Zach."

Ngumiti ito kaya nakita ko ang magkabilang biloy sa kaniyang pisngi.

"I'm Samarra Miel."

"Fuck! Zach, para siyang anghel at ang lambot ng palad niya,"

"Ahmm... Forgive my manners. Have a sit." Naglakad ako palapit sa kaniya para alalayan na umupo.

"Nice to meet you Zach, sorry I'm late maybe I'm too tired. So, I didn't hear my alarm, kanina ka pa ba?" tanong ni Samarra na bahagya pa itong ngumiti.

"It's okay, hindi naman ako naghintay ng matagal," ani ko.

"Mukha mo, Zachary. Kanina ka pa naiinis 'di ba? At akala ko ba hindi ka, magpapakitang gilas sa kaniya? Ano ang ginagawa mo ngayon?" tuya ko sa aking sarili.

"Let's order, I'm already hungry," nakangiting sabi ni Samarra.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Tinawag ko ang waiter para makapag-order na kami na agad naman lumapit sa amin. Mabilis na kinuha ng waiter ang aming mga order. Habang naghihintay kami ng pagkain. Kitang-kita ko ang pagkunot niya ng noo habang abala siya sa kakapindot ng kaniyang cellphone.

Malaya ko siyang pinagmasdan, mula sa buhok niya na mahaba. Ang kilay niya na parang iginuhit. Ang mahahabang pilik mata na bumagay sa mata niyang abuhin. Ang matangos na ilong. Ang labi na maliit na natural ang pagkapula.

Napalunok ako ng matitigan ko ang kaniyang labi, para bang ang sarap hagkan 'yon. Pinilig ko ang aking ulo nang dumating na ang aming pagkain. Tiningnan ko si Samarra ngunit hindi ito nagsasalita. Kaya minabuti ko rin na huwag magsalita, tahimik kaming dalawa sa aming table, walang gustong maunang magsalita sa amin.

Bahala si Daddy, kahit sabihin pa niya magpakitang gilas ako rito. No way! Magpapa-impress ako sa babaing ito. Tama na 'yong kanina, magpanisan na lang kami ng aming mga laway.

Nang matapos kaming kumain, uminom muna ako ng juice. Pinag-iisipan ko ang mga katagang dapat kong sabihin kay Samarra. Kung papaano ko ito makukumbinsi na huwag namin ituloy ang kasunduan ng aming mga magulang.

Nakatingin ako kay Samarra na busy pa rin sa kakapindot ng cellphone nito. Parang gusto ko tuloy malaman kung ano ang kaniyang pinagkakaabalahan. Mind your own business, Zachary!

Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin pero kailangan niyang malaman na tutol ako sa kasalan na magaganap sa amin.

"I don't want to get married; I don't want to marry you," I did my best to tell those words to her. Diniretso ko na siya, ayaw ko man pumunta rito. Pero pinilit lang ako ni Daddy at wala akong mapagpipilian.

Seryosong naglabanan ang tingin naming dalawa nang gumuhit ang pilyang ngiti sa kaniyang labi.

"Same... don't worry," she said and she winked at me at saka itinuon nito ang tingin sa cellphone.

"Hey... you!" pagkuha ko ng kaniyang atensyon.

Tumingin ito sa akin, bakas sa magandang mukha na tila naiinip habang ibinababa ang cellphone na hawak sa aming lamesa.

"If you don't want to marry me too, why don't you tell it to your parents? Para naman maging malaya na tayo sa kasunduan na ito at mapakasalan natin kung sino ang ating gusto," pagkukumbinsi ko sa kaniya.

I saw her smirking.

"I'm sorry, Mr. Zachary." Bahagya pa itong naglungkot-lungkutan. "I don't want to marry you. You heard it right, but?" Ngumisi pa ito bago nagpatuloy. "I respect my parents' decision. So, I can't do anything about that marriage," balewalang sagot nito.

Napahilot ako sa aking sintido. "Wala ka bang boyfriend? Crush? Lovers? Childhood sweetheart?" sunod-sunod ko na tanong.

Bahagya itong napanguso at kumunot-noo sa mga tanong ko sa kaniya.

"Wala," balewalang sabi nito sabay kuha ng cellphone sa lamesa.

Napatayo ako sa sagot nito. "Do you know if we're going to get married? It's hard to separate. What if you have feelings for someone else? We're going to have a hard time together. Let me tell you something: I have a girlfriend, she is more beautiful than you, and I love her. So, habang may oras pa, you need to step back because you are the woman." Hindi ko na mapigilan ang aking inis. Kahit ano pa ang explanation ang aking gawin tila hindi ito nakakaintindi. Argh!

Hindi ito nagpakita ng kahit anong reaksyon. Parang wala lang itong pakialam sa sinabi ko. Nauubusan na ako ng pasensya. Parang wala lang dito kung maikasal man siya sa iba o hindi. Ang importante lang dito ay masunod nito ang kaniyang magulang.

"Okay," sagot nito na hindi pa rin tumitingin.

"Aba't, Inuubos talaga nito ang pasensiya ko?"

Napasapo ako sa aking noo at naniningkit ang aking mata na nakatingin sa kaniya.

"Look? Ms. Samarra. Do you hear, what I am saying? Are you aware of this lifetime commitment?" hindi ko na mapigilang mapalakas ang aking boses.

Bigla itong lumingon sa paligid at sinamaan ako ng tingin.

"Look Mr. Buenavista. Will you please, shut up!" gigil na sabi nito. "And mind your own business Mr. Buenavista. If you don't want to marry me, tell it to your parents. Complain to them and look at me? Do you think I'll hit you? If it weren't for my parents, I might not be in front of you, Mr. Buenavista? And, one more thing!" gigil na pabulong nito sabay turo sa aking dibdib na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Namumula ito sa galit pero napakaganda pa rin nito tingnan.

"Don't you ever dare, to compare me to your girlfriend, huh! I'm a human, not a dog," pang-iinis na sabi nito.

Tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo at nagsimula nang maglakad palayo. Napabuga na lamang ako sa hangin sa sobrang inis at umupo ulit. Huminga ako nang malalim pilit na pinapakalma ang sarili, hindi ko na alam kung para sa sinabi nito o dahil kakaiba ang aking nararamdaman. Parang wala akong mapapala sa babaeng ito, pero kahit alam kong nagagalit na ito. She still manages to keep me from shouting around people.

"Come on, Zachary, mag-isip ka, paano ka makakatakas sa kasalan na 'yan."

Napahilot ako sa aking sintido. Bigla akong natigilan at napatingin sa aking harapan. Kitang-kita ko ang malawak niyang pagkakangiti na animo'y nanalo sa lotto.

"What?" hindi ko pa rin mapigilang mainis.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito sa aking pagtatanong. Kinuha nito ang baso na may laman na tubig.

Napatayo ako sa pagkabigla at sa lamig ng tubig na ibinuhos nito.

"Fuck...! What's your problem?" inis kong sita kay Samarra.

Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. "Kung ayaw mong makasal huwag kang sumipot," sabi ni Samarra at lumapit pa sa akin.

"I love you till the end, Mr. Buenavista. Good luck, my future husband! Galingan mo, huh! Galingan mo ang pag-convince sa magulang mo."

Kumindat pa ito at marahan na inayos ang aking kuwelyo bago tuluyan naglakad palayo sa akin. Napaupo ako ulit habang pinagmasdan ko ang isang pigura na naglalakad palayo sa akin kumaway pa ito bago tuluyang lumabas sa pintuan.

"Gusto niya bang huwag akong sumipot sa aming kasal, para ako ang magmukhang masama sa harap ng pamilya namin? Tsk! One wrong move Ms. O' Harra. Pagsisihan mo talaga ang ginawa mong ito. Hindi mo dapat ako kinakalaban."

Chapter 2 MEET THE PARENT

SAMARRA POV

3 years ago

"Samarra, Honey! Don't forget to get back before seven o'clock we have dinner with the Buenavista family," paalala ng aking ina na si Mommy Samantha habang bumababa ito sa grand staircase.

Sa edad na thirty-seven masasabi taglay pa rin nito ang kagandahan at magandang pangangatawan na minana pa nito sa kaniyang ina na pure Spanish. Ang aking ina ay isang sikat na modelo bago pa ito naging asawa ng aking ama na si Daddy Frost.

Minana ko rin ang maganda at maamong mukha ng aking Mommy Samantha habang ang ugali at talino naman ay namana ko sa aking ama na si Daddy Frost.

I just nodded as I tidied my long hair, when I got out of the house, I couldn't help but sigh. Napatingala ako sa langit, kitang-kita ko ang aliwalas ng panahon ngayon na bihira naman mangyari sa Australia. Wari'y bang nakikisimpat'ya ito sa aking nararamdaman ngayon. Napakabata ko pa para sa pag-aasawa. Alam ko naman darating ako sa puntong 'yon na sila ang maghahanap ng aking mapapangasawa pero hindi naman sa ganitong edad.

"Oh my God, I'm not ready to get married; I'm too young."

Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang nagbabantang luha na ano mang oras ay lalabas. Ramdam ko ang pamamasa ng aking mata habang naglalakad ako patungo sa driveway. Kung saan nakaparada si Posh. Isa itong Porsche 911 sports car na kulay red, lahat ng aking sasakyan ay may pangalan. At si Posh, ang aking paborito na kotse lalo na 'pag may sinasalihan ako na car racing competition.

Katulad ngayon, halos lahat paparazzi at sports journalist ay nandito para manood ng Porsche All Champion Australia Motor Racing Festival 2016. Nalaman kasi nila na lumahok ako ngayong taon. Ako, lang naman ang kilalang queen of drag racing na si 'Ms. Oh' at sa loob ng tatlong taon, ako ang palaging nanalo sa kompetisyon. Halos lahat ng tao ay curious kung ano ba ang aking itsura. Wala pang nakakakilala ng aking mukha dahil palagi akong may suot na shades at cap. Halos aking bibig lang ang nakikita hirap din silang makalapit sa akin, dahil sa sobrang higpit ng aking security.

Pagpasok ko pa lang sa event, ay agad akong sinalubong ng mga fans at media. Pasalamat na lang ako at sobrang alerto ang mga security guard na nandoon. Itinuon ko ang aking atensyon sa race track at pilit kinakalimutan ang usapan namin ni Mommy kanina. Alam ko naman na darating ang panahon sila ang maghahanap ng mapapangasawa ko pero hindi ko naman aakalain na ngayon ang araw na ipapakilala nila sa akin.

"My god! I'm just fifteen."

Kinagat ako ang aking labi para pigilan ang pagdaloy ng aking luha at inilagay ang dalawang kamay sa manibela. Nang makarinig ako ng isang putok, hudyat na simula na ang kompetisyon. Agad kong binuksan ang makina at nakipagsabayan ng bilis sa ibang karerista.

Agad kong naunahan ang tatlo at may lima pa sa aking unahan, isa na roon ang aking pinsan na halos kaedaran ko lang, si Luther Kian O' Harra Adams. Mas binilisan ko pa, ang pagpapatakbo nakalampas na ako sa dalawa, at isa pang tapak sa accelerator hanggang ako na ang nauuna sa finish line. Agad akong bumababa sa aking sasakyan at naglakad na palabas ng race track. Sinalubong ako ni Kian na bumaba rin sa kaniyang sasakyan.

"Sam, that's awesome! You're fast," he said.

I smirked. "Hmph... Kian, I'll be home soon, we have a family dinner at home with the Buenavista family." Tumingala ako kay Kian para magpantay ang aming tingin.

He sighed. "Okay, get in," he said breathlessly.

Sabay pasok nito sa driver seat, at pumasok na rin ako. Napatingin ako sa kaniya na seryoso rin nakatingin sa akin.

"What about my car?" I asked.

"Ohh, let my driver, drive your car," he insisted.

Habang nasa b'yahe kami, panay ang aming kwentuhan, hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay namin.

"Kian, thanks for the ride... keep safe," sabi ko rito bago bumaba.

He just nods before quickly spearing his car. I looked at him before going inside.

Nang makapasok na ako sa loob, nakita ko agad sina Mommy at ang bisita na nasa living room na nakaupo.

"Hi, Mom," bati ko rito nang makalapit.

"Samarra, this is your Tito Calvin at Tita Lorraine business partner sila ng Daddy mo. Kilala mo naman si Tita Lorraine mo 'di ba? Remember siya 'yong kinukuwento ko sa'yo na bestfriend ko?" tanong ni Mom.

I just nod, I remember na ang anak nito ang nakatakda niyang mapapangasawa, binati ko rin ang mga bisita.

"Honey, this is Ezekiel anak ni Tita Lorraine mo."

Napatingala ako sa kaharap ko, he looked a bit older than me, I looked at him from head to toe.

Oh, not bad? If this is my fiancé. He stands about 6'3 tall, his brows are thick and well-groomed, his eyes are hazel brown, his eyelashes are long, his nose is pointed, his lips are red, and his body is gosh! So delicious! He is close to Apollo, the Greek God who landed to give women pleasure.

Tumikhim ito nang mapansin ang aking pagkatulala. Napangisi at nakapamulsang humahakbang palapit sa akin. Kaya kitang-kita ko ang pilyong ngiti na naglalaro sa kaniyang labi.

Yumuko ng bahagya at bumulong. "Done eye raping me, Baby?" Nagtaasan ang aking balahibo nang sadya nitong dinilaan ang aking tainga.

Napamaang akong napatingin sa kaniya. "Gosh! What has happened to me?" I saw his smirks again.

"Excuse me! What did you say?" tanong ko habang nakataas ang aking mga kilay.

"I know that look, baby." He licked his lower lips and he winked at me. "Don't worry I won't bite you, roar!" dagdag pa nito.

Napasinghap ako sa sinabi nito. "Summer easy, he just wants to annoy you." Huminga ako nang malalim at nagbilang. "One... two...three..."

Nang makalma ako ay, sabay kami ni Ezekiel naglakad papunta sa dining area, magkatapat ang aming upuan sa mahabang lamesa. Katulad ko rin. Ay, tahimik ito, na kumakain habang ang aming magulang ay, nag-uusap. Hanggang sa nasulyapan ako ni Tito Calvin.

"Samarra, I heard you have a clothing line and a famous car racer?" tanong ni Tito Calvin.

Tumigil muna ako sa akin pagkain at pinunasan ang bibig bago sumagot kay Tito Calvin.

"Yes, Tito, it's O'Harra clothing line, but 'Ms. Oh' is the brand name I have three stores now and we focus on sleepwear, brassieres, and lingerie and, of course, I would not be successful without the help of my father, who is my mentor." Napasulyap ako sa aking ama na ngayon, kitang-kita ko ang kaniyang ngiti. Alam ko na proud ito sa akin.

"Oh, my god! Sis, she's so amazing. Napakahusay niya, imagine at her age, may sarili na siyang business. Hindi ako magtataka ang 'Ms. Oh' kilala sa buong bansa. Because the designs are unique and beautiful. And of course, anak siya ni Frost the King of Midas," namamanghang wika ni Tita Lorraine kay Mommy habang nakatingin sila sa akin.

I get why my father is famous and they called him the King of Midas. They anticipate receiving millions of dollars for each business he manages.

"Sis, magaling at maganda rin ako, kaya sa akin nagmana si Samarra," pagyayabang ni Mommy kay Tita Lorraine.

Nagtawanan sina Mommy at Tita Lorraine. "Of course! Sis," pagsang-ayon ni Tita Lorraine kay Mommy.

"Dahil sa akin ka nagmana. Samantha!" natatawang dagdag ni Tita Lorraine. Alam ko na may pagkapilya talaga si Tita Lorraine ayon sa kuwento ni Mommy sa akin. Pero ngayon na nakaharap ko na siya, masasabi kong napaka-cool niyang maging Mommy.

"Ahh, Sam? Bakit hindi ka mag-expand ng business sa Pilipinas?" singit na tanong ni Tita Lorraine sa akin. Agad akong napatigil sa pagsubo ng pagkain.

"Sige po, pag-aaralan ko po 'yong expansion ng 'Ms. Oh' Tita," magalang na sagot ko kay Tita Lorraine.

"Zeke can help you," wika ni Tita Lorraine.

Napatingin ako sa lalake na kanina pa ata nakatingin sa akin. Umangat pa ang sulok ng kaniyang labi nang makita na naman nito na napatulala ako sa kaniya. Oh, gosh! Parang lalabas na 'yong puso ko sa lakas ng tibok.

"Hmm... Yes, Samarra. I'm willing to help you," seryosong sagot ni Ezekiel at kumindat sa akin.

Lumaki ang aking mata sa ginawa nito. Tuwing magtatama ang aming mga mata. Biglang lumalakas ang tibok ng aking dibdib. Napalunok ako at ibinaling sa iba ang aking tingin.

"Thank you, but I'll think about it," mahinang tugon ko rito, at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

Chapter 3 EZEKIEL ZEUS BUENAVISTA

Nang matapos maghapunan, agad nagpaalam ang kanilang mga magulang para magtungo sa may lanai at mapag-usapan ang merge ng O'Harra at Buenavista sa susunod na taon.

"Why am I nervous to be with him, Ohh! Gosh! I need to see a doctor, my heartbeat is no longer normal," hindi maiwasang isatinig ni Samarra habang panabay silang naglalakad ni Ezekiel patungo sa swimming pool area. Dahil sa kaba at bilis ng tibok ng kaniyang puso minabuti na niyang maunang maglakad sa binata.

Napahinto siya at mabilis na nilingon si Kiel, bigla kasi itong tumikhim nang malakas sa kaniyang likuran. Ganoon na lang ang pag-awang ng kaniyang bibig nang makita niya na naglahad ito ng palad at ngumiti na akala mo'y mag-a-apply na modelo ng toothpaste.

Napatulala siya at nakatingin sa palad nito, mas lumawak ang pagkakangisi nito at humakbang pa ng isa paabante sa kaniya.

"I'm Ezekiel Buenavista. Twenty-four years Old. Eldest son of Calvin and Lorraine Buenavista," pagpapakilala nito sa kaniya.

She cleared her throat at wala sa loob ang pag-abot niya sa palad nito.

"Ohh!" Umiling-iling siya at napapikit. "I mean, I'm Summer, short for Samarra Miel O' Harra. The only daughter of Business tycoon Frost O' Harra and Famous international model Samantha Hernandez. Single, fifteen-year-old. Senior high school student. Never been touched, never been kissed and I'm a member of NBSB," pagpapakilala niya at tumawa siya, nang malakas para matabunan ang awkward na nararamdaman niya.

"Miel, you're prettier when you laugh," wika nito habang umupo sa mahabang bench at hinubad ang coat na suot at inilatag 'yon sa upuan, sinenyasan siya nito na upuan niya ang coat nito.

"I know," sagot niya at umupo na rin sa tabi ng binata. Napasapo siya sa kaniyang dibdib nang magkasalubong ang mga mata nila. Lumakas na naman ang tibok ng kaniyang puso parang sakit na niya ito simula kanina nang makilala niya si Kiel.

"Damn, why is this man so handsome. He is so hot, My God! Greek Apollo is here?!!"

"Miel! Are you okay?" untag nito sa pagkakatulala niya.

"Ye-yeah, I'm O-okay!" nauutal niyang sagot dito habang tumatango-tango at pilit na ngumiti.

"Are you aware that your parents have already arranged your marriage at your age?"

Huminga siya nang malalim. "Yes," halos pabulong na sagot niya.

Sumeryoso ang mukha nito na para bang hindi nagustuhan ang sagot niya. Napalingon tuloy siya nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad sa gilid ng pool.

"So, what can you say about arranged marriage??" tanong ni Kiel na hindi siya nililingon.

"Arrange marriage is not a bad idea, as long as you're willing to learn to love your partner," sagot niya habang nakatingin sa likuran ni Kiel.

Tumayo na rin siya sa kaniyang pagkakaupo at naglakad palapit kay Kiel, para makapag-usap sila nang maayos. Napalunok siya para maalis ang bara sa kaniyang lalamunan at pinatatag ang kaniyang boses.

"Why? Don't you want to marry me, Kiel?" seryosong tanong niya sa binata.

Kasi kung ito ang kaniyang pakakasalan dapat malaman ko kung gusto ba nito o hindi. Para mas maaga makausap na nila ang parents nila, na hindi na nila itutuloy ang kasalan.

Dahan-dahan siyang nilingon ni Kiel. "Don't give me that look, baby," sabi nito.

"Huh?" parang tanga na tanong niya.

Hindi niya naintindihan ang sinabi nito, mas lamang kasi ang bilis at lakas ng tibok ng kaniyang puso kaysa sa sinabi nito.

Sumilay ang pait na ngiti sa labi nito. "Your parents, arranged your marriage to my youngest brother. It's Zachary Cadden, the same age as you. Kung ako papipiliin, baka pumayag ako na ikaw na lang sana, kaso masyado ka pang bata para sa akin. At isa pa? Naka-arrange na ako sa iba, apo ng kaibigan ni Lolo. Dapat si Dad, kaso parehong lalake ang unang naging anak kaya natuloy ang kasunduan sa apo. And please? Don't fall for me because I won't catch you," nakangising sabi ni Ezekiel. Luh! He is aware that I like him.

"At kay Zach ka ipinagkasundo ng parents mo, baby!" dagdag pa nito.

"Hmpp! Bakit parang feeling ko gusto mo ako? At nanghihinayang ka," natatawang pang-aasar niya kay Kiel. Para mapagtakpan na rin ang pagkapahiya niya sa sinabi nito. Masyado itong presko at prangkang magsalita. Sana lang, hindi ito katulad ng kaniyang kapatid, dahil kung pareho ang dalawa, ngayon pa lang. Kailangan na niya ng mahaba-habang pasensiya.

Ngumisi ito. "Babaysot, too much confident, huh!"

"Babaysot?" ulit niya rito.

"Babaysot, short for babaeng bansot." Sabay pisil sa kaniyang pisngi at humagalpak sa tawa.

Napanguso siya sa sinabi nito.

"Aba't, talagang siraulo ito! Tawagin ba naman siyang babaysot, excuse me 5'5 kaya ang height ko."

Napasimangot at tinalikuran niya ito. At handa na niya itong layasan pero bigla siyang hinaklit sa braso ni Ezekiel.

"Stay!" baritonong boses nito.

"Don't touch me. I hate you! I'm not bansot?" Sabay hila niya sa kaniyang braso at humakbang ng isa palayo sana rito.

Napasinghap na lang siya nang buhat sa kaniyang likuran ay higitin siya paharap at hindi pa nakontento niyakap siya nang mahigpit.

"W-what a-are you doing?" nauutal niyang tanong.

"You're stammering, little witch," paanas na sabi nito.

Kinabig siya sa ulo papunta sa dibdib nito. Hindi na niya alam ang nangyayari, para bang huminto sandali ang oras at si Ezekiel lang ang kaniyang nakikita. Amoy niya ang mabangong hininga nito na pinaghalong mint and alcohol.

Suddenly her heart started beating fast at that moment.

Bago pa siya matangay sa nangyayari, Itinukod na niya ang kaniyang dalawang kamay sa matigas nitong dibdib para itulak iyon.

Ngunit mas ipinulupot nito ang braso sa maliit niyang baywang at bumulong sa tainga. "Let me hug you and stay for a while little witch."

Hindi siya nakapagsalita at makagalaw. She let her hug him and stay awhile.

"Thank you," narinig niyang bulong nito.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi namamalayan ni Samarra unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Bagama't palagi silang nagtatalo dahil sa lakas na pang-aasar nito sa kaniya. Pero lamang ang pagiging sweet at OA sa pagiging over protective nito sa kaniya. Minsan hindi niya maiwasang makaramdam ng selos sa mga babaeng lantaran kung magpapansin sa binata. Lahat gustong makalapit dito at, lahat ng mga 'yon. Parang pinagbibigyan ni Ezekiel. Damn! Tsk, playboy.

Katulad ngayon, nasa Sydney Dragway si Samarra nakaupo siya sa isang tabi nagpapahinga habang naghihintay sa binata. Ganoon na lang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin sa binata. May kausap ito na isang magandang austrelyana, halos kita ang kaluluwa sa klase ng pananamit nito at halos idikdik ang dibdib sa binata.

Napabuntong-hininga na lang siya at tinitingnan ang ginagawang paghahaplos ng babae sa braso ni Kiel, sasakit ata ang ulo niya.

Mas gustong isipin ni Samarra na kung si Ezekiel ang mapapangasawa niya mas madaling mahalin at sa tingin niya magkakasundo sila. Pero malamang sa malamang mag-aaway rin sila sa dami ng babae nito.

"What are you thinking?" untag nito.

Napahawak siya sa kaniyang noo nang pitikin siya nito. "Damn, why does he always like that?"

"Ouch! Why did you do that?" tanong niya rito habang sapo pa rin ang noo.

Isinuksok ni Kiel ang kamay sa dalawang bulsa. "Why are you staring at me?" pasitang tanong nito. Tila sinusuri nito ang buong pagkatao niya.

"Duh! I'm not staring at you?" she denied and rolled her eyes.

"Really, huh?" He smirked sabay pisil nito sa ilong niya. "I know you, very well, young lady; you're lying to me."

"Really? I know that smirk too?" sabay taas niya ng kilay rito. "Too much confident Kuya Kiel." Hinampas niya ang braso nito at tumawa, para hindi mahalata ang pagsisinungaling niya.

Ganoon ba ka-obvious na nakatingin siya kay Kiel.

Napangisi ito. "I'm not convinced, Babaysot," anito at sabay akbay sa kaniya.

"Hey, don't call me liked that." Nakangusong pag-angal niya.

"It's my unique endearment, my sister-in-law." Inilagay ni Kiel ang kanang kamay at yumuko ng kaunti para magpantay ang tingin nila. Ayan na naman ang ngiting pang-model ng toothpaste at dinilaan ang pang-ibabang labi.

Napaawang ang bibig niya sa ginawa ni Kiel. Gosh!

Ipinilig niya ang kaniyang ulo. "Whatever, Kuya Kiel." She rolled her eyes.

Tumawa nang mahina si Kiel at inakbayan siya nito habang naglalakad sila palabas sa dragway. Lahat ng mga babae na naroon napapalingon sa kanila, agaw atensiyon kasi ang kaniyang kasama. Di i-ilang beses na may lumalapit dito at nagpapakita ng interest sa binata. Bukod sa pangalan na dala-dala nito ay napakaguwapo talaga.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022