Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > How To Get Your Love
How To Get Your Love

How To Get Your Love

Author: : Dreamy Heard
Genre: Romance
This story starts with a girl who just wants to study at one of the Top University here in the Philippines. Her name is Ashley Nicole Alvares, a smart and beautiful young woman but lack of money to finance her Tuition fee needs. Fortunately, she was smart so she passed the Scholarship offered by a famous university and she will be able to persue her dreams. When she met Nathaniel, her life suddenly turned into hell. Nathaniel Thompson is a handsome and very rich 17 years old young man, he is also a Campus Hearthrob but he has some bad attitude such as being stubborn, quarrelsome and rude. Ashley is unaware that Nathaniel is the only child of the owner of their school. When their first met, they're immediately had a misunderstanding, which will cause them to hate each other. What if they suddenly learn to love each other in an unexpected situation? Will their love prevail over the hatred they feel? And what's the unexpected situation that they have to face?

Chapter 1 HOW TO GET YOUR LOVE

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—š๐—จ๐—˜

This story starts with a girl who just wants to study at one of the Top University here in the Philippines. Her name is Ashley Nicole Alvares, a smart and beautiful young woman but lack of money to finance her Tuition fee needs.

Fortunately, she was smart so she passed the Scholarship Program offered by a famous university and she will be able to persue her dreams.

When she met Nathaniel, her life suddenly turned into hell.

Nathaniel Thompson is a handsome and very rich young man, he is also a Campus Hearthrob but he has some bad attitude such as being stubborn, quarrelsome and rude. Ashley is unaware that Nathaniel is the only child of the owner of their school.

When their first met, they're immediately had a misunderstanding, which will cause them to hate each other.

What if they suddenly learn to love each other in an unexpected situation? Will their love prevail over the hatred they feel?

And what's the unexpected situation that they have to face?

๐—”๐—จ๐—ง๐—›๐—ข๐—ฅ'๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—˜

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the author's imagination or are used fictionally. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

COPYRIGHT ยฉ 2021 by K.CATIVO

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distribute, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of publisher.

๐–ฏ๐–ซ๐– ๐–ฆ๐– ๐–ฑ๐–จ๐–ฒ๐–ฌ ๐–จ๐–ฒ ๐–  ๐–ข๐–ฑ๐–จ๐–ฌ๐–ค.

BOOK DESIGNED BY ITS AUTHOR.

LANGUAGE: FILIPINO

STORY STARTED: DECEMBER 18, 2021

IF YOU'RE INTERESTED IN THIS STORY, PLEASE FOLLOW ME FOR MORE UPDATES.

๐—ช๐—”๐—ง๐—ง๐—ฃ๐—”๐——: ๐พ.๐ถ๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘ฃ๐‘œ

Chapter 2 Beginning

(ASHLEY'S POV):

Grabe napakasama talaga lagi ng araw ko, siguro nung umulan ng kamalasan bumagsak na sa'kin lahat.

Andito nga pala ako sa napakadugyot kong kwarto at nakahiga sa malambot este nakakayamot na banig, wala kasi kaming pambili ng magarang foam alam n'yo na naman na masmahirap pa kami sa ipis eh, di joke lang wala pa kasi kaming pera sa ngayon eh.

By the way, magpapakilala muna ako para naman makilala n'yo kung sino ako diba?

Now I Introduce my self to you, my name is Ashley Nicole Alvares and I'm 17 years old.

Lakas makasosyal ng pangalan ko diba? pero hindi naglalarawan ang pangalan ko ng estado ng buhay ko ngayon, grabe sana talaga kasing sosyal ng pangalan ko ang kapalaran ko kaso kapag isinumpa ka ba naman talaga.

"Anak bumangon ka na d'yan baka mahuli ka pa sa school n'yo!" nag-aalburotong sigaw ni mama habang pinapalabas n'ya na ako sa kwarto para kumain na.

S'yempre masunurin akong anak kaya bumangon na ako at tumungo na sa mesa kung nasaan sila ng kapatid ko.

"Ate, kumusta ang dream... Guy mo? mukhang bitin ka pa sa tulog ah?!" natatawang salubong sa'kin ng siraulo kong kapatid na si Alea, tulad ko pangsosyal din ang pangalan n'ya. Alea Jane Alvarez lang naman.

"Kutusan kita d'yan eh, ang sama na nga ng araw ko dahil sa project na hindi ko pa natatapos, dumagdag ka pa!" singhal ko sa kanya, paano ba naman kasi wala na s'yang ginawang maganda sa buhay ko bukod sa asarin ako araw-araw, ngayon pa talagang badtrip ako.

"Nakalimutan mo na bang wala ka ng project ngayon kasi magtatransfer ka na?" rason ni Alea na agad na ikinakunot ng nuo ko.

Oo nga pala noh!

"Nasobrahan ka kasi sa talino eh, 'yan tuloy." dagdag pa n'ya.

Pero hindi ko nalang s'ya pinansin at umupo na lang ako sa isang bakanteng monobloc chair namin para simulan ng kumain nang makaligo na rin ako.

"Oh, magtigil na nga kayong dalawa d'yan puro nalang kayo asaran, ikaw naman Alea tigilan mo ang ate mo, papasok pa 'yan sa school." pagsaway sa amin ni Mama, tila nanibago ako sa kanya para kasi s'yang sinaniban ng anghel ngayong araw. Dati kasi ako lagi ang pinagsasabihan n'ya sa tuwing nag-aasaran kami ng kapatid ko.

Natameme ang kapatid ko dahil dun at ako naman 'tong si loko ay lalo ko s'yang ininis para naman kahit papaano makaganti man lang ako sa mga pang-iinis n'ya sa'kin parati.

Tinitigan ko ang kapatid ko na may pang-aasar sa'king mukha na ikinainis n'ya at parang gusto n'ya na akong isumpa.

"Ikaw naman Ashley, 'wag mo nang patulan ang kapatid mo para di na kayo parating nagtatalo." pagsaway din sa'kin ni Mama na ikinatuwa naman ng ugok kong kapatid at ikinasimangot ng d'yosa kong mukha.

Nang matapos na kaming makakain ay iniligpit na ni Mama ang pinagkainan namin, 'yun na rin ang naging senyales ko para maligo na.

Nang akmang pagbuhos ko na ng tubig sa katawan ko ay napatili ako dahil sa malayelong lamig na dumampi sa makinis kong balat.

"Ahhhhhhh!!!"

"Ano ba 'yan anak, ayos ka lang ba d'yan?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mama.

"O-okay lang po ako Ma, sobrang l-la-lamig l-ang po ng t-tubig-g!!.." tugon ko naman kay Mama na may panginginig sa aking tono.

Hindi na sumagot sa'kin si Mama at narinig ko na lang na may kumakatok na sa pintuan ng CR.

"Anak buksan mo ang pinto, ito yung thermos ibuhos mo 'tong mainit na tubig sa balde para maging maligamgam." narinig kong utos sa'kin ni Mama at agad akong nagtapis ng tuwalya saka binuksan ang pintuan. Iniabot sa akin ni Mama ang isang Thermos at agad ko tong kinuha sabay ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.

Nang maibuhos ko na ang mainit na laman ng Thermos sa malamig na tubig sa balde ay agad na akong naligo at nagpantasya na dahilan para abutin na ako ng isang taon sa CR.

Sa wakas ay natapos na rin akong maligo.

Chapter 3 My BAD DAY

(ASHLEY'S POV):

Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagsipilyo at isinuot ang maganda kong uniform, matapos nun ay inayos ko na ang aking buhok, at chineck ko na rin ang mga gamit ko kung may nalimutan ba ako.

YES! wala akong nalimutan.

Nagpaalam na ako kayla Mama at sa kapatid kong papasok na rin sa eskwelahan pero hindi kami magkasabay dahil magkaiba ang School namin.

Nakapasa kasi ako sa scholarship program na inaalok ng isang tanyag na paaralan dito sa Philippines kaya naman agad akong nagtransfer doon. Ngayon palang ang una kong araw sa magandang school kaya naman grabe ang nadarama kong excitement at the same time ay ang nakakayamot kong kaba.

Dahil malapit lang ang eskwelahan dito sa bahay namin ay naglakad nalang ako at naglagay ng earphone sa magkabilaan kong tenga.

โ™ช'Cause you had a bad day, you're taking one down

You sing a sad song just to turn it around

You say you don't know, you tell me, "Don't lie"

You work at a smile, and you go for a ride

You had a bad day, the camera don't lie

You're coming back down, and you really don't mind

You had a bad day

You had a bad dayโ™ช

Pinapatugtog ko lang naman ang BAD DAY na kanta ni Daniel Powter na talaga namang kahawig ng buhay ko araw-araw.

Paborito ko talaga ang kantang ito kaya naman sa sobrang sarap pakinggan ay hindi ko na namalayan na papatawid na pala ako sa gitna ng kalsada na dahilan ng pagkatumba't pakikipaghalikan ko sa napakaduming sahig ng kalasada.

Beep..Beeeeppp...Beeeep!

Aba't bweset 'tong Driver na 'to ha! S'ya na nga ang nakabangga s'ya pa ang may ganang bumusina ng malakas imbes na bumaba at magsorry sa akin.

Napikon na ako kaya sinugod ko ang napakagarang kotse na sumalpok sa'kin para komprontahin ang mokong na sakay nito.

"Mga lintik kayo, bumaba nga kayo d'yan!..Bweset sisirain ko 'tong kotse na 'to paghindi pa kayo bumaba!...Letse, ayaw n'yo talagang bumaba ah!!!.." sa sobrang inis at galit ko ay pinagpupok-pok ko ang bintana ng kanilang Luxury Car para lang may bumaba at harapin ako.

Letseng Araw 'to!

Sa wakas ay bumaba na si Manong Driver. Hayystt!..

"Miss ito na po ang..." napatigil si Manong Driver sa pagsasalita habang inaabot sa'kin ang malulutong na isang libo ng makita ang earphones ko. Naku Patay!

"Tssskkk...Pero Miss kayo po pala talaga ang may kasalanan eh, tingnan mo nag-e-earphone po kayo habang tumatawid kaya po kayo nabangga." abang lokong 'to ah ako pa ang sinisisi.

"Eh kong hindi po kayo tangang magmaneho, eh di sana nakapagpreno kayo nang sa ganun hindi na ako nagkagalos ng ganito at hindi na rin ako nakipaghalikan pa sa simento!" galit na tugon ko sa pisteng driver.

Grabe ang dami ng nakatinging tao sa amin, piste kasing Driver to eh, pero aaminin ko may kaunti rin naman talaga akong kasalanan rito.

"Atsaka, Ano 'yan?! susubukan n'yo akong bayaran? 'Lang hiya naman talaga oh, ganyan nalang ba ang tingin n'yo saming mahihirap, madadala na lang kami sa mga suhol n'yo?!" galit na dagdag ko pa nang biglang may bumaba na maputi't gwapong binata sa likuran nito na nakasuot ng katulad ng uniform ko kasabay din nun ang pagkulay itim ng paningin ko at pagbagsak ko sa sahig.

****

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at natanaw ko ang isang maputing lugar.

Nasa Heaven na ba ako? Hindi pwede! Hindi ako tatanggapin doon, lalo naman sa Hell eh baka mahiya pa sa'kin si Satanas, asan na ba ako?. Mga pumapasok sa makulit kong utak habang nililibot ang aking paningin sa paligid at natanaw ko ang aking Mama na tumatangis.

"Anak mabuti at gising kana." pambungad sa akin ni mama at binigyan n'ya ako ng mahigpit na yakap.

Napagtanto ko na lang na nasa Ospital pala ako. Ang mga huli ko nalang na naalala bago ako mawalan ng malay ay ang pakikipagtalo ko sa Driver at ang pag-baba ng lalaki na nasa passenger seat ng kotse nila pero hindi ko na matandaan ang mukha nun, at mukhang 'yun din ang amo ng manong Driver na tanga.

Suot-suot ko pa rin ang maganda kong uniform,

Wait!

Baka naman kulang na ang katawan ko?! Hala kompleto pa ba ang kamay at paa ko?, ganun din ba ang mga daliri ko?!

Agad akong kumawala sa pagkakayakap ni Mama at tiningnan kung kompleto pa ba ang bawat isang parte ng katawan ko.

Salamat Lord at kompleto pa ang body ko, super thank you God and Jesus!

"Anak bakit ba naman kasi tumatawid ka sa Highway ng naka-earphone?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mama.

Agad namang nanlaki ang mata ko sa tinanong n'ya. Ano daw? Kasalanan ko pa kung bakit ako nagkaganito?

Sira-ulong driver'yun ah, sa'kin n'ya pa isisisi ang katangahan n'ya?Lintik 'yun! nanggigil na ang utak ko.

"Eh, Ma, s'ya naman may kasalanan nun eh, ang tanga n'yang magmaneho tuloy hindi pa tuloy ako nakapasok sa unang araw ko sa School." nanlulumo kong tugon kay Mama ng maisip kong unang araw ko nga pala dapat ngayon.

Umiling-iling na lang sa'kin si Mama bilang tugon n'ya at biglang dumating na ang isang Doctor.

"Doc, kumusta na po ang anak ko? Malala po ba ang pagkakadisgrasya sa kanya?" namumutla na si Mama sa pag-aalala sa akin.

"Good news po Misis, wala po kaming nakitang iba pang injuries or internal bleeding sa anak n'yo maliban sa iba n'yang mga pasa at galos na natamo n'ya dahil sa aksidente, kaya pwede na pong ma-discharge ang anak n'yo ngayon, reresetahan ko na lang po s'ya para sa paggaling ng mga sugat n'ya." nakangiting tugon sa amin ni Doc. Buti na lang at hindi malala ang mga natamo ko dahil kung hindi malalagot sa'kin 'yung hinayupak na Driver na 'yun pati na ang amo n'ya, isusumpa ko sila!.

Bahagyang nabalot ng katahimikan ang pag-uusap nila Mama at Doc ng magtanong si Mama.

"Doc, paano po makakalabas ang anak ko eh wala po kaming pambayad dito lalo't mamahalin 'tong Ospital?" tanong ni Mama na ikinabigla ko, oo nga pala hindi pa nagpapadala si Papa ng pera kaya paano kami makakabayad dito sa Ospital. PATAY!

"Don't Worry po Misis, binayaran na po ito kanina ng nakaaksidente sa anak ninyo kaya maiuuwi n'yo na po s'ya at mapagpapahinga." nakangiting sabi ni Doc.

WHAT! Binayaran na ni Pisteng Driver at ng amo n'ya ang Hospital Bill ko? S'yempre dapat lang 'yun s'ya yung nakadisgrasya sa akin eh, wala naman dapat ako sa Ospital na 'to kung maingat lang sana s'yang magmaneho noh.

Download Book

COPYRIGHT(ยฉ) 2022