Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Honeymoon With A Stranger
Honeymoon With A Stranger

Honeymoon With A Stranger

Author: : Shanelaurice
Genre: Romance
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!

Chapter 1 Betrayal

Iilang shot's pa lamang ang nainom niya mula sa alak na inorder pero nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Ngunit sa kabila non ay wala siyang balak na itigil ang pag-inom.

Iyon naman talaga ang pakay niya kaya siya pumunta sa bar na iyon, ang magpakalasing at lunurin ang sarili sa alak para makalimot.

Hindi na nya magawa ang umiyak, napagod na yata ang mga mata niya sa kakaiyak.

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang sa mga sandaling iyon ay sariwa pa rin ang mga masasakit na

ala-ala na tila kahapon lamang nangyari.

Ito sana ang araw na pinangarap nya ng halos dalawang taon, ito sana ang araw na pinaka-hihintay niya.

Her wedding day!

Ngayong araw sana ang kasal niya sa kanyang fiancé--to be exact kaninang umaga sana, kung hindi niya lang ito nahuli having an affair with another woman a week ago.

Noong una hindi siya naniwala, inisip niya na niloloko lang siya nung taong tumawag sa kanya at nagsabing nakita nito si Robert checked in into a hotel with a woman.

The caller even told her the name of the hotel and the exact room number. Sinabi rin nitong hindi naman daw siya nito pinipilit na maniwala, concern lang daw ito sa kanya.

After a moment of hesitation, nagdesisyon siya, mabilis pa sa alas kwatro siyang sumibat at pinuntahan ang nasabing hotel.

Her hands was shaking as she begin to push the button of the doorbell in that hotel room. Kahit na ilang ulit na sinigurado ng caller na si Robert nga iyon, still, she is hoping that it was not.

She never doubted him even once dahil hindi naman ito nagbigay ng motibo sa kanya.

Until that day!

Kung na shocked siya sa nakita, mas higit ito, his eyes widened the moment he saw her standing infront of the door. Hindi na siguro ito nag- abalang sumilip sa peephole, sadyang parang may hinihintay talaga ito.

"Hon ang wine na ba iyan?" narinig niya ang boses ng isang babae na alam nyang papalapit na sa kinaroroonan nila.

Her eyes filled with raged as she look straight into him, tears begin to form. Ramdam nya ang pamumula ng mukha niya sa galit habang tinitingnan ang namumutla nitong mukha.

"Angelie!" yun lang ang tangi nitong nasambit.

Nang idiretso nya ang tingin, nakita niya ang isang babaeng nakatapis ng tuwalya at halatang bagong paligo lamang.

Napatiimbagang siya ng muling ibalik ang tingin sa mukha ni Robert. She was speechless, stunned and in so much shocked!

Isa lang ang gusto nyang gawin ng mga sandaling iyon--ang umalis at lumayo sa lugar na iyon.

Narinig nya pa ang pagtawag ni Robert sa pangalan nya ng tuluyan siyang tumakbo papunta sa elevator.

Sa kotse na siya nagawang humagulgol.

"Angelie, babe mag-usap tayo please, let me explain." halos nagkakandarapa ito habang kumakatok sa salamin ng kanyang kotse. "Please..please babe hear me out!"

Pinahid niya ang kanyang mga luha, ayaw niya na sana nitong kausapin pero meron siyang gustong malaman. Binuksan niya ang bintana ng kotse pero nanatili ang tingin nya sa manibela.

"Kailan pa?" mahina pero puno ng pait na tanong nya, hoping for at least an honest answer.

"I..I met Georgia five months ago, but we're just seeing each other lately, about two months."

So Georgia was her name!

mapait siyang ngumiti.

"But please babe, we're not-"

hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isarado niya ang bintana ng kotse at pina-andar.

Sapat na ang kanyang narinig. Two months? ganoon na pala siya katagal nitong niloloko, kung hindi pa dahil sa babaeng iyon na tumawag sa kanya para ipaalam ang escapades nito ay hindi nya pa malalaman.

Isipin pang malapit na silang ikasal!

"Angelie please.. please talk to me!", kalampag nito sa kanyang kotse, hindi pa ito nakontento humarang pa ito sa harapan.

"hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nakakapag-usap ng maayos, please!",

"Kung gusto mo pang mabuhay, aalis ka dyan! but if you don't want to.. well, I'm more than willing to kill you myself!" puno ng poot na sabi niya saka mabilis na pinaharurot ang kanyang kotse.

Mabilis naman itong umiwas at nang tingnan nya ang kanyang side mirror, nakita niyang nakasunod ang nanlulumo nitong tingin sa kanyang kotse.

To hell with you!

Nang medyo malayo na ang itinakbo ng kanyang sasakyan saka niya lamang ito inihinto sa gilid ng kalsada at doon muli siyang humagulgol ng iyak.

How could he do that?

Minahal niya ito at pinangarap na makasama habang buhay. She already plan their future together, akala niya matutupad na ang lahat ng iyon.. hindi pala!

How could he betrayed and hurt her that much?

Ngayon pa kung kailan handa na ang lahat!

Hindi niya na alam kung ilang oras siya nanatili doon.

All she could remember is that she cried a pool of tears before she finally leave that place.

Ilang ulit pang tinangka ni Robert na kausapin siya, pabalik-balik ito sa apartment niya at sinundan pa siya nang umuwi siya sa kanila sa San Pascual. Hindi na siya nakapagkaila sa magulang at kapatid, umiiyak at puno ng sakit niyang ikinuwento ang ginawang panloloko ni Robert.

Nang mga panahong iyon kailangan na kailangan niya ng karamay at natagpuan niya iyon sa piling ng kanyang pamilya.

Galit na galit ang mga ito, lalo na ang daddy niya, kuyom ang kamao at nangangalit ang bagang nito ng mga sandaling iyon, she even heard him cursed hundred of times.

Pero sa huli siya pa rin ang pinagdesisyon ng magulang niya. Kung patatawarin niya ito at itutuloy pa rin ang kasal ay susuportahan pa rin daw siya ng mga ito o tuluyan niya ng puputulin ang kaugnayan niya sa lalake.

Mas pinili niya ang huli, mahal niya ito pero hindi pa rin niyon kayang takpan ang sakit na idinulot nito sa kanya. She was in so much pain that she wonder if she could ever forgive him even in the nearest future.

At kung darating man ang araw na mapapatawad niya ito ay hindi niya na rin siguro masisikmura ang makasal pa dito. Habang buhay niya lang maaalala ang tagpong iyon nang datnan niya ito at ang babae nito sa hotel na iyon.

Hindi rin siya magiging masaya.

"Thanks god, pumayag ka na kausapin ako!" tila nakakita ito ng liwanag ng mga sandaling iyon.

Nagdesisyon siyang kausapin na ito matapos ng ilang araw na pagmumukmok. Para tapusin na ang lahat sa pagitan nilang dalawa at para tumigil na ito sa pangungulit at panggugulo sa buhay niya.

Tinangka pa siya nitong yakapin pero umiwas siya at sa malamig na tinig sinabi niya ang kanyang nais sabihin.

"Let's end this now Rob, from now on stay away from me!"

Umiling-iling ito.

"No, no.. please, please babe, I know I hurt you, I'm sorry, I'm really really sorry, pinagsisihan ko na ang lahat, so please forgive me?" nakikiusap pati ang mga mata nito ng masdan niya. Doon niya lang din napansin ang haggard nitong anyo, nanlalalim ang mga mata, humpak ang magkabilang pisngi at halatang ilang araw ng hindi nakakapag-ahit.

But it was not enough to heal her broken heart.

"Hindi madali yang hinihingi mo, you hurt me so much that I don't think I can easily forgive you!"

"Paano ang kasal natin?" desperado nitong tanong.

Kung wala lang siya sa sitwasyong iyon ay matatawa siya.

"Do you still expect me to marry you after what happened? after what you did to me?" sarkastiko niyang tanong.

"Angelie..."

Ang munting pag-asa na mayroon sa mga mata nito kani-kanina lang ay tuluyan ng naglaho.

"Georgia and I were not inlove with each other at kaya ako nakipagkita sa kanya sa hotel na iyon ay para putulin at tapusin na kung ano man ang namamagitan sa amin. Believe me babe, please, I don't love that woman, ikaw ang mahal ko!'

Mapait siyang nagpalatak.

"Sa ganoong estado ng datnan ko kayo sa hotel, nakatapis lang ng tuwalya ang babae mo and you, with that boxers, do you expect me to believe that your there just to talk and end whatever the fuck that you have? Ganoon na ba ako katanga sa tingin mo?"

"Tinapos ko na ang tungkol sa amin ni Georgia!"

"Isn't it a bit late for doing that?"

"I'm begging you, just this once babe, please give me this one chance. I promise you I won't do it again, so please.. please don't cancel our wedding!"

"You're asking for too much Rob, minahal kita unconditionally, alam mo iyon. I even trusted you with all my heart, pero anong ginawa mo? Sinira mo ang lahat!"

"So ganoon nalang ba kadali para sayo na tapusin ang dalawang taong pinagsamahan natin?"

Napatingin siya rito saka nagtiimbagang. Ramdam niya ang biglang pag-init ng mukha niya sa galit! Her face darkened more when she turn to look at him.

At kasalanan niya pa, ganoon?

"Hindi ako ang nagtapos kundi ikaw!" nag-alsa na ang boses niya.

"That's why I am begging and asking you for another chance!" paos na nitong sambit.

Napapiksi siya ng hawakan nito ang kamay niya. All of a sudden pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya, wala na yung kilig at excitement na nararamdaman nya sa tuwing hinahalikan siya nito o sa tuwing hinahawakan nito ang kanyang kamay.

"I'm sorry Rob, but it's all over." Mahina at pinal nyang sabi na ikina-angat ng tingin nito sa kanya.

Chapter 2 Robert Stupid Reason

Nanlumo si Robert sa narinig, garalgal na ang boses nito ng muling magsalita.

"You know how much I love you at inaamin ko naman na nagkamali ako, itinanim mo na kasi sa isip mo na perpekto ang relasyon natin. Ginusto mong makita sa akin ang pinangarap mong perpektong lalaki, hindi mo naisip na tao lang ako, may kahinaan rin at pwedeng magkamali!"

Somehow totoo ang sinabi nito, maybe she expect too much from him.

"Dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam mo sa akin! Akala ko totoo ang lahat ng iyon!" nagsimula na rin gumaralgal ang boses nya.

And she hate it, dahil alam nyang magsisimula na naman siyang umiyak.

"Totoo ang lahat ng iyon, mahal na mahal kita Angelie." sabi nito saka siya tiningnan. "Alam ng Dios na mahal na mahal kita!"

"Kaya nagawa mong lokohin at saktan ako, bakit Rob? Bakit?"

Napapikit ito. "Hindi ko sinadya ang saktan ka, siguro nga natukso ako, pero kahit kailan hindi ko ginustong saktan ka!"

"Nagawa mo na Rob, sinaktan mo na ako ng husto," wala na siyang nagawa ng mag-unahan na sa pagpatak ang tinitimpi nyang mga luha.

"Ni minsan ba hindi mo naisip, na maybe it's because of you why I ended up like this? Why I ended up with Georgia?" nang-aakusa na ang boses nito.

Gulat siyang napatingin dito. Paanong naging kasalanan niya ang panloloko nito?

Kumuyom ang kanyang kamao at nang mahimasmasan buong lakas nyang sinampal ang natigilan na lalaki. Ibinuhos nya doon lahat ng galit at sakit na nararamdaman nya ng mga sandaling iyon.

"How could you do this to me?" nagbabaga ang mga mata niya sa matinding poot. "Hindi pa ba sapat sayo ang sakit na idinulot mo? At ngayon ako pa ang sinisisi mo kung bakit humantong tayo sa ganito? We end up this way because of you! You and your goddamn lies!" nangangalaiti niyang dugtong.

"Alam mo ba kung bakit ko pinatulan si Georgia?" hindi na rin ito nakapagtimpi. "Dahil kaya niyang ibigay sa akin ang hindi mo maibigay-bigay Angelie! We've been together for almost two years pero ipinagkait mo sa akin ang sarili mo! Sa tuwing hinahalikan kita para akong nanghahalik sa tuod! You never responded to me willingly at kapag lumalagpas ako sa itinakda mong boundary, nagagalit ka! can't you feel how much I wanted to make love with you everytime you're near with me?" puno ng pait na sumbat nito. "Lalake ako at may pisikal na pangangailangan, hindi mo lang alam kung anong klaseng pagtitiis ang ginawa ko sa loob ng dalawang taon na iyon!" umiling-iling ito. "The truth is you're an ice queen Angelie, worst than an ice queen!"

Napatiimbagang siya. Hindi makapaniwalang naririnig niya ang mga iyon sa lalakeng pinag-alayan niya ng kanyang puso at pinangarap na makasama habang buhay.

"Alam mo ang dahilan ko kung bakit ayaw ko pang humantong tayo sa ganoon! Ang buong akala ko naiintindihan mo!"

"Yes, I know the reason well," tiimbagang rin nitong sabi. "Paano ko makakalimutan kung sa tuwing tatangkain kong ankinin ka, lumalayo ka, you're always telling me that you wanted to give yourself to me on the night of our wedding day, you always say that you wanted it to be perfect.."

Tumiim ang titig nito sa kanyang mga mata.

"But you know what? I think you're just using those excuses to hide the true reason why you can't give yourself to me, you don't love me enough Angelie! You don't love me enough!"

Kumuyom ang kanyang kamao. Dahil lang pala sa hindi muna siya pumayag na magsiping sila kaya nagawa nitong pumatol sa iba? At dahil lang din doon kaya kinikwestyon nito ang pagmamahal niya?

Napakababaw na dahilan!

Ang buong akala nya naiintindihan nito kung bakit ayaw niya pang humantong sila sa ganon. She thought he was gentleman enough kaya hindi ito nagagalit o nagrereklamo sa tuwing tumatanggi siya na maangkin nito.

Pinahid niya ang kanyang mga luha.

"Ginusto kong ibigay ang sarili ko sayo on the night if our wedding because I thought it was the best gift that I could give you, I thought you will be happy and proud of me, mali pala ako, maling-mali! I never thought that you're that selfish Rob!"

Tumiim ang titig niya rito, disgusted and disappointed.

"Dahil lang pala sa dahilang iyon kaya mo pinatulan ang babaeng iyon? Napakababaw mo pala, isang linggo nalang Rob, sana hinintay mo nalang!"

Tumalikod siya at nagsimulang humakbang.

"Angelie, I'm sorry. I didn't mean to--" hinawakan nito ang braso niya, tila sising-sisi ito sa mga nasabi.

Tinabig niya iyon.

"Please, from now on, stay away from me!" malamig pa sa yelong sabi nya bago tuluyan nilisan ang lugar na iyon.

--Nathan--

Kanina pa minamasdan ni Nathan ang isang babae na tahimik at umiinom mag-isa sa isang sulok ng bar na iyon. He can't take his eyes of her, sunod-sunod ang pagsalin nito ng alak sa baso saka iniinom.

Umiling-iling siya. Mukha yatang problemado ang babaeng iyon ah!

At dahil medyo malayo ang kinaroroonan nya, he's not sure if she is crying.

"Hey bro, how's your business trip?"

Lumingon siya at nakita niya ang kaibigan nyang si Homer, umupo ito sa high chair na nasa gilid niya.

"Na approved na ng board ang project, we're just waiting for the presentation of design para ma- budget na ang cost of expenses." nakangiti nyang sabi.

"As expected from you bro, another millions in bank account huh!"

"Medyo malayo-layo pa iyon bro, sa ngayon focus muna ako sa branch dito sa manila."

"At dapat mag focus ka na rin sa love life mo, you're not getting any younger, kamusta na pala kayo ni Melissa?"

"Wala na kami.." balewala niya lang sabi. Hindi niya maalis- alis ang tingin sa babaeng iyon na tila lulunurin yata ang sarili sa alak.

"Ilang buwan nga lang ba kayo?"

Nagkibit siya ng balikat.

"Almost four months yata."

Kumunot ang kanyang noo.

Teka umabot ba sila ng ganoon katagal?

"Masyado na siyang nagiging clingy at selosa, you know me, I hate that kind of woman, ayaw na ayaw ko sa mga babaeng halos oras-oras nagtatanong kung anong ginagawa ko? Kung nasaan ako? Kung sinong kasama ko? Naiirita ako sa ganon, it makes me feel less human!"

Tumawa ito.

"Well, hindi na rin masama, knowing you, pinakamatagal na ang tatlong buwan, Melissa must be thankful!"

Napatawa na rin siya.

"Hindi naman siya nagger at selosa noong una, pero habang tumatagal nagbabago ang ugali niya. Pakiramdam yata niya dahil medyo tumagal kami ay pag-aari niya na ako!" sabi nya bago ini-angat ang baso ng alak sa bibig. "Do you know her?" tanong niya. Nasa babaeng iyon pa rin ang tingin nya.

Sinundan ni Homer ang tinitingnan niya saka napakunot noo.

"No, she's not familiar, hindi siya regular customer ng 'THE JAZZ"

Ang tinutukoy nito ay ang bar kung saan sila naroroon. Homer own the place and he named it after his four year old son, ang kanyang inaanak.

"She's beautiful!" makahulugan ang ngiti nito ng ibaling sa kanya. "Hmmm, I can see sparks in your eyes bro," natatawang kantiyaw nito.

Taas kilay at makahulugan din niya itong tiningnan.

"Bakit hindi mo lapitan?" sabi nito. Urging him. "If you're lucky, who knows.." may pilyo ng ngisi sa labi nito.

Binasa niya ang kanyang labi. Maya't-maya ay isang pilyong ngiti ang sumilay doon.

"You bet bro.." sabi niya saka tumayo.

"Good luck bro!" kindat pa nito.

Chapter 3 Privacy

Nagangalahati na ang laman ng bote ng alak na iniinom ni Angelie. Muli, nagsalin siya sa kanyang baso.

Habang ini-aangat niya iyon sa kanyang bibig, di sinasadyang napadako ang tingin niya sa isang lalakeng papalapit sa kinaroroonan niya.

"Hi, are you alone?" he asked. Nasa harap na niya ito. "Can I join you?" nakangiti nitong dugtong.

Napataas ang kilay niya.

Hindi naging hadlang ang dim light ng paligid para makita kung gaano ito ka gwapo, at napansin rin niya kanina ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin ng ngumiti.

Pero saglit lang ang paghanga na naramdaman niya, napalitan iyon ng disgusto, at pagka-irita. Iisang salita lang ang nababagay na i-describe sa mga tulad nito.

'DANGEROUS' like Robert!

Oh hell! bakit ba hindi niya makalimutan ang manlolokong iyon sa kabila ng dami ng nainom niya?

"May I?" ulit nito ng makitang wala siyang reaksyon at taas kilay lang nakamashid dito.

Oh well, bakit nga ba hindi?

To hell with Robert!

"Sure!" sagot niya saka ibinigay rito ang pinaka-matamis niyang ngiti. Sinenyas niya ito na umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.

"Oh, thank you, by the way, I'm--"

"There's no need for us to introduce to each other Mr.." agad na putol niya. "Let's remain strangers, and be just a drinking buddies for tonight!"

Natigilan ito. Rumehistro sa mukha ang pagkagulat. Hindi siguro nito inaasahan ang mga narinig mula sa kanya. It was written in his eyes, and obvious in his face.

Marahil ang inaasahan nito ay magkukumahog siyang makipagkilala rito.

"Oh," sabi nito ng makabawi. "What should I call you then?"

"Hmm... Anything you want, except for babe." sagot niya saka muling dinala ang baso sa bibig ,at ininom ang laman niyon.

She hates that endearment for it was what Robert used to call her.

"Why was that?" makahulugan nitong tanong.

Nagkibit balikat siya.

"I just hate it." Maikli niyang sagot.

"Ok then," sagot nito saka sinenyas ang nagdaang waiter, at nag-order ng sariling alak.

Lihim siyang nagpasalamat na hindi na nito inusisa pa ang dahilan niya, behind her hatred of that endearment.

Magsasalin sana siya ulit ng agawin nito ang bote mula sa kanya.

"Let me my sweet.." nakangiti nitong sabi.

"Oh..thank you." hindi niya alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya upon hearing those endearment from him.

"May I asked again, if you don't mind, why are you here drinking all by yourself?"

Sinalubong niya ang titig nito.

"I'm here to celebrate a very important occasion." Makahulugang siyang ngumiti.

Tumanga-tango ito. "Mind to tell me?" nanunuot ang tingin nito.

"I prefer to keep it to myself Mr. Hans."

"Oh, I'm sorry, I'm just a little curious of why a beautiful lady like you drinking here all alone."

"As I've told you, I'm just here for a very important occasion." Kibit balikat pa rin niya.

"Kung importante nga iyon, then, lets celebrate together, no need to be alone." sumilay muli ang ngiti nito sa labi.

Mayat- maya ay kumunot ang noo nito. Tila may naalala. "By the way, what did you just call me?"

"Mr. Hans.." ngumiti na siya.

"What?" he furrowed his brows more.

"Mr. Hans, short for Mr. handsome. Why? Don't you like it?" she make her voice sound flirty.

Napakalakas ang naging tawa nito.

"You know what? You're mysteriously amazing my sweet, you keep getting me excited."

"Hmm.. Do I?" sabi niya na mas lalo pang pinapungay ang mga mata.

"Yes, kung pwede lang ayoko ng matapos ang gabing ito," he said it with husky voice.

Ewan niya lang kung dahil ba sa lasing na siya o talaga lang inaakit siya nito sa paraan ng pagsasalita nito.

"Really?" taas kilay niyang tanong. If he is flirting with her, then why not go with the flow. After all wala na naman siyang plano makipagkita rito kinabukasan. "But sad to say Mr. Hans, this moment will only be for tonight."

"I know.."

Nang dumating ang order nitong alak, tahimik nitong isinalin iyon sa baso saka ininom.

Lihim niya nitong minasdan. Lasing na ba siya? Why on earth he is so handsome? Perpekto ang hugis ng mukha, matangos ang ilong, clean cut ang buhok at kahit medyo madilim kita nya ang mahahaba nitong pilikmata and with the shade of some light she saw his deep pair of sea green eyes, nakita niya rin kanina habang papalapit ito sa kanya ang nakakalula nitong tangkad.

He's like a Greek god came down from Olympus!

"Do you have a car Mr. Hans?" maya-maya ay tanong niya.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya, kunot-noo, maybe wondering why she asked that question all of a sudden.

"Just like you, I don't want to end this night just by drinking and talking."

Nagtaas ang kilay nito at ilang sandali lang makahulugan ang tinging ipinukol nito sa kanya.

"I think it should be better if we go to a place where we can have some 'privacy'!" idiniin niya ang huling salita. She stared at him... seductively. "You know, we can make beautiful memories out of this night, what do you think Mr. Hans?" tuloy-tuloy nyang sabi.

Habang malakas pa ang loob nya at habang nasa ispiritu pa siya ng alak at habang ramdam niya pa ang sakit na idinulot ni Robert!

Ngayon gabi pagbibigyan niya ang kabaliwan niya! Patutunayan nya sa manlolokong iyon that she's not an ice queen! Patutunayan nyang pwede rin siyang kabaliwan ng kahit na sinong lalake!

Pero napuno siya ng disappointment at pagkapahiya ng manatiling tahimik ang kaharap, nakatitig lang ito sa kanya, partikular sa kanyang mga mata.

Biglang naging seryoso ang anyo nito.

Padaskol siyang tumayo, she can't stand that kind of insult, masyado na niyang pinababa ang kanyang sarili to the point na siya pa ang nag anyaya rito.

Maybe Robert was right, at gaya nito isa ring ice queen ang tingin nito sa kanya.

O kaya naman iniisip nitong isa siyang kaladkaring babae na naghahanap ng good time, a sex partner at ayaw nito sa mga ganoon.

Aalis na sana siya ng hawakan nito ang braso niya.

"Where do you think you're going?" Seryoso, at paos nitong tanong na nagpatigil sa kanya.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022