Caroline Faith's POV
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta ng aming bahay galing trabaho. Thirty meters lamang ang layo nito mula sa may kalsada hanggang sa bahay. Mga ilang sandali pa ay may narinig akong isang pamilyar na boses. Kilala ko na kung sino tumatawag sa nickname sa akin at wala ng iba kundi ang bestfriend kong si Tristan James de la Paz. Apat na taon ang tanda niya sa akin at para ko na nga siyang kuya pero naiilang akong tawagin siyang ganoon lalo na crush ko siya. Oo gusto ko siya simula noong high school pa lang kami, natutuwa kasi ako sa kanya.
"Uy kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka lumilingon?" nakasimangot na tanong nito pero napangiti naman lang nang palihim.
"Alam ko naman na ikaw 'yan. Bakit pa ako lilingon?" nagmamaang-maangan kong tugon.
Ayaw ko lang kasi siyang titigan para akong natutunaw. Napailing-iling na lang ako para makaiwas na ng tingin.
"Suplada ka na pala ngayon, tzk!" reklamo niya.
"Hindi naman sa ganoon noh. Alam ko namang ikaw 'yon kaya di na kailangan lumingon pa." muli kong paliwanag sa kanya.
"Suplada ka na nga talaga. Ayaw nang mamansin kahit sa bestfriend niya." nagtatampong saad muli nito kaya lumapit ako at napakapit sa kanyang braso.
"Sorry na oh. Hindi ko sinasadya. Happy?" nginitian ko siya.
"Bakit parang naiinis ka pa ata eh!" pagmamaktol niya at di magawang maniwala sa akin
"Hindi nga eh kaya nagso-sorry na oh." paglalambing ko pa kasabay ng pagmamakaawa.
"Sige na nga." ngumiti siya at mas lalo pa niya pinakapit ang mga kamay ko sa kanyang braso para lang tuloy kami mag-jowa. "Kung hindi lang kita bestfriend, nako." kasabay naman ng pagpisil sa aking kaliwang pisngi na dahilan upang napadaing naman sa sakit.
"Aray ko naman! Grabe ka makahila sa face ko." reklamo ko at binitiwan niya na rin. Ako naman humawak sa aking pisngi na kaninang hinawakan niya. Napansin ko na parang namamaga. Hinampas ko na siya sa braso at iniwan siyang mag-isa.
"Teka lang uy. Sorry hindi na mauulit. Sarap lang kasi pisilin ang pisngi mo ang tambok kasi." nakangisi paring saad at sinimangutan ko siya saka tinalikuran.
Hinabol naman niya ako at siya naman umagkla sa aking braso.
"Sorry na cef, hindi na mauulit." tinaas niya ang kanang braso bilang tanda na hindi na uulit pa.
"Ok na." sagot ko habang iniirapan siya.
Hinatid niya muna ako sa amin kaya dinaanan lang muna namin ang kanilang bahay. Nakaramdam tuloy ako ng kilig sa loob-looban ko.
Nang makarating na kami, hinayaan at hinintay na muna niya ako makapasok sa loob bago napagdesisyon na umalis. Napangiti naman ako habang papasok sa loob ng bahay namin nang bigla na lang ako salubungin ng mga aking kapatid. Alam kong aasarin lang naman nila ako.
Bakit ba kasi ako nagkaroon ng mga ganitong kapatid? Kainis!
"Lola tignan mo si ate kasing pula na ng kamatis oh. Hinatid lang ni Kuya Tristan kinilig na." pang-iinis sa akin ni Cipher at agad kong pinatahimik siya baka pa kasi marinig ni Tristan pati ng kapitbahay.
"Oo nga ayiee!" dinagdagan pa ni Candy.
"Magsitigil nga kayo dyan. Impossible 'yang mga naisip niyo saka magkaibigan lang kami, ok?" tinititigan ko na sila ng seryoso hudyat na ititigil na sila sa pagbibiro.
Napakamot na lang ng ulo si Cipher habang nanahimik naman si Candy.
Totoo talaga na kaibigan ko lang siya at parang isang kapatid na babae lang turing sa akin ni Tristan. Wala na hihigit pa roon pero masasabi kong may romantic feelings talaga ako para sa kanya. Hindi ko lang pinapahalata dahil ayaw kong masira at mawala ang friendship namin dahil lamang sa aking nararamdaman. Hindi ko isasakripsyo ang aking feelings sa pagkakaibigan namin na matagal na nabuo. Ayos lang sa akin na ganito lang, na nakikita ko siyang masaya at magkasama kaming nagkakatuwaan minsan.
Sa kabila ng pag-iisip hindi ko namalayan nakapasok na pala ako ng aking kwarto. Ni-lock ko muna ang pinto, nilapag ang bag sa table at dumukot ng damit pambahay sa aparador at nagbihis. Pagkatapos lumabas na rin ako at nadatnan kong inihanda ni lola ang meryenda para sa akin at agad akong nagpasalamat.
KINAUMAGAHAN.
"Good morning everyone." masayang bati sa mga ka-workmates ko.
"Good morning, too. Mukhang maganda ang araw natin ah. Anong meron?" bungad na tanong ni Joanne sa akin kaya napalingon naman ako sa gawi niya.
"Wala naman. Basta maganda ang araw ko lang ngayon." nakangiti lang habang sinasambit 'yon.
"Hindi eh parang mayroong naganap na kakaiba. Tell me. Teka....." napahinto siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Tungkol ba 'yan sa bestfriend mo? Nanligaw na ba siya sayo?"
Napangiwi na lang ako sa mga tanong niya at sinimulan ko na rin ang trabaho.
"Ano?"
"Hindi siya nanligaw, ok. Napaka-impossible naman ata 'yon noh! Hindi ako yung tipo ng babae para magustuhan. Ayaw niya sa mga clumsy, innocent at childish na tulad ko." biglang nawala ng unti-unti ang mga ngiti sa labi nang sabihin ko 'yon.
Sinabi ko lang kung ano ayaw niya sa isang babae at masasabi kong hanggang bestfriend lang kami.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Pero malay mo ngayon magustuhan ka na niya." muling sambit ni Joanne kaya ako ay napatitig sa kanya.
"Impossible 'yon, ok. Mabuti pa magtrabaho ka na at mapagalitan pa tayo ni Sir Marlo." sabi ko na lang sa kanya kaya tumigil na rin siya at sinimulan na ring gawin ang trabaho.
Actually, siya naman talaga ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Kahapon lang kami nagkita ulit dahil sa sobrang busy namin sa trabaho kaya sa facebook na lang kami nag-uusap madalas.
Pagkababa ko pa lang ng jeep agad kong ginala ang aking mga mata baka sakali muli kaming magkasabay maglakad patungong bahay. Naglalakad na ng limang minuto pero walang tumatawag sa pangalan ko. Napabuntong-hininga na lamang habang patuloy na tinatahak ang aming bahay.
Pagkarating na pagkarating ko pa lang, dumiretso na kaagad ako sa kwarto. Ayaw ko na munang makipag-usap sa aking mga kapatid at siguradong iinisin nanaman ako ng mga 'yon. Muli nanaman akong huminga ng malalim na tila dahil sa lumilipad ko isip.
Sa pagiging abala ko sa computer games hindi ko na ring namalayan na magagabi na pala at nakaramdam na rin ako ng gutom. Sumabay na rin ako sa kanila pero kaagad bumalik sa kwarto. Napansin kong umilaw ang cellphone ko at baka may nagtext.
Laking tuwa ko na lang na siya yung nagmessage. Muli nanamang tumatalon-talon ang puso ko sa sobrang saya. Mabilis ko siyang nireplayan hanggang sa marami nanaman kaming napag-usapan kaya late na rin ako nakatulog sa gabi.
"Uy ano ngingiti-ngiti mo diyan ah?" tanong sa akin ni Joanne pero hindi ko lang pinansin at tinuloy ko lang ang ginagawa.
"Hay nako, iba talaga kapag in-love." pagpaparinig nito sa akin pero hindi na ako umimik pa.
Pagkatapos ng office hours, napagdesisyon ko na rin umuwi baka sakaling magkita ulit kami ni Tristan, nami-missed ko na kasi siya sobra.
Tinamaan na talaga ako sa bestfriend ko.
Nakauwi na rin ako ng bahay at tinulungan ko naman si lola magluto at maghanda ng dinner. Naiinip ako kasi walang magawa sa kwarto. Nakakasawa na rin maglaro ng computer games at mag-internet.
"Matanong lang kita apo, mayroon ka bang gusto kay Tristan ah?" nagulat ako sa tanong ni Lola dahilan na napatigil sa paghihiwa ng sibuyas at bawang. Nilingon ko siya saka tumango.
"Pero hindi naman ako yung gusto niya eh. Bestfriend lang talaga ang turing niya sa akin lola."
Medyo nalungkot siya nang sabihin ko 'yon.
"Bakit hindi mo na lang siya kausapin at aminin na lang sa kanya ang feelings mo malay mo naman gusto ka rin niyon, nahihiya rin umamin." dagdag pa niya.
"Hinding-hindi ko po 'yan gagawin lola. Ayaw kong ako yung gagawa ng first move. No way. Babae pa rin ako at ayaw kong tumulad sa iba diyan kahit gusto ko na talaga si Tristan." nakangusong tugon ko saka pinapagpatuloy ang ginagawa.
Pagkatapos ng gabihan, tumungo na ako sa kwarto para makapagpahinga na rin para bukas. Humiga ako nang maayos sa kama at humarap sa kisame ng bahay. Sinubukang mag-isip ulit nang kung ano hanggang sa napadako ang aking mata sa cellphone.
Binuksan at tinignan ko kung nagtext siya subalit nabigo ako. Wala siyang message sa akin. Sinubukan ko na rin magbukas ng facebook baka doon siya mag-chat at wala siyang load pang-text.
Pagkabukas ko rin ng fb wala siyang message kaya napabuntong-hininga nanaman ako at di maiwasan makaramdam ng lungkot. Hinintay ko pa rin ang text o chat niya sa akin baka may ginagawa lang o kumakain ng dinner. Lumipas na ng isang oras wala pa rin. Nakaramdam na ako ng antok kaya nagawa ko na lang na ipikit ang aking mga mata.
"Teka bakit parang pang-Biyernes santo 'yang itsura mo? Nakaraang araw lang abot tainga ang ngiti tapos ngayon susko hindi maipinta ang mukha. Ano ba kasing nangyari ahhh?" sunud-sunod at di mapakaling tanong ni Joanne.
"Hindi kasi siya nagtext o nagchat man lang sa akin kagabi." nagmamaktol kong tugon nang nakangiwi.
"Wow, Carol! Akala mo ikaw na ang jowa kung makatampo ka diyan. " nainis ako sa sinambit niya kaya sinimangutan ko siya.
Pinamumukha talaga na kaibigan lang ako ni Tristan at kailanman hindi magiging girlfriend niya. Napakasakit lang.
"Sorry na. Ikaw naman kasi umaasa sa wala. Pilit kang nag-aassume na magustushan ka ng bestfriend mo at maging kayo. If I were you, you needed to stop now kasi masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo pa 'yan. Buong akala ko nga magkakatuluyan na kayong dalawa pero base kasi sa kwento mo, mukhang malabo na nga." napatitig ako kay Joanne sa kanyang huling sinabi.
Titigil na ba ako? Pero hindi ko kaya. Mahal ko na si bestfriend.
"Mahal ko na siya...."
Iyon lang ang tanging nasambit ko pagkatapos.
Lumipas ang isang buwan na hindi pagte-text o chat sa akin ni Tristan. Doon ko na lang napagtanto sa sarili na itigil na aking kahibangan sa kanya. Na-realized ko rin kasi ang sinabi sa akin ni Joanne nakaraan at 'yong paulit-ulit niya akong pinaalalahanan. Sa una naiinis ako sa kanya dahil akala ko hindi lang niya ako naiintindihan pero napag-isip- isip rin na tama siya. Kaya heto pilit pinatatatag na lang ang loob.
Bigla akong nagising sa tunog ng cellphone. Nakalimutan ko rin kasi i-turn off ang sound nito kagabi dahil sa sobrang antok na. Agad itong kinuha sa mesa katabi ng kama saka binuksan ang phone.
Nanlaki na lang ang aking mga mata. Nawala bigla ang antok nang mabasa ko ang message niya.
Agad akong tumungo sa banyo upang maligo na at ihanda ang sarili dahil gagala kami ngayon ni Tristan sa mall. Laking tuwa ko na lang na yayain niya ako makapag-bonding kami ulit magkaibigan.
Nagsuot lang ako ng black squarepants na may printed flowers saka ko tinernohan ng hanging blouse pero hindi gaano kita ang pusod nito dahil stretchable at fitted naman siya. Naglagay ng simpleng make-up at lipstick, manipis na eye-liner na bumagay naman sa singkit kong mata.
Nagpaalam muna ako kila lola at may pahabol din pang-asar sina Candy at Cipher na hindi ko na rin pinansin. Nagulat na lang din ako nang makita siyang nakatayo at nakasandig sa kanyang motor. Tinititigan niya ang aking kabuhuan at tumikhim ako saka nagsalita para napatigil siya.
"Saang galing 'yang motorcycle mo? Ngayon ko lang kasi nakita 'yan eh?" bungad kong tanong sa kanya.
"Binili ko nga pala noong nakaraang linggo para naman may service kapag papunta at pauwi tayo galing trabaho." agad niyang tugon saka ako niyaya na niyang sumakay sa motor at napanganga na lamang ako bilang tugon.
Hindi ko maiwasan kiligin sa kanyang sinabi. Mapapansin kong kahit ganito siya sa akin, kasama pa rin ako sa mga priorities niya. Napakasarap sa feelings.
"Ano na, let's go?" sabi niya pagkahakbang pa lang.
"Yes, gora na tayo." masayang tugon ko sa kanya.
Abot langit nanaman ang tuwa nang makita at makasama ko siya. Siguradong marami nanaman akong ikukwento kay Joanne sa pagkikita namin sa Lunes. Parang kinain ko nanaman ang mga sinabing kakalimutan ko na siya pero heto pinagpapantasya siya habang nakasakay ako sa motor niya. Ewan ko ba, sadyang mahal ko na nga talaga si Tristan.
"Cef, nandito na tayo." saka lang ako bumalik sa ulirat nang bigla siyang nagsalita dahilan ng pagkagulat ko.
Napangisi naman siya. "Ako ang kasama tapos ang isip nasa iba naman." reklamo niya.
Mas lalo akong nagulat pa sa sinabi niya. Anong may iba? Ikaw lang naman kasi ang iniisip ko, tzk.
"Wala ah, ano ka ba." defensive kong tugon.
"Mabuti pa bumababa ka na muna." sinunod ko siya saka tinititigan kaya bakas sa itsura niya ang pagtataka.
"Kung balak mo na talaga magka-boyfriend dapat dumaan na muna siya sa akin nang makilatis ko." maotoridad niyang saad dahilan para mapangiwi ako sa kanyang sinabi.
"Magulang ba kita?" balik kong tanong pero napakunot siya ng noo pagkatapos.
"Hindi, pero may karapatan akong kilatisin ang magiging jowa ng aking bestfriend. Maliwanag?" Maotoridad niyang saad.
Naging speechless na lang ako sa kanyang sinabi. Ang awkward lang kasi eh. Masyadong overprotective sa akin pero deep inside kinikilig na ako.
"Bakit nakatayo ka lang diyan?" reklamo niya ulit at siya naman sinimangutan ko.
"Dapat lang talaga ipinapaalam mo sa akin 'yang magiging boyfriend mo. Mukha ka pa naman aanga-anga at madaling maloko." sabay kanyang ngisi kaya humiwalay na ako at naglakad mag-isa.
Nakakainis!
Naiirita ako sa kanya. Ganoon na lang ba tingin niya sa akin kaya hindi ako makakapagdesisyon kung wala siya? Gusto ko man sabihin sa kanya na kaya ko rin kaso nawawalan ako ng lakas ng loob para sabihin. Inirapan ko na lang siya bilang reaksyon.
"Tzk, isip-bata nga talaga." kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad para makalayo na. Nag-aapoy na kasi ang mata ko sa kanyang pang-iinis.
Bigla na lang niya ako hinila sa braso dahilan para mapatigil sa paglalakad.
"I am sorry kung nasaktan ka sa sinabi ko. Ikaw naman kasi parang......." hindi na niya tinuloy ang sasabihin baka ma-offend nanaman niya ako ulit.
Sa halip, pinisil na lang niya ulit ako sa pisngi at dahilan mapadaing ako sa sakit.
"Heto naman masyadong sensitive. Sorry na. Huwag ka na bumusangot diyan hindi bagay sayo." panunuyo pa niya. "Ano gusto mong kainin para naman mawala 'yang inis mo?" dagdag pa niya.
"Ikaw na lang bahala." walang ganang sagot ko at tumango na lang din siya at dumiretso na sa counter.
Mukhang di nga niya talaga ako magugustuhan dahil napakaisip-bata ko. Masakit lang sa damdamin pero kailangan kong tiisin kasi ayaw ko rin naman masira ang friendship namin nang dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Pilit kong ngumiti at maging ok muli at lalo nang nakikita ko siyang pinagmamasdan niya akong kumain na nakangiti.
Pagkatapos naming kumain dumiretso naman kami sa timezone para makapaglaro. Sinubukan niyang laruin na kung saan naroon ang mga stuff toys and teddy bears. Maya-maya nakahakot na kami ng marami stickers kaya nakuha naming 'yong pinakamalaking teddy bear at inabot sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang malapad at ganoon din siya.
Pagkatapos, hinila naman niya ako palabas na magkahawak ang aming mga kamay kaya't bigla rin akong nakaramdam ng daloy ng kuryente sa buo kong katawan. Bumitaw ako sa kanya kaagad at napansin niya 'yon.
Muli niyang binawi ang aking mga kamay at hinawakan. Hindi ko na ring nagawang tumanggi. Sobrang lakas lang ng tibok ng puso ko sa ganitong sistema naming dalawa. Napag-isipan ko munang nagpaalam sa kanya para mag-cr. Naiilang na kasi ako sa ganitong paghawak-hawak niya hays.
"Sige, hintayin lang kita dito." sabi niya at agad naman ako pumasok sa C.R saka huminga nang malalim at napahawak sa aking mukha, pinagtatapik-tapik ko ito.
Caroline Faith, umayos ka nga. Baka mamaya niyan makahalata na sayo si Tristan. Paano na ang friendship niyo? Kapag nalaman niyang may gusto ka sa kanya?
Kaya muli ako napaayos sa sarili saka na rin lumabas.
Pagkagaling ko ng CR, kaagad niya akong nilapitan at sinimangutan.
"Bakit ang tagal mo naman? Ten-minutes na akong naghihintay sayo ah." nag-alalang saad ni Tristan sa akin kaya hindi rin ako kaagad nakapagsalita kasi natatakot ako sa boses niya kapag ganitong kaseryoso siya.
"Nagpaganda lang..."maikli kong sagot habang pilit na nilalabanan ang kaba sa aking dibdib.
"Kayong mga babae talaga hays."nakangising saad niya. "Let's go?"
Tumango na nga lang din ako at hindi na sumagot pa. Tutal parang hindi siya interesado sa pagpapaganda ko, mukhang hindi nga napapansin kagandahan ng bestfriend niya. Sa isip kong 'yon, hindi ko maiwasan makaramdam ng tampo kaya panay pamemeke na lang ng ngiti ang ginagawa ko. Mas maganda nang sulitin at hayaan na lang muna namin ang isa't isa na ma-enjoy ito na habang nakikita at nakakasama ko siya.
Ala-sais na ng gabi kami nakauwi ng bahay at nginitian ko na lang siya pagkatapos. Bigla na lang kasi nag-iba 'yong mood ko sa pang-aasar niya sa akin. Naiinis ako ng sobra kapag sinsabihan niya akong isip-bata. Pinapakita niya na talagang ayaw ni Tristan sa babaing tulad ko.
Pagkakain namin ng gabihan, dumiretso na rin ako sa kwarto at ni-lock ito saka mahimbing na natulog dahil sa pagod na nararamdaman dahil sa paglalakad-lakad namin sa mall kanina.
SUNDAY. It's a rest day. Naalala ko nga pala ito yung araw na magsisimba kami nila lola kasama yung pamilya nila Tristan pati siya. Pero sa ngayon, wala akong balak magsimba. Ayaw ko na muna makita si TJ, naiinis at natatampo pa rin ako sa kanya.
Sana mapatawad ako ni Bathala sa ginawa ko, nadagdagan nanaman tuloy kasalanan sa kanya. Hays.
Kasalanan mo ito, Tristan!
Sigaw ko na lang sa isip hanggang sa may nakarinig akong katok at bumukas ito. Si lola pala.
"Oh apo bakit ngayon ka pa lang nagising at hindi pa nakabihis? Magsisimba tayo!" sabi niya pero nakangiwi akong napatitig sa kanya.
"Hindi po ako lola makakasama sa inyo ngayon magsimba."
Nagulat siya sa aking sinabi at nilapitan ako.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman po. Hindi lang kasi maganda pakiramdam ko ngayon eh." sabi ko na lang sa kanya at napatangu-tango ito.
"Sige, apo hindi kita pipilitin na sumama. Ikaw na muna bahala dito sa bahay ah."
Bilin niya sa akin at napatango lang ako bilang tugon saka siya lumabas na ng kwarto.
Muli nanaman akong napabuntong-hininga pagkatapos tinititigan ang teddy bear na pinalalunan namin kahapon. Napangiti ako nang maalala kung paano siya maglaro, napaka-determined niya talagang tao. Hindi siya titigil hangga't di niya nakukuha o napapalalunan ang isang bagay. Nakakatuwa lang isipin pero nang pumasok sa isip ko 'yong sinabi niya kahapon bigla akong napabusangot at iniwasan titigan ang manika.
Sa twenty-minutes na pamamalagi ko sa kwarto, napag-isipan ko na ring maligo. Lumabas ako at napansin ko na ring nakaalis na sila lola.
Wala akong ginawa kundi magbasa ng Bible at iba pang mga libro na maaaring basahin dito kasi wala naman na akong ibang gagawin at rest day ngayon, bawal magtrabaho kapag ganitong araw. Mahigpit na pinagbabawal ito sa sampung utos ng Diyos na igalang ang araw ng pamamahinga.
Pagsapit ng alas-diyes, napag-isipan ko na ring magluto ng pananghalian bago dumating sila lola at alam kong gutom na mga iyon pagdating.
Pagsapit ng gabi, ala-siyete pa lang binabalak ko nang matulog para mahaba ang oras ko dahil panigurado maraming gagawin bukas sa hotel. Binuksan ko muna ang cellphone at bumungad sa akin ang text ni TJ.
'Hi good evening. May problem ba tayo?'
Iyan ang sabi niya sa text pero hindi ko ni-replayan 'yon. Pinatay ko na lang ang ilaw sa kwarto saka na ring natulog.
KINABUKAN. Naglalakad na ako papasok sa trabaho nang makita ko siya sa labas ng kanilang bahay. Pinilit ko sa sarili na kunwari na wala akong napansin kaya diretso lang ako hanggang sa madaanan ko na ang kanila.
Tinatawag niya pa ako sa aking palayaw pero hinayaan ko at di na pinansin. Nagbingi-bingihan lang ako.
Nagulat na lang nang may biglang humila sa aking braso dahilan para makaharap ako sa kanya.
"Iniiwasan mo ba ako, cef?" seryoso niyang tinig habang binabasa niya ang nasa isip ko.
"Hindi." diretso kong sagot sa kanya at napangisi siyang nang mapait.
"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ako pinapansin. May problem ka ba sa akin?"
Bigla na lang ako hindi makagalaw sa aking kinatatayuan, nakaramdam na rin ako ng awa sa kanya dahil sa kagagawan ko. Napalunok muna ako bago ko siya sinagot.
"May iniisip lang kasi ako kaya hindi kita napansin at narinig, sorry." pagdadahilan ko na lang sa kanya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang niya ako hilain sa braso papunta sa bahay nila.
"Sino ba kasi 'yang iniisip mo......" napatigil siya saglit at napahilamos sa sarili. "Na kahit sa daan hindi mo magawang ipagliban muna yang pag-iimagine mo sa lalaki na 'yon?"
Tzk kung alam mo lang sana na ikaw yung nasa isip ko.
"Hindi mo ba alam maaari kang mapahamak sa ginagawa mo? Paano kung wala ako?" giit niya pa sa akin habang ako nakayuko lang kinakalikot ang mga daliri ko sa kamay na parang bata dahil sa pinapagalitan ng kanyang tatay.
"Sorry na. Hindi na mauulit." sabi ko na lang.
"Hindi na talaga mauulit 'yan dahil araw-araw magkasabay na tayo papasok sa trabaho kaya ako bumili ng motor para madali na lang kita maihahatid at maisusundo."
Napitlag pa rin ako sa naging pahayag niya kahit nasabi pa lang niya ito noong Sabado.
"Sabay-sabay na rin tayo uuwi at di mo na kailangan magcommute araw-araw." dagdag pa niya.
"Oo na sinabi mo pa lang sa akin 'yan last Saturday."
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na rin ako sa hotel at nagmadali na ring bumababa at inilagak ang helmet sa kanya.
"Wala man lang ba thank you diyan?" pahabol pa niya kaya napalingon ako ulit.
Nagpasalamat na lang ako. Nginisian lang niya katulad na ginagawa sa akin sa tuwing mang-iinis Inirapan ko na lang siya bilang ganti saka siya tinalikuran at naglakad na lang papasok ng trabaho.
Marami kaming ginawa nitong umaga kaya hindi naming nagawang magchismisan ni Joanne at ngayong lunchbreak lang kami nagkausap ulit. Binahagi ko sa kanya yung friendly date namin ni Tristan noong Sabado at yung nangyaring panenermon sa akin ng lalaking 'yon.
Pagsapit ng ala-singko nagsilabasan na rin kami sa hotel at magka-iba na ring direksyon ang tinahak namin ni Joanne. Ako kasi nag-aabang na lang ng taxi dito kasi pagod na rin ako kung maglalakad pa papunta ng terminal ng jeep.
Maya-maya nanlaki na lang ang mata ko nang may tumigil na motor sa aking harap.
"Nakalimutan mo na ata na may magsusundo sayo ng isang napakagwapong nilalang na tulad ko." bungad niya sa akin na may pagyayabang habang ako naman inirapan lamang siya.
Walang anu-ano sumunod at umagkas sa kanya saka pinaandar ang motor nang mabilis.
Madalas na kaming nagkakasabay ni Tristan pumasok sa trabaho subalit may pagkakataon na tuwing uwian minsan lang kami nagkakasama dahil madalas siyang overtime sa trabaho dahil maraming dapat tapusin. Kaya ako nagcocomute na lang din, madalas nagta-taxi na lang ako kapag di kaya ng mga paa kong maglakad papunta sa terminal ng jeep.
Tumikhim siya kaya ako napalingon habang papasok na sana sa loob ng bahay, "May sasabihin sana ako eh......"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kaya napatigil ako. Walang ideya sa sasabihin niya sa akin pero
ang lakas ng kaba sa dibdib na nararamdaman ko.
"Carol............" dinig kong tawag sa akin ni lola dahilan upang mapailing ako na kung saan nagmula ang tinig nito.
"Sige Cef sa susunod ko na lang sasabihin sayo, tawag ka na kasi ni lola at baka magalit pa sa atin."
Napatango na lang ako bilang pagsunod dahil tutal ayaw ko ring naman mapakinggan pa ang sasabihin niya lalo pang kinakabahan talaga ako.
Nagpaalam na rin ako sa kanya at ganoon rin siya sabay ngumiti sa isa't isa.
Muli nanaman akong napabuntong-hininga pumasok sa loob ng bahay at tumungo sa kinaroroonan ni lola.
Sumunod na mga araw, naglalakad na sana ako papasok sa hotel nang lingunin ko si Tristan dahil sa pagtawag niya sa akin. May parti sa akin naiinis ako sa kanya na mukhang hirap na hirap siyang sabihin ang totoo kaya napasimangot akong tumingin sa kanya.
"Kita kitz ulit tayo."
Kaya mas lalo akong nairita sa kanya. Iyon lang pala sasabihin sa akin tinawag-tawag pa ako. Mga ilang sandali, napatango na lamang bilang tugon saka tumalikod na rin at naglakad na papasok sa hotel.
Sa tuwing papasok ako ng trabaho at sasabay kaming umuwi sa bahay parating nagiging ganito ang mga kinikilos niya na bigla kang tatawagin dahil may nakalimutan lang siyang sabihin na importante na kahit wala naman. Hindi ko maiwasan ang mainis sa kanya talaga at kung minsan nagpapadyak na akong parang bata sa pinagagawa niya. Pagdating naman sa bahay, dinadaan daan naman niya sa pagbibiro kahit may gusto siyang sabihin sa akin.
Gustung-gusto kong malaman ang nais niyang sabihin kahit inuunahan pa rin ako ng kaba.
Eh di kaya magko-confess na siya sa akin ng feelings niya at liligawan na rin ako sa matagal na panahon namin maging mag-bestfriend..
Minsan parang nawawala ako sa focus sa work kakaisip ng mga sasabihin niya at mabuti na lang sinasalo ako ni Joanne.
Thanks to her.
Papalabas na rin sana ako ng mall dahil bumili ako ng birthday gift para kay Tristan nang may biglang kumalabit sa akin na lalaki. Hindi ko ito pinansin at diretso lang ako sa paglalakad baka sakaling guni-guni ko lang 'yon kundi muli akong kinalabit ng lalaki at tinawag ako.
"Miss panyo niyo po." sabi nito kaya napalingon ako sa kanya at kinuha ang handkerchief ko saka nagpasalamat.
Tinititigan ko ang reaksyon niya na parang na-stutter siya sa kanyang kinatatayuan.
"Marinela......" malumanay niyang saad kasabay ng pagkunot aking ng noo sa sinabi niya.
"Sorry Sir, hindi po ako si Marinela." nakangising sagot ko at naglakad pa ang lalaki palapit sa akin at tila pinag-aaralan niya ang kabuuan ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Kamukha mo siya...." saad pa niya habang nanatili pa siyang nakatitig sa mukha ko.
Kamukha ko raw? Galing ko naman kung may kaloka-like talaga ako.
"Sino po ang tinutukoy niyo Sir?" tanong ko naman sa kanya.
"Ang girlfriend kong namatay, kamukhang-kamukha mo siya."
Sa sinabi niyang 'yon bigla akong nakaramdam ng awa at lalo pa n'ong makita ko ang mukha niya nababalutan ng lungkot na pinipilit niyang maging masaya. Kaya naman pala ganoon ang naging reaksyon niya pagkakita sa akin.
Hindi ko na kaya at tumalikod na lang ako, nagsimulang naglakad palayo sa lalaki. May gusto pa sana siyang sabihin kaso hindi ko na nilingon dahil ayaw ko na pakinggan pa ang sasabihin niya kasi mas lalo ko lang siya kaawaan kung ganun.
Pagkarating ko sa bahay, naikwento ko kaagad kay lola tungkol sa lalaking kumalabit sa akin kanina. Nagulat nga rin siya sa sinabi ko at di makapaniwala. Pagkatapos pinakita ko na rin kay lola ang regalo ko kay Tristan sa kaarawan niya bukas.
Labis-labis ang aking tuwa nang balutan ko ang regalo at isulat sa card ang isang napakagandang mensahe mula sa isang maganda niyang kaibigan na tulad ko.
KINABUKASAN. Wala masyadong visitors sa hotel ngayon kaya pa-easy easy lang muna kami ni Joanne rito. Abalang-abala kami sa usapan namin nang mapadako ang mata ko sa isang pamilyar na lalaki at nakangiti pa ito habang kausap si Sir Marlo. Ngayon ko lang din siya nakitang ngumiti ng ganyan hindi katulad kahapon na napakalungkot ng kanyang itsura.l Hindi maalis ang titig ko sa lalaki at iyong napagkamalan pa akong girlfriend niya.
"Joanne siya yung sinasabi ko sayong lalaking kumalabit sa akin kahapon sa mall." sabi ko sa kanya habang nasa kanila pa rin ang tingin ko.
Bigla na lang ako binatukan ni Joanne sa di alam na dahilan. Napadaing na lang ako sa pagkakabatok niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos.
Ano problema ng isang 'to bakit bigla na lang. Hays!
"Syonga ka. Iyong lalaking tinutukoy mo siya ang may-ari lang naman ng hotel na ito."
Nanlaki na lamang aking mata sa aking narinig. OMO he is the real owner of this hotel na pinagtatatrabuhan ko for two years. Bakit ngayon ko lang siya nakita rito?
"Sorry, hindi ko alam." sagot ko na lang at nagulat na rin ulit ako nang maglakad ang lalaki papalapit sa aming pwesto.
Una niyang tinitigan si Joanne at sa akin naman.
"I can't believe that you're one of my employees here. I thought that we were destined to cross our path." nakangiting sabi nito habang nangungusap ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
Napalunok ako sa gawi niyang 'yon at napayuko.
"How many months or years do you work in this hotel?" tanong naman niya ulit habang nanatitili pa rin ang titig niya sa akin na tila binabasa nito ang nasa isip ko.
"Nag-two years na po ako last month Sir." saka ko na rin nilabanan ang titig niyang nakakdistract.
"Oh. Why didn't I notice you here?" muli nanaman niyang tanong.
"Nevermind with the question. I am just glad to see you here working so I invited you to have lunch with me on your breaktime. Ok lang ba sayo?"
"Sorry Sir but I am with my co-worker to join me." sabi ko habang nakayuko nang biglang sumabat itong si Joanne na bigla kong ikinagulat.
"Don't worry Sir ayos lang naman po sa akin." pinandilatan ko ng mata si Joanne sa ginawa niya.
Pero hindi siya nasindak sa masamang tingin ko sa kanya, "Mayroon naman akong kasamang iba mamaya Sir Leander kaya ayos lang sa akin na imbitahin mo siya." sabay tingin niya ulit sa akin.
"Thank you, Joanne." nakangiting tugon nito. "I will wait for you at Max Restaurant on 12:00 noon, Miss Caroline." baling naman niya sa akin saka na naglakad palayo sa kinaroroonan namin.
Maya-maya napatitig ako sa kasama ko na kasing pula na ng kamatis ang mukha. Aba kinilig naman ang isa ito.
"Hoy, bakit mo ginawa 'yon ah?" reklamo ko sa kanya.
"Alam mo ang kj mo talaga noh. May lumalapit na nga sayong lalaki at niyaya ka pang kumain sa labas nagawa mo pang tumanggi." giit niya sa akin kaya muli ko siyang binalingan ng masamang tingin.
"Oo kasi hindi naman ako tulad mo noh." nakangiwi kong tugon sa kanya at di ko na pinansin pa.
Naiinis kasi ako sa ginawa niya. Pinangunahan niya yung desisyon ko na hindi dapat makikipagkita kay Sir Leander.
Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, hudyat na lunch break na nga namin. Kaya sabay-sabay na ring nagsilabasan ang ibang empleyado ng hotel.
Nagkaiba kaming direksyon na pinuntahan ni Joanne dahil kasama niya yung mga staff ng hotel habang ako naman na seryosong binabaybay ang Max Restaurant na kung saan kami magkikita ulit at kakain ng lunch ni Sir Leander.
Pagpasok ko sa lugar kaagad ko siyang nadatnan na kumakaway sa akin para madali kong mahanap ang pwesto namin. Biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha buhat kahapon na dating malungkot ngayon naging masayahin na siya at friendly.
Siguro ganyan siya nung magkasama pa sila ng girlfriend niyang namatay. Pero mas gusto kong nakangiti siya para kasing napakagaan kausap kapag ganito.
Inalalayan niya ako sa pag-upo pagkalapit ko pa lang sa kanyang pwesto. Hindi ko rin inaasahan na ganito rin siya ka-gentleman na hindi na kadalasan makikita sa mga kalalakihan ngayon.
"Salamat." maikli kong sabi saka ako ngumiti sa kanya.
Nahahawa tuloy ako sa pagiging cheerful niya.
"Walang anuman, Miss Caroline." magiliw niyang sabi pagkatapos itinuro na niya sa akin ang mga pagkain sa harap. Ibig sabihin kumain na raw kami. Kaya sumunod na rin ako at sumubo na ng kanin kasabay ng ulam.
"Ano nga pala ang buo mong pangalan? Can you tell me a short introduction about yourself?" sabi niya sumunod ng pag-inom ng pineapple juice katulad rin sa akin.
Linunok ko muna ang pagkain sa bibig at uminom ng pampatulak bago nagsalita. "I am Caroline Faith Quililan residing at Project 7, Bagong Silangan, Quezon City."
"Alright. You have a pretty name uh." sabi niya.
Tumango lang rin ako bilang tugon saka muling sumubo ng pagkain.
"Can I call you Faith instead para ako lang tatawag sayo niyan?"
Muntik naman akong mabulunan sa tanong niya kaya kaagad akong umiinom ng juice.
"Is there anything wrong, Faith?" nakangising saad niya sa akin kaya napakunot naman ako noo sa reaksyon niya.
"Hindi lang po kasi ako sanay tawagin sa second name." naiilang ko paliwanag sa kanya.
"Dapat masanay ka na dahil simula ngayon iyan na ang itatawag ko sayo." habang nagkakalikot ng kutsara sa kanyang plato.
Muli siyang tumititig sa akin pagkatapos magsubo ng pagkain kaya mabilis akong umiwas at napatitig sa ibang mga kumakain dito.
"Anyway I would like to introduce myself so that you will know that a gentleman in front of you is the Vice President of Kingstone Furnitures Inc. Walang iba kundi ako, Leander King Rogero." sabay kindat niya sa akin.
Aba may pagkaganito rin pala lalaking 'to. Hindi halata sa kanya ah. Masyado kasing formal kung magsalita at seryoso.
"Tama ang sinasabi ng isip mo, you can't believe that I have this kind of behavior."
Nagulat rin ako nang malaman niya nilalaman ng isip ko. Mind reader ba siya?
"Oo nga eh. Nakakapagtaka lang kasi very professional ang dating mo tapos bilang mag-act ka ng ganun."
"Maybe sa mga piling tao lang pero sa karamihan seryoso talaga ako at very formal. Ayaw kong nakikita ako ng ibang tao na ganito dahil iniiwasan kong na-manipulate ako just for their own sake and interest."
Sabagay may point naman siya kaya napatango-tango lang rin ako sa sinabi niya.
Mabuti na lang hindi na niya ako pinipilit pang magkwento sa buhay ko kasi sabi niya 'he respect my privacy'. Kaya siya na lang ang nagkwento tungkol sa kanyang buhay hanggang sa napunta sa lovelife niya.
Full of confidence siyang nagkukwento kahit napapansin ko sa parte niya na nalulungkot at nauulila pa rin siya sa kanyang girlfriend. Ako heto todo kinig lang at bigay ng advice sa mga naging kanyang experiences din na ikinatuwa naman niya at napangiti sa mga sinasabi ko.