Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Billionaires > Dusk Till Dawn _LY_s e r i e s
Dusk Till Dawn   _LY_s e r i e s

Dusk Till Dawn _LY_s e r i e s

Author: : judgementchainuser
Genre: Billionaires
"I can do anything for you honey" -Lorkan

Chapter 1 Fake

Fake

May kanyakanya tayong paraan para mabuhay.May kaniya kaniya tayong balak mangyari sa buhay.May kaniya kaniya tayong buhay.

Okay lang kung wala kang pangarap.Ang mahalaga masaya ka.Wag mong iisipin ang sinasabi ng iba.

Maraming mapanghusga sa mundo, kailangan mo lang Na mawalan ng pakealam.They will judge you anyway so whatever.

"Sadiah Gutierrez,14.My dream is to be a stealer."

Nakatayo sa aking harapan ang babaeng naka itim Na pantalon,denim jacket at may sakbit na bag.

"14 ka lang?bakit ang tangkad mo?"

I asked her out of curiosity.Apat Na taon Ang agwat namin sa isat Isa ngunit halos mag kasing tangkad lang kami.

Tumayo ako at pinag krus ang braso.Inikutan ko siya habang nanatili siyang naka Tayo at naka hawak sa Isang strap ng bag niya.

"Volleyball player ka no?"

Tanong ko Pero umiling lang sya.Tumango tango ako bago bumalik sa Pag kaka upo.

Ipinatong ko sa lamesa Ang paa ko.

"Bakit dito ka nag apply?bakit sa kumpanya ko gusto mo?"

Nag kibit balikat siya.

"Dito ako dinala ng mga paa ko"

"Kapag tinanggap Kita sa kumpanya ko,tanggap ka na din sa Risen Organization.How about seven codes?"

"Alam ko na iyon,nag research ako tungkol duon"

Napangiti ako dahil sa isinagot niya.Ang galing niyang sumagot,nakakamangha.Kalmado lang siya at hindi kinakabahan.

"Alright"

Bumukas ang pinto kaya Napa tingin ako duon.Iniluwa nito Ang tatlong lalaki na kulay dilaw,berde at pula ang kulay ng buhok.

"Sumama ka Kay Lorena,bibigyan ka niya ng id"

Sambit ko.Tumayo si Lorena Mula sa Pag kaka upo sa sofa dahil nanonood siya ng tv kanina.Nauna siyang maglakad palabas at kasunod niya si Sadiah.

"Bossing"

Masiglang bati ni Nick bago sila naupo sa sofa.

Umirap ako at tumikhim.Anong nangyari sa buhok nila?kahapon ay itim pa Ang kulay ng mga ito tapos ngayon ay nag iba Na.Feeling k pop.

"Anong pautot Na naman to, traffic lights ba kayo?"

Naka mungot Kong tanong sa mga ito.Nakaka banas silang tingnan.Napa kamot si Nick sa ulo niya.

"Ano ka ba Devie,Ang ganda nga ng buhok namin e.Ang angas,lalo akong gumwapo"

Naka ngising Sabi ni Kyton bago sumandal sa sofa.Napa ngiwi nalang ako at inintindi Ang sakit niya sa utak.

Tumingin ako sa patas ng folder Na nasa lamesa ko.Kumuha ako dito ng Isa at binuklat iyon.

Binasa ko Ang buong article para sa gaganapin na party bukas sa Kiero Hall.

"Lipat mo sa soccer"

We will let you all see the international ruby at Kiero Hall,7pm in the afternoon.After a long wait, finally y'all will see our lovely ruby.Prepare your moneys.

,Only invited can come.

Ayun Ang naka saad Sa article.Hindi ko na binasa Yung iba dahil masyadong mahaba.

Ibinaba ko sa lamesa Ang folder.

"Anak nang-"

Napalingon ako sa tatlong naka upo sa sofa habang tutok Na tutok sa tv.May hawak si Axel na papel at ballpen habang si Nick naman ay hawak Ang cellphone niya.

"Reported yung link,men"

Napakamot sa ulo si Nick.

"Pa tatlong link Na yan,men.Kainis,Isa pa meron pako ditong nakopya-"

Padabog akong tumayo at umirap sa kanila.

"Follow me human traffic lights"

Sabi ko bago kinuha Ang cellphone at folder Na nag lalaman ng article.Nag lakad ako patungo sa labas.

"Human traffic lights daw men,grabe ka bossing"

Dinig Kong reklamo ni Nick habang naka sunod Na silang tatlo sa akin.Nagpatuloy ako sa Pag lalakad nang hindi sila nililingon.

"Familiar nga Yung kulay ng buhok natin,men.Muka ngang traffic lights"

"May point ka axel,Ang sagwa pala tingnan kapag mag kakatabi tayong tatlo no."

Pag kasabi ni Kyton nito ay umuna una siya nang lakad at pumantay sa Pag lalakad ko.

Nanahimik Na si Kyton habang Ang dalawa sa likuran ay patuloy parin Na nag uusap tungkol sa traffic lights.

Seriously?ngayon lang nila napansin na kulay ng traffic lights Ang ikinulay nila sa buhok nila.Kay axel dilaw,Kay Kyton pula,Kay nick berde.what's wrong with them?

Nang makarating Na kami sa tapat ng meeting room ay Isa Isa silang nag tapat ng id habang ako naman ay nag taas lang ng Isang kilay at Na detect Na ako dahilan upang bumukas ang pinto.

Nag tungo ako sa aking upuan at ganoon din Ang tatlo.

"Anong meron Devie?"

Tanong ni Axel.

"About international ruby"

Sabi ko bago inilabas ang cellphone ko at idinial ang number ni Lorena.Kaagad itong sumagot.

"Yung id ni Sadiah,tapos naba?"

"Oo,may i.d Na si Sadiah-"

"Alright, dumiretso kayo sa meeting room"

"Bakit?anong meron?"

"Tungkol sa international ruby"

Ibinaba ko Na Ang linya bago kinuha Ang folder at binuklat iyon.

"Tuloy pa yung Pag labas sa international ruby?akala ko hindi Na daw"

Sabi ni Axel.

"Akala ko nga matagal pa,sabi sa balita"

Kibit balikat ni Nick.

Itinukod ko Ang dalawa Kong siko sa table.

"Sinabi yon?"

Tanong ko Kay Nick at tumango naman ito.

"Kagabi lang"

Kagabi lang?bakit sila nag bibigay ng impormasyon Na hindi naman sigurado?nakakapag taka.

Hinintay namin na maka rating si Lorena kasama si Sadiah na dala padin Ang kaniyang bag.

Naupo silang magkatabi at parehong sumandal sa upuan.

"Ngayon Na ba ako mag sisimula?"

Tanong ni Sadiah.Tumango ako at tumikhim lang bago binasa sa kanila Ang nilalaman ng article.

"Bukas ba talaga?"

Kunot noo at hindi makapaniwalang tanong ni Nick.

"Oo nga,bakit ba Ang kulit mo"

Sita ni Lorena dito kaya inirapan siya ni Nick.

"So,are we going to get the ruby?"

Tanong ni Sadiah.Tumango ako bago dalawang beses Na itinuktok Ang ballpen sa lamesa.

"7 pm ang simula nang event,bago mag 7 dapat maisagawa Na Ang plano para makuha Ang ruby."

Pinag masdan ko sila at nang makitang tahimik silang nakikinig ay patuloy akong nag salita.

"May dadating Na invitation satin mamaya,mag pa duplicate nalang Ang Isa sa inyo para meron si Sadiah."

"Ako Na Ang mag papa duplicate"

Sabi ni Axel.

"Kyton,ikaw ang bahala sa lahat ng cctv,kailangan naka off lahat ng cctv bago mag simula Ang event.Lorena,ikaw sa ilaw,Nick ikaw Ang mag bubukas ng kahon Na salamin kung saan nakalagay Ang ruby.Sadiah at Axel kayong dalawa Na Ang bahalang kumuha ng ruby."

Tumayo ako at humalukipkip pagkatapos Kong sabihin kung saan sila naka atas.

"Ako nalang ang kukuha ng ruby,wag si Axel napaka bagal niyang gumalaw-"

"Shut up,men."

Putol ni Axel Kay Nick.

"Biglaan ang meeting Na ito,biglaan din Ang Pag paplano dahil biglaan Ang mangyayari.Kailangan nating mag madali."

Seryosong Sabi ko kaya tumahimik sila.

"Listen,Pag ka dating duon Kyton,i off mo kaagad ang cctv.Wag mong hayaan Na Makita ng nag momonitor Ang muka mo,kung kailangan talian sya at lagyan ng tape Ang bibig.Gawin mo."

"Yes,ms.Devie.Ayos to"

Ngising Sabi nito.

Nag lakad ako pabalik balik sa harapan habang sila ay naka tingin sa akin.

"Nick,pumunta ka sa secured room kung saan naka tago Ang ruby.If im not wrong may ilang bantay duon,Ikaw Na Ang bahala Na ma unlock yung kandado ng hindi nila nahahalata."

"Kukunin ko Na din Yung ruby,kaya ko naman Yun gawin Pag ka unlock"

"sumunod ka nalang sa plano"

Sabi ni Kyton

"At saka ano pang gagawin namin ni Sadiah kung ikaw Na din Ang kukuha ng ruby?"

"Enough.Humanda kayo ni Sadiah dahil I eexpose sa open hall Ang ruby.Abangan nyo Na agad tapos kunin nyo Pag namatay lahat ng ilaw.Ikaw Lorena-"

Natigil ako sa Pag sasalita nang makitang naka sandal si Lorena sa upuan at naka halukipkip habang natutulog.

"Lorena"

Nag babantang Sabi ko dito Pero hindi niya iminulat Ang kaniyang mga mata.

"Gising"

Kinulbit ni Sadiah si Lorena at saka palang ito gumising.

"Bakit?"

Inosenteng tanong nito sa kawalan.

"Anong bakit?umuwi ka nalang kung tulog pa Ang diwa mo"

Inis Kong Sabi dito.Tumawa si Axel

"Buang"

Nag apir sila ni Nick.Si Kyton naman ay natatawang ginulo Ang buhok ni Lorena.

"Bwisit,manahimik kayo"

Sita ni Lorena bago humikab.

Kababaeng tao napaka antukin.

"Kapag nai labas Na Ang ruby at napakita Na sa lahat,patayin mo lahat ng ilaw.Then,gumalaw Na kayo Sadiah at Axel"

"Ah,okay Yun lang pala"

Bulong ni Lorena bago muling humikab.iiling iling Kong dinampot Ang bag ko at lumabas Na nang kwarto.Bago ako umalis ay narinig ko silang nag uusap usap tungkol sa event.

Nang mag ring Ang cellphone ko ay sinagot ko ito habang nag lalakad ako pabalik sa opisina.Lahat ng mga empleyadong nadadaanan ko ay binabati ako kaya tinanguan ko nalang sila.

"Ms.Larzon.Five invitation arrived"

Sabi ng kausap ko sa linya.

"Bring it to my office"

Natapos Ang araw Na iyon at lahat kami ay nag handa para sa gaganapin kinabukasan.Habang nag mamaneho ako ay hindi ko maiwasan isipin kung bakit nagbago Ang desisyon ng holder ng ruby.

Nakarating ako sa bahay at sa kwarto ko kaagad ako dumiretso.Nag palit ako nang damit ko pantulog bago naglakad muli patungong walk in closet.

Humanap ako ng dress Na isusuot ko bukas.Dala ko Ang kulay asul at kulay pula Na dress patungo sa tapat ng malaking salamin.

Tiningnan ko kung anong mas bagay sa akin.Ang paborito Kong kulay ay asul Pero mas bagay sa akin Ang kulay pula kaya ibinalik ko Ang asul Na dress.

Pinag masdan ko Ang pulang kumikinang Na dress at napangiti nalang ako dahil Ang ganda nito.

Ipinatong ko ito sa queen size bed nang marinig Kong tumunog Ang cellphone ko.Tumikhim ako at iimik pa lang nang boses kaagad ng aking ina Ang narinig ko.

"Devie,bukas Ang uwi ng kuya mo.Sumama ka sakin sa pag sundo sa kaniya sa airport"

"May gagawin ako bukas ina"

Sabi ko bago naupo sa kama.Narinig ko Ang Pag buntong hininga niya.

"Bukas Na Ang event,siguro naman ay wala Kang gagawing kung ano Devie"

Malamig niyang Sabi Na ikinatahimik ko ng ilang segundo.

"Sasama ka sakin bukas sa airport-"

"Aattend ako sa event ina"

Mabilis Kong Sabi bago siya binabaan ng linya.Paulit ulit Na tumunog Ang cellphone ko Pero hindi ko Na ito sinagot.

Pakiramdam ko Alam niyang may binabalak ako para bukas.Nako naman...

Kinabukasan,Pag tingin ko sa cellphone ko ay nakita ko kung gaano kadaming missed call Ang naririro.Lahat nang iyon ay Mula Kay ina.

"Paki cancell lahat ng meeting ngayong araw"

Sabi ko sa secretary ko Pag ka rating ko ng opisina.Tumango naman ito.

Inilagay ko Ang salamin ko sa aking ulo bago sumandal sa aking swivel chair at nag paikot ikot duon habang ichinecheck Ang twitter ko.Trending Ang event Na magaganap mamaya.Excited talaga sila,nako naman.

Maya Maya pa ay dumating Na si Sadiah Na may sakbit Na bag.Dumiretso siya sa single Na sofa at duon naupo.

"Good morning"

Bati nito bago inilagay sa kandungan niya Ang bag at may kinuha Mula sa loob nito.

"Nakapag pa duplicate Na ba ng invitation?"

Tanong ko habang naka tingin sa kaniya.Inilabas niya Ang Isang balot ng gummy candies.Binuksan niya iyon at inutay utay kainin.

"Sabi ni Axel nasa kaniya Na daw,mamaya nalang daw ibibigay sakin"

Sabi nito.Hindi Na ako umimik at ganun din siya.Ibinalik ko Ang atensyon ko sa aking cellphone.Nag tungo ako sa Facebook,pagkabukas Na pagkabukas ko palang ay post ng isang grupo Na parte ng organisasyon Ang bumungad sa akin.

Naka lagay duon sa picture ay Ang ilang collection ng mga mamahaling bagay Na nanakaw nila.

"Sus"

Mahinang Sabi ko bago nag scroll.Puro walang kwenta naman Ang nakukuha nila.Sa ibang bansa sila nag nanakaw dahil nauunahan namin sila kapag dito.Wala nang mas gagaling pa sa grupo ko.

"Wassup everyone"

Napatunghay ako ng biglang bumukas Ang pinto at pumasok Ang human traffic lights.Tumikhim ako,napaka hyper talaga nila.Umiling iling ako.

"Good morning bossing"

Bati ni nick bago naupo malapit Kay Sadiah.

"Penge"

Hindi pa tumatango si Sadiah ay dumukot Na ito ng candy.

"May isusuot Na ba kayo mamaya?"

Tanong ko bago inilapag sa lamesa Ang cellphone ko.Nahiga si Kyton sa mahabang sofa bago binuhay Ang tv.Muka Na talagang bahay Ang opisina ko dahil sa mga mokong Na ito.

"Syempre naman,may partner partner ba don?ako partner mo mamaya Devie"

Sabi ni Kyton.

Tumawa si Axel na naka Tayo at naka harap sa salamin Na naka dikit sa pader.

"Sira,walang partner dun.Partner partner ka Diyan"

Sabi nito habang inaayos Ang kaniyang buhok.

"Naka handa Na Yung susuotin ko,nasa vacant room sa taas"

Tinutukoy ni Nick ay yung Isa sa tatlong vacant room sa pinaka huling ng building Na ipinasadya ko para sa ibang mga empleyado ko.May kama duon, bathroom at kung ano ano pang makikita sa hotel.

Ginamit iyon nina Nick para tulugan kapag ayaw nilang umuwi sa bahay nila o kaya kapag nag oover time sila.

Sumapit Ang 5:30 ng hapon.Bumalik ako sa bahay ko para mag handa na.

"Keena,pakitawag si corb sabihin mo mag ayos, aattend ako sa event"

Sabi ko sa kasambahay ko.

"Hahanapin ko sa labas"

Tukoy nito sa aking driver.

Naligo Na ako at nag bihis.Nag make up ako ngunit hindi ganuon kakapal dahil mabilis mabanasan Ang muka ko.

Kumuha ako ng kwintas sa Cabinet ko at isinuot iyon.

Naupo ako sa kama bago hinagilap Ang heels na katerno ng suot ko.

Nang matapos Na akong mag ayos ay lumabas Na ako ng kwarto ko at nag lakad pababa ng hagdan.

Nang makita ako ni corb ay nag tungo Na siya sa sasakyan.

"Devie kumain ka muna"

"Hindi na,hindi naman ako gutom"

Sabi ko Kay keena.

Dumiretso ako sa sasakyan.Pinag buksan ako ni Corb.Van Ang aming sasakyan dahil mas maluwag duon.

"Ms.Devie diretso na ba Tayo sa event?"

Tanong nito.Umiling ako at inilabas Ang aking cellphone.May mga missed call ulit si Ina pero hindi ko Na ito pinansin.

"Dumaan Tayo sa opisina"

Idinial ko Ang number ni Kyton,ilang segundo din itong nag ring bago niya sagutin.

"Ms.Devie,sup?"

Pabuga niyang Sabi.

"Anong sup sup?pumunta kayo sa tapat ng building,duon ko kayo susunduin"

"Alright, alright"

Ilang minuto Ang nakalipas at nakarating Na kami sa tapat ng building.Huminto Ang sasakyan sa tapat nina Nick.

Lahat sila ay naka ayos Na maging si Sadiah,nangunot Ang noo ko nang napansin Na wala si Lorena.

"Woohoo, excited nako"

Sabi ni Axel nang maka sakay Na sila sa loob ng van.

"Where's Lorena?"

Tanong ko.Nag katinginan sila.Inis Kong idinial Ang number ni Lorena.

Kung saan saan lupalop na nang mundo napunta Ang babaeng iyon.

"Sabi kanina on the way Na daw siya e,tinawagan ko"

Rinig Kong Sabi ni Nick.

"Ang ganda ng suot mo Devie,Ang ganda mo"

Hindi ko Na pinansin si Kyton.

"Hmm,Lorena Banda of...oceanasonian company,whos this?"

Antok pa Ang boses niya at mukang naka pikit siya habang sinasabi iyon.Anak nang,wag nyang sabihing natutulog siya.Jusko Lorena!

"Lorena, bumangon ka Na"

Nag titimping Sabi ko.Sa lahat nang ginagawa namin,si Lorena at Axel Ang pinaka malaking problema.Si Axel ay mabagal kumilos,si Lorena naman ay napaka antukin.

"D-devie?ms.Devie,im on the way-"

"Lorena,Isa malilintikan ka Na talaga sakin kapag nahuli Tayo sa event!"

"Eto Na,eto Na maliligo na-"

"Anak nang,bakit ba naman natulog ka pa?"

"Nasa vacant room lang naman ako,wala ako sa bahay.Maliligo nako"

Binabaan niya ako ng linya kaya Napa buga ako ng hangin dahil sa inis.

"Ano bang meron diyan Kay Lorena?napaka antukin!"

Singhal ko.

"Dika Na nasanay"

Halakhak ni Axel.

Nang sumulyap ako sa rear mirror ay nakita ko si Sadiah Na tahimik Na kumakain ng gummy candies.Ngayon ko lang din napansin Na nasa tabi niya Ang bag niyang kulay itim.

Ilang minuto kaming nag hintay at muntik nang maubos Ang pasensya ko dahil sa Pag ka inip.

"Lorena Lorena"

Paulit ulit kong sabi habang hinahaplos Ang buhok ko.Maha Haggard ata ako sa Isang yon.

"Ayan na si Lorena"

Sabi ni Sadiah.bumukas Ang pinto ng sasakyan sa tabi niya at kaagad Na sumakay duon si Lorena.Humikab sya bago inayos Ang kaniyang buhok.

"Gusto mo bang habang buhay Na matulog?"

Tawa ni Nick.Hindi siya pinansin ni Lorena.

Im so done with them.

"Let's go"

Sabi ko.

Maingay Ang human traffic lights habang on the way kami.Puro kabastusan Ang pinag uusapan nila,mag paparamihan ata ng babae ngayong Gabi.

"Andito Na Tayo"

Sabi ni Sadiah.

"Alam namin"

Tawa ni Nick.Naunang bumaba si Kyton para Pag buksan ako ng pinto.Nag lahad siya ng kamay at tinanggap ko nalang iyon.Nang mapasulyap ako sa loob ng sasakyan ay nakita ko si Lorena Na nakasandal sa upuan at mahimbing Ang tulog.

"Anak nang-"

Napatingin sa akin si Sadiah Na nasa tabi ko.Tumingin siya Kay Lorena.

"Tulog si Lorena"

Sabi nito.Kinunotan ko siya ng noo.

"Oo, Sadiah.Alam ko,Yan nga o Kita ko diba"

Sabi ko dahil sa inis.

"Lorena,gigising kaba o Isang araw kitang hindi patutulugin"

Kaagad niyang idinilat Ang mga mata niya at lumabas ng sasakyan.Umirap ako sa kaniya.

Nag lakad Na kami patungo sa open hall,may dalawang guard Ang naka bantay upang kumuha ng invitation.Iniabot ko dito Ang sa akin bago ako nag dire diretso papasok.

Sumalubong kaagad sa amin Ang media at paparazzi.

Ngumiti ako para maganda Ang kuha ng mga picture.

Naririnig Kong pinupuna at pinupuri nila ako ganun din Ang mga kasama ko ngunit nag dire diretso Na kami.

Naupo kami sa may parteng dulo.May bilog Na lamesa sa gitna namin Na nag lalaman ng mga inuming alak.

Marami Na din Ang tao pero napansin Kong wala manlang mga pulis o sundalo sa paligid.

Napaka laki ng halaga at napaka importante ng international ruby.Kaya sigurado akong dapat mahigpit Ang seguridad.Hindi talaga sila nag handa.

"Kita mo yon,Legaspi Ata yon?maikakama ko Yan ngayong Gabi"

Dinig Kong Sabi ni Nick habang naka tingin sila ni Axel sa babaeng naka ladlad Ang hita.

"Ayun,dyan kayo magaling.Dapat sa inyo pinuputulan ng alaga e"

Sarkastikong Sabi ko.Tumawa lang Ang dalawa at pinagkatuwaan Ang sinabi ko.

"Putulan daw,men?"

Dinig Kong bulong ni Axel.

"Ayusin nyo Yung Pag kaka suot ng earpods"

Sabi ko.Earpods lagi Ang ginagamit namin para hindi mag duda Ang iba kung bakit may naka lagay sa Tenga namin.

Tiningnan ko kung anong oras Na.Nilingon ko si Kyton Na naabutan Kong naka tingin din sakin.Tinanguan ko siya at agad naman niya akong naintindihan.Tumayo siya at kumilos na ganun din si Nick.

"Exciting to"

Sabi ni Axel habang naka ngisi.

Kumuha ako ng baso ng alak at nilagok iyon.Dapat seryosohin to, gusto Kong makuha Ang International ruby at Ang grupo Na namin Ang mangunguna sa risen Organization.Sa ngayon ay nasa ika apat Ang pwesto ng grupo ko.

Mayamaya pa ay may nagtungo sa unahan Na lalaki.Marahil ay emcee.

"So, Good afternoon everyone!"

Maligayang bati nito.Sumandal ako sa upuan at tiningnan si Lorena ngunit wala Na ito sa tabi ko.

"Where are you Lorena?"

Mahina Kong tanong.

"Naka posisyon nako,ta timing an ko nalang kung kelan ko ibababa Ang power ng kuryente."

Itinaklob ko sa earpods Ang buhok ko upang matakpan ito at hindi mapansin ng iba.

"Good-"

"Teka iihi lang ako-"

"Ano?wag ka nang umalis dyan"

Sabi ko Pero hindi Na ito tumugon.Napahampas nalang ako ng mahina sa lamesa.

"How is it going Kyton?"

Tanong ko.Nag sasalita Na Ang emcee sa harapan at pumapalakpak naman Ang mga tao.Iginala ko Ang mata ko at wAla nga talaga akong nakitang security.

"Done,pabalik nako dyan."

Sabi nito.Tumingin ako Kay Axel at Sadiah Na ngumunguya ng gummy candies.

"Babantay Na kami?"

Tanong ni Axel.Umiling ako.

"Hintayin muna natin Na bumalik si Kyton at Nick"

Baka may magtaka kung bakit ako nalang mag-isa Ang nasa table.

"First time mo bang gagawin to?"

Tanong ko Kay Sadiah.She shook her head.

"No, I steal a lot of things.Pero ngayon palang itong pinaka mahalagang bagay,but my moves are clean so don't worry ms.Devie"

Kalmadong Sabi nito.Tumango nalang ako.

"Let's see"

Sabi ko.

"Ang tagal nyo Kyton at nick"

Sabi ni Axel.

"Teka eto na ko"

Naupo si Kyton sa tabi ko nang makarating Na siya.Nag apir sila ni Axel.

"Ngayon palang kikilos si Nick,naka tago siya kanina habang ini o off ko lahat ng cctv.Wala naman bantay"

"Walang nag momonitor??"

Tanong ni Axel.Tumango si Kyton.

Bakit pakiramdam ko may Mali.

"Ano men tigok kana ba?"

Kinakausap ni Axel si Nick Pero hindi naman umiimik si nick.Marahil ay isinasagawa niya Na Ang plano.

Nagulat ako ng makabalik Na kaagad si nick.Pasimpleng tumayo si Axel upang mag abang at ganuon Na din si Sadiah.

"Basic"

Sabi ni nic.

"At ngayon din mismo,makikita ng inyong mga mata ang pinaka iingatang ruby."

May Isang lalaking nag tutulak ng lamesa Na may gulong kung saan nakapatong Ang pa box Na may taklob Na tela.

Iyon Na Ang ruby.

"Lorena nasan kana?"

Tanong ko ngunit walang sumagot.

"Lorena"

Ulit ko sa pangalan nito.

"Lorena iimik ka ba o ito Na Ang huling araw mo bilang miyembro ng oceanasonian company"

"H-hmmm"

Nanlaki Ang mata ko.Oh god! natutulog nanaman siya!

"Oh,naka idlip pala ako dito sa banyo-"

"Humanda ka, malilintikan ka sakin kapag hindi ka umayos"

"Lorena mag sisimula Na"

Natatawang Sabi ni Kyton.

"Ewan ko sayo lorena"

Tawa ni Nick.

"Umiinom kaba lagi ng sleeping pills?"

Biro pa nito.

"Eto na nga"

Sabi ni Lorena.

"In a count of three"

Sabi ng emcee habang hawak Ang dulo ng tela.

"In a count of 5"

Sabi ko.

"1"

"1"

Ulit ko.

"2"

"3!"

Tinanggal Na Ang tela at lahat sila ay pumapalakpak at nag sigawan sa tuwa ng Makita Ang ruby.

Ibat ibang komento Ang sinabi nila.Ang iba ay tumayo Na upang mas makit Ang International ruby.

Nakakasilaw Na flash Mula sa paparazzi Ang dumating.

"4"

Patuloy Kong bilang.

"5"

Mariin Kong Sabi para sa Pinal sa bilang.Kaagad Na namatay Ang ilaw at nag sigawan Ang mga tao.Pumikit ako dahil nakakabingi Ang sigaw nila lalo Na Ang tili ng mga babae.

"Ayan Na..."

Naeexcite na bulong ni Nick.

"Wait? what's happening,calm down everyone"

Matapos Ang ilang segundo ay nabuhay Na ulit Ang ilaw at wAla Na sa babasaging kahon Ang ruby.

"Oh my god!"

Nagulat Ang mga tao gayun din Ang emcee.

Napa ngisi ako.

"Nawawala Ang ruby"

Naka ilang ulit Kong narinig Ang salitang iyon hanggang sa pinaupo muna ng emcee Ang lahat.

"This is very important thing,hindi po makaka labas Ang lahat nang hindi nakakapkapan"

Sabi nito.Nag simulang Isa isahin ng mga security guard Ang mga bisita.Nakapkapan Na nila lahat ngunit wala naman silang nakita.

"Nasa van Na kami"

Sabi ni Axel.Naka hinga ako ng maluwag.

"Kung sino man Ang kumuha ng ruby,nakikiusap po kami Na pakibalik Na ninyo."

Umismid ako.

Sinong mag nanakaw Ang aamin Na nag nakaw siya?

Kalaunan ay Pinayagan Na din Na lumabas Ang lahat.Walang dumating na imbestigador kaya mas lalo akong nag taka.

Nang maka rating Na kami sa sasakyan ay kaagad Na iniabot sa akin Ang ruby.

"Drive Corb,Sa bahay ko"

Sabi ko habang hawak Ang ruby at pinag mamasdan.Hindi ako makapag salita.Wala akong masabi.

"Pansin nyo ba kanina,kulang Na kulang sila sa seguridad?"

Tanong ni Axel.Lahat sila ay nag agree maliban sa akin Na nanatiling tahimik at iniisip kung ano Ang Mali.

"Sa bahay kayo matulog,mag papakain ako"

Sabi ko nalamang.

"Yan,yown naman si bossing"

Sabi ni Nick.

Gaya nang kanina ay maingay sila sa sasakyan lalong lalo na Ang human traffic lights.Nang makarating Na kami sa bahay ay nauna Na akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

Bitbit ko Ang ruby at nag tungo ako sa may kitchen.Sumunod sa akin si Kyton habang Ang iba ay nasa sofa at binubuhay Ang tv.

"Anong gagawin mo Devie?"

Tanong ni Kyton.Kumuha ako ng kutsilyo kaya nangunot Ang noo niya.

"Ms.Devie,hindi ba natin Yan ididiretso sa secured room?"

Hindi ko siya pinansin.Hindi ko Alam kung Tama ba Ang hinala ko Na peke Ang ruby necklace Na ginto Ang chain.

Nakakapag taka Ang mga nangyari kanina.Bakit emcee Ang nag expose ng ruby hindi Ang holder nito,ni hindi ko manlang nakita Ang holder nito.

Sinubukan Kong kutsilyuhin Ang gintong parte at laking gulat ko ng natuklap ito.

Nabitawan ko Ang ruby at Ang kutsilyo.

"IT'S FAKE!" malakas Kong sigaw.

Chapter 2 Invitation

Invitation

Kaya pala walang seguridad.Kaya pala walang kahirap hirap Na napunta sa kamay ko Ang ruby dahil hindi ito Ang totoong ruby.

Nagtungo kaming lahat sa underground place kung saan nanduon Ang collection ng mga nanakaw namin.

"Pinag planuhan nila Ang nangyari"

Sabi ko habang nasa loob palang kami ng sasakyan.I can't believe this!sino Ang mag lalakas loob Na Pag laruan kami!

"Bwisit!"

Bulalas ko.Tahimik ang ka grupo ko habang nag lalakad kami sa papasok sa underground arena.Ako lang itong Panay Ang mura dahil sa inis.

Itinapat namin isa isa ang aming thief card upang bumukas ang mga pinto Na pinapasukan namin hanggang sa nakarating Na kami sa aking opisina.Ihinagis ko sa sofa Ang bag ko ngunit sumala iyon kaya mas lalo akong nainis.

"Sala ang hagis mo ms.Devie"

Nilimot Na kaagad iyon ni Kyton bago pa ako maka sigaw ng 'bwisit'

Tiningnan ko nang masama si Sadiah bago inirapan.

"Oo alam ko,Kita ko.May mata ako diba?"

Sarkastikong Sabi ko bago naupo sa aking swivel chair.

Napansin ko Kay Sadiah Na sinasabi niya Yung mga bagay Na obvious na.Kahit na alam niyang nakita ko Ang nangyari sa Isang bagay ay sasabihin parin niya iyon.Akala ko pa naman siya Ang pinaka matino sa kanilang lima.

Ipinatong niya iyon sa lamesa ko.

"Kumalma ka naman bossing"

Nag aalangan Na Sabi ni Nick.Inirapan ko siya.

"Naisahan Tayo Nick,may eng eng kaba?pano ako kakalma??"

"Grabe,Wala akong eng eng ha!"

Sabi nito Pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Sa tingin ko alam nilang mang yayari to,na may kukuha ng ruby"

Humihikab Na Sabi ni Lorena.

"Tingin ko din"

Sang ayon ni Axel.

"Una palang pansin ko na,Biglaan nag bago ang date kung kailan gaganapin Ang event.Kulang sa security..kulang Na kulang"

Sabi pa nito.

"Akin Na"

Ini hagis ni Kyton sa akin Ang Ruby at tumama iyon sa muka ko.

"ANO BA!"

Galit kong sigaw.

"Sorry..kala ko Kasi sasaluhin mo"

"Muka bang may balak akong makipag laro ng saluhan?bwisit!"

Kinuha ko ang ruby.Sa inis ay ihinagis ko iyon sa pader.Nabasag kaagad ang ruby kaya mas lalo akong nainis.

"Kung ganon nasaan ang tunay?"

Tanong ni Kyton.

"Hindi ko alam,hindi natin alam"

Hindi ako makatulog ng ayos ng Gabing iyon kaya bumaba ako ng kwarto ko at kumuha ng alak sa ref.Sobrang tahimik ng bahay dahil tatlo lang naman kami dito.

Bumuntong hininga ako at naupo bago tiningnan sa cellphone kung anong oras Na.

Alas dose na Pero hindi padin ako dinadalaw ng antok.Nilagok ko ang alak Na nasa baso.

Siguro pinagtatawanan na kami ng holder ng ruby dahil peke Ang nakuha namin.

Bumuga ako ng hangin.

Ano bang binabalak nila at ginawa nila iyon?

Napatingin ako sa lamesa kung saan naka Patong Ang cellphone ko ng mag ring ito.Lumabas sa screen Ang pangalan ni Ina Pero hindi ko ito sinagot.Siguradong papagalitan niya lang ako.

Wag muna ngayon.

Muling tumunog Ang cellphone ko at nanlaki ang mata ko ng Makita Ang pangalan ni Kuya Jalen.Pinag isipan ko pa kung sasagutin ko ito Pero sa huli ay pinatayan ko din ito.

Ngayon daw Ang uwi nya kaya siguradong nasa bahay Na sya ngayon.Bakit gising pa sila ni Ina?

Mag damag akong uminom hanggang sa makatulog Na ako sa lamesa.Nagising nalang ako ng makarinig ako ng ingay.

Hindi ko pa sana imumulat Ang mata ko dahil naramdaman ko Ang pagsakit ng ulo ko.

"Bakit sya nag lasing?"

"Hindi ko po alam ma'am Gevine"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Ina Na naka Tayo sa harap ko kausap si Keena.Naka Blazer ito at all white Ang suot.

Kaagad akong tumayo at tatakbo Na sana patungo sa kwarto ko ng biglang pumasok si Kuya Jalen.Pinunasan ko kaagad Ang bibig ko dahil Baka may laway pa ako bago ako tumakbo palapit sa kaniya.

"Kuya!"

Niyakap ko siya at ganun din siya sa akin kaya nabitawan nya Yung mga paper bag Na bitbit nya.

"What's up Little Devie"

Naka ngiting bati nito.Nang kumalas ako sa kaniya ay tiningnan ko Ang mga paper bag Na nasa sahig.

"Sakin ba Yan?"

Tanong ko.Ginulo niya Ang buhok ko.

"Ofcourse"

Kukunin ko Na sana Ang mga iyon ng biglang mag salita si Ina.

"Let's talk Devie"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.Ayan Na nga ba Ang sinasabi ko.Ano nang gagawin ko?sesermonan Na naman niya ako.

Ngumuso ako bago tumayo ng ayos at humarap sa kaniya.

"Ina.."

Kinamot ko Ang ulo ko.Nakaka takot siya, sobrang seryoso ng muka niya at parang Isang salita ko pa ay mag bubuga Na sya ng apoy.

"Ayusin mo muna Ang sarili mo"

Nang marinig ko iyon ay kaagad Kong nilimot Ang mga paper bag bago ako nag tatakbo paakyat sa kwarto ko.

Habang Na liligo ako ay iniisip ko kung anong idadahilan ko sa kaniya para hindi niya ako pagalitan.Sigurado akong hindi siya maniniwala kapag sinabi kong hindi ako Ang may pakana ng Pag kawala ng pekeng ruby.

Nako naman,bakit pa Kasi sya pumunta dito.

Tahimik Ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan.Naaninag ko kaagad sila ni Kuya Na naka upo sa sofa.Mas lalo akong kinabahan ng Makita si Kuya blue Na nakaupo sa kabilang sofa.Naka uniform pa ito ayon sa propesyon niya.

Kapag minamalas ka nga naman oh.What a life!

Nag tungo ako sa tabi ni Kuya Jalen at iniiwasan Na makatagpo Ang tingin ni kuya blue.

"Sana ol mabango"

Sabi ni Kuya Jalen,trying to enlighten up the mood Pero walang umimik.

Ilang segundong tahimik at nang nag angat ako ng tingin ay naabutan ko si Kuya blue Na nakatingin sa akin gamit Ang singkit niyang mata.

Naka tikom Ang bibig nito at wala pa atang balak Na mag salita.

"Hindi ko kinuha Ang ruby!"

"Devie"

Sabay kami ni Ina Na nag salita.Itinikom ko Ang bibig ko at hinayaan siya.

"Wag Na tayong mag lokohan dito Devie,alam nating lahat Na ikaw Ang kumuha ng Ruby.Nasayo Ang Ruby."

Alam kaagad?grabe ka naman sakin ina!manghuhula ba sya?Sabi Na at kahit anong gawin ko alam padin niya.Sinabi ko lang SA kaniya kahapon Na aattend ako,alam Na kaagad niyang may masamang mangyayari.

"Hindi ko kinuha Ang ruby- I mean kinuha ko Pero hindi ko kinuha-"

Tumigil ako dahil hindi ko maipaliwanag sa kanila ng maayos.

"Devie,ilang beses ko bang sasabihin sayo na masama Ang mag nakaw.Na masama Ang kumuha ng bagay Na hindi sa iyo-"

"Wala Na kayong magagawa,ito Ang trabaho ko Ina-"

"Kahit kailan,Hindi naging trabaho Ang Pag nanakaw.Kahit kanino ka pa mag tanong,hindi trabaho Ang Pag nanakaw"

Pag singit ni Kuya Blue kaya lihim akong napamura sa utak ko.

Bwisit,anong hindi trabaho Ang Pag nanakaw,kumikita din kaya ako ng pera dahil dito.Andami ko nang naipundar at nabili no.

"Babae ka,Bata ka palang malaki Na Ang pangarap namin sa iyo ng ama mo Pero bakit dito ka bumagsak?"

"Hay,ano ba ina bakit nyo ba ako pinag kakaisahan."

Inis Na Sabi ko.

"Makinig ka muna Kay Ina little Devie"

Bulong ni kuya Jalen.

"Hindi ka namin pinag kakaisahan.Kung Inaayos mo Ang buhay mo"

Naka kunot Na Sabi ni Kuya Jalen.Kinunotan ko din sya ng noo.

"Maayos Ang buhay ko no-"

"Maayos"

Singhal nito.Naka akbay Ang braso niya sa sofa habang naka de kwatro.

"Hindi porque police ka,mamaliitin mo Na ako"

Sabi ko.Natawa siya ngunit bakas Ang inis.Inis din ako no,hello?ikaw ba naman Ang pangaralan tungkol sa buhay mo,hindi ba nila alam yung mind your own business?

"Yun Na nga!police ako Devie.Humuhuli ako ng mga kriminal.Hindi ba Ang pangit tingnan Na police ako tapos criminal Ang kapatid ko-"

"Im not a criminal!"

"Devie wag kang sumigaw"

Hinawakan ni Ina Ang naka kuyom Kong kamay.

"I may be a stealer but not a criminal.Bakit?kayong mga police,bumabaril kayo diba?mas Malala nga Yung ginagawa nyo dahil buhay Ang ninanakaw nyo Pero bakit hindi nyo I Kino consider Na Criminal Ang sarili nyo-"

"Devie!"

Galit Na Sabi ni Ina.Binawi ko Ang kamay ko SA kaniya.Kainis.Hindi porque sya Ang panganay ay may karapatan syang Pag salitaan ako ng kung ano ano.

"You can't understand anything,kasama iyon sa propesyon ko.Ang gawin iyon kapag kinakailangan"

Galit Na Sabi nito.Niyakap ako ni Kuya Jalen .

"Kumalma muna kayong lahat."

Sabi nito.Tumayo si Kuya Blue at diretsong tumingin sa akin.

"Change for the better Devie,kapatid Kita kaya hanggang ngayon ay Malaya kapa Pero may hangganan lahat.Hindi kita pagbibigyan lagi"

"Hay,ano ba?"

"Ibalik mo Na sa kaniya Ang ruby Devie"

Sabi ni Ina.

"Ina,wala sakin.Peke Ang ruby Na nakuha namin"

"Anong peke?"

Tanong ni kuya Blue.Kumawala ako Kay kuya Jalen bago tumayo.

"Peke,fake,hindi totoo,hindi original-"

"Umayos ka Devie"

Nag titimping Sabi nito kaya napakamot nako sa ulo ko.Hindi ko Na sya maintindihan,ano bang ayos pa Ang gusto niya.Lahat nalang nang gawin ko ay Mali.Para SA kaniya lahat ng kilos ko ay Mali,may galas ba sya?sinagot ko lang Naman Ang tanong niya.

"Ano bang sinasabi mo Devie"

Pati si Ina ay tumayo Na din.Si kuya nalang Ang nakaupo at mukang gusto Na din tumayo.

"Nung kinayasan ko yung gold,natuklap kaagad.Peke,Ang ruby Na in expose nila.Peke Yung nakuha namin"

"Malilintikan ka sakin kapag nag sisinungaling ka Devie"

"Totoo Ang sinasabi ko kuya"

Mabilis Kong Sabi.

"Bakit pa nila kami pinahihirapang mag hanap kung nasa kanila pala Ang ruby?I need to ask them"

Sabi ni Kuya bago hinalikan sa noo si ina at ganuon din ako bago siya umalis.

"I should go now."

Tumingin siya sa akin.

"Change for the better Devie,hindi ako mapapagod Na sabihin Yan sayo araw araw."

Sabi nito bago tuluyang umalis.

At hindi din ako mapapagod na suwayin siya araw araw.Kakaiba ka talaga kuya,minsan masarap ka nang sapakin.

"Devie,Mali Yung sinabi mo kanina sa kuya mo"

Baling sa akin ni ina.Bumalik ako sa Pag kaka upo sa tabi ni Kuya Jalen.

"Alam ko yon,nainis lang ako kanina"

Mahina Kong Sabi.Bumuntong hininga sya.

"Mag bago kana Devie.Ano bang nangyari at naging ganiyan ka anak?"

Tanong nito Na Tila nawawalan Na ng Pag asa.Hindi ako sumagot at tumingin nalang sa ibang direksyon hanggang sa naramdaman Kong nawala Ang presensya niya.Nang lumingon ako ay nakita ko siyang nag lalakad palabas.

Why do people force you to change when they are the reason for what are you now.

Umalis sa tabi ko si Kuya at nag tungo sa harapan ko.

"Wag ka nang malungkot"

"H-hindi ako malungkot no"

"Ihahatid ko lang si Ina sa school tapos babalik nako dito.Lilipat nako dito,ayokong mag Isa ka sa bahay na to."

Iginala niya Ang tingin sa bahay ko.

"Successful kana talaga little Devie,Bata ka pa Pero may sarili ka nang bahay.Naunahan mo pa ko,nakaka proud ka"

Naka ngiting Sabi nito.

Parang kumirot Ang puso ko dahil sa sinabi niya.Buti pa sya proud sakin.Sya nalang Ang kakampi ko.

"Alis nako"

Tumango ako at tumayo.Aalis Na sana sya ngunit bumalik sya at niyakap ako.

Parang gusto Kong umiyak sa Pag kakataon Na iyon ngunit pinigilan ko.Bakit pakiramdam ko mag Isa lang ako sa buhay ko.Why can't I make my mother proud of me?Pero sa ibang Bata proud sya.

Hinaplos haplos ni kuya Ang ulo ko bago sya kumalas.

"Do what makes you happy"

Naka ngiting Sabi nito.

"Im here to support you,im always by your side Devie"

"Thankyou kuya"

Sabi ko bago sya kinawayan.

Nang maka Alis Na sila ay napa upo ako at napa buntong hininga.Ilang segundo Kong inisip Ang sagutan ngayong Umaga bago ako nag tungo paakyat sa kwarto ko.

Nang mapa tingin ako sa salamin ay nangingilid Na Ang luha ko.Pag ka kurap ko ay tumulo Na ito.Napa nguso ako bago lumuhod sa tapat ng kama ko at sumubsob dito.

Umiyak ako Na parang bata.

I can't understand...

I know stealing is bad but what should I do?masaya ako sa ginagawa ko,nag eenjoy ako,dito ko nalang nararamdaman Na maging masaya.

"Ama"

Hikbi ko Na parang bata.I don't know what to do.

Pag katapos Kong umiyak ay tumingin ako sa salamin bago ngumisi nang narealize ko Na sobrang ganda ko.

Nag hilamos ako at inayos Ang hitsura ko pero kahit anong gawin ko ay pukto parin Ang mata ko.Grabe ba ako umiyak??

"Devie"

Dinig Kong katok ni Keena sa kwarto ko.

"What is it?"

Tanong ko ng hindi ito binubuksan.

"Nasa labas sina Axel"

Nangunot Ang noo ko.Nakita ko Ang black shades sa Isang tabi kaya kaagad ko itong isinuot.

"Let them in,pababa nako"

Sabi ko dito bago tiningnan Ang hitsura sa salamin.Muka akong timang pero wala Na akong choice.

Bumaba ako at nakita Ang tatlong kumag Na naka upo sa sofa at may dala Dalang Isang basket ng prutas.

Naka halukipkip akong lumapit sa kanila.

"Anong ginagawa nyo dito?"

Taas kilay Kong tanong.Nag katinginan si Nick at Axel ng Makita ako bago humagalpak ng tawa.Si Kyton naman ay pasimpleng tumatawa.

"Mataas ba Ang sikat ng araw Ms.Devie?"

Tanong nito.Inirapan ko sila Pero malamang Na hindi nila iyon nakita.

"Ano bang pakulo to?bakit may prutas kayong dala?"

Tanong ko sabay turo sa basket ng prutas.

"Pampalamig ng ulo mo"

Natatawang sagot ni Kyton.Kinuha ko iyon at nakitang may ubas kaya pumitas ako ng tatlong piraso bago nag tungo sa katapat nilang sofa at kinain iyon.

"Bakit kaba naka salamin Bossing?"

Tanong ni Nick.

"At bakit ba Ang pakealamero nyong tatlo?bagong bili tong salamin ko,gusto ko lang I try"

Palusot ko habang ngumunguya.

"Dito talaga sa loob nang bahay?"

Tawa ni Axel.Hindi Na ako sumagot.

"Teka"

Pigil Ang tawang Sabi ni Nick bago ini abot sa akin Ang brown envelope.Hindi ko iyon tinanggap.

"Ano Yan?"

Tanong ko.

"Galing sa tatlong ulo"

Sabi nito.Kinuha ko iyon bago kinuha Ang laman nito sa loob at binasa.

Good day Oceanasonian,

I am inviting you to come in to main arena of Risen Organization at 6 am in the morning tomorrow.

Three head of organization.

Nangunot Ang noo ko.Apat Na beses palang akong nakaka punta sa main arena of Risen Organization.Una ay nung dinala ako ng Isang head of organization at ginawang parte ng organisasyon Na iyon, pangalawa ay nung ipinatawag kaming Oceana para sabihin kung ano Ang current rank namin,ganun din sa ikatlo at Ika apat.

Nag tataka ako kung ano naman Ang dahilan ngayon?Ang alam ko ay December pa sasabihin kung ano Ang rank nang grupo namin Pero kahit Na ganun ay Baka hindi Na kami anyayahan duon at padalhan nalang ng sulat.

"Anong Sabi?"

Tanong ni Axel.

"Pinapapunta tayo sa main Arena ng Organisasyon."

Sabi ko.

"Bakit kaya?ngayon Na?"

"Bukas,6 am."

Sabi ko bago inilapag sa lamesa Ang envelope at muling kumuha ng ubas.

"Kinakabahan ako,nakaka Excite"

Sabi ni Nick.

Na Ku curious talaga ako,hay nako kayo talagang tatlong ulo.

Siguradong malaking bagay at importante Ang sadya ng three head dahil inimbitahan pa kami sa main arena.

I wonder kung kami lang ba o lahat ng parte ng organisasyon?

"Ano bang meron bukas?"

Bulong ko.

"Little Devie"

Napa lingon kami Kay kuya Na kaka pasok pa lang.

"Jalen"

Tumayo si Nick at sinalubong si kuya.

"Kelan kapa dumating huh"

Ginulo nito Ang buhok ni kuya at kaagad naman Na inayos ni kuya.

"Kahapon lang"

Naupo sila sa sofa at tingin tingin sa akin si Kuya

"Yung pasalubong namin?"

Tanong ni Kyton.

"Na kay Devie-"

"Teka akala ko sakin lang lahat yun"

"Akala ko makikita mo yung sa kanila kapag binuksan mo yung mga bag"

Tawa nito.

"Teka bat ka naka ganyan?kanina wala pa Yan a"

Sinubukan nyang abutin Ang salamin Na suot ko ngunit iniwas ko Ang aking muka.

"Ano ba,wag nyo nga akong pakealaman"

Sabi ko bago hinaplos Ang buhok ko na hanggang ibabaw ng balikat ko.

Tumawa lang sila.

"Ewan ko sayo"

Sabi ni Kuya.

Nag martsa ako paakyat sa kwarto ko para kunin ang mga pasalubong ni kuya sa tatlong kumag Pero Pag baba ko ay nag iinom Na sila

Humikab ako at lumapit sa kanila bago inilapag sa lamesa Ang tatlong paper bag bago naupo sa isang tabi.

Kaagad nila iyon kinuha at binuksan.

"Nice nice,Yung sapatos ko"

Hawak hawak ni Axel Ang pares ng itim at puting sapatos.Si Kyton naman ay Tatlong relo at si Nick naman ay Ilang t shirt.

"Ayos to,salamat men"

Tinanguan lang siya ni Kuya na umiinom ng alak.

Hindi ko pa natitingnan kung ano Ang pasalubong ni kuya sa akin.Mamaya nalang siguro.

Tahimik lang ako sa Isang tabi habang umiinom sila kaya naman Na a out of place ako.Binuhay ko Ang tv at pinalipat lipat Ang channel.

Boring.

"Eto si Kyton,broken kaba?andami mo nang nainom pare"

Sabi ni Nick habang hinahaplos Ang likod ni Kyton.Hindi umimik si Kyton at tumikhim lang.

"Pano yan magiging broken e wala naman yan nililigawan"

Singit ni Axel.

"Pano yan manliligaw e bawal naman mag ka girlfriend"

Sabi ko.

"Oh,Devie nandyan kapa pala?"

Biro ni axel.Inirapan ko sya at tinawanan lang niya ako bago sila nag patuloy sa Pag iinom.

Gabi Na silang natapos sa Pag iinom.Grabe Ang tibay nila.

Bumaba ako Mula sa kwarto ko at nakita Ang maraming kalat.Lahat sila ay tulog Na.Naka sandal si kuya sa sofa habang si Nick Naman ay sa balikat nito at si Axel naman ay sa hita ni Nick.

Grabe muka silang bading.

Nilingon ko si Kyton Na naka higa sa sahig at mahimbing Na mahimbing Ang tulog.

Napa kamot ako sa ulo.Anong gagawin ko,dito ko Na patutulugin Ang tatlo dahil hindi na sila makakapag drive.Pero pano ko sila palilipatin sa guest roon.?

"Kuya, huy mga kumag gumising kayo"

Tinapik tapik ko sila Pero umungol lang sila.Nagulat pa ako ng ngumiti si Kyton habang naka pikit.

Ilang segundo akong naka Tayo ng may naisip akong ideya.Nang Hiram ako ng speaker Kay Keena Bago ikinonek Ang cellphone ko duon.

Napangisi ako at itinapat mismo sa tatlo Ang speaker bago ito itinodo.Maya Maya pa ay ipinlay ko Na Yung "I feel good"

Intro palang ay nabulabog Na sila kaya hagalpak Ang tawa ko.

"Putangina anong meron!?!"

Tarantang tanong ni kuya at biglang tumayo.

"I feel good"

Walang emosyon Na sabay ni Nick sa kanta.Si Axel naman ay nag tatakbo palayo Na para bang may humahabol sa kaniya.

Lahat sila ay gising Na maliban Kay Kyton Na hanggang ngayon ay mahimbing Ang tulog.

Sumakit Ang tiyan ko katatawa at napahawak ako dito bago naupo sa sofa.

Naka tingin lang sila sa akin at parang gusto nang ipag patuloy Ang pagtulog.

Itinigil ko Ang tugtog bago pinigilan Ang Pag tawa.

"Dun kayo sa guest room"

Sabi ko.Kaagad Na tumayo si Nick at Kuya.Mag ka akbay silang nag lakad paakyat sa hagdan.Napaka bagal.Wala pa siguro silang diwa.

"Axel move"

Natatawa Kong sabi dahil naka tulala lang ito.Malalaking hakbang Ang ginawa niya paakyat sa hagdan.Sinilip ko siya dahil Baka sumala Ang hakbang niya at mag pagulong gulong pa sya.

"Corb"

Sigaw ko.

"Corb, Keena"

Mula sa kusina ay lumabas Ang dalawa ng ngumunguya.Itinuro ko si Kyton na naka hilata sa sahig.

"Dalhin nyo sa guest room."

Sabi ko.Tumango Ang dalawa at pahirapang binuhat si Kyton.Sumunod ako sa kanila at umalalay Na din.

"Buksan mo Ang pinto"

Sabi ko Kay Corb.Pagkabukas ay naabutan namin Ang dalawa ni kuya at Axel Na mag ka yakap habang naka higa.Pigil Ang tawa ko dahil muka silang mag ka relasyon.Inihiga namin si Kyton sa tabi nila.

"Teka,nasan si Axel?"

Tanong ko.Nag kibit balikat Ang dalawa at lumabas Na ng kwarto.

Nang may marinig akong umungol sa banyo ay kaagad akong napa lingon duon.Naka bukas ito kaya lumapit ako dito at nakita si Axel Na nakahiga sa bathtub at duon natutulog.

Nanlaki Ang mata ko,Buti nalang at walang tubig.

"Axel"

Ginising ko siya ngunit hindi siya magising kaya hinayaan ko nalang sya duon at dumiretso sa kwarto ko.

Muka silang timang.

Matutulog Na sana ako ng napatingin ako sa make up kit ko.Kinuha ko iyon bago ako bumalik sa guest room.Kinuha ko Ang lipstick ko at Isa Isa silang nilagyan nito.Mag kaka ibang shade Ang ginamit ko at habang ginagawa ko iyon ay patigil tigil ako dahil gusto ko nang humagalpak ng tawa.

Last Na to,tutulog nako.

Inayos ko Ang lipstick ni Axel bago ko nilagyan ng blush on Ang pisngi nya.

"Ampota"

Bulong ko habang tumatawa.Lumipat ako sa may kama at Isa Isang nilagyan sina kuya.

Nang ma satisfy Na ako ay bumalik Na ako sa kwarto ko at natulog.

Siguradong magagalit sila bukas Pero bahala Na.

Mahimbing Ang tulog ko ngunit nang may marinig akong nag sisigawan ay pinilit Kong imulat Ang mata ko kahit Na inaantok pa ako.

"Ang sakin lang pare,nadungisan Ang Pag ka lalaki ko.Kita mo tong lipstick?natatanggal ba to?bakit kahit anong kuskos ko hindi matagtag!"

Kaagad akong napaupo ng Makita Ang tatlo sa dulo ng kama ko.Tumingin ako sa orasan ko at nakitang alas kwatro mahigit Na.

"Kumalma ka pare.Bakit Ang pangit mo?"

Natatawang tanong ni kuya Kay Nick.Napatingin sa akin Ang naka pamulsang si Kyton kaya kaagad Kong itinaklob Ang comforter sa muka ko.

"Devie"

Tawag nito sa akin.

"Sorry!"

Mabilis at naka pikit Kong Sabi.Hinablot niya Ang comforter kaya awkward akong ngumiti.

"Bossing naman, nababaliw kana ba?tingnan mo Ang hitsura namin"

Bumaba ako Mula sa kama ko.

"Bakit ba Kasi kayo nag lasing,kung hindi kayo nag lasing hindi sana mangyayari sa inyo Yan"

Giit ko bago sila nilampasan.

"Ah,umuwi Na kayo,pupunta nga pala Tayo sa Main arena ngayon."

Hikab ko ng maala ito.

Lumabas ako ng kwarto Pero naka sunod parin sila sa akin.Puro ngawa si Nick habang si Kuya naman ay tumatawa lang at si Kyton naman ay tahimik Na naka ngiti.

"Sorry Na nga,ano ba"

Kalmadong Sabi ko bago huminto sa Pag lalakad.

"Si Axel nga pala,nasa bathtub paki gising Na-"

"Nasa bath tub?"

Tanong ni Kyton.Tumango ako bago itinuro Ang guestroom.

"Duon sya dumiretso kagabi."

Sabi ko bago nag patuloy sa Pag lalakad

Hindi parin tumigil sa Pag rereklamo si Nick kahit na

Kumakain Na kami.

"Hay,ano ba.Bilisan nyong kumain dahil uuwi pa kayo.Kapag Na late kayo iiwan ko talaga kayo"

Sabi ko habang naka sandal sa upuan at ngumunguya.

"I can't believe Na sa bath tub ako natulog"

Bulong ni Axel bago sumubo ng kanin

"Kahit ako rin"

Sabi ni Kyton.

Nang matapos Na kaming kumain ay umalis Na sila kahit Na may konting lipstick pa dahil hindi nila iyon matanggal.

Kumaway ako sa kanila.

"Ingat kayo"

Sabi ni kuya.Tumango si Kyton at bumusina bago tuluyang umalis.

"Grabe"

Iiling iling at tatawa tawang Sabi ni kuya bago tumingin sa akin.

"Aalis ka ngayon?"

Tumango ako bago pumasok Na sa loob ng bahay.

"Pinatatawag kami ng three head.Hindi ko alam kung bakit"

Sabi ko habang paakyat sa hagdan.

"Sige,tulog muna ako.Mamaya ako bibisita Kay ina"

Sabi nito bago bumalik sa guest tumango tango lang ako at hindi Na nag salita.

Hindi kami okay ni ina dahil sa naging sagutan namin.

Napa buntong hininga ako bago nag tungo sa kwarto ko.

Kahit kailan ay hindi kami magiging okay kung ipipilit nila Yung bagay Na ayokong gawin.

Naligo Na ako at nag bihis.Puting t shirt,jeans at leather jacket.

Pag katapos ay nag dial ako sa number ni Lorena dahil sa vacant room sa kumpanya siya natulog.Hindi niya iyon sinagot sa unang tawag ko kaya Sinubukan ko ulit.

Siguradong tulog pa sya.

"Uh...Lorena-"

"Anong oras Na Lorena?bilisan mong kumilos dahil ayokong malate.Tawagan mo Yung iba,dito kayo pumunta sa bahay ko."

Pag katapos nuon ay ibinaba ko Na Ang tawag at naupo sa sofa bago isinuot Ang sapatos ko.Isinintas ko iyon at nang matapos ay sumandal ako sa sofa bago binuhay Ang tv.

"Ano nga ba Ang nangyari sa event?"

Tanong ng reporter.

"Marami Ang nag tataka kung ano Ang tunay Na nangyari sa event ngunit walang maka sagot. Sinusubukan na namin Na hingin Ang pahayag ng holder ng ruby ngunit tinanggihan muna kami nito."

Tumanggi sya,bakit??

Chapter 3 Project

Project

Naka simangot ako habang on the way Na kami patungong Main arena.Hindi ko maintindihan kung ano Ang gusto at kung ano Ang pinaplano ng nasa likod ng pekeng ruby.

Pinag lalaruan nya ba kami? kainis,Ang hirap hulaan ng iniisip niya.

"Andito Na Tayo"

Sabi ni Sadiah.

Bumaba na kaming apat at nanatili hanggang ma I park ni Kyton Ang dala nilang sasakyan kung saan sila naka sakay ni Lorena dahil hindi kami kasya sa iisang sasakyan na dinala ni Axel.

Kinabig ko ang suot Kong leather jacket bago nag simulang mag martsa ng kumpleto Na sila sa aking likuran.

Tahimik sila ngunit si Axel ay sumisipol sipol dahilan para mapa tingin sa amin Ang mga nakaka salubong namin na parte ng organisasyon.

Tumikhim ako at inayos Ang salamin Na suot ko.

Itinapat ko Ang I'd ko ng maka rating Na kami SA tapat ng office.

"Good morning,Ms?"

"Devie Naliah Larzon of Oceanasonian"

Ngumiti Ang Babae at may hinanap na folder sa kaniyang lamesa bago ito tiningnan.

"mr.Kahel is available now"

Sabi nito kaya kaagad akong tumalikod at nag tungo sa opisina nang Isa sa head of organization.

"Antok ka pa Lorena.Umayos ka nga"

Bulong ni Nick habang nag lalakad kami.

"Okay kalang?"

Tanong ni Kyton at sumabay sa Pag lalakad ko.Tumango lang ako at diretso parin Ang tingin sa Daan.

Muli naming itinapat Ang I'd namin sa gilid ng pinto para bumukas ito.

Bumungad sa amin ang head at ang kausap nito Na sa tingin ko ay grupo din.

"Oh,ayan kumpleto Na kayo"

Naka ngiting Sabi nito.Hindi ako umimik at nanatiling SA kaniya Ang aking tingin.Misteryo parin sa akin kung bakit nandito kami ngayon sa harapan niya.

"Jewish 6 Service, good morning."

Napa lingon ako sa nag salita.Sumulyap siya sa akin pagkatapos ng mahinang Yuko Na ipinakita Kay Mr.Kahel kaya itinaas ko sa ulo ko Ang suot Kong salamin bago siya tinaasan ng kilay.

Naka itim siyang printed t shirt at naka Leather jacket din.yung kutis nya,masasabi kong kahawig nito Ang kutis ng idol ko SA bts na si Suga dahil sa puti nito,Pero syempre mas Maputi padin si Suga.

Kinulbit ako ni Kyton kaya tumikhim ako at umayos ng Tayo.

"Oceanasonian,good morning"

Sabi ko bago tinanguan si Mr.Kahel.Tumawa lang ito dahil sa ginawa ko bago itinuro Ang dalawang mag ka harap Na sofa.

Nanguna si Kyton duon kaya lahat kami ay nag so upo maliban Kay Mr.Kahel.

Ka harap namin Ang grupo Na Jewish 6 Service.Hindi ko Alam kung bakit din sila nandito at kung bakit dalawang grupo lang Ang nandidito.

"I know y'all are curious,uh but before we start.Please introduce yourself to them"

Naka tingin ito sa katapat namin Na grupo.apat lang sila kaya inisa Isa ko silang pasadahan ng tingin lalo Na yung nag pakilala sa grupo nila kanina Na sa tingin ko ay leader nila.

"Lorkan Jaze Ziger,the leader of Jewish 6 Service."

Seryosong Sabi nito habang diretsong naka tingin sa akin kaya kinunotan ko Na sya ng noo.

Ano bang problema ng taong to?bakit sya tingin ng tingin sa akin.

"Azer Gomez"

Pakilala ng katabi nitong lalaki na kagaya ng Kay Kyton Ang buhok.

"Jenjen layson"

Maangas na Sabi ng babaeng nasa Isang tabi ni Lorkan.naka braided hair sya at sya lang Ang nag iisang Babae SA grupo.

"Kiel Palma"

Matamis na ngiti Ang ipinakita ng katabi ni Jenjen,Muka syang may lahing Chinese dahil sa singkitin Na mata nito.

Bumuntong hininga ako at pasimpleng sumandal sa upuan bago humalukipkip.

"Oceanasonian?"

Baling sa amin ni Mr.Kahel.

Hindi paba nila kami nakikilala?mataas Ang rank namin kaya bakit hindi nila kami kilala.Marami Na kaming natanggap Na awards under ng organization.

"Devie Naliah Larzon, oceanasonian Leader"

Sabi ko.Isa Isa ding nag pakilala Ang mga ka miyembro ko kaya lihim akong napahikab dahil sa Pag ka inip.

"So,the reason why you all are here is...for a big project"

"Big project?"

Tanong ko SA sarili ko.Ano bang sinasabi ng taong to.Marami Na naman kaming naging project Pero bakit bukod tangi Ang dalawa naming grupo ngayon?

"Nang gabing nawala ang pekeng ruby,parehas Na grupo ninyo Ang nanduon"

Nangunot Ang noo ko.Alam niyang peke Ang ruby?at saka Isa pa,nanduon Ang grupo ni Lorkan?Pero ni Isa sa kanila ay wala akong natandaan.

"Alam mong peke Ang ruby?"

Tanong ni Nick,tumango si Mr.Kahel at mag sasalita Na sana ng mag salita si Lorkan.

"Hindi mo alam?una palang halata Na that, was too obvious"

Naka ngising Sabi nito Na ikina simangot ko.Nang aasar ba siya?

"He's not talking to you"

Sabi ko ng hindi ko Na napigilan Ang sarili ko.Lumipat ang tingin nito sa akin at hindi nawala Ang ngisi sa labi.

"Im not talking to you"

Nang aasar nga.

Kumulo kaagad Ang dugo ko dahil sa pang babara na binitawan niya.Sa halip Na umimik ay inirapan ko siya ng dalawang beses bago tuluyang nag iwas ng tingin.

"Kung ganuon bakit nanduon din kayo nung nangyari Ang event?"

Tanong ni Nick.

"Para manood,Kung ano Ang mangyayari.Kung kaninong grupo Ang kukuha ng pekeng ruby"

May kakaiba sa tono nito na nag udyok sa akin para muling lumingon sa kaniya.

"Ako bang pinag mamalaki mo?ha"

Alam Kong nag kamali kami nang hindi kaagad namin Na obserbahan at nalaman Na peke Ang ruby o may hindi Tama sa ruby Pero Tama bang mag yabang tong lalaking to?I swear sobrang nakaka pikon sya.

"Kalma"

Bulong ni Kyton sa akin Pero hindi ko siya pinakinggan.

"Suntukan nalang ano"

Sabi ko.Napatitig sya sa akin bago hilaw na tumawa kaya mas lalo akong nainis.

"Devie-"

"Sya yung nauna Kahel,nang aasar sya"

"Abat-"

"Oh bakit hindi ba?"

Putol ko Kay Lorkan Na kalmado lang at hindi Na naka ngiti.

Mabuti,dahil Isang ngiti niya pa hahampasin ko Na siya ng sapatos ko.

"Hey,hey,hey.Calm down Devie"

Saway ni Kahel sa akin.Inis akong nag iwas ng tingin.

"Sabihin mo Na Ang sasabihin mo ng makaalis nako dito"

Sabi ko.

"Kumalma ka Devie,paano nyo magagawa yung project kung hindi kayo mag ka sundo?"

"Kayang gawin ng grupo ko kung ano mang project Ang tinutukoy mo kaya sabihin mo na-"

"No,you don't understand Devie.You two will work together"

Sabi nito Na ikina gulat ko dahilan para mapa Tayo ako.

"The heck?? no-"

"Nakapag desisyon Na ako at Ang dalawang head.You can't do anything about that,now back to your seat and listen before I lose my patience"

Napa upo nalang ako ng wala sa oras dahil sa huling sinabi nito.Kilala ko Na si Kahel dahil siya Ang nag pasok sa akin sa sitwasyon Na ito.Matagal din kaming nag ka Sama dahil itinrain niya ako nung Bata palang ako.

Kumupit ako sa Isang tindahan at hinabol ako ng mga tao hanggang sa maka bangga ko siya at nalaman niya Ang ginawa ko.I have a lot of money pero hindi ko alam,nag eenjoy akong mag nakaw.

Inalok niya ako Na sumali sa organization Na ito.Kilala ko Na siya,alam ko Na din kung paano Ang kahihinatnan kapag naubos Ang pasensya niya kaya naman wala akong nagawa kundi manahimik nalang muna sa Isang tabi at hayaan siyang mag salita.

"Ang grupo ninyo ang Napili para mag tulong Na makuha Ang original ruby,ngayon kung mag aaway kayo papaano Nyo makukuha Ang ruby? kailangan nyong mag tulungan."

Ilang segundo kaming natahimik.Ako makikipag trabaho sa Lorkan Na iyan?the hell.Hindi ba nila alam Na kumukulo Ang dugo ko SA lokong to.

"Hindi ba pwedeng iba nalang-"

"Devie-"

"Okay,okay"

Tumayo Na ako.May magagawa pa ba ako?

"Listen,kapag nakuha Nyo Ang ruby,Ang pareho ninyong grupo ay ilalagay sa mataas na ranggo."

"Working with them is not a big deal to me"

Sabi ni Lorkan.

"No one is asking"

Sabi ko at natawa nalang ito ng mahina.

"Okay...dito Na kayo sa main arena mag mimeeting at mag hahanda para Sa Pag paplano sa Pag kuha niyo sa ruby."

"Okay,can I go now?"

Sabi ko.Tumango ito.Sinulyapan ko muna si Lorkan Na naabutan Kong naka Awang Ang bibig at naka titig sa akin.

"I won't be nice to you"

Sabi ko bago nag simulang mag lakad palabas.Bwisit,Sinira niya Ang araw ko.

Bad trip.

"Sinabi ko kumalma ka Devie"

Sabi ni Kyton ng nasa sasakyan Na kami at pauwi Na sa bahay.

"Bakit mo ba ko pinangangaralan"

Masungit Na tanong dito habang kinakalas Ang seatbelt.

"Mali Yung ginawa mo kanina,kakakilala palang natin sa kanila tapos nakipag sagutan ka kaagad."

Sarkastikong tumawa ako bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay ko.

"Unbelievable"

Iiling iling Kong Sabi bago hinubad Ang jacket at pabagsak Na naupo sa sofa.

"Hinamon mo pa ng suntukan si Lorkan.Hibang ka Na ba?Babae ka Devie,hindi ako maka paniwala"

Bumuntong hininga siya at naupo sa tapat ko.

"At hindi din ako makapaniwalang sinisermunan mo ako ngayon.Umalis kana nga"

Tumayo ako at inabot Ang remote bago binuhay Ang tv.

"Para Kang hindi Babae"

Sabi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Muka ba akong bakla sa paningin mo?"

Tanong ko dito Pero hindi Na ito sumagot.

"Aalis nako"

Sabi nito bago nag martsa palabas ng bahay ko.

Hindi ko maintindihan,maging sina Lorena ay nagawa akong pangaralan dahil sa inasta ko Kay Lorkan.

Hindi ba nila nahimigan Yung pang aasar sa tono niya?Si Lorkan Ang nauna at siya Ang Mali kaya bakit nila ako pinangangaralan.

Mainitin talaga Ang ulo ko Pero kaninong ulo ba naman Ang hindi iinit kapag ininsulto ka?

"You're late"

Seryosong Sabi ko habang naka tingin Kay Lorkan Na kaka pasok lang.

"Am I?"

Tanong nito bago tinanggal Ang coat niyang suot at ipinatong iyon sa lamesa niya bago naupo.

"Obviously"

Sabi ko bago sumandal sa upuan.

"Now what?"

Pabalang Na sagot nito at sumandal din sa swivel chair niya habang naka titig sa akin.

"Now what?how unprofessional"

Iiling iling Na sabi ko.Ilang segundo siyang hindi nag salita bago tumayo at namulsa saka Dahan dahang naglakad patungo sa direksyon ko.

"You're really mad at me?"

"Ano bang pakealam mo?umayos ka,gusto Kong matapos Na tong project Nato"

Sabi ko.

Nag iwas ako ng tingin dahil mukang malulusaw ako sa titig ng kumag Na ito.Napaka feeling close niya.Akala niya siguro bigla akong magiging mabait sa kaniya.

"Alright"

Itinaas niya Ang dalawa niyang kamay pagkatapos ng ilang segundong titig bago bumalik sa upuan niya.

"You really hate me."

Sabi nito habang may binabasa sa folder Na hawak nito.

"I can't believe you"

Bulong nito na narinig ko naman

Simula nuon ay nanahimik Na siya at hindi Na umimik ng madalas.Ginawa naming dalawa Ang dapat naming gawin Pero paminsan minsan ay naaabutan ko siyang nakatingin sa akin.Iniirapan ko siya at nagugulat ako ng bigla siyang sasandal sa upuan at iirapan din ako.

Baliw nag mumuka syang bakla.

"Done for today,I wanna go home now"

Sabi ko habang inaayos Ang bag ko.

"Agad?akala ko overtime to,ni hindi ka man lang nangalahati Na basahin Ang report"

Turo nito sa tambak Na report sa lamesa ko.Nangunot Ang noo ko.

Sobrang dami ng report Na kailangan basahin para lang mag ka clue kami sa kung sino Ang holder ng ruby.Siguro naman ay malalaman din namin iyon kahit pa hindi namin ito basahin lahat.

"Mag over time ka kung gusto mo,I wanna go home now-"

"Hindi mo pwedeng gawin kung ano Ang gusto mo,parehas tayong leader dito.Wag Kang atat,makaka uwi ka din naman mamaya"

Sabi nito.Inirapan ko siya at ginaya nya ako kaya ngumiwi ako.

"Nakaka stress Ang muka mo"

Sabi ko dito bago nag martsa Na paalis ng opisina.

"Abat-"

Nakaka inis sya.Napa ka bossy nya kahit na tinatarayan ko siya at sinusungitan.Hindi siya basta basta nag papatalo.Buwisit na kumag.

"Devie!"

Dinig Kong tawag nito habang tumatakbo ako palabas.Binilisan ko Ang takbo ko dahil Baka maabutan niya ako at masapak ko Na siya.

"Devie Naliah!"

Sigaw nito Pero hindi ko siya pinakinggan at sumakay Na sa sasakyan ko bago iyon Pina harurot.Kakaiba talaga Ang Isang iyon.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022