Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Modern > Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)

Author: : Mysteriouslay
Genre: Modern
Queenie has a hidden secret, her identity should not be known by everyone, because of this she is forgotten by the people in her world. She's not an ordinary woman yet, let's say she's strong, but what can she do with what the past has set for her? A strongest woman and a famous man will meet, but are they destined for each other or is this where the past begins? Do they know the real past or is it just fiction? The past tried by forbidden love, will it also happen to them?

Chapter 1 Transfer

Queen's POV

Bigla akong nagising sa liwanag na tumatama sa'king mga mata, argh!

Para saan pa itong kurtina kung masisilaw lang din ako sa liwanag mula sa labas?!

"My Queen, gising na po." Hindi ko na lang s'ya pinansin at patuloy na humiga at pumikit.

Umalis naman yung istorbo kong maid na nagpapagising sa'kin. Hayst, buti naman.

"My Queennn! Gising na pooo! Pinapababa na po kayooo!"

Bigla naman akong napabangon sa sigaw n'ya.

"Sh*t! Hindi pa ba halatang natutulog ako? Argh!"

Dahil sa inis ko, iyong umagang-umaga para akong bulkan na ang init ng ulo. Tsk, haynako.

"S-sorry po, pinapababa na po kasi kayo para mag almusal, sabi po ni Madam." Sabi nito at yumuko.

"Tsk sige, sabihin mo pababa na'ko. Maliligo lang muna ako tapos kakain na. Bilis, labas!" Sigaw ko kaya nagmamadali s'yang lumabas.

Wala akong pake kung sinisigawan ko sila. Tsk, mga istorbo sa buhay ko!

-Fastforward-

"Princess-" agad na bati nito sa akin.

"Cut that off Mom. 'Di na'ko bata para d'yan." Sabi ko habang kumakain ng kung ano dito sa lamesa. Hindi ko naman kailangang umupo, basta may maidampot lang ako ok na 'yon sabay kain ko doon. Hindi ba parang pang tamad?

"But... ok fine, your Dad and I have already talked about your school. You will move to another school, if you don't want to or if you want to."

At doon ako natigilan sa pagkain ko.

"What?! But why Mom? Wala naman akong bad records ah?!"

Matino ako sa school ko ngayon, mas matino sa dati kong school. Don't tell me gusto nila akong mag adjust ulit?!

"Ley anak, lower your voice, sorry pero hindi namin pwedeng sabihin sa'yo kung bakit."

Bakit naman hindi pwede?

"Ano naman yun? Bakit hindi pwede? Ang duga naman, nagdedesisyon kayo ng hindi ko alam? Mom, Dad, ayokong lumipat!"

Ok na ako rito sa school na pinapasukan ko tapos lilipat na naman?!

"Sorry anak pero kailangan mong lumipat, para naman sa ikabubuti mo ito."

Ikabubuti? Ok na nga ako sa school ko ngayon, hayst!

"Sa Zortron University ka ulit lilipat anak sa ayaw at sa gusto mo."

What the? Damn it!

"Ok, kung yan ang gusto n'yo pero may kapalit, sa dorm na lang ako titira at hindi rito."

Buti pala hindi pa ako nagbibihis ng school uniform ko. Hayst, nasanay kasi ako na maliligo muna then almusal tapos magbibihis na. Kapag kasi nagbihis ako agad, nakakalimutan ko na wala pa lang pasok kaya tatanggalin ko na naman.

So, ok na rin at nasanay ako sa gano'n.

"Yan lang ba gusto mo? Bibisitahin ka na lang namin sa dorm mo kung gusto mo. Bibigyan ka namin ng pera. By the way, may magsasabi sa akin kung anong nangyayare sa'yo doon sa loob. Kaibigan ko may-ari ng school na iyon. Magbigay ka na lang ng address kung na saan dorm mo."

Aba, pumayag agad si Dad? Gustong-gusto niya talagang lumipat ako?

"Ok Dad, tapos na ako kumain so aalis na muna ako. Aasahan ko yang pinag-usapan natin Dad, bye!" Matapos nang pag-uusap namin ay kinuha ko na gamit ko atsaka na ako umalis doon, narinig ko pa ngang tinawag ako ni Dad eh.

Hahaha! Alam ko kung saang school yun, sabi nga ni Dad, ulit, so nakapasok na ako doon noon and if I'm not mistaken. May mga kilala ako do'n at proud akong sabihin na mga kaibigan ko sila.

Ngayon ay pupuntahan ko muna sila sa school na iyon, pero 'di ko sasabihin na lilipat ako sa school na pinapasukan nila. Okay lang naman sa akin na mag-aral doon pero iba parin sa pinapasukan kong school ngayon.

Mga estudyante kasi ng ZU is mga malalandi, mayayabang, palaaway, maaarte, mga bully, may mga nerd din naman at s'yempre mga mababait, kaya sila yung napapagdiskitahan sa school na 'yon.

Pero iba naman sa pinapasukan ko ngayon dahil sa kanila pantay-pantay ang lahat kaya wala akong bad records dun pero mukhang sa school na ito. Babalik na naman ako sa guidance office-.- Mapapa-away na naman ako. Tsk, ginusto naman nila 'to eh, edi go!

Huwag lang sila magsasabi na, na guidance na naman ako or ano na namang kalokohan ang ginagawa mo like that.

Psh, it's really sucks!

Malapit na pala ako sa school, nag shortcut kasi ako. Para mapabilis ako, may ginawa akong sariling shortcut.

Nang makarating na ako ay pumasok na lang ako sa loob. 'Di naman nila ako pagtatanungin ng mga bantay dito kasi kilala na din naman nila ako dito dahil nga sa kaibigan ni Dad ang may-ari ng school na ito at pumasok na ako dito noon.

Agad akong nagtungo sa mga rooms, hinanap ko sila. Nakalimutan ko kasi yung room number nila-.- mabuti naman nakita ko din sila pero hindi sa room. Nasa canteen lang pala sila at kumakain

"Shocks! Ley, ikaw ba 'yan?" -Girl1

"Ohum..." Sabi ko na lang habang may laman pang pagkain bibig ko. May pagkain sila kaya kumain na ako haha!

"Wait, pwedeng tapusin mo muna yang kinakain mo at umayos ka nga. Nakakahiya oh, pinagtitinginan ka na rito!" -Girl2

"Ohh, sorry for that. Ok, I'm done, hello girls!!" Pagbati ko na lang sa kanila ng matapos ko ng kainin yung fries...sh*t! Nakaka-miss yung fries!

"Hello Ley, pero bakit ka nandito?" -Girl3

"Ahh hindi ba pwedeng bisitahin ko ang mga kaibigan ko rito? Parang ayaw n'yong nandito ako? Come on girls, I miss you all! " Sabay pout ko pa hahaha.

"Wow, take a minute! Himala at naisipan mong bisitahin kami dito?" -Girl2

"Is this for real? Sabihin mo na lang kasi kung anong pakay mo dito girl, pinagtitinginan ka na ng lahat dito sa canteen oh, so ano nga yun?" -Girl1

"Okay fine, lilipat ako dito girls. So ano, nasagot ko na ah." Pagsabi ko ng totoo sa kanila at ang mga babaeng 'to pati yung iba, mga nagsitilian din naman, hayst-.-

"Wahhhh"

"Gosh, lilipat si Queen dito!!!"

"Buti naman at may magtatanggol na ulit sa atin laban sa mga yun huhuhu!"

"Tama ka d'yan girl! Wahhhhh, thank you My Queen!"

At yan nagsigawan na din sila, mygosh!

"Wooooooh! Ley, seryoso lilipat ka na ulit dito? Wooh, thank god at nandito ka na ulit!" -Girl2

"Huh bakit? Parang gusto n'yo ng magparty ahh." Nakakapagtaka naman mga ikinikilos nila. Yung dalawa, magkahawak kamay tyaka tumatalon pa. Halatang tuwang-tuwa. Anong nangyayare?

"Ohmygosh! Nandidito na sila girls!" Sigaw ng kung sinong babaeng 'to. Sinong sila naman ang tinutukoy n'ya?

"Lagot tayo n'yan, nandito na sila! Ley, tahimik ka lang ah." Ani nitong kaibigan ko at tinanguan ko na lang s'ya sa sinabi n'ya.

May mga grupo naman ng mga kalalakihan ang bigla kong napansin na naglalakad papunta dito sa canteen. Sa pagkaka-alam ko apat sila, nabilang ko sila ng nasa pintuan pa lang. Bigla naman silang tumigil sa paglalakad ng may napansin yung isang lalaki sa harapan n'ya.

"What is this?" Seryosong tanong nito.

"Ahh, ibibigay ko lang sana ito sayo Prince Crave." Mahinahon namang sabi ng isang nerdy girl.

Tinanggap naman n'ya yung ibinigay ng babae pero...

"Wohhh!"

"Hala, lagot."

"Tsk, pabigay-bigay pa kasi."

Mga bulungan ng iba yan, malamang mga masasama ugali nila.

"Anong akala mo? Tatanggapin ko yang binigay mo? Baka nga may gayuma pa yan or worst, may lason 'yan." Matigas na sabi nito.

Tinapon lang naman n'ya yung cake na binigay sa kanya. Tsk 'di nya ba alam ang salitang 'appreciate'?

"Lumayas ka nga rito! Ayokong makita yang pagmumukha mo, alis!"

Aba't, walang respeto to ah?!

Biglang kinuyom ko ang mga kamay ko. Porke babae yun, ganun n'ya kakausapin?

Sumosobra ata s'ya!

Pupuntahan ko na sana yung lalaking walang respetong yun ng pigilan ako ng mga kaibigan ko.

"Ley, 'wag ngayon, ipunin mo muna yang galit mo at bukas mo na lang yan ilabas." -Girl2

"Tama, hindi ka pa pwedeng makilala ng mga yan lalo na't hindi mo pa sila gaanong kakilala." -Girl1

"Iipunin ko talaga 'to pero sobra na yan!" At umalis nako pero pinipigilan talaga nila ako!

"Not now Ley, please?" Pagmamakaawa nilang tatlo sa'kin.

"Ok, kung yan gusto n'yo, tsk!" Wala naman akong magagawa kaya umalis na lang din ako sa lugar na 'yon. Baka hindi ko ma-control sarili ko at mabangasan ko yun, tsk!

Makauwi na nga lang pero text ko na lang sila para alam din nila. Baka hanapin pa nila ako sa school na yun.

Kinuha ko na yung phone ko then tinext ko na sila na uuwi na lang ako at pagkatapos nun dumaan ulit ako sa shortcut na ginawa ko, nang makarating ako sa bahay ay wala sila Mom at Dad.

Matutulog na lang din ako biglang nawalan ako ng gana ngayong araw. Tsk, ilang oras pa bago kumain. Matutulog na lang ako buong araw at kakain na lang din.

Bukas tayo magtutuos Prince Crave!

-----

"Ley, bumaba ka na d'yan at nandito ang kapatid mo galing sa Korea!" Nakauwi na pala sila Mom and Dad pero kapatid? Teka si Nisha nandito sa Pilipinas?

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko tyaka bumaba para tignan kung nandyan talaga sya.

"Ate Ninieee!"

Malakas na boses ang bumungad sa'kin kasabay nito ang isang yakap mula sa nakababata kong kapatid.

Yes, she's 7 years old at alam ko malapit na s'ya mag 8 but nakalimutan ko kung kailan birthday n'ya. Tsk, ang walang kwenta ko namang Ate.

"Welcome home, dapat ikaw ang Nini hindi ako. Mas bagay sa'yo ang Nini kesa sa akin."

"But why? Ayaw mo ba sa naisip ko Ate?"

"Not like that, but I'm your big sister na. Hindi na ako bata to call like that. Parang pang bata kasi ang Nini."

"Mommy si Ate Ninie ayaw sa'kin! Wahhhh! Huhuhu!"

Tinakpan ko naman ang bibig n'ya. Baliktarin ba naman ako?!

"Shhh, ok ok fine. Ate Ninie na itawag mo sa'kin but only for you ha?" Pagpayag ko, wala naman akong magagawa kung yun talaga gusto n'ya and I find it cute.

"Yehey!" Masayang sabi nito at niyakap n'ya ako ng mahigpit. "Ate Ninie, mag-aaral ako dito sa Pilipinas. Saan ang school mo? Gusto ko rin d'on."

Natigilan naman ako sa tanong nito.

"A-a-ahh ni-nilipat ako nila Daddy. Hindi ka pa pwede doon. Ahh oo, kasi alam mo na pang High School pataas lang nandoon." Pautal na sagot ko. Bawal s'ya sa Z.U, delikado para sa kanya yun.

"Liar! Ayaw mo lang akong kasama sa school mo! I hate you Ate Ninie. Halata naman na ayaw mo sa'kin! Buti pa si Kuya sinasama ako kahit saan!"

'Tsk, na spoiled na talaga si Nisha.'

Tumakbo ito at pumunta sa kwarto n'ya pagkatapos nun. Hayst, bakit ba ganun s'ya kung mag-isip. Hindi ba pwede na ayaw ko lang s'yang madamay sa school na yun?

What if idamay pa s'ya ng mga kaaway ko dun, tsk!

"What happened?" Gulong tanong ni Mom.

"Hayst, nothing Mom. Anyways, kamusta naman si..."

Pumunta na'ko sa lamesa at nag-ayos ng makakain ko.

"Your brother Nick? Still the same." Pumunta si Mom sa kitchen at kumuha ng pagkain. "Hayaan mo na kuya mo. Busy na yun sa work n'ya. Focus talaga s'ya sa work and studies n'ya dahil kung hindi lagot s'ya sa Lolo mo." Bumalik naman s'ya dito at dala na n'ya ang iba pang pagkain. "You know him well. Takot yun do'n." At tuluyan ng ibinaba ang pagkain sa lamesa ko.

Tinitigan ko naman ang mga pagkain na nakahain sa lamesa.

I wonder, kailan kaya s'ya babalik dito? Or kahit na bakasyon man lang para magkasama kaming tatlo.

"Did you miss him?" I nodded.

"Then call him, kapatid mo pa rin naman siya so don't bother. Ang Lolo n'yo hindi naman strict when it comes to family matters."

Oo nga naman, tama si Mom.

"Honey, si Nisha hinahanap ka. Hindi ko alam pero kanina pa umiiyak yun."

Natameme naman ako sa sinabi ni Daddy. Oh no, hayst. Masama talaga tingin niya sa'kin. Until now she's crying.

Hinawakan naman ni Mom ang balikat ko.

"Don't worry, ako ng bahala kay Nisha. Kumain ka na d'yan then call your brother, ok?" I just nodded.

Umalis na si Mom but my Dad still here.

"Kumain ka na Haisley. About your brother, alam ko miss ka na din no'n. Maya-maya tawagan mo s'ya. Alam ko tapos na s'ya sa ginagawa n'ya." Biglang sabi ni Dad at niyakap ako.

Hayst, they know how much I love my brother and my little Sister.

Well, tapusin ko na nga muna ito bago ko tawagan si Kuya Nick. I hope he's ok.

-Fastforward-

Ilang minuto natapos ko na ang kinakain ko kaya kinuha ko na ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan s'ya.

*Ringing...*

Mga 3 minutes sinagot naman ang tawag ko kaya nagsalita na ako.

"Kuya Nick?"

[Hello, Queenie] Nagulat ako ng magsalita ito.

"Uhm, ok ka lang ba d'yan?"

[Yup, paanong hindi ako magiging ok Leley. Napatawag ka ata?]

May mali dito, iba ang dating sa'kin ng kausap ko ngayon. Kailangan kong manigurado.

"Mabuti naman kung ganun. Kamusta si Lolo d'yan? Hindi naman siguro s'ya strict d'ba?"

[Bye na muna Leley, nandito si Lolo. Baka makita ako.]

Wait what?!

"Ahh sige, good luck sa work and studi-"

*toot* *toot* *toot*

"Mommm!!!"

Agad kong sigaw kaya agad din naman silang dumating dito.

"Bakit anong nangyare?! May magnanakaw ba?!" Tarantang tanong ni Mom sakin.

"Did you already talk to him? Masama pakiramdam ko kay Kuya."

Nagtaka naman si Mom sa tanong ko.

"Hindi pa naman 'nak. Bakit, anong nangyare?"

"Mukhang hindi si Kuya Nick ang kausap ko kanina lang."

"What? Imposible, teka tawagin ko Dad mo."

Tumango lang ako at umalis na si Mom para tawagin si Dad.

Si Kuya Nick ba talaga yun? I know him well. Hindi n'ya ako tatawagin sa pangalan ko mismo. Kung si Nisha nga tawag n'ya sa akin Ninie. Si Kuya Nick naman Leley ang tawag sa'kin. Ganun sila saking dalawa.

Sana mali ang kutob ko.

Chapter 2 Titus Five

Queen's POV

-Kinabukasan-

Busy ako rito dahil sa mga gamit, syempre papasok na ako ng school.

"Nie!!! Gising na!!!"

"Ayy palaka! Mom naman eh."

"Hahaha gumising kana kasi dyan at mag-aalmusal na."

"Hayst, okay Mom maligo lang muna ako bago bumaba."

"Ohh okay, para magising diwa mo 'nak? Hahaha sige intayin ka namin sa baba."

"Okay Mom."

Lumabas na nga si Mom sa kwarto ko. Hayst, si Mom naman ngayon ang nagpagising sa akin. Sino susunod, yung Dad ko naman? Hayst, maaga naman akong natulog kahapon pero bakit parang kulang pa yung tulog ko. Makaligo na nga lang.

*Fastforward*

"So it's your first day of school in Zortron University my daughter." my Dad said.

"And I'm excited to see THEM." saad ko, hindi ko kilala mga lalaki kahapon pero wala akong pake, baka hindi nila alam kung sino kinakalaban nila.

"And why you're excited huh?" napansin kong naging curious si Mom sa sinabi ko.

"Secret Mom and what's with our deal yesterday? May car na ba ako and hahanap na ako ng dorm?" Masaya kong mga tanong sa kanila. Syempre, dapat may car ako at the same time dorm na malilipatan.

"Hon, ikaw na magsabi sa kanya." Walang pakeng tumingin ito sa dyaryo at tinitigan lang, anong nasa isip ni Dad ngayon?

"Okay, we decided to give you a car and for your allowance, Daddy will provide it for you. Ikaw na din 'nak ang mag-hanap ng dorm na gusto mo. Ibigay mo na lang sa amin yung address ng magiging dorm mo." sagot naman ni Mom sa akin.

"Ahh okay Mom." Speechless ako, sa wakas may kotse at dorm na ako.

Sila Mom and Dad kasi ayaw akong bigyan ng car, you know. Delikado raw para sa isang babae, which is alam ko naman yun, pero gusto ko rin ng ganun.

"Hindi ka ba masaya 'nak? Akala ko yun gusto mo?" Ganito lang pala kadali magkaroon ng kotse, jusko nakipagtalo pa ako noon sa kanila, tsk.

"Ah masaya naman po ako, speechless lang hehe." Baka mamaya alam nila binabalak ko nako huwag naman.

"Hon, we're getting late now and Prin-I mean Haisley, you need to go now." Agad naman akong natauhan sa sinabi ni Dad kaya nagmadali akong umakyat at nagbihis sa kwarto ko tyaka bumaba na.

"Sige po Mom and Dad, I need to go now. Bye!" Pagmamadali kong sabi. Kinuha ko naman gamit ko then nagmadali na akong umalis.

Mamaya ko na lang kukunin yung ibang mga gamit ko pagka-uwi ko.

Naglalakad ako ngayon sa shortcut namin syempre, kahit papano hindi ako mapapagod kakalakad papunta sa school na yun. Ako lang naman may alam about dito so alam kong ako lang din makakadaan dito pero bakit ganun. May nakikita akong isang pigura ng tao mula sa malayo? Hmm...

Nagmadali akong naglakad papunta dun at tama nga. May tao rito at nakasandal pa ito sa dingding habang may headset sa tenga n'ya.

"Anong oras na ba?" Agad kong tanong at tinignan kung anong oras na nga, nang malaman ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"7:05 na, limang minutong late na ako, sh*t!" Nataranta naman na ako at tumakbo ng mabilis.

"Hala! Terror teacher pa naman una ngayon!" Pagka-alala ko, nasa schedule ko kasi na dating terror teacher ko ang mauuna.

Ilang minuto din ay nakarating na ako sa gate pa lang ng campus at may naririnig din akong mga sigaw, tilian o kahit na anong ingay.

Hindi pa ba start ng class ngayon?

"Ang ingay naman nun. Saan ba nagmumula yun?" Agad kong narinig ang isang boses ng babae.

"Dawn!" tawag ko rito.

"Sa stage ata ate eh." sagot naman ng isa pang babae.

"Dove!" at parehas naman silang tumingin sa akin.

Yeah magkapatid nga pala yung dalawa sa grupo namin. Si Dawn at Dove yun, tapos may isang babae pa na kababata ko.

"Puntahan natin, ano game?" Masayang aya ni Dove sa amin kaya nag-agree na kami ng ate nito at umalis na nga kami dun. Dumedetsyo kami sa stage at tama nga, daming estudyante rito na may iniintay sa pag dating.

"Titus Five! Wahhhh!"

"Crave! Wahhh, akin ka na lang!"

"Ang gwapo mo Kieffer! Handa na akong maging asawa mo!!"

"Andito na ako mahal ko! Uwi kana! Kyahhh!"

"Dous! Mahal kitaaa! Pansinin mo na ako!!"

May mga grupo ng mga lalaki ang dumating. Alam ko na kung bakit sila nagsisitilian dito-.- Yung kahapon na mga lalaking akala mo parang mga hari ng campus, pero bakit lima na sila ngayon? Apat lang sila kahapon ah...

Bago pa lang ako magtanong, nagpaliwanag na si Dove.

"Sila ang Titus Five, si Crave Forder Cresty ang leader ng grupo nila." Oh, yung pesteng lalaki na hindi alam kung ano ang appreciate!

"Si Kieffer Sword Zortron naman ang anak ng may-ari nitong school." Hmm, as usual magkikita na naman kami, hayst.

"Si Rondel Cradel Killton ang kinikilalang playboy sa grupo nila." Playboy, tsk, kailan pa nagkaroon sa pamilya Killton ng ganiyang tao?!

"Si Feydous Arson Amithon, s'ya naman ang matahimik sa kanila at si Vash Erix Detecio ang sobrang bait na member sa kanilang lima." Mahabang pagpapakilala ni Dove sa mga lalaking 'yon.

Lima nga sila...

"Mukhang kilalang-kilala na nga sila dito pero kailan pa sila nalipat dito?" Kasi nung nandito rin ako wala naman akong nakikilalang mga ganyan ang pangalan.

Yeah, dati akong nag-aaral dito kaya nga sabi nila buti bumalik ako pero pinalipat ako nila Mom sa school ko dati dahil nga sa iba ang mga ugali dito sa Z.U at suki na din ako ng faculty namin dahil na rin sa mga ginawa kong panggugulo rito-.-

"Oo naman 'no, bukod sa gwapo sila at mayaman, kilala din sila sa buong mundo kaya hindi na rin nakakapag taka kung isang araw may pumunta ditong mataas din ang estado sa buhay 'no!" Pag-sang ayon naman ni Dawn sa sinabi ng kapatid nito.

"Teka nga, ang dami mong alam sa kanila ah. Stalker ka ba nila Dove?" Sabay ngisi ko naman sa tanong ko.

"Uhm... hindi naman pero alam mo na... Nangunguha lang naman ako ng info at alam mo naman yun d'ba hahaha! " Nababaliw na si Dove, hindi ko kinakaya confidence ng isang 'to!

"Magtatagal pa ba kayo rito?" Inip na tanong ni Heaven.

"Jusko, paanong nandiyan ka? Hindi ka naman namin napansin na pumunta rito." Gulat na reaksyon nitong si Dawn.

"Hello girls!" Biglang may sumulpot namang lalaki dito sa pwesto namin.

"Pft, kaya naman pala ganiyan mood mo dahil may dahilan." Hala anong sinasabi ni Dawn?

Agad tinignan ni Dawn at Dove yung lalaki ng masama. Ewan ko ah, pero parang may something.

"Bye girls!" Agad umalis si Heaven kaya sinundan agad namin siya.

"Hoy! Paki explain nga sa akin kung anong nangyayare dito ha?!" Pag-sisisigaw ko habang tumatakbo at sinusundan si Heaven.

Aba! Ako lang ang walang naintindihan sa mga 'to ah!

"Uhm sorry Haisley, mamaya na lang. Male-late na nga tayo sa klase natin." Bigla kong naalala na may class pala kami, mabuti at sinabi ni Dove 'yon.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Class B? Ano naman 'to?

"Dito tayo magkaka-klase!" Masayang sagot ni Dove.

"Magkaka-klase? Teka sinong nagsabi?" Takang tanong ko.

"Ako..." sagot ng isang babae sa 'di kalayuan ng upuan.

Nasa desk kasi kami tapos s'ya doon sa dulo, nakaupo siya, wala kasing ilaw sa dulo ng upuan. "Ako ang nag sabi sa kanila na dito ka ilipat ng room."

Bigla namang binuksan ni Dawn ang mga ilaw.

"H-heaven?? Pero paano mo na gawa yun?"

"Simple lang naman, pinsan ko lang naman ang anak ng may-ari nitong school."

"Ano? Hindi naman na sabi sa akin nila Mom yun at hindi ko alam yun. Matagal na tayong magkakaibigan, childhood best friend kita pero ngayon ko lang na laman 'to?"

"Ahh oo nga, kasi hindi naman kami nagkakausap ng Tito ko since ipinanganak ako pero matagal ko ng alam na Tito ko may-ari ng school na ito."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa'kin?!"

Tinignan ko ng masama sina Dawn at Dove para humingi ng kasagutan.

"Ahh nung dating lumipat ka ng school, do'n lang namin nalaman ng sinabi n'ya sa amin." sagot ni Dawn.

"So ako lang naman pala ang walang kaalam alam dito."

Mahinahong sabi ko at pumunta sa dulo ng upuan. Nakasalubong ko pa si Heaven ng pumunta ako doon pero dinaanan ko lang s'ya at hindi pinansin hanggang sa maka-upo ako sa dulo. Tumingin lang ako mula sa bintana at hindi ko na sila pinansin pa.

Nang biglang umingay ang room namin doon lang bumalik ang diwa ko. Matagal na pala akong nakatingin sa labas mula sa bintanang 'to.

"Beh, sino yung nasa dulo ng upuan? Babae yun right?"

Narinig ko mga bulungan ng mga babae na akala mo naman may nagawa akong masama.

"Ayy oo nga beh babae yun, pero sino? At ngayon ko lang s'ya nakita ah."

"Wala na akong pake dun pero bakit d'yan pa sya umupo? Ang lakas naman talaga ng loob nya. Akala nya maaagaw nya sakin si..."

"Good Morning Class!" Napatingin ako kung sino ang nagsalitang yun. Babae s'ya at mukhang mataray. Parang terror teacher nga talaga s'ya. Sabi na nga ba.

"Good Morning, Ms. Agape!" Pagbati lang din nila sa babaeng nasa harap o ang Teacher ata namin.

"Hmm, ayun! Nandito ka na pala, ang bagong classmate nyo. Introduce yourself here Ms. Severenity."

Agad naman na akong bumaba pero nasa gitna pa lang ako ng may biglang pumasok na limang lalaki???

What the?! Sila na naman!

Parang wala lang silang napansin sa harapan na teacher at agad na umupo sila sa mga upuan nila at yung isang leader ata nila 'to ang dumaan kung saan ako bababa dapat para magpakilala. Tinignan n'ya muna ako bago s'ya dumaan at sinadya n'ya akong isagi sa balikat n'ya!

Bigla ko s'yang tinitigan sa ginawa n'ya pero ang walang modo! Hindi manlang tumingin sa akin at nag-sorry? Hutaness!

Woooh! Haisley chill ka lang, inhale...exhale...in­hale...exhale...okay­, go na ako.

Bumaba na lang ako para magpakilala na.

"Hi, I'm Queenie Haisley Severenity or you can call me Haisley or Ley in short, 20 years ng nabubuhay, galing na ako rito noon, yun lang." Hindi ko na hinintay sasabihin ni Ms. Agape at agad na'kong bumalik sa upuan ko.

"Oh my gosh! Katabi nya ang Titus Five! Wahhhh!"

"Gosh! Ang lakas ng loob talaga ng babaeng 'to!"

"Pag tri-tripan yan malamang hahaha!"

Yan ang mga sabi ng mga babae.

"Pre ang ganda nya 'no."

"Oo nga pre at ang kinis pa nya, hmmm."

"Ang sarap jowain n'yan pre. Ano, pagtripan natin?"

"Hahaha sige ba, game ako dyan."

Tsk, mga lalaki nga naman, pero hindi yan uubra sa'kin psh kahit na babae ako. Kaya kong makipag basagan ng bungo-.- Subukan lang nila bali-bali buto nila.

"Class tama na yan! Mag simula na tayo." Saway naman ni Ms. Agape sa mga kaklase ko.

Naglesson na si Maam pero wala naman akong maintindihan. Hayst, sabayan pa ng mga nakapalibot dito sa'kin na mga lalaki. Madali naman silang tandaan base sa sinabi sa'kin kanina ni Dove.

Yung nasa harapan ko, s'ya yung kaninang gustong kumausap sa amin, Ron ang name kung tama ako.

Yung nasa kaliwa ko naman, siya yung Vash ata kasama yung Feydous na tahimik.

Yung dalawang nasa likuran ko naman, yung leader na si Crave, pwe! Pangit ng pangalan!

At ang anak ng may-ari ng school na ito, yung... K-kieffer. Bakit ako nauutal!

Oh diba! Ang dali lang nilang kilalanin base sa sinabi ni Dove hehehe.

*Fastforward*

/­Klinggg*Klinggg*Kling­gg/

Yes! Tapos na din, tatlong subject pero wala naman akong naintindihan, tsk!

Nag-ayos na ako ng mga gamit ko para makapag recess na'ko pero biglang nahulog ballpen ko. Sh*t, baka mawalan ng tinta 'to mamaya. Pupulutin ko na sana pero...

"Here miss, next time mag-iingat ka sa gamit mo." Binigay naman n'ya sa akin yung ballpen ko na nahulog at sabay ngiti nito sa'kin.

Hmm okay fine, he's handsome like para na din s'yang anghel. Wait what?! Anong sinabi ko? No! I mean argh! Nevermind!

"Haisley..." Tawag sa pangalan ko na ikinalingon ko naman. Nakita ko silang tatlo na magkasama at may sasabihin ata sila sa akin.

"Haisley, I'm sorry, we're really sorry." yumuko naman si Heaven pati sila Dawn at Dove tapos pumikit.

Anong ginagawa nila?

"Akala namin na hindi ka na babalik dito kaya 'di na namin nagawa pang sabihin sa'yo." paliwanag ni Dawn.

"Sasabihin naman sana namin kaso---" hindi ko na pinatapos sasabihin ni Dove at nagsalita.

"Yeah, okay lang sa akin pero nakakapagtampo lang na sa ating apat wala akong alam sa inyo lalo na sa iyo Heaven, ang tagal na nating mag best friend."

"We're really sorry Haisley." sabay nilang sabi.

"Tama na yan, oras ng break time ganyan kayo." Pag-iba ko ng topic.

"So, okay na ang lahat kaya kumain na tayo!" masayang ani nitong si Dove.

Napangiti ako ng matamis, pag silang tatlo ang kasama ko, nagiging masaya ako kahit papaano.

Na miss ko sila...

Kieffer's POV

Nakalipat ka na pala rito My Queen, makakasama na ulit kita at makikita kahit dito man lang sa campus. Gusto kitang kausapin kanina pero hindi ko magawa kapag nandiyan ka na at katabi ko.

Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon, maaaring bantayan muna kita kahit nasa malayo lang ako.

Chapter 3 Never Trust Anyone

Queen's POV

Nasa canteen kami ngayon at kumakain ako ng paborito kong fries. Bigla akong napa-ngiti at naalala ang mga memories naming magkakapatid. Kumusta na kaya si Kuya Nick?

"Pagkatapos ng class natin punta tayo sa amin ah?"

Nagtaka naman ako sa pag-aya ni Dove sa amin. Hindi kasi papayag si Tita na pumunta ako doon. Alam niya mga pinag-gagagawa ko sa school kahit sa labas pa ng school.

Alam kong hindi niya hahayaan na makapasok ako sa loob ng bahay nila.

"Ano ba Dove! Lagot tayo kila Mama pag may pumunta sa bahay ng hindi nila alam." Agad na tutol ng kapatid nito. Tama naman si Dawn, ayoko rin na mapunta sila sa alanganin kapag nakita ako ni Tita.

"Ano ka ba naman Ate Dawn, hindi naman natin sasabihin kay Mom and Dad. Atsaka, wala naman sila sa bahay ngayon. Busy sila sa business, alam mo naman siguro yun Ate." Grabe, kaya naman pala! Kailan pa nag-iba mindset ni Dove?

Ang bait-bait niya dati tapos ganito na siya? Hala, may naiisip na siyang kalokohan!

/Kringgg*kringgg*kringgg/

"Bakit naman nag-bell ngayon? Tapos na ba recess natin?" Nagtatakang tinitigan ni Heaven sina Dawn at Dove.

"H-hindi rin namin alam." Takang sagot din ni Dove.

Kapag nag bell na kasi, either tapos na ang recess or uwian na.

"Baka naman hindi sinasadya na mapatunog yung bell." Singit naman ni Dawn.

"Sige, para naman alam natin kung anong totoo bumalik na tayo sa room natin."

Nagtungo kami agad sa room namin at doon nakita namin si Ms. Agape na nagsasalita.

"Ang aga naman, walang pasok agad? Ilang araw pa lang Ma'am." Galit na tanong ng isang kaklase namin.

"Heaven, mukhang may kalokohan na naman ang pinsan mo. Sabihin mo na kasi sa tatay n'ya ang mga kalokohan n'ya dito sa campus." Seryosong tinitigan ni Dawn si Heaven at nag-hihintay ng sagot.

"Yeah, agree ako kay Ate Dawn. 'Wag mo ng hayaang tumagal pa ng tumagal 'yan. Ilang taon na rin kaya." Pag-sang-ayon naman ni Dove.

"Yeah, halos wala na tayong nalalaman ng dahil sa kan'ya!" Biglang sigaw naman ng isa ko pang kaklase.

Narinig ba niya ang pag-uusap ng tatlo?!

Pagkarating kasi namin, ang sabi ni Ms.Agape wala daw munang class ngayon. Parang half day lang ganun. Kaya ayan, mga kaibigan ko at ibang estudyante nagalit. Yung iba naman masaya, malamang walang class kaya walang sakit sa ulo.

"Tsk, I don't care kung walang klase. Mas mabuti 'yon makakapag shopping ako." Sabi ng isang babae na mahaba ang buhok, mukhang may grupo rin ito ng mga babae. Dami niya kasing alipores na katabi.

"Yeah, come on don't tell me magpla-plastikan tayo dito? Ayaw niyo ring may pasok kaya anong big deal do'n?" Pag-sang-ayon din ng isang babae na kulot ang buhok.

"Malamang big deal 'yon! Wala ka kasing alam kaya hindi mo naiintindihan!" Sabat ng kaklase kong maikli ang buhok. Mukhang nerdy dahil may salamin ito at may hawak na mga libro. Mukha itong mahiyain pero ang tapang niyang sumagot ah.

"Teka, sino ka ba ha?! Nakakalimutan mo ata kung sino kausap mo, nerdy girl!" Nakita namin na sobrang nainis ang babaeng makulot ang buhok sa sinabi ng nerd kaya natawa ako.

"Anong nakakatawa babae?!" Sinamaan ako ng tingin nung babae na mahaba ang buhok. Agad lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at humarang sa harapan ko na para bang pro-protektahan ako laban sa babaeng 'yon.

Palihim na bumulong si Heaven sa akin. "Mag-iingat ka, nananakit ng kung sino yan." Sabi nito sa akin.

Nananakit ng kung sino? Bakit, SINO ba ako sa tingin niya?!

"Oh, mapanakit pala. Sige, sasaktan mo ba ako babae, sa harap ng teacher natin?" Pang-iinis ko rito.

"Tsk, anong akala mo sa akin? Hindi ko sasayangin oras ko ng dahil sayo, hmp!" Pagmamatigas nito.

"Oh, alam ko na yang sagot mo. Meaning niyan duwag ka, tama ba ako?" Ngisi kong tanong dito.

Bigla namang naging panget lalo ang mukha niya ng marinig nito ang sinabi ko. Ops, nagalit sa sinabi ko, parang yun lang eh pft.

"What the?! Sinong duwag! Kapal naman ng mukha mo, bagong salta ka lang dito kung umasta ka para kang reyna!" Nag-iinit na ba mukha niya? Hindi ko kasi mapansin dahil sa mukha niyang nasobrahan sa makeup.

Sasabat pa sana mga kaklase ko pero itong si Ma'am sumingit na sa eksena.

"Tumigil na kayo students! Wala kayong galang, nasa campus kayo at nasa harapan ko pa nagtatalo!" Nagalit na si Ms. Agape, kung sa bagay. Nakikita naman namin siya pero parang wala lang siya dito sa loob.

Malakas na hinampas ni Ms. Agape ang dala nitong mga libro sa lamesa nito. Bahagya pa ngang lumipad ang ibang pages nito sa ibang direksyon at nagsimula na namang sumigaw si Ma'am.

"Umuwi na kayong lahat! Wala ng maiiwan dito!"

Agad namang kumaripas ng takbo ang iba na nakikinig lang, yung iba naman inayos agad mga gamit nila sa school at lumabas, ako naman kalmado lang. Syempre sanayan lang 'to, ikaw ba naman halos araw-arawin ang pagsigaw ng ibang tao na parang gawing music na lang sa tenga mo, hindi ka kaya masanay?

"Kalmado ka ngayon Haisley ah. Buti hindi ka binulyawan ni Ms. Agape kundi lagot ka na naman sa parents mo." Napatawa na lang ako sa sinabi nito, pero totoo naman 'yon.

"Hindi naman masama si Ms. Agape, sabihin na nating slight lang pero aminin niyo mabait naman siya." Mukha naman silang sang-ayon sa sinabi ko.

"Teka, kilala mo na ba si Ms. Agape? Para kasing matagal mo na siyang nakilala." Pagtataka naman ni Dawn at doon bigla kong naalala, hindi ko pala nasabi sa kanilang tatlo.

"Matagal ko na siyang kilala, sa dati kong school nandoon siya kaya ganun na lang ako kung makipagsagutan sa babae kanina." Pagpapaliwanag ko sa kanila. Kilala ako ni Ms. Agape, I never do wrong pero kung sisimulan nila ako, syempre lalaban ako.

"Halika na, naka labas na sila..." Nabitin ang sasabihin ni Dove ng marinig namin ang boses ni Ms. Agape.

"Nice to see you again Ms. Severenity, balita ko'y matagal ka na rito pero lumipat ka ng school," paninimula nito. "Alam kong kilala mo na ako, wala na akong sasabihin pa tungkol sa ZU pero tandaan mo." Bigla itong lumapit sa akin at bumulong. "Never trust anyone, ok?" Payo nito sa akin at umalis din, teka payo nga ba yun?

"Ano yung last words na sinabi sayo ni Ma'am, Haisley?" Curious na tanong ni Dawn sa akin, hindi ko na lang pinansin dahil ayokong sabihin sa kanila.

"Let's go, baka masaraduhan pa tayo rito." wika ko at agad naman silang sumunod sa akin.

Bigla akong humindo ng mapadaan kami sa may gate ng school.

"Bakit Haisley, may problema ba?" Pag-aalalang tanong sa akin ni Heaven. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong panganib dito sa labas ng school.

"Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon, parang may panganib na hindi ko alam."

Nagtinginan naman silang tatlo sa sinabi ko. Noon lang ako nakaramdam ng ganito, bakit nararamdaman ko ulit?!

"Kung gano'n, tawagin ko lang mga bodyguards namin para sure tayo." Suggestion naman ni Dawn.

"Yeah, tawagin ko na rin si Manong driver ng makauwi tayo." Dagdag pa ni Heaven.

Dahil sa sinabi ko ay tinawag na nga nila ang mga bodyguards ni Dawn at Dove, agad naman itong dumatin pero yung driver ni Heaven hindi.

Kailangan pang mag-intay dahil hatid pa daw nito ang kapatid ni Heaven sa mansion nila.

"So, saan muna tayo? Don't worry Haisley, anim na kasama nating bodyguards ngayon."

Hindi ko iniisip yung panganib, ang iniisip ko kung ano o SINO ang may gawa.

Sana ay hindi siya, kung hindi...hindi ko sila mapro-protektahan.

"Haisley, ano ba! Nag-aalala na ako sa'yo! May gumugulo ba sa isip mo kaya ka ganiyan?" Pagpupumilit ni Heaven, hindi ko napansin na kanina pa pala kami naglalakad ng hindi ko alam.

"Kilala niyo ba yung lalaki kahapon?" Pag-iba ko ng topic.

"Anong meron dun, yung kahapon ba?" Pag-iisip ni Dawn sa tanong ko.

"Oo, bakit kilala nyo ang isa't-isa? I mean, dun sa kasama na Titus Five na nakausap n'yo." Kasi, ang sasama ng ugali nila. Ok, mabait yung isa or dalawa pero yung lider nila. Nako! Daig pa babae sa sobrang moody!

"Ang mga lalaki kasi mga manloloko mga yan..." Paninimula ni Heaven.

"Anong connect no'n Heaven?" Nagtataka na ako sa sagot niya. Bakit naman niya sinabi 'yon?

"Ah, mag boyfriend-girlfriend kasi yang dalawa kaya ganyan yang si Heaven. Ultimate enemy niya kaya 'yon." Singit ni Dove sa usapan.

"Ehh kung hindi rin naman kasi talagang manloloko yung gunggong na yun edi sana sila parin." Jusko, affected naman masyado si Dawn.

"So dalaga ka na pala Ven? Akala ko never ka ng magkaka-jowa eh." Panunukso ko kay Heaven, mahirap kasi paniwalaan.

"Nako Haisley, sakit lang dala ng pagmamahal na 'yan." Wika ni Heaven at nagmadaling naglakad, siguro hindi pa s'ya totally naka move on.

Habang naglalakad si Heaven ay dumating na 'yong kotse nila at huminto sa harapan nito.

"Nandiyan na pala eh, sige na umuwi na kayo." Nagulat ako sa sinabi ni Dawn at agad na nagtanong.

"What?! But why?! Paano kayong dalawa?"

"May bodyguards naman kami, ok lang kami. Inintay lang talaga namin na dumating kotse nila Heaven para makauwi na kayo. Iniintay na rin naman namin kotse ni Mom."

Si Tita? Oh no!

"Sige, hindi nga pala ako pwede makita nila Tita. Sige uuwi na kami, mag-iingat kayong dalawa." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Ingat din kayo sa byahe niyo, bye!"

Pumasok na kami sa kotse nila Heaven at nakita ko sila Dawn at Dove na kumaway sa amin kaya ganun din ang ginawa ko.

Pinaandar na ng driver ang kotse at umalis na kami. Ok lang kaya silang dalawa? Kung sabagay, may kasama naman silang bodyguards.

"Huwag mo na silang intindihin, tatawagan naman natin silang dalawa pagkauwi natin d'ba?" Halata namang pinapakalma ako ni Heaven. Hayst, tawagan ko na lang sila mamaya.

"Nga pala Heaven, kung pinsan mo ang may-ari ng school edi kilala ka na rin sa campus?"

"Maaaring oo, maaaring hindi, basta ang alam ko lang ngayon malaya ako sa kung anong gusto kong gawin."

"Wala ka bang plano na isumbong ang pinsan mo sa Dad niya?"

"Wala, hindi naman alam ng magulang nito kung papaano patakbuhin ni Kieffer ang ZU dahil wala rin namang pake ang ama nito lalo na sa kaniya."

"Huh? Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Noong nasa kanila ako, si Kieffer lang ang nasa mansion nila, syempre bukod na yon sa mga butler, maids, driver, etc."

"So, wala siyang ibang kasama na kapamilya niya?"

"Yes, teka nga, alam kong may past kayo ng pinsan ko. Hindi mo ba alam lahat ng 'yon?"

"H-hindi, malay ko ba! Hindi rin naman kami nagtagal..."

Natigilan na ako sa pagsasalita ng sabihin ng driver nito na nandito na daw kami sa bahay namin kaya no choice na ako kundi bumaba sa kotse nila. Kakausapin ko pa sana si Heaven, hayst.

Ibinigay naman sa akin ni Heaven yung bag ko kaya nagsimula na akong pumasok, pagkabukas ko ng gate namin may naaninagan akong isang lalaki.

Nang makalapit na ako ay tyaka ko lang nakita kung sino ito.

"K-kuya Nick?!"

"Hello Leley..."

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at agad na niyakap ang kapatid ko at niyakap din ako nito.

"I missed you, Kuya Nick! I really, really missed you!" At nagsimula na ngang magluha ang mga mata ko.

"Oh, calm down. I missed you too, kumusta ka na?"

"I'm fine! Wala naman akong kalokohan ngayon, Kuya."

Matapos kong sabihin 'yon ay bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin.

"May ginawa ba sila sa'yo? Napasok ka na naman ba sa gulo?"

"Kuya naman, kilala mo naman siguro ako."

"Yeah, I know you very well pero hindi lahat ng nakakasalamuha mo kilala ko."

"Ok, ok, fine, kasama ko naman sina Heaven, Dawn at Dove."

"Good to know, ayoko lang mangyari yung noon."

"Tama na yan, pumasok ka na sa loob sweetheart at magbihis ka na ng uniform mo. Mamaya na kayo mag-usap, ok?" Singit naman ni Mom kaya wala na akong magawa kundi pumasok na sa loob.

Kieffer's POV

"Young Master Kief, pinauwi niyo na naman ang mga estudyante? Nakaka-ilang araw pa lang pero paulit-ulit na." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Young Master Kief, may pinapasabi po si Madam sa inyo at si Master Kirshawn." Si Mom and Dad?

"What is it?"

"Pinapasabi po ni Madam na uuwi daw po ito sa pinas para sa business trip nito." Anong business na naman ang pupuntahan ni Mom? "Si Master Kirshawn naman po uuwi rin ng pinas dahil marami daw po itong aasikasuhin dito sa pilipinas."

"Tsk, puro trabaho, kinalimutan na nilang may anak sila."

Umakyat na lang ako patungo sa kwarto ko. "Young Master Kief, ready na po pagkain niyo."

"Kayo na kumain niyan, wala akong gana."

Pagkapasok ko sinara ko agad ang pintuan ng kwarto ko at humiga sa kama ko.

Kailan ba ulit ako magiging masaya? Yung may nakakasama, hindi yung nag-iisa lang ako.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022