"What is this?!" Nakasigaw na tanong ni Bridgette nang pumasok siya sa kwarto ng kanyang asawa. Inihagis niya ang mga papeles sa harapan ni Philip.
Biglang tumiim ang bagang nito at tiningnan siya ng may galit sa mga mata.
"Hindi mo ba nabasa?" Kaswal na tanong nito ngunit mababakas mo sa kanyang mukha ang sobrang pagpipigil.
"This is ridiculous Philip! You cant do this to me!" Na-fru-frustrate na wika nito at nagpalakad-lakad sa harap niya.
"Why?" Tanong nito with sarcasm in his voice. "Alam ko na ang totoo at hindi na tayo dapat pang magkita dahil isa kang manloloko! You bitch!" Dinuro siya nito.
She was shocked. Totally shocked. Her jaw was dropped.
"W-what are you talking about?" Umilap ang mga mata ni Bridgette.
"Playing innocent huh?" Tanong nito at may inilabas pa ulit itong papel mula sa kanyang attache case. Ibinato nito sa kanyang mukha.
"That is the proof. Sa gustuhin mo at sa hindi maghihiwalay tayo!" Sigaw nito at tumalikod na. "Don't make things hard Bridgette, alam mo kung ano ang kaya kong gawin. I can sue you!" Narinig niyang sabi pa nito.
Agad siya humarap dito at binitawan ang papel na DNA Test Result. Likod nalang nito ang nakita niya kayat hinabol niya ito at niyakap.
"Please, don't do this. Please" she pleaded as her tears started to fell from her eyes.
Tinggal ni Philip ang kamay nito sa pagkakayap at humarap sa kanya.
"So do you think you can make me believe in your acting huh? Well you are wrong. Because I hate you!" At itinulak niya ito. Napasalampak siya sa sahig.
Tumalikod na ulit ito at hahakbang na sana ng kumapit siya sa paa nito.
" Please let me explain. Don't.. Don't to this..." Nagmamakaawang sambit niya. Lumingon ulit ito sa kanya kaya sinamantala niya iyon upang lumuhod sa harap nito.
"Ginawa ko iyon dahil ayokong lumaki ang anak ko ng walang ama, I'm so sorry. Just don't do this, please for his sake. I don't want him to suffer a broken family so please..." Tumingala siya rito at patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.
Kahit nagmumukha na siya tanga na nagmamakaawa rito, okey lang para sa kanyang anak.
"Tell me the truth. That night. Walang nangyari sa atin hindi ba?" Seryoso nitong tanong sa kanya.
"Does it really matter now? Please just don't leave us..." Pagmamakaawa nito sa kanya.
"Its final." At pilit nitong tinanggal ang mga kamay niyang nakakapit sa paa nito at nilagpasan siya.
Naiwan siyang nakasalampak doon habang walang patid ang buhos ng kanyang luha.
Two Years later...
California, USA
Humikab siya saka sumandal sa sandalan ng kotse at pumikit.
"Tired?" Lyndon asked. Lyndon was her current boyfriend. Modelo rin ito kagaya niya at kasama niya ito sa shooting.
Isang tango lang ang kanyang naisagot dahil humikab ulit siya at tiningnan ang kanyang syot na wrist watch upang tingnan kung anong oras na.
Its 12:30 am.
Grabe inabot sila ng ganun katagal.
She closed her eyes to take some sleep.
ISANG mahinang yugyog sa kanyang balikat ang nagpagising kay Bridgette. Humikab muna siya at kinusot-kusot ang kanyang mga mata.
"Were here honey." Malambing na wika nito. Inabot niya ang kanyang bag sa likuran at nginitian ito.
"Thanks honey." She said at akmang bubuksan na sana ang pinto ng pigilan siya nito.
Agad nitong inabot ang mukha niya at hinalikan siya. Halik na mapaghanap.
Agad siyang humiwalay dito at inayos ang sarili.
"I'm sorry honey. I just missed you..." Saad nito kayat napalingon siya rito.
"I understand." At hinawakan niya ang mukha nito at dinampian ng halik sa labi. "Take care" at lumabas siya ng kotse nito. Hinintay niya munang makaalis ito bago binuksan ang gate ng bahay.
Nang makapasok sa front door ay isinalampak niya ang kanyang sarili sa sofa. She's really tired. Pero kahit na pagod siya at inaantok na at pinilit niya pa ring maglakad at pumasok sa isang silid.
Agad siyang napangiti ng makita ang himbing na himbing sa pagtulog na kanyang anghel. Humakbang siya palapit dito at naupo sa baba ng kama ng paluhod.
Hinawi niya ang ilang buhok na kumawala sa mukha nito at hinalikan niya ito sa noo.
At nagulat siya ng bigla na lamang itong nagmulat ng mata.
Ngumiti agad ito pagkakita sa kanya. "Go back to sleep baby. Goodnight." At muli ay hinalikan niya ito sa noo.
Tatayo na sana siya at lalabas ng kwarto ng pigilin nito ang kamay niya. "Can you sleep with me Mom?" He asked. Napatitig siya sa kanyang anak. Nagsusumamo ang mga mata nito.
Her child was now 4 years old, his name was Zion(Za-yon) Alexis Tunner.
Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito sa kanyang kahilingan. Umakyat siya sa kama at pumailalim sa kumot at niyakap ang anak.
"Goodnight Mommy," narinig niyang sambit nito saka humikab at sumiksik sa kanyang leeg. Napangiti siya at pumikit na rin.
"Night son,"
*******
MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Bridgette. Napahikab siya at kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Wala na ang anak niya sa tabi niya. Lumingon siya sa side table upang tingnan kung anong oras na and she was shocked. It is past 1 in the afternoon already. Ganun siya katagal na nakatulog, naihilamos niya nalang ang kanyang kamay.
Tumayo na siya at lalabas na sana ng silid nang mapadaan siya sa salamin. Napangiwi siya sa sarili niyang repleksiyon. Hindi pa natatanggal ang make-up niya at ni hindi pa siya nakakapag-palit, ang suot niya pa rin ay ang suot niya pa kagabi.
Dali-dali siyang lumabas doon at tinungo ang sariling silid upang maligo.
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang lumabas upang hanapin si Zion.
Pero hindi niya ito nakita sa salas kaya dumiretso siya sa kusina. Nakita niya roon si Medy ang katulong niya na isa ring pilipina. "Nasaan si Zion Medy?" Tanong ko sa kanya.
Agad naman itong lumingon sa kanya dahil kasalukuyan itong naghuhugas ng mga plato sa lababo. "Nasa labas yata kasama ni Trisha."
Trisha was her younger sister na nakatira na rin doon kasama nila. "Ah ganun ba." Naghila siya ng upuan at umupo doon habang pinapanuod ang nakatalikod na si Medy.
"Ah oo nga pala, kumain kana." Sabi nito at humarap sa kanya upang hainan siya ng pagkain.
Naamoy niya naman agad ang ulam napangiti siya. It was her favorite, sinigang.
"O kumain kana. Mabuti nalang at ipinainit ko pa yan dahil baka nga magising kana." Nakangiting sabi nito at tumalikod na ulit.
Napangiti nalang din siya at nag-umpisa na ring kumain.
PAGKATAPOS niyang kumain ay lumabas siya upang hanapin ang kanyang anak at agad niya naman itong nakita. Nakaupo sila ni Trisha sa swing at nagbabasa ng libro. Mahilig kasing magbasa ang anak niya kahit bata pa ito.
And he loves to paint also pati ang mag-drawing iyon ang mga hilig nito.
Lumapit siya sa mga ito at umupo sa damo na nakaharap sa kanila.
"Mommy!" Masiglang bati nito at agad na tumalon sa kanya at yumakap.
Niyakap niya rin ito. "So what is that?" Tanong niya sa hawak nito.
"A book?" Nakatawang sagot naman nito. Agad niyang ginulo ang buhok nito dahil sa pagiging pilosopo.
"What is the title I mean..."
"Its Harry Potter Mom." He said while smiling.
Napatango nalang ako at tiningnan si Trisha. "Hindi mo yata kaharap yung laptop mo ngayon 'lil sis?" Nakataas ang kilay kong tanong. Pinaupo ko naman si Zion sa kandungan ko at agad din naman siyang umupo at sumandal sa dibdib ko at ipinagpatuloy nito ang magbasa.
Nakita kong tumingin sa malayo si Trisha at nagpakawala ng buntung-hininga.
"What's wrong?" Tanong ko at inabot ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at napansin kong may luhang nagbabadya sa mga mata niya.
"Its just there is someone who told me that my works is not good, that my stories are not that beautiful to hook the readers to read it, she even said it was just wasting time when she read 3 chapters of my story." Ang pinipigil nitong luha ay bumagsak na.
Ginagap ko ang mga kamay niya. She was a writer sa isang publishing house rito sa America.
"'Wag ka ngang maniwala don. Baka naiinggit lang yun sayo. Wag kang magpaapekto don sa bobang nagsabi sayo niyan. Gawin mo siyang inspirasyon para mas pag-igihin mo pa ang pagsusulat mo okay?"
Tumango siya at nagpahid ng kanyang luha. At pilit akong nginitian.
"Halika nga rito." Sabi ko sa kanya at ibinuka ang dalawa kong kamay. Agad ko naman siyang niyakap.
"Thanks ate." Bulong niya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
Tumayo siya at bumalik sa swing upang umupo.
"Mommy..." Untag sa kanya ng kanyang anak kaya napatingin siya rito.
"What is it baby?" She asked smiling, pero agad ding napakunot ang kanyang noo nang makita ang ekspresyon ng kanyang anak.
"Where is my Dad 'Mom?"
Hindi siya naging handa sa tanong nito. Tumingin siya kay Trisha at maging ito ay nagulat din sa tanong ng bata.
"Why do you asked that suddenly son?"
Tumingin ito sa mga damo at marahang nagbunot. "It was just I am wondering why I don't have one when in fact my classmates have their Dad. I was just like Harry Potter he don't even have a Dad." Malungkot nitong sabi.
Agad ko siyang niyakap at pumikit.
"You'll meet him soon son" I whispered. Kahit hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. At kung matatanggap niya ba ang anak ko, namin.
II
KATATAPOS lang patulugin ni Bridgette ang kanyang anak kaya't bumangon na siya upang kumutan ito. Umupo muna siya sa tabi nito at pinagmasdan ang payapang natutulog na anak.
I am sorry baby, I thought my love would be enough. Pero hindi ko pa rin pala mapupunan ang paghahanap mo ng isang ama. She said on her mind.
Pinahid niya ang luhang umalpas mula sa kanyang mga mata at hinalikan ang noo nito at saka lumabas na ng silid.
******
NAPASANDAL si Jake sa kanyang swivel chair at mariing napapikit. Ang daming trabaho na dapat niyang tapusin at mayroon pa siyang isang business trip sa US sa isang araw.
"Uso kaseng magpahinga." Napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang boses nito.
"What are you doing here? At hindi ka ba marunong kumatok?" Masungit niyang tanong rito.
Pumunta ito malapit sa bintana at nagsalin ng alak sa dalawang baso.
Ibinigay nito sa kanya ang isang baso na may lamang alak na agad niya rin namang tinaggap.
"So what brought you here? May nangyari ba kay Alliyah?" He asked at uminom ng isang lagok habang nakatingin kay Philip.
Umiling ito at lumakad papunta sa bintana at tumanaw sa labas.
"Nag-aalala lang kase si Alliyah, Jake." Nakita niyang uminom ito at ibinulsa ang isang kamay sa pantalon nito.
"Nag-aalala for what?" Tanong niya at saka ibinaba ang baso at muling ibinaling ang tingin sa isang papeles na pinag-aaralan niya bago ito dumating kanina.
"Nag-aalala siya sayo." He added.
Agad namang napaangat ang tingin niya rito. Nakatalikod pa rin ito.
"Masyado mo raw isinusubsob ang sarili mo sa trabaho pare, kung hindi lang maselan ang pagbubuntis niya ngayon baka siya ang nagpunta rito at binatukan kana." At humarap na ito sa kanya.
"So what is your point then?" Nakataas ang kilay niya tanong rito.
"You need some vacation I think?" Patanong nitong sagot. "You must unwind. O kaya humanap ka na rin ng babaeng you know..." Nakangiti nitong sabi.
Natawa naman siya sa sinabi nito. "Sa tingin mo may mahahanap pa ako? E yung nag-iisang babaeng minahal ko kinuha mo pa." Parunggit niya naman rito.
Natawa lang ito at lumapit sa kanya. "Basta pare, magbakasyon ka. Ako munang bahala rito." Sabi nito at ibinaba ang baso sa lamesa niya.
"Tatapusin ko lang ang business trip ko sa US and then magbabakasyon ako." He answered. Siguro nga kailangan niya rin talaga ng pahinga.
"Good." Nakangiting sambit nito bago lumabas ng kanyang opisina.
Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga at tumayo sa kanyang kinauupuan at naglakad papunta sa bintana at tumanaw doon.
Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at tumingin sa labas.
Isa na siyang kilalang negosyante ngayon sa tulong ni Philip. Naabot niya na ang mga bagay na gusto niya but he know there is something missing.
Napapikit siya. He know what is that missing. His heart. Dahil hanggang ngayon ay mahal niya pa rin si Alliyah kahit na nakikita niyang masaya ito sa piling ni Philip.
Napabuntung-hininga na lamang siya.
Maybe its the right time upang mag-move on sa nakaraan.
Tumalikod na siya at bumalik sa kanyang lamesa.
*******
MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin dalawin ng antok si Bridgette. Dahil hanggang sa sandaling iyon ay iniisip niya pa rin ang tagpo kanina nang magtanong ang kanyang anak tungkol sa kanyang Ama.
Tumayo siya sa kanyang kama at lumbas ng bahay. Nagtungo siya sa swing at naupo roon.
Napatingala siya sa mga bituin sa langit.
Its been two years ng maghiwalay sila ni Philip. Marahil ay hindi na natatandaan ni Zion ito dahil magdadalwang taong pa lamang ito noon.
May luhang sumungaw sa kanyang mga mata.
Wala siyang inisip noon kundi ang mabigyan ng kikilalaning ama ang kanyang anak hanggang sa nakilala niya si Philip. He was nice, gentleman, kind and loving pero hindi sa kanya kundi sa 'kanilang' anak.
Lagi silang nag-aaway dahil sa mga maliliit na bagay. And the most painful of all ay pagkatapos nilang magpakasal ay magkahiwalay na sila ng kwarto.
Gusto niya mang magsisi sa pambablackmail dito ay wala siyang nagawa, dahil mas pinili niyang ipaglaban ang pagkakaroon ng ama ang anak niya. Isa siyang desperada, big check.
Tila sila naglaro ng bahay-bahayan, hindi lang iilang beses niyang malaman na meron itong girlfriend sa Pinas samantalang sila ni Zion ay hindi niya man lang madalaw sa US.
So one day nag-decide siyang umuwi ng Pilipinas and there she found out na may ibinabahay ito, it was Alliyah.
Hanggang sa hiniwalayan na siya ni Philip dahil nalaman na niya ang totoo na hindi niya nga anak si Zion.
Hindi siya nasaktan dahil sa pang-iiwan nito sa kanila, pero nasaktan siya para sa anak niya na nawalan ng isang Ama.
Umiyak siya hindi para kay Philip kundi para kay Zion. Akala niya, okay lang ang lahat. Akala niya hindi ito maghahanap ng isang Ama dahil lahat naman ng pagmamahal ay ibinibigay niya rito.
Kapag gusto nitong maglaro ng basketball ay sinasamahan niya ito, she even teach him how to drive a bike na dapat ay ang Ama nito ang nagtuturo.
Pinahid niya ang mga luhang walang-patid sa pagtulo. Ito na ba ang karma niya?