Mahirap magtiwala lalo na kung nasaktan ka. Masakit kapag 'yong binuo mong tao ay siyang sisira sa 'yo.
Minsan iniisip ko kung ano ang nagkulang sa akin. Minahal ko siya nang tunay. Pinaramdam ko sa kaniya ang saya at pagmamahal. Pero, pangloloko ang isinukli niya.
Pagkatapos kung manirahan dito sa Canada ay nagdesisyon akong bumalik sa Pilipinas. Handa na akong harapin sila. Handa na akong ipakita kung sino ang sinira nila noon.
Ang tanging dadalaw sa akin sa Laguindingan Airport ay ang kaibigan kong si Lexus. Our paths cross when he was still living in Canada, but he moved to Philippines last month.
"Lexus!" tawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa waiting area. Dali-dali akong lumabas saka siya niyakap.
Throughout these tragic years, Lexus was the only one who comforted me when I felt nothing. Kaya iba nalang ang trato ko sa kaniya, hindi ko na lang siya kaibigan, dahil parang kapatid na ang turing ko sa kaniya.
"I miss you, Astrang." Niyakap niya ako pabalik. I glared at him after we hugged.
"I told you, don't call me like that," babala ko sa kaniya. I hate that, ayaw ko nang marinig ang pangalan na 'yan.
He laughed before he answered. "I love calling you like that! Astrang!" Humagikhik siya, kapagkuwan ay napahawak siya sa tiyan niya dahil sa tawa.
He knew why I hate being called like that. Halos buong buhay ko ay naibahagi ko na ata sa kaniya. In span of our two years friendship and counting, nagtiwala na ulit ako. Siya ang una kong pinagkatiwalaan pagkatapos 'yon mabuwag years ago.
Iniwasan ko na lang siya saka naunang sumakay sa sasakyan niya na nasa harap lang namin. Sumunod siya sa akin at sumakay na para magmaneho.
"Ang alam ko, demolished na 'yong bahay mo sa Macabalan. You can temporarily live at my house, wala naman akong kasama ro'n," pagiimbita niya sa akin.
Oo nga pala, I have nowhere to stay right now. "Okay, sayang din 'yong ibabayad ko sa hotel," pagbibiro ko sa kaniya. Kahit naman gumaan na ang buhay ko, 'di ako tatanggi sa biyaya!
"Kahit kailan, kuripot ka talaga! I was just waiting for you to reject."
I slightly pushed him and laugh before turning to the view outside. I roam my eyes around. 'Yong mausok, makipot na daan sobrang na-miss ko!
In my three years staying at Canada, wala akong ginawa kun'di magtrabaho sa hotel do'n-where Lexus is the head chef.
We stopped infront of a three-storey mansion. He assisted to open the door and helped me to bring out my luggages.
All the time, I keep roaming my eyes around his mansion. Kung malawak ang mansion nila sa Canada, doble rito sa Pilipinas.
Sumalubong sa amin ang dalawang kasambahay at kinuha 'yong luggage ko. Lumawak ang mga mata ko nang magsalita ang isa sa mga kasambahay.
"Girlfriend po ba kayo ni Sir Lexus?" I almost choked my tongue out. Agad akong umiling sa kaniya. Maging si Lexus ay hindi inaasahang sabihin 'yon.
Lexus showed me the way to the guest room. He gave me a time to roam around here and arrange my things.
I placed my things on where it should be. Pumukaw sa tingin ko ang small box kung saan ko inilagay ang singsing ko.
It was the ring he gave me when we got married- the ring I will surely give him when we meet again some of these days.
I've finally decided to get an annulment with him and removed his surname in mine. I don't want any memories with him. I hate them both, magsama sila dahil gano'n ang ginagawa ng mga hayop.
Watch me get file for an annulment, Fereo Jaizer Cleviste.
Iprepared myself for this. Baka mamaya o bukas ay makakaharap ko na siya pagkatapos ng ilang taon kong pansamantalang pagtira sa Canada.
"Hey, come here. I already prepared breakfast. 'Di ba at dadalaw ka sa mga kapatid mo?" bungad agad sa akin ni Arthur at inilapag sa table ang almusal.
I yawned. "Oo, mamaya siguro," sagot ko. No'ng umalis ako ay kina Tita Raigne pa rin sila nakatira kahit alam kong naroon siya. Naplano ko ring ipasama sila sa akin, pero hindi pumayag si Tita kasi napamahal na siya sa mga kapatid ko.
He offered me a seat as I did too. "Ikaw ba nagluto, ah?" tanong ko sa kaniya at tinikman 'yong egg omelette.
"Siyempre, sino ba ang isang Lexus Merchalla kung hindi 'di ba?" pabiro niya. Tumawa lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kami ay nagpaalam ako sa kaniya na maliligo na at pupuntahan sina Keil at Jenia. May dala na rin akong pasalubong para sa kanila. Balak ko na rin sana silang kunin at tumira sa isang bubong, pero may bumabagabag sa akin. Baka maisip ni Tita na ginamit ko lang siya, pero hindi gano'n. Ayaw ko na may karga-karga pa siya.
Nagsuot lang ako ng bodycon dress at pimaresan ito ng may saktong haba na heels. Naka-pony tail lang ang buhok ko. Simula no'ng nasa Canada ako ay hindi na ako nakapag-gupit, kaya mahaba na ngayon.
"Ihatid na ba kita?" pagaalok ni Lexus nang bumaba ako at ayos na ayos na. Mukhang katatapos niya rin lang magbihis.
I nodded. "Sige na nga! Mahal bayad sa taxi kasi marami-rami rin 'tong dala ko sa kanila."
Tinulungan niya akong ilipat 'yon sa compartment ng kotse niya. Sumakay na rin ako sa unahan at hinintay siya na magmaneho.
"Kaya mo na ba?" Kapagkuwan ay napalingon ako sa kaniya nang tanungin niya ako.
My forehead ceased. "Tungkol kay Rean? Matagal ko nang pinaghandaan 'to. Sa tingin mo uuwi ako rito sa Pilipinas na mukhang talunan at basag na basag?" I rolled my eyes before I continue. "Never! Ayaw kong makita nilang nadudurog ako dahil lang do'n."
I heard how he laughed out loud. "Alam ko, alam ko! You sounds defensive! Nakakatawa!"
Wala na kaming naging usapan pa at itinuturo na lang sa kaniya ang direksyon sa bahay nina Tita.
Nang makarating kami, ay walang nagbago. 'Yong malaking kulay brown na gate, iyon pa rin ang kulay. Hindi pa nila pinapalitan? E, ako nga ang nag-desisyon na palitan.
Bumaba ako sa kotse at kasabay si Lexus na inilabas sa compartment 'yong mga dala namin.
Gustong-gusto ko na makita sina Keil at Jenia! Miss na miss ko na ang mga kapatid ko.
Ilang beses ako nag-doorbell bago kami napagbuksan ng pinto. Ang nagbukas sa amin ay isang binatang lalaki na panigurado ako kung sino..
"Ate. . ." pagtawag ni Keil sa akin. Ibang-iba na siya. Mas lumabas ang charisma niya ngayong nagbibinata na siya.
Kaka-eighteen niya lang no'ng huling taon. Hindi ako nakadalo dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat ko. Nagpadala naman ako ng regalo sa kanila ni Jenia. Pati kaarawan ni Jenia ay hindi ako nakapunta.
"Pasok ka, ate." Pinasadahan niya ng tingin si Lexus na bitbit 'yong mga dala ko para sa kanila. Lumapit siya kay Lexus at kinuha 'yong isang box at binitbit. "Ako na rito."
Nahuhuling naglalakad si Lexus at katabi ko naman si Keil na binubulungan ako. "Ate, boyfriend mo ba siya?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Sira, hindi! Anak 'yan no'ng boss ko na pinagta-trabahuan ko sa Canada! Kuya mo kaya 'yan."
Napailing siya. "Sabi mo, e. Basta, kapag may nagtaka na namang pumasok sa buhay mo. Sa akin muna sila dadaan, bago sa 'yo. Pagdating sa love-love na 'yan, ako ang panganay!" aniya bago kami tuluyang nakapasok sa loob.
Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig niya!
Iba ang naramdaman ko nang makapasok ako. Parang hindi ito 'yong bahay na kilala ko. Pagkapasok ko ay nakaramdam agad ako ng lamig at kalungkutan.
"Si Jenia, nasaan?" tanong ko nang makaupo kami ni Lexus sa sala.
Lumapit sa akin si Keil. "Ate, kailangan niyo atang mag-usap ni Jenia na kayong dalawa lang."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit? May nangyari bang masama sa kaniya?" tanong ko pa.
"Ano kasi-."
"Kuya! Sino'ng bisita. . ." Pinagmasdan ko si Jenia na bumababa mula sa taas. Nagiba agad ang expression niya mula sa ngiti at naging panlulumo nang makita ako. "Ikaw lang pala."
Para akong tinapunan ng malamig na tubig sa sagot ni Jenia. Ako lang pala? Who was she expecting, then?
Aamba na sana siyang tatalikod at aakyat, pero agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Jenia. . ."
Wala siyang kibo, bagkus ay inalis ang pagkakayakap sa akin. Na para bang nandidiri siya.
"Harapin mo si Ate, Jenia. May problema ba tayong dalawa, ha?" tanong ko. Nakatalikod pa rin siya at hindi sumasagot. "Jenia Yvon."
Agad siyang lumingon sa akin at nagpipigil luha. "Pagkatapos mong iwan kami ni Kuya, babalik ka na parang wala lang?"
"Jenia! Hindi tayo iniwan ni Ate-." sabi ni Keil, pero pinatigil siya ni Jenia.
"Iniwan niya tayo, Kuya! Kung makalapit ka sa akin, wala kang kasalanan. Hindi ko alam na madali lang sa 'yo na iwan kami ni Kuya." Nagbagsakan na ang luha niya at pilit itong pinupunasan.
"Mahirap sa akin, Jenia! Balak kong isama kayo papuntang Canada, pero hiniling ni Tita na rito na lang kayo dahil wala siyang kasama," paliwanag ko. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko at humagulgol na sa iyak.
"Makasarili ka! Kailangan kita sa mga panahon na 'yon! Kailangan ko ng karamay. Naranasan mo bang ma-discriminate? Kasi ako, oo! No'ng araw na 'yon, pinagtulungan, sinaktan ako ng mga kaklase ko!" Muli niyang pinahid 'yong likod ng palad niya sa mga luha niya.
"Nasaan ka? Wala! Nagmukmok ka sa kwarto mo. Wala kang ibang ginawa kun'di umiyak. Wala akong nalabasan ng hinanakit kun'di si Ate Rean lang. Siya ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal sa araw na 'yon, na hindi ko naramdaman sa 'yo."
I am being shuttered into pieces now. Masakit na ipagtulakan. Hindi ko akala na ganito ang tatambad sa akin. Kahit naman nagvi-video call kami ay maayos ang pakikitungo niya sa akin. Was it all an act?
"Sana hindi ka na bumalik! Masaya na kami ni Kuya." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa isinumbat niya sa akin.
"Jenia!" saway ni Keil na halatang galit ngayon sa inakto ni Jenia.
Tumawa pa ng ilang beses si Jenia. "You deserve being shattered because of Kuya Fereo! Mabuti na lang at pinili niya si Ate Rean kaysa sa 'yo!"
Hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko at agad na ipinadapo sa mukha niya 'yong nagaalab kong kamay.
"Hindi ako hihingi ng tawad, sa 'yo, Jenia. 'Wag mong isali ang issue na 'yon sa problema nating magkapatid," sabi ko bago binawi 'yong kamay ko mula sa pagkakasampal sa kaniya.
Muli siyang tumawa nang sarkastiko. "Magkapatid pa pala tayo?"
Sa araw ng una naming buwan bilang magasawa, wala siya. Tatlong oras. . . Tatlong oras akong nakaupo rito sa hinanda kong mga pagkain. I wasted fucking hours while waiting for nothing.
Nasaan ka na ba, Fereo?
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa ang aasahan ko rito? Gusto ko ng makakapitan ngayon. Gusto ko ng makakausap sa mga oras na 'to na kakalas na ako.
Nakalimutan niya ba kung ano'ng araw ngayon? Hindi man lang niya ako tinawagan na hindi siya pupunta, na hindi siya sisipot. I've put everything on preparing these, but ended up nothing.
I immediately called for a taxi to go at his condo. Baka naroon siya. . . Baka siya ang gusto sumupresa sa akin. Kilala ko siya at alam ko mas gusto niyang siya ang nagbibigay sa lahat.
Dala-dala ko itong isang tupperware na may lamang cookies at brownies na ako mismo ang nag-bake.
Pwede na sigurong gawin 'tong handa namin kapag naabutan ko siya. Nabigo man siyang sumipot sa dapat naming pagkitaan, alam kong may surpresa siya.
Oo nga, may surpresa siya sa akin.
"Mga hayop! Tangina niyo!" Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ni Fereo ay tumambad sa akin ang pakikipagkalantari niya kasama ang kaibigan kong si Rean.
Narinig kong dumaing ulit si Rean kaya agad ko siyang pinagsasampal at sinusumbatan ng mga salita.
"How could you do this to me, Rean!"hagulgol ko. Ang inaakala kong kaibigan ko na makakasama ko hanggang sa hinanakit ay siya rin ang wawasak sa akin.
I onced forgive her for stealing my plates and I chose to marry this fvcking man infront of me just to save her!
Pero, mali ako. Akala ko hindi na niya ako lolokohin. Akala ko magiging maayos na ang pagkakaibigan namin. Pero, sino nga ba ang aayaw sa isang Fereo Jaizer Cleviste?
Agad na ipinulupot ni Fereo sa katawan niya ang bathrobe. Aakma na sana siyang lapitan ako, pero ako na mismo ang umurong.
"Isa ka pa! I can't believe you, Fereo. I thought you've changed. You disappointed me. Isa ka paring manloloko! Hindi ka na nagbago!" bulalas ko. Nagaalab ang galit sa puso ko ngayon. Gusto ko silang saktan! Hindi ko na alam kung mako-control ko pa ang sarili ko ngayon.
"At ikaw, babae ka! Ano ang kasalanan ko sa 'yo?! I fvcking trusted you. I almost give everything just to save your bullshit future! At ito? Ito ang isusukli mo sa akin?" Napadura ako saka tumawa nang sarkastiko.
Lumapit siya sa akin at saka pumalakpak. "So, gusto mong malaman bakit?" Kumunot ang mga noo ko. "Simulan natin sa nanay mong inagaw ang papa ko sa amin ni Mommy!"
Napaawang ang panga ko.
"'Wag ka masyadong magulat. Alam kong alam mo na 'to, pero nilihim mo! Sinira ng malandi mong nanay ang pamilya namin!" Agad kong isinalampak sa mukha niya ang naga-alab kong kamay. Napahawak siya ro'n at tila hinimas ito para wala 'yong hapdi.
"Alam kong ginawa 'yon ng nanay ko! At galit na galit ako sa kaniya! Kaya ko nga pinakasalan siya 'di ba? Pinatawad kita noon, Rean!" Hindi ko na na-control pa ang emosyon ko kung-kaya't napaiyak na.
"Ang nanay ko alam ko na sinira niya ang pamilya niyo. Ngayon, nakita mo bang naninira ako ng relasyon? Hindi! Kung makalait ka sa kaniya, hindi ka rin lumandi at nanira. Sa tingin mo, ano ang ginagawa mo ngayon, ha? Sino ngayon ang malandi?!"Napahawak ako sa dibdib ko habang binabanggit 'yon hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Tumalikod na ako, pero pinigilan ako ni Fereo. "Love. . . Let me explain. Hindi ko alam na nauwi kami sa gano'n. Wala sa huwisyo ako nang mangyari 'yon-."
"Cut the fucking craps, Fereo! Kung ang bulag nga nakakapagpigil, ikaw pa kaya! T*gina! Puro kayo 'let me explain'! Pvtangina sa nag-imbento ng salitang 'yan!" Hindi na ako lumingon sa kaniya at umalis. Napatitig ako ro'n sa cookies at saka itinapon 'yon sa kung saan.
Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari no'n. Biglang bumalik lahat ng sakit na dapat sana ay nakalimutan ko na.
Simula no'ng umuwi kami ni Lexus ay diretso agad ang bagsak ng mga luha ko. Akala ko matatapos na ang delubyo ng buhay ko! Pero, dumoble ang sakit na nararamdaman ko.
Alam kong nakalimutan ko na siya, pero hindi mawala ang sakit sa puso ko. Here comes my breakdown again. Para bang nagsimula na naman ako sa umpisa.
Nanginginig at giniginaw ako ngayon. Ayaw ko nang bumangon, ayaw ko nang harapin pa ang bukas. Akala ko matapang na ako at kayang harapin ang lahat ng sakit. Pero, isang tingin ko pa lang ay babagsak na ako.
"Drink this water, Astra." Inabot sa akin ni Lexus ang isang baso ng tubig pagkapasok niya sa kwarto ko.
Tinanggap ko 'yon saka ininom. "Salamat talaga nang marami, Lexus."
Tumango lang siya. "Anything for you." Hinaplos niya ang bandang likuran ko para kumalma na ako. "Jenia is still your sister, kaya alam ko na magkakaayos din kayo. Ganiyan din kami ni Dad noon dahil sa isang kadahilanan na ayaw ko na munang sabihin. Pero, natatanggap niya rin ako kinalaunan."
"Hindi ikaw ang Astra na kilala ko. 'Yong nakilala ko ay matapang. Hindi umiiyak, lumalaban at higit sa lahat hindi sumusuko," pagpapatahan niya sa akin saka ngumiti na may dalang pagasa. "Trust me, I can help you get closer again with Jenia."
Kumunot ang noo ko. "How could I?"
"I'll tell you tomorrow. For now, get enough sleep and think positive. Alisin mo lahat ng sakit sa utak mo at bukas na bukas ay simulan mo ang araw mo na may ngiti. . ." tanging payo niya sa akin bago lumabas ng kwarto ko.
Kahit papaano ay napangiti ako ni Lexus. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi ko siya nakilala. Baka ubos na ubos na ako kung hindi niya ako pinapaulanan ng mga payo.
Hindi ko kayang mawalan pa ng kaibigan. 'Yong kaibigan na talagang nariyan sa tuwing may problema ka. I think I'll be needing a friend like him.
Tomorrow, I'll be starting a new day and I'll be more stronger and do everything just to get everything at peace.
Kinabukasan ay bakat na bakat sa mga mata ko ang pagkakamaga nito dahil sa pagiyak ko kagabi.
I simply washed my face before I go downstairs. Naabutan ko ro'n si Lexus na nagluluto.
"Gising ka na pala. Let's eat breakfast na. Alam kong gutom ka na," he called me right after he noticed me walking closer to him at the dining table.
Ngumiti ako sa kaniya bago umupo. He offered me pancake and bacon in my plate. "Thank you."
Habang nags-slice ako ng pancake ay nagsalita ako. "I will meet him now, Lexus."
Nanlaki ang mga mata niya. "Who? Fereo? Sasamahan kita, Astra."
Agad akong umiling sa kaniya. "No need na, Lexus. I need to talk to him personally and get these things done.
He slightly nodded. "Okay, if you say so. But, if you need help. Just call me, okay?"
Tumango ako sa kaniya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain saka pagkatapos ay naligo na. I only wear my sheath dress and pair it with flat sandals. Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na.
Pumara lang ako ng taxi at sumakay. Sa Avida Towers ako pupunta dahil naroon ang condo niya.
"Long time, no see, ma'am." Napiyok ako ng ilang beses nang batiin ako no'ng guard sa lobby.
"Matagal ka nang hindi nakakapunta, ma'am!" Saka ko lang napagtanto kung sino siya. Siya 'yong pumapayag na pumasok ako!
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo nga po, e. Pupuntahan. . ." Napatigil ako. Kung noon sinasabi kong asawa, ngayon. . . "Pupuntahan ko lang si Fereo."
Tumango siya sa akin. "Gano'n po ba, ma'am? Naku! Kailangan niyo talaga siyang puntahan. Gabi-gabi umuuwi siyang lasing. Minsan, natutulungan ko siya papunta sa condo niya."
Nanlaki ang mga mata ko. Why does it seems that I am affected? "M-may kasama ba siyang babae?"
Fvck it, Astra! Bakit mo pa 'yan tinatanong?!
Umiling siya. "Wala, ma'am. Pero, palagi niyang binabanggit 'yong pangalan mo na bumalik na na raw."
"Gano'n ba? Sige, manong. Salamat po. Pupuntahan ko lang siya." Ngumiti ako sa kaniya bago nagpaalam.
Sumakay na agad ako sa elevator at pumanhik sa seventh floor.
Habang pataas na ang bilang ng floor ay bumibilis ang pintig ng puso ko. Ganito ba talaga kapag makakaharap mo na ang taong ilang taon mong hindi nakita?
As I stepped out from the elevator, dumoble ang pintig nito. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto ng condo niya. I then pressed the doorbell.
Walang nagbukas sa pangatlong pindot ko. Kailangan ko na atang gamitin 'yong PIN card.
092819.
The day the both of us got married. I type slowly the numbers. Checked. Hindi niya pa rin pinapalitan 'yong PIN niya.
Pagkapasok ko ay madilim ang sala. Dahil malapit lang sa pinto ang switch, I turned it on.
Tumambad sa akin ang kalat ng mga bote ng alak sa sahig, mga damit niyang nakalagay sa kung saan ng condo niya.
Bakit napakakalat ng condo niya?
"Astra. . ." Napalingon ako ro'n sa tumatawag sa akin. Si Fereo na mukhang basag na basag at gusot ang suot. "You came back." Aakma siyang lalapit sa akin para yakapin ako.
"I love you so much, love. Bumalik ka na. . . I miss you so much, your kisses, your presence with me. Hmm, I fvcking miss you so crazy, love," seryoso niyang saad bago pinulot 'yong mga kalat sa sahig.
"I am sorry, napakakalat ng condo natin. Maglilinis ako, love. Dapat sinabi mong bumalik ka na-."
I cutted him. "Hindi ako pumunta rito para balikan ka." Nagiba agad ang expression ng mukha niya.
"I am here to get an annulment with you," matigas kong saad sa kaniya. Ang kaninang masaya niyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya.
"Love naman, don't do this to me. I love you so damn much. I can't. . . I can't lose you, love. Please, let's fix this, hmm?" Halos lumuhod na siya para magmakaawa.
"It's too late, Fereo. I don't want to get any connections with you anymore."
"Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Did you already fell inlove with someone?" he asked me. Hindi na nga ba?
"We will get annulment whether I still do or not," tanging sagot ko sa kaniya.
He then started to burst his tears out. "Bakit hindi mo magawang sagutin 'yon? Mahal mo pa ba ako? Kasi ako? Sobrang mahal na mahal kita, Astra."
"Isipin mo lahat ng gusto mo, Fereo. Nothing could change my mind." I was about to turn back, but I stopped when he bragged out words.
"That was just one mistake, Astra."
"A mistake that will ruin everything. A mistake that could the trust," I corrected. Once a mistake, always a mistake.
He then started to burst out his tears. "If you would give me a second chance, I would gladly do everything, love."
I opened my bag and brought out the small red box where I put the ring. "Unfortunately, I won't do." I opened his fist at mismong inilagay ang singsing.
"Don't do this to me, love. I will crash into pieces. I can't lose you, love," he begged me. "Promise, I'll change everything in me for you."
"Do it for yourself. Let's depart our hearts, Fereo. . ." Huling salita ko bago tuluyang lumabas sa condo niya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at diretsong pumara ng taxi. Hindi ako nakapagpigil at nailabas lahat ng sakit sa puso ko.
I cupped my face and let out all of my emotions. Napatigil ako nang magsalita 'yong driver.
"Iiyak mo lang 'yan, Ma'am. Ganiyan din 'yong ginawa ng isa kong pasahero noon at grabe 'yong iyak niya rito sa loob ng taxi ko."
Iyon lang ang tanging sabi niya nang bumaba ako sa taxi. I thanked him and get inside the house.
Nang makarating ako sa bahay ni Lexus ay agad kong binura 'yong mga luha sa mukha ko. Bumungad agad siya sa akin nang makita niya akong papasok.
"Did it went well?" He automatically interrogated.
I nodded at him. "Yes, I'll be searching for my lawyer first, then we'll do the psychological test," sagot ko sa kaniya bago tinanggap 'yong tubig na ibinigay niya saka ininom.
"I guess the both of you are really departing hearts. . ."