Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > Between Lust and Love- TAGALOG (*)
Between Lust and Love- TAGALOG (*)

Between Lust and Love- TAGALOG (*)

Author: : Jewiljen
Genre: Romance
Dahil sa kagustuhang maipagamot ang ina pagkatapos nitong ma-stroke ay napilitan siyang tanggapin ang offer na sumayaw sa isang kliyente na si Mr. MC. Isa siyang private sexy dancer ng lalaking hindi man lang niya nasisilayan ang mukha. Kailangan niyang painitin ang gabi nito sa pamamagitan lang ng sayaw. Just watch, no touch, kumbaga. Nang makilala na niya ang katauhan nito ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Makakaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa taong binabayaran ka lang dahil sa katawan mo? Paano kung ang kasunduan ninyo ay magtatapos kapag bumalik na ang babaeng pakakasalan sana nito?

Chapter 1 KABANATA 1

Suot niya ay pulang bra na sinusubukang takpan ang kabuuan ng mga malulusog niyang dibdib. Halos kalahati lang ng mga dibdib nya ang nakayang takpan nu'n. Isang sexy lace panty na pula din ang tanging suot niya sa ibaba. Sumasabay ang kembot niya sa nakakaakit na tugtog. Ilang beses din niyang pinag-aralan ang pagsayaw na parang nang-aakit.

Nasa harap niya ang isang lalaking nakaupo habang pinapanood siyang sumasayaw. Hindi niya makita ang hitsura nito dahil nakasuot ito ng masquerade mask. Lagi rin nitong suot ang sweatshirt na may malaking print ng Bugs Bunny sa gitna. Sa porma ng pangangatawan nito, tantiya niya ay nasa early thirties na ang lalaki. Gaya ng dati ay wala itong kakilos-kilos habang pinapanood siya.

Tumalikod siya sa lalaki. Pumunta sa likod niya ang dalawang kamay para tanggalin ang hook ng bra. Nang matanggal iyon ay itinaas niya ang isang kamay na may hawak ng bra niya at iniikot-ikot iyon sa ere saka itinapon sa tabi.

Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki habang nakatakip ang dalawang braso sa nakawalang mga dibdib. Nakita niya nang mapalunok ito at umayos ng upo. Pumunta sa baba nito ang isang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Tanging ang mga mata lang nito ang nakikita niya.

Ang trabaho niya ay akitin at paligayahin ito sa pamamagitan ng pagsasayaw. Hindi naman siya obligadong ipakita ang hubad na katawan dito pero kailangan lang niyang kilitiin ang imahinasyon ng nag-iisang kliyente niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at humiga sa mistulang stage niya habang hindi inaalis ang mga braso sa dibdib. Ibinuka niya ang mga hita nang makahiga, sapat upang masilip nito konti ang langit na nakatago doon. Tumigil na ang tugtog, hudyat iyon na tapos na ang trabaho niya sa gabing iyon.

Agad na kinuha niya ang nakahanda niyang takip sa katawan na nasa gilid niya at itinakip iyon sa mga dibdib saka bumangon. Hindi na niya tinitingnan ang lalaki at dumiretso na siya ng alis doon. Duming-dumi ang pakiramdam niya sa sarili sa tuwing natatapos siya sa pagsasayaw. Limang buwan na niyang ginagawa iyon. Iisa lang din naman ang nagiging customer niya.

Siya si Samantha Custodio, twenty-four years old. Disi-otso anyos siya nang mamasukan bilang waitress sa isang bar na pag-aari ng kinakasama ng among bakla na si Bryce na mas kilala sa pangalan na Diva. Ito ang nagbigay ng trabaho sa kanya nang layasan nilang mag-ina ang amain nya. Tinangka siyang gahasain ng kinakasama ng ina niya kaya't sinaksak ito ng ina niya sa tagiliran. Wala na siyang alam kung ano ang nangyari sa amain pagkatapos nu'n. Napadpad sila sa Maynila galing Olongapo. Tumakas na sila bago pa hulihin ang inay niya.

Dating nagbebenta ng aliw ang ina nya sa Olongapo. Nabuntis ito ng isang customer nitong Amerikano at siya nga ang naging bunga. Hindi niya nakilala ang ama dahil isang beses lang daw naman itong nakasiping ng ina niya. Alam ng ina niya na ito ang ama niya dahil ito lang ang customer nito na Amerikano sa buwang iyon. Sabi nito ay kamukha niya ang ama niya. Matangos ang ilong niya at may mahahaba siyang pilikmata. Lagi nga siyang binabansagang manika sa school nila dati dahil magandang-maganda ang mukha niya. Wavy ang buhok niyang hanggang balikat na blonde. Natural na ganu'n ang kulay ng buhok niya. Tumigil ang ina nya sa pagbebenta ng katawan nang mabuntis ito. Nagkasya na lang itong maging tindera sa isang malaking tindahan sa palengke habang ipinagbubuntis siya.

Sampung taon siya nang magdala ng lalaki ang ina sa bahay nila at ipinakilala itong magiging ama niya. Hindi na maganda ang kutob niya sa lalaking iyon pero hindi siya umimik. Naging good provider naman ang lalaki sa kanilang mag-ina pero hindi lang iisang beses nitong hinahawakan ang braso at kamay niya nang may malisya. Hindi niya iyon sinabi sa ina dahil nakita niyang masayang-masaya ito sa piling ng lalaki. Siya na ang kusang umiwas sa amain para walang gulo. Pinag-aral siya ng amain at lagi ay espesyal ang pakikitungo nito sa kanya na inakala naman ng ina niya ay pagmamahal ng isang ama para sa isang anak lang.

Nang tumuntong siya ng disi-otso ay lagi na siya nitong nireregaluhan ng kung anu-ano. Ibinabalik niya ang mga bigay nito at sa tuwing gagawin niya iyon ay nagagalit ang amain niya. Isang gabi nang minsang wala ang inay niya ay naging mapangahas ang lalaki. Hinila siya nito sa kwarto habang wala pa ang inay niya.

Mabuti na lang at nasipa niya ito sa gitna ng mga hita kaya't napatakbo siya sa may kusina pero mas lalo itong naulol sa galit. Hinihila nito ang buhok niya para ipasok uli sa loob ng kwarto. Naabutan sila ng ina niya sa ganoong sitwasyon. Pilit nitong tinatanggal ang kamay ng kinakasama sa buhok niya pero itinulak lang ito ng lalaki na ikinasalya ng ina niya sa sahig.

Nagulat na lang siya nang biglang lumapit uli ang ina at inundayan ng saksak sa tagiliran ang lalaki. Nabitiwan ng amain niya ang buhok niya at napasigaw ito sa sakit. Nakita pa niya nang umagos ang dugo sa tagiliran nito. Mabilis na hinila na siya ng ina at hindi na sila nakapagdala pa ng mga gamit. Kinuha lang ng ina niya ang pera sa pitaka ng lalaki at nagmamadali na silang umalis.

Napadpad sila sa Manila na walang ibang bitbit kundi sarili nila. Nakita sila ni Diva na nakaupo sa may luneta na parehong tulala. Binigyan sila nito ng pagkain at ininterbyu. Sinabi naman ng ina niya ang buong kwento rito. Mabuti na lang daw at naghahanap ito at ang boyfriend nito ng katulong kaya't inalok nito ang ina nya na mamasukan sa mga ito. Agad na pumayag sila at tumutulong na rin siya sa ina para sa libreng pagtira sa bahay ng magkasintahan.

Malaki ang bahay ng dalawang lalaki. Kahit bakla si Diva ay hindi naman ito nagdadamit pambabae. Mukhang lalaki pa rin ito pero pumipilantik ang mga daliri. Malumanay na malumanay din ang boses nito kaya't halatang hindi ito straight na lalaki.

Hindi nagtagal ay ipinasok siya nito bilang waitress sa bar na pag-aari ng boyfriend nito. Maraming mga sexy dancers ang nagsasayaw sa entablado at napag-alaman nyang ang iba du'n ay sumasama sa mga customers sa labas. Kagustuhan na ng mga babae ang pagsama sa labas. Hindi na iyon kasama sa trabaho nila bilang dancers ng bar. Ang mga customers ng bar ay halatang mayayaman. Exclusive lang kasi ang bar na iyon sa mga members na alam niyang mahal ang membership every year.

Hindi siya pinapasuot ng sexy na damit ni Diva. Sa katunayan ay siya lang na waitress ang balot na balot. Naka-long sleeves siya at pantalon habang iyong ibang waitresses ay kita na halos ang kaluluwa. Edukado ang mga members ng bar na iyon at walang nagtangkang hawakan siya. May mga nag-aalok sa kanya ng isang gabi sa piling ng mga ito at malaki ang kabayaran pero tumatanggi lang siya. May mga nanliligaw at nagpapahaging din sa kanya na mga byudo o mga matatandang binata. Inaalok pa nga siya ng kasal.

Malaki ang bahay ng magnobyo at dalawa ang katulong ng mga ito kasali na ang inay niya. Sa umaga ay natutulog siya dahil panggabi ang trabaho niya bilang waitress. Hindi niya inaasahan na isang araw ay isusugod nila ang ina sa ospital. Nagka-mild stroke ito. Si Diva ang nagbayad sa ospital hanggang sa mailabas ang ina. Hindi na pwdeng magkikikilos ang ina nya kaya't lagi na lang itong nasa kama.

Magmula noon ay ayaw na nyang tanggapin ang sahod na ibinibigay ng magnobyo sa kanya bilang waitress dahil alam niyang malaki pa ang pagkakautang niya sa mga ito. Ang pinuproblema pa niya ay kailangan niyang hanapan ng physical therapist ang ina para hindi ito tuluyang maparalisa dahil kalahati ng katawan nito ang hindi pa rin nito maigagalaw.

Minsan ay kinausap siya ng masinsinan ni Diva. Alam niyang parang pabigat na sila sa mga ito pero wala siyang naririnig na kahit ano sa baklang kumupkop sa kanila.

" Sam, huwag mo sanang masamain ang alok ko sa iyo. Alam ko'ng kailangan mo ng pera para sa tuluyang paggaling ng ina mo. May lumapit kasi sa aking isang customer at handa siyang magbayad ng thirty thousand every week para sa isang oras lang na pagsasayaw mo gabi-gabi. Hindi mo kailangang ibigay ang katawan mo sa kanya. Ang gusto niya lang ay sumayaw ka sa harap niya. Hindi mo rin kailangang maghubad. Kailangan mo lang siyang akitin sa pamamagitan ng sayaw," mahabang paliwanag nito.

" H-ho? H-hindi ko kayang gawin iyon," mabilis na tanggi niya.

" Alam ko at hindi kita pipilitin. Ang sa akin lang ay kung gusto mo talagang mapagamot ang nanay mo ay ito na ang sagot. Hindi mo ibebenta ang katawan mo. Sasayaw ka lang. Huwag ka munang mag-decide ngayon. Pag-isipan mong mabuti," nakangiting sabi ni Diva at hinawakan pa siya sa balikat.

Pumasok siya sa kwarto nilang mag-ina habang iniisip ang sinabi ni Diva. Napatitig siya sa ina nya. Nagising ito at iniangat nito ang isang kamay nang makita siya. Hirap na hirap ito sa simpleng kilos na iyon.

" S-sa-mmm...maaan..tha..." kahit sa pagtawag ng pangalan niya ay hirap din ito dahil nakangiwi na ang bibig nito pgkatapos nitong ma-stroke. Sabi ng doktor ay mababalik pa raw iyon sa normal kapag naagapan.

Mabilis na lumapit siya sa ina. Itinuro nito ang tubig sa mesang nasa tabi ng higaan. Kinuha niya ang basong may laman ng tubig. Inalalayan muna niya ang ina na makabangon para makainom ito ng tubig. May nabubuhos pang konting tubig sa gilid ng bibig nito dahil hindi nito maibuka nang maayos ang bunganga. Gusto nyang maiyak sa sitwasyon ng ina pero pinipigilan lang niya dahil ayaw nyang makita siya ng ina na ganu'n. Kailangan nya ring patatagin ang loob ng inay niya. Kung aasa siya sa sahod niya bilang waitress ay malamang na hindi nya talaga maipapagamot ang ina kahit ilang taon pa niyang pag-ipunan iyon. Pwera na lang kung papayag siyang lumabas kasama ang mga customers at ibigay ang sarili. Nangilabot siya sa naisip.

Naalala niya uli ang sinabi ni Diva. Kikita siya ng thirty thousand kada linggo para sa isang oras lang na pagsasayaw gabi-gabi. Hindi pa niya kailangang ibigay ang katawan. Hanggang tingin lang daw ang gagawin ng customer na kumausap sa baklang amo. Natipuhan daw siya ng lalaki nang makita siya isang gabi sa bar. Hindi raw ito exclusive customer ng bar. Isinama lang daw ito isang gabi ng kaibigan at tyempo namang nakita raw siya nito.

Inihiga niya uli ang ina nang mapainom ito ng tubig. Nakita niyang pumikit ito agad para matulog uli. Naaawa na siya sa kalagayan ng ina kaya't napagpasyahan niyang tanggapin ang alok ng kliyente.

Chapter 2 KABANATA 2

Alas dose ng gabi ang schedule ng pagsasayaw niya gabi-gabi. Sinusundo siya ng taxi sa mismong bahay ng baklang among tinutuluyan nilang mag-ina. Ala-una siya laging natatapos at hinahatid din siya ng taxi uli pauwi ng bahay. Ang kliyente niya ang laging nagpapatawag ng taxi na maghahatid-sundo sa kanya gabi-gabi.

Sa isang condo na malapit lang sa kanila ang laging pinagdadalhan sa kanya ng taxi. Sa limang buwang pagsasayaw niya rito ay hindi pa niya nakita ang pagmumukha nito. Ang inaasahan niya talaga ay isang matandang lalaki na may malaking tiyan ang magiging private client niya. Sa postura ng lalaki ay halatang inaalagaan nito ang pangangatawan. Ni hindi niya alam ang pangalan nito, lagi lang itong tinatawag ni Diva na Mr. MC.

Hindi rin sila nagkakausap kahit kailan. Ang trabaho niya lang talaga ay sayawan ito at pagkatapos ay umaalis na ito agad at hahayaan na siyang magbihis sa kwartong may nakahandang munting stage para sa pagsasayaw niya. Walang kama sa kwartong iyon. Tingin niya ay pinasadya pa talaga ng lalaki ang kwartong iyon para magkaroon siya ng munting entablado na pagsasayawan niya.

Hindi niya pinagsisihan ang desisyon dahil malaking tulong talaga ang perang kinikita niya sa pagsasayaw lang dito. Nakakakuha na siya ng physical therapist ng inay niya. Sa susunod na linggo rin ay lilipat na sila sa sarili nilang matutuluyan dahil nahihiya na siya kay Diva at sa partner nitong si Jeremy. Tumanggi pa ito nang magpaalam siyang lilipat na sila ng ina niya pero naiintindihan nito ang desisyon niya.

Nakalipat nga sila ng ina niya sa isang maliit na bahay na nirerentahan lang din nila. May dalawang kwarto iyon at maliit na sala at kusina. Ang physical therapist na babaeng kinuha niya ay pumupunta sa bahay nila ng alas otso ng umaga at umuuwi ng alas singko ng hapon. Tahimik naman ang lugar na iyon kaya't hindi siya masyadong nag-aalala kapag naiiwan niya ang ina nang mahigit isang oras kapag sumasayaw siya kay Mr. MC. Nakita niya ang malaking improvement sa mga kilos ng ina mula nang kumuha siya ng professional na tulong para rito.

Tuwing Sabado ay pumupunta siya ng Mall para bumili ng mga kakailanganin nila sa bahay. Routine na niya iyon. Kabaliktaran naman ang mga suot niya kapag hindi siya nagsasayaw. Lagi na ay balot ang katawan niya. Paborito niyang suot ay ang mahabang damit na hanggang sakong-sakong niya. Alam niyang mukhang manang ang mga damit niya pero hindi pa rin no'n naitatago ang angkin niyang ganda kaya't marami pa rin ang napapalingon sa kanya kahit mukhang pangmatanda ang mga suot nya.

Kasalukuyan niyang bitbit ang limang packs ng sanitary napkin.Papunta sana siya malapit sa cashier para kumuha ng trolley basket na mapaglalagyan ng mga bibilhin niya nang biglang may bumangga sa kanya. Nabitawan niya ang mga bitbit kaya't agad siyang yumuko para pulutin ang mga iyon.

" Oh! I'm sorry, Miss," hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya. Yumuko rin ito para tulungan siya sa pagpulot.

Namumula ang mukhang kinuha niya ang inabot nitong napkin.

"Okay lang. Salamat," sagot niya na hindi tumitingin dito.

" Ahm, Miss, tulungan na muna kitang bitbitin iyan baka mahulog mo uli," alok ng lalaki.

Bumaling na siya rito para tanggihan ito. Nakita niya na parang natigilan ang lalaki na napatitig sa mukha niya. Napatitig din siya sa gwapong mukha nito. Tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila.

" Kaya ko na ito," sagot niya nang hindi na nagsalita pa ang lalaki.

" No, I insist," sagot nito at kinuha nga ang ibang dala niya at sinamahan siya sa pagkuha ng trolley basket.

" Salamat," nakangiting bumaling na uli siya rito nang mailagay ang bitbit niya kanina sa loob ng basket.

Ngumiti ang lalaki at mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya.

" I'm Red, by the way," pagpapakilala nito na inabot pa ang kamay sa kanya.

" Sam. Samantha," matipid na sagot niya at nakipagkamay din dito.

Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa kamay niya bago iyon bitawan.

" Can I ask for your number?" ngumiti pa ito na parang nagpapa-cute sa kanya.

Matagal na pinagmamasdan niya lang ang nakangiting mukha nito. Nagdadalawang isip siya pero sa tingin naman niya ay mukha itong mabait kaya't pumayag na rin siya. Ibinigay nito ang phone nito sa kanya para ma-save niya ang number niya roon. Nakangiting kinuha nito ang phone nang ibalik niya.

" Okay, I'm going to save it and put your name as Nap," nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

" Nap?" nagtatakang tanong niya.

" Short for napkin. Kung hindi pa dahil sa mga bitbit mong iyan ay baka hindi pa kita nakilala," nakatawang sabi nito.

" Hoy, ang bantot naman pakinggan," nakatawa na ring sabi niya.

" No, it's cute," sumeryoso nang sabi nito.

Napatingin ito sa relo nito saka tumingin sa kanya.

" Oh, no! Malalagot ako nito kay Kuya. I'm going to call you later, if it's okay? Aalis na muna ako dahil baka namuti na ang mga mata ng bossy kong kapatid," tumawa pa ito pagkasabi no'n.

" Okay," kiming ngumiti na rin siya sa lalaki.

Tumalikod ito pero humarap uli.

" Nice meeting you, Nap," nanunukso ang mga matang sabi nito saka nagmamadali nang tumalikod at umalis.

Napapailing na nangingiti na rin siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki.

Tumawag nga ito kinagabihan bandang alas diyes ng gabi. Palabiro ito kaya't masaya itong kausap. Hindi niya tuloy namamalayan na malapit nang mag-alas onse. Kailangan niyang maghanda para sa trabaho niya kay Mr. MC.

" Red, tawag ka na lang uli bukas may gagawin pa kasi ako," napipilitang paalam niya rito.

" What are you going to do at this hour?" tanong nito.

" Ahm, kailangan ko pa kasing asikasuhin ang inay ko. Na-mild stroke kasi siya," sabi niya lang dito dahil tinitingnan niya naman talaga ang ina bago siya maligo at bago siya sunduin ng taxi.

" Oh, I'm sorry to hear about your Mom. Okay, good night then."

" Thank you. Bye, Red. Good night," agad na ibinaba niya ang phone.

Dumiretso siya sa kwarto ng ina at inayos ang kumot nito. Mahimbing na itong natutulog. Mabilis na naligo siya at nagbihis. Lumalabas siya lagi na naka-jacket at pantalon. Dinadala lang niya ang damit na susuotin niya sa pagsasayaw. Ang mga sexy na damit at underwear na sinusuot niya ay bigay lahat ni Diva.

Chapter 3 KABANATA 3

Bago pa man dumating ang taxi ay naka-ready na siya. Muli ay hinatid siya ng driver sa isang condo. Nasa 10th floor ang kwartong pinupuntahan niya gabi-gabi. May susi na siya ng kwarto at lagi ay wala ang lalaki doon pagdating niya dahil hinihintay lang nitong patunugin niya ang phone nito para ipaalam na handa na siya at saka lang ito pumapasok.

Nagbihis siya sa banyo ng kwarto. Isang manipis na nighties ang susuotin niya nang gabing iyon. Request nito iyon. Madalas din kasi siya nitong binibigyan ng mga susuotin niya sa pagsasayaw. Ang nighties na susuotin niya nang gabing iyon ay binigay nito kagabi pagkatapos ng trabaho niya. Pinapadalhan siya nito ng text sa mga requests nito. Never pa niya talagang narinig ang boses ng kliyente niyang ito.

Nag-text ito na huwag siyang magsuot ng bra. Kahit naiilang ay sinunod niya ang kahilingan ng kliyente. Ang underwear naman na ipapasuot sa kanya ay T-back na itim. Manipis na manipis ang tela ng puting nighties kaya't alam niyang maaaninag ang mga dibdib nyang walang bra na nakatakip.

Brand new ang mga ibinibigay nito sa kanya at lagi ay mamahalin at sikat na brand. Ayaw nitong maglagay siya ng make up kaya't tanging lipsick lang ang kolorete niya sa mukha. Pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Kahit sino'ng lalaki nga ay maaakit sa inosenteng mukha niyang iyon. Tayong-tayo ang mga malulusog na dibdib niya na bakat na bakat ang nipples sa suot.

Ang undies niya naman ay halos iyong hiwa na lang ng hiyas niya ang tinatakpan. Dahil hindi niya naman nakikita talaga ang mukha at reaksiyon ng kliyente ay hindi na siya gaano'ng nahihiya. Noong una ay halos ayaw niyang lumabas ng banyo kapag suot niya ang mga ganoong damit pero sa limang buwan na lagi nang gano'n ang ginagawa niya ay nasasanay na rin siya.

Lumabas na agad siya ng banyo. Nagulat pa siya dahil hindi pa man niya pinindot ang number ng phone nito ay ando'n na ito sa upuan at nakaupo. Halatang hinihintay na siya. Suot uli nito ang mask at isang sweatshirt na may Bugs Bunny. Hindi niya alam kung ilan ang sweatshirts nito na gano'n ang design pero pare-pareho ang mukha no'n at kulay lang ang nag-iiba. Nakita niyang may hawak na isang baso ito na may lamang alak.

Napalunok pa siya nang pumunta sa harap nito. Pwede rin siyang mag-pole dancing sa stage na iyon kapag gugustuhin niya. Makailang ulit na rin niyang sinubukan iyon. Bigla ay nagsimula na ang tugtog na sasayawin nya. Ito lagi ang namimili no'n.

Sinimulan na rin niyang igalaw ang beywang nang dahan-dahan. Hindi niya inaalis ang tingin dito. Iyon ang natutunan niya sa ibang dancers ng bar. Mas gusto raw ng mga lalaki ang eye to eye contact kapag inaakit mo ang mga ito. Habang gumigiling sa nakakakiliting tugtugin ay nararamdaman din niya ang pag-alog ng mga dibdib niya. Sinisimsim ng lalaki ang alak sa baso habang nakatitig sa kanya.

Dumako ang kamay niya sa leeg niya habang tumitingala. Inaawang pa niya ang mga labi habang naglalakbay ang mga kamay sa katawan niya. Maingat na dinakma niya ang dalawang dibdib at pinisil-pisil ang mga iyon. Sinabayan niya iyon ng ungol.

Payo ni Diva ay kailangan din niya ng mga paungol effect para ganahan ang kliyente niya. Nilalamas niya ang malalambot na dibdib habang nilalakasan ang ungol.

Dumilat siya at nakita nga niya na parang hindi mapakali ang lalaki sa kinauupuan nito. Ibig sabihin no'n ay tinatablan na ito sa sayaw niya. Tinukso pa niya ito lalo. Lumapit siya sa pole at idinikit ang parang tumitibok-tibok na hiyas sa gitna ng mga hita niya. Hindi niya alam pero parang nagsisimula na ring bumasa ang parteng iyon sa ginagawa niya. Humawak siya sa pole at ikinikiskis ang sarili lalo na ang ibabang bahagi ng katawan sa malamig na pole. Para siyang nakikipagtalik do'n.

Tinungga ng lalaki ang lahat ng laman ng baso at inilagay iyon sa mesa sa gilid nito. Ang isang daliri nito ay nasa labi na nito at humahawak-hawak do'n habang nakatitig sa ginagawa nya. Bigla siyang tumalikod at tumuwad at hinihimas ang binti niya paitaas sa dalawang hita. Alam niyang kitang-kita nito ang maumbok nyang puwet na hindi kayang takpan ng T-back na suot.

Umupo siya sa sahig at ini-imagine na ang lalaki ang inuupuan niya gaya ng mga nakikita niya sa maiinit na palabas. Pinilit niya talagang manood no'n nang tanggapin niya ang trabahong iyon. Iniangat niya ang balakang habang nakahawak sa sahig ang dalawang kamay. Naisip niyang mas maganda yata na nakaharap siya sa lalaki kapag gagawin iyon kaya't tumayo siya uli at saka dahan-dahang umupo sa sahig.

Iniisip niyang katawan nito ang inuupuan niya. Humawak na uli siya sa sahig habang nakaangat ang balakang. Maya-maya ay gumagalaw na ang katawan niya na para bang may nakapasok sa loob niya. Kinakagat niya ang pang-ibabang labi habang nakapikit at gumiling-giling nang dahan-dahan.

" Ungghhh...Ohhhh..." sinasabayan niya rin ng ungol ang bawat galaw niya.

Binabasa na niya ng laway ang parang nanunuyong mga labi. Ramdam niya ang pag-iinit ng katawan.

" Damn!"

Napadilat siya nang marinig ang mahina pero marahas na boses ng kliyente. Iyon ang unang beses na narinig niya ang boses nito. Paos na paos ang dating no'n sa pandinig niya. Nakita niyang nakaupo pa rin ito. Itinuloy niya ang pagsasayaw. Bigla siyang humiga sa sahig.

Nakaangat ang dalawang hita niya. Muli ay pinaglakbay niya ang mga kamay sa katawan. Nilalamas niya uli ang mga dibdib. Sarap na sarap siya habang ginagawa niya iyon kaya't kusa nang humuhulagpos ang mga halinghing sa bibig niya. Naging mas mapangahas siya at bumaba ang kamay niya sa bandang tiyan. Never pa niyang ginawa ang gagawin niya sa loob ng limang buwan niyang pagsasayaw sa harap nito. Baka darang na darang na siya kaya't kusang dumausdos pababa ang isang kamay niya at sinalat ang pagkababae niya.

Awtomatikong napaangat ang katawan niya nang masalat ang namamasang pagkababae. Alam niya ang ibig sabihin no'n dahil laging tungkol sa sex ang pinag-uusapan ng mga dancers sa bar. Bumangon siya uli pero nanatiling nakaluhod sa sahig. Alam niyang parang nagliliyab ang mga mata niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harap niya. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng undies.

" Ungghhh... Ahhhh!" hindi niya mapigilang mapaungol nang hawakan ng daliri ang namamasang bukana ng hiyas niya. Mariing napapapikit pa ang mga mata niya sa ginagawa.

Napadilat uli siya nang biglang lumikha ng ingay ang upuan ng lalaki. Nakikita niyang parang hinihingal na ito sa kinauupuan. Para siyang nahimasmasan sa ginagawa kaya't tumayo siya uli at sumayaw.

Hinayaan niyang umalog-alog ang mga dibdib habang kumekembot ang beywang. Hind na niya tinangka pang hawakan ang nasa pagitan ng mga hita niya. Baka kasi ay hindi na niya mapigilan ang sarili at biglang ilabas-masok ang daliri sa loob ng kaselanan niya.

Nag-pole dancing na lang siya hanggang sa tuluyang tumigil ang tugtog. Isang oras kasi lagi ang non-stop music na pinapatugtog nito. Iyon ang nagsisilbi nilang timer.

Mabilis na umalis siya sa harapan ng lalaki. Nang makapasok siya ng banyo ay biglang tumunog ang phone niya. Binasa niya ang text na natanggap.

THAT WAS INTENSE! I JUST SENT A BONUS TO YOUR BANK ACCOUNT

MC

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa at agad na tiningnan ang account online. Nakita nga niya doon ang fifty thousand na nilagay nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga sandaling iyon. Nag-reply na lang din siya sa kliyente.

THANK YOU, MR. MC

Naghintay siya saglit kung may matatanggap uling reply galing dito pero wala na siyang natanggap. Nagbihis siya kaagad. Gagamitin niya ang pera para sa mga gamot ng ina at buwanang bayad sa PT nito.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022