Isa akong simpleng babae na nakatira sa Isla ng Siargao. Isang babae na kumakayod, lumalaban at gagawin ang lahat para ihaon ang pamilya sa kahirapan.
Pinapatos ang kahit anong trabaho. Mangisda man, mag limpisa, maging katulong, taga lako ng isda, at kahit ano pa. Basta ma ka kita ako ng pera pang tustos sa pang araw araw na gastosin namin.
Hindi naman kasi sapat ang kinikita ng magulang ko para suportahan ang pangangailangan namin lalo na ng nakakatandang kapatid kong lalaki. Ang kuya ko ay isang estudyanteng nag aaral sa medisina.
Gusto niya sana akong patigilin na sa pagta-trabaho, kahit na gustong-gusto ko ay hindi ko magawa. Ayaw kong isuko niya ang pangarap niya dahil lang sa akin. Alam ko naman kasing pagkatapos ng mga paghihirap ko, paghihirap ng kuya, masusuklian din ito sa huli.
Ako yung babaeng ginagawa ang lahat ng trabaho maka kita lang at hindi magutom ang pamilya. Yung babaeng nagparaya para sa kinabukasan ng buong pamilya ko.
Ako si Kleian Marie Fuentes. Sa lahat ng nagawa kong sakripisyo sa pamilya ko wala akong pinagsisihan.
Sa lahat ng pagod na nararamdaman ko, makita ko lang na ayos sila ay okay na ako. Ang sarap sarap kasi sa pakiramdam na makita mo ang pamilya mong nakaahon na sa kahirapan.
Sa lahat ng pagkakataon sila lang ang inisip ko, sila lang ang laman ng isip at puso ko. Pero nang dumating si Thomas. Lahat yun nagbago na.
Ang pagbabago na hindi ko inaasahan na magiging malaking epekto sakin. Pinaranas niya saakin ang iba-ibang saya at lungkot, sarap at pagod sa buhay.
Wala akong pinagsisihan na nakilala ko siya. Siya pa nga ang nagsilbing anghel sa buhay ko.
Ang pinagsisisihan ko lang ay kung bakit ako nahulog sa kanya. Kung bakit hindi ko mapigilan ang naramdaman ko.
Alam kong pag nagsabi ako, may mawawala sakin. Alam ko ang pagkatao niya, pero mahal ko parin siya. Ewan ko kung tanga ba ang tawag sa nagmamahal kahit nasasaktan na.
Pangalawang beses ko na tong nasaksihan pero ba't ganito ang nararamdaman ko? Nung una, wala lang to sakin. Nakangiti pa nga akong tinitignan siya na nakikipag-halikan sa ibang babaeng nakilala niya lang.
Tinitignan siyang nakikipaghalikan sa iba, Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Hindi ko na maintindihan, hindi ko alam kung tama pa ba 'to.
Lumabas na ako at di ko na nakayanan na masaksihan 'to. HIndi ko na rin napipigilan ang luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.
Lakad takbo ang ginawa ko habang pinupunasan ang luha ko. Medyo malayo na ako sa bar ng may biglang humila sa braso ko. Saktong natama ako sa dibdib niya.
Kitang kita ko ang nag-aalalang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang nag-aalalang ekspresyon niya. Bakit iba ang dating pag sakin? Para bang may iba.
O baka pakiramdam ko lang yun.
"Kley." Sabi niya habang hawak hawak parin ang braso ko. Tinabig ko yon at nagsimula ulit maglakad.
"Kleain!" Tawag niya sabay hablot ulit sa braso ko. Wala na akong magawa kaya umiyak na ako ng umiyak sa harap niya. Ako na ang naawa sa sarili ko.
"Kleain what's wrong? What happened? Who hurt you?Ha sino?" Sunod sunod na tanong niya, puro hikbi lang ang nasasagot ko. Hindi ko kayang mag salita.
Naririnig ko palang ang boses niya, nararamdaman ko lang ang haplos niya ng hihina na ako.
"Kleian, I'm worried." Hinihimas niya pa ang magkabilang balikat ko at minsan hinahawi ang buhok ko.
"Kleian naman magsalita ka, who hurt you?" Malumanay niyang tanong at sinilip pa ang mukha ko. Napatuwid ako ng tayo at nakayuko paring pinunasan ang luha ko.
"Yung taong...mahal ko." Sagot ko at tumingala na sa kanya sabay pahid ng luha ko.
"Tell me, who's that damn man! And he'll taste a sweet punch!" Aakma na siyang susugod ng hinila ko siya pabalik.
"Wag na, Tommy." Ani ko at nginitian siya ng tipid. May halong sakit at pait.
"No, I won't let anyone hurt you." Ani niya at hinawakan ang pisnge ko. Sana nga hindi mo ako hahayaang masaktan, Tommy.
At sana nga hindi ko hinayaang masaktan ang sarili ko.
Napatulo naman ang luha ko. Ninanamnam ang huling sandali na maramdaman ang hawak niya.
"Just tell me, who is that man. Promise suntok lang, hindi ko hahayang ganitohin ka Kley" Ani niya. Napatuwid ako ng tayo. Huminga ng malalim bago siya tignan ng nakangiti.
"Siya ay..
Napatigil rin siya at hinihintay ang sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko ulit siya tignan sa mata.
"Ikaw." Sabi ko sabay ngiti, mapait na ngiti habang tumutulo nanaman ang luha ko.
"Hindi ko alam kung bat ganon, kala ko sa mga teleserye lang to nangyayari. Hindi rin ako makapaniwala. Boss kita, personal assistant mo lang ako."
"Kleian.." napahawak siya sa baba niya at di makapaniwalang tinignan ako.
"Alam ko Tom, alam ko nagkamali ako. Sorry, Sorry, Sorry. Kaya hanggang maaga pa, kakalimutan ko na tong nararamdaman ko." Ani ko at pinakita sa kanya ang ngiti na nagsasabing kaya ko iyong gawin.
"Kleian, hindi tayo bagay.." sabi niya na mas lalong ikinadurog ng puso ko. Hindi ko alam kung ganon ba siya talaga ka Insensitive, o baka pinipigilan niya lang talaga ako sa nararamdaman kong to.
"Oo nga, hindi nga." Nilakasan ko ang loob kong ma sabi sa kanya yun, napatawa pa ako ng bahagya pero alam kong halata ang pait sa boses ko.
"Kley.." tinignan niya ako at aakmang hahawakan uli ang braso ko ng lumayo ako sa kanya ang hinarang ang dalawang kamay ko.
"Parang...Parang ako lang yung buhangin sa Paraiso mo." Dagdag ko at di ko na napigilang maiyak.
Sa katotohanang, ganon lang ako sa kanya. A sobrang sakit na. Pero ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko. Awat na, masakit na.
Dapat natuto akong lumugar, natuto akong dumistansya, natuto akong pigilan ang nararamdaman ko. Pero pag nasa harap mo talaga ang situation ay naduduwag ka. Hindi mo na mapipigilan.
Yung tipong nilulunok mo nalang talaga ang lahat ng sinabi mo. Yung hanggang salita ka lang pala, pero hindi mo kayang gawin.
May swerte at malas talaga sa pag-ibig, sa dalawang 'yon ako ang malas. Ganito pala talaga no pag hindi mo na kayang itago ang nararamdaman mo.
Noon naartehan ako sa mga nag ku-kwento sa akin tungkol sa buhay pag-ibig nila, hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang pakiramdam.
Bakit ba ang daming naduduwag at natatanga sa pag-ibig?
Pagkatapos non, hindi ko inaasahan na may mangyayari ulit na ikakadurog ko ng husto. Ano bang nagawa ko at nahihirapan ako ng ganito?
Kumaripas ako ng takbo papunta sa hospital...
Tatay...
â€"â€"â€"â€"
Author's note:
Hi! This story is made up of author's imagination. Any similarities to real life situations is just purely coincidence. Names, places, events etcetera are purely made up of author's imagination.
There are some typographical errors and grammatical errors. Kaya pasensya na po hehe
i love you, (f) Yuni R. Hemwe<3
*NO TO PLAGIARISM*
THANK YOU!

Masaya akong naglalakad sa palengke habang pumipili ng mga kasangkapan para sa iluluto namin ni nanay.
Balak naming mag ginisang gulay lamang at ginamos. Kahit na simple lamang ang ulam namin di talaga maiwasang matatakam ka. Lalo na pag may ginamos kung tawagin nila.
Pinanganak ako sa Isla ng Siargao. Isang simpleng manininda ang nanay ko ng banana cue habang ang ama ko ay hardinero sa isang hacienda dito ng mga Castillo.
Habang ako mag dadalawang taon ng naninilbihan sa mansyon ng mga Castillo. Nagpa-parttime ako para ipangtustus sa pag-aaral ko, pero nitong nakaraan ay tumigil muna ako sa pag-aaral dahil kapos kami at walang sapat na pera para tustusan ang pag-aaral ko.
Kapatid ko naman ay isa ring part-timer sa isang fast food chain sa Laguna. Doon na siya pinaaral para kahit papano ay may makasama ang tiyahin kong si Nanang Amor.
Mag kokolehiyo na ang aking kapatid kaya't nagparaya muna ako, mag do-doctor siya. Kahit na magastos ay pinagsumikapan naming makahanap ng pera para sa pagpapa-aral sa kanya.
Nangingisda ako sa madaling araw. Pagkatapos mangisda ay de-diretso ako sa mansyon ng mga Castillo upang manilbihan. Isa ako sa pinagkakatiwalaan ng mga Castillo.
Minsan rin pag walang araw ng trabaho ay sinasamahan ko si Nanay na maglako ng banana cue. Isa si Nanay sa pinagkakaguluhan ng mamimili dahil sa sarap ng kanyang banana cue or sa bisaya man ay maruya.
Kahit na hindi na ako nag-aaral ngayon dahil nga sa kakulangan ng pera, hindi ako nagalit saking kapatid. Ako rin naman kasi ang kusang nag suhestiyon na titigil muna. Naiintindihan ko ang estado ng buhay namin, kaya ganoon nalang ang aking naging desisyon.
"Hi te, mayng buntag! Papalita kog isa ka bugkos na batong." Sabi ko tsaka inabot naman ito sakin ng matanda tsaka ako nagbayad.
Ito nalang ang kakailanganin ko matapos kong mabili ang ibang kasangkapan, kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Malapit lapit lamang ang bahay namin sa palengke kaya naglakad nalang ako.
"Uy, Kley! Saan ka galing? Namalengke?" biglang sulpot ni Miko sa gilid ko. Simpleng t-shirt lamang ang kanyang suot iyong may butas sa magkabilang gilid tsaka maong na shorts.
Habang ako ay isang simpleng blouse at mataas na palda.
"Ah oo, ikaw ba?" Pabalik na tanong ko naman, nag presinta siyang magdala sa hawak ko kahit dalawang cellophane lamang iyon ay magagaan naman. Sa huli ay hinayaan ko nalang siya.
"Galing ako nangisda, sinamahan ko si itay. Nangisda ka ba kanina?" Tanong niya naman sakin. Kitang kita sa ekspresyon na nag-aalala siya.
"Eh tinatanong pa ba iyan, syempre. Araw-araw akong nangingisda." Sagot ko naman, nasa bahay na kami kaya pinatuloy ko rin si Miko bago ko nilapag sa mesa ang mga cellophane at Isa isa itong hinugasan.
Ang bahay namin ay simple lamang na gawa sa kahoy, kahit papano pag may kalamidad ay hindi ito natitibag.
"Gusto mo ba ako nalang nangingisda para sayo, tapos benta narin natin. Kahit wala akong porsiyento, okay lang." Ani niya naman kaya napalingon ako sakanya habang iniisa parin ang gulay at nililinisan.
"Pwede ba iyon? Masasayang lamang ang paghihirap mo tapos wala ka namang mapapala." Sagot ko at ng matapos ng maghugas ng gulay ay hiniwa-hiwa ko na ito.
"Hindi maganda para saiyo ang magtrabaho ng madaling araw, tapos nangingisda pa. Isa ka paring babae." Aniya at tinulungan akong maghiwa ng gulay.
"Kaya ko naman Miko, tsaka ayos lang naman ako. Hanggang kaya ko ang ginagawa ko, hindi ako aasa sa iba." Sagot ko sakanya at hinanda na ang paglulutuan ko bago lagyan ng mantika.
Napaharap kami sa pinto ng maabutan namin si Nanay na may hawak ng box sa banana cue na wala ng laman. Sinalubong niya kami ng ngiti.
"Uy Miko, andito ka pala." Baling ni Nanay ng makita niya si Miko.
"Ah opo, nakita ko kasi si Kleian kanina kaya sinabayan ko na po pauwi...mano po." Paliwanag niya tsaka lumapit kay Nanay. Nakangiti naman nitong nilahad ang kamay niya upang makapag-mano si Miko.
Lumapit naman ako kay Nanay para makapag-mano narin tsaka kinuha ang dala niyang box upang ilapag iyon sa hugasan.
"Dito ka nalang rin mananghalian Miko, murag lami ning giluto ni Kley." Sabi naman ni Nanay tsaka nilapitan ako at inakbayan habang naghahalo ako sa niluluto kong ginisang gulay.
"May luto ba akong hindi masarap?" Kunware'y tanong ko sakanila. Ngumiti sila sa akin.
"Puros napakasarap anak, masarap na masarap." Ito namang Nanay ko oh, masyadong pinapalaki ulo ko.
Nagke-kwentuhan lang kami habang nag gigisa ako, ilang minuto lang a nilapag ko na ito sa mesa pati ang kanin. Medyo hindi ako nakapaghanda ng kanin kasi naman biglaan ang pagsabay samin ni Miko.
Mga dalawang kutsara lamang ng kanin ang aking sinandok, ilang sandali lang ay dumating na si Tatay. Binati namin siya at maghugas siya ng kamay bago kami sinabayan sa hapag.
Hindi mawawala ang pasasalamat namin sa poong maykapal sa pagbigay saamin ng makakain, ito ang tradisyon naming hindi namin makakaligtaan.
"Kamusta ang trabaho tay?" Pangungumusta ko naman habang kinakamay ang kinakain ko at isang paa ay nasa upuan nakapatong na sinasaldalan ng siko ko.
"Nakakapagod pero ayos lang iyon, kalahating araw lang naman ako ngayon sa hacienda. Ngayong hapon sasama ko kela Arturo para pumalaot." Aniya.
"Ako nalang po sasama kela angkol , kailangan niyo pong magpahinga." Suhestiyon ko naman at inubos na ang pagkain ko.
"Naku, ayan ka nanaman anak. Inaako mo ang trabaho ko, hayaan mo lang at kaya ko naman. Uuwi rin ako bago lumubog ang araw." Aniya at isa isa na nilang nilagay sa hugasan ang mga pinagkaininan nila.
"Nag-aalala lang ako sayo Tay, pero sige kung kaya niyo naman. Basta bago lumubog ang araw ay umuwi na kayo." Habilin ko naman at parang si Tatay ay batang nagsasaya dahil pinayagan ng magulang. Napailing iling nalang ako.
"Ako na riyan at ihatid mo nalang si Miko sa labas." Ani ni Nanay saka pinalitan ako sa paghuhugas. Sumang-ayon naman ako at pinahid sa tuwalya ang basa kong kamay.
"Tutulak napo ako, maraming salamat pala ho. Nang Maria, Nong Jiro, tuloy na ho ako." Paalam ni Miko sa kanila, Ngumiti rin sila Nanay at tumatango tango.
Si Miko or Mikeolo Arthur Serventes ay kababata kong lalaki. Sa simula palang ay malapit na kami sa isa't isa lalo na rin ang mga magulang namin. Tatay niya ay isang nangingisda, si Nong Arthur Serventes.
"May Fish Joke akong hinanda." Magiliw na sabi ni Miko sakin tsaka tumingin naman ako sakanya at tinaas ang kilay habang nakangisi na para bang nanghahamon.
"Anong isda ang pwedeng ipambayad sa kendi?" Unang hirit nito.
"Eh?... Sige, ano?" Humarap ako sakanya tsaka nakapamewang.
"Edi fishO! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" natawa ako hindi dahil sa banat niya, kundi sa tawa niyang parang loko-loko.
"May isa pa." Aniya at nagsimula na kaming maglakad ulit. Tinignan ko lang siya at sinenyasang magpatuloy.
"Anong isda ang nangangarate?" Kahit na alam ko ang sagot ay pinakita ko lang na kunware'y nag iisip ako. Gusto ko kasi siya ang mag deliver ng mismong banat niya.
"Ano?" Tanong ko naman sa kanya.
"Edi TilapYA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" umaksyon pasiyang parang nangangarate kaya natawa ako lalo.
Puro kami tawa at hanggan sa makaabot kami sa kanto at nag desisyon na doon ko nalang siya ihatid.
"Oy pre si Kleian oh!" may grupo ng lalaki na tumitingin sakin, batid kong mangingisda ang ilan dito at Ilan naman ay nag ta-trabaho sa palengke.
Agad hinarang ni Miko ang katawan niya sakin at matalim na tinignan ang mga lalaki pero hindi ito natinag, hinawakan ko ang braso ni Miko at sumenyas na gumilid siya.
Kahit na mahaba ang palada ko at tanging balat ko sa kamay ang nakikita ay napapasipol ang mga kalalakihan. Napailing iling nalang ako, Wala talagang pinipili ang mga manyak kahit na halos balot na balot ka, pagti-tripan ka parin ng mga to.
Bahagya akong lumapit sa kanila kaya maloko nila akong nginisihan. Ngumiti rin ako sa kanila.
"Alam niyo po...KUNG PASIPOL SIPOL LANG KAYO RIYAN SA HALIP NA BUMALIK SA TRABAHO WALA KAYONG MAKUKUHANG SALAPI MGA ASAWA'T ANAK NIYO AY NAGTITIIS NA SA GUTOM! PURO KARUMIHAN LAMANG IYANG MGA INAATUPAG NIYO!" Singhal ko sa kanila sabay duro sa pagmumukha nila. Tumiklop sila, dahil sa lakas ng boses ko napapatingin ang ibang dumadaan.
"Pasensya na Kley..." Paumanhin naman ng isa.
"Alis!" Taboy ko sakanila at bumalik na kay Miko na manghang mangha sakin napailing nalang ako.
"Grabe ka Kley, galing mo don." Papuri niya naman sabay akbay sakin at ang mokong ginulo pa ang buhok ko.
"Maliit na bagay." mayabang kong sagot. Saglit pa kaming nagkwentuhan bago ko napagpasyahang umuwi muna.
Pagkauwi ko ay nagpapahinga na si Nanay, si Tatay naman ay parang pumalaot na. Ilang sandali lang akong magpahinga bago nagluto ulit para sa hapunan.
Habang nagluluto ako ay dumating na rin si Tatay. Nag kwentuhan pa sila si Nanay sa patungkol sa mga nangyari kanina habang pumalaot sila ni Nonong Arturo.
Nagke-kwentuhan rin kami ng nasa hapag na at nahanda ko na ang kakainin namin. Simpleng tuyo lang at kanin. Dalawang kutsara ng kanin ulit ang kinuha ko dahil napansin kong pagod at gutom si Tatay.
"May narinig akong chismisan kanina ng pauwi ako Kley." Ani ni Tatay. Napatingin naman si Nanay saken bago binalingan si Tatay.
"Nagsisigaw ka daw doon sa kanto, sinisigawan mo daw sila Padro" sabi ni tatay napatukhim ako bago uminom ng tubig.
"Bungangera ka parin anak." Ani ni Nanay tsaka napanguso ako.
"Eh sila kasi Nay, sumisipol habang dumadaan ako. Eh iyong isipol nila, I trabaho nalang nila kikita pa sila." Sagot ko naman.
"Tama naman pala ang ginawa ng iyong anak, Jiro." Pagpapanig ni Nanay sakin.
"Pero dapat ay di na sumisigaw, ke babaeng tao nitong anak mo tapos sumisigaw. Sa susunod makiusap ka ng malumanay anak ha." Pangangaral ni Tatay. Napanguso lang ako at tumango tango.
Nakipagkwentuhan pa sila, at ilang sandali lang natapos na kami at nanghugas na ako ng pinggan. Pumunta sila Nanay sa Sala, para mag kwentuhan ulit. Wala naman kaming TV para maaliw kami kaya palagi lang kaming nag ke-kwentuhan. Mabuti narin ito at palagi naming nakakamusta ang isa't isa.
Habang nasa Sala na kami ay tumunog ang Cellphone ko. Tinignan ko ang tumawag ng makitang si Kuya Kenjiro ko iyon.
"Hoy Mack Kenjiro! Buti naman at nagparamdam ka!" Bungad ko agad. Agad akong sinuway ni Tatay dahil sa bunganga ko, humingi ako ng paumanhin agad.
"Bungaga mo Kleain! Para kang nakalunok ng megaphone!" Saway rin ng kapatid ko sa kabilang linya.
"Sorry, kamusta Kuya?" Tanong ko, sila Nanay ay nakaabang lang sa akin.
"Medyo may problema e." naririnig ko ang pagkapahiya at lungkot sa boses ni Kuya. Kaya nangunot ang noo ko.
"Ano ba iyon?" Tanong ko naman.
"Kakailanganin ko sana ng kaunting pera, medyo gipit na ako at hindi na umabot sa isang libo ang ipon ko. Kung pe-pwede, makahingi lang ako kahit konti lamang." Naawa ako kay kuya. Kaya hindi ako nagdalawang isip na umuo.
Minsan sakin siya nag ke-kwento pag nahihirapan na siya, ayaw niyang malaman nila Nanay at baka mag-aalala pa ang mga to. Kaya ako minsan ang gumagawa ng paraan para malutasan niya ang problema niya.
Minsan naman ay nagiging emosyanal siya at pinaghihinaan ng loob, hinahayaan ko lang siyang mag kwento sakin hanggang sa ayos na ang pakiramdam niya. Kinakaya namin kahit kapos kami, masaya parin kami at nagdadamayan.
"Ano sabi ng iyong Kuya?" Tanong ni Nanay ng binaba ko na ang telepono.
"May kakailanganin daw ho siya, pero wag na kayong mag alala Nay, Tay. May ipon pa ako, at buti nalang malaki laki iyon. Ako na magpapadala kay Kuya, bukas na bukas." Ani ko at nakahinga naman sila ng maluwag.
Ilang sandali lang kanya kanya na kaming pumasok sa kwarto namin.
Pagkapasok ko binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang box tsaka ang alkansya kong gawa sa kawayan.
Sa box ko ay mahigit isang libo ang laman niyon. Minsan kasi ako na bumabayad sa kuryente, pagkain at tubig dito. Kasi hindi naman ganoon kalaki ang kita nila nanay kaya tinutulungan ko sila.
Niyugyug ko ang kawayan kong alkansya, batid kong maliit palang ang laman niyon kaya binalik ko nalang sa cabinet. Tinupi ko ang isang libo at sengkwenta pesos nalang ang naiwan sakin.
Pero bahala na, kailangan ito ng kuya ko. Kakatapos ko lang naman bayaran ang mga gastusin sa bahay. Ang hindi ko lang gumagalaw na ipon ko ay iyong nasa pinakailalim ng aking mga damit na iniipon ko para sa pag-aaral.
Bata palang ay namulat na ako sa hirap ng buhay pero binalewala ko iyon at nakisama sa tadhana. Kahit na mahirap at nakakapagod, hindi ako nawalan ng lakas ng loob. Dahil sa tuwing tinitignan ko ang pamilya kong naghihirap, parang tinutusok ang puso ko.
Kahit wala ng natira sakin, basta nandyan sila parang na saakin narin ang lahat. Kahit anong hirap, sakit, pagod ang maranasan ko kakayanin ko lahat. Matulungan ko lang ang magulang at kapatid ko. Sila ang buhay ko.
Maaga akong nagising para mangisda, sumilip ako sa kwarto nila Nanay. Kurtina lamang ang nagsisilbing pintuan sa mga kwarto namin. Nakita kong mahimbing pa ang tulog nila. Kaya dumiretso na akong lumabas para mangisda.
Nakikibangka lang ako dahil wala naman kaming sariling bangka. Buti nalang at mabait ang mga nasasabayan ko. Sila Manong Jony at Manong Bitoy.
Naabutan ko narin sila Miko kasama niya ang Tatay niya, inaya niya akong makibangka sakanila pero tumanggi ako dahil marami rami rin sila sa bangka ng Tatay niya.
Tinulungan kong itulak ang bangka, at sumakay na roon. Alas tres palang ng madaling araw, medyo madilim dilim pa kaya nagdala kami ng lampara para magsilbing ilaw samin.
"Kay babae mong tao at nangingisda ka." Sabi ni Manong Jony ng binaba ang net para kumuha ng isda binaba ko rin iyong akin sa kabila.
"Nako itong si Manong, parang hindi na nasanay." sabi ko habang hinahawakan ang net.
"Ikaw lang ata ang babaeng nakikita kong nangingisda." sabi naman ni Manong Bitoy.
"Wala naman po iyan sa kasarian." Sagot ko naman habang hawak parin ang net.
"Nako itong batang to, sigurado jud ko na proud kaayo saimo si Maria ug Jiro." Ani naman nila. Napangiti lang ako.
Ilang sandali lang inangat ko na ito. Madami dami rin ang huli namin. Pag maliliit na isda binabalik ko sila sa tubig iyon lamang malalaki ang kinukuha ko. Sayang naman at Bata pa, pinagkaitan ko na mabuhay.
Palipat lipat kami hanggang sa makabalik sa kami, isang balde lamang ang kuha ko pero marami naman iyon.
Mga alas singko pa ata ng umaga ng matapos kami. Nagkita kami ni Miko ng makababa na kami. Kinawayan kawayan niya ako at tuluyan ko na siyang nilapitan.
"Madami dami rin ang huli mo, halika tulungan kita." Alok niya at di naman ako tumanggi, hinatid niya ako hanggang sa bahay.
"Salamat Miko! Baka gusto mong kumuha, kuha ka lang. Libre, para sayo!" Alok ko sakanya ng isda.
"Naku,marami kaming huli. Okay lang." Aniya at ilang sandali lang nagpaalam na siya para tulungan ang Tatay niya. Pinasok ko na ang mga isda sa bahay. Nakita ko naman na gising na si Nanay at nagluluto ng umagahan, si Tatay naman ay Nagkakape na.
Napatingin sila sakin at sa baldeng hawak ko.
"Anak! Jusko ikaw lang ba nagkarga niyan?" Nag-aalalang tanong ni Nanay at nilapitan ako at hinaplos haplos ang kamay.
"Hindi po, tinulungan ako ni Miko. Iiwan ko na po dito ang hule ko. Pwede ho ba nay na kahit malako niyo, kahit konti lang po." Nahihiya ko namang paghingi ng pabor.
"Naku anak, talagang ako maglalako niyan. Pagod ka na. Sige na at maligo ka na at kumain pagkatapos." Sumunod ako at naligo na. Mag a-alasais na kaya nagkape nalang ako pagkatapos ko maligo bago nag sepilyo at napagpasyahan ng pumunta sa trabaho.
Sabay kami ni Tatay dahil sa parehong lugar lamang ang among pinagtatrabahuan. Kahit medyo malayo ay nilalakad namin ito ni Tatay.
"Tay, okay ka lang ba sa trabaho mo?" Tanong ko ng makalapit na kami sa gate ng Hacienda ng Mga Castillo.
"Oo naman anak, wag ka masyadong mag-alala at ayos lang ang Tatay." Sabi niya at tinapik tapik ang ulo ko bago tuluyang pumunta sa mga kasamahang hardinero.
Malaki ang hacienda ng mga Castillo at marami rami rin kaming nagta-trabaho rito. Marami kaming kasambahay, at isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Sir Timoteo.
Ilang lakad pa bago marating ang mansyon nilang pagkalaki-laki. Kwento sakin ay Isa itong pagmamay-ari ng ina ni Sir Timoteo. Isa sila sa pinaka mayamang mamayan sa Siargao at sa Laguna.
Paminsan-minsan lamang ang uwi ni Sir Timoteo dito. Tuwing gusto niyang magpahinga at kung aasikasuhin ang mga businesses niya dito. Siya lang ang umuuwi mag-isa, minsan dala niya ang sarili niyang chopper at may sarili rin siyang helipad dito.
Ng pumasok ako sa bahay agad akong nagtungo sa maid's quarter para magpalit ng uniporme. Iba iba ang disenyo ng mga damit namin at may kanya kanya iyong kahulugan.
Gaya ng sakin ay isang Long sleeves na blouse na may itim na ribbon sa leeg at itim na pants tsaka sapatos rin na itim. Itinali ko lamang ang buhok kong medyo wavy at brown ang kulay na may kahabaan.
Pagkalabas ko, kinuha ko na ang checklist para I check ang mga area ng bahay kung saan na nalinisan. Umaga palang kaya wala pang tapos na gawain kaya nagsuot muna ako ng apron para tumulong sa ilang kasambahay.
Ang ilang kasambahay ay diretsong dress ang suot na kulay itim at puti rin. Pare-pareho kami ng sapatos ng mga kasambahay rito. Gusto talaga ni Sir Timoteo na uniporme lahat para pormal tignan.
Para kung sakaling may bisita, maganda itong tignan. Hindi rin basta basta nakakapasok ang sinumang bibisita rito. Bago makapasok ay dapat may kunin pa silang papel sakin. Mahigpit si Sir Timoteo lalo na dito, kasi pinapangalagaan niya ng mabuti ang bahay ng kanyang ina.
Ilang sandali lang hindi ko inaasahan ang marinig ang malakas na pagharurut ng sasakyan at saktong tumigil ito sa harap ng mansyon. Hinubad ko ang apron at sinabit sa kamay ko.
Nagtataka ako at napatingin sa chart at tinignan kung may inaasahan bang bisita pero wala naman. Sinalubong ko ang lalaking naka blue shorts at white polo na nakabukas ang tatlong butones at dahil don nakikita ang mamahalin niyang alahas na nakasabit sa leeg niya. Naga sunglasses siya at napansin ko rin ang mga silver na singsing at silver na bracelet sa kamay niya. Maayos ang buhok niya at parang naka gel pa.
Didiretso sana siya sa pinto ng hinarangan ko siya.
"Excuse me ho, we're not expecting any guest kaya kung pwede ay umalis na ho kayo." Sabi ko sabay yuko sa kanya at tiningala siya ulit para ngumiti.
Napailing lang siya at papasok sana ng humarang ulit ako. Sabi ni Sir, dapat polite daw pero tong isang to parang ang tigas tigas kaya sorry sir kung magkakamali man ako ngayon.
"Hooops! Not so fast mister!" Harang ko ulit sa kanya. Kitang kita ang iritasyon sa mukha niya at mas lalo na ng tinanggal niya ang shades.
"What the!" Iritable niyang singhal.
Nagtipa ako sa phone ko para tawagan ang guard na on-duty ngayon. Sinenyas ko ang kamay ko na tumigil siya, napasinghap siya ng hangin at iritableng pinakawalan iyon habang kinukuha rin ang phone niya sa bulsa niya at tinalikuran ako.
"Bakit ka nagpasok dito? Wala naman tayong inaasahan na bisita ngayon Jap." Bungad ko agad ng singot na sa kabilang linya.
"Ningkalit raman na si Sir ug abot. Kaya siguro wala na siyay pass na gikan saimo." Sagot niya, impossible naman na walang pass. Malalagot ako kay Sir neto.
Nagsasalita sana ulit ako ng lumitaw ang Isa sa kasamahan kong may hawak ng telepono.
"Kleian, para sayo." Ani ng isang kasambahay at nilahad sakin ang telepono.
"Hello, Kleain speaking. Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya at napansin kong nakaharap na ulit sakin ang lalaki. Masama niya akong tinignan syempre hindi ako nagpa-awat.
"Kleian, it's me!" Magiliw na boses ni Sir. Kaya agad akong tumikhim.
"Sorry sir, hindi ko po alam." Pagpapaumanhin ko.
"Did you saw my son?" Tanong nito. Chineck ko pa ulit ang list pero wala talaga.
"Wala po sir, Wala rin ho sa list ko na may darating." eksplenasyon ko naman at binaba ang list. Tinitignan lang ako ng lalaking nasa harap ko habang nakikipag-usap sa Boss ko.
"Oh, I forgot to tell you Kleian. He called me he said may ayaw daw na magpapasok sa kanya." Na realize ko agad kung sino ang tinutukoy niya. Tinignan ko ang lalaking kaharap ko, tinaasan niya lang ako ng kilay.
"He brought a blue sports car and he's wearing blue shorts and white polo, Kleian." Deskripsyon niya ay nagtugma sa dumating na lalaki.
Pakiramdam ko ay nanginit ang buong mukha ko dahil sa hiya.
"Hala pasensya na po sir, akala ko po kasi.." nasapo ko ang noo ko. Binalingan ko ang lalaking nasa harap ko. Bakit ngayon ko lang na halata na may hawig sila ni Sir Timoteo! Tanga mo Kley!
Nagpaalam na si Sir at bahagya pang natawa. Yumuko ako agad bago inabot sa kasamahan ko ang telepono.
"Paumanhin po sir, hindi ko po alam na anak pala kayo ni Sir Timoteo." Paghihingi ko ng paumanhin.
"Hmm, now you know." Masungit niyang sagot at nilagpasan lamang ako. Naiwan akong sapo ang noo dahil sa katangahan ko. Ang kotse niya naman ay pinark na ng isang helper.
Tanga mo Kley! Yun Lang! Tanga mo!