Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > A Night With A Campus Heartthrob (Heartthrob Series #1)
A Night With A Campus Heartthrob (Heartthrob Series #1)

A Night With A Campus Heartthrob (Heartthrob Series #1)

Author: : infinitelove
Genre: Romance
Si Ronoel Delos Santos, college student sa isang sikat na unibersidad. Siya ay nagsisikap upang makapagtapos ng pag-aaral. Dahil pangarap niyang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Dito niya makikilala si Bryson Montefalco- ang campus heartthrob ng university. Mayaman, gwapo, matalino, simple, at tahimik. Nasa kanya na ang katangian ng isang lalaki na pinapangarap ng mga kababaihan. Niligawan siya ni Bryson at sila ay naging magkasintahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari sa kanilang dalawa ni Bryson. Ipinangako naman sa kanya ng binata na pananagutan nito ang nangyari sa kanilang dalawa. Sa kanyang pag-alis baon niya ang kanyang wagas na pag-ibig para kay Bryson. At ngayon, dinadala niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Pagtagpuin pa kaya sila ng tadhana? O wala ng pag-asa para mabuo pa ang pinapangarap niyang pamilya para sa anak? ** Ronoel and Bryson **

Chapter 1 Family

Ronoel's

"Magandang umaga sa lahat!" bungad kong bati paglabas ng aking silid. Natakam ako sa amoy ng niluluto ni Mama mula sa kusina. "Ohh, Ronoel gising ka na pala. Maghain ka na ng plato at kakain na tayo," utos sa akin ni Mama pagpasok ko ng aming kusina. Kaagad naman akong kumuha ng plato at inilagay ito sa aming munting lamesa.

Simple lang ang aming buhay, nakakaraos naman kami sa araw-araw. Ang importante sa amin ay buo kaming pamilya. Ako, si Mama, Papa at Kuya. Araw ngayon ng linggo kung kaya naman wala akong pasok sa school. Third-year college na ako sa kursong HRM at ako ay scholar student. Ito ang kursong aking napili dahil hilig ko ang pagluluto. Well mahirap syempre sa umpisa, pero lahat naman ay napag-aaralan. Nagpa-part time job din ako sa isang coffee shop at isa akong kahera. Kaya naman sa umaga studyante ako, at sa gabi naman isa akong kahera. Syempre para makatulong na rin ako sa aking pamilya. Ang aking Mama ay labandera sa pamilya Montefalco, ang aking Papa ay tricycle driver, at ang aking Kuya ay isang construction worker. Hindi na nakapag-aral si Kuya dahil na rin sa hirap ng buhay. Kaya naman nagsusumikap ako para maiahon sila sa kahirapan na aming nararanasan.

" Tawagin mo na ang papa at kuya mo para sabay-sabay na tayong kakain," utos sa akin ni Mama. Kaya naman lumabas na ako sa kusina para tawagin sila Papa at Kuya na halatang busy sa kanilang ginagawa sa labas ng bahay. Si Papa na naglilinis ng kanyang tricycle, at si Kuya naman na nagpapanday ng upuan.

"Papa, Kuya kakain na po tayo ng almusal," tawag ko sa kanilang dalawa. Sabay naman silang napalingon at naglakad sila palapit sa akin. Sabay-sabay kaming pumasok ng bahay at dumiretso sa kusina.

"Wow! Ang bango ng sinangag, nakakagutom," sabi ni kuya na may paghimas pa ng kanyang tiyan.

"Halina kayo dito at maupo na, maaga tayo magsisimba ngayon at maaga mag-uumpisa ang misa," tawag sa kanila ni Mama. Ganito ang routine namin kada Linggo. Sabay-sabay kaming kumakain ng agahan at magsisimba, kumbaga Sunday is family day! Pagkatapos naming magdasal ay sabay-sabay na kaming kumain. Nang matapos na kami kumain ay agad ko namang niligpit ang aming pinagkainan. Ako na rin ang naghugas ng mga plato at mga ginamit ni Mama sa pagluluto. Nang mahugasan ko na lahat ay dumiretso na ako sa aking silid upang makaligo. Nagbihis na ako ng aking damit. Maong fitted pants at blouse na puti lamang ang aking suot, sa mukha ko naman ay pulbos, at liptint lang. Hindi naman kasi ako marunong sa pag make up na yan. Isang sulyap pa sa salamin at lumabas na ako sa aking silid. Naghihintay na si Mama sa aming munting sala, si Kuya at Papa naman ay nasa labas naghihintay sa amin. Sabay na kaming lumabas ni Mama at inilock na nito ang aming pinto. Sumakay na kami sa tricycle ni Papa, sa loob kami ni Mama, at si Kuya naman ang naka backride kay Papa. Pagdating namin sa simbahan ay agad kaming naghanap ng mauupuan. Medyo maaga ang dating namin kaya naman konti pa lang ang tao. Habang naghihintay sa misa ng pari ako naman ay taimtim na nagdasal,

"Lord, salamat po sa araw-araw na biyaya niyo po sa amin. Salamat po sa masayang pamilya na pinagkaloob mo po sa akin. Hiling ko po na humaba ang buhay nila Mama at Papa para makasama pa namin sila ni Kuya ng matagal. Hiling ko rin po na sana matupad ko ang aking mga pangarap. Amen!" agad akong nag sign of the cross pagkatapos kong magdasal. Pagdilat ko ng aking mga mata ay napalinga ako sa aking paligid. Marami na ang mga tao at magsisimula na ang misa.

Matapos ang misa ay sabay-sabay kaming lumabas nila Mama ng simbahan, bumili muna si Mama ng sampaguita para sa altar namin sa bahay. Dumiretso na kami sa tricycle upang makauwi na. Pagkarating sa bahay ay agad naman akong nagpalit ng damit at humiga sa aking papag upang magpahinga. Ipinikit ko ang aking mata hangga't sa ako ay hilahin na ng antok.

Tunog ng aking cellphone ang nagpagising sa akin. Agad naman akong bumangon at kinuha ang cellphone sa aking drawer. Tinignan ko sa screen kung sino ang tumatawag, pangalan ni Glodie ang nasa screen kaya naman agad ko itong sinagot.

" Bessshyyy! Tiling sagot ni Glodie. Agad kong inilayo ang cellphone sa aking tenga dahil sa lakas ng kanyang boses. Mababasag ang eardrum ko sa babaeng to eh. Tsk!

"Pwede ba Glodie 'wag ka namang sumigaw at baka mabasag ang eardrum ko sayo. Ano ba ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Sorry na beshy. Anong oras ka ba kasi pupunta dito sa coffee shop? Di'ba nga ikaw papalit kay Richel kasi may sakit nanay niya?" tanong ni Glodie sa akin. Agad akong napatingin sa orasan. Natampal ko naman aking noo ng makita ko na mag ala-una na pala. Nakalimutan ko na may pasok ako ng alas tres ng hapon. Day off ko naman talaga ngayon kaso nakiusap sa akin si Richel kagabi na ako pumalit sa shift niya. Dahil walang mag-aalaga sa kanyang ina na may sakit.

"Anu beshy? Nakalimutan mo siguro na may pasok ka ngayon," sabi ni Glodie sa kabilang linya.

"Sige na ibaba ko na 'to. Mag-aayos na ako para hindi ako ma-late," agad kong saad sa kanya upang hindi na humaba ang pag-uusap namin. Pinatay ko na ang tawag at inilagay ang cellphone sa aking drawer. Kinuha ko ang aking tuwalya at dumiretso sa banyo, naligo ulit ako para naman fresh ang itsura ko pagpasok. Matapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis ng aming uniform. Pants muna ang isinuot ko, sa locker na lang ako magpapalit ng blouse upang hindi magusot sa byahe. Humarap ako sa salamin habang nagsusuklay ng aking mahaba at tuwid na buhok, nagpulbo at nagliptint. Kinuha ko na ang bag ko na may lamang mga gamit ko at cellphone na nakalagay sa drawer. Paglabas ko ng aking silid ay naabutan ko dun si Mama sa sala na nakaupo habang nanunuod ng t.v. "May pasok ka pala? Kumain ka na muna ipinagtabi kita ng ulam. Hindi na kita ginising kanina para kumain kasi mahimbing ang tulog mo," sabi sa akin ni Mama habang palapit ako sa kanya.

"May sakit po kasi ang Nanay ni Richel kaya ako papalit sa shift niya. Okay na rin po yun para may dagdag sahod ako sayang din naman," sagot ko naman kay Mama. Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Maaga pa naman kaya kakain muna ako. Tapos na akong kumain. Hinugasan ko muna yung plato na aking ginamit.

"Alis na po ako Ma!" Paalam ko kay Mama. "Sige Anak, mag-iingat ka," bilin naman niya sa akin. Hindi na ako magpapahatid kay Papa sa tricycle. Nang makalabas ng bahay ay naglakad na ako papuntang sakayan. Medyo mainit kaya kinuha ko ang payong sa aking bag at binuksan. Pagdating ko sa kanto ay may nakaparada ng jeep. Agad naman akong sumakay.

Pagkababa ko ay naglakad na ako diretso sa coffee shop na aking pinagtatrabahuhan. Napahinto pa ako ng makita ko si Bryson na nakaupo sa loob habang may kausap na lalaki. Napaka gwapo nito sa suot niyang navy blue suit. Graduating pa lang siya sa kurso nitong business administration ngunit sumasabak na siya sa mga business meetings ng kanilang kumpanya. Isa ito sa mga hinangaan ko sa kanya. Ang pagiging matalino niya bukod sa gwapo siya. Binuksan ko ang pinto ng coffee shop at iniwasan kong mapatingin sa gawi nila. Dumiretso ako sa locker at nagpalit ng blouse. Pinusod ko ang aking mahabang buhok at nilagyan ito ng hairnet. Sinuot ko na rin ang apron sa aking bewang bago tuluyang lumabas ng locker room.

"Uuwi ka na ba?" tanung ko kay Glodie habang nagbibilang siya ng pera.

"Beshy buti naman at dumating ka na. Alam mo ba kanina pa yan nandito si Bryson?" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Glodie. "Baka naman kasi hindi pa sila tapos sa meeting nila," sabi ko naman sa kanya. "Hindi ko naman binibigyang kahulugan ang mga bagay na ganun kasi wala namang pag-asa na magustuhan niya ako. Sa dami ng magaganda at seksing babae na nakapaligid sa kanya," dagdag ko namang sabi sa kanya. Sabay sulyap sa gawi nila Bryson.

"Ewan ko sayo beshy. Malay mo lang naman na may gusto siya sayo di'ba? Hindi naman malabong mangyari yun kasi maganda ka naman at seksi. Kulang ka lang sa ayos," sabi niya pa sa akin. Napanguso naman ako sa huli niyang sinabi.

Matapos magbilang ng pera ay pinasa na niya sa akin ang kaha. Sakto alas tres ay naka duty na ako. Pansin ko naman ang pagsulyap ni Bryson sa pwesto ko kaya medyo nailang ako. Nagpaalam na sa akin si Glodie na siya ay uuwi na. Kumaway ako sa kanya bago pa siya makalabas sa coffee shop.Napansin ko naman ang pagtayo ni Bryson sa kanyang upuan at naglakad papunta sa akin. Nataranta ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ronoel, right?" sambit niya sa pangalan ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya at kita ko ang pagtitig niya sa akin.

"Y-es S-ir?" nauutal kong sagot sa kanya. Sheyt! Kinakabahan talaga ako pag kaharap ko siya. Feeling ko pinagpapawisan na ako ng malagkit. Yumuko ako para hindi niya mapansin na kinakabahan ako.

"Just relax, hindi naman ako nangangain or nangangagat," napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Kita ko ang pag ngisi niya. Napatitig tuloy ako sa labi niya na mapupula, masarap sigurong mahalikan mga labi niya? Napailing na lamang ako sa aking naiisip, nagiging mahalay na ako kapag kaharap ko si Bryson.

"Stop staring at me, it looks like you want to kiss me," natauhan naman ako sa sinabing niya na iyon. Para bang nabasa niya nilalaman ng isip ko. Masyado ba akong obvious? tanong ko sa sarili. Napahiya ako sa sinabi niya at feeling ko ay namumula ang aking mukha.

Tumikhim ako bago magsalita para maibsan ang hiya na aking nararamdaman

"Oorder ka po ba Sir? May nakapila na po kasi sa likuran niyo," nakanguso kong sabi sa kanya. Lumingon naman ito sa kanyang likuran at nakita niya ang dalawang babae na nakapila. Ibinalik nito ang tingin sa akin.

"Please give me one cold brew and one iced espresso," sabi niya sa akin, sabay abot ng card niya. Kinuha ko naman ang card at agad ko rin naman ibinalik sa kanya pagkatapos ko itong i-punch sa aking computer, upang mabayaran ang bill niya. Nang magawa na ang order niya, kinuha ko ito at iniabot sa kanya

"Here's you order Sir. Enjoy your coffee!" Nakangiti kong sabi. Gumanti naman siya ng tipid na ngiti. Umalis na siya sa harapan ko at bumalik na sa kanyang table.

Dumarami na ang costumer dito sa coffee shop kaya naman hindi ko masyadong napapansin si Bryson. Kapag ganitong oras kasi ay maraming nagkakape at tumatambay sa coffee shop na ito. Bukod kasi sa nakakarelax tumambay dito ay talaga namang masarap ang kape. Tumingin ako sa table nila Bryson ngunit parang tapos na sila mag-meeting. Napasulyap ako sa wall clock at mag alas singko na pala. Ang tagal naman ng meeting nila, inabot ng halos dalawang oras.

Nakita ko ang pagtayo nilang dalawa at nag shake hands pa. Hawak na rin ni Bryson ang attache case niya at sabay na silang lumabas ng kanyang kausap.

Nakaramdam ako ng lungkot ng mawala na siya sa aking paningin. Hayss bukas ko na ulit siya makikita sa campus, sabi ko sa aking sarili. Ngunit nagulat ako ng biglang may iniabot na maliit na papel sa akin si Aljon ang kasama kong waiter.

"Ronoel para sayo daw sabi ni Sir, yung nakaupo sa table 5 kanina," turo niya sa table nila Bryson kanina. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Si Bryson lang naman ang nakaupo dun kanina sa table 5 at yung ka-meeting nito na lalaki rin. Kinuha ko ito at ibinuklat upang mabasa ko ang nakasulat. Napangiti ako at kinilig sa aking nabasa.

"You're smile is the best way to start my day! Take Care!" Bryson. (may drawing na smiley)

Gusto kong tumili at magtatatalon sa sobrang kilig.

Chapter 2 Sausage

Ronoel

Alas nuwebe na nang ako ay makapag-out sa trabaho. Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad pauwi ng bahay. Sobrang saya ko talaga ngayong araw. This is the best day ever! sigaw ng utak ko sabay taas ng dalawang kamay. Napalinga agad ako sa paligid. Buti na lamang at wala ng gaanung tao kung hindi ay nakakahiya. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Mama at Papa na nanunuod pa ng t.v. Nag-mano ako sa kanila at dumiretso sa aking silid upang makapag palit ng damit. Kinuha ko sa aking bag ang kapirasong papel na ipinabigay ni Bryson kanina. Muli akong napangiti ng mabasa ko ulit ang nakasulat dito. Kinuha ko ang aking diary at inipit ko doon ang papel at ibinalik kong muli sa aking drawer. Kumuha na ako ng damit sa aking drawer. Pajama at t-shirt ang kinuha kong damit pangtulog. Nang makapasok sa banyo ay agad naman akong naghubad at naglinis ng aking katawan. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng silid upang kumain ng hapunan. Si Mama na lang naabutan kong nanunuod sa sala, marahil ay tulog na si papa. Dahil maaga pa itong papasada ng tricycle bukas.

"Anak kumain ka na lang diyan at ako ay matutulog na," humihikab na sabi sa akin ni Mama sabay patay ng t.v.

"Sige po Ma, goodnight!" Sabi ko bago makapasok si Mama sa silid nila ni Papa. Kaagad naman akong kumain at pagkatapos ay naghugas ng plato na aking ginamit. Nag-double check ako ng pinto kung naka-lock na ba ito bago ako tuluyang pumasok sa aking silid. Diretso na akong humiga sa aking higaan at napapatitig sa kisame. Hangga't sa unti-unti na akong hinila ng antok. Dala siguro ng pagod sa pagtatrabaho ay agad naman akong nakatulog.

Napabalikwas ako nang bangon sa tunog ng alarm clock. Tinignan ko ang oras mag alas singko na pala ng umaga. Kaagad naman akong bumangon at dumiretso sa banyo upang maligo. Nag-suot na ako ng aking uniporme at lumabas ng aking silid. Nakita ko si Mama na naglalagay ng plato sa mesa.

"Good morning po Ma!" bati ko kay Mama habang ako naman ay naupo na at nagsandok ng sinangag. "Good morning anak! Ito na pala ang baon mo naka-ready na," ganting bati naman sa akin ni Mama, sabay abot ng aking baunan.

"Salamat po," sabi ko at kinuha ang baunan. Binilisan ko na ang aking pagkain dahil ayaw kong mahuli sa aking klase. Traffic pa naman kapag ganitong araw ng Lunes. Tapos na akong kumain at tumayo na ako.

"Alis na po ako Ma, Pa, Kuya!" Paalam ko sa kanila.

"Sige anak mag-iingat ka!" Bilin naman sa akin ni Papa. Nagpaalam na ako at nagtuloy-tuloy ng lumabas ng bahay.

Sumakay na ako ng jeep papuntang eskwelahan. Malapit lang ang coffee shop na aking pinagta-trabahuhan sa eskwelahan. Kaya naman after ng klase diretso na ako sa coffee shop para pumasok naman sa trabaho.

Inilabas ko na aking i.d para ipakita sa guard ng school.

"Good morning kuya!" Nakangiti kong bati kay manong guard.

"Good morning!" Ganting bati naman ni manong guard sa akin. Pagka-check ng i.d ay diretso na ako pumasok sa university.

Sa Chua-Lim University ako nag-aaral at isa akong scholar student. Hindi naman kasi namin afford ang tuition dito. Buti na lamang at nakapasa ako sa exam for scholarship.

"Ronoel!" Napalingon ako sa aking likuran. Boses pa lang niya ay alam ko na kung sino ito. Si Maya, ang classmate at friend ko dito sa campus. Siya lang naman ang unang bumati at nakipag-usap sa akin sa unang araw ng pag-pasok ko dito. Kabilang si Maya sa mga mayayaman ko na kaklase. Maganda ito sexy at kikay. Kaya naman kapag kami ang magkasama

napagkakamalan akong yaya. Mabait si Maya at friendly. Masaya siyang kasama kaya naman mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob.

"Ohh! Maya wala bang naghatid sayo? Hingal na hingal ka. Saan ka ba galing?" tanung ko kay Maya nang makalapit siya sa akin.

"Nagpababa lang ako sa tapat ng gate. Nakita kasi kitang papasok na eh. Hindi ko naman akalain na napakabilis mong maglakad," hinihingal niyang sabi sa akin sabay akbay sa mga balikat ko na may kasamang pag-irap.

"Alam mo na ba ang tsismis?" bungad niyang tanong sa akin. Ang aga-aga tsismis agad ang sasabihin. Tsk!

"Ano? " balik tanong ko sa kanya

" Usap-usapan kasi dito sa campus na may natitipuhang babae na daw si Bryson," binubulong niyang chika sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Maya na may lihim akong pagka-gusto kay Bryson. "Saan mo naman yan nabalitaan? Baka naman fake news yan?" tanong ko naman sa kanya.

"Syempre kanino pa ba? Eh di sa mga bitch girls na nagkakandarapa kay Bryson. Pero alam mo--" bitin ni Maya sa kaniyang sinasabi

"Anu un?" hilig kasi mambitin ng sinasabi eh. Kinakabahan tuloy ako sa susunod niyang sasabihin.

"Malakas ang kutob ko na ikaw ang tinutukoy nila na babae," sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Hay naku Maya isang malaking fake news talaga yang sinasabi mo sa akin. Malabong mangyari na magustuhan niya ako. Malay mo naman may iba pa na babae. 'Wag mo na ako paasahin kasi malabo talaga yun mangyari," depensa kong sabi sa kanya. Pero sa puso ko ay umaasa ako na sana ay totoong ako na lang yun.

Nakarating na kami sa aming classroom at umupo sa kanya-kanya naming upuan. Magkatabi lang naman kami ni Maya. Dumating na ang aming professor. "Good morning Ma'am!!!" Sabay-sabay naming bati. Ginugulo ng isip ko ang nga sinabi ni Maya sa akin kanina. Paanu nga ba kung ako talaga yung babae na tinutukoy nila? Sana ako na lang talaga, hiling naman ng isip ko. Walang na-absorb ang utak ko sa lessons ngayong araw. Hanggang sa mag-lunch break ay lutang pa rin ang isip ko.

"Hoy! Kanina ka pa wala sa sarili. Okay ka lang ba?!" Pang-gugulat niya sa akin. Kaya agad naman akong napatingin sa kanya.

"Oo okay lang ako. May naalala lang," sabi ko sa kanya. Papasok na kami ng cafeteria upang mag lunch. May baon naman ako kaya hindi na ako bibili pa. Hahanap na lang ako ng mauupuan namin ni Maya habang siya ay papunta sa counter upang mag order ng kanyang pagkain. Nakahanap ako ng upuan na bakante malapit sa bintana. Umupo ako at inilabas ang aking baon. Binubuksan ko na ang aking baunan nang dumating si Maya sa table na may dalang tray. Carbonara with garlic bread, at orange juice lamang ang in-order nito. "Ganyan lang ba ang kakainin mo?" tanung ko sa kanya habang sumusubo ng aking baon na kanin at adobong manok.

"Oo, alam mo naman na diet ako-" naputol ang iba pa niyang sasabihin ng biglang nagtilian ang mga kababaihan sa loob ng cafeteria. Isang grupo ng mga lalaki ang pumasok. Walang iba kundi sina Bryson, Greyson, Xander, at Lyndon ang campus heartthrob ng university.

Mababait naman sila lalo na si Bryson. Hindi naman sila katulad ng iba na mayabang at mga siga. Napatingin ako sa kanila habang naglalakad papuntang counter. Siguro ay bibili na sila ng pagkain. Mayayaman sila ngunit simple lang kung pumorma. Kaya naman mas lalo kong nagustuhan si Bryson dahil sa kasimplehan niya. Hindi rin nila pinagmamayabang ang yaman na meron sila.

Tapos na silang umorder kung kaya naman papunta na sila sa pwesto namin. Siguro makiki-share nanaman sila ng upuan. Nililigawan kasi ni Xander si Maya kaya lagi itong nagpapapansin sa aking kaibigan. "Maya papunta na dito sila Xander," bulong ko kay Maya na patay malisya. Hindi niya kasi type si Xander, masyadong choosy. Inirapan niya lamang ang sinabi ko sa kanya sabay lingon sa kanyang likuran. Nakatayo na duon sila Bryson na may kanya-kanyang hawak na tray. "Hi girls!" Nakangiting bati naman ni Lyndon sa amin. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya.

"Pwede ba kaming maki-join sa inyo? Wala na kasing bakanteng mesa," nakangiting sabi ni Xander. Napalinga naman ako sa paligid at napaismid nang makita ko na marami pa namang mga bakanteng upuan. Para-paraan lang talaga itong si Xander upang makasama lang si Maya habang kumakain.

"Hay naku Xander wag mo sirain ang araw ko," pagtataray na sabi ni Maya kay Xander na may kasamang pag-irap. Ngunit hindi naman siya pinakinggan ni Xander at tuloy-tuloy na itong umupo sa bakanteng upuan katabi ni Maya. Sumunod naman sa kanya sina Bryson at Lyndon. Umirap si Maya kay Xander. Hindi naman ito pinansin ni Xander, may pilyong ngiti pa ito sa kanyang mga labi habang nakatingin kay Maya. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa, nakakatuwa kasi silang tingnan.

Hindi ko naman namalayan na umupo sa tabi ko si Bryson kaya bahagya akong napausod ng upo. Bigla tuloy akong nailang nang tumabi siya sa akin. Langhap na langhap ko ang kanyang pabango. Napatingin ako kay Maya at pilyang napapangiti sa akin sabay nguso kay Bryson. Pinanlakihan ko naman siya ng mata dahil baka mahuli siya sa kanyang ginagawa.

Tahimik kaming kumakain. Samantalang si Xander ay hindi mapakali, panay ang tanong kay Maya kahit hindi naman siya pinapansin nito. Nakangiti akong nakatingin sa kanila ng bigla may naglagay ng sausage sa plato ko. Napataas ang kilay ko at napalingon kay Bryson

"Sayo na lang. Sobra pala yung nabili ko," sabi niya sa akin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nila Lyndon at Xander.

"Bro, para-paraan ka rin eh. Dalawa naman talagang sausage ang inorder mo," natatawang wika ni Xander kay Bryson. Nabaling ang tingin ko kay Bryson at kita ko ang panlalaki ng mata niya kay Xander. Napalingon si Bryson sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya at napayuko na lamang. Pakiramdam ko namumula ako sa sobrang kilig. Napasulyap naman ako kay Maya na halatang pigil na pigil ang pagtawa. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa at pinanlakihan siya ng mata.

Matapos kumain ay agad ko namang niligpit ang aking baunan at ibinalik sa aking bag. Sabay-sabay na kaming tumayo.

"Salamat nga pala sa sausage," nakayuko kong wika kay Bryson bago ako umalis. "You're welcome," sabi naman niya sa akin. Hindi ko na siya sinulyapan pa dahil pakiramdam ko pulang-pula na ang aking mukha. Kaagad ko namang hinila si Maya paalis ng cafeteria. "Bye girls!" Dinig kong paalam nila Xander at Lyndon. Gusto kong magtatatalon sa kilig at tuwa. Kung pwede nga lang itago ang sausage ay gagawin ko para dalawa na ang remembrance ko galing sa kanya. Pagkalabas namin ng cafeteria dumiretso kami sa may likod ng campus. Nang nakarating kami dito sa likod ng campus hindi na namin napigilang tumalon-talon at tumili ni Maya. Dahil sa sobrang kilig na kanina pa namin pinipigilan. "OMG Ronoel! Iba talaga ang nafi-feel ko dyan kay Bryson eh. Ramdam ko talagang may gusto siya sayo!" Kinikilig na sabi niya sa'kin. Maging ako ay kilig na kilig sa nangyari kanina. Simpleng gesture niya lang kasi sa akin ay talaga namang kinikilig ako. "Ako din naman kinikilig sa inyong dalawa ni Xander. Alam mo bagay na bagay talaga kayong dalawa," nang-aasar na wika ko sa kanya. Bigla naman niya akong inirapan sa aking sinabi. "Wag mo nga iniiba usapan. Wala naman akong gusto kay Xander masyado kasing babaero," nakanguso niyang sabi sa akin. Natatawa na lang ako sa mga reaksyon niya. Kaya ang sarap niyang asarin. "Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa next subject natin," sabi niya sa akin sabay hila ng aking kamay. Napasunod naman ako sa kanya at dumiretso na nga kami sa classroom para sa last subject namin ngayong araw.

Natapos na ang aming klase sa araw na 'to. Napatingin ako sa aking relo, mag-alas dos na pala ng hapon. Napabuntong hininga ako ng malalim. Hays! Isa't kalahating oras na lang pahinga ko. alas kwatro kasi ang oras ng duty ko ngayon sa coffee shop. "Ronoel hindi ka pa ba papasok sa coffee shop?" tanong sa akin ni Maya habang inaayos nito ang kanyang gamit. "Alas kwatro pa ang duty ko. Dito muna ako magpalalipas ng oras at para makapagpahinga na rin," sagot ko naman sa kaniya. "Sige mauna na ako sayo ha. Nag-text na kasi yung driver namin. Nandun na daw siya sa labas ng gate," sabi niya sa akin sabay lapit para yumakap. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"Bye! Mag-iingat ka," paalam niya sa akin. "Ikaw din, mag-ingat ka!" Nakangiti kong paalam sa kanya sabay kaway ng aking kamay. Ako na lang mag isa dito sa classroom. Wala naman ng susunod na klase kung kaya naman pwede ako tumambay ng matagal dito sa loob. Inilagay ko ang aking bag sa ibabaw ng mesa at ginawa itong unan. Iidlip muna ako bago pumasok. Pumikit na ako at agad namang hinila ng antok.

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong may humahaplos sa aking pisngi. Unti-unti akong napadilat ng aking mata at luminga sa paligid, ngunit wala namang tao. Panaginip lang siguro yun, aniko sa sarili. Kaagad naman akong tumayo at lumabas ng classroom.

Chapter 3 Invitation

Ronoel's POV

Naglalakad na ako palabas ng university nang tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko itong kinuha sa aking bag, pagbukas ko ay text message ni Glodie ang bumungad sa akin. "Beshy, otw ka na ba dito sa coffee shop?" basa ko sa kanyang mensahe. Huminto muna ako sandali sa aking paglalakad upang makapag-reply sa kanya."Oo beshy, kakalabas ko lang ng university. Naglalakad na ako papunta diyan sa coffee shop," agad ko naman itong sinend kay Glodie at itinuloy ang aking paglalakad. Tumunog muli ang aking cellphone hudyat na nag-reply si Glodie," Bilisan mo beshy kasi nandito si Bryson kasama ang barkada niya!" Napakunot naman ang noo ko sa aking nabasa. Hindi na ako nag-reply pa. Inilagay ko na ulit sa bag ang cellphone ko. Na-i-imagine ko tuloy si Glodie habang sinasabi niya yun sa akin. Parang inasinan na bulate nanaman ito na hindi mapakali. Napailing na lang ako sa aking naisip.

Childhood friend at bff ko si Glodie. Simula pa nung mga bata pa kami ay lagi na kaming magkasama. Kaya naman ng mag-opening ang Infinity Love Cafe ay sabay kaming nagpasa ng resume. At laking tuwa namin nang pareho kaming natanggap sa trabaho. Nakakalungkot lang kasi hindi na niya naipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Dahil tulad ko ay hirap rin sa buhay. Mabait, maganda, at kikay rin si Glodie tulad ni Maya. k

Kahit na hirap sa buhay ay magaling siya mag-ayos ng kanyang sarili. Hindi tulad ko na tinalo pa ang may isang dosenang anak. Kaya siguro hindi ako magustuhan ni Bryson. Tsk!

Tanaw ko na ang coffee shop kaya binilisan ko pa ang lakad. Ewan ko ba, na-excite ako bigla ng malaman ko na nandun si Bryson. Pumasok na ako sa loob, agad naman akong binati ni Glodie "Hello beshy!" Malawak ang mga ngiti nito. Marahil dahil ito kay Greyson.

Nakita ko naman sila Bryson na nakaupo sa dulong bahagi at nakatingin silang apat sa akin,

"Hi Ronoel!" Nakangiting bati sa akin ni Xander. Sa kanilang apat si Xander ang pinakamadaldal at pilyo.

"Hello!" Nahihiya kong bati sabay yuko ng ulo. Pag angat ko ng ulo ay nakita ko si Bryson na nakatitig sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at naglakad na papuntang locker room.

Pagkapasok ko sa locker room ay agad naman ako nagpalit ng uniporme. Sampung minuto na lamang ay duty ko na. Naalala ko naman ang naramdaman ko na paghaplos sa aking pisngi kanina. Bigla tuloy akong kinilabutan sa naisip. Hindi kaya may multo sa campus? Hindi naman totoo ang multo na 'yan eh. Siguro panaginip lamang 'yun, napailing na lamang ako sa aking naisip. Lumabas na ako sa locker room upang puntahan si Glodie. As usual nahuli ko siyang nakatitig kay Greyson habang malawak ang kanyang mga ngiti. Napailing na lamang ako sa kanyang itsura. Tinulak ko ang kaniyang noo gamit ang aking hintuturo, " Nangangarap ka nanaman ng gising," nakangiti kong wika sa kanya. Inirapan naman niya ako sa aking sinabi.

"Hmp! Minsan ko na nga lang makita si Greyson eh. Buti ka pa lagi mo nakikita si Bryson," nakanguso niyang saad sa akin. "Sshhh! 'Wag ka ngang maingay dyan baka marinig ka nila," sabi ko sa kanya sabay lingon sa pwesto nila Bryson.

"Hindi pa rin ba nakakapasok si Richel?" tanong ko sa kanya para maiba ang aming usapan.

"Hindi pa raw magaling yung nanay niya. Wala naman kasi magbabantay, " sagot naman niya sa akin.

Nakilala lang namin si Richel dito sa coffee shop. Kasabayan din namin siya mag-apply. Katulad namin ni Glodie, hirap rin ito sa buhay.

Nagpupunas ako ng countertop habang nagbibilang naman si Glodie ng pera sa kaha nang lumapit sa amin si Greyson. "Ronoel para sa'yo nga pala," tawag niya sa akin habang iniaabot ang papel. Napatigil naman ako sa aking ginagawa. Samantalang si Glodie ay parang maiihi na sa sobrang kilig. Pasimple ko siyang sinipa at pinanlakihan ng mata. Ibinalik ko naman ang tingin kay Greyson at kinuha ang ibinibigay niya sa aking papel na sa palagay ko ay invitation card "Graduation Party," mahina kong basa sabay angat ng tingin kay Greyson.

"Sa susunod na buwan pa naman 'yan. Punta ka ha. Isama mo na rin si Maya at Glodie," saad n'ya sa'kin at ibinaling naman ang kanyang tingin kay Glodie. Nakatitig lamang si Glodie kay Greyson, habang malawak ang mga ngiti " Sige pag-isipan ko muna. Sasabihan ko na rin si Maya bukas," nakangiti kong saad sa kanya para maagaw ko ang kaniyang atensyon. Nagmumukha na kasing tanga yung katabi ko dito na animo'y nangangarap ng gising.

"Sige balitaan mo na lang ako kung pupunta kayo," nakangiti rin niyang saad sa akin. Isa pang sulyap ang ibinigay niya kay Glodie at bumalik na ito sa kanilang pwesto. Kaagad ko namang pinalo si Glodie sa kanyang balikat upang matauhan. "Aray naman! Nakakarami ka na ah!" Galit niyang sabi sa akin sabay himas sa kaniyang balikat. Hindi naman malakas ang pagkakapalo ko sa kanya. Masyadong OA lang talaga ang kaibigan ko! "Anung nakakarami? kulang pa nga 'yan para magising ka sa katotohanan," nakapameywang kong sabi sa kanya.

"Hmp! Kontrabida ka talaga sa lablayp ko!" nakairap niya namang wika sa akin.

"Masyado ka naman kasing obvious. Nakakahiya dun sa tao," sermon ko sa kaniya "Ano ka ba beshy! Iba na ang generation ngayon. Sa panahon ngayon babae na ang nanliligaw para hindi maunahan ng mga haliparot sa paligid," katwiran niya pa sa akin. Agad namang nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.

"Kaya naman kung ako sa'yo liligawan ko na yan si Bryson. Sige ka magapang pa yan ng mga babaeng nakapaligid sa kanya," dugtong niyang sabi. Kinilabutan naman ako sa kaniyang mga sinabi.

"Manahimik ka na nga, ang dami mo pang sinasabi baka kung may makarinig sa'yo sabihin masyado kang desperada!" Saway ko sa kanya. Tanging irap lang ang sinagot niya sa sinabi ko. Hinablot naman niya sa aking kamay ang hawak kong invitation card na binigay ni Greyson.

"Naku beshy! Sigurado ako na bongga ang graduation party na 'to!" Excited niyang wika sa akin. Mas excited pa yata siya kaysa sa'kin. " May susuotin ka na ba?" tanong niya sa akin. "Wala pa. Tsaka pag-iisipan ko pa kung pupunta ako," sabi ko sa kaniya na may halong lungkot sa aking tinig.

"Alam mo beshy 'wag mo ng pag-isipan. Pumunta na tayo dito, ako ang bahala sa'yo. Aayusan kita ng bongga!" Kumbinsi niya sa akin.

"Basta bahala na. Sasabihan na lang kita kung pupunta tayo sa graduation party na yan," wika ko sa kanya.

Matapos ayusin ni Glodie ang kaha ay agad ko naman siyang pinalitan. Mukhang wala pa siyang balak umuwi dahil nandito pa si Greyson. Dumarami na rin ang dumarating na customers. Karamihan sa mga pumapasok ay mga estudyante at professors ng university. Kaya naman naging abala ako.

Napansin ko naman ang pagtayo nila Bryson. Mukhang tapos na sila sa kanilang ginagawa. Palapit sila sa pwesto namin ni Glodie at nagpaalam "Ronoel, Glodie uwi na kami!" Nakangiting paalam ni Xander. "Mag-iingat kayo!" Ganti ko namang wika sa kanila.

Samantala nakatayo lamang si Bryson sa tabi ni Xander habang nakatitig sa akin kaya naman nailang ako sa kaniya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi ko mawari. "Bye Glodie! See you at the graduation party," paalam naman ni Greyson kay Glodie na sinamahan niya pa ng pagkindat. Kaya naman pigil ang kilig ni Glodie habang siya ay nakaupo malapit sa kinatatayuan ko. Kahit ako ay kinilig sa pagkindat ni Greyson. Pero syempre mas doble ang kilig kung si Bryson ang kikindat sa akin. Kaya naman napangiti ako ng wala sa oras. Napatingin naman ako kay Bryson at kita ko ang kanyang pagngiti habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang aking mukha sa uri ng titig niya.

"You're blushing," nakangising wika ni Bryson. Kaya naman napalingon silang apat sa akin.

Napahawak naman ako bigla sa aking pisngi upang matakpan ang aking mukha. "H-hindi ah! Sa liptint lang yan na pinahid ko sa pisngi ko kanina!" Nahihiya kong sabi sa kaniya. "Ayie! Beshy bakit namumula ang mukha mo!? Sa pagkakatanda ko hindi ka naglalagay ng liptint sa pisngi!" Kantiyaw naman sa akin ni Glodie sabay sundot sa tagiliran ko. Pinanlakihan ko naman agad siya ng mata dahil sa pambubuking niya sa akin. Nilingon ko si Bryson at kita ko ang pigil niya na pagtawa. Napalinga na rin ako sa aming paligid. At kita ko ang ibang customer na nakatingin sa amin. Kaya naman lalo ako nakaramdam ng hiya, gusto ko na lamang maglaho na parang bula sa harap nila. "Kanina naglagay ako!" Agad ko namang sabi sa kanila. Sabay baling ng tingin kay Glodie at tinaasan ko siya ng kilay. "Okay sabi mo eh!" Pigil tawa niyang sagot sa akin.

"Bye girls!" Paalam ulit ni Xander habang natatawa. Nang makalabas sila Bryson agad kong nilingon ng may masamang tingin si Glodie. "Bakit? Ano naman ang kasalanan ko at ganyan ka kung makatingin sa akin?" natatawa niyang tanong sa'kin. Hahabulin ko sana siya ng kurot ngunit mabilis siyang tumakbo palayo sa'kin at nagpaalam na uuwi na "Bye beshy! Bagay sa'yo yung blush on mo!" paalam niya sa'kin na may halong pang-aasar. "Tse! Madapa ka sana!" Sigaw ko naman sa kanya.

Nahagip naman ng aking paningin ang invitation card para sa graduation party nila Bryson. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Dahil isang buwan na lang mula ngayon na makikita ko siya sa campus. Bagsak ang aking balikat habang nagbibilang ng pera sa kaha. Malapit na magsara ang coffee shop. Patapos na ako ng bigla may nagbukas ng pinto. Nakayuko ako sa drawer at inaayos ang laman nito kaya naman hindi ko nakita kung sino yung pumasok. "Sorry po sarado na k-," nabitin sa ere ang sinasabi ko ng mag-angat ako ng tingin, at nang makilala ko kung sino ang pumasok. Walang iba kundi si Bryson.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022