Genre Ranking
Get the APP HOT
Home > Romance > A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I
A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I

A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I

Author: : LP4real
Genre: Romance
Normal, may kaya, gwapo, matalino, at higit sa lahat ay ma-alaga. 'Yan ang mga katangiang natatangi kay Tar, ngunit sa isang normal na relasyon ay hindi niya mahanap ang tunay na saya at ligaya ng pag-ibig. Si Tar ay may kapatid na babae na siyang pinaka-iingatan niya, hindi niya ito pinapabayaan. Ano kayang pwedeng mangyari sa kaniya kung makilala niya ang kaniyang tunay na pag-ibig? Masisiyahan ba siya? Magiging kuntento ba siya 'pag nahanap na niya ito? Malamang ay madami siyang pagda-daanang hirap kapag sinubukan niya iyon. Tuklasin at tunghayan natin kung anong magiging kahihinatnan ng pagiging gwapo at matalino niya. A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I ©2022

Chapter 1 Simula

"Maghiwalay na tayo Tar!"

"Bakit naman.. Jane?"

"'Di ko na kaya, 'di ko na kaya na pakinggan ang mga sinasabi nila!"

"B-bakit? Ano bang mga sinasabi nila?"

"Na.. na hindi tayo karapat-dapat at may gusto ka sa lalake, Tar 'wag mong isiping mali ang sasabihin ko pero tama naman sila. Pero.. sana 'wag kang magbago, Tar alam ko na ang swerte ko dahil naging jowa kita.. gwapo ka, may kaya, matalino, masyadong nakaka-akit at alam kong makakahanap ka pa ng mas better sa akin," tumulo ang nga luha ko hindi dahil sa hiniwalayan nya ako kundi dahil sa sabi nyang may gusto ako sa lalake. Oo alam ko sa sarili ko na isa akong bisexual pero para sa kanya pinilit kong maging totoong lalake.

Tinalikuran nya ako na umiiyak at sandaling katahimikan ang namutawi at umalis na rin ako.

*TOK TOK TOK*

Agad akong nagmulat ng mata dahil sa lakas ng katok na yon.

"Kuya andyan ang mga pulis! Hinahanap ka!" mabilis akong bumangon at binuksan ang pintuan, ngunit sa halip na si Mel na ang kapatid ko ang makita ko ay wala! Dali-dali akong bumaba ngunit walang tao at mas lalong walang pulis! Inis kong pinuntahan ang kapatid ko na nasa kwarto nya at ayun na naman ang malakas nyang tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" sinimangutan ko lang sya dahil ayaw kong masira ang sira ko na talagang araw, char. Ayaw kong masira ang unang araw ko sa kolehiyo.

Pagkatapos kong maligo ay binilisan kong isuot ang plantsado kong uniporme, pagtapos kong mag-ayos at magsuot ng pampalinaw sa mata na eye glass ay agad akong bumaba upang mag-agahan.

"Bunso! Agahan na!" sigaw ko pa rito sa kapatid ko.

"Bilisan mo jan! Sabay tayong aalis sabi ni mama!" sigaw ko ulit.

"Talaga kuya? Andito si mama!?" sigaw nya pabalik tsaka lumabas ng kwarto nya.

"Gaga! Nagbigay lang ng mensahe andito na kaagad? T-teka! Bumaba ka na nga! Lalamig na yung pagkain oh!" sigaw ko tsaka naman tumunod yung hagdanan ibig sabihin ay pababa na sya.

"Hala! Ang bihis ah! Naka-eye glass pa! Ano yan? Bago? Astigg," sabi nya na gustong gusto ang postura ko ngayong araw.

"Hehe salamat," tanging naisagot ko nalang.

"Maganda yan para wala ng magkagusto sa'yo," sabi nya sabay upo at naglagay na ng kanin sa plato nya.

"Haha, loka loka. Hindi naman, gusto ko lang ng bago," sabi ko habang nilalagyan ng ulam ang plato kong may kanin na.

"Ahh," sabi nya lang. Sandaling katahimikan ang namutawi, ngunit binasag rin.

"Ah! Ano bang mensahe ni mama?" tanong nya.

"Na sabay tayong aalis ngayon at naghabilin sya na babantayan raw kita," sagot ko sa tanong nya.

"Ehh? Yun lang? At ano babantayan mo ako? Ano ako bata?" angil nya pa dito.

"Haha oo nga eh, ewan ko ba?" walang matinong sabi ko.

"Hahaha, wag nalang natin pansinin," at nagkatitigan kami sabay na.

"HAAHAHAHA!" natawa kaming dalawa.

Siya na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin, inihanda ko muna yung kotse ko at sa labas ipinarada. Pumasok na muna ako sa bahay para kunin ang naiwan kong bag.

"Mel! Bilisan mo aalis na tayo!" pahabol ko bago lumabas ng bahay.

Nakarating kami sa paaralan ng tamang oras, sabay kaming pumunta ng kapatid ko sa kaniya-kaniya naminh classroom.

"Mel mauna na ako," sabi ko.

"Sige kuya.. bye," sagot nya tsaka kami nagbeso-beso. Nauna na akong umalis para hanapin ang classroom ko, by the way ang itsura ko pala ay yung tipong normal na estudyante lang, naka-eye glass, at nagdadala ng libro. Pumasok na ako sa silid aralan ko, umupo naman ako sa gilid na pinakalikuran, tsaka saktong pumasok yung guro namin sa syiensya. Hindi na ako nag-abalang makinig pa dahil noong nakaraang bakasyon ko ay puro pagbabasa lang ang ginawa ko.

Hindi ko talaga maiwasang isipin kung bakit ko napaginipan ang pakikipag-hiwalay ni Jane sa'kin, at mas lalong tumatak sa isip ko ang sinabi nyang parang mas gusto ko pa ang lalaki.

N A K A R A A N

"Ano ba Tar!? Tigilan mo na nga ang kakahabol sa'kin!" pagtataboy sa'kin ng isang lalakeng gusto ko.

"Pero gusto nga kita Liam, at hindi ko mapigilang pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Pero mali eh, mali na magkagusto ka sakin, at isa pa hindi din kita gusto maging kasintahan. Oo alam kong magkaibigan tayo pero sana hanggang doon na lang," tsaka sya tumalikod. Hinabol ko pa sya ng tingin at nung mawala na sya ay iginala ko ang paningin ko ng dahan-dahan at nakita kong nakatayo doon si Jane sa may poste. Pinuntahan ko sya para kumprontahin kung anong narinig nya.

"Anong ginagawa mo dyan?" matigas na pagkakasabi ko.

"A-ah wala napadaan lang," mahinang sabi nya.

"Eh ano ang narinig mo?" paninigurado ko rito.

"W-wala!" utal na pagkakasabi nya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang narinig, dahil kung ipagkakalat mo ang narinig mo ay mananagot ka sa'kin," galit na pagkakasabi ko dala ng rejection.

"Hmm? Paano kung may narinig nga ako?" natinag naman ako sa tanong nya.

"A-anong narinig mo?" utal na tanong ko.

"Hmm. Lahat! Lahat narinig ko," malakas na pagkakasabi nya na parang sinisindak pa ako.

"Anong balak mong gawin sa nalaman mo?" mahinahong pagkakasabi ko.

"Ano ba dapat? Siguro ipagkakalat ko na bakla ka?" tanong nya at nagulat pa ako kase bakit lahat ng tao kapag nagkakagusto kami sa kapwa namin lalaki ay iniisip na nilang bakla na kaagad? May mga espasyo pa naman sa puso namin para sa babae ah, at isa pa dahilan na iyon para isipin kong isa bisexual.

"Anong dapat kong gawin? Para pigilan ka sa binabalak mo?" kabadong sabi ko at tanging naiisip kong paraan para patahimikin sya.

"Hmm, gusto kita sa paraang nakikita ki.. gusto ko maging akin ka, naiisip ko nasa iyo na ang lahat. Hindi nasa iyo na talaga ang lahat, gwapo ka, may paghanga ako sa'yo at nakakaakit kang tignan, kaya gusto ko na maging jowa kita," nakahinga naman ako ng maluwag dahil yun lang ang kondisyon nya.

"Okay! Payag ako!" at iniabot ko ang kamay ko.

"Magaling, sige!" tsaka kami nagkamayan.

K A T A P U S A N - N G - N A K A R A A N

Pumasok ang ikatlong asignatura ngunit wala man lang akong interes, kanina na sabik ako kase unang pasok ko ito pero ngayon parang gusto ko ng umuwi. Sa kalagitnaan ng diskusyon ay may nakapukaw ng aking atensyon na kung saan binanggit ng aming professor ang tungkol sa kasarian, kasariang hindi ko maipaliwanag dahil nagkagusto ako sa parehong kasarian. Hindi ko maitatangging ako ay nagkakagusto sa dalawang kasarian at matatawag iyong bisexual.

"Okay, 'yan na muna sa ngayong araw," rinig kong anunsyo ng aming professor.

"Makaka-alis na kayo," tsaka kami nagsitayuan at nilisan ang silid-aralan na iyon, unang araw ko ito ngayon at gusto ko maging espesyal ang araw na ito. Nasa lalagyan ako ng mga gamit ngayon at isinisilid ang mga dala kong libro, dala-dala ko parin ang bag ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Pinuntahan ko ang aking kapatid na babae sa kanilang silid upang sabay na kaming mananghalian.

Pagkarating ko at nag- antay pa ako ng ilang minuto bago may lumabas kaya kinalabit ko sya at tinanong.

"Nanjan pa ba si Mel?" tanong ko pero parang natulala naman sya sa mukha ko.

"H-ha? Ah oo andito s-si Mel," nabubulol na sabi nya.

"Mel!" sigaw pa nya at nag-antay nalang ako.

Chapter 2 Bagong Kaibigan

Mel's PoV

"Pwede na kayong mag-sikain," sabi ng guro namin. Nag-ayos pa muna ako ng gamit ko nang may tumawag sa pangalan ko...

"Mel!"

"Ano!?" inis kong bulyaw sa tumawag.

"May naghahanap sayo! Sobrang gwapo!! Kaso parang nerd," sabi nya na galing sa masaya pababa sa malungkot na ekspresyon.

"Ha!? Sino?!" tanong ko tsaka ko isinuot ang bag sa likuran ko.

"Ewan ko, Mel raw eh. Naiingit ako sayo may manliligaw ka na pala," tsaka ako nagmadaling tumayo at lumabas ng silid aralan.

"Oh kuya!" pasigaw kong bati nito kase nakatalikod ito pagkasalubong ko sa kan'ya.

"Mel," bati nya tsaka nya hinawakan ang ulo ko.

"Saan tayo kakain kuya?" tanong ko sa kanya tsaka ako nagpa-alam sa kaklase ko.

"May canteen naman siguro dito kaya dun nalang tayo," sagot nya lang.

"Tara," sabi ko at tumungo kami papuntang canteen.

@SACANTEEN

"Kuya anong order mo?" tanong ko nang makarating kami sa tapat ng nagtitinda.

"Sakin? Noodles nalang," nagtaka pa ako dahil yun ang in-order nya tsaka nahahalata kong wala sya sa sarili nya ngayon.

"Okay?" naisagot ko nalang.

Ako na ang nagvolunteer na mag-order at sya naman ay naghanap ng table na mauupuan namin.

"Dalawang nga pong bowl ng noodles," sabi ko sa tindera.

"Okay, sandali lang," sagot nya pa.

"Okay....," nilibot ko nalang ang paningin ko sa cantee'ng ito.

"Eto na po..," sabay abot ng dalawang bowls ng noodles.

"Salamat po," sabay abot ng bayad.

"Eto yung sukli mo iha.. salamat.. balik ka ulit dito," tsaka ko hinanap ang kuya ko kung nasaan nakaupo.

"Mel! Dito!" sigaw ng tinig ni kuya at lumapit naman ako sa kanya.

"Ba't ka nag-noodles?" tanong nya.

"Para parehas tayo, gusto ko rin ng ordinaryong luto nila dito bukod sa luto mo!" pasigaw na sabi ko sabay kuha ng dalawang stick.

"Wehh? Mga matatamis ba iyon na salita ha?" maangas na tanong nya.

"HAHAHAHA... hindi," tsaka kami nagpatuloy sa pagkain.

Lin's PoV

Pagkatapos mag tapos ng klase ng aming guro ay agad akong lumabas ng silid aralan. Kumakalam na yung sikmura ko kaya pupunta muna akong canteen.. at ngayon nandito ako sa pilahan.

"Isang noodles at juice po sana," magalang na pagkakasabi ko sa tindera na mukhang mabait naman.

"Maihahain po ito ng dalawang minuto," sagot nya. Taray umo-okray din 'tong si manang ah.

"Yes, thanks," naisagot ko nalang. Inilibot ko muna ang paningin ko sa lugar na'to para maghanap ng mauupuan.

"Eto na po," sabi ng tindera.

"Ahh hehe paumanhin... magkano po lahat?" medyo nahihiyang tanong ko.

"Trentay-siyete po lahat," maayos na pagkakasabi nya.

"Ahh sandali lang po," tsaka ko kinuha ang pitaka ko at kumuha ng singkwenta at binigay sa tindera.

"Eto po yung sukli iha, salamat po at balik kayo," sabi nya.

"Salamat din po," sagot ko at tumalikod na.

Pagkatapos kong um-order ay maghahanap ako ng mauupuan ko. May nakita akong isang bakanteng silya at uupo na sana ako ng may grupo ng mga bakla ang uupo non kaya naghanap akong muli at may nakita na naman ako ngunit ito ay okupado na sapagkat may isa pang silyang bakante. Wala na akong mapagpipilian pa dahil lahat ng mesa ay okupado na.

"Maaari ba akong makiupo sa bakanteng silyang ito?" tanong ko sa dalawang kumakain.

"Oo naman, maupo ka," sagot ng babae.

"Maaari bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ng lalake.

"Oh ako nga pala si Tareon Cyan, pwede mo rin akong tawaging Tar," tsaka inilahad nya ang kanyang kamay.

"Ako naman si Melody Cyan, pwede mo din akong tawaging Me at oo magkapatid kaming dalawa," tsaka inilahad rin nya ang kanyang kamay.

"A-ah isa-isa lang naman hehehe," naiilang na sabi ko tsaka sila nagkatinginan.

"Ah.. HAHAHHA," sabay pa silang natawa. Magkapatid nga sila.

"Hehehe paumanhin," sabi ni Mel.

"Ahh ako nga pala si Lizette Cherth, at pwede nyo din akong tawaging Liz para hindi na mahaba," tsaka kami nagkamayan.

"U-uhmm teka, mag-isa ka lang ba? Tsaka.. wala ka bang kapatid na sabay nag-enroll dito?" tanong ni Mel.

"H-hoy.. ano ka ba?" suway ni Tar sa kapatid.

"A-ahh pasensya na.. madaldal lang talaga 'to eh," paumanhin ni Tar.

"Hmmp!" angil pa ni Mel.

"A-ah ayos lang naman," medyo naiilang na sabi ko.

"So ano nga? May kapatid ka ba? O kaibigan man lang?" ngiting usisa ni Mel.

"Meron akong kapatid na babae isa at may kaibigan naman ako kahit papano, pero.. nung araw ng unang pasukan sa ikaanim na baitang ay nakuha sya," mapait na pagkakasabi ko.

"Anong ibig mong sabihin na nakuha?" tanong ni Mel.

"Nakidnap ba sya?" usisa naman ng kapatid nyang si Tar.

"Oumm," tanging tango ko lang tsaka parang kumirot ng konti ang puso ko kapag na-aalala ko ang pangyayaring yon.

"Nakidnap ang kapatid ko ng dahil daw sa akin, wala raw akong nagawa para man lang makatakas kaming dalawa.. at sarili ko lang raw ang iniisip ko. Sinisi nila lahat sa akin ang pagkawala ng kapatid ko, pero nung oras na kikidnapin kami ay nagsakripisyo ang aking kapatid.... nagpahabol sya, ginawa nyang pain ang sarili nya," tsaka tumulo ang mga luhang kanina pang gustong bumagsak.

"Papunta na kami sa paaralan ng oras na 'yon at nasa tapat kami ng eskinita, nang may humarang sa amin at hinuli kaming dalawa tsaka dinala sa loob ng eskinitang iyon. Pero kinagat ko ang kamay ng lalaking nagtakip sa bibig ko at sinipa ang kasiyahan nito, tinulungan ko ang aking kapatid gamit ang malaking pat-pat at hinampas ito sa paa ng lalaking may hawak sa kapatid ko. Tatakbo na sana kami palabas ng eskinitang yon nang harangan kami ng lalaking kinagat ko kanina, kaya tumakbo kami pabalik sa loob ng eskinita at nagtago sa gilid ng lalagyan ng mga basura. Hingal na hingal na aking kapatid at pati na rin ako, pero hindi pa man nakakapagpahinga ang aking kapatid ay nagsalita sya. Na-aalala ko pa ang mga katagang sinabi nya na "kukunin ko ang atensyon nila, tatakbo ako papuntang gilid ng eskinitang ito at magpapahabol ako. Tsaka ka na tatakbo maliwanag? Tandang-tanda ko pa kung pa'no ang pagkakasabi nya, umiiyak na ako nun nung sabihin nya yon. Pero inisip ko na wala na akong magagawa at sumang-ayon nalang sa gustong kondisyon nya, tsaka sinabi nya sa akin na wag akong mag-alala kase susunod daw sya. Ginawa nya nga ang sinabi nya at ginawa nyang pain ang sarili nya, nagsimula na akong tumakbo nung hindi ko na sila maramdaman . Pagka-uwi ko non.. nung nakita nilang sobrang dumi ng damit ko ay nagalit si mama at papa at tinatanong nila kung nasaan ang kapatid ko, tsaka ko isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari," mahabang paliwanag ko sa kanila.

"A-ah paumanhin, hehehe sinalaysay ko pa talaga ang storya ko kahit hindi ko naman kayo tinanong kung pwede hehehehe," napayuko nalang ako sa kahihiyan, hanggang ngayon masakit pa din sa aking damdamin pag iniisip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan ng magulang ko kapag na-aalala nila yung kapatid ko. Dumaan pa ako sa maraming pagsubok bago ko mapagtantong dapat hindi ko masyadong iniisip ang mga sinasabi nila. At isa pa hindi ko din naman talaga kasalanan na sya yung nahuli. Masakit man pero napagsasalitaan ko na din si Mama dahil sya yung may pinakamasakit na sinabi sa akin. Ayaw ko na ulit mangyari iyon, maramdaman yung sampal nya.

Chapter 3 Katalinuhan

Tar's PoV

Masyadong nakakalungkot pakinggan ang pangyayaring naganap sa buhay ni Liz. Kung tutuusin sa istorya nya ay hindi naman sya ang dapat sisihin sa nangyari dahil bata pa lang naman sya nung maganap ang ganong insidente. At isa pa malamang nagsakripisyo at nagpa-ubaya lang naman ang ate nya dahil wala na itong maisip na paraan at sinunod lang nito ang bilin ng kanyang nakakatandang kapatid. Alas dose imedja na nang matapos kaming kumain at napagdesisyunan kong tumambay muna dito ng mga ilang minuto.

"Kuya, mauna na siguro ako," sabi ni Mel tsaka tumayo.

"Sige una ka nalang Mel," tapos nag beso-beso kami.

"Ah ikaw Liz? Saan ba ang silid mo? Sabay na tayo?" tanong ni Mel.

"Ahh.. sige sige," sagot nya sabay tayo at kinuha ang bag nito.

"Alis na po kami," sabi ni Liz.

"Paalam kuya, kita nalang tayo mamaya," sabi ni Mel.

"Sige ingat at magpakabuti sa klase ha?" bilin ko pa.

Pagka-alis nila ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nag scroll scroll muna sa IG. Nagpost ako ng litrato namin kanina nila Liz at Mel na may caption na:

Maraming salamat Panginoon sa bagong taon ng pag-aaral, bagong pahina na naman ang mabubuklat at kaibigang makikita.

Pagkatapos ay ti-nag ko si Liz sa ayji nya at ang kapatid ko namang si Mel. Pagkatapos kong mag-post ay nag efbi na naman ako at kaparehas lang din ng pi-nost ko sa ayji. Kahit kaunti lang nakukuha kong likes ay sapat na sa akin iyon, para sin naman 'to sa mama ko. Kahit si mama ay adik na din sa sosyal mija. Gusto ko lang naman malaman ni mama kung anong mga nagaganap sa amin ni Mel. Si mama kasi yung tipong dapat mong ipa-alam ang mga importanteng nangyayari sa amin para daw 'di sya mag-alala. Ayos lang sa'min yun ni Mel at komportable naman kami sa ganoong kondisyon. At para sa kaalaman nyo tungkol sa papa ko... hehe 'wag na po nating pag-usapan.

Napag-desisyunan kong isauli ang mga bowl na ginamit namin kanina, kasama na din yung kay Liz. May lalagyan naman sa mga bowl kaya yun nalang ang ginamit ko para 'di na ako mahirapan, may mga laman pa kase 'tong bowl kaya ayaw kong pag-patung-patongin. Naglalakad na ako patungo kung saan ito ilalagay nang mawalan ako ng balanse at mabunggo ng 'di ina-asahan. Sa kamalasan nga naman at natapon po yung natitirang pagkain sa naka-unipormeng lalaki, kung makikita ninyo ngayon ay hindi maipinta ang mukha ng lalaki dahil sa galit nito.

"Put- anong ginawa mo sa uniporme ko!?" nangga-galaiting tanong nito.

"A-ahh hindi ko sinasadya, paumanhin natapunan kita dahil nawalan ako ng balanse kanina," sabi ko pa sa kan'ya pero hindi nagbago ang ekspresyon nito.

"Nawalan ng balanse?! Ha!? At ano? Dahil lang sa isinalaysay mo ay paniniwalaan na kita?" pagkatapos ay dinaklot nya yung kwelyo ko at nabitawan ko ang dala-dala kong lalagyan.

"Nagsasabi ako ng totoo," kalmado kong sabi dahil ayaw ko ng gulo.

"Ha!" inis nya talagang sigaw.

"Paniniwalaan kita.. sa ngayon! Pero sa oras na maulit ang insidenteng ito, 'di lang yan ang aabutin mo," tsaka nya ako patapong binitawan. Tumalikod naman sya at bumalik sa kanyang upuan. Medyo nahihiya ako dahil may konti pang tao na nandito ngayon at nakatingin sa akin. Pinulot ko ang lalagyan at ang mga bowl na nagkalat sa sahig, tsaka ako pumunta sa lalagyan ng mga pinag-gamitan ng pagkain. Pumunta muna ako sa banyo para ayusin ang damit ko at naghugas na din ng kamay.

Bumalik na ako sa silid aralan ko dahil malapit na atang mag-simula ang klase, at sa pagkaka-alam ko ay kasaysayan ang asignatura namin ngayon. At 'yan ay isa sa mga ayaw kong asignatura bukod pa jan ay ang filipino'ng asignatura. Pero gayunpaman kahit ayaw ko sa mga asignatura'ng 'yan ay may sapat naman akong kaalaman para may maisagot sa klase.

"Magandang hapon sa lahat!" panimulang bati ng guro namin sa kasaysayan.

"Magandang hapon din po ginoo," pabalik naming bati sa kan'ya.

"Maupo!" sigaw nya.

"Ang ating pag-aaralan ngayon ay tungkol sa kontinente," panimulang diskusyon nya.

"Mayroon tayong pitong kontinente sa mundong ito, at maaari bang isa sa inyo ang magsabi ng mga kontinente?" tanong nya sa aming lahat.

"Ginoo! Africa po!" taas kamay'ng sagot ni Lex.

"Hmm, magaling! Ano pa?"

"Ginoo, Asia!" si Ana ata yung sumagot.

"Ginoo, Antarctica!" si Jose.

"Ginoo, Australia!" hindi ko kilala ang nagbanggit.

"Ginoo, Europe!" si Gab.

"Ginoo, North America at South America po!" si Julie naman.

"Aha! Magaling mga studyante. Patunay ngang nag-aaral kayo," pagbibigay komento nya sa mga sumagot.

"Uhmm, ginoo!" pagta-taas kamay ko dahil may gusto lang akong i-kompirma.

"Oh ginoong?" tanong nya.

"Tareon po ginoo, Tar nalang po para konti," sabi ko.

"Oh Tar, ano 'yon?" tanong nya.

"Ginoo, gusto ko lang po sanang ipa-alam na may walo po tayong kontinente sa mundo at may isang hindi nabanggit doon," panimula ko at ina-asahan ko ng magulat ang mga mukha nilang lahat.

"At ano naman ang panghuli, Tareon?" tanong nya.

"Ang kontinente ng Zealandia ginoo," sagot ko at nagtaka sila.

"Sa karamihan ng mga pamantayan, ang ating mundo ay may pitong kontinente – Africa, Antarctica, Asia, Australia/Oceania, Europe, North America, at South America. Naniniwala ang isang grupo ng mga geologist na dapat nating kilalanin ang ikawalo at yun ay ang Zealandia ginoo," pagpapaliwanag ko.

"Hmm tama! Magaling! Parang narinig ko na din ang kontinente ng Zealandia noon, pero nasa 21st century na tayo ginoong Tareon, kung kaya't ang tunay na bilang ay pito lamang. Pero magaling ka dahil naibahagi mo ang kaalamang yan na noon pa at mas mahalaga ay naipa-alam mo ito sa mga hindi alam. Magaling, palakpakan!" sabi ng guro at sinunod naman ng mga kaklase ko at pinalakpakan nga ako. Tsaka nagpatuloy sa diskusyon ang aming guro.

"Maaari bang magbigay kung ano ang kontinente?" tanong uli ng guro.

"Ginoo!" sigaw ni Julie.

"Oh binibining Julie?" at tumayo naman si Julie.

"Ang kontinente ay isa sa ilang napakalaking landmass. Karaniwang tinutukoy ng kombensiyon sa halip na anumang mahigpit na pamantayan, hanggang pitong rehiyon ang karaniwang itinuturing na mga kontinente sa geopolitikong paraan," pagtatapos ni Julie.

"Magaling Julie! Saktong-sakto!" komento ng guro.

"Pero ginoo! Sa heolohikal, ang mga kontinente ay tumutugma sa mga lugar ng mga fragment ng kontinental tulad ng Madagascar na hindi binibilang sa mga geopolitikal na kontinente. Ang ilang mga kontinente ng geologikal ay natatakpan ng tubig, tulad ng Zealandia. Ang kontinental krust ay kilala lamang na umiiral sa ating mundo," dagdag pa nya. Hindi lang pala ako ang may alam sa Zealandia kundi sya din.

"Kamangha-mangha kayong dalawa binibining Julie at ginoong Tareon. Alam mo din pala ang kasaysayan ng kontinente tulad ng Zealandia binibining Julie. Maaari na kayong mag-ingay at kausapin ang mga kaibigan nyo. Nasagot na lahat ng dapat kong itanong. Palakpakan nyo naman ang dalawang matatalinong estudyanteng ito," sabi ng guro at nagsipalakpakan naman ang lahat, pagkatapos ay umalis na sya.

Sumunod naman ang ikalimang asignatura at yun ay ang ingles, isa sa paborito kong asignatura. Nakinig naman ako at ang idi-diskusyon nya ngayon ay ang 'The Portrait of Lady' na may walong pahina at limang tula at ang bawat pahina ay may sariling titulo. Medyo hindi na ako nakinig at kinuha nalang ang kwaderno ko para magsulat ng mga mahahalagang impormasyon.

Download Book

COPYRIGHT(©) 2022