Chapter 4 Tres

"Mom?"

"Shh, wag mo na gisingin ang Madam, young Master. Kakatulog lang po niyan."

Nagising ako matapos marinig ang ingay sa labas lang ng kwarto. Mukhang kararating lang ni Logan galing sa school.

Mabilis akong bumangon at napatakbo sa full-length mirror para maiging tingnan kung mukha ba akong bruha o diyosa. Ayoko namang lumabas roon na may laway pa sa gilid ng bibig na nagpapahalatang 'I woke up like this'.

Naghilamos ako't umihi na rin bago nagbihis. Tiningnan ko ang orasan syempre para san pa ba? Para malaman ang oras duh.

Alas tres palang nang hapon. Ang aga naman ata pinalabas ng mga guro ang studyante nila?

"Logan?" tawag ko sa bata habang ako'y pababa ng hagdan.

Natagpuan ko lang naman siya sa kusina, pumapapak ng toasted bread na may nutella. Kaharap niya ay si Mary Jane na may ginigisa pa atang spam para gawing palaman.

Tahimik sana akong tatabi kay Logan nang mahuli niya akong nakatayo lang sa pasukan ng kusina.

"Mom!"

Mabilis siyang nakababa sa upuan niya, maging ang pagtakbo niya papunta saakin.

Gamit ang maliliit niyang mga braso ay niyakap niya ang bewang ko. Gusto kong magtitili sa cute na gesture ng batang to. Alam kong anak ko siya at nakatira lang kami sa iisang bahay pero parang bet ko siyang isako't iuwi samin.

"Kailan ka pa nakauwi, baby? Ba't di niyo ako ginising?" tanong ko.

Kinarga ko si Logan na mabilis namang ikinalapit saamin ng mga kasambahay, sinasabing mabigat ang bata at sila na lang daw gagawa. Aba ganun ba ako ka-weak sa paningin nila? Malakas ako no, kaya ko pa nga makipagsuntukan tsk.

"Kakauwi lang din po ni Young Master, Madam. Gigisingin niya nga po sana kayo para magmeryenda pero ang bilin po kasi samin ni Sir, kung makatulog man kayo, hayaan namin kayo magpahinga." Mahabang paliwanag Mary Jane na tinanguan ko lang.

"Eh si Lucas? Parang di ko siya nakikita ah." Hirit ko pa pagkatapos maibaba si Logan sa upuan niya kaharap ang kitchen counter.

"Daddy is at work, Mom!" Si Logan naman ang sumagot ngayon.

Binalingan ko siya't nginitian. "Alam ko baby.. akala ko lang sabay din kayo uuwi." Turan ko.

Mabilis siyang tumango saakin na para bang nagegets niya ako. Ang cute cute talaga parang ang sarap panggigilan. Lalo na kasi ang pula pula ng labi tsaka pisnge.

"Daddy's company is fine without Daddy.. he has another work Mom!" Pagsisimula ni Logan, "He looks so cool with his other work. He wears this black tight suit like super man! Then he goes pew! pew!" Masiglang kwento niya at aliw na aliw ako kasi parang kumikinang ang mga mata niya.

Mahina akong napatawa. Tinulungan ko siyang abutin ang plato na may sandwich na gawa ata ni Mary Jane, maging ang baso na may lamang orange juice. Sumubo siya kaya habang puno pa ang bibig niya'y nagtanong ako.

"Ano ba 'tong other work nato, Logan? Can you tell me?"

Pakiramdam ko'y napatigil maging ang pagtrabaho ng mga maids sa paligid ko, matapos kong pakawalan ang mga salitang yon. May nasabi ata akong mali?

Ibinaba ni Logan ang hawak na sandwich sa plato, at inabot niya ang bibig para pahiran.

"Daddy says I can't tell you anything Mommy.." tumingin saakin ang bata, "You can ask Daddy though! He says he will answer anything you are curious about!"

Bumuntong hininga ako para mawala ang tensyon na sa di ko malamang dahilan ay nararamdaman ko. Alanganin akong ngumiti sakaniya at umiling na lang.

"Nevermind baby. Sa susunod na lang siguro."

Tumalikod ako, iniwanan ko na lang roon ang bata at napagdesisyonan ko na lang tumambay sa living room. Si Lucas daw ang tanungin ko eh, hihintayin ko na lang siya.

Hindi kalaunan ay narinig ko na din ang tunog ng isang sasakyan. Lumingon ako sa pintuan, at saktong namang pumasok ang asawa ko.. na by the way ay sobrang gwapo sa suot niyang suit. Rawr.

Habang tinatanggal ang kaniyang necktie, at nang maibaba niya ang hawak na brief case, ay saka niya ako nakita. Medyo na hurt naman doon ang beauty ko.

Ngayon mo lang napansin ang maganda mong asawa? Charot.

"What are you doing here, Althea?"

Napakurap-kurap ang mata ko sa itinawag niyang pangalan. "Althea?" Ulit ko pa.

Ngumiti saakin si Lucas na para bang naaaliw. Tinanggal niya muna ang unang layer ng suot niya, at isinampay niya ito sa sandalan ng sofa. Naupo siya sa tabi ko, saka nagtawag ng maid na kukuha ng inumin.

Napalunok na lang ako at feel ko ang init init ng pisnge ko. Akala siguro ng katawan ko mestiza siya kung makapag-blush.

"Your name.." Pagsisimula niya. Tila nagaalangan pa, "Do you want to know your name?"

Nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya, mas lalo naman akong kinilig dahil ewan ko ba, may sa higad ata ako dati.

Kinalma ko ang sarili bago magsalita, "Syempre naman. Pero hindi ba tinawag mo akong Althea? Yun ba ang pangalan ko?"

Dahan dahan ay tumango si Lucas. Inalis niya ang mga mata saakin, at napainom siya sa ibinigay sakaniya ng maid na tequila. Na-amaze nga ako kasi alam ko kung ano yung iniinom niya, kahit ako mismo di ko alam pano.

"It's Althea.. Althea Venisse-Hudson." Muli siyang tumingin saakin at ngumiti, "Pretty, right?"

Oo nga feel ko ang ganda ganda ko dahil sa tingin mo. Enebe, bakit ka ganito?

Tumikhim ako at napatawa, "Parang hindi naman. Normal na pangalan pa rin." Saad ko.

"I have documents that will serve as proof for our marriage, and even of your name. You can always ask me, or you can come to my office."

Sumandal siya at hinayaan niya ang sarili na magpahinga. Nakita ko pang ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

Ilang minuto ring katahimikan lang ang namagitan saaming dalawa, bago sumagi sa isip ko ang sinabi saakin ni Logan tungkol sa other work ng Daddy niya. Ayaw ko mang distorbohin siya ay ibinuka ko ang bibig para magtanong.

"Lucas.." tawag ko, "May nabanggit saakin si Logan kanina. Ang sabi niya ay may iba ka pa raw'ng trabaho. Pwede ko bang malaman kung ano yon?"

Mabilis na naidilat niya ang mga mata na siyang nakapagpagulat saakin. Nagmukha kasi siyang patay na biglang nabuhay, natakot naman ako.

Inalis niya ang likod sa pagkakasandal at muli siyang bumaling saakin, mata sa mata.

"Do you really want to know?"

Bakit parang.. may kakaiba?

                         

COPYRIGHT(©) 2022