/0/24237/coverbig.jpg?v=5ed79ec190d0004a77c5150b48415871)
"We're gonna go now.. are you sure you're not coming?"
Alanganin akong ngumiti at umiling kay Lucas nang muli niya akong tanungin.
Isang panibagong araw nanaman ngayon at kakatapos lang namin kumain ng breakfast. Oo, magkakasabay kami, mapilit si mister eh, charot.
Pagkatapos naming kumain, inimporma ako ni Lucas tungkol sa pagpasok ni Logan sa paaralan. Inalok niya pa akong bihisan ang anak 'daw' namin. Medyo di ko pa tanggap, okay? I need time.
Humindi ako at hinayaan ang maid ni Logan na liguin siya at bihisan. Tapos niyon ay eto na kami, sa harap ng mala-palasyong mansyon, nagpapaalam ako sa mag-ama na parehong may pasok pa.
"Lilibutin ko na lang muna ang bahay habang wala kayo, kaya wag ka nang mag-alala at kayo'y humayo na." Pagtataboy ko sakaniya.
Bumuntong hinga si Lucas, oh 'di ba? Kahit ganon ka katapang, pag kaharap si misis, tiklop ka pa rin, hihi.
"Alright, take care." Ngiti niya saakin bago binalingan si Logan, "Come here son, say goodbye to your mother."
Wow natouch naman ako. Kahit wala akong maalala, at medyo nagaalanganin pa ako sa lahat, tinuturing pa rin nila akong parte ng pamilya. Kudos sakanila sa pag-gawa non.
I crouched down para pantayan ang height ni Logan. Lumapit siya saakin at marahang hinalikan ang pisnge ko. Napangiti ako. Ginulo ko ang buhok niya bago ko siya itulak pabalik sa Daddy niya. Syempre di ganun kalakas. Child abuse yun eh.
"Ingat kayo."
Iyon ang sabi ko, bago pareho silang pumasok sa itim na sasakyan, at mawala sa paningin ko.
"Pasok na po tayo Madam." Tumango ako sa kasambahay. Tumalikod ako't pumasok na nga sa mansyon.
Ayon kay Lucas, anim na taon na simula nung mahulog ako sa coma at mawalan ng alaala. At kahapon ay ang paggising ko mula rito. Base din sakaniya, naging sangkot ako sa isang aksidente na siyang naging dahilan ng lahat.
Sa totoo lang, mayroong parte saakin na nagsasabing baka nga totoo ang mga sinasabi saakin ni Lucas. Lalo na at mukhang wala naman siyang dahilan para magsinungaling saakin. Wala naman siyang makukuha kung magsisinungaling siya.. ata.
Hindi ako sigurado.. habang mayron ngang parte saaking nagsasabing ganon, meron namang nagsusumigaw na may mali at kaduda-duda sa nagpakilalang asawa ko. Paano ko malalaman na lahat nga ng sinasabi niya'y totoo? Wala akong maalala. Anong malay ko sa mga tinatago niya?
"Madam, ayos ka lang?" Nilingon ko ang kasambahay na nagsalita, "Gusto mo ng tubig madam? Namumutla ka po. Masakit po ba ang ulo niyo? Ang sabi saakin ni sir, pagpahingahin ko daw kayo pag may masakit raw ho sainyo."
"Ayos lang ako, Mary Jane. Hindi naman masakit yung ulo ko." Papapakalma ko sa pagpapanik niya. Nakita ko ang pagdadalawang isip niya, pero kalauna'y wala na rin siyang nagawa at tumango na lang.
Dahil sa kawalan ng magawa, naisipan kong maglibot libot ng konti sa mansyon. House tour muna tayo, para maging pamilyar naman ako sa tinitirhan ko. Pakiramdam ko kasi magiging ala-Dora ako kakahagilap sa mga lugar lugar dito sa bahay nato.
In fairness ha, mansyon nga. Hayop sa laki.
Naloka ako kakasilip sa mga kwartong ang tawag pa ng mga kasambahay ay theatre room, kung saan daw nanonood ng movies ganon, tapos may leisure room pa na may billiard table pa sa gitna at mga larong makikita mo lang sa mga arcade sa mall. Di lang dun natatapos, may ke-laki laki pang swimming pool na may pambata na sa tingin ko'y gawa para kay Logan.
Mansyon pa ba 'to, o resort na? Nakakaloka naman kasi yung laki.
Pagkatapos kong malibot ang buong bahay--oo nilibot ko talaga yung buo--naisipan kong umupo sa malambot na sofa sa sala upang magpahinga. Naubos ang energy ko, kakaikot sa mala-palasyong mansyon na ito.
"Madam eto po oh, kain muna kayo." Sabi ng kasambahay na inilapag ang tray ng cookies at juice sa harap ko.
Agaran akong nagpasalamat bago nilantak ang pagkaing bigay saakin. Habang ngumunguya ng cookies, ay napansin ko ang mga litratong nakapatong sa naglalakihang kabinet, pati na yung mga nakasabit sa matataas na pader.
"Mary Jane?"
"Madam?"
Lumapit ang butihing kasambahay saakin pagkatapos ko siyang tawagin. Itinuro ko sakaniya ang mga litrato, bago nagtanong, "Ano ang mga yan?"
"Litrato po Madam."
Sinamaan ko siya ng tingin. Lokong bata to, akala siguro nakikipagbiruan ako.
"Atik (biro) lang Madam," pagbawi niya, at binalingan ang mga litrato. "Ang sabi saamin ni Sir, mga alaala niyo raw ho, Madam. Pwede niyo raw tingnan kung sakali mang nagdududa raw kayo sakaniya." Sagot niya, habang pinagmamasdan ito.
"Ganon ba?" Ang tanging naibulalas ko.
Maganda ang pagkakakuha ng bawat isa sa mga ito. Pakiramdam ko nga buhay ang mga taong nasa loob nito.
Maigi kong pinagmasdan ang mukha ko sa mga larawang iyon. Ang.. ganda ko. Lagi naman, pero shet, alam mo yung blooming ka? Di ko na kasalanan kung di mo pa yun naranasan, pero yun na nga. Blooming ako.
Sa pinakamalaking larawan na nakasabit sa pader ay kuha nung kasal ata namin. Naka beige na ball gown ako, at may puti at mahabang veil na nakasabit sa ulo ko. Puno ng bulaklak na gawa sa hiyas at metal ang buhok ko na naka-ayos sa isang malinis na pagpusod.
Si Lucas naman ay parang mas trumiple ata ang pagiging gwapo. Naka-tux kasi ito ng puti, na pinaresan ng kakulay ng gown ko na necktie. May pink na bulaklak pa itong nakalagay sa bulsa ng suot niya. Hawak niya ang bewang ko, at parehas kaming nakangiti ng malawak sa kamera.
Parang.. ang memorable lang tingnan.
Sa mga larawang nakapatong naman sa malaking kabinet, ang mga kuhang naroon ay mukhang mga litratong kinunan sa araw araw na pamumuhay namin. May candid ako doon na litrato kung saan may hawak akong libro, at tila ba natatawa ako sa kumuha ng larawan. Kasunod nito, ay litrato ng umiiyak na si Lucas na may hawak ata na pregnancy test. Saya yarn, Lucas? Charot.
May dalawang litrato na parehong kuha nung mga panahong ako'y nagbubuntis ata. Iba't iba ang pose ko sa bawat larawang naka display. Isa ay habang hawak ko ang tiyan, at isa ay habang kumakain ako ng weird na ice cream na nasa isang lalagyan.
Mga panghuling litrato ay kina Lucas at Logan na. Ang pagkakasunod sunod ay mula nung unang pumasok sa skwela si Logan, hanggang sa lebel ng pagaaral niya ngayon. Mukha namang masaya at mukhang kami nga ay isang pamilya.
Pakiramdam ko.. lahat ng sinabi saakin ni Lucas ay totoo.